2. Pinatototohanan mo na, sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol at paglilinis ng tao. Sa pinakahuli, matatamo Niya ang isang grupo ng mga mananagumpay, at pagkatapos ay lilipulin itong luma at masamang kapanahunan, na aakay sa tao sa isang bagong kapanahunan. Maaari mo bang ibahagi nang mas detalyado ang tungkol sa kung paano winawasak ng Diyos ang luma at masamang kapanahunan sa mga huling araw?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kapag nagawa nang ganap ang lahat ng tao ng Diyos at naging kaharian ni Cristo ang lahat ng bansa sa daigdig, iyon na ang panahon kung kailan dadagundong ang pitong kulog. Ang kasalukuyang araw ay isang hakbang patungo sa yugtong iyon; napakawalan na ang pag-atake tungo sa araw na iyon. Ito ang plano ng Diyos, at maisasakatuparan ito sa malapit na hinaharap. Gayumpaman, ang lahat ng sinabi ng Diyos ay naisakatuparan na Niya. Sa gayon, malinaw na ang mga bansa ng daigdig ay mga kastilyong buhangin lamang, malapit nang gumuho—napipinto na ang huling araw, at babagsak ang malaking pulang dragon sa ilalim ng salita ng Diyos. Para matiyak na ang plano ng Diyos ay ganap na matagumpay, ang mga anghel ay bumaba sa mundo ng tao at nagsimulang gawin ang pinakamakakaya nila para mapalugod ang Diyos, at ang Diyos na nagkatawang-tao Mismo ay nasa lugar ng digmaan para makidigma laban sa kaaway. Kung nasaan ang nagkatawang-taong laman, doon pupuksain ang kaaway. Unang wawasakin ang Tsina; lilipulin ito ng kamay ng Diyos. Hinding-hindi Niya ito kakaawaan kahit kaunti. Habang mas nahihinog ang mga tao ng Diyos, pinapatunayan nito na higit pang bumabagsak ang malaking pulang dragon; malinaw itong nakikita ng tao. Ang pagkahinog ng mga tao ng Diyos ay isang hudyat ng pagkawasak ng kaaway. Isang munting paliwanag ito sa kung ano ang kahulugan ng “makipaglaban.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagsisiwalat sa mga Misteryo ng “Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob,” Kabanata 10

Lahat ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng Aking mga salita; walang sinumang tao ang maaaring makibahagi, at walang taong makakagawa ng gawaing Aking isasagawa. Lilinisin Ko ang hangin sa lahat ng lupain at pupuksain Ko ang lahat ng bakas ng mga demonyo sa lupa. Nagsimula na Ako, at uumpisahan Ko ang Aking inisyal na gawain ng pagkastigo sa tirahan ng malaking pulang dragon. Kaya makikita na sumapit na ang Aking pagkastigo sa buong sansinukob. Ang malaking pulang dragon at lahat ng uri ng maruruming espiritu ay imposibleng makatakas sa Aking pagkastigo, sapagkat sinisiyasat Ko ang lahat ng lupain. Kapag natapos na ang Aking gawain sa lupa, ibig sabihin, kapag nagwakas na ang panahon ng paghatol, pormal Kong kakastiguhin ang malaking pulang dragon. Ang Aking mga tao ay tiyak na makikita ang matuwid Kong pagkastigo sa malaking pulang dragon, tiyak na magpapahayag ng kanilang papuri nang walang tigil dahil sa Aking pagkamatuwid, at siguradong pupurihin nila ang Aking banal na pangalan magpakailanman dahil sa Aking pagkamatuwid. Dahil dito ay pormal ninyong gagampanan ang inyong tungkulin, at pormal ninyo Akong pupurihin sa lahat ng mga lupain, magpakailan pa man!

Kapag ang panahon ng paghatol ay umabot na sa rurok nito, hindi Ko mamadaliin ang pagtapos sa Aking gawain, kundi isasama Ko rito ang katibayan ng panahon ng pagkastigo, para makita ng lahat ng tao Ko; dito makakamit ang mas magagandang bunga. Ang katibayang ito ang kaparaanang ginagamit Ko sa pagkastigo sa malaking pulang dragon, at hahayaan Kong mamasdan ito ng Aking mga tao sa sarili nilang mga mata upang mas makilala nila ang Aking disposisyon. Ang panahon na tinatamasa Ako ng Aking mga tao ay ang panahon na kinakastigo ang malaking pulang dragon. Ang pag-udyok sa mga tao ng malaking pulang dragon na tumindig at mag-alsa laban dito ay Aking plano, at ito ang pamamaraang ginagamit Ko upang gawing perpekto ang Aking mga tao, at magandang pagkakataon ito upang lumago sa buhay ang lahat ng tao Ko. … Ngayon, sumusulong Ako na kasabay ng tao patungo sa panahon ng pagkastigo, sumusulong na kasabay siya sa Aking tabi. Ginagawa Ko ang Aking gawain, ibig sabihin, hinahampas Ko ang Aking tungkod sa gitna ng tao at tumatama ito sa bahaging mapaghimagsik sa tao. Sa mga mata ng tao, tila may kakaibang mga kapangyarihan ang Aking tungkod: Sumasapit ito sa lahat ng Aking kaaway at hindi sila madaling pinalulusot nito; sa lahat ng kumokontra sa Akin, ginagampanan ng tungkod ang likas na tungkulin nito; ang lahat ng nasa Aking mga kamay ay tumutupad sa kanya-kanyang papel nito ayon sa Aking mga layunin, at hindi ito kailanman sumalungat sa Aking mga layunin o nagbago ng diwa nito. Dahil dito, raragasa ang mga tubig, madudurog ang mga bundok, guguho ang malalaking ilog, magbabago palagi ang tao, lalamlam ang araw, magdidilim ang buwan, wala nang mga araw na mamumuhay sa kapayapaan ang tao, mawawalan na ng katahimikan sa lupa, hindi na kailanman muling mananatiling panatag at tahimik ang kalangitan, at hindi na nito pipigilan ang sarili nito. Mapapanibago ang lahat ng bagay at manunumbalik sa orihinal na anyo ng mga ito. Magkakawatak-watak ang lahat ng sambahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng bansa sa mundo; mawawala na ang mga panahon na magsasama ang mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Lahat ng dating kalagayan ng mga bagay sa lupa ay Aking wawasakin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 28

Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay disposisyon ng pagkastigo at paghatol, kung saan ibinubunyag Niya ang lahat ng di-matuwid, hayagang hinahatulan ang di-mabilang na mga tao, at pineperpekto ang mga sinserong nagmamahal sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunan. Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay pinagbubukod-bukod ayon sa uri ng mga ito, at hinahati sa iba’t ibang kategorya ayon sa iba’t ibang katangian ng mga ito. Ito mismo ang panahon kung kailan ibinubunyag ng Diyos ang mga kalalabasan at hantungan ng mga tao. Kung hindi mararanasan ng mga tao ang pagkastigo at paghatol, hindi malalantad ang kanilang paghihimagsik at pagiging di-matuwid. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mabubunyag ang mga kalalabasan ng lahat ng bagay. Ipinapakita lamang ng mga tao kung ano talaga sila kapag kinakastigo at hinahatulan sila. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at ang mga tao ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang mga kalalabasan ng lahat ng bagay ay mabubunyag, para maparusahan ang masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at ang di-mabilang na mga tao ay magpasailalim sa kapamahalaan ng Diyos. Ang lahat ng gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng mga tao at napakalala na ng kanilang paghihimagsik, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, na pangunahing kinapapalooban ng pagkastigo at paghatol at ibinubunyag sa mga huling araw, ang lubusang makapagbabago at makagagawang ganap sa mga tao, at makapagbubunyag sa kasamaan, at lahat ng hindi matuwid ay mapaparusahan nang matindi. Samakatwid, ang disposisyong tulad nito ay puno ng kahalagahan ng kapanahunan. Ang disposisyon ng Diyos ay nabubunyag at nasisiwalat para sa kapakanan ng gawain ng bawat bagong kapanahunan. Hindi sa ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang basta-basta at nang walang kabuluhan. Ipagpalagay na, sa mga huling araw ng pagbubunyag sa mga kalalabasan ng mga tao, mamahalin pa rin ng Diyos ang mga tao nang may walang hanggang awa at mapagmahal na kabaitan, at patuloy na magiging mapagmahal sa kanila, hindi sila isinasailalim sa matuwid na paghatol kundi nagpapakita sa kanila ng kaluwagan, pagtitimpi, at pagpapatawad, at papatawarin sila gaano man kalubha ang mga kasalanan nila, nang wala ni katiting na matuwid na paghatol. Kung gayon, kailan magwawakas ang buong pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang akayin ng ganitong disposisyon ang mga tao patungo sa angkop na hantungan ng sangkatauhan? Maihahalintulad ito sa isang hukom na laging mapagmahal sa mga tao, isang mapagmahal na hukom na may maamong mukha at malambot na puso, na nagmamahal sa mga tao anuman ang kanilang mga nagawang krimen, at nagpapakita sa kanila ng pagmamahal at pagtitiis sinuman sila—kailan makaaabot ang gayong hukom sa isang makatarungang hatol? Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makakapagbukod-bukod sa mga tao ayon sa kanilang uri at makapagdadala sa kanila sa isang bagong dako. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay matatapos sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)

Sasapit ang lahat ng uri ng sakuna, sunod-sunod; daranas ng mga sakuna ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang mangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga ito sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga ito sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang penomenon ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa di-mabilang na bansa at tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65

Masasabi na lahat ng mga salita ngayon ay nagpopropesiya ng mga mangyayari sa hinaharap at inilalarawan ng mga ito ang mga pagsasaayos ng Diyos para sa susunod na hakbang ng Kanyang gawain. Halos tapos na ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao ng iglesia, at pagkatapos ay magpapakita Siya sa lahat ng tao nang may poot. Sabi nga ng Diyos, “Papangyarihin Ko na kilalanin ng mga tao sa lupa ang Aking mga ginagawa, at idudulot na mapatunayan ang Aking mga gawa sa harap ng ‘hukumang-luklukan,’ idudulot na makilala ang Aking mga gawa sa gitna ng mga tao sa buong daigdig, at idudulot na magsisuko ang lahat.” May nakita ba kayong anuman sa mga salitang ito? Narito ang buod ng susunod na bahagi ng gawain ng Diyos. Una, papangyarihin ng Diyos na lubos na makumbinsi ang lahat ng asong bantay na may-kapangyarihan sa politika at umatras sila nang may pagkukusa mula sa entablado ng kasaysayan, upang hindi na muling makipag-agawan kailanman para sa katayuan, at hindi na muling makibahagi kailanman sa mga pakana at intriga. Ang gawaing ito ay kailangang maisakatuparan sa pamamagitan ng iba’t ibang sakuna na ipapadala ng Diyos sa lupa. Gayumpaman, hindi magpapakita ang Diyos. Sa panahong ito, ang bansa ng malaking pulang dragon ay magiging lupain pa rin ng karumihan, at samakatwid ay hindi magpapakita ang Diyos, kundi lalabas lamang sa pamamagitan ng pagkastigo. Ganyan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, na hindi matatakasan ninuman. Sa panahong ito, lahat ng nananahan sa bansa ng malaking pulang dragon ay daranas ng kalamidad, na natural lamang na kasama rin ang kaharian sa lupa (ang iglesia). Ito ang mismong panahon kung kailan sumasapit ang mga katunayan sa mga tao. Samakatwid, mararanasan ito ng lahat ng tao, at walang sinumang makakatakas. Pauna itong inorden ng Diyos. Dahil mismo sa hakbang na ito ng gawain kaya sinasabi ng Diyos, “Ngayon ang panahon upang isakatuparan ang malalaking plano.” Dahil, sa hinaharap, wala nang iglesia sa lupa, at dahil sa pagdating ng mga sakuna, ang makakaya lamang isipin ng mga tao ay ang nasa harapan nila, at kaliligtaan na nila ang iba pa, at magiging mahirap para sa kanila na matamasa ang Diyos sa gitna ng mga sakuna. Sa gayon, hinihiling sa mga tao na malaya at buo nilang mahalin ang Diyos sa kamangha-manghang panahong ito, upang hindi nila mapalampas ang pagkakataon. Kapag lumipas na ang katunayang ito, lubusan nang natalo ng Diyos ang malaking pulang dragon, at sa gayon ay magwawakas na ang gawain ng pagpapatotoo ng mga tao ng Diyos para sa Kanya; pagkatapos, sisimulan ng Diyos ang susunod na hakbang ng gawain, ang pagwasak sa bansa ng malaking pulang dragon, at sa kahuli-hulihan ay pagpapako sa krus nang pabaligtad ng mga tao ng buong sansinukob, at pagkatapos ay lilipulin Niya ang buong sangkatauhan—ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa hinaharap.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagsisiwalat sa mga Misteryo ng “Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob,” Kabanata 42

Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang matinding poot, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna dahil dito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa itaas sa langit, makikita na sa lupa, lahat ng uri ng kalamidad ay paparating sa buong sangkatauhan, papalapit bawat araw. Habang nakatingin sa ibaba mula sa itaas, nagpapakita ang daigdig ng sari-saring mga tagpo na gaya noong bago dumating ang isang lindol. Hindi mapigil ang pagkalat ng likidong apoy, dumadaloy nang malaya ang lava, gumagalaw ang mga bundok, at kumikislap ang malamig na liwanag sa lahat. Nasadlak na sa apoy ang buong mundo. Ito ang tagpo ng paglalabas ng Diyos ng Kanyang poot, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Lahat ng mayroong laman at dugo ay hindi makakatakas. Sa gayon, ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa at mga alitan sa pagitan ng mga tao ay hindi kakailanganin para wasakin ang buong mundo; sa halip, ang mundo ay “nasisiyahan nang may kamalayan” sa loob ng duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang makakatakas; bawat tao ay kailangang magdaan sa pagsubok na ito, nang isa-isa. Pagkatapos niyon, ang buong sansinukob ay muling kikislap sa banal na kaningningan at ang buong sangkatauhan ay muling magsisimula ng isang bagong buhay. At mamamahinga ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagsisiwalat sa mga Misteryo ng “Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob,” Kabanata 18

Ang buong sangkatauhan ay nananabik na makita ang Aking mukha, ngunit nang bumaba Ako sa lupa nang personal, tutol silang lahat sa Aking pagdating, at itinataboy nila ang pagdating ng liwanag, na parang kaaway Ako ng tao sa langit. Sinasalubong Ako ng tao nang may pananggalang na liwanag sa kanyang mga mata, at nananatiling palaging alisto, na takot na takot na baka may iba Akong mga plano para sa kanya. Dahil ang turing sa Akin ng mga tao ay kaibigang hindi kilala, pakiramdam nila ay parang may kimkim Akong layunin na patayin sila nang walang pili-pili. Sa mga mata ng tao, isa Akong nakamamatay na kalaban. Nang matikman ang init ng Aking pagmamahal sa gitna ng kalamidad, ang tao gayunpaman ay hindi pa rin namamalayan ang Aking pagmamahal, at determinado pa ring hadlangan Ako at suwayin. Sa halip na samantalahin ang kanyang kundisyon para kumilos laban sa kanya, niyayapos Ko ang tao sa mainit na yakap, pinupuspos Ko ng tamis ang kanyang bibig, at nilalagyan Ko ng kailangang pagkain ang kanyang tiyan. Ngunit, kapag niyayanig ng Aking nagpupuyos na galit ang kabundukan at mga ilog, dahil sa karuwagan ng tao, hindi Ko na siya pagkakalooban ng iba’t ibang uri ng pagtulong na ito. Sa sandaling ito, Ako ay magngangalit, tumatangging bigyan ng pagkakataon ang lahat ng bagay na may buhay na magsisi at, binibitawan ang lahat ng Aking pag-asa para sa tao, ilalapat Ko sa kanya ang ganting nararapat talaga sa kanya. Sa pagkakataong ito, biglang gumuguhit ang kidlat at dumadagundong ang kulog, tulad ng mga alon sa karagatan na nagpupuyos sa galit, tulad ng libu-libong bundok na nagsisiguho. Para sa kanyang pagkasuwail, ang tao ay pinatutumba ng kulog at kidlat, at ang iba pang mga nilalang ay nililipol sa mga pagsabog ng kulog at kidlat, at ang buong sansinukob ay biglang bumubulusok sa malaking kaguluhan, at hindi na mabawi ng mga nilikha ang pangunahing hininga ng buhay. Hindi matakasan ng napakaraming hukbo ng sangkatauhan ang dagundong ng kulog; sa gitna ng mga pagkislap ng kidlat, nabubuwal ang mga tao, nang kawan-kawan, sa matuling agos, upang matangay ng malalakas na agos na bumababa mula sa kabundukan. Bigla, nagtitipun-tipon ang mundo ng “mga tao” sa lugar ng “hantungan” ng tao. Tinatangay ang mga bangkay sa ibabaw ng karagatan. Buong sangkatauhan ay nagsisilayo sa Akin dahil sa Aking poot, sapagkat nagkasala ang tao laban sa diwa ng Aking Espiritu, at nasalungat Ako sa kanyang paghihimagsik. Ngunit, sa mga lugar na walang tubig, tinatamasa pa rin ng ibang mga tao, sa gitna ng tawanan at awitan, ang mga pangakong naipagkaloob Ko sa kanila.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 17

Habang umiiral ang lumang mundo, ihahagis Ko ang Aking poot sa bawat bansa at ipapahayag ang mga atas administratibo na nahayag sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag nagsasalita Ako sa buong sansinukob, naririnig ng lahat ng tao ang Aking tinig, ibig sabihin, nakikita ng lahat ng tao ang lahat ng gawa na isinakatuparan Ko sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking mga layunin, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin gamit ang mga gawa ng tao, ay babagsak sa gitna ng Aking pagkastigo. Gagawin Kong panibago ang napakaraming bituin sa kalangitan; at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago, ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; at lahat ng bagay sa lupa ay mapapanibago—maisasakatuparan ang lahat ng ito dahil sa Aking mga salita. Ang lahat ng bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at mapapalitan ng Aking kaharian, upang ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglaho magpakailanman, at ang matitira lang ay ang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng sa mga diyablo ay lilipulin. Ang lahat ng sumasamba kay Satanas ay babagsak sa gitna ng Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga nasa loob ng daloy ngayon, lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang bawat lahi ng tao, ang mga relihiyosong komunidad, sa iba’t ibang antas, ay babalik sa Aking kaharian, at malulupig sa pamamagitan ng Aking mga gawa, dahil makikita na nila na dumating na “ang Banal na nakasakay sa isang puting ulap”. Lahat ng tao ay mabubukod-bukod ayon sa kanilang uri, at tatanggap ng iba’t ibang pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos; ang lahat ng lumaban sa Akin ay mamamatay, at, yaon namang ang kanilang mga gawa sa lupa ay walang kinalaman sa Akin, dahil sa kanilang naging pag-uugali, sila ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Magpapakita Ako sa di-mabilang na mga bansa at tao, at ipapahayag Ko ang sarili Kong tinig sa lupa, ipinoproklama ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain, tinutulutan ang lahat ng tao na makita ito gamit ang sarili nilang mga mata.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 26

Sinundan: 1. Ang mundo ngayon ay totoong mas lalong dumidilim, at ang sangkatauhan ay mas nagiging tiwali. Ang mundo ay bumabagsak, nawawala ng moralidad, ang mabubuting tao na naniniwala sa Diyos at lumalakad sa tamang landas ay tinatakot, inaapi, at inuusig, habang ang mga mambobola at mandarambong na gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan ay umuunlad. Bakit napakadilim ng mundo, napakasama? Ang katiwalian ng sangkatauhan ay umabot na sa tugatog nito—oras na ba upang ang tao ay lipulin ng Diyos?

Sumunod: 1. Nangako sa atin ang Panginoon, sinasabing, “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Muling nabuhay at umakyat sa langit ang Panginoong Jesus upang maghanda ng isang lugar para sa atin, at kaya ang lugar na ito ay dapat na nasa langit. Gayunpaman nagpapatotoo ka na ang Panginoong Jesus ay bumalik na at itinatag ang kaharian ng Diyos sa lupa. Hindi ko maintindihan: Ang kaharian ng langit ba ay nasa langit o nasa lupa?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito