91. Pagsisisi ng isang Rebelde

Ni Gu Wenqing, Tsina

Naging Kristiyano ako noong 1990. May isang lider ng iglesia na nagsasabi dati, “Ang Bibliya ang pundasyon ng ating pananalig, at bilang mga mananampalataya, kailangan nating sundin ang Bibliya.” Talagang nag-ugat sa puso ko ang mga salitang iyon, at naisip ko sa sarili ko, “Kailangan kong basahin nang maraming beses ang Bibliya, at basta’t nauunawaan ko ito, magkakaroon ako ng landas sa aking pananalig.” Kaya paulit-ulit kong binasa ang mga Kasulatan at madalas akong pumunta sa aking mga espirituwal na elder para sa payo. Naalala kong ibinigay sa akin ng isa sa mga elder na iyon ang mga salitang ito na nagpapalakas ng loob: “Sa iyong marubdob na damdamin para sa Bibliya, tiyak na may mahalagang gamit para sa iyo ang Panginoon balang araw.” Talagang nakapukaw sa akin na marinig ang mga salitang ito. Idinulot din nitong lalo ko pang sambahin ang Bibliya. Buhat noon, nagsimula akong gumising nang alas-kuwatro tuwing umaga para basahin ang mga Kasulatan, at mayroon akong iba’t ibang bersikulo ng Bibliya na nakapaskil sa buong bahay ko. Sa tuwing may oras na libre ako, nagbabasa ako o nagsasaulo ng mga sipi sa Bibliya. Kapag natulog ako sa gabi, maglalagay pa nga ako ng Bibliya sa may unan ko, iniisip na kung bumalik ang Panginoon sa gabi, masasalubong ko Siya na may Bibliya sa aking mga bisig. Sa madaling salita, hindi ko talaga kayang mahiwalay sa aking Bibliya. Matapos ang ilang taon, isa na ako sa mga pangunahing kamanggagawa ng mga Karismatiko sa aming siyudad, responsable sa mahigit tatlong daang lugar ng pagtitipon. Dahil mahal na mahal ko ang Bibliya, palagi kong sinasabi sa mga kapatid: “Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos(Mateo 4:4). Ang lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya, kaya ang pagbabasa ng Bibliya ay kasing-halaga ng araw-araw nating pagkain. Ang Bibliya ang pundasyon ng ating pananalig, kaya kailangan natin itong sundin anuman ang mangyari. Ito ang ibig sabihin ng maging isang tunay na mananampalataya.”

Noong 1997, maraming iglesia sa Hilagang-silangang Tsina ang may mga miyembrong sunud-sunod na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagmadali ang isa sa mga nakatataas na lider para magpatawag ng pagpupulong ng mga kamanggagawa kung saan ipinakita niya sa amin ang isang kumpol ng propaganda na sumisira at kumukondena sa Kidlat ng Silanganan at sinabi sa amin, “May isang iglesia ngayon na tinatawag na Kidlat ng Silanganan. Sinasabi nila na bumalik na sa katawang-tao ang Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos at na bumigkas Siya ng mga bagong salita at binuksan ang kasulatang nakabalumbon. Sinasabi nilang lipas na ang Bibliya ngayon, at na ang pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tanging paraan para magkamit ng panustos. Paano ito mangyayari? Sa loob ng libu-libong taon, lahat ng mananampalataya sa Panginoon ay nagbabasa ng Bibliya. Ang lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya, at walang nasa labas ng Bibliya ang salita ng Diyos. Ano’t ano man, dapat lagi tayong manatiling totoo sa Bibliya. Ang paglayo sa Bibliya ay isang pagkakanulo sa Panginoon, at pagparito Niya, hindi ka Niya ililigtas.” Lubos akong sang-ayon sa kanya, at naisip ko, “Tama. Ang lahat sa pananalig namin ay nakabatay sa Bibliya. Ni hindi iyon binabasa ng mga tao sa Kidlat ng Silanganan, kaya hindi ba’t lumilihis sila mula sa daan ng Panginoon? Kailangan kong akayin ang mga kapatid na itaguyod ang Bibliya at huwag lumihis dito kailanman.” Nagpatawag ang nakatataas na lider na ito ng tatlong araw ng mga pagpupulong gaya nito, nagsasalita tungkol sa kung paano magbabantay at sasalungat laban sa Kidlat ng Silanganan. Matapos ang mga pagpupulong na iyon, naramdaman kong parang lalong mas lumaki ang responsabilidad ko. Para protektahan ang iglesia, nagsikap ako nang husto kasama ang ibang mga kamanggagawa para harangan iyon at labanan ang Kidlat ng Silanganan. Sa bawat pagtitipon, pinag-uusapan namin kung paano ito babantayan at lalabanan. Hinikayat ko pa nga ang mga kapatid na mag-ayuno at manalangin, at hilingin sa Diyos na pigilin ang Kidlat ng Silanganan sa pagnanakaw ng tupa ng aming iglesia.

Isang araw, sinabi sa akin ng isang kapatid na isang kamanggagawa ang naniniwala na ngayon sa Kidlat ng Silanganan, at ang mga pinakamasigasig na miyembro ng kanyang lugar ng pagtitipon ay sumama na rito. Labis akong nabahala pagkarinig nito kaya nagmadali akong pumunta sa bahay niya nang hindi kumakain at nakita kong nabawasan ng 19 ang pagtitipon ng nasa 40 katao. Ang pinaka-kapansin-pansin, ang 19 na iyon ang mga pinakamasugid na miyembro sa lugar na iyon ng pagtitipon. Ang makitang ang mabubuting tupang iyon ay nanakaw ng Kidlat ng Silanganan ay talagang nakakasama ng loob para sa akin. Inisip ko sa sarili ko, “Nakakatakot talaga ang Kidlat ng Silanganan para manakaw nila ang mabubuting tupang iyon pagkaraan lang nang ilang araw na gawain.” Kaya nagmadali akong bisitahin ang mga kapatid na iyon para pigilin sila, at sinabi ko, “Ipinapahayag ng mga tagasunod ng Kidlat ng Silanganan na bumalik na ang Panginoon at bumigkas ng mga bagong salita, pero isang pagtatangka lang ito para ilihis ang mga tao. Nasa Bibliya ang lahat ng salita ng Diyos, at anumang iba pa ay paglayo sa daan ng Panginoon. Hindi maitataas ang mga taong ito sa kaharian pagdating ng Panginoon. Kung gayon hindi ba’t nawalan ng kabuluhan ang lahat ng mga taon na iyon ng pananalig sa Panginoon? Dapat kayong magsisi agad sa Panginoon.” Inakala ko na makikinig sila sa akin, pero nakakagulat, na isa sa mga sisters ang nagsabi, “Sister Gu, hindi nakabatay sa katunayan ang ipinapahayag mo na ang lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya. Sinasabi sa Juan 21:25, ‘At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin.’ Ipinapakita sa atin ng bersikulong ito na ang mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa ay hindi lubos na naitala sa Bibliya. Gayundin, ipinopropesiya ng Pahayag na pagbalik ng Panginoon, bubuksan Niya ang kasulatang nakabalumbon at sisirain ang pitong tatak, at magsasalita sa mga iglesia. Malinaw, ang mga bagong salita ng Diyos sa mga huling araw ay hindi maaaring naisulat sa Bibliya sa simula pa, kaya hindi makatwiran ang ipinapahayag mo na ang lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya.” Hindi ko talaga alam kung paano pabulaanan ito. Naisip ko, “Tama. Talagang malinaw ang bersikulong iyon sa Bibliya, kaya bakit hindi ko kailanman naisip iyon dati?” Pagkatapos sinabi ay sinabi ng sister, “Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ipinahayag Niya ang lahat ng katotohanan na naghahatol, naglilinis, at lubos na nagliligtas sa sangkatauhan. Ang mga katotohanang ito ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ito ang pagbubukas ng kasulatang nakabalumbon na ipinropesiya sa Pahayag. Hindi pagkakanulo sa Panginoon ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, kundi iyon ay pagdinig sa tinig ng Diyos at pagsunod sa mga yapak ng Kordero. Gaya ng sinasabi sa Pahayag. ‘At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon(Pahayag 14:4). Dapat mo ring basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mapagkumbabang paghahanap ang tanging paraan para marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon!” Hindi ko gustong marinig ang dapat niyang sabihin, at kaya dumampot lang ako ng Bibliya, iwinagayway iyon, at sinabing, “Nauunawaan ko ang Bibliya—hindi ko kailangang maghanap! Ang anumang nasa labas ng Bibliya ay erehiya, at hindi ka maliligtas!” Isang linggo akong nagpunta araw-araw, sinusubukang baguhin ang isipan nila. Pero kahit anong sabihin ko, determinado silang lahat na sundin ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ko nabawi ang kahit isa sa 19. Gaano ko man pinag-isipan nang husto ang usapin, nanatili akong nalilito at tinanong ko ang sarili ko, “Kapag nabasa na nila ang aklat ng Kidlat ng Silanganan, bakit hindi na mababago ang mga isipan nila, anuman ang mangyari? Kagaya ba talaga iyon ng sinabi sa amin ng nakatataas na lider na mayroong kung anong uri ng droga sa aklat nila? Pero mukhang ganap na normal naman sila, hindi talaga nalilito, at masiglang-masigla silang lahat at puno ng pananalig. Nagpapakita ng maliwanag na pang-unawa ang pagbabahaginan nila at hindi mapabubulaanan.” Litung-lito ako. Gusto kong makita nang eksakto kung ano ang nasusulat sa aklat na iyon ng Kidlat ng Silanganan. Pero naisip kong ang paglihis sa Bibliya ay pagkakanulo sa Panginoon, at hindi ako maliligtas, kaya hindi ako nangahas na muli itong pag-isipan. Kalaunan, pinatalsik ko sa iglesia ang 19 na katao na iyon at hinimok ang lahat na huwag nang makipag-ugnayan sa mga iyon. Partikular kong hinimok ang mga kamanggagawa na bantayang mabuti ang kanilang mga kawan, at na itiwalag agad ang sinumang tumanggap sa Kidlat ng Silanganan.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para bantayan ang iglesia, pero parami nang parami ang mga kapatid na patuloy na sumasali sa Kidlat ng Silanganan. Halos araw-araw may isang sumasali—hindi ko iyon basta mapigil. Labis na akong nilamon nito. Nagtatrabaho ako nang talagang mahahabang oras bawat araw sa pagtatangka na udyukan silang manumbalik, pero wala akong nakumbinsi kahit isa. Ang talagang ikinagulat ko ay na hindi nagtagal, kahit si Brother Wang Mingyi, na nakasama ko sa gawain, ay sumali sa Kidlat ng Silanganan. Hindi talaga ito inaasahan. Nagsimulang kagaya ko si Mingyi, palaging nagsasalita kung paano bantayan at labanan ang Kidlat ng Silanganan. Hindi ko kailanman inakala na mauuwi siya sa pagsali sa kanila. Pumunta ako sa bahay niya para tanungin siya. Sinabi ko, “Alam na alam mo na ang Kidlat ng Silanganan ay paglayo sa Bibliya. Paano mo nagawang maniwala rito?” Ang sagot niya ay, “Sister Gu, nakinig din ako dati sa lider, at hindi ko talaga hinanap o siniyasat ang turo ng Kidlat ng Silanganan. Bulag ko pa nga itong nilabanan at kinondena. Pero matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na nagpapakita ang mga ito ng napakaraming misteryo ng Bibliya, at nagbibigay sa atin ng landas para malinis sa kasalanan. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at ang tinig ng Diyos. Siya ang Panginoong Jesus na nagbalik. Dapat basahin mo rin ang mga salita Niya! …” Sa puntong iyon, basta ko na lang pinutol ang pagsasalita niya, sinasabing, “Tama na! Nailihis ka na—huwag mong subukang gawin iyon sa akin. Wala akong pakialam sa sinasabi mo sa akin. Hinding-hindi ko babasahin ang aklat na iyon ng Kidlat ng Silanganan!” Pabagsak kong isinara ang pinto at galit na umalis. Kalaunan narinig kong sinabi ng kamanggagawang si Liu na mahigit 100 na miyembro ang nakuha ng Kidlat ng Silanganan sa isa pang iglesia, at maraming ibang kamanggagawa ang nagsasabi na sa mga lugar nila, araw-araw na ninanakaw ng Kidlat ng Silanganan ang mabubuting tupa, at hindi nila mabawi ang sinuman sa kanila. Nagdulot ng matinding pagkabigla sa akin ang marinig ang mga bagay na ito. Inisip ko, “Paanong naging napakalakas ng Kidlat ng Silanganan? Maaari nga kayang nagbalik na ang Panginoon? Bakit tatanggapin ito ng napakaraming tao, at magkakaroon ng gayong pananalig dito kung hindi man?”

Noong Setyembre ng 1997, si Brother Li Zhi, isa sa mga pangunahing kamanggagawa sa aming iglesia, ay sumali sa Kidlat ng Silanganan kasama ang kanyang asawa. Nang marinig ko ang balita, kinuha ko ang Bibliya ko at tinipon ang apat na iba pang kamanggagawa para puntahan sila. Pagdating namin doon, sinigawan ko lang sila nang hindi sila hinahayaang magsabi ng isang salita, “Wala man lang ba kayong konsensiya? Labis kayong biniyayaan ng Panginoong Jesus—nakalimutan ninyo na ba iyon? Paano ninyo nagawang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos? Anong ibinigay nila sa inyo? Magkano ang ibinayad nila sa inyo?” Kagulat-gulat na ngumiti si Li Zhi at sinabing, “Ibinigay nila sa amin ang katotohanan at buhay, hindi pera.” Mas lalo pa akong nagalit dahil dito, at sumagot ako, “Paano nila kayo mabibigyan ng buhay? Ang anumang nasa labas ng Bibliya ay pagkakanulo sa Panginoon. Anong katotohanan at buhay?” Hindi inaasahan, tinanong niya ako bilang tugon, “Masasabi mo bang nagmumula sa Diyos ang katotohanan at buhay, o mula sa Bibliya? Ano ang sinabi ng Panginoong Jesus nang pagalitan Niya ang mga Pariseo? ‘Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagkat iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Napakalinaw ng Kanyang mga salita. Nagpapatotoo sa Diyos ang Bibliya, pero hindi ito naglalaman ng buhay na walang hanggan. Isang pagkakamali ang paghahanap ng buhay na walang hanggan sa Bibliya. Si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at tanging sa pagsunod kay Cristo at pagpapasakop sa Kanyang gawain at mga salita na makakamit natin ang katotohanan at buhay na walang hanggan.” Totoong hindi ko alam kung paano sasagot nang marinig ko ang pagbabahagi ng kapatid. Medyo napahiya ako. Naisip ko sa sarili ko, “Palagi mo akong pinakikinggang mangaral noon, kaya bakit mo ipinapaliwanag ang mga bagay-bagay sa akin ngayon, na pinabubulaanan ako? Matapos ang lahat ng taon ko ng pagbabasa ng Bibliya, paanong mas marami ka ng alam tungkol sa pananalig sa Panginoon kaysa sa akin?” Sumagot na lang ako ng isang bagay na talagang wala sa katwiran, sinasabing, “Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Mapupunta sa impiyerno ang sinumang hindi nagbabasa ng Bibliya.” Pagkatapos sinubukan ng apat na iba pang kamanggagawa na kumbinsihin sila gamit ang gantimpala at kaparusahan, pero ano pa man ang sabihin namin, nanatiling matatag sa pananampalataya nila sa Makapangyarihang Diyos si Li Zhi at ang asawa niya. Pagkauwi ko sa bahay, naisip ko sa sarili ko, “Mas marami akong alam noon tungkol sa Bibliya kaysa sa ibang mga taong iyon na sumali sa Kidlat ng Silanganan. Dati, makikinig sila sa mga sermon ko, pero ilang araw lang pagkatapos tanggapin ang Kidlat ng Silanganan, nagawa nila akong patahimikin gamit lang ang ilang salita. Anong nangyayari? Maaari kayang ang Kidlat ng Silanganan talaga ang tunay na daan?” Pero mabilis kong iwinaksi ang kaisipang iyon, sinasabi sa sarili ko, “Hindi maaari iyon! Ang anumang labas sa Bibliya ay pagkakanulo sa Panginoon. Mananatili ako sa Bibliya at hihintaying bumalik ang Panginoon at dalhin ako sa langit.”

Sa nakikita kong parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa Kidlat ng Silanganan, hindi na nga ako nagbibigay ng mga sermon sa mga pagtitipon. Gumagamit na lang ako sa halip ng isang kumpol ng materyales na salungat sa Kidlat ng Silanganan at nagsalita tungkol sa mga iyon sa mga pagpupulong ng mga kamanggagawa at sa mga pagtitipon tuwing Linggo. Pinagbantaan ko rin ang lahat para hindi sila mangahas na siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, at nakipagtulungan pa nga ako sa mga lider at kamanggagawa ng ibang iglesia para sama-sama itong labanan. Kapag may narinig akong tungkol sa isang tao na sumusubok na pagbalik-loobin sa Kidlat ng Silanganan ang isang miyembro ng iglesia, magmamadali ako at itataboy ko ito. Minsan natatakot akong magiging masyadong mabagal ang pagsakay sa bisikleta ko, kaya nagta-taxi ako hanggang sa buong bayan para lang itaboy ang mga miyembro ng Kidlat ng Silanganan. Inakala kong pinangangalagaan ko ang daan ng Panginoon at pinoprotektahan ang kawan, at handa pa nga akong ialay ang buhay ko para dito. Pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit habang mas nilalabanan ko ito, mas marami ang nagiging insidente sa iglesia. Noong Agosto 1999, habang nagsasagawa kami ng isang maramihang binyagan, ilang tao ang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya. Pagkatapos noong Agosto 2000, inaresto ako kasama ang tatlong mahalagang kamanggagawa habang nagsasagawa ng mga bautismo. Hinalughog din ang bahay ko at kinuha ng mga pulis ang lahat ng handog sa iglesia. Habang nasa kustodiya, hindi ko mapigilang pag-isipan ang lahat ng nangyari sa iglesia noong nagdaang ilang taon na iyon. Ang mga elder na palaging dating nag-iimbita sa akin na magbahagi ng mga sermon at mangaral ng ebanghelyo, sina Sister Jiang Ru at Brother Wu Yong, ay sinusubukang protektahan ang kanilang kawan, kaya inihiwalay nila ang iglesia nila para labanan ang Kidlat ng Silanganan. Sobrang matatapat silang Kristiyano, pero nakakagulat, na pareho silang nagkaroon ng kanser at naging napakasakit ng kanilang kamatayan. Minsan noong 1998 sa isang malaking pagpupulong na may higit sa 200 mahahalagang kamanggagawa ng iglesia, isang kamanggagawa ang biglang sinaniban ng isang demonyo, at walang makapagpalayas dito, kahit gaano man siya ipinanalangin ng lahat. Sunud-sunod na mga insidente ang laman ng isipan ko, at hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon kagulo ang iglesia. Inisip ko kung paanong sa loob ng mga taon ko ng pagsunod sa Panginoon, isinuko ko ang trabaho ko at ang pamilya ko, para magsikap mamg husto para sa Panginoon. Nanatili akong may kontrol sa lahat ng uri ng gawain sa iglesia at nagsikap na pangalagaan ang daan ng Panginoon at protektahan ang kawan. Bakit hindi ako pinoprotektahan o pinagpapala ng Panginoon? Bakit habang mas nilabanan ko ang Kidlat ng Silanganan, mas nagdusa ako at naiwan sa isang pamalagiang kalagayan ng pagkabalisa? Maaari kayang isang kamalian ang labanan ang Kidlat ng Silanganan? Talaga kayang nagbalik na ang Panginoon? Sa loob ng pitong araw ko sa kustodiya, halos hindi ako nakatulog. Napakamiserable ko. Nanalangin ako sa Panginoon, sinasabing, “Panginoon, napakaraming nangyari sa iglesia. Ano ang tunay na dahilan sa likod ng lahat ng ito? Ano ang eksaktong ginagawa kong mali? …” Nang pinalaya ako mula sa kustodiya, nakita ko na mas lalong nagiging mapanglaw ang iglesia—nakakadurog iyon ng puso. Nanalangin akong muli sa Panginoon: “Panginoon! Bakit nasa ganitong kalagayan ang iglesia? Itinayo ang iglesia dahil sa Iyong napakahalagang dugo, kaya bakit Mo ito pinababayaan? O Panginoon! Talagang nagdurusa ako. Nagkakawatak-watak ang kawan, at habang lalo kong nilalabanan ang Kidlat ng Silanganan, lalong nagkakagulo sa iglesia. Hindi ko alam kung paano masasagip ang lahat ng ito at muling bubuhayin ang iglesia. Panginoon, magbukas Ka po ng landas para sa akin!” Pero gaano man ako nanalangin, nanatiling magulo ang iglesia. Nagkahiwa-hiwalay na ang mga kamanggagawa at nagtatago dahil sa takot na maaresto. Magulo ang iglesia at paunti nang paunti ang mga dumadalo. Hindi ko alam kung ano ang ipangangaral at pinangambahan ko ang mga sermon tuwing Miyerkules at Linggo. Nakakatulog ang mga kapatid habang nagsasalita ako, at wala akong anumang magawa tungkol dito. Hindi ko alam kung ano ang ipananalangin ko at humihina na ang pananalig ko. Bigla kong napagtanto na wala na ang dati kong paninindigan, na pananatilihin ko ang pananalig at pagmamahal ko para sa Panginoon kahit na wala nang ibang gagawa. Dahan-dahan akong nalulubog sa kasamaan. Nagsimula akong manood ng TV at mga pelikula, at natuto pa nga akong maglaro ng mahjong at poker. Namumuhay ako sa kasalanan at hindi ko mapalaya ang sarili ko. Madalas kong makita ang sarili ko na nakaupo sa pintuan, hawak ang aking Bibliya, labis na miserable at nalilito. Totoong wala akong ideya kung paano magpapatuloy. Sa panahong iyon, madalas akong nakaluhod, umiiyak sa Panginoon, nagmamakaawa sa Kanya, sinasabing, “Panginoong Jesus, nasaan Ka? Pakiramdam ko mamamatay na ako. Panginoon, nagmamakaawa ako sa Iyo, iligtas Mo po ako, at iligtas Mo po ang iglesia! …”

Noong 2002, kung kailan pinakamahina ako, tinawagan ako ni Brother Zhou Zheng mula sa Katimugang Tsina at hiniling sa akin na bisitahin siya para sa ilang debosyonal na pag-aaral. Taos-puso akong nagpasalamat sa Diyos nang marinig ko ito at sabik akong samantalahin ang pagkakataong ito para mabawi ang lakas ko. Pagdating ko roon, nakita ko na lalong mas mabuti ang lagay ng mga kapatid doon kumpara noong huli akong nandoon dalawang taon na ang nakararaan. Mas malakas ang pananalig nila. Nang makita nila ako, nakakaaliw sila at nakakapagpalakas ng loob, at parang pamilya lang ang pakiramdam ko. Talagang naantig ako. Noong sumunod na araw, tinanong ako ni Zhou Zheng kung kumusta na ang mga bagay-bagay sa pangkalahatan para sa akin, na nakatumbok sa mismong problema. Sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyayari sa iglesia, nang walang inililihim na anuman. Nang matapos akong magsalita, ibinahagi niya ang pagbabahaginang ito: “Hindi lang ang iglesia nimyo ang nawawalan ng sigla ngayon. Nangyayari ito sa lahat ng iglesia sa iba’t ibang lugar. Nanlalamig ang pananalig at pagmamahal ng mga mananampalataya, at hindi sila dinidisiplina para sa mga kasalanan nila. Wala nang maipangaral ang mga kamanggagawa at abala sa labanan dahil sa inggit at awayan. Nagkakawatak-watak ang mga iglesia—matagal na panahon nang walang presensya ng Panginoon sa kanila.” Sinabi rin niya sa akin ang tungkol sa kung bakit nagiging napakapanglaw ng mga iglesia. Binasa niya sa akin ang Kabanata 8, Bersikulo 11, mula sa Aklat ni Amos. Sinabi ng Diyos na si Jehova: “Ang mga araw ay dumarating … na Ako’y magpapasapit ng taggutom sa lupain, hindi taggutom sa tinapay, o kauhawan man sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova.” Pagkatapos sinabi niya, “Makikita natin sa bersikulong ito na isang dahilan para sa kapanglawan na ito sa mga iglesia ay na hindi isinasagawa ng mga tao ang mga salita ng Diyos. Gaya ito noong huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, noong pinagtitibay lang ng mga punong saserdote, eskriba, at Pariseo ang mga tradisyon ng tao, hindi ang kautusan ni Jehova. Gumagawa sila ng mga mababang-uri ng sakripisyo, at lantarang nagbebenta ng mga hayop at nakikipagkalakal ng pera sa templo, ginagawa itong pugad ng mga magnanakaw, kaya nasuklam ang Diyos at inabandona ito. Nang sandaling wala na roon ang gawain ng Diyos, ginawa ng mga tao ang anumang ginusto nila at hindi sila dinisiplina para sa kanilang mga kasalanan. Naging tigang ang templo. Ang pangunahing dahilan nito ay na hindi sinusunod ng mga lider ng relihiyon ang mga kautusan ni Jehova at lumihis sila sa daan ng Panginoon. Isa pang dahilan sa kapanglawan na ito sa mga iglesia ay na gumagawa ng isang bagong yugto ng gawain ang Diyos, kaya lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu. Gumagawa at inaakay ng Panginoong Jesus ang mga tao sa labas ng templo, pinasisimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga tao na sumunod sa Kanya ay makakapagkamit ng pagdidilig at pagtustos. Basta’t nanalangin at nangumpisal sila sa Panginoon, pinatawad na ang mga kasalanan nila at matatamasa nila ang lahat ng biyaya, kapayapaan, at kagalakan na ipinagkaloob ng Panginoon. Subalit ang mga punong saserdote, eskriba at Pariseo na tumangging tanggapin ang Kanyang gawain, nilalabanan at kinukondena Siya, at ang mga nagpumilit na sumama sa kanila, ay likas na inabandona at itiniwalag ng gawain ng Diyos, nahulog sa kadiliman at pagkawasak.” Naramdaman ko na talagang natanglawan ako ng pagbabahaginan ng kapatid, pero nalito rin ako, nag-iisip na, “Nabasa ko na ang lahat ng iyan nang hindi mabilang na beses sa Bibliya, kaya bakit hindi ko nakamit kailanman ang pagtanglaw na ito mula sa aking mga pagbabasa? Paano nila ito naunawaan? Makabubuting makinig ako sa kanila.” Pagkatapos ay sinabi ni Zhou Zheng, “Gaya ng dahilan ng unti-unting pagkasira ng templo sa Kapanahunan ng Kautusan, nasa ganitong mapanglaw na kalagayan ang mga iglesia sa kasalukuyan dahil gumagawa ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain.” Nang marinig kong sinabi niya ito, lumukso ang puso ko at naisip ko na baka kasali sila sa Kidlat ng Silanganan. Sinabi ng lahat na talagang napakabigat ng itinuro nila—paano kung nailihis din ako? Nagsimula akong kabahan nang husto at nagtalo ang kalooban ko: Dapat ko ba silang pakinggan, o hindi? Nauwi ako sa desisyong manatili at magpatuloy na makinig dahil gusto ko talagang lutasin ang problema sa iglesia. Sa loob ng lahat ng taon na iyon, wala sa mga pastor o elder, mula sa Tsina o sa ibang bansa, ang talagang nakatulong, kahit gaano man nila ipinaliwanag ang Bibliya, nag-ayuno, o nanalangin, wala sa mga solusyong naisip nila ang umubra. Patuloy lang na lumala ang iglesia. Pero ang mga kapatid na iyon ay puno ng pananalig at pagmamahal, at nakatatanglaw ang kanilang pagbabahaginan. Walang sinuman ang magiging ganoon kaganda ang lagay maliban kung nasa kanila ang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu. Kung makahahanap ako ng paraan para muling buhayin ang iglesia sa pamamagitan ng pagbabahaginan nila, kung gayon may pag-asa pa para sa amin. Gusto kong sunggaban ang pagkakataong ito, at kahit pa kasali sila sa Kidlat ng Silanganan, hindi ko kailangang matakot, dahil alam ko ang Bibliya at hindi ako maililihis. Kaya nagsimula akong makinig habang sinasaliksik ang Bibliya para beripikahin ang sinabi nila, para makita kung umaayon ba ito sa Bibliya.

Pagkatapos nagbasa si Zhou Zheng mula sa Amos 4:7–8: “At Akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pag-aani na; at Aking pinaulan sa isang bayan, at hindi Ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa Akin, sabi ni Jehova.” Ipinaliwanag niya ito, sinasabing, “Binabanggit ng bersikulong ito ang isang bayan na may ulan habang ang isa ay may tagtuyot. Ang ‘ulan’ na ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu. Kinukuha ng Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu mula sa lahat ng lugar at inililipat ito sa mga taong iyon na tumatanggap sa bago Niyang gawain. Ang mga nakasasabay sa mga yapak ng Diyos ay may pagdidilig at pagtutustos ng mga kasalukuyang salita ng Banal na Espiritu at nagkakamit ng Kanyang gawain. Pero ang mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos ay likas na inaabandona at itinitiwalag sa proseso ng gawain ng Diyos, at nabubuhay sa kadiliman.” Sa puntong ito ng kanyang pagbabahagi nagsimula itong magkaroon ng katuturan sa akin, at naisip ko sa sarili ko, “Kaya ang sanhi kung bakit tigang ang iglesia ay dahil gumagawa ang Diyos ng bagong gawain, kaya lumipat ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya pala hindi ko naramdaman ang presensya ng Diyos sa lahat ng taon na ito, at nakaramdam ako ng labis na espirituwal na kadiliman, na para bang nahulog ako sa isang hukay na walang katapusan na walang katiting na pag-asa at nabubuhay ako sa lubos na pagdurusa.” Sa kaisipan na makahabol sa mga yapak ng Diyos at matamasang muli ang gawain at patnubay ng Banal na Espiritu, sabik kong tinanong si Zhou Zheng, “Paano makakasabay ang isang tao sa mga yapak ng Kordero at magkakamit ng gawain ng Banal na Espiritu?” Sinabi niya sa akin, “Pitong beses itong ipinropesiya sa Pahayag, ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag Mga Kabanata 2, 3). Sinasabi sa atin ng propesiyang ito na magsasalita ang Diyos sa mga iglesia sa mga huling araw, at ang lahat ng nakakakilala sa tinig ng Diyos ay makakasabay sa mga yapak ng Diyos at dadalo sa handaan ng kasal ng Kordero.” Pagkatapos naglabas siya ng isang aklat at nagpatuloy, “Nilalaman ng aklat na ito ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Basahin mo ito at mauunawaan mo ang lahat.” Kinuha ko iyon at nakita ko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Hindi ba’t aklat iyon ng Kidlat ng Silanganan? Saglit akong natigilan at naisip ko, “Kinokompronta ko sila sa loob nang limang taon, pero hindi ko pa sila kailanman nakakaharap hanggang ngayon.” Naisip ko ang lahat ng kapatid na iyon na hindi makukumbinsi kung sakali man sa sandaling nakapakinig sila sa Kidlat ng Silanganan. Kabadong-kabado ako na pakiramdam ko nasa lalamunan ko ang puso ko. Nanalangin ako, “Panginoon, pakiusap, pakiusap protektahan Mo ako. Hindi ako maaaring lumihis sa Bibliya, hindi ako maaaring lumihis sa Iyong daan anuman ang mangyari.” Kaya nagtanong ako, “Paanong nilalaman ng aklat na ito ang mga salita ng Diyos? Nasa Bibliya ang lahat ng salita ng Diyos, at wala nang ibang salita ang Diyos. Erehiya ang paglayo sa Bibliya—pagkakanulo iyon sa Panginoon.” Hindi ko na kayang maupo pa roon, at galit akong tumayo at tumangging makinig ng isa pang salita. Nang makita kung gaano ako lumalaban at na tumigil ako sa pakikinig, lumuhod silang lahat at luhaang nanalangin para sa akin, hinihiling sa Diyos na bigyang-liwanag ako at ipaalam sa akin ang gawain ng Diyos. Nakatayo ako sa gilid, at talagang naantig akong marinig ang taos-puso nilang mga panalangin. Naisip ko sa sarili ko, “Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, sino ang magiging ganito kamapagmahal?” Sa puntong ito, nagsimula akong dahan-dahang kumalma at binitawan ang ilan sa aking paglaban.

Pagkatapos nilang manalangin, ibinahagi ni Zhou Zheng sa akin ang ilan sa kanyang karanasan. Sinabi niya, “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Kagaya mo rin ako noong una—nilabanan ko rin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sumali ako sa mga pastor at elder sa pag-iimbento ng mga tsismis tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nagsulat ako ng mga materyal laban dito. Tinakot ko pa nga ang mga kapatid para pigilin sila sa pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Napakarami kong ginawa para labanan at lapastanganin ang Diyos, iniisip na pinangangalagaan ko ang daan ng Panginoon at nagiging tapat. Nananampalataya ako sa Diyos pero hindi ko Siya kilala, at mapagmatigas ako at mapagmataas. Kung hindi dahil sa pagpaparusa at pagdidisiplina sa akin ng Diyos, sa Kanyang may awtoridad at mga nakapupukaw ng kaluluwang salita, hindi ako kailanman nagpasakop.” Sinabi rin niya na inisip niya noon pa man na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya, at wala nang ibang salita ang Diyos, kaya erehiya ang paglayo sa Bibliya. Pagkatapos ay binasa niya ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at naunawaan na hindi ito makatwiran, at na hindi ito naaayon sa mga katunayan. Noong una, talagang nalito ako at inisip ko kung paanong hindi ito batay sa katunayan. Pagkatapos sinabi niya, “Alam na alam mo ang Bibliya, kaya dapat alam mo na pinagsama-sama ito ng mga tao maraming taon pagkatapos gumawa ang Panginoon, kaya nangangahulugan iyon na hindi maiiwasan na tinanggal o pinutol ang ilang nilalaman. Ang ilan sa mga salita ng mga propeta na mula sa Diyos ay hindi naitala sa Lumang Tipan sa kabuuan nito, ngunit inilagay sa Apokripos, gaya ng mga propesiya ni Ezra.” Sinabi rin niya, “Sa Kapanahunan ng Biyaya hindi dokumentadong lahat sa mga Kasulatan ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus. Opisyal Siyang gumagawa sa loob ng tatlo at kalahating taon, at sinong nakakaalam kung gaano karami ang sinabi Niya, gaano karaming sermon ang binigkas Niya noong panahong iyon. Kung pagsasama-samahin natin ang lahat ng salita ng Panginoong Jesus mula sa Apat na Ebanghelyo, mga ilang oras lang iyon ng pagsasalita para sa Kanya. Kumpara sa kung gaano karami ang maaaring sinabi Niya sa loob ng tatlo at kalahating taon na iyon, nakikita nating napakalimitado nito. Sinasabi rin sa Juan, ‘At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin’ (Juan 21:25). Maaari kayang totoo na walang salita ng Diyos sa labas ng Bibliya? Tumpak ba iyon? Ipinropesiya ito nang maraming beses sa Pahayag, ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag Mga Kabanata 2, 3). Pinatutunayan nito na marami pang sasabihin ang Panginoon sa mga iglesia sa mga huling araw. Paano maisusulat sa Bibliya nang mas maaga ang mga salitang iyon para sa mga huling araw? Ipinopropesiya rin ng Pahayag na bubuksan ng Kordero ang kasulatang nakabalumbon, na tinatakan sa simula, at tanging ang Kordero ang makasisira sa mga tatak. Maaari bang ang nilalaman ng kasulatang nakabalumbon na iyon ay dokumentado na sa Bibliya? Siguradong hindi. Kaya makatwiran ba ang pahayag ng mga pastor na ‘ang lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya’? Hindi ba’t iyon ay pagtanggi at pagkondena sa sariling mga salita ng Diyos?” Lubos akong nakumbinsi sa puntong iyon. Naisip ko sa sarili ko, “Totoo ito, malinaw na ipinropesiya sa Pahayag na bubuksan ng Kordero ang kasulatang nakabalumbon, sisirain ang pitong tatak sa mga huling araw. Kaya paanong nakatala na sa Bibliya ang partikular na nilalamang iyon? Sa pamimilit na walang mga salita ang Diyos sa labas ng Bibliya, nagkamali ako.” Sinabi sa akin ni Zhou Zheng, “Ang Bibliya ay isa lang makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at ang Luma at Bagong Tipan ay parehong pinagsama-sama at in-edit ng mga tao matapos tapusin ng Diyos ang isang yugto ng gawain. Hindi gumagawa ang Diyos alinsunod sa Bibliya, at hindi Siya nililimitahan nito. Gumagawa ang Diyos alinsunod sa Kanyang sariling plano ng pamamahala at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan. Nang pumarito ang Panginoong Jesus upang gumawa, hindi Siya gumawa alinsunod sa Lumang Tipan, kundi hinigitan Niya ang Kasulatan nang panahong iyon, nangangaral tungkol sa paraan ng pagsisisi, nagpapagaling ng may sakit at nagpapalayas ng mga demonyo, sinasabi sa mga tao na patawarin ang iba nang pitumpung ulit na pito, hindi ipinangingilin ang Araw ng Sabbath, at iba pa. Sa huli, ipinako Siya sa krus, na tumatapos sa gawain ng pagtubos. Pero wala sa mga ito ang makikita sa Lumang Tipan. Ang ilan sa mga ito ay tila sumasalungat pa nga sa mga kautusan ng Lumang Tipan. Kung susundin natin ang sinasabi ng mga pastor, na ‘anumang labas sa Kasulatan ay erehiya,’ hindi ba’t pagkondena rin iyon sa gawain ng Panginoong Jesus? Ang Diyos ang Lumikha, at sinasaklawan ng Kanyang kasaganaan ang lahat. Kaya maaari kayang totoo na magagawa lang Niya ang limitadong gawaing nakatala sa Bibliya? Totoo bang hindi makagagawa ang Diyos ng bagong gawain o makapagbibigkas ng mga bagong salita na labas sa Bibliya? Hindi ba’t paglilimita at paglapastangan iyon sa Diyos? Ginamit ng mga Pariseo ang Lumang Tipan para kondenahin ang gawain ng Panginoong Jesus, sinasabing lumabas ito sa mga Kasulatan, na ito ay erehiya. Itinanggi nila at kinondena ang mga katotohanang ipinahayag Niya, at sa huli ay palihim na nagsabwatan na ipapako Siya sa krus, at isinumpa at pinarusahan sila ng Diyos. Ngayon pumarito ang Makapangyarihang Diyos at ipinahayag ang lahat ng katotohanang naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at ito ang Diyos na nagbibigay sa atin ng daan ng buhay na walang hanggan sa mga huling araw. Kung hindi tayo makikinig, magbabasa, o maghahanap, at basta na lang bulag na kakapit sa Bibliya, nilalabanan at kinokondena ang gawain at mga salita ng Diyos sa mga huling araw, hindi ba’t iyon ay paggawa ng parehong pagkakamali gaya ng mga Pariseo? Magdudulot iyon para abandonahin at itiwalag tayo ng gawain ng Diyos!” Nakaramdam ako ng takot nang marinig ko ang pagbabahaging ito mula sa kanya, at sumagi sa isip ko ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus: “At sinumang magsalita nang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: ngunit ang magsalita ng kalapastanganan sa Banal na Espiritu ay hindi patatawarin(Lucas 12:10). Sa pag-iisip ko sa sarili ko sa ganitong konteksto, naisip ko, “Kung talagang nagmula sa Diyos ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kung gayon ay mga salita iyon ng Banal na Espiritu, at kung tatawagin kong erehiya ang gawain at mga salita Niya, hindi ba’t paglapastangan iyon sa Banal na Espiritu? Mangangahulugan ito na hindi ako mapapatawad sa buhay na ito o sa mundong darating! Hindi maaaring patuloy ko itong tutulan at kondenahin. Kailangan kong magsumikap na hanapin at siyasatin ito.”

Pagkatapos nagbasa para sa akin si Zhou Zheng ng ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at kakayahang magbigay-kahulugan sa Bibliya ay tulad ng pagkasumpong sa tunay na daan—ngunit sa katunayan, ganoon ba talaga kasimple ang mga bagay-bagay? Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Bibliya: na ito’y wala nang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at na hindi ito nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga pakay ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Bibliya na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na lumipas na ang dahilan kaya kasaysayan ang mga ito, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan, sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! Kaya kung iyo lamang nauunawaan ang Bibliya, at walang nauunawaan sa gawain na nilalayong isakatuparan ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos ngunit hindi mo hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Bibliya upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa buong kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahangad mo ang buhay, dahil hinahangad mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahangad ang mga walang-buhay na salita at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang mga layunin ng Diyos ngayon, at dapat mong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Bibliya—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang mga layunin ng Diyos sa ngayon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4). “Noong panahon ni Jesus, pinamunuan Niya ang mga Hudyo at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Bibliya bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita Siya ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Bibliya, o kaya ay naghanap sa Bibliya ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula noong nagsimula Siyang gumawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—ni isang salita tungkol dito ay hinding-hindi nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Bibliya, kundi Siya ay namuno rin sa isang bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman ay hindi Siya sumangguni sa Bibliya kapag Siya ay nangangaral. Noong Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang nakagawa ng Kanyang mga himala ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Gayundin, ang Kanyang gawain, ang Kanyang mga turo at ang awtoridad at kapangyarihan ng Kanyang mga salita ay lampas sa sinumang tao noong Kapanahunan ng Kautusan. Basta lamang ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Bibliya—at ginamit pa nga ang Lumang Tipan upang ipapako Siya sa krus—nahigitan ng Kanyang gawain ang Lumang Tipan; kung hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Hindi ba ito dahil sa walang binanggit ang Lumang Tipan sa Kanyang turo, at sa Kanyang kakayahan na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo? Ang Kanyang gawain ay ginawa upang umakay sa bagong daan, hindi ito para sadyang maghamon ng away laban sa Bibliya, o kaya ay sadyang iwaksi ang Lumang Tipan. Pumarito lamang upang gampanan ang Kanyang ministeryo, upang dalhin ang bagong gawain sa mga naghahangad at naghahanap sa Kanya. … Sa mga tao, lumitaw na parang ang Kanyang gawain ay walang batayan, at marami rito ang salungat sa mga talaan sa Lumang Tipan. Hindi ba’t ito ang pagiging nakalilinlang ng tao? Ang mga regulasyon ba ay kailangang iangkop sa gawain ng Diyos? At ang Diyos ba ay dapat na gumawa ayon sa mga propesiya ng mga propeta? Kung tutuusin, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Bibliya? Bakit kailangang gumawa ang Diyos nang naaayon sa Bibliya? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Bibliya? Hindi ba maaaring humiwalay ang Diyos sa Bibliya at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga regulasyong ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Bibliya! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Bibliya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). Nang marinig ko ang mga salitang ito, naramdaman kong talagang may awtoridad ang mga iyon. Sa lahat ng taon ko ng pananalig, marami na akong narinig na sermon mula sa parehong dayuhan at Tsinong pastor, at nakabasa na ako ng ilang aklat tungkol sa espirituwalidad, pero kailanman ay wala pa akong nakitang sinuman na nagbunyag ng panloob na kuwento ng Bibliya nang napakalinaw at lubusan. Talagang nakapagbibigay ito ng kaliwanagan sa akin. Naisip ko sa sarili ko, “Tunay ito, ang Bibliya ay isa lang makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at dumating ito matapos gawin ng Diyos ang gawaing iyon. Pero nililimitahan ko ang Diyos sa saklaw ng Bibliya, iniisip na hindi Siya dapat gumawa ng anumang gawain o bumigkas ng mga bagong salita sa labas niyon. Naging napakahangal ko! Nakikita ko na ngayon na talagang nagmula sa Diyos ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang mga iyon ay ang Banal na Espiritu na nagsasalita at kailangan kong gumawa ng ilang paghahanap, kung hindi ay mapapalagpas ko ang pagkakataon kong masalubong ang Panginoon, at masyado nang huling darating ang aking pagsisisi.” Kaya kagyat akong nanalangin, hinihiling sa Panginoon na patnubayan ako.

Pero may ilang pagkalito pa rin ako. Malinaw na ipinropesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya sakay ng isang ulap at hayagang magpapakita sa lahat ng tao, pero hindi ko pa rin nakitang nangyari iyon. Sinasabi nila na nagbalik na Siya at Siya ay nasa katawang-tao, bumibigkas ng mga bagong salita. Kaya may anumang propesiya ba sa Bibliya tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon sa katawang tao? Tinanong ko si Zhou Zheng tungkol dito. Sinabi niya sa akin, “May ilang propesiya sa Bibliya tungkol sa pagparito ng Panginoon sakay ng isang ulap at hayagang magpapakita sa lahat, pero may ilan ding propesiya tungkol sa pagparito Niya nang palihim, at sa katawang-tao. Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). ‘Kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:37). ‘Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Binabanggit ng lahat ng bersikulong ito ang pagparito ng Anak ng tao, at ang Anak ng tao ay nangangahulugang isinilang ng tao, ng laman at dugo, na may normal na katauhan. Kung dumating Siya sa espirituwal na anyo sakay ng isang ulap, na nagpapakita sa lahat ng tao, matatakot ang lahat kapag nakita nila Siya at magmamadaling magpatirapa. Sinong mangangahas na lumaban o tumanggi sa Kanya? Labis ba Siyang maghihirap, at tatanggihan ng henerasyong ito pagbalik Niya? Siguradong hindi. Kaya ipinropesiya ng Panginoong Jesus na babalik Siya sa dalawang magkaibang paraan. Una, palihim Siyang paparito sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao para ipahayag ang mga katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, gumagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna. Pagkatapos ng mga sakuna, paparito ang Panginoon sakay ng isang ulap at hayagang magpapakita sa lahat. Kung hihintayin lang natin na makita ang Panginoong Jesus sakay ng isang ulap nang hindi tinatanggap ang gawain at mga salita ng Diyos kapag palihim Siyang pumarito sa katawang-tao, maaaring madali tayong tatanggihan ng Panginoon!” Ang pagbabahagi Niya ay isang malaking pagkamulat para sa akin. Napagtanto ko sa wakas na ang Anak ng tao ay tumutukoy sa Diyos sa katawang-tao. Marami na akong nasabi sa iba tungkol sa mga bersikulong iyon ng Bibliya sa loob ng maraming taon, sinasabing ang Panginoon ay paparito na parang isang magnanakaw, sinasabi sa kanila na maging mapagbantay at manalangin, habang naghihintay sa Panginoon, pero hindi ko nakita na ipinropesiya ng mga iyon ang palihim na pagparito ng Panginoon.

Tinanong ko si Zhou Zheng ng isa pang tanong matapos iyon. Sinabi ko, “Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, at inako Niya ang ating mga kasalanan. Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, pinatawad na ang mga kasalanan natin, kaya dapat na dalhin tayo ng diretso sa kaharian ng langit pagparito Niya. Bakit kailangan ng Diyos na gumawa ng isa pang yugto ng gawain para sa kaligtasan?” Bilang sagot, tinanong niya ako, “Sinasabi mong makakarating sa kaharian ang mga mananampalataya dahil pinatawad na ang mga kasalanan nila, pero may anumang batayan ba para dito sa mga salita ng Panginoon? Pinatawad Niya lang tayo sa mga kasalanan natin, pero hindi Niya kailanman sinabi na makakapasok tayo sa kaharian dahil pinatawad na ang mga kasalanan natin. Isa lang itong haka-haka at imahinasyon ng tao. Ang pagpapatawad sa mga kasalanan natin ay nangangahulugan lang na hindi na Niya tayo nakikita bilang mga makasalanan, pero hindi ito nangangahulugan na malaya na tayo sa kasalanan. Lalong hindi ito nangangahulugan na dalisay tayo, o na hindi na tayo nagkakasala o lumalaban sa Diyos. Tungkol naman sa kung sino ang makakapasok sa kaharian, malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, “Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo ay nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo ay nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha?” At kung magkagayon ay ipahahayag Ko sa kanila, “Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan”(Mateo 7:21–23). Hindi ba’t ang mga taong nagpropesiya at nagpalayas ng mga demonyo sa ngalan ng Panginoon ay pinatawad din sa mga kasalanan nila? Kaya bakit sasabihin ng Panginoon na hindi Niya sila kailanman kilala, at kokondenahin sila bilang mga gumagawa ng masama? Ipinapakita ng mga salitang ito na ang lahat ng namumuhay sa kasalanan, kahit pa gumagawa sila at ginugugol ang sarili nila sa ngalan ng Panginoon, ay kokondenahin sa huli at na hindi sila karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.” Pagkatapos binasa ni Zhou Zheng ang ilan sa salita ng Makapangyarihang Diyos para sagutin ang tanong ko: “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba sa layunin ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para makaayon ka sa mga layunin ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). “Bagama’t pumarito si Jesus kasama ng tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya, pagkatapos napatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon ng pagtiwali ni Satanas sa kanya, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay panlulupig at ang pangalawang yugto rin ng gawain ng pagliligtas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Pagkatapos ibinahagi niya, “Bilang mga matagal nang mananampalataya, malinaw sa atin ang isang bagay. Matapos magkamit ng pananalig, kapag nagkakasala tayo, maaari tayong patawarin sa pamamagitan ng pangungumpisal at pagsisisi sa Panginoon. Pero ang hindi natin maitatanggi ay hindi natin maiwasang patuloy na magsinungaling at magkasala sa lahat ng oras. Nabubuhay tayo sa isang siklo ng pagkakasala sa araw, pangungumpisal sa gabi, at hindi natin matakasan ang mga gapos na ito ng kasalanan. Dahil ang gawain ng pagtubos lang ang ginawa ng Panginoong Jesus, ngunit hindi ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, pinatawad na ang mga kasalanan natin, pero taglay pa rin natin ang isang makasalanang kalikasan. Hindi pa nalulutas ang satanikong kalikasan natin at mga disposisyon, at ang mga bagay na iyon ay mas nakatanim kaysa sa mga kasalanan mismo. Ang mga iyon ang ugat ng ating mga kasalanan at paglaban sa Diyos.” Nagbigay din si Zhou Zheng ng ilang halimbawa, sinasabing, “Tayo ay mapagmataas, tuso, at masama, at namumuhay tayo ayon sa mga satanikong disposisyong ito, kaya palagi tayong nagsisinungaling at nandaraya, at nagpapasikat. Nag-aaway tayo dahil sa pangalan at pakinabang, at naiinggit at namumuhi tayo. Kapag humaharap tayo sa sakuna o may mga problema tayo sa tahanan, hindi natin nauunawaan at sinisisi natin ang Diyos, minsan pa nga ay itinatanggi at ipinagkakanulo natin Siya. Lalo na kung hindi umaayon sa ating mga kuru-kuro ang gawain ng Diyos, nilalabanan at kinokondena natin ang Diyos nang sadya. Ngayon nagbalik na sa katawang-tao ang Panginoong Jesus at nagpahayag ng mga katotohanan, ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, maraming matatagal nang mananampalataya ang naglilimita sa Kanya ayon sa sarili nilang mga haka-haka at imahinasyon, sinasabing hindi Siya bibigkas ng mga bagong salita na labas sa Bibliya o paparito para gumawa sa katawang-tao. Wala silang interes sa paghahanap o pagpapasakop sa gawain ng Diyos, at lubos silang walang may-takot-sa-Diyos na puso. Sa halip, nilalabanan at kinokondena lang nila ito, sutil at mapagmataas na sinasalungat ang Diyos. Banal ang Diyos, kaya paano Niya hahayaan ang mga lumalaban sa Kanya, na kay Satanas, na makapasok sa kaharian Niya? Samakatwid, batay sa mga kailangan ng sangkatauhan, gumagawa ang Diyos ng isang yugto ng gawain para alisin sa atin ang kasalanan sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, nagpapahayag ng mga katotohanan para hatulan at linisin ang mga tiwali nating disposisyon. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na lumilinis at nagliligtas sa tao, at ibinunyag Niya ang lahat ng misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala, gaya ng mga layon ng Kanyang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ang panloob na kuwento ng Kanyang tatlong yugto ng gawain, ang mga misteryo sa likod ng mga pagkakatawang-tao, ang katotohanan tungkol sa Bibliya, at mga destinasyon ng mga tao sa hinaharap. Inilantad rin Niya ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan at ang ugat ng ating pagiging makasalanan at paglaban sa Diyos, ipinapakita sa atin ang paraan para baguhin ang ating mga disposisyon at tunay na magsisi. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanang ito para lutasin ang makasalanan nating kalikasan. Ang lahat ng kayang tumanggap ng paghatol ng mga salita Niya at malilinis ay poprotektahan ng Diyos sa mga sakuna at papasok sa Kanyang kaharian.”

Naunawaan ko ito nang mas mabuti pagkatapos ng pagbabahagi ni Zhou Zheng. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng pagtubos lang ang ginawa ng Panginoong Jesus, tinutubos ang sangkatauhan sa kasalanan. Ang Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw ay nang nagpapahayag ang Makapangyarihang Diyos ng mga katotohanan para sa gawain Niya ng paghatol, at ito ang lulutas sa likas na pagiging makasalanan natin, lubos na nagliligtas sa atin sa kasalanan at nililinis tayo. Naisip ko kung paanong gapos pa rin ako ng kasalanan, kahit matapos ang lahat ng taon na iyon bilang isang mananampalataya. Lalo na nitong mga nakaraang taon, naging mas masama ako, kapantay ng isang walang pananampalataya. Nanonood ako ng TV at mga pelikula, at natuto akong maglaro ng mahjong. Nakulong ako sa pamumuhay sa kasalanan at hindi ko mapalaya ang sarili ko. Nakita ko na hindi talaga ako karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Talagang masakit ang mga araw na iyon ng pamumuhay sa kasalanan, at hindi ko alam kung paano iyon tatakasan. Sa wakas nakita kong kailangan kong tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw para makalaya mula sa mga gapos ng kasalanan, malinis, at maligtas. Malinaw na ibinubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang ugat ng pagkakasala at ipinapakita sa atin ang panloob na kuwento ng gawain ng Diyos, ibinubunyag ang landas para malinis at makapasok sa kaharian. Ang Diyos lang ang makapagpapaliwanag sa gawain Niya nang napakalinaw, at ang Diyos lang ang makapagliligtas sa sangkatauhan mula sa mga gapos ng kasalanan. Mas nakasiguro ako na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at ang tinig ng Diyos.

Sa sumunod na ilang araw, gutom kong nilamon ang mga salita ng Diyos araw-araw, at mabilis kong natiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang magawang salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik ay talagang nakasabik sa akin, pero kasabay noon, napuno ako ng pagsisisi. Hindi ko talaga kailanman inakala na ang Makapangyarihang Diyos na tinututulan at kinokondena ko sa lahat ng taon na iyon ay ang Panginoong Jesus talaga na inaasam ko, at ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na kinokondena ko ay ang mga salita ng Diyos. Kinamuhian ko ang sarili ko dahil sa pagiging hangal at bulag, at para sa pag-abot nang napakatagal para makita ang liwanag. Niyakap ko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at humikbi. Nananampalataya ako sa Panginoon pero hindi ko Siya kilala, naging mapagmataas at mapaghimagsik ako, nililimitahan Siya dahil sa sarili kong mga haka-haka at imahinasyon, at hindi ako naniwala na babalik ang Diyos para gumawa sa katawang-tao. Pero ang mas malala, gumamit ako ng mga mapanglapastangang materyal para ilihis ang mga kapatid, para pigilin sila sa pagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Batay sa lahat ng bagay na ginawa ko, talagang nararapat lang sa akin ang sumpa ng Diyos. Pero kinaawaan ako ng Diyos at ipinahintulot Niya na marinig ko ang tinig Niya at makamit ang pagliligtas Niya sa mga huling araw. Talagang napakalaki ng pagmamahal Niya!

Matapos iyon, nagsimula akong magkaroon ng mga regular na pagtitipon kasama ang mga kapatid. Umawit ng mga himno ang lahat at sama-samang nagpuri sa Diyos, at nagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos. Ang ganoong uri ng buhay-iglesia ang nagpahintulot sa akin na matuklasang muli ang galak na dinadala ng gawain ng Banal na Espiritu, at magtamasa ng kapayapaan na kasama ng presensya ng Panginoon. Naaalala ko nang nagbasa ako minsan ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nakaantig sa akin: “Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nagpapabukod-tangi sa Kanya sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa narinig dati. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming hiwagang di-maarok ang gayon na karaniwang katawang-tao. Maaaring hindi mo maintindihan ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng gawaing ginagawa Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya isang simpleng katawang-tao na gaya ng inaakala ng mga tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang mga layunin ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa kalangitan at lupa, bagaman hindi mo nakikita ang mga mata Niya na tulad ng lumalagablab na apoy, at bagaman hindi mo natatanggap ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng awa para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na kumilala, magpasakop, matakot, at magmahal sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, sasailalim ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, masasadlak sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi pumarito ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging mga pangunahing makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo’y nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao). Naaalala ko ang bahaging ito: “Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo’y nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan.” Inisip ko ang mga araw na iyon noong wala pa sa akin ang Panginoon. Parang tigang ang iglesia at nanghihina ang pananampalataya ng mga kapatid. Hindi alam ng mga kamanggagawa kung ano ang mga sermon na ibibigay, at may inggit at awayan. Ang lahat ay namumuhay sa kasalanan at hindi mapalaya ang kanilang sarili, namumuhay silang lahat na parang patay na buhay. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang muling bumuhay sa akin at muling nagdala ng kagalakan ng pagkakaroon ng Diyos sa aking tabi. Nagkamit din ako ng kaunting batayang pang-unawa sa gawain ng Diyos. Kung hindi dahil sa pagkakatawang-tao at pagsasalita ng Diyos, na inihahayag ang mga misteryo ng Bibliya at ng Kanyang mga pagkakatawang-tao, siguradong matigas pa rin akong nakakapit sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon. Sinong nakaaalam kung gaano karaming kasamaan ang maaaring nagawa ko laban sa Diyos. Naging napakahalaga sa atin ng pagkakatawang-tao ng Diyos!

Sa pag-iisip ko sa limang taon na iyon, napakaraming mga kapatid ang nakisama sa pagbabahaginan at humimok sa akin na maghanap, pero nagbingi-bingihan ako. Hindi lang ako tumutol na hanapin o siyasatin iyon, kundi nilabanan ko iyon at kinondena. Inilihis ko pa ang iba at hinadlangan sila, kaya nawalan sila ng pagkakataon na salubungin ang Panginoon. Maituturing ba ako bilang isang mananampalataya? Hindi ba’t sinasalungat ko ang Panginoon gaya ng mga Pariseo, muli Siyang ipinapako sa krus? Labis akong nagtamasa ng biyaya ng Panginoon sa mga taon ko bilang isang mananampalataya, pero nang bumalik ang Panginoon, hindi ko Siya nakilala. Parang baliw ko pa Siyang nilabanan nang limang buong taon. Sa loob ng limang taon, gumawa ako ng mga bagay na walang kapatawaran. Masyado akong mapaghimagsik. Habang iniisip ang lahat ng kasalanan ko, at habang nakikita ang awa at pagpaparaya ng Diyos, pakiramdam ko wala akong mapagtataguan, at na hindi ko mahaharap ang Diyos. Mahigpit kong hinawakan ang isang aklat ng mga salita ng Diyos, lumuhod, at lumuluhang nanalangin. Sinabi ko, “Makapangyarihang Diyos! Hindi Mo ako sinaktan kailanman, kahit naging labis akong mapaghimagsik at suwail. Binigyan Mo ako ng pagkakataong magsisi. Hindi ko talaga alam kung papaano ko masusuklian ang Iyong awa. Makapangyarihang Diyos! Wala akong ibang hinihiling maliban sa gamitin ang natitira kong buhay para suklian ang Iyong pagmamahal, na gawin ang lahat ng aking makakaya para dalhin ang mga taong iyon na inilayo ko sa Iyo, na hindi pa nakalalapit sa harap Mo, pabalik sa Iyong sambahayan, para magkaroon Ka ng kaunting ginhawa.” Pagkatapos nito, aktibo akong nangaral ng ebanghelyo, at sa loob ng isang buwan, higit sa 30 na mga kapatid ang tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Tuwing naiisip ko ang lahat ng panahong iyon na nilabanan ko ang Diyos, nakakaramdam ako ng matinding sakit, parang kutsilyo sa puso ko, lalo na kapag binabasa ko ang mga salitang ito: “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila’y tila may ‘maayos na pangangatawan,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Perpekto akong inilalarawan ng mga salita ng Diyos. Inaakay ko ang mga kapatid na sumunod sa mga literal na salita ng Bibliya, na sumunod sa mga haka-haka, at hindi lumapit sa harap ng Diyos. Dinakila ko ang Bibliya habang nilalabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Dahil inilihis ko, hindi makatwirang kumapit ang mga kapatid sa literal na teksto na mga salita ng Bibliya at hindi nangahas na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ito ay pinsalang ginawa sa kanila, sakunang ako ang gumawa. Kumapit ang mga Pariseo sa kanilang mga Kasulatan at ipinapako sa krus ang Panginoon, nakagawa ng isang karumal-dumal na kasalanan. Kumakapit ako sa Bibliya, kinukondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na talagang nagpapakong muli sa Diyos. Ginagampanan ko ang papel ng isang makabagong-panahong Pariseo. Kahit mamatay ako ng isandaang kamatayan, hindi ko kailanman mababayaran ang aking mga kasalanan. Ang tanging gusto ko ngayon ay gawin ang aking makakaya para hanapin ang katotohanan, tuparin ang aking tungkulin, at ibahagi ang ebanghelyo para makabayad sa utang ko sa Diyos.

Sinundan: 90. Nanghihingi ng Pera ang mga Pulis

Sumunod: 92. Paglago sa Gitna ng mga Kabiguan at Dagok

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito