1. Sa Biblia, sinabi ni Pablo “Ang bawat kaluluwa ay dapat magpasakop sa mas nakatataas na kapangyarihan. Sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos” (Roma 13:1). “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapangasiwa, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos” (Mga Gawa 20:28). Karamihan sa mga tao sa relihiyosong mundo ay sumusunod sa mga salita ni Pablo sa kanilang paniniwala na ang mga pastor at elder ay hinirang ng Panginoon, at naglilingkod sila sa Panginoon sa mga simbahan. Naniniwala silang ang mga nakikinig at sumusunod sa mga pastor at elder ay tumatalima at sumusunod sa Panginoon, at ang makinig sa mga salita ng pastor ay pakikinig sa mga salita ng Panginoon. Naaayon ba ito sa kalooban ng Panginoon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao” (Mga Gawa 5:29).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa malalaking simbahan at bumibigkas nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay mga taong walang halaga, ubod ng sama, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang “Diyos.” Sila ay mga taong nagdadala sa bandila ng Diyos ngunit sadyang lumalaban sa Diyos, na nagdadala ng bansag na nananampalataya sa Diyos habang kinakain ang laman at iniinom ang dugo ng tao. Ang lahat ng gayong tao ay masasamang diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa pagtahak ng mga tao sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa paghahanap ng mga tao sa Diyos. Sila ay tila may “maayos na pangangatawan,” ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na lumaban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Lumalaban sa Diyos

Masdan mo ang mga lider ng bawat relihiyon at bawat denominasyon—lahat sila ay mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Bibliya nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon. Lahat sila ay umaasa sa mga kaloob at kaalaman sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila ay wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kunsabagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang panlalansi. Ginagamit nila ang mga bagay na ito para linlangin ang mga tao, at para dalhin ang mga tao sa harapan nila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang mga lider na ito. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila ay nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa mga usapin ng pananalig.” Tingnan kung paanong kailangan ng mga tao ang pagpayag at pagsang-ayon ng iba pagdating sa pananalig sa Diyos at pagtanggap sa tunay na daan—hindi ba ito problema? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Pariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan? Ang ganyang mga tao ay kapareho ng uri ni Pablo. … Noon, hindi mahigpit ang Diyos sa mga tao, tunay man o hindi ang kanilang pananampalataya sa Kanya, sumunod man sila sa iba, o hindi man nila hinangad ang katotohanan, dahil pauna na Niyang inorden na, sa huling yugto, ang lahat ng paunang itinadhana at hinirang Niya ay kailangang humarap sa Kanya at tumanggap ng Kanyang paghatol. Kung, pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang mga tao ay patuloy pa ring sasamba at susunod sa iba, kung hindi nila hahangarin ang katotohanan at sa halip ay hahangarin ang mga pagpapala at korona, kung gayon ito ay hindi mapapatawad. Ang mga gayong tao ay pareho ng kay Pablo ang magiging katapusan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Ang pinakamahalaga sa pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga pinakabagong salita ng Diyos: Maging ikaw man ay naghahangad ng buhay pagpasok o na tugunan ang mga layunin ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga pinakabagong salita ng Diyos. Kung ang iyong ibinabahagi at hinahangad na pasukin ay hindi nakasentro sa mga pinakabagong salita ng Diyos, isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na walang gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noon, hindi ito gusto ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, ang mga ito ay magiging napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinundan din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga nagagawang sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, na sumusunod sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi pa nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila sasang-ayunan. … Ang “pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa mga kasalukuyang layunin ng Diyos, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang magpasakop at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at ang pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kapabilidad na matanggap ang pagsang-ayon ng Diyos at makita ang Diyos, kundi malalaman din nila ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakabagong gawain ng Diyos, at malalaman din ang mga kuru-kuro at pagrerebelde ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakabagong gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong na sa tunay na daan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay dapat magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya. Huwag mong itaas o tingalain ang sinumang tao; huwag ilagay sa una ang Diyos, ipangalawa ang mga tao na iyong tinitingala, at ipangatlo ang iyong sarili. Walang sinumang taong dapat magkaroon ng lugar sa iyong puso, at hindi mo dapat isaalang-alang ang mga tao—lalo na ang mga pinag-aalayan mo ng benerasyon—na kapareho ng Diyos, na Kanyang kapantay. Hindi ito matatagalan ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na mga Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Hindi nagmamahal sa katotohanan ang ilang tao, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagmamahal sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ganoon ay tinatawag na mga mapaghanap ng kapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may kapangyarihan, at hinahanap lamang nila ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Bagaman tinanggap na nila ang daan ng katotohanan, hindi sila lubos na nananampalataya, at wala silang kakayahang ibigay ang buong puso at isip nila; ang mga bibig nila ay bumibigkas ng mga salita ng paggugol ng mga sarili nila para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatuon sa mga dakilang pastor at guro, at hindi nila sinusulyapang muli si Cristo. Ang isipan nila ay puno ng mga kaisipan ng kasikatan, pakinabang, at kaluwalhatian. Hindi sila naniniwalang ang isang ganoon kaliit na tao ay may kakayahang lupigin ang napakarami, na ang isang taong hindi kapansin-pansin ay kayang maperpekto ang tao. Iniisip nilang imposibleng ang mga hamak na ito na kasama ng alikabok at mga tambak ng dumi ay ang mga taong hinirang ng Diyos. Naniniwala silang kung ang gayong mga tao ang mga pakay ng pagliligtas ng Diyos, ang langit at lupa ay mababaliktad, at ang lahat ng tao ay tatawa nang tatawa. Naniniwala silang kung pinili ng Diyos ang gayong mga tao upang gawing perpekto, kung gayon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang mga pananaw nila ay may bahid ng kawalan ng pananampalataya; higit pa sa hindi pananampalataya, sila ay mga walang katwirang hayop lamang. Sapagkat pinahahalagahan lamang nila ang katayuan, katanyagan, at kapangyarihan, at pinahahalagahan lamang nila ang malalaking grupo at denominasyon, at wala silang ni katiting na pagpapahalaga sa mga inakay ni Cristo. Sila ay mga nagkakanulo lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi mo hinahangaan ang pagpapakumbaba ni Cristo, pero pinagpipitagan mo ang mga huwad na pastol na iyon na may prominenteng katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o ang karunungan ni Cristo, pero kinagigiliwan mo iyong mahahalay na nakikisabay sa karumihan ng mundo. Ngumingisi ka lang sa pasakit ni Cristo ng kawalan ng lugar na mapagpahingahan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan mo ang mga bangkay na naghahanap ng mga handog at namumuhay sa kahalayan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, ngunit masaya mong inihahagis ang sarili mo sa mga bisig ng mga walang habas at sutil na anticristo, kahit na tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga salita, at kontrol. Kahit ngayon, bumabaling pa rin sa kanila ang puso mo, tungo sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, sa kanilang mga puwersa. Gayumpaman, patuloy mong tinataglay ang saloobin na nahihirapan kang tanggapin ang gawain ni Cristo at ayaw mo itong tanggapin. Ito ang tanging dahilan kung bakit sinasabi Kong wala kang pananalig na kilalanin si Cristo. Ang dahilan kung bakit ka sumunod sa Kanya hanggang ngayon ay dahil lamang wala kang ibang pagpipilian. Nangingibabaw sa puso mo magpakailanman ang isang serye ng matatayog na imahe; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, ni ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at kamay. Sa puso ninyo, sila ay kataas-taasan at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ganito para sa Cristo ng kasalukuyan. Sa puso mo, habambuhay Siyang hindi mahalaga, habambuhay na hindi karapat-dapat na katakutan. Sapagkat napakakaraniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensiya, at malayo sa pagiging matayog.

Ano’t anuman, sinasabi Kong ang lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay mga hindi mananampalataya at mga nagkakanulo sa katotohanan. Ang mga gayong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pagsang-ayon ni Cristo. Natukoy mo na ba ngayon kung gaano kalaki ang kawalan ng pananampalatayang nasa kalooban mo, at kung gaano kalaki ang pagkakanulo kay Cristo na mayroon ka? Ikaw ay Aking hinihikayat nang ganito: Dahil pinili mo na ang daan ng katotohanan, dapat mong ilaan ang sarili mo nang buong puso; huwag kang mag-alinlangan o maging hindi buo ang loob. Dapat mong maunawaan na ang Diyos ay hindi Diyos ng mundo ni ng sinumang iisang tao, kundi Diyos ng lahat ng totoong nananampalataya sa Kanya, ng lahat ng sumasamba sa Kanya, at ng lahat ng mga deboto at tapat sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Kung ang mga mananampalataya sa Diyos, gaano man sila karami, ay may pananampalataya na inilarawan ng Diyos bilang sa isang relihiyosong grupo, ang mga taong ito ay hindi ang mga pakay ng gawain at pagliligtas ng Diyos, at nakapagpasya na ang Diyos tungkol dito—hindi maililigtas ang mga taong ito. Bakit Ko ito sinasabi? Ang isang pangkat na walang gawain o patnubay ng Diyos na hindi nagpapasakop sa Kanya o sumasamba sa Kanya ay maaaring nananampalataya sa Diyos sa pangalan, ngunit ang mga pastor at elder ng relihiyon ang sinusunod at tinatalima nila, at ang mga pastor at elder ng relihiyon ay kay Satanas at mapagpaimbabaw sa kanilang diwa. Samakatwid, ang sinusunod at tinatalima ng mga taong iyon ay ang mga Satanas at mga diyablo. Sa kanilang puso, nananampalataya sila sa Diyos, ngunit sa katunayan, minamanipula sila ng tao, napapailalim sa mga pagmamanipula at kontrol ng tao. Kaya, sa mahahalagang termino, ang sinusunod at tinatalima nila ay si Satanas, at ang mga diyablo, at ang mga puwersa ng kasamaan na lumalaban sa Diyos, at ang mga kaaway ng Diyos. Ililigtas ba ng Diyos ang isang pangkat ng mga taong tulad nito? (Hindi.) Bakit hindi? Buweno, ang gayong mga tao ba ay may kakayahang magsisi? Wala; hindi sila magsisisi. Sila ay nakikilahok sa mga pagpapatakbo ng tao at mga proyekto ng tao sa ilalim ng bandila ng pananalig sa Diyos, na sumasalungat sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao, na ang pinakakalalabasan ay itataboy sila ng Diyos. Imposibleng ililigtas ng Diyos ang mga taong ito; wala silang kakayahang magsisi, at dahil nabihag sila ni Satanas, ibinibigay sila ng Diyos kay Satanas. Ang pananalig ba ng isang tao sa Diyos ay maaaring magkamit ng Kanyang pagsang-ayon depende sa kahabaan ng taon nito? Nakadepende ba ito sa uri ng mga ritwal na sinusunod ng isang tao o sa mga regulasyong itinataguyod niya? Tinitingnan ba ng Diyos ang mga kagawian ng tao? Tinitingnan ba Niya ang dami nila? (Hindi.) Ano ang tinitingnan Niya, kung gayon? Nang pumili ang Diyos ng isang grupo ng mga tao, sa anong batayan Niya sinusukat kung sila ay maliligtas, kung ililigtas ba Niya sila? Ito ay batay sa kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan; ito ay batay sa daan na kanilang tinatahak. Bagamat maaaring hindi nasabihan ng Diyos ang tao ng maraming katotohanan sa Kapanahunan ng Biyaya gaya ng ginagawa Niya ngayon, at bagamat hindi kasing partikular ang mga iyon, nagawa pa rin Niya noon na gawing perpekto ang tao, at mayroon pa ring mga taong nailigtas noon. Kaya, kung ang mga tao sa kasalukuyang kapanahunan, na nakarinig ng napakaraming katotohanan at nakauunawa sa mga layunin ng Diyos, ay hindi kayang sumunod sa Kanyang daan o tumahak sa landas ng kaligtasan, ano ang kahihinatnan nila sa huli? Ang kahihinatnan nila sa huli ay magiging katulad ng sa mga mananampalataya sa Kristiyanismo at Hudaismo—tulad nila, hindi sila magagawang iligtas. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi mahalaga kung gaano karaming sermon ang napakinggan mo o kung gaano karaming katotohanan ang naunawaan mo—kung sumusunod ka pa rin sa tao, kung sinusunod mo pa rin si Satanas, at hindi mo magagawang sundin ang daan ng Diyos sa huli, ni magagawang matakot sa Kanya at umiwas sa kasamaan, kung gayon, itinataboy ng Diyos ang gayong mga tao. Ang mga tao sa relihiyon ay nagagawang mangaral ng napakaraming kaalaman sa Bibliya, at maaaring nakauunawa sila ng ilang espirituwal na doktrina, ngunit hindi sila nakapagpapasakop sa gawain ng Diyos, o nakapagsasagawa at nakararanas ng Kanyang mga salita, o tunay na nakasasamba sa Kanya, at hindi rin nila nagagawang matakot sa Kanya at umiwas sa kasamaan. Lahat sila ay mapagpaimbabaw, hindi mga taong tunay na nagpapasakop sa Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang gayong mga tao ay tinutukoy bilang isang denominasyon, isang grupo ng tao, isang pangkat ng tao, at isang tirahan ni Satanas. Sama-sama, sila ang pangkat ni Satanas, ang kaharian ng mga anticristo, at lubusan silang itinataboy ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan

Ang pinakamabuting gawin ng mga taong nagsasabi na sumusunod sila sa Diyos ay imulat ang kanilang mga mata at tumingin nang husto upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang pinaniniwalaan mo, o si Satanas? Kung alam mo na hindi ang Diyos ang pinaniniwalaan mo, kundi ang sarili mong mga idolo, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan, muli, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Ang pagsasabi niyon ay kalapastanganan! Walang sinumang pumipilit sa iyo na manampalataya sa Diyos. Huwag ninyong sabihing nananampalataya kayo sa Akin; sawa na Ako sa ganyang pananalita, at ayaw Ko nang marinig iyong muli, dahil ang sinasampalatayanan ninyo ay ang mga idolo sa inyong puso at ang lokal na mga maton sa inyo. Lahat ng umiiling kapag naririnig nila ang katotohanan, na ngumingisi kapag nakakarinig sila ng tungkol sa kamatayan, ay mga supling ni Satanas, at sila iyong ititiwalag. Marami sa iglesia ang hindi makakilatis. Kapag nangyayari ang mga insidente kung saan nalilihis ang mga tao, mapagpumilit na pumapanig sila kay Satanas; pakiramdam pa nga nila ay labis silang naaagrabyado na tinatawag silang mga alipin ni Satanas. Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao na hindi sila makakilatis, lagi silang nasa panig na walang katotohanan, hindi sila pumapanig sa katotohanan kailanman sa kritikal na panahon, hindi sila tumatayo at nakikipagtunggali kailanman para sa katotohanan. Wala ba talaga silang pagkilatis? Bakit mapagpumilit silang pumapanig kay Satanas? Bakit hindi sila nagsasabi kailanman ng isang salitang makatarungan o makatwiran para suportahan ang katotohanan? Talaga bang nangyari ang sitwasyong ito dahil sa panandalian nilang kalituhan? Kapag mas kaunting pagkilatis ang mayroon ang mga tao, mas hindi nila nagagawang pumanig sa katotohanan. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba nito ipinapakita na gustong-gusto ng mga taong walang pagkilatis ang kasalanan? Hindi ba nito ipinapakita na sila ay ang mga tapat na supling ni Satanas? Bakit ba palagi nilang nagagawang pumanig kay Satanas at umayon sa salita nito? Bawat salita at gawa nila, ang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha, ay sapat na lahat upang patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; sa halip, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Sapat nang kaya nilang pumanig kay Satanas upang patunayan na talagang mahal ni Satanas ang walang-kuwentang mga diyablong ito na ginugugol ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas. Hindi ba napakalinaw ng lahat ng katotohanang ito? Kung talagang isa kang taong nagmamahal sa katotohanan, bakit wala kang pagpapahalaga sa mga nagsasagawa ng katotohanan, at bakit ka sumusunod kaagad sa mga hindi nagsasagawa ng katotohanan kapag tiningnan ka nila nang bahagya? Anong klaseng problema ito? Wala Akong pakialam kung may pagkilatis ka o wala. Wala Akong pakialam kung malaki ang halagang ibinayad mo. Wala Akong pakialam kung malakas ang mga puwersa mo, at wala Akong pakialam kung isa kang lokal na maton o isang lider na tagadala ng bandila. Kung malakas ang mga puwersa mo, dahil lamang iyon sa tulong ng lakas ni Satanas. Kung mataas ang iyong prestihiyo, dahil lamang iyon sa napakarami sa paligid mo ang hindi nagsasagawa ng katotohanan. Kung hindi ka pa napapatalsik, dahil iyon sa hindi pa panahon para sa gawain ng pagpapatalsik; sa halip, ito ang panahon para sa gawain ng pagtitiwalag. Hindi kailangang magmadaling patalsikin ka ngayon. Naghihintay lamang Ako sa pagdating ng araw na iyon na maparusahan kita kapag naitiwalag ka na. Sinumang hindi nagsasagawa ng katotohanan ay ititiwalag!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan

Sinundan: 4. Ang relihiyosong mundo ay galit na galit na kinakalaban at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos. Patuloy itong gumagawa ng masasamang gawain, habang nagiging isang matibay na balwarte ng mga anticristo. Ngunit ano ang kahihinatnan at kalalabasan ng relihiyosong mundo sa paniniwala sa Diyos ngunit kumakalaban sa gawain ng Diyos sa mga huling araw?

Sumunod: 2. Maraming taon nang naniniwala ang mga pastor at matatanda sa iglesia sa Panginoon, masyado silang maalam tungkol sa Biblia, at higit ang kanilang pananampalataya kaysa sa amin, kaya dapat kaming makinig sa kanila sa pagsampalataya namin sa Panginoon. Pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ginagampanan ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, ngunit hindi ito tinatanggap ng karamihan sa mga pastor at matatanda sa iglesia, at kinokontra at tinutuligsa pa nga nila ito. Dahil diyan, hindi rin namin ito maaaring tanggapin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito