48. Pagninilay Tungkol sa Pagsusukli sa mga Kabutihan

Ni Nathan, Timog Korea

Noong 2022, nakatanggap ako ng liham mula sa iglesia sa bayan ko, na humihingi ng ebalwasyon sa isa sa mga sister na si Zhang Hua. Nakasaad sa liham na ginagambala niya ang buhay iglesia, pinag-aaway ang mga tao at bumubuo ng sarili niyang grupo. Ilang beses na sinubukang makipagbahaginan ng mga lider pero walang nangyari, at lumaban siya sa pamamagitan ng pagtukoy mismo sa mga sariling pagkakamali ng mga lider. Naghahanda ang iglesia ng impormasyong kinakailangan para patalsikin si Zhang Hua at hiniling sa aking magsulat ng ebalwasyon sa kanya. Nang makita ko ang liham, napagtanto kong malamang ay patatalsikin na si Zhang Hua sa pagkakataong ito dahil matagal nang nananatiling ganoon ang pag-uugali niya, at hindi pa rin nagbabago. Napakaseryoso ng kondisyong ito. Kapag iniisip ko ang pagtitiwalag kay Zhang Hua, hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol dito. Itinaas niya ang ranggo ko noon, at palagi akong sinubukang alagaan. Kung malaman niyang inilantad ko ang kanyang masasamang ginawa, ano ang iisipin niya sa akin? Sasabihin ba niya na wala akong utang na loob at walang puso? Habang iniisip ito, gusto ko na lang iwasan ang bagay na iyon. Nagkataon na mayroon akong ibang gagawin, at ipinagpaliban ko ito nang ilang araw.

Patuloy na bumabagabag sa isip ko ang isyu—may naalala akong pangyayari sampung taon na ang nakararaan. Noon, si Zhang Hua ang lider ng iglesia at itinaas niya ang ranggo ko sa gawaing nakabatay sa teksto, para mas makapagsanay ako. Kalaunan, paulit-ulit na itinaas ang ranggo ko, at lumabas ako ng aking bayan para gawin ang tungkulin ko. Naisip ko na ang makapagpatuloy sa gawaing nakabatay sa teksto ay may kinalaman sa pagtataas niya ng ranggo ko sa lahat ng mga nagdaang taong iyon. Naisip ko ang pagbabahaginan, tulong at suporta na ibinigay niya sa mga taon niya bilang lider—madali kaming nagkasundo, at inalagaan niya kami nang mabuti sa aming pang-araw-araw na buhay. Hindi lang siya naghanda ng mas maaayos na bahay para tanggapin kami, kundi kapag kapos kami sa mga damit o pang-araw-araw na pangangailangan, ipinadadala rin niya agad ang mga iyon sa amin. Naaalala ko na minsan ay nagdaos siya ng pagtitipon para sa amin. Nang nabalitaan niyang may sakit ako sa atay, nakipag-ugnayan siya sa isang brother na may kasanayan sa medisina, ikinuha niya ako ng isang dosenang bote ng mga gamot sa atay nang libre. Sobrang naantig ako roon. Maliban sa pamilya ko, walang sinumang nagpakita ng ganoong malasakit para sa sakit ko. Palagi kong nararamdaman na kinikilala at pinahahalagahan niya ako at habambuhay akong nagpapasalamat para roon. Kaya halos hindi ko makaya ang pagkaasiwa nang hilingin noon sa akin na sumulat ng ebalwasyon ni Zhang Hua, dahil alam kong marami siyang masasamang gawa—kung malalantad ang mga iyon, hahantong ito sa pagpapatalsik sa kanya. Halimbawa, sa kanyang tungkulin bilang lider, pabaya siya at walang ingat, lubhang pinipinsala ang gawain ng iglesia. Matapos tanggalin bilang lider, humayo siya para ipangaral ang ebanghelyo pero nagsimulang sumunod sa mga anticristo, hinuhusgahan at tinutuligsa ang mga lider bilang mga huwad na lider sa kanyang pakikibaka para sa pamumuno. Dahil dito, hindi magawa ng mga lider at manggagawa ang kanilang tungkulin, at lubhang nagulo ang gawain ng iglesia. Masamang tao ang kapatid niya at nang patalsikin ito, hindi natuwa si Zhang Hua at ipinagtanggol ito, nagpapakalat ng mga kuru-kuro. At iba pa. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit palaging sinusuportahan ni Zhang Hua ang mga maling tao. Pagkatapos ay naisip ko ang salita ng Diyos: “Marami sa iglesia ang hindi makakilatis. Kapag nangyayari ang mga insidente kung saan nalilihis ang mga tao, mapagpumilit na pumapanig sila kay Satanas; pakiramdam pa nga nila ay labis silang naaagrabyado na tinatawag silang mga alipin ni Satanas. Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao na hindi sila makakilatis, lagi silang nasa panig na walang katotohanan, hindi sila pumapanig sa katotohanan kailanman sa kritikal na panahon, hindi sila tumatayo at nakikipagtunggali kailanman para sa katotohanan. Wala ba talaga silang pagkilatis? Bakit mapagpumilit silang pumapanig kay Satanas? Bakit hindi sila nagsasabi kailanman ng isang salitang makatarungan at makatwiran para suportahan ang katotohanan? Talaga bang nangyari ang sitwasyong ito dahil sa panandalian nilang kalituhan? Kapag mas kaunting pagkilatis ang mayroon ang mga tao, mas hindi nila nagagawang pumanig sa katotohanan. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba nito ipinapakita na gustong-gusto ng mga taong walang pagkilatis ang kasalanan? Hindi ba nito ipinapakita na sila ay ang mga tapat na supling ni Satanas? Bakit ba palagi nilang nagagawang pumanig kay Satanas at umayon sa salita nito? Bawat salita at gawa nila, ang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha, ay sapat na lahat upang patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; sa halip, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Sapat nang kaya nilang pumanig kay Satanas upang patunayan na talagang mahal ni Satanas ang walang-kuwentang mga diyablong ito na ginugugol ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas. Hindi ba napakalinaw ng lahat ng katotohanang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Sa pamamagitan ng pagbubunyag ng salita ng Diyos, at paghahambing nito sa mga nakaraang masasamang gawa ni Zhang Hua at sa kasalukuyan niyang pag-uugali, nakita ko na palagi siyang pumapanig kay Satanas, ginugulo ang gawain ng iglesia. Naunawaan ko na sa katunayan ay alipin siya ni Satanas—isang masamang tao na ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia. Kung ilalantad ko ang lahat ng masasamang gawa at pag-uugali ni Zhang Hua, kung gayon ayon sa mga prinsipyo ng iglesia, tiyak na paaalisin siya. Pagkatapos, matatanggalan na siya ng papel na gagampanan sa sambahayan ng Diyos at mawawalan ng pagkakataon sa kaligtasan. Medyo may katandaan na siya, at hindi pa nakakabuo ng pamilya. Kung patatalsikin siya, may mapupuntahan ba siya? Nang maisip ko ang pag-aalaga at promosyon na ibinigay niya sa akin, nalagay ako sa pag-aalinlangan. Kung ilalantad ko siya, malamang na patatalsikin siya dahil sa kanyang masamang pag-uugali. Kung hindi naman, hindi ko pinoprotektahan ang gawain ng iglesia o nagiging tapat sa Diyos. Sa pag-iisip tungkol dito, naisipan kong magkompromiso. Lumipas na ang mga taon, at hindi gaanong matalas ang memorya ko. Nakalimutan ko na ang maraming detalye, kaya wala nang silbi ang magsikap na maalala ang mga ito. Isusulat ko na lang ang ilang halatang bagay at tama na iyon. Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng kaunting paninisi sa puso ko. Hindi ba’t panlilinlang at panlalansi lamang ito? Ngayon ang huling yugto ng pagbubunyag sa gawain ng Diyos, kung kailan pinagbubukod-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri. Kapag naalis na ang masasamang tao, mga anticristo, mga hindi mananampalataya at masasamang espiritu, saka lang malilinis ang iglesia at maisasakatuparan nito nang maayos ang gawain nito. Alam na alam kong masama si Zhang Hua, pero ayaw kong ilantad siya—gusto ko siyang protektahan at pagtakpan. Ito ay pagpanig kay Satanas at paglaban sa Diyos. Nang mapagtanto ko ito, natakot ako. Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng naging pagkilos niya at isinulat ang mga iyon para sa lider.

Nang maipadala ko na ito, medyo gumaan ang pakiramdam ko, pero may pakiramdam pa rin ng lungkot na naiwan. Kung babalik ako sa bayan ko balang araw at malalaman ni Zhang Hua na ako ang naglantad sa kanyang masasamang gawa, sasabihin ba niya na wala akong pagmamahal, at walang utang na loob? Sa loob ng maraming araw, kapag naiisip ko ang tungkol dito, pakiramdam ko ay may nagawa akong mali. Patuloy akong nagbulay-bulay: Alam kong naaayon sa layunin ng Diyos ang paglalantad at pag-uulat sa masasamang tao at tungkulin ito ng lahat ng hinirang ng Diyos, kaya bakit ako sobrang nalulungkot, at ayaw siyang ilantad? Bakit pakiramdam ko ay parang may utang ako sa kanya? Sa pagninilay-nilay, naalala ko na noong himayin ng Diyos ang iba’t ibang kasabihan tungkol sa moral na pag-asal binanggit Niya ang paksa ng pagsusukli sa mga kabutihan, kaya sinimulan kong basahin ang salita ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang ideya na ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian ay isa sa mga klasikong pamantayan sa tradisyonal na kultura ng Tsino para husgahan kung ang moral na pag-asal ng isang tao ay mabuti ba o masama. Kapag kinikilatis kung ang pagkatao ng isang tao ay mabuti o masama, at kung ano ang kalagayan ng kanyang moral na pag-asal, isa sa mga pinagbabatayan ay kung sinusuklian ba niya ang mga pabor o tulong na natatanggap niya—kung siya ba ay isang tao na buong-pasasalamat na sinusuklian ang kabutihang natanggap o hindi. Sa loob ng tradisyonal na kultura ng Tsino, at maging sa loob ng tradisyonal na kultura ng sangkatauhan, itinuturing ito ng mga tao bilang isang mahalagang pamantayan para sa pagsukat sa wastong pag-asal ng isang tao. Kung hindi marunong ang isang tao na buong-pasasalamat na suklian ang kabutihang natanggap niya, ituturing siyang isang taong walang utang na loob, bilang isang taong walang konsensiya at hindi karapat-dapat na pakisamahan, na dapat hamakin at itaboy ng lahat. Samantala, kung marunong ang isang tao na buong-pasasalamat na suklian ang kabutihang natanggap niya—ibig sabihin, pagkatapos niyang makatanggap ng mga pabor o tulong mula sa ibang tao, hindi siya walang utang na loob, at ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para suklian ang taong iyon—ituturing naman siyang isang taong may konsensiya at pagkatao. Kung ang isang tao ay nakatanggap ng mga pabor o tulong mula sa ibang tao, pero hindi marunong suklian ang kabutihan nito, o nagpapahayag lang ng kanyang pasasalamat gamit ang isang simpleng ‘salamat’ at wala nang iba pa, hindi ba makakaramdam ng pagkabagabag sa kanyang puso ang taong nagpakita sa kanya ng kabutihan? Hindi ba nito iisipin, ‘Hindi karapat-dapat tulungan ang taong iyon, wala siyang kuwenta. Tinulungan ko siya nang husto, pero hindi man lang niya alam kung paano ako susuklian. Wala talaga siyang konsensiya o pagkatao, at hindi siya karapat-dapat pakisamahan’? Kung makakatagpo itong muli ng ganitong uri ng tao, tutulungan pa rin ba nito ang taong iyon? Malamang ay hindi na nito gugustuhin. Mula sa nakaraang karanasan nito, natuto na ito ng isang aral: ‘Hindi ako puwedeng tumulong sa kahit sino lang—kailangan nilang malaman kung paano buong-pasasalamat na suklian ang kabutihang natatanggap nila. Kung sila ang uri ng taong walang utang na loob na hindi ako susuklian sa tulong na ibinigay ko sa kanila, mas mabuti pang hindi ko na lang sila tulungan.’ Kung makakatagpo kayo ng ganitong uri ng sitwasyon, hindi ba iyan din ang magiging pananaw ninyo? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Matapos basahin ang salita ng Diyos, nahanap ko ang dahilan kung bakit ako masyadong nalulungkot, at nakararamdam na parang may utang ako sa kanya. Naligaw at nalason ako ng kasabihan ng pagsusukli sa mga kabutihan. Mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda ko, kapag nag-uusap ang mga magulang ko, matatanda, o mga taga-nayon, ang kasabihang “pagsusukli sa mga kabutihan” ay madalas nilang napag-uusapan. Kapag nababalitaan nila kung paanong sinusuklian kalaunan ng isang nakatanggap ng tulong ang pabor, pinupuri nila ang taong ito at sinasabing mabuti siya, may konsensiya, at nararapat kaibiganin. Hinahangaan at iginagalang nila ang gayong tao, at magiliw itong binabati kapag nakikita nila ito. Pero kapag hindi sinusuklian ng isang tao ang isang pabor, ayaw nilang makisama rito. Palihim nilang binabansagan ang gayong tao na walang utang na loob, walang konsensiya at pagkatao, at hindi man lang ito binabati. Dahil nababad ako sa kapaligiran ng aking kabataan, palagi kong sinusubukang umasal ayon sa ideya ng pagsusukli sa mga kabutihan. Kailangan kong alalahanin ang lahat ng tumulong sa akin o sa pamilya ko, at suklian sila sa lalong madaling panahon. Kung hindi ko ito magagawa agad, kailangan kong maghintay at suklian sila sa susunod, kapag kaya ko na. Tila ang pag-asal sa ganitong paraan ay marangal, may konsensiya, at matuwid, at pinaboran ako ng mga nakapaligid sa akin dahil dito. Pero kay Zhang Hua, pakiramdam ko ay hindi ko nasuklian ang lahat ng kanyang promosyon, malasakit, at tulong, at pinuna ko pa nga ang kanyang masasamang gawa. Nakonsensiya ako at pakiramdam ko ay wala akong utang na loob. Kinokontrol pa rin ako ng mga ideyang ito na kahit alam kong nakakagambala lang ang masasamang tao at mga hindi mananampalataya sa gawain ng iglesia at sa mga tungkulin ng mga kapatid, ayaw ko pa ring ilantad ang kanyang masasamang gawa. Labis akong nailigaw at nahadlangan ng konsepto ng pagsusukli sa mga kabutihan.

Sa sandaling iyon, marami pa akong nabasang salita ng Diyos na nagsabing: “Ang mga kasabihan tungkol sa wastong asal tulad ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ ay hindi malinaw na sinasabi sa mga tao kung anong mga responsabilidad ang dapat nilang tuparin sa loob ng lipunan ng tao. Sa halip, hinihiling ng mga ito sa mga tao na kumilos at magsagawa ayon sa mga kasabihang ito, anuman ang mga pangyayari. Ang gayong mga kuwento ay naipasa-pasa mula sa sinaunang Tsina. Halimbawa, ang isang nagugutom na pulubing batang lalaki ay inampon ng isang pamilya na nagpakain, nagbihis, nagsanay sa kanya sa martial arts, at nagturo sa kanya ng lahat ng uri ng kaalaman. Naghintay ang pamilya na lumaki siya, at pagkatapos ay sinimulang gamitin siya bilang mapagkakakitaan, pinalalabas siya para gumawa ng masama, pumatay ng mga tao, at gumawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin. Kung titingnan mo ito batay sa lahat ng pabor na natanggap niya, ang nangyari sa kanya ay isang mabuting bagay. Pero kung iisipin mo ang mga napilitan siyang gawin kalaunan, mabuti ba talaga ito o masama? (Masama ito.) Pero sa ilalim ng pagkokondisyon ng tradisyonal na kultura gaya ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ hindi nakikita ng mga tao ang pagkakaiba nito. Sa panlabas, mukhang walang pagpipilian ang batang lalaki kundi gumawa ng masasamang bagay at manakit ng mga tao, maging mamamatay-tao—mga bagay na hindi gugustuhing gawin ng karamihan. Ngunit hindi ba’t ang katunayang ginawa niya ang masasamang bagay na ito at pumatay siya ayon sa utos ng kanyang amo, sa kaibuturan, ay nagmumula sa kanyang pagnanais na suklian ang kanyang amo para sa kabutihan nito? Partikular na dahil sa pagkokondisyon ng tradisyonal na kultura ng Tsina gaya ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ hindi mapigilan ng mga taong maimpluwensiyahan at makontrol ng mga ideyang ito. Ang paraan ng kanilang pagkilos, at ang mga layunin at motibasyon sa likod ng mga pagkilos nila ay tiyak na nalilimitahan ng mga ito. Nang udyukan siya ng pamilyang ito na gumawa ng masama, ano ang una niyang naisip? ‘Iniligtas ako ng pamilyang ito, at nagpakita sila sa akin ng kabutihan. Dapat kong suklian ang kanilang kabutihan. Dahil utang ko ang buhay ko sa kanila, dapat ko itong ialay sa kanila. Dapat kong gawin anuman ang hilingin nila sa akin; kahit na hilingin nila sa aking gumawa ng masama at pumatay ng mga tao, hindi ko maaaring isaalang-alang kung ito ay tama o mali, dapat lang akong tumuon sa pagsukli sa kanilang kabutihan. Karapat-dapat pa ba akong tawaging tao kung hindi ko susuklian ang gayon kadakilang kabutihan?’ Kaya, para suklian ang kanilang kabutihan, ginawa niya anuman ang hilingin nila sa kanya nang walang pag-aalinlangan, kahit na hiniling sa kanyang pumatay ng mga tao at gumawa ng masasamang bagay. Para lang suklian ang kanilang kabutihan, buong-kapasyahan siyang kumilos nang walang pag-aatubili, nang walang anumang pagdududa. Kaya, anong pananaw ang nangibabaw sa pag-uugali at mga pagpapamalas na ginawa niya para suklian ang kanilang kabutihan? Hindi ba’t isinasakatuparan niya ang pamantayang iyon ng moralidad? (Oo.) Ano ang nakikita mo mula sa halimbawang ito? Mabuti ba o hindi ang kasabihang ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? (Hindi, walang prinsipyo rito.) Ang totoo, may prinsipyo nga ang lalaki, at ito iyon: ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian. Kung may gumagawa sa iyo ng kabutihan, dapat mo silang suklian. Kung hindi mo ito magagawa, hindi ka tao at wala kang masasabi kung ikaw ay kokondenahin dahil dito. Ayon sa kasabihan, “Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal,” na isang maliit na bagay kumpara sa sitwasyon ko—ang aking natanggap ay hindi munting kabutihan, bagkus ay isang kabutihang nagligtas ng buhay ko. Lalong dapat kong suklian ito ng aking buhay.’ Hindi niya alam kung ano ang mga limitasyon o mga prinsipyo para sa pagsusukli sa kabutihan. Naniniwala siya na ang kanyang buhay ay ibinigay sa kanya ng pamilyang iyon, kaya dapat niya itong ilaan sa kanila bilang kapalit, at gawin ang anumang hinihingi nila sa kanya, kasama na ang pagpatay o iba pang paggawa ng kasamaan. Ang ganitong paraan ng pagsusukli sa kabutihan ay walang mga prinsipyo o limitasyon. Naging kasabwat siya ng masasama at sa paggawa nito ay sinira niya ang kanyang sarili. Tama bang suklian niya ang kabutihan sa ganitong paraan? Hinding-hindi. Kahangalan ang ganitong pagsasagawa ng mga bagay-bagay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Sa pamamagitan ng halimbawa ng Diyos tungkol sa pulubing sumukli sa kabutihan, nakita ko na ang tradisyonal na kultura ng pagsusukli sa mga kabutihan ay isang satanikong panlilinlang na naglalayong lasunin tayo. Ang ideya ng pagsusukli sa mga kabutihan ay hindi lang pumipigil sa ating kaluluwa, kundi binabaluktot din nito ang ating mga kaisipan, ginagawang utang na loob ang ordinaryong tulong sa pagitan ng mga tao na dapat tandaan at suklian, para ang isa ay hindi matawag na walang konsensiya at pagkatao. Ilang tao ang hindi na alam ang wastong sariling asal dahil sa nakaliligaw at nakalalasong tradisyonal na kulturang ito! Kahit sino pa ang gumagawa ng pabor, kahit ito ay masamang tao o taong may mga lihim na motibo, sino man ang makikinabang ay kailangang suklian ito ng kanilang buong pagkatao, kahit umabot pa sa patayan, at iba pang kasamaan. Kaya’t napagtanto ko na ang panlilinlang ng pagsusukli sa mga kabutihan ay talagang nakalalason sa mga tao. Kapag naiisip ko na inaatake ni Zhang Hua ang mga lider at manggagawa at ginagambala ang gawain ng iglesia, alam kong ang layunin ng lider sa paghingi ng ebalwasyon ay para malinaw na maunawaan kung paano karaniwang kumikilos si Zhang Hua para mapagpasyahan kung patatalsikin siya o hindi. Pero sa ilalim ng panlilihis at impluwensiya ng “pagsusukli sa mga kabutihan,” ang maisip pa lang si Zhang Hua na nagtataas ng aking ranggo at nag-aalaga sa akin—lahat ng kanyang pabor—ay nagparamdam na sa akin ng kagustuhang pagtakpan ang kanyang masasamang gawa. Litong-lito ako para malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, itim at puti! Sa puntong ito, nagawa ko nang matukoy ang ilang bagay tungkol sa ideya ng pagsusukli sa mga kabutihan. Nakita kong hindi ito positibong bagay, kundi isang panlilinlang na ginagamit ni Satanas para iligaw at gawing tiwali ang mga tao. Alam kong hindi ako dapat mamuhay ayon dito, hindi ko ito dapat ituring na isang prinsipyo ng sariling asal.

Kalaunan, marami pa akong nabasa sa salita ng Diyos na nagsabing: “Ang tradisyonal na pangkultural na konsepto na ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ ay kailangang kilatisin. Ang pinakamahalagang bahagi ay ang salitang ‘kabutihan’—paano mo dapat tingnan ang kabutihang ito? Anong aspekto at kalikasan ng kabutihan ang pinatutungkulan nito? Ano ang kabuluhan ng buong-pasasalamat na pagsukli sa kabutihan? Dapat alamin ng mga tao ang mga sagot sa mga tanong na ito, at sa anumang pagkakataon ay hindi sila dapat malimitahan ng ideyang ito ng pagsusukli ng kabutihan—para sa sinumang naghahangad sa katotohanan, ito ay lubos na mahalaga. Ano ang ‘kabutihan’ ayon sa mga kuru-kuro ng tao? Sa mas mababang antas, ang kabutihan ay ang pagtulong sa iyo ng isang tao kapag may problema ka. Halimbawa, ang pagbibigay sa iyo ng isang tao ng isang mangkok ng kanin kapag gutom na gutom ka, o isang bote ng tubig kapag uhaw na uhaw ka, o pag-alalay sa iyong makatayo kapag nadapa ka at hindi makabangon. Lahat ng ito ay mga kabutihan. Ang isang dakilang kabutihan ay tumutukoy sa isang kabutihang nagligtas ng buhay, o sa kabutihan ng pagsagip sa isang tao. Halimbawa, kapag nakaranas ka ng isang kalamidad at may nagligtas sa iyo, na tinulungan kang malampasan ito, o kapag nasa bingit ka ng kamatayan at may tumulong sa iyo, kaya naiwasan ang iyong pagkamatay—ang mga ito ay ilan sa mga bagay na itinuturing ng mga tao bilang mga dakilang kabutihan. Sa paningin ng mga tao, ang ganitong uri ng kabutihan ay nakahihigit sa anumang materyal na maliit na pabor—isa itong dakilang kabutihan na hindi masusukat sa pamamagitan ng pera o materyal na mga bagay. Ang mga nakatatanggap nito ay nakararamdam ng pasasalamat na imposibleng maipahayag sa iilang salita lamang ng pagpapasalamat. Ngunit tumpak ba na sukatin ng mga tao ang kabutihan sa ganitong paraan? (Hindi.) Bakit sinasabi mong hindi ito tumpak? (Dahil ang panukat na ito ay nakabatay sa mga pamantayan ng tradisyonal na kultura.) Ito ay isang sagot na batay sa teorya at doktrina, at bagama’t mukhang tama ito, hindi nito natutukoy ang diwa ng usapin. Kaya, paano ito maipapaliwanag ng isang tao sa mga praktikal na termino? Pag-isipan itong mabuti. Noong nakaraan, may isang video online kung saan nalaglag ng isang lalaki ang kanyang pitaka nang hindi niya namamalayan. Nakita ito ng isang maliit na aso sa malapit, at dinampot nito ang pitaka at hinabol siya. Nagkamali ng akala ang lalaki na ninakaw ng aso ang kanyang pitaka, at binugbog niya ito. Katawa-tawa, hindi ba? Mas kaunti pa ang moralidad ng lalaki kaysa sa aso! Ang ikinilos ng aso ay ganap na alinsunod sa mga pamantayang pangmoralidad ng tao. Ang isang tao ay makasisigaw sana ng ‘Nalaglag ang pitaka mo!’ Ngunit dahil hindi nakapagsasalita ang aso, tahimik lang nitong pinulot ang pitaka at sumunod sa lalaki. Kaya, kung ang isang aso ay kayang isakatuparan ang ilan sa mabubuting asal na hinihikayat ng tradisyonal na kultura, ano ang sinasabi nito tungkol sa mga tao? Ang mga tao ay ipinanganak na may konsensiya at katwiran, kaya mas may kakayahan silang gawin ang mga bagay na ito. Hangga’t may konsensiya ang isang tao, maisasakatuparan niya ang mga ganitong uri ng responsabilidad at obligasyon. Hindi na kailangang magsumikap o magbayad ng halaga, kaunting pagsisikap lang ang kinakailangan nito at paggawa lang ito ng isang bagay na nakatutulong, isang bagay na kapaki-pakinabang sa iba. Ngunit ang kalikasan ba ng ganitong kilos ay talagang maituturing na ‘kabutihan’? Umaabot ba ito sa antas ng paggawa ng kabutihan? (Hindi.) Dahil hindi, kailangan pa bang pag-usapan ng mga tao ang pagsukli rito? Hindi na ito kakailanganin(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Habang pinagbubulayan ko ang salita Niya, nabigyang-liwanag ang puso ko. Sabi ng Diyos: “Ang pinakamahalagang bahagi ay ang salitang ‘kabutihan’—paano mo dapat tingnan ang kabutihang ito?” Sa sandaling malaman ko kung paano tingnan ang “kabutihan,” makikita ko ang katotohanan at hindi na maliligaw o mapipigilan nito. Kaya pinag-isipan ko ito. Naniwala ako na nagpakita ng kabutihan si Zhang Hua sa akin sa dalawang pangunahing paraan. Unang-una, itinaas niya ang ranggo ko. Pangalawa, pinabigyan niya ako sa isang kapatid ng gamot noong lider siya. Ngayon, talaga bang kabutihan ang mga ito? Sa totoo lang, kapag ang isang tao ay may sakit o nahaharap sa ilang paghihirap, ang pag-aalok ng tulong para magbigay ng kaunting ginhawa ay normal na asal—ito ay isang responsabilidad at sentido komun. Sinumang may konsensiya at katwiran ay kayang makamit iyon, at malayo ito sa espesyal na kabutihang dapat suklian. Pero isinapuso ko ang tulong niya at itinuring ko itong espesyal na kabutihang dapat suklian, sinubukan pa ngang panatilihin siya sa iglesia sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanyang masasamang gawa. Sa pagsusukli sa kanyang kabutihan sa ganitong paraan, hindi ba’t isinasakripisyo ko ang mga interes ng iglesia para sa sarili ko? Lubos akong nalito! Inisip ko rin kung ang pagtataas ni Zhang Hua sa ranggo ko ay maituturing na espesyal na kabutihan. Naisip ko ito sa mga salita ng Diyos: “Dapat maging malinaw sa inyo ang katunayan na sa anumang kapanahunan o saan mang yugto ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, palagi Niyang kailangan ng ilang tao upang makipagtulungan sa Kanya. Na ang mga taong ito ay nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos o na ginagawa nila ang kanilang parte sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ay pauna na Niyang inorden. … Walang sinuman sa inyo ang gumagampan ng inyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos ngayon nang nagkataon lang—anuman ang pinagmulan ng sinuman sa inyo para gampanan ang inyong tungkulin, hindi ito nagkataon. Walang sinuman sa mga taong gumagampan ng mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos ang basta na lang pinili ng kung sinong tao; anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang tao, pauna itong inorden ng Diyos bago pa ang mga kapanahunan. Ano ang ibig sabihin na ito ay paunang inorden? Ano sa partikular? Ang ibig sabihin nito ay sa Kanyang kabuuang plano ng pamamahala, matagal nang naiplano ng Diyos kung ilang ulit kang darating sa mundo, sa aling lipi at sa aling pamilya ka isisilang sa mga huling araw, ano ang mga magiging kalagayan ng pamilyang ito, ikaw ba ay magiging lalaki o babae, ano ang iyong magiging mga kalakasan, anong antas ng edukasyon ang maaabot mo, gaano ka magiging mahusay magsalita, ano ang iyong magiging kakayahan, ano ang magiging itsura mo, sa anong edad ka darating sa sambahayan ng Diyos at magsisimulang gumampan ng iyong tungkulin, at anong tungkulin ang iyong gagampanan sa anong panahon. Maagang paunang inorden ng Diyos ang bawat hakbang para sa iyo. Noong hindi ka pa isinilang, at noong dumating ka sa mundo sa iyong nakaraang ilang buhay, naisaayos na ng Diyos para sa iyo ang tungkuling iyong gagampanan sa huling yugtong ito ng gawain(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Habang mas pinagbubulayan ko ang mga salita ng Diyos, mas nagiging malinaw ang mga bagay-bagay. Kung titingnan, ang aking gawaing nakabatay sa teksto ay dahil sa promosyon ni Zhang Hua, pero sa realidad, ang Diyos ang Siyang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat at nagsasaayos ng lahat. Ang Diyos ang umakay nang hakbang-hakbang sa akin sa papel na ito. Kung hindi nagtataglay ang sambahayan ng Diyos ng gawaing ito, hindi ko magagampanan ang tungkuling ito. Kaya hindi ba’t nangyari ang lahat ng ito bilang resulta ng gawain ng Diyos? Ang Diyos ang dapat kong pasalamatan at tanawan ng utang na loob, pero inisip kong si Zhang Hua ang pinagmulan ng pabor na ito, at ginusto kong suklian siya para rito. Hindi ko makita ang biyaya ng Diyos, ang kabutihan lamang ng tao. Tunay akong naging bulag, ignorante, hindi makatwiran at hangal. Ang tungkulin ni Zhang Hua bilang lider ng iglesia ay ang linangin at iangat ang mga tao ayon sa mga pangangailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos—dapat pinasalamatan ko ang Diyos, sa halip na iukol ang kabutihang ito sa ibang tao. Nang maunawaan ko na ito, gumaan ang pakiramdam ko. Ang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya sa mahigit sampung taon, ang pasasalamat na naramdaman ko sa pagpapahalaga niya sa akin, at ang pagnanais kong masuklian siya ay nawala lahat. Hindi na ako nakaramdam ng utang na loob sa kanya o pagsisisi sa paglalantad sa kanyang masasamang gawa. Nawala rin ang pagkakonsensiya sa pagiging walang utang na loob at wala nang kuwestiyon ng anumang kabutihan sa pagitan namin. Gaya ng sinabi ng Diyos: “Para sa Akin, ang kasabihang ito tungkol sa pagsukli sa kabutihan ay sadyang walang batayan. Hindi masasabing ang pagsukli sa kabutihan ay ganap na mali; kailangan mo lang itong ituring bilang isang obligasyon at isang responsabilidad. Ito rin ay isang likas na ugali ng konsensiya ng pagkatao ng isang tao. Kung ang isang tao ay tunay na nagpakita sa iyo ng kabutihan at isang mabuting tao, kung gayon kapag may mga paghihirap siya, dapat mong tuparin ang iyong responsabilidad at obligasyon, at tulungan siya sa abot ng iyong makakaya. Sapat na iyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Pinalaya ako ng salita ng Diyos mula sa gapos ng ideya ng pagsusukli sa mga kabutihan at itinama ang aking pananaw sa mga usaping ito. Lubos akong nagpapasalamat sa Kanya.

Kaya, akala ko ay tapos na ang isyu. Pero hindi nagtagal pagkatapos niyon, muli akong sinulatan ng iglesia sa bayan ko, hinihiling sa aki na isulat nang malinaw ang asal ni Zhang Hua, pati na rin ang mga oras at lugar na naganap ito, nang ipagtanggol niya ang mga anticristo at masasamang tao, at sumunod sa mga anticristo na gumawa ng kasamaan. Kung walang ganoong ebidensiya, imposibleng siyang mailarawan at mapatalsik. Matapos matanggap ang liham, medyo hindi pa rin ako mapakali. Kung isusulat ko ito, tiyak na mapapatalsik si Zhang Hua. Naging napakabuti niya sa akin, at kung gagawin ko ito, hindi ba’t … Pero agad kong napagtanto na umaandar na naman ang satanikong prinsipyo ng pagsusukli sa mga kabutihan. Kailangan kong balewalain ang ideyang ito at magsagawa ayon sa salita ng Diyos. Naalala ko na sinasabi ng salita ng Diyos: “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos. Ito ang prinsipyong dapat sundin ng mga tao. Mahal ng Diyos ang mga naghahangad ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga namumuhi at naghihimagsik laban sa Diyos—ito ang mga taong kinasusuklaman ng Diyos, at dapat din natin silang kasuklaman. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid?’ ‘Sinumang sumusunod sa kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at kapatid na babae, at ina.’ Umiiral na ang mga salitang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas malinaw ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Deretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi naaarok ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw Maaaring Tunay na Magbago ang Isang Tao). Ginawa itong napakalinaw ng salita ng Diyos: Dapat nating tratuhin ang mga tao nang may prinsipyo, mahalin ang minamahal ng Diyos at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Ang mga naghahangad at nagsasagawa sa katotohanan ay mga kapatid natin at dapat tratuhin nang may pagmamahal. Iyong mga talagang hindi naghahangad sa katotohanan o nagsasagawa nito, o gumagawa pa nga ng kasamaan na nakakagambala sa gawain ng iglesia ay hindi mga kapatid kundi mga alipin ni Satanas, masasamang tao. Kailangan silang mailantad, matukoy, at mapaalis mula sa iglesia. Ito lang ang naaayon sa layunin ng Diyos. Hindi na ako nagdalawang-isip matapos itong maunawaan. Kalakip ang mga dokumentong ibinigay ko noong una at kasama ang masusing paggunita, gumawa ako ng salaysay ng kanyang masasamang gawa. Matapos ipadala ang aking tugon, naging mapayapa at magaan ang pakiramdam ko. Sa wakas ay nakatakas na ako sa mga hadlang ng konsepto ng pagsusukli sa mga kabutihan at nakaramdam ng ginhawa ang puso ko.

Sinundan: 47. Mga Pagninilay-Nilay sa Pakikipagkompetensiya Para sa Kasikatan

Sumunod: 49. Bakit Napakahirap Umamin sa mga Pagkakamali?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito