Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

820 Paano Hangaring Makilala ang Diyos

1 Kung gusto mong makilala ang Diyos at tunay na makilala at maunawaan Siya, kung gayon ay huwag lamang maging limitado sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at huwag lamang maging limitado sa mga kuwento ng gawain ng Diyos na minsan Niyang ginampanan. Kung iyong susubukang makilala Siya sa ganoong paraan, kung gayon ay ikinukulong mo ang Diyos sa isang partikular na limitasyon. Nakikita mo ang Diyos bilang masyadong hindi mahalaga. Anong mga impluwensya ang dinadala sa iyo ng ganitong mga pangyayari? Hindi mo kailanman magagawang makilala ang pagiging kahanga-hanga at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at hindi mo kailanman magagawang makilala ang lakas at walang hanggang kapangyarihan ng Diyos at ang saklaw ng Kanyang awtoridad. Ang nasabing pagkaunawa ay makakaapekto sa iyong kakayahan na matanggap ang katotohanan na ang Diyos ang Hari ng lahat ng bagay, pati na rin ang iyong kaalaman ng tunay na pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos.

2 Sa madaling sabi, kung ang iyong pagkakaunawa sa Diyos ay limitado sa saklaw, ang iyong maaaring matanggap ay limitado rin. Kaya dapat mong lawakan ang saklaw at buksan ang iyong mga abot-tanaw. Maging ito ay ang saklaw ng gawain ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pamumuno ng Diyos, o lahat ng bagay na pinamunuan at pinamahalaan ng Diyos, dapat mong malaman ang lahat ng ito at makilala ang mga kilos ng Diyos na nakapaloob doon. Sa pamamagitan ng nasabing paraan ng pang-unawa, mararamdaman mo nang hindi sinasadya na ang Diyos ay namumuno, namamahala at nagtutustos ng lahat ng bagay sa mga ito. Sa parehong panahon, tunay mo ring mararamdaman na ikaw ay isang bahagi ng lahat ng bagay at isa sa lahat ng bagay. Habang nagtutustos ang Diyos ng lahat ng bagay, tinatanggap mo rin ang pamumuno at pagtutustos ng Diyos. Ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makakapagkaila.

Hango sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Lahat ng Ginagawa ng Diyos ay para Iligtas ang sangkatauhan

Sumunod:Para Makilala ang Diyos Kailangan Mong Malaman ang Tatlong Yugto ng Kanyang Gawain

Baka Gusto Mo Rin