Hindi naiintindihan ng karamihan sa ating mga kapatiran: Bago ang pagdating ng Panginoong Jesus, madalas na ipinapaliwanag ng mga Fariseo sa iba ang Biblia sa sinagoga; tumatayo sila sa harapan ng mga tao at nagdadasal at ginagamit ang mga patakaran sa Biblia para mabatikos ang mga tao; Mukha silang napakagalang sa panlabas, tulad ng mga taong hindi kailanman itatakwil ang Biblia, ngunit bakit isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Sa anong paraan sila tumutol sa Diyos? Paano nila ipinakita ang kanilang pagiging hipokrito? Bakit nakamtan nila ang galit ng Diyos?

Agosto 28, 2018

Sagot: Alam ng mga taong naniniwala sa Panginoon na talagang kinapopootan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo at isinumpa sila at nagsambit ng pitong aba sa kanila. Napakamakabuluhan nito na hayaan ang mga mananampalataya sa Panginoon na mawari ang mga hipokritong Fariseo, makawala sa kanilang pagkaalipin at kontrol at makamit ang kaligtasan ng Diyos. Gayun pa man, nakakahiya ito. Maraming mananampalataya ang hindi nakakawari ng diwa ng pagkahipokrito ng mga Fariseo. Hindi nga nila maintindihan kung bakit kinapootan at isinumpa ng todo ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo. Bahagya nating pag-uusapan ngayon ang tungol sa mga problemang ito. Madalas na ipinapaliwanag ng mga Fariseo sa iba ang Biblia sa sinagoga. Madalas na nagdadasal sila sa harapan ng iba at ginagamit ang mga patakaran ng Biblia para batikusin ang mga tao. Sa mga tagalabas na nagmamasid, mukha silang mga magagalang na tagasunod ng Biblia. Kung gayon, bakit sila kinapopootan at isinusumpa ng todo ng Panginoon? Sa totoo, ang pangunahing dahilan ay sa diwa, mga hipokrito sila na tumututol sa Diyos. May pakialam lang ang mga Fariseo sa pagsasagawa ng mga relihiyosong seremonya at pagsunod sa mga patakaran; ipinaliwanag lang nila ang mga patakaran at doktrina sa Biblia at hindi kailanman ipinaniig ang kalooban ng Diyos sa sinuman, ni hindi sila nakatuon sa pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos o pagsunod sa mga utos ng Diyos. Sa katunayan, binalewala nila ang mga utos ng Diyos. Ang lahat ng bagay na kanilang ginawa ay lubos na sumasalungat sa kalooban at kagustuhan ng Diyos. Ito ang diwa ng pagkahipokrito ng mga Fariseo. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit kinapootan at isinumpa sila ng Panginoong Jesus. Sinabi ng Panginoong Jesus tulad nang inilantad Niya ang mga ito, “Bakit naman kayo’y nagsisilabag sa utos ng Diyos dahil sa inyong Sali’t-saling sabi? Sapagka’t sinabi ng Diyos, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: at, Ang manungayaw sa ama at sa ina, ay mamatay siyang walang pagsala. Datapuwa’t sinasabi ninyo, Sinomang magsabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Yaong mangyayaring pakinabangan mo sa akin ay hain ko na sa Diyos: Ay hindi niya igagalang ang kaniyang ama. At niwalan ninyong kabuluhan ang salita ng Diyos dahil sa inyong sali’t-saling sabi. Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao(Mateo 15:3–9). Ngayon na inilantad ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, malinaw nating nakikita na kahit na madalas na ipinapaliwanag ng mga Fariseo sa iba ang Biblia sa sinagoga, hindi nila iginagalang o dinadakila ang Diyos sa anumang paraan. Hindi nila sinunod ang mga utos ng Diyos, at pinalitan pa ang mga utos ng Diyos ng mga tradisyon ng mga tao; nakalimutan nila ang tungkol sa mga utos ng Diyos. Hayagan nilang sinasalungat ang Diyos. Hindi ba’t ito’y hindi mapapasinungalingang ebidensiya kung paano naglingkod ang mga Fariseo sa Diyos subalit tinutulan din Siya? Paano sana nila maiiwasan na makamit ang mga sumpa at pagkapoot ng Diyos? Malinaw na ipinahayag ng mga utos ng Diyos, “Huwag kang papatay.” “Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.” Ngunit binalewala ng mga Fariseo ang mga utos ng Diyos. Hayagan silang nagbintang at nambatikos at pumatay ng mga propeta at mga taong matutuwid na ipinadala ng Diyos; direkta nilang tinutulan ang Diyos. Samakatuwid, binatikos at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, sinasabi, “Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawala kayo sa kahatulan sa impiyerno? Kaya’t, narito, sinusugo Ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalaki, at mga eskriba: ang iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong pag-uusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat ng matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa …(Mateo 23:33–35). Panatikong tinutulan ng mga Fariseo ang Diyos at pinatay ang mga propeta at matutuwid na tao na Kanyang ipinadala. Sinubukan nilang wasakin ang gawain ng Diyos at hadlangan ang pagsasagawa ng Kanyang kalooban. Lubha nilang ginalit ang disposisyon ng Diyos. Paano Niya sila hindi isusumpa?! Katotohanan ang lahat ng ginawa ng mga Fariseo, hindi ba? Hindi ba natin nakikita ang hipokritong diwa at pagkilos ng mga Fariseo?

Mukhang magalang sa panlabas ang mga Fariseo, ngunit traydor at tuso ang kanilang diwa; partikular na bihasa sila sa pagpapanggap at panlilinlang ng iba. Kung hindi inilantad ng Panginoong Jesus ang lahat ng kanilang masasamang gawain, kasama na ang kanilang pagkakanulo at pagtalikod sa mga utos ng Diyos, hindi natin makikita ang diwa ng pagkahipokrito ng mga Fariseo. Tignan nating muli ang pagkakalantad at pambabatikos ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo. Mateo 23:23–24: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. Kayong mga taga-akay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!” Mateo 23:27–28, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangag-aanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.” Nagpapanggap ang mga Fariseo na napakagalang sa harapan ng iba. Sinasadya nilang manalangin sa sinagoga at sa mga kanto ng mga lansangan. Kapag nag-ayuno sila, sinasadya nilang magkaroon ng malungkot na pagpapahayag sa kanilang mga mukha. Isinulat nila ang mga banal na kasulatan sa palawit ng kanilang mga kasuotan. Kapag nagkawanggawa sila, sinisiguro nila na ang ibang tao ay nakita silang gawin ito. Siniguro nila na hindi nila nakalimutang magbayad ng kanilang mga ikapu ng yerbabuena, komino at anis. Sinunod pa nila ang maraming mga makalumang patakaran tulad ng, “Huwag kakain maliban kung hinugasan mong mabuti ang iyong mga kamay” atbp. Mahusay na inaatupag ng mga Fariseo ang maraming maliliit na detalye. Gayun pa man, hindi nila sinunod ang mga hinihingi ng batas ng Diyos, hal. ang mahalin ang Diyos, mahalin ang iba, maging matuwid, maawain, at matapat. Hindi nila sinunod ang mga utos ng Diyos sa anumang paraan. Tinalakay lang nila ang tungkol sa kaalaman sa Biblia at teolohikal na teorya. Isinagawa lang nila ang mga relihiyosong seremonyas at sinunod ang mga patakaran. Iyon ang taas ng kanilang pagkahipokrito at ang paraan na nalinlang nila ang iba. Malinaw na ipinapakita ng kanilang pagkilos sa atin na ang lahat ng bagay na ginawa ng mga Fariseo ay bahagi ng kanilang tangkang panlinlang at pagpigil sa iba. Hinahangad lang nilang maitatag ang kanilang mga sarili para mapuri sila. May pakialam lang sila sa pangangasiwa at pagpapatibay ng kanilang sariling posisyon at ikinabubuhay. Naglakbay sila sa maling landas ng pagkahipokrito at pagtutol sa Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit ang kanilang pagtutol sa Diyos ay naging sanhi na isumpa sila ng Diyos.

Hindi mahal ng mga Fariseo ang katotohanan. Hindi sila kailanman nagtuon sa pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos o sa pagsunod sa mga utos ng Diyos. Nagtuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong seremonya at naglakad sa landas ng pagtutol sa Diyos. Samakatuwid, nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa at mangaral, ang kanilang mala-satanas na katangian ng pagkahipokrito at pagkontra laban sa Diyos ay lubusang inilantad ng Diyos. Alam na alam ng mga Fariseo na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Hindi lang sa hindi nila hinanap ang diwa at pinagmulan ng mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, ngunit malisyoso pa nilang inatake at siniraan ang Panginoong Jesus; sinabi nila na nagpapalayas ang Panginoong Jesus ng mga demonyo sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonyo; binansagan nila ang gawain ng Panginoong Jesus, na puno ng awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, bilang kabaliwan. Nagkasala sila ng kalapastanganan laban sa Banal na Espiritu at lubhang sinaktan ang disposisyon ng Diyos. Hindi lang nilapastangan at binatikos ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus, ngunit inudyukan at nilinlang nila ang mga mananampalataya para tumutol at batikusin ang Panginoong Jesus. Winala nila ang kaligtasan sa Panginoon ng mga matapat at ginawang kanilang mga panlibing na bagay at mga biktima. Samakatuwid, nang binatikos at isinumpa sila ng Panginoong Jesus, sinabi Niya. “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Samakatuwid, nakikita natin na ang mga Fariseo ay mga hipokrito na tumutol at nakagawa ng kalapastanganan laban sa Diyos, mga anticristo na tumayo bilang mga kalaban ng Diyos. Masasamang grupo sila na nilamon ang mga kaluluwa ng mga tao at inakit sila sa impierno. Samakatuwid, tinuligsa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo gamit ang “Pitong Aba” dahil sa kanilang masamang pagkilos. Lubusang ipinapakita nito ang pagkabanal at pagkamatuwid ng disposisyon ng Diyos na kung saan hindi maaaring masaktan.

Nakakuha tayo ngayon ng pagkawari tungkol sa hipokritong katangian ng mga Fariseo. Tignan natin ngayon ang makabagong mga pastor at elder. Ipinapaliwanag lang nila ang kaalaman sa Biblia at teolohikal na teorya. Nagsasagawa lang sila ng mga relihiyosong seremonya at sinusunod ang mga patakaran. Hindi talaga nila isinasabuhay ang mga salita ng Diyos, ni hindi nila isinasagawa ang Kanyang mga utos. Tulad sila ng mga Fariseo, dumadaan sa landas kung saan naglilingkod sila ngunit tinututulan din ang Diyos. Sabi ng Panginoong Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili(Mateo 22:37–39). Iyong mga mahal ang Diyos ay dapat isabuhay ang Kanyang mga salita at dapat laging nasa isip ang Kanyang kalooban. Dapat silang maging responsible sa mga buhay ng kanilang mga kapatid. Hinaharap ngayon ng mga pastor at elder ang mga mapanglaw na iglesia at nababawasan ang pananalig at pagmamahal ng mga mananampalataya. Hindi nila hinahanap ang buhay na tubig ng buhay para sa mga mananampalataya. Kapag dumarating ang Makapangyarihang Diyos para ipahayag ang katotohanan at bigyan ng buhay ang mga tao, tinatanggihan nila ito; hindi nila ito pinag-aaralan o tinatanggap. Patuloy nilang tinututulan at binabatikos ito habang hinahadlangan ang mga mananampalataya sa paghahanap sa tunay na daan. Hindi nila hinahayaang makontak ng mga mananampalataya ang mga taong mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ni hindi nila hinahayaan silang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang masama pa nito, isinusumpa nila o inaatake ang ating mga kapatid na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng Kanyang kaharian. Maaari pa nilang tawagin ang pulis at ipaaresto sila. Hindi ba sila gumagawa ng masama at tinututulan ang Diyos sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa? Paanong naiiba ang kanilang ginagawa mula sa paraan ng mga Fariseo sa pagtutol at pagbatikos sa Panginoong Jesus? Para protektahan ang kanilang mga posisyon at kabuhayan, ang mga pastor at elder ay hinahadlangan ang mga mananampalataya sa pagtanggap sa kaligtasan ng Panginoon sa mga huling araw. Hindi ba’t kinakaladkad nila ang mga tao sa impierno? Hindi ba sila iyong mga masamang lingkod na binabanggit ng Panginoong Jesus? Hindi ba sila iyong mga makabagong Fariseo?

mula sa iskrip ng pelikulang Babagsak ang Lungsod

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply