67. Ang Pagsasabuhay ng Kaunting Kawangis ng Tao ay Tunay na Dakila

Ni Tashi, Canada

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hanggang sa matapos ang Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala—bago Niya ihayag ang kalalabasan ng bawat kategorya ng tao—ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa pagliligtas, ang layunin nito ay para lamang gawing ganap—nang lubusan—yaong mga nagmamahal sa Kanya at mapasakop sila sa Kanyang kapamahalaan. Paano man inililigtas ng Diyos ang mga tao, ginagawang lahat iyon sa pamamagitan ng paghiwalay sa kanila sa dati nilang satanikong kalikasan; ibig sabihin, inililigtas Niya sila sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na hangarin ang buhay. Kung hindi nila gagawin iyon, walang paraan upang matanggap nila ang pagliligtas ng Diyos. … Dati-rati, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay may kasamang pagpapakita ng sukdulang pag-ibig at habag, kaya ibinigay Niya ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng buong sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Ang kaligtasang ipinagkaloob sa inyo ngayon ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, kung kailan ibinubukod ang bawat isa ayon sa uri; ang paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o habag, kundi pagkastigo at paghatol, upang ang tao ay maaaring mas lubusang maligtas. Sa gayon, ang natatanggap lamang ninyo ay pagkastigo, paghatol, at walang-awang paghampas, ngunit dapat ninyong malaman ito: Sa walang-pusong paghampas na ito wala ni kakatiting na kaparusahan. Gaano man kabagsik ang Aking mga salita, ang sumasapit sa inyo ay iilang salita lamang na maaaring magmukhang lubos na walang puso sa inyo, at gaano man katindi ang Aking galit, ang dumarating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo o patayin kayo. Hindi ba totoo ang lahat ng ito? Dapat ninyong malaman na sa panahong ito, matuwid na paghatol man o walang-pusong pagpipino at pagkastigo, lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Ibinubukod man ngayon ang bawat isa ayon sa uri o inilalantad ang mga kategorya ng tao, ang layunin ng lahat ng salita at gawain ng Diyos ay upang iligtas yaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay pinasasapit upang dalisayin ang tao, at ang walang-pusong pagpipino ay ginagawa upang linisin sila; ang masasakit na salita o pagkastigo ay kapwa ginagawa upang magpadalisay at alang-alang sa kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). Inakala ko noon na ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya at mga pagpapala sa mga tao. Hindi ko naunawaan kung bakit sinabi ng Diyos na ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay pagmamahal din. Ngunit sa sandaling ‘yon, dumanas ako ng paghatol, paglalantad, pagwawasto at pagpipino ng mga salita ng Diyos, at nagkamit ng ilang pag-unawa sa aking kayabangan, labis na pagpapahalaga sa sarili na satanikong kalikasan. Nabawasan ang aking pagiging bastos, at nagkaroon ng kakayahan na sadyang manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan sa kinakaharap na problema; natuto din akong makinig sa mga suhestiyon ng ibang tao at magsabuhay ng kaunting wangis ng tao. Sa ganito ko tunay na naranasan na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay ang Kanyang pagliligtas para sa sangkatauhan, na ang mga ito ang pinakatotoong uri ng pagmamahal.

Gagawa ang iglesia ng pelikula noong nakaraang taon, at inirekomenda ng mga kapatid na ako ang maging direktor. Naaalala ko noong nagsisimula pa lang ako sa tungkuling iyon, medyo kabado ako, pero lagi akong nananalangin sa Diyos at unti-unting nawala ang kaba ko, at nasimulan ko na ang trabaho. Tapos, lagi nang ginagamit ng mga kapatid ang mga ideya ko. Pagkatapos mapanood ang pelikulang idinerehe ko, naging napakataas ng pagtingin nila dito. Sinabi rin ng pinuno na ipinanganak ako para maging direktor, Napakasaya kong marinig iyon at inisip sa aking sarili: “Konti pang praktis, walang dudang talagang magiging magaling na ako.” Mula noon, kapag nagtatrabaho kami ng mga kapatid, hindi na ako mapagpakumbaba gaya ng dati, kundi may kumpiyansa kung magsalita, at taas-noo ako. Gusto ko ring ako lagi ang masusunod sa lahat at wala akong ibang iniintindi. Sa sandaling may kumwestiyon sa ideya ko o magbigay ng ibang mungkahi, nagiging mapagmatigas ako, maikli ang pasensya, at mababa ang tingin ko sa kanila. Pakiramdam ko ay nakakaangat ako sa kanila sa lahat ng bagay, at dapat sundin na lang nila kung ano’ng sabihin ko sa halip na magreklamo. At sa tingin ko, maliliit na bagay lang naman ang sinasabi nila na hindi na dapat pag-usapan pa. Kaya lagi kong itinatanong “Mahalaga ba ang tanong na iyan?” para patahimikin sila. Minsan, pinakita sa akin ni Sister Zhang, ang bidang karakter, ang mga kasuotang napili niya. Naisip ko, “Bakit hindi ka marunong pumili?” Pinapalitan ko sa kanya lahat ng bago. Marami sa mga damit na pinili niya ang hindi ko tinanggap. Ang laman lang ng isip ko, ako ang direktor, kaya inisip kong tama ang desisyon ko at dapat nila akong pakinggan. Naramdaman ng mga kapatid na hinihigpitan ko sila at ayaw na nilang magbigay ng mungkahi. Nang makita kong mangyari iyon, nalungkot naman talaga ako, pero naisip ko, iniisip ko lang ang trabaho namin, at hindi mali ang ginagawa ko. Kaya hindi ko na iyon masyadong inisip. Noong panahong iyon, nagbahagi sa akin ang pinuno ko at tinapat ako. Sabi niya masyado akong mayabang at dominante, binalaan niya akong huwag ituon ang aking pansin sa iba, kundi magnilay-nilay, at isagawa ang katotohanan para malutas ang aking problema. Pero hindi ko pa naiintindihan ang likas ko noon. Pakiramdam ko, talagang responsable ako sa trabaho ko. Ipinagpatuloy ko lang ang pamumuhay sa mapanghimagsik at mapagmatigas na kalagayan, at hindi na ako makapagtrabaho nang mabuti kasama sila. Sa katagalan, palagi kaming nagkakaproblema sa aming gawain na nakaantala sa pag-usad namin.

Isang araw, nabalitaan kong may pinuno ng pangkat na natanggal dahil nakakaantala sa trabaho ang kanyang pagiging mapagmataas, hindi pagtanggap ng totoo, at paghihigpit sa mga kapatid. Medyo natakot ako dahil doon. Alam kong pareho lang ang inaasal ko sa pinuno ng pangkat na iyon. Naisip kong nagbababala sa akin ang Diyos, kaya nagdesisyon akong hindi na ako pwedeng maghari-harian nang ganoon. Sa halip, dapat akong magpigil, maging mas mahinahon magsalita, at ayusin ang pakikipag-usap at pagtatalakay ng trabaho sa iba. Pero hindi ko pa rin naiintindihan ang likas ko, kaya hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin iyon.

Kalaunan, dahil napakabagal ng pag-usad ng grupo namin, inatasan ng pinuno si Sister Liu para tumulong sa akin. Noong una, hindi ko talaga iyon matanggap. Naisip kong pinagdududahan ng pinuno ang kakayahan ko, pero dahil naitakda na iyon, mabigat sa loob kong tinanggap iyon. Mula noon, sa mga pulong sa trabaho, napansin kong palaging humihingi ang pinuno ng payo kay Sister Liu. Labis akong nabalisa at pakiramdam ko, mababa ang tingin sa akin ng pinuno. Nagsimulang sumama ang loob ko sa kanya. Higit pa roon, kontra ako kay Sister Liu. Hindi ko siya matanggap. Kaya tuwing pag-uusapan namin ang trabaho, tahimik at nakasimangot lang akong nakaupo. Isang beses, may nakita siyang ilang problema sa gawain ng pangkat namin at nagbigay ng ilang mungkahi na nagustuhan talaga ng lahat ng mga kapatid natin, pero hindi ko iyon tinanggap. Tumanggi akong pakinggan ang kahit anong mungkahi niya. Nang tanungin ng lahat ang opinyon ko, kinimkim ko ang galit ko at sinabing: “Bahala kayo.” Pinakitunguhan ako ng pinuno, at sinabing hindi ko itinataguyod ang gawain ng bahay ng Diyos. Sa katunayan ay nalungkot ako at alam kong kahit ano’ng mangyari, hindi ko dapat ibaling ang inis ko sa gawain ng bahay ng Diyos. Pero hindi ko talaga iyon matanggap. Sa isip ko, “Kung si Sister Liu lang ang pinapakinggan mo, ano pang dapat pag-usapan?” Lagi kong nasa isip na tama ako sa lahat ng bagay, kaya sa sumunod na ilang pulong sa trabaho pinagpilitan ko ang mga opinyon ko at hindi ako sumang-ayon kay Sister Liu kahit na makatwiran ang mga mungkahi niya. Sa tingin ko nagpapakitang-gilas siya. May isang beses na nagrekomenda siya ng isang partikular na aktor at kung anu-anong problema ang sinabi ko tungkol sa aktor na iyon at tinanggihan ko ang mungkahi niya. Ayoko lang talagang makinig sa kanya. Gusto kong ako lang ang mamahala sa lahat ng trabaho. Ramdam ni Sister Liu na hinihigpitan ko siya at ayaw na niyang magbigay pa ng mga mungkahi. Noong mga panahong iyon, dahil namumuhay akong may mapagmataas at mapagmagaling na disposisyon at hindi ko hinahanap ang katotohanan, unti-unting nalugmok ang espiritu ko sa kadiliman. Bawat araw, naging napakalungkot ng pakiramdam ko at tila kinukubli ng Diyos ang Kanyang sarili sa akin. Wala akong masabi sa Diyos sa aking mga panalangin at hindi ko maunawaan ang mga salita ng Diyos kapag nagbabasa ako. Naging blangko ang utak ko at palpak sa tungkulin ko. Hindi ako makakita ng kahit anong problema. Nabubuhay ako sa pagkabalisa at pakiramdam ko, laging may masamang mangyayari.

Pagkalipas ng ilang araw, pinulong kami ng pinuno namin. Inilantad niya ang disposisyon ko at sinabing masyado akong mapagmataas, na diktador ako at hindi-makatwiran sa aking tungkulin, at talagang nagambala ko ang trabaho namin. Pinauwi niya ako para manalangin nang seryoso at pagnilayan ang sarili. Gulat na gulat ako nang marinig ko ang mga sinabi niya sa akin pero taimtim akong nanalangin sa Diyos, at sinabi, “O, Diyos ko, anumang sitwasyon ang aking makaharap, naniniwala akong itinakda Mo ang lahat ng iyon at handa akong magpasakop.” Hindi ako nakatulog kahit kaunti noong gabing iyon. Iniisip ko kung gaano na ako katagal na direktor, pero mula bukas ay kailangan kong umalis dito. Hindi ko iyon maalis sa isip ko at ang sama-sama ng loob ko, hindi ko mapigilang umiyak. Gusto kong gamitin ang pagkakataong iyon para manalangin at magnilay-nilay, para makabangon ako kung saan ako natisod. Pero sa bahay, hindi ko maituon ang konsentrasyon ko sa mga salita ng Diyos at hirap na hirap ako. Ang kaya ko lang gawin ay humarap sa Diyos at paulit-ulit na tumawag sa Kanya. Sabi ko, “Diyos ko, napakasakit ng nararamdaman ko. Tulungan Mo ako at ingatan Mo ang puso ko upang maunawaan ko ang kalooban Mo sa sitwasyong ito, at makilala ko ang sarili ko.” Sa patuloy na pananalangin sa Diyos, nakaramdam ako sa wakas ng kaunting kapayapaan.

Pumunta ang ilang kapatid para kumustahin ako kinabukasan, para magbahagi at tumulong sa akin, at sinabi nila ang ilan sa mga problema ko. Natatandaan kong sinabi ng isang kapatid, “Naging mapagmataas ka pagkatapos magkamit ng ilang magandang resulta sa iyong gawain at gusto mong ikaw lang ang masusunod sa lahat. Masyado kang dominante at mahirap kang ka-trabaho.” Sabi ng isang kapatid, “Sa mga pulong sa trabaho, komportable kaming lahat kapag wala ka, pero kapag dumating ka na, tensyonado na kaming lahat at takot na tatanggihan mo ang mga iniisip at ideya namin.” Bawat salitang lumalabas sa mga bibig nila ay parang patalim sa puso ko. Nahihiya akong humarap sa kanila at ang sama-sama ng nararamdaman ko. Sa buong buhay ko, noon ko lang naramdaman na wala akong kwentang tao. Umabot sa puntong wala na silang lakas ng loob lumapit sa akin, at natatakot sila kapag nakikita ako. Naisip ko, “Mabuting tao pa ba ako? Paano ako naging ganito kamanhid?” Hindi ko napagtanto na labis na makakasakal at makakasakit sa iba ang mapagmataas kong disposisyon. Alam ko na noong mayabang ako at madalas na nagbabahagi sa akin ang pinuno, pero hindi ko iyon gaanong binigyang-pansin. Sa halip, inisip kong dala ng pagiging magaling ang kayabangan ko. Sino bang talentado at magaling ang hindi mapagmataas? Kaya hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin iyon. Pero sa tulong at pagbabahagi ng mga kapatid, natagpuan ko na ang kapayapaan sa puso ko at napapayapa ang sarili ko para pagnilayan ang aking asal.

Sa pagninilay-nilay ko, may nabasa akong dalawang talata sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos, “Kung talagang nasasaloob mo ang katotohanan, natural na magiging tama ang landas na iyong tinatahak. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang kayabangan at kahambugan, makikita mo na imposibleng hindi sumuway sa Diyos; mapipilitan kang sumuway sa Kanya. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na kayabangan at kahambugan. Dahil sa iyong kayabangan at kahambugan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, lagi kang magpasikat, at, sa huli, papalit ka sa lugar ng Diyos at magpapatotoo para sa iyong sarili. Sa huli, gagawin mong mga katotohanan ang iyong sariling mga ideya, ang iyong sariling pag-iisip, at ang iyong sariling mga kuru-kuro para sambahin ka. Tingnan mo kung gaano kalaking kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang likas na kayabangan at kahambugan!(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mayabang ang mga tao, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong mayabang ang mga disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos. Bagama’t, sa tingin, maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mayabang na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—walang kuwenta iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mayabang na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos na magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong klaseng tao ay walang pagpipitagan sa Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya(Pagbabahagi ng Diyos). Napagtanto ko mula sa mga salita ng Diyos na itinulak ako ng kayabangan at kahambugan ko na sumuway at lumaban sa Diyos. Mula nang gampanan ko ang tungkulin ko bilang direktor, nang magtagumpay ako nang kaunti, inakala kong dahil iyon sa sarili kong pagsisikap, na mas magaling ako sa iba. Binalewala ko na ang iba at ipinagpilitan ang gusto ko, dahil gusto kong ako lang ang masunod sa lahat. Nang hindi ako makakuha ng mga resulta sa tungkulin ko, hindi ko pinagnilayan kung nasa akin ba ang problema, at sa halip ay pinagtuonan ko lang ang mga kapatid ko. Mapanghamak kong pinakitunguhan at pinangaralan ang iba. Minaliit ko ang lahat dahil sa pagmamataas at kapalaluan. Hindi ko nakikita ang kalakasan ng iba, at iniisip kong mga ideya ko ang pinakamaganda. Hindi ko tinatanggap ang suhestyon nila at kinokontrol ko sila. Hindi ko nagawang kilalanin ang sarili ko dahil sa pagmamataas at kapalaluan ko, at kahit maraming beses na akong tinabas at pinakitunguhan, ayaw ko iyong tanggapin at pagnilay-nilayan. Talagang wala akong pagnanasa para sa paghahanap. Nang bumagal ang pag-usad ng trabaho ko at malinaw na hindi ko kayang pamahalaan ang trabaho, ayaw ko pa ring makipagtulungan sa iba o hayaan silang makialam sa mga gawain ko. Pakiramdam ko, mababawasan nito ang awtoridad ko at banta ito sa reputasyon at posisyon ko. Gusto ko, ako lang ang mamamahala at ako lang ang masusunod. Hindi ba’t binabagtas ko ang landas ng paglaban sa Diyos? Nang medyo nagtagumpay si Sister Liu sa tungkulin niya at nanganib ang posisyon ko, alam na alam kong tama siya at makakatulong sa gawain ng bahay ng Diyos ang mungkahi niya, pero ayaw ko iyong tanggapin. Sa halip, pinuna ko lahat, at nang makita kong sumasang-ayon sa kanya ang mga kapatid namin, hindi ko talaga matanggap iyon, at ibinaling ko ang inis ko sa gawain ng iglesia. Handa akong makitang magdusa ang gawain ng bahay ng Diyos para protektahan ang sarili kong reputasyon at estado. Nasaan ang paggalang ko sa Diyos? Nasaan ang konsensiya at katinuan ko? Nalaman kong namumuhay ako sa mapagmataas at palalong makademonyong disposisyon, pinagpipilitan ang sarili kong iniisip at opinyon sa mga kapatid na parang iyon ang katotohanan, at pinipilit ang mga taong makinig sa akin sa lahat ng bagay. Hindi ba’t paghahangad iyong maging kapantay ng Diyos, at kontrolin ang iba? Matagal ko na palang nalabag ang mga atas administratibo ng Diyos: “Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Sa wakas ay napagtanto kong mahirap ang kalagayan ko. Mukhang ginagampanan ko ang tungkulin ko araw-araw, na masigasig na ginagamit ang sarili ko, pero satanikong disposisyon ang ipinapakita ko. Salungat lahat ng kilos ko sa katotohanan, at nagagambala ko ang gawain ng iglesia. Gumagawa ako ng masama, lumalaban sa Diyos at nagkakasala sa disposisyon Niya! Nagtaka ako kung paano ako umabot sa puntong iyon. Iyon ay dahil likas na mapagmataas at mahigpit ako. Hindi ko kailanman tinanggap ang katotohanan, kaya sa huli ay ibinaling ko ang poot ng Diyos sa akin. Masyado na akong nagawang tiwali ni Satanas, kaya talagang wala na akong realidad ng katohanan. Ang pagtanggap ng ganoon kahalagang tungkulin ay pag-aangat ng Diyos sa akin, at ang pagkakaroon ng kaunting tagumpay sa tungkulin ko ay ganap na gawa ng Banal na Espiritu, at hindi dahil sa kahit anong kakayahan ko. Nakita ko na noong umasa ako sa mapagmataas kong likas sa tungkulin ko, tumigil na ang gawain ng Banal na Espiritu at wala na akong maisip o malutas. Pero gayunpaman, pakiramdam ko pa ri’y ayos lang ako. Wala na sa katinuan ang pagmamataas ko, wala ni katiting na kamalayan sa sarili. Noon lang ako nagsimulang mainis at mapoot sa mayabang kong likas.

Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Lahat kayo ay naninirahan sa isang lupain ng kasalanan at kahalayan, at lahat kayo ay mahalay at makasalanan. Ngayon ay hindi lamang ninyo nakikita ang Diyos, kundi ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, natanggap ninyo ang tunay na malalim na pagliligtas, ibig sabihin, natanggap ninyo ang pinakadakilang pagmamahal ng Diyos. Sa lahat ng Kanyang ginagawa, totoong mapagmahal ang Diyos sa inyo. Wala Siyang masamang layon. Dahil sa inyong mga kasalanan kaya Niya kayo hinahatulan, upang suriin ninyo ang inyong sarili at tanggapin ang napakalaking pagliligtas na ito. Lahat ng ito ay ginagawa para gawing ganap ang tao. Mula simula hanggang wakas, ginagawa na ng Diyos ang Kanyang buong makakaya upang iligtas ang tao, at wala Siyang hangaring ganap na wasakin sa Kanyang sariling mga kamay ang mga taong Kanyang nilikha. Ngayon, naparito Siya sa inyo upang gumawa; hindi ba ito mas maituturing na pagliligtas? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawa pa ba Siya ng gayon kalaking gawain upang personal kayong gabayan? Bakit Niya kailangang magdusa nang gayon? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o wala Siyang anumang masamang layon sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang pagmamahal ng Diyos ang pinakatotoong pagmamahal. Dahil lamang sa suwail ang mga tao kaya Niya sila kailangang iligtas sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi dahil dito, imposible silang mailigtas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 4). Paulit-ulit kong binasa ang mga salita ng Diyos. Guminhawa ang pakiramdam ko at naging emosyonal ako. Sa ganoong pagbubunyag sa akin, nakita kong hindi ako kinokondena o inaalis ng Diyos, at hindi Niya pakay na pahirapan ako. Ginawa Niya talaga iyon para sa pagliligtas sa akin. Sadyang likas akong mapagmataas at mahigpit at alam ng Diyos kung ano’ng kailangan ko. Sa pagkawala ng tungkulin ko at pagtabas at pakikitungo ng mga kapatid, nakita ko ang sarili kong mapagmataas na disposiyon at napagnilayan ko ang landas na tinahak ko, at tunay na nakapagsisi sa Diyos upang hindi na ako sumuway at lumaban pa sa Kanya. Kahit nakaranas ako ng sakit at pagiging negatibo sa prosesong iyon, kung hindi dahil sa ganoong klase ng paghatol at pagkastigo, hindi magigising ang manhid kong puso. Hindi ko mapagninilayan ang naging asal ko o makikilala ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi sana ako tunay na nakapagsisi sa Diyos, kundi patuloy na lumaban sa Kanya, at sa huli ay magkakasala ako sa disposisyon Niya at mapaparusahan. Sa wakas ay naranasan ko mismo na ang paghatol at paghayag ng mga salita ng Diyos ay pag-iingat Niya sa akin, at ang pinakatunay na pag-ibig. Labis akong nagpasalamat sa Diyos nang mapagtanto ko ito at naisip kong tapat na hanapin ang katotohanan sa hinaharap Para agad kong maiwaksi ang tiwaling disposisyon at maisakabuhayan ang wangis ng tao.

Matapos iyon, patuloy akong nanalangin at naghanap. Inisip ko kung paano ko ititigil ang mayabang na disposisyon at ang paglaban sa Diyos. Sa paghahanap, nabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos. “Ang likas na kayabangan ay ginagawa kang sutil. Kapag mayroong ganitong sutil n disposisyon ang mga tao, hindi ba madali silang maging di-makatwiran at basta-basta? Kung gayon, paano mo lulutasin ang iyong pagiging di-makatwiran at pabasta-basta? Kapag mayroon kang ideya, sabihin ito sa iba at sabihin mo ang nasa isip mo at naniniwala ka sa bagay na ito, at pagkatapos, sinasabi mo ito sa lahat ng tao. Una, maaari mong ipaliwanag ang pananaw mo at hanapin ang katotohanan; ito ang unang hakbang na dapat mong isagawa para madaig ang disposisyong pagiging di-makatwiran at pabasta-basta. Nangyayari ang ikalawang hakbang kapag nagpapahayag ang ibang mga tao ng salungat na mga opinyon—ano ang maisasagawa mo para maiwasang maging di-makatwiran at pabasta-basta? Dapat ka munang magkaroon ng saloobing mapagpakumbaba, isantabi ang pinaniniwalaan mong tama, at hayaang magbahagi ang lahat. Kahit naniniwala ka na tama ang iyong paraan, hindi mo ito dapat ipagpilitan. Iyan, una sa lahat, ay isang uri ng pagsulong; ipinapakita nito na hinahanap mo ang katotohanan, ng pagtanggi sa iyong sarili, at ng pagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Kapag nagkaroon ka na ng ganitong saloobin, kasabay ng hindi mo pagkapit sa sarili mong opinyon, nagdarasal ka. Dahil hindi mo alam ang kaibhan ng tama at mali, hinahayaan mong ihayag at sabihin sa iyo ng Diyos kung ano ang pinakamainam at pinakaangkop na gawin. Habang sumasali ang lahat sa pagbabahagi, naghahatid ng kaliwanagan ang Banal na Espiritu sa inyong lahat(Pagbabahagi ng Diyos). Nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa mula sa mga salita ng Diyos. Kung ayokong mamuhay sa pagmamataas at maging di-makatwiran sa tungkulin ko, kailangan ko ng pusong naghahanap ng katotohanan at gumagalang sa Diyos. Kailangan kong makipagtulungan sa mga kapatid at kapag mayroong naiibang opinyon, kaya ko dapat itanggi at isantabi ang aking sarili, manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan. Sa ganoong pag-iisip lang ako mas madaling maliliwanagan ng Banal na Espiritu, at hindi na ako kailanman aabot sa pagsuway at paglaban sa Diyos at pagsira sa gawain ng bahay ng Diyos, sa pagpipilit sa mga ideya ko. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, parang nagliwanag ang puso ko. Nanalangin ako ng ganito: “Diyos ko, mula ngayon, gusto kong magtrabahong kasundo ang mga kapatid para mahanap namin ang katotohanan nang sama-sama at magawa ang aming tungkulin ayon sa mga prinsipyo.”

Hindi nagtagal pagkatapos noon, naatasan akong magsulat ng ilang linya ng kaligrapiya para sa tungkulin ko. Nang marinig ko iyon, naisip ko, “Kayang-kaya ko ang ilang titik ng kaligrapiya. Pinag-aralan ko iyon, kaya kumpiyansa akong gawin iyon.” Nagsulat ako ng ilang bersyon, at pagkatapos tingnan ang mga iyon, sinabi ni Sister Liu, “Hindi na siguro masama iyan.” Nainis na naman ako sa kanya noon din at naisip ko, “May pag-aalinlangan ang pagkakasabi mo. Ganoon ba talaga kasama ang kaligrapiya ko? Pinag-aralan ko ito, magaling ako dito. Hindi ba mas alam ko ito kaysa sa iyo? Mukhang hindi ka marunong kumilatis ng ganito, at sinasadya mo lang mamuna.” Pero habang tumatakbo ang mga iyon sa isip ko, bigla kong napagtantong mali ako. Hindi ba pagiging mapagmataas na naman iyon? Hindi ako nagsayang ng oras para manalangin sa Diyos: “O, Diyos ko, gusto ko na magkaroon ng ugaling mapaghanap at masunurin, isantabi ang aking sarili, at ibigay ang lahat para sa aking tungkulin.” Nagsulat ako ng isa pang bersyon nang may ganoong pag-iisip, at nang makita iyon ni Sister Liu, nagbigay pa siya ng mga mungkahi, at tinanong kung mapapaganda ko pa iyon. Ang sabi ng ilang kapatid, maganda na raw iyon. Batay sa ugali ko dati, kung sa tingin ko ay tama ako at sumang-ayon din sa akin ang ibang tao, tapos na ang usapan, at hindi na mababago ang isip ko. Pero hindi iyon ang pag-iisip ko noong oras na iyon. Naisip ko, “Nagbibigay ang mga kapatid ng iba’t-ibang pananaw dahil iniisip nila ang tungkulin namin. Hindi nila iyon ginagawa para pahirapan ang kahit sino. At hindi naman tiyak na tama ang mga ideya ko. Sa huli, dapat naming piliin ang pinakamabuti para sa tungkulin namin.” Habang iyon ang nasa isip ko, nagkusa ako at nagsabing: “Gagawa ako ng isa pang bersyon at kayo ang pumili kung ano ang pinakamabuti. Gamitin niyo kung ano ang mas gusto niyo.” Habang nagsusulat na may ganoong pag-iisip, lubos na kalmado at payapa ako, hindi sumagi sa isip ko ang mapahiya. Nang matapos ako, hiningan ko pa ulit sila ng komento at nagbigay ang mga kapatid ng mas maraming mungkahi. Lahat ng iyon ay mahahalagang punto. Naramdaman ko sa pagkakataong iyon na sa totoo’y ang dami ko palang naging pagkakamali at marami ang malalakas na punto ng mga kapatid na wala ako. Marami sa mga ideya at mungkahi nila ang pumuno sa mga kahinaan ko. Kaya sa tulong ng lahat, sa pagpupuno sa mahihinang punto ng bawat isa, sa huli ay mas nagtagumpay kami sa aming tungkulin. Sa tinagal ng pagtatrabaho namin ng mga kapatid sa ganitong paraan, nakaramdam ako ng matinding kapayapaan, at naging mas malapit ako sa kanilang lahat. Hindi na ako kasing-arogante o mapagmataas gaya ng dati, at hindi na ako mahirap pakisamahan. Natutunan ko rin na hindi ganoon kahirap tanggapin ang mungkahi ng mga kapatid, at nagawa kong tanggapin nang tama ang mga sinabi nila sa akin tungkol sa mga kakulangan ko. May nangyaring mga bagay na hindi ko nagustuhan, at nagpakita ako ng kaunting pagmamataas pero dahil sa paalala ng mga kapatid, nagawa kong humarap sa Diyos agad-agad. Handa akong isantabi ang sarili, hanapin ang katotohanan, at gampanan ang tungkulin ko ayon sa mga prinsipyo. Matapos kong pagdaanan ang lahat ng ito, ang naramdaman ko talaga sa puso ko ay ang diwa ng tunay na kaligayahan. Nakita kong sa wakas ay kaya ko nang isagawa ang ilan sa mga salita ng Diyos na naging napakahirap para sa akin dati. Napakahirap isantabi ang sarili ko at tanggapin ang mungkahi ng iba, pero ngayon ay kaya ko nang isagawa ang ilan sa mga salita ng Diyos. Kaya ko na ngayong isakabuhayan nang kaunti ang wangis ng tao. Hindi na ako ganoon kasungit gaya nang dati, hindi na ako ganoon kasuklam-suklam sa Diyos, at hindi na ako mahigpit sa iba gaya nang dati. Sa tuwing maiisip ko ang lahat ng iyon, nagpapasalamat ako sa Diyos. Kung hindi ako pinakitunguhan at tinabas ng Diyos, kung wala ang paghatol at mga paghayag ng mga salita Niya, wala ako ngayong ideya kung gaano ako kayabang o kasama. Ang kaunting pag-unawa at pagbabagong nakamtan ko ngayon ay talagang dulot ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.

Sinundan: 66. Paano ko Nabago ang Aking Mapagmataas na Sarili

Sumunod: 68. Pag-aani ng Bunga Mula sa Pagiging Natabasan at Napakitunguhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

60. Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito