Lahat ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naglilingkod sa Diyos sa iglesia. Tama lang sabihing pagdating sa pagbalik ng Panginoon, dapat silang magmasid at maghintay, at saka mag-ingat. Pero ba’t ’di lang nila hinahanap o sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, sa halip, tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, at hinihigpitan ang nananalig sa tunay na daan?
Sagot: Hindi naman talaga kakaiba ang tanong na ’yan. No’ng pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, naharap Siya agad sa pagtutol at pagtuligsa ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng mga relihiyon sa mundo, at ipinako nila Siya sa krus sa huli. Makasaysayang pangyayari ’yan. Kaya naman, isipin nating lahat, bakit ipinako sa krus ng mga relihiyoso ang Panginoong Jesus? Kung mauunawaan natin ang mga tanong na ’to, hindi magiging mahirap unawain kung ba’t ipinako ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at lahat ng ginagawa Niya ay mismong paghatol ng Diyos, pero nahaharap Siya sa matinding pagtuligsa at paglapastangan ng mga elder at pastor. Talagang nakakapagtaka ’yon. Ang ganitong pagtuligsa sa Diyos ay paglapastangan sa Espiritu Santo. Tulad ’yon ng pagpapako sa krus sa Cristo ng mga huling araw. Kaya napakabigat ng problemang ito. Hindi lang talaga ’to maintindihan ng ilan, at sinasabi nila na ang lahat ng pastor at elder ay naglilingkod sa Diyos, pero ba’t ’di nila hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan, sa halip tinutuligsa ’yon? May kaugnayan ’to sa kanilang pagkatao. Alam nating lahat na ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ay naglingkod sa Diyos sa mga templo. Nang maglingkod sa kanila ang Panginoong Jesus, maraming tumanggap na may awtoridad nga at kapangyarihan ang Kanyang gawain at mga salita. Pero ba’t ipinako pa rin nila sa krus ang Panginoong Jesus? Base sa mga nakatala sa Biblia, alam nating niyanig ng pangangaral ng Panginoong Jesus ang buong Israel noon. Gumamit Siya ng limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang marami, pinalakad Niya’ng mga lumpo, ginamot ang bulag, muling binuhay ang patay at iba pa, na siyang yumanig sa buong Judea. Maraming nagpapalaganap ng pangalan ng Panginoong Jesus at ng katotohanan ng Kanyang gawain. Dumami rin nang dumami ang mga sumunod sa Kanya. Pero nang makita ’yon ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong iyon, nagtanim sila ng galit sa puso nila. Malinaw nilang alam sa puso nila na kung nagpatuloy ang Panginoong Jesus sa ginagawa Niya, hindi magtatagal, susunod na sa Kanya ang lahat ng mga Judio, at ’di magtatagal, mapaparalisa at magsasara ang buong Judaismo. Kaya nga para protektahan ang Judaismo at ang kabanalan ng Biblia, at ang totoo’y, pati na ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila’ng lahat para tuligsain at siraan ang Panginoong Jesus, at sa huli, nakipagsabwatan sila sa gobyerno ng Roma na ipako Siya sa krus. Gayun din, nakikita ng mga pastor na lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at may awtoridad at kapangyarihan. Pag ipinalaganap ito sa lahat ng mga relihiyosong nagmamahal sa katotohanan, kikilalanin nilang lahat na ito ang salita at tinig ng Diyos, at tatanggapin nila na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Kaya takot ang mga pastor na makita ng mga nananalig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at marinig ang tinig Niya. Mas takot silang susunod ang lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos dahil mawawala ang katayuan at kabuhayan nila. Dahil diyan, namumuhi sila sa Makapangyarihang Diyos at sinisiraan, hinuhusgahan at tinutuligsa nila Siya, ginagawa nila ang lahat para hadlangan ang pagsisiyasat ng mga nananalig sa tunay na daan. Malinaw na nakikita ’yan ng lahat ng taong nakakaintindi. Ipinapakita niyang ang ugat ng pagkalaban ng mga pastor sa Makapangyarihang Diyos ay tulad ng pagkalaban ng mga Fariseong Judio sa Panginoong Jesus. Pinangibabawan sila ng kademonyohan na sawa na at nagagalit sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Sapat na’ng mga pangyayari para patunayang sino mang mga pastor na kumakalaban sa Makapangyarihang Diyos, ay hindi talaga nagliingkod sa Diyos at katulad silang lahat ng mga ipokritong Fariseo. Lahat sila Anticristo.
Ang mga Fariseong Judio noon ay nalantad na mga anticristo dahil sa gawain ng Panginoong Jesus. Ang mga pastor at elder sa kasalukuyan, ay nalantad ding mga anticristo dahil sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Pare-pareho silang namumuhi sa katotohanan. Ang sabi nga sa Biblia: “Sapagka’t maraming mandaraya na nangagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang mandaraya at ang anticristo” (2 Juan 1:7). “Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Diyos: ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Diyos: At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesucristo, ay hindi sa Diyos: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanlibutan na” (1 Juan 4:2–3). Kaya makakasiguro tayong lahat ng ayaw tumanggap na dumating na ang Diyos sa katawang-tao ay anticristo. Lahat ng tumutuligsa’t kumakalaban sa Diyos sa katawang-tao ay anticristo. Siguradong tatanggapin ng mga tunay na nananalig ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Sigurado namang tutuligsain at kakalabanin Siya ng mga hindi taos na nananalig at nakakakilala sa Diyos. Inilantad na ng gawain ng Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ang lahat ng anticristo at ihiniwalay ang mga tupa sa mga kambing, ang mabubuti sa masasama. Sa gano’n inayos ang tao ayon sa sarili niyang uri. Kaya kung hindi matukoy ng mga nananalig ang mga anticristo, napakadali silang malilinlang at makokontrol, at mahihirapan silang makabalik sa luklukan ng Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Kaugnay na Nilalaman
Ang CCP ay ateistang partido, isang grupong makademonyo na pinakamalupit sa Diyos at sa katotohanan. Ang demonyo ay ang pagsasatao ni Satanas. Ang muling pag-aanyong tao ni Satanas at ng masasamang espiritu ay demonyo, ang mga kalaban ng Diyos. Samakatwid, kapag ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao at gumagawa sa Tsina sa mga huling araw, ang baliw na pagpigil at pang-aapi sa Kanya ng gobyernong CCP, ay hindi maiiwasan. Ngunit ang karamihan sa mga pastor at elder sa mga relihiyon ay mga lingkod ng Diyos na maalam sa Biblia. Hindi lang sa hindi nila hinahanap at pinag-aaralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa halip sila’y humahatol, nagkokondena at galit na galit na kumakalaban. Hindi ito kapani-paniwala! Hindi nakakagulat na kinokondena ng gobyernong CCP ang gawain ng Diyos. Bakit kinakalaban at kinokondena rin ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos?
Sagot: Ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao. Dalawang beses Niyang nakaharap ang mga pagkalaban, pagkondena at pang-aapi ng mga...
Pinahirapan din si Pastor Yuan ng CCP dahil sa kanyang pananampalataya noong nakaraan. Hindi ko kailanman inakala na makikipagsabwatan siya sa mala-demonyong CCP upang tutulan ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ba ito garapalang pagsalungat sa Diyos? Paano naging napakataksil at napakamalisyoso ang mga pastor at mga namumuno na ito?
Sagot: Sa bawat oras na nagkatawang-tao ang Diyos, Kanyang inilantad ang ilang anticristo, mga demonyo, sa mga relihiyosong grupo. Noong...
Hindi naiintindihan ng karamihan sa ating mga kapatiran: Bago ang pagdating ng Panginoong Jesus, madalas na ipinapaliwanag ng mga Fariseo sa iba ang Biblia sa sinagoga; tumatayo sila sa harapan ng mga tao at nagdadasal at ginagamit ang mga patakaran sa Biblia para mabatikos ang mga tao; Mukha silang napakagalang sa panlabas, tulad ng mga taong hindi kailanman itatakwil ang Biblia, ngunit bakit isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Sa anong paraan sila tumutol sa Diyos? Paano nila ipinakita ang kanilang pagiging hipokrito? Bakit nakamtan nila ang galit ng Diyos?
Sagot: Alam ng mga taong naniniwala sa Panginoon na talagang kinapopootan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo at isinumpa sila at nagsambit...