Tanong 8: Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol upang iligtas at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw?

Sagot: Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawaing ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa kapanahunang ito ay higit sa lahat ang paglalaan ng mga salita para sa buhay ng tao; ang paglalantad ng kalikasan at diwa ng tao, at kanyang tiwaling disposisyon; at ang pag-aalis ng mga relihiyosong kuru-kuro, piyudal na pag-iisip, hindi napapanahong pag-iisip, at ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat malinis ang lahat ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, hindi mga tanda at mga kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang mga salita Niya upang ilantad ang tao, upang hatulan ang tao, upang kastiguhin ang tao, at upang gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makikita ng tao ang karunungan at kagandahan ng Diyos, at mauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, mapagmamasdan ng tao ang mga gawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon).

Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Ginagamit Niya ang lahat ng uri ng sitwasyon para pakitunguhan ang tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang bagay, pinakikitunguhan Niya ang tao, sa isa pa ay inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ay ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang ‘mga hiwaga’ sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng paghahayag sa marami sa kanyang mga kalagayan. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng paghahayag, pakikitungo, pagpipino, at pagkastigo sa tao—para malaman ng tao na ang Diyos ay praktikal(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto).

Kapag nagtatrabaho ang Diyos upang hatulan at linisin ang tiwaling sangkatauhan sa mga huling araw, gumagamit Siya ng maraming aspeto ng mga katotohanan upang hatulan at ilantad ang mala-satanas na kalikasan ng tao na sumusuway at lumalaban sa Diyos, at ipakita sa tao ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na walang kinukunsinting pagkakasala. Sa pamamagitan ng paghatol ng salita ng Diyos, nakakaya ng tao na makita nang malinaw ang katotohanan ng malalim na pagtitiwali sa kanila ni Satanas, at tunay na kilalanin ang banal na diwa ng Diyos at ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi kumukunsinti ng pagkakasala, nagkakaroon ng paggalang para sa Diyos. Kaya tumatakas sila sa pagkaalipin sa at pagkontrol ng kasalanan, at kamtin ang kalinisan at pagliligtas ng Diyos. Kapag binabasa namin ang salita ng Makapangyarihang Diyos, nararamdaman namin na hinahatulan at inilalantad tayo ng Diyos nang harap-harapan, at nararamdaman nating lahat na ang salita ng Diyos, tulad ng tabak na may dalawang talim, ay hinahatulan at inilalantad ang ating mapaglabag at lumalaban-sa-Diyos na mala-satanas na kalikasan. Malinaw nating nakikita ang katotohanan na tayo ay ginawang tiwali nang napakalalim ni Satanas, na ang ating kalikasan ay mayabang mapanlinlang, makasarili at kasuklam-suklam. Bagama’t naniniwala tayo sa Diyos hindi natin maaaring maparangalan ang Diyos, at wala tayong pusong natatakot sa Diyos. Tayo ay madalas na nagsisinungaling at dinadaya ang Diyos, dinadaya ang ibang mga tao. Naniniwala tayo sa Diyos ngunit sinasamba at sinusunod natin ang tao. Sa sandaling magkaroon tayo ng katayuan, ipinapasikat pa natin ang ating mga sarili at pinupuri natin ang ating mga sarili, upang pakinggan at sundin tayo ng mga tao. Maaari pa tayong humiwalay sa Diyos at harapin Siya, nagtatatag ng mga malayang kaharian. Kapag nakakaranas tayo ng mga sakunang likas o gawa ng tao, nagrereklamo pa tayo tungkol sa Diyos at nilalabanan ang Diyos. Kapag hindi tumutugma ang bagong gawain ng Diyos sa ating mga paniwala, kikilos pa tayo na tulad ng mga Hudyong Fariseo noon, gumagawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos at hinahatulan Siya ayon sa gusto natin. Kung gumugol tayo nang kaunti, gumawa ng ilang gawain o nagdurusa nang kaunti para sa Diyos, kikilos tayo nang paimportante at ipinagyayabang ang ating katandaan, humihiling ng biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos. Sa sandaling hindi mabigyang-kasiyahan ang ating mga ninanais, kikilos tayo nang negatibo at babagal o aalis sa ating trabaho, atbp. Nakikita natin na ang pagtiwali sa atin ni Satanas ay napakalalim! Hindi natin kailanman isinabuhay ang imahe ng mga tao! Tayo ay talagang pinakalarawan ni Satanas! Habang hinaharap ang katotohanan ng pagtiwali sa atin ni Satanas, lahat tayo ay taos-pusong nahihiya at labis na nagsisisi, at pinahalagahan natin na ang kabanalan ng Diyos ay hindi madudungisan at ang Kanyang matuwid na disposisyon ay hindi masasaktan. Wala tayong magagawa kundi ang lumagapak sa harapan ng Diyos, pinagsisisihan ang ating mga masasamang gawain, kinasusuklaman ang ating mala-satanas na kalikasan, at nagsisisi sa Diyos. Sumasang-ayon tayong tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, gampanan ang ating tungkulin bilang mga nilikhang nilalang, at sundin ang lahat ng plinano at isinaayos ng Diyos. Ito ang resulta ng paghatol ng salita ng Diyos sa Kanyang mga napiling tao!

Alam nating lahat matapos maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos na hindi lamang ginagamit ng Diyos ang Kanyang salita upang hatulan at ilantad tayo. Inaasinta rin Niya ang ating mga aktuwal na kalagayan, nagtatakda ng iba-ibang kapaligiran, mga tao at bagay upang subukan at ibunyag tayo, tunay tayong pinupungos at pinakikitunguhan, dinidisiplina tayo. Sa pamamagitan ng aktuwal na pagkakaranas sa paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos ng Diyos, nakikita natin na ang ating kalikasan ay masyadong mayabang, masyadong matigas ang ulo. Kung hindi natin matatanggap ang ganoong paghatol at pagkastigo, hindi makakamit ng ating disposisyon ang pagbabago. Halimbawa, kung minsan ay hindi natin isinasagawa ang katotohanan habang tinutupad natin ang ating tungkulin. Sa pamamagitan ng ating mayabang na kalikasan, ginagawa natin ang anumang gusto natin, pinararangalan ang ating mga sarili, pinupuri ang ating mga sarili upang pahangain ang mga tao, na nagpapaitim sa ating mga espiritu sa loob at hindi madama ang presensiya ng Diyos, at ang ating mga puso ay nasasaktan at napapapino. Sa oras na ito, babatikusin tayo sa loob ng salita ng Diyos. Kung minsan magtatakda ang Diyos ng mga tao at bagay upang pakitunguhan at pungusin tayo, upang tayo ay bumalik sa harapan ng Diyos upang magwari at kilalanin ang ating mga sarili, at makilala nang hindi namamalayan ang ating mayabang na ambisyon na pagnanais na kontrolin at ariin ang mga tao. Kapag nakikita natin na ang ating kalikasan ay yaong sa arkanghel, hindi mapigilan ng ating mga puso na manginig sa takot. Nararamdaman natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi maaaring saktan, at yuyuko sa harapan ng Diyos upang magdasal at magsisi sa Kanya. Sa sandaling ito, aaliwin tayo, hihikayatin tayo ng mga salita ng Diyos, at ipapaintindi sa atin ang lahat ng sakit at pagsisikap ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kaya hindi tayo maaaring maging sunud-sunuran at mahina, magkaroon ng kumpiyansa na hanapin ang katotohanan, at hangarin ang pagbabago ng disposisyon. Matapos maranasan ang aktuwal na pakikitungo, pagpupungos, pagdidisiplina at pagtutuwid ng Diyos nang maraming beses nakakamit ng ating mayabang na disposisyon ang pagbabago, tayo ay nagiging mas mababang-loob sa pagtupad sa ating tungkulin at hindi walang galang gaya ng dati, at magagawa natin ang pagkukusang magbukas at kilalanin ang ating sariling katiwalian, sinasadyang parangalan ang Diyos, sumaksi sa Diyos, at maramdaman na ang pamumuhay nang ganito ay naglalagay sa ating puso sa katiwasayan at kasiyasiya. Ang gawain ng pagliligtas ng Diyos ay tunay na napaka-praktikal! Sa pamamagitan ng aktuwal na pagkakaranas sa ganoong paghatol at pagkastigo mula sa Diyos kaya mayroon na tayo ngayong tunay na kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at alam kung anong uri ng tao ang minamahal ng Diyos at anong uri ng tao ang kinasusuklaman ng Diyos, anong uri ng tao ang ililigtas niya at anong uri ng tao ang kanyang aalisin, anong uri ng tao ang kanyang bibiyayaan at anong uri ng tao ang kanyang isusumpa, at nalaman din natin na tunay na sinisiyasat ng Diyos ang lahat at nangingibabaw sa lahat. Ang Diyos ay nasa tabi natin, tunay na gumagabay sa atin, nagliligtas sa atin, na nagpapaintindi sa atin na ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay ang Kanyang paghatol at pagkastigo sa atin na tiwaling sangkatauhan. Ito ay pagsisiyasat, ito ay paglilinis. Nang may takot sa Diyos sa ating mga puso at mga pagbabago sa ating tiwaling disposisyon, magagawa nating hanapin ang katotohanan kapag nahaharap tayo sa mga bagay, isagawa ang katotohanan, at sundin ang Diyos, dahan-dahang isinasabuhay ang wangis ng tunay na tao. Ang pagbabagong nakamit natin sa ngayon ay ganap na resulta ng pagkakaranas sa gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw. Ito ay ang napakalawak na pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa atin.

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinundan: Tanong 7: Maraming mga kapatid ang nag-iisip na ang ating paniniwala sa Panginoong Jesus ay nangangahulugan na napatawad na ang ating mga kasalanan, at na tinamasa nating mabuti ang biyaya ng Panginoon at lahat ay nakaranas ng habag at awa ng Panginoon. Hindi na mga makasalanan ang tingin sa atin ng Panginoon Jesus, kaya dapat maaari tayong madala nang diretso sa kaharian ng langit. Kung gayon bakit hindi tayo dinala ng Panginoon sa kaharian ng langit noong dumating Siya, ngunit kailangan pa ring gawin ang Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw? Ang paghatol ba ng Diyos sa mga huling araw ay upang linisin at iligtas ang sangkatauhan o upang kondenahin at sirain? Maraming tao ang hindi nakakaunawa dito. Mangyaring i-fellowship ito sa amin nang mas tiyak.

Sumunod: Tanong 9: Tinatanggap natin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, ngunit paano natin mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang matanggap natin ang katotohanan at buhay, tanggalin ang ating makasalanang kalikasan, at makamit ang kaligtasan upang pumasok sa kaharian ng langit?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 1: Nananalig na tayo sa Panginoon sa loob ng napakaraming taon. Kahit maaari tayong mangaral at kumilos para sa Panginoon at magdusa nang husto, maaari pa rin tayong palaging magsinungaling, manloko at mandaya. Araw-araw, ipinagtatanggol natin ang ating sarili. Napakadalas, mayabang tayo, mapagmataas, pasikat, at mapanghamak sa iba. Namumuhay tayo sa sitwasyon ng pagkakasala at pagsisisi, at hindi tayo makaalpas sa pang-aalipin ng laman, at dumaranas at nagsasagawa ng salita ng Panginoon. Hindi pa natin nararanasan ang anumang realidad ng salita ng Panginoon. Sa kaso natin, madadala man lang ba tayo sa kaharian ng langit? Sabi ng ilang tao, gaano man tayo magkasala, gaano man tayo inaalipin ng laman, ang tingin sa atin ng Panginoon ay walang kasalanan. Sumusunod sila sa salita ni Pablo: “Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta: sapagka’t tutunog ang trumpeta, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin” (1 Corinto 15:52). At ipinapalagay nila na agad babaguhin ng Panginoon ang ating anyo pagdating Niya at dadalhin tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala ng ilang tao na ang mga tumatanggap ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya pero patuloy pa ring nagkakasala ay hindi karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. Nakabatay ito unang-una na sa salita ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ito ay dalawang magkakumpitensyang pananaw na hindi malinaw na masasabi ng sinuman, Makipag-usap naman kayo para sa amin.

Sagot: Noong araw, dati-rati’y itinuturing nating salita ng Diyos ang mga salita ng mga apostol na kagaya ni Pablo at sumusunod tayo sa...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito