3. Nakikita ko na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay walang ibang ginawa kundi ang ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, habang hinihiling sa mga tao na maging matapat at lumakad sa tamang landas ng buhay ng tao. Ngunit ang CCP ay nagpapalaganap ng impormasyon na nagsasabing ang pangunahing layunin ng simbahan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ay upang pabagsakin ang pamunuan ng CCP. Paano ko malalaman kung ang mga salita ng CCP ay totoo o hindi?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, gayon pa man ang kapalaran ng isang bayan o bansa ay pinamamahalaan ng Diyos. Pinamamahalaan ng Diyos ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng tao at ang plano ng Diyos ay may malapit na ugnayan, at walang tao, bayan o bansa ang hindi saklaw ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, dapat siyang humarap sa Diyos. Pasasaganain ng Diyos ang mga sumusunod at sumasamba sa Kanya, at Siya’y magdadala ng pagbagsak at pagkalipol sa mga taong lalaban at tatanggi sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Ano ang layunin ng malawakang pagpapalaganap ng ebanghelyo? Gaya nang patuloy na sinasabi mula nang magsimula ang bahaging ito ng gawain, naparito ang Diyos upang gampanan ang Kanyang gawain sa panahong ito upang pasinayaan ang isang bagong kapanahunan, upang paratingin ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang luma, isang katunayan na maaari nang makita sa mga naririto ngayon at natupad na. Ibig sabihin, gumaganap ng bagong gawain ang Diyos, at tinanggap na ito ng mga tao dito at lumitaw na mula sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, hindi na nagbabasa pa ng Biblia, hindi na nabubuhay pa sa ilalim ng krus, hindi na isinisigaw pa ang pangalan ng Panginoong Jesus ang Tagapagligtas, ngunit magkakasabay na nananalangin sa pangalan ng Diyos ng kasalukuyan at tinatanggap ang mga salitang ipinapahayag ngayon ng Diyos at tinatanggap ang mga ito bilang mga prinsipyo ng pagkaligtas ng buhay, mga pamamaraan, at mga layunin ng buhay ng tao. Sa ganitong paraan, hindi pa ba nakapasok sa isang bagong kapanahunan ang mga tao rito? Sa anong kapanahunan, kung gayon, nabubuhay ang mas maraming taong hindi tumanggap sa ebanghelyong ito at mga salitang ito? Nabubuhay pa rin sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Trabaho na ninyo ngayong ilabas ang mga taong ito mula sa Kapanahunan ng Biyaya at papasukin sila sa bagong kapanahunang ito. Magagampanan mo ba ang tagubiling ito sa pamamagitan lamang ng pananalangin at pagtawag sa pangalan ng Diyos? Sapat na bang mangaral lamang ng ilang mga salita ng Diyos? Tiyak na hindi; kinakailangan na lahat kayo’y tumanggap ng pananagutan para sa tungkuling pagpapalaganap ng ebanghelyo, ng malawakang pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos, ng pagpapalaganap at pagpapalawak ng kanilang abot. Ano ang kahulugan ng “pagpapalawak ng kanilang abot”? Nangangahulugan ito ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos nang lagpas sa mga taong naririto; nangangahulugan ito nang pagpapabatid sa higit pang maraming tao tungkol sa bagong gawain ng Diyos, at pagkatapos ay ipangaral ang mga salita ng Diyos sa kanila. Nangangahulugan ito na gamitin ang inyong karanasan upang magpatotoo sa gawain ng Diyos at dalhin din sila sa bagong kapanahunan. Sa gayon, sila’y magiging katulad ninyo. Ang layunin ng Diyos ay malinaw—nais niya na hindi lamang kayo na nakarinig at tumanggap sa Kanyang mga salita at nagpasimulang sumunod sa Kanya ang makapasok sa bagong kapanahunan; nais Niyang pangunahan ang buong sangkatauhan papasok sa bagong kapanahunan. Ito ang layunin ng Diyos, at isang katotohanan ito na dapat maunawaan ng bawat taong sumusunod sa Diyos sa kasalukuyan. Hindi pinapangunahan ng Diyos ang isang pangkat o maliit na grupo ng mga tao papasok sa bagong kapanahunan, kundi pinapangunahan ang buong sangkatauhan papasok sa bagong kapanahunan. Upang makamit ang layuning ito, kinakailangan na malawakang maipalaganap ang ebanghelyo, at gumamit ng maraming pamamaraan at daluyan upang magawa ito.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao

Ang lahat ng tao ay kailangang maunawaan ang mga layunin ng Aking gawain sa daigdig, iyon ay, ang nais Kong makamit sa huli at kung anong antas ang dapat Kong makamit sa gawaing ito bago ito magiging ganap. Kung, pagkaraang maglakad na kasama Ko hanggang sa araw na ito, ang mga tao ay hindi pa nakakaunawa kung tungkol saan ang Aking gawain, hindi ba walang kabuluhan ang paglalakad nilang kasama Ko? Kung sumusunod ang mga tao sa Akin, dapat alam nila ang Aking kalooban. Gumagawa na Ako sa lupa sa loob ng libu-libong taon, at hanggang sa araw na ito, ay ginagawa Ko pa rin ang Aking gawain sa paraang ito. Bagaman maraming proyekto ang nilalaman ng Aking gawain, ang layunin ng gawaing ito ay nananatiling hindi nagbabago; halimbawa, kahit na Ako ay puno ng paghatol at pagkastigo sa tao, ang Aking ginagawa ay alang-alang pa rin sa pagliligtas sa kanya, at alang-alang sa mas mainam na pagpapalaganap ng Aking ebanghelyo at pagpapalawak pa ng Aking gawain sa lahat ng bansang Gentil sa sandaling ang tao ay nagawa nang ganap. Kaya ngayon, sa panahon kung kailan maraming tao ang matagal nang lubhang lugmok sa pagkabigo, patuloy pa rin Ako sa Aking gawain, ipinagpapatuloy ang gawain na dapat Kong gawin upang hatulan at kastiguhin ang tao. Sa kabila ng katotohanang ang tao ay puno na sa Aking sinasabi, at wala siyang pagnanasang makialam sa Aking gawain, isinasakatuparan Ko pa rin ang Aking tungkulin, sapagka’t ang layunin ng Aking gawain ay nananatiling hindi nagbabago, at ang Aking orihinal na plano ay hindi masisira. Ang silbi ng Aking paghatol ay ang bigyang-kakayahan ang tao na maging mas mahusay sa pagsunod sa Akin, at ang silbi ng Aking pagkastigo ay ang tulutan ang tao na mas mabisang mabago. Bagaman ang Aking ginagawa ay alang-alang sa Aking pamamahala, hindi Ako kailanman nakagawa ng anumang bagay na walang pakinabang sa tao, dahil nais Kong gawin ang lahat ng bansa sa labas ng Israel na kasing masunurin ng mga Israelita, at gawin silang tunay na mga tao, nang sa gayon ay may panghahawakan Ako sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ang gawain na Aking tinutupad sa mga bansang Gentil. Kahit ngayon, maraming tao ang hindi pa rin nakakaunawa sa Aking pamamahala, sapagka’t wala silang interes sa mga bagay na ito, kundi may pakialam lamang sa kanilang mga sariling kinabukasan at hantungan. Kahit ano ang Aking sabihin, ang mga tao ay wala pa ring malasakit sa gawaing Aking ginagawa, sa halip ay nakatuon lamang sa kanilang mga hantungan sa hinaharap. Kung ang mga bagay-bagay ay magpapatuloy sa ganitong paraan, paano mapapalawak ang Aking gawain? Paano mapapalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong mundo? Dapat ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumawak, ikakalat Ko kayo, at hahampasin Ko kayo, gaya ng paghampas ni Jehova sa bawat tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang mapalaganap ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, at makarating ito sa mga bansang Gentil, nang sa gayon ang Aking pangalan ay dadakilain ng kapwa matatanda at mga bata, at ang Aking banal na pangalan ay dadakilain ng bibig ng mga tao mula sa lahat ng tribo at bansa. Ito ay upang sa huling kapanahunang ito, dadakilain ang Aking pangalan sa mga bansang Gentil, upang makita ng mga Gentil ang Aking mga gawa at tatawagin nila Akong ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at upang ang Aking mga salita ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon. Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng bansa ng mga Gentil, kahit na yaong Aking isinumpa. Hahayaan Kong makita ng lahat ng tao na Ako ang Diyos ng buong sangnilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano sa paggawa para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na tutuparin sa mga huling araw.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Sa ating pananampalataya sa Diyos, kumikilos tayo ayon sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan, at sa mga hinihingi ng Diyos. Hindi tayo nakikisangkot sa pulitika, ni hindi tayo nakikisali sa anumang mga aktibidad na pampulitika. Ang pinakamababang hinihingi ng Diyos sa mga naniniwala sa Kanya ay, una sa lahat, na hanapin at isagawa natin ang katotohanan, at huwag sumunod sa masasamang kalakaran ng mundo sa labas at huwag gumawa ng masamang gawain ng tiwaling sangkatauhan; ang ating mga kilos ay dapat na may pakinabang sa iba, dapat tayo ang maging ilaw at asin. Bukod pa rito, bilang mga nilikha dapat nating sundin ang kalooban ng Diyos, ginugugol ang ating sarili para sa Diyos at ginagampanan ang ating tungkulin. Yamang biniyayaan tayo ng Diyos ng kaligtasan, pananagutan at obligasyon natin na ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, upang ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos, ang hindi pa nakakikilala sa Diyos, at namumuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas ay makalapit sa harap ng Diyos upang siyasatin ang tunay na daan, tanggapin ang katotohanan, makamit ang katotohanan, alisin ang kanilang katiwalian, at maligtas ng Diyos. Ito ang atas ng Diyos, at ito ang tunay na kabuluhan ng gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo na ginagawa natin. Walang kinalaman sa pulitika ang ating pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos—walang sangkot dito na mga layunin o motibong pampulitika, at hindi ito ginagawa para magpabagsak ng isang partikular na pamahalaan o partidong pampulitika. Ganap itong ginagawa para madala ang tiwaling sangkatauhan sa harap ng Diyos, upang matanggap ng mga tao ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at sila ay magawang dalisay at maligtas, upang sa huli ay magawa nilang makatakas sa madidilim at masasamang impluwensiya at mamuhay sa liwanag, na inaalagaan, pinoprotektahan, at pinagpapala ng Diyos. Kapag dinadala natin ang mga tao sa harap ng Diyos upang maaari nilang tanggapin ang gawain at kaligtasan ng Diyos, hindi tayo gumagawa ng mga kahilingang pampulitika; hindi hinihingi ng mga salita ng Diyos na ang Kanyang hinirang na mga tao ay tumindig at pabagsakin ang CCP. Ang ipinahahayag lamang ng Diyos ay ang katotohanan, ang lahat ng ito ay mga salitang naglalantad sa tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang lahat ng ito ay mga salitang nagliligtas sa mga tao, bumabago sa mga tao, nagpeperpekto sa mga tao at nagtutulot sa mga taong makilala ang Diyos at sundin Siya. Ang lahat ng ginagawa natin ay nakabatay sa mga salita at hinihingi ng Diyos. Hindi kailanman nakibahagi ang ating iglesia sa anumang mga aktibidad na pampulitika, ni wala itong anumang mga pampulitikang kasabihan. Walang ibang sangkot sa pamumuhay ng buhay iglesia maliban sa pagbabahagi sa katotohanan at pagkilala sa sarili, na para sa pagkakamit ng katotohanan, pagsunod sa Diyos, pagsasabuhay sa wangis ng isang totoong tao, at para maligtas ng Diyos. Bukod doon, wala tayo ni katiting na interes sa pulitika. Hindi isang positibong bagay ang pulitika, lalong hindi ito ang katotohanan. Hindi kayang bigyan ng pulitika ang mga tao ng katotohanan, o ng mga pagpapala ng Diyos, lalong hindi kaya ng pulitika na itulot na maligtas ang mga tao; malinaw na nakikita ng lahat na ang pagiging opisyal ay nagdudulot lamang na maging mas masama at mas tiwali ang mga tao. Kaya sa ating pananampalataya sa Diyos hindi tayo kailanman nasangkot sa pulitika, dahil malinaw sa atin na ang pananampalataya lamang sa Diyos ang maaaring makapagpabago sa mga tao para sa mas ikabubuti nito at makapagbigay sa kanila ng dagdag na pagkatao, konsiyensiya, at katuturan. Kung tunay na naniniwala ang mga tao sa Diyos at hinahanap ang katotohanan, walang pagdududa na magagawa nilang alisin ang kanilang katiwalian at isabuhay ang wangis ng isang totoong tao—na siyang mismong pamantayan para sa pagtatamo ng kaligtasan sa pananampalataya ng isang tao sa Diyos.

Ang Diyos ang Lumikha, at ang Diyos lamang ang maaaring magligtas sa tiwaling sangkatauhan. Ipinapalaganap natin ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos upang ang buong sangkatauhan ay makakilala sa Lumikha, at lumapit sa harap ng Lumikha, at sambahin ang nag-iisang tunay na Diyos; ito ang landas ng pagpapala ng tao at, bukod dito, ito ang landas ng kaligtasan ng tao. Ang mundo ngayon ay lalong dumidilim at sumasama, at ang sangkatauhan ay lalong nagiging mas tiwali. Pabagsak ang mundo at nanghihina ang mga moralidad. Kung nais lutasin ng sangkatauhan ang mga isyung ito, dapat maniwala ang mga tao sa Diyos, dapat nilang tanggapin ang mga salita ng Diyos, ang gawain ng Diyos, at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at makamit ang katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang malulutas mula sa pinakaugat ang mga problema ng kadiliman at kasamaan ng mundo at ang katiwalian ng sangkatauhan. Kaya nga kailangan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo para sa katatagan ng lipunan at kaligayahan ng sangkatauhan. May isang paraan lamang upang makamit ng sangkatauhan ang tunay na kaligayahan at para makamit ng lipunan ang pangmatagalang kapayapaan, at iyon ay ang tanggapin ang gawain at pagliligtas ng Diyos. Wala nang ibang landas bukod dito. Hindi mo dapat asahan ang anumang bansa o partidong pampulitika na iligtas ang sangkatauhan, lalong hindi ka dapat umasa sa isang pulitiko, manunulat, o palaisip; ito ay lampas sa mga kakayahan ng tiwaling sangkatauhan. Ang Lumikha lamang, ang nag-iisang tunay na Diyos, ang ganap na may kakayahang iligtas ang sangkatauhan. Kaya ang ating pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay may sukdulang pakinabang sa sangkatauhan, ito ang kailangan ng sangkatauhan at lipunan, at ito ay ganap na makatarungan. Wala nang mas makabuluhan pa. Nagtitiwala tayo na ang lahat ng nagtataglay ng konsiyensiya, katwiran, at pagiging makatarungan ay susuporta sa ating pagpapalaganap ng ebanghelyo at sasang-ayon sa ating pananaw.

Dahil tinatanggap natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at nakatitiyak tayo na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay kaya sinimulan nating ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, ibinabahagi natin sa mga tao ang tunay na landas ng kaligtasan, upang matanggap nila ang tunay na daan at maligtas sila ng Diyos sa mga huling araw. Ito ang ating tungkulin bilang mga mananampalataya ng Diyos, at ito ang ating pinakatunay na pag-ibig. Ang ebanghelyo ng kaharian ng mga huling araw na ipinapangaral natin ay may sukdulang pakinabang sa tao. Samantala, bilang isang naghaharing partido, ang CCP ay hindi lamang walang kakayahang gumawa ng anumang may tunay na halaga o lumutas ng tunay na mga problema para sa mga tao at dalhan sila ng kapayapaan at kaligayahan, kundi pabaya rin sa mga obligasyon nito, habang inuusig, inaaresto, at inaabuso tayo, at lubos na walang konsiyensiya. Hindi ba ito laban sa Langit, isang kumakalaban na kasuklam-suklam na bagay? Bakit pinagpipitaganan ng CCP ang kasamaan at nilalabanan ang pagiging matuwid sa halip na sundin ang kalooban ng Langit at ang puso ng mga tao? Dito, hindi ba ito nawalan ng pagkatao? Sa daan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagganap ng kanilang tungkulin, marami sa hinirang na mga tao ng Diyos ang nagsantabi ng kaginhawahan at kasiyahan ng laman. Sa gitna ng matinding hangin at napakalakas na ulan, matinding lamig at nakapapasong init, nagpatuloy sila sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos; sa kabila ng mga nakasasakit na panlalait, kahit na tinatanggihan, binubugbog at minumura sila ng mga tao, at kahit na inaresto at inusig sila ng CCP, nagpapatuloy sila sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagganap sa kanilang tungkulin. Ginagawa nila ang lahat ng maaari silang tawagin na gawin, at tanggapin man ito ng mga tao o hindi, itinatrato nila sila nang may pananagutan at may pagmamalasakit. Hindi matatahimik ang ating mga konsiyensiya kung alam natin ang tunay na daan at hindi tayo nangaral o nagpatotoo nito; ni hindi ito magiging makatarungan sa mga tao. Kaya ang ginagawa lamang natin ay magpalaganap ng ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, ipinababatid sa mga tao ang tunay na daan, at ang landas ng kaligtasan sa mga huling araw. Ang ating pagpapalaganap ng ebanghelyo ay ganap na hindi isang pakikisangkot sa pulitika, lalong hindi ito isang panggugulo sa pampublikong kaayusan; sa halip, ito ay paghahanda ng mabubuting gawa, ito ay ganap na upang makalapit sa harap ng Diyos ang sangkatauhan at matanggap ang paglilinis at pagliligtas ng Diyos, makaligtas sa mga sakuna, at makapasok sa magandang destinasyon na hinanda ng Diyos para sa tao—isa itong katotohanan.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Sinundan: 2. Ang CCP ay nagpalaganap ng impormasyon online na nagsasabing upang maipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, ang mga tao sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay tinatalikuran ang kanilang mga pamilya at trabaho. Ang ilang tao ay nananatili pa ngang hindi kasal sa buong buhay nila. Sinasabi ng CCP na ang iyong paniniwala ay sumisira ng mga pamilya. Totoo ba ang sinasabi ng CCP?

Sumunod: 4. Bagaman naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos, nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, nagpapalaganap ang CCP ng impormasyon na nagsasabing Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nilikha ng isang tao, at ginagawa mo ang anumang sinasabi nito. Pinatototohanan mo na ang taong ito ay isang pari, isang taong ginamit ng Diyos, at siya ang may responsibilidad sa lahat ng mga administratibong gawain. Hindi ko ito mawari—sino nga ba ang nagtatag ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Ano ang pinagmulan nito? Maaari mo bang ipaliwanag ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito