827 Kilalanin ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Kapangyarihan sa Lahat ng Bagay

1 Kung gaano karami ang pagkaunawa ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao ang nagpapasya kung gaanong kalagayan ang Kanyang hinahawakan sa kanilang mga puso. Kung gaano kadakila ang antas ng kaalaman ukol sa Diyos ang nasa kanilang mga puso ay kung gaano kadakila ang Diyos sa kanilang mga puso. Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo, kung gayon ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay wala ring laman at malabo. Kung ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa loob ng iyong sariling saklaw, kung gayon ang iyong Diyos ay isang sobrang liit na Diyos at walang kinalaman sa tunay na Diyos. Kaya, ang pagkilala sa praktikal na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang kapangyarihang walang hanggan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano Siya, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng bagay—ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay may direktang kinalaman sa kung makapapasok o hindi ang tao sa realidad ng katotohanan.

2 Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa kakaunti mong karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa kakaunti mong patotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin Ko na ang iyong Diyos na pinaniniwalaan ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay isang guni-guning Diyos, hindi ang tunay na Diyos. Ito ay dahil sa ang tunay na Diyos ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan—ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na Aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng bagay, sa pagiging buhay ng lahat ng bagay, at sa mga batas ng pagbabago sa lahat ng bagay.

Hango sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 826 Dapat Mong Makilala ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Gawain

Sumunod: 828 Yaong mga Nakakaalam sa Patakaran ng Diyos ay Magpapasakop sa Kanyang Kapangyarihan

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito