Ano ang pagsunod sa panuntunan at ano ang pagkakaiba ng pagsunod sa panuntunan at pagsasagawa ng katotohanan

Enero 26, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang nararapat na makamit ng tao ngayon ay ayon sa tunay na kalagayan ng tao sa kasalukuyan, ayon sa kakayahan at talagang tayog ng tao sa kasalukuyan, at hindi kinakailangan na iyong sundin ang mga patakaran. Ito ay upang makamit ang mga pagbabago sa iyong lumang disposisyon, at upang maisantabi mo ang iyong mga kuru-kuro. Iniisip mo ba na ang mga utos ay mga patakaran? Maaaring sabihin na normal na mga kinakailangan ng tao ang mga ito. Ang mga ito ay hindi mga patakaran na dapat mong sundin. Gaya ng pagbabawal sa paninigarilyo, halimbawa—patakaran ba iyon? Hindi ito patakaran! Ito ay hinihingi ng normal na pagkatao; ito ay hindi patakaran, kundi isang itinakda para sa buong sangkatauhan. Sa kasalukuyan, ang isang dosena o higit pang mga utos na naitakda ay hindi rin mga patakaran; ang mga ito ang kinakailangan upang matamo ang normal na pagkatao. Hindi taglay o alam ng mga tao ang tungkol sa gayong mga bagay noong nakaraan, at kaya kinakailangan sa kanila na matamo ang mga ito sa kasalukuyan, at hindi ibinibilang ang mga ito na mga patakaran. Ang mga batas ay iba sa mga patakaran. Ang mga patakaran na Aking sinasabi ay tumutukoy sa mga seremonya, mga pormalidad o ang lihis at mga maling gawi ng tao; ito ang mga alituntunin na hindi nakakatulong sa tao at walang pakinabang sa kanya; bumubuo ang mga ito ng isang landasin ng pagkilos na walang taglay na kabuluhan. Ito ang pinakalarawan ng mga patakaran, at ang gayong mga patakaran ay dapat itapon, sapagkat walang naibibigay ang mga ito na pakinabang sa tao. Yaong mayroong pakinabang sa tao ang dapat isagawa.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 1

Naniniwala ang karamihan sa mga tao na ang isang normal na espirituwal na buhay ay kailangang kapalooban ng pagdarasal, pagkanta ng mga himno, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos o pagninilay sa Kanyang mga salita, mayroon mang tunay na epekto ang gayong mga pagsasagawa o kaya’y humahantong man ang mga ito sa tunay na pagkaunawa. Nakatuon ang mga taong ito sa pagsunod sa mababaw na mga pamamaraan nang hindi iniisip ang magiging resulta ng mga ito; sila ay mga taong nabubuhay sa mga ritwal ng relihiyon, hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Lahat ng kanilang panalangin, pagkanta ng mga himno, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay puro pagsunod sa panuntunan, na ginagawa dahil napipilitan sila at para makaagapay sa mga kalakaran, hindi dahil sa kahandaan at ni hindi mula sa puso. Gaano man manalangin o kumanta ang mga taong ito, hindi magkakaroon ng bunga ang kanilang mga pagsisikap, sapagkat ang isinasagawa nila ay mga panuntunan at ritwal lamang ng relihiyon; hindi talaga sila nagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Nagtutuon lamang sila sa pagkabahala kung paano sila nagsasagawa, at itinuturing nilang mga panuntunang susundin ang mga salita ng Diyos. Hindi isinasagawa ng gayong mga tao ang mga salita ng Diyos; pinagbibigyan lamang nila ang laman, at gumagawa sila para makita ng ibang mga tao. Lahat ng panuntunan at ritwal na ito ng relihiyon ay tao ang pinagmulan; hindi nagmumula ang mga ito sa Diyos. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga panuntunan, ni hindi Siya sakop ng anumang batas. Sa halip, gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw, nagsasakatuparan ng praktikal na gawain. Gaya ng mga tao sa Three-Self Church, na nililimitahan ang kanilang sarili sa mga pagsasagawa tulad ng pagdalo sa pagsamba sa umaga araw-araw, pag-aalay ng mga panalangin sa gabi at panalangin ng pasasalamat bago kumain, at pasasalamat sa lahat ng bagay—gaano man karami ang kanilang ginagawa at gaano man katagal nila iyon ginagawa, hindi mapapasakanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nabubuhay ang mga tao sa gitna ng mga panuntunan at nakatutok ang kanilang puso sa mga pamamaraan ng pagsasagawa, hindi makakagawa ang Banal na Espiritu, dahil ang kanilang puso ay puno ng mga panuntunan at kuru-kuro ng tao. Sa gayon, hindi nagagawang mamagitan at gumawa ang Diyos sa kanila, at maaari lamang silang patuloy na mabuhay sa ilalim ng kontrol ng mga batas. Ang gayong mga tao ay walang kakayahang tumanggap ng papuri ng Diyos kailanman.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Hinggil sa Isang Normal na Espirituwal na Buhay

Gaano karaming kaugaliang pangrelihiyon ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang naghimagsik laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang naisagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong bigyang-lugod ang Kanyang kalooban? Dapat mong maunawaan ang salita ng Diyos at isagawa ito nang naaayon. Maging maprinsipyo sa lahat ng iyong kilos at gawa, bagama’t hindi ito nangangahulugan na sumunod sa mga patakaran o gumawa ng isang bagay nang labag sa kalooban bilang isa lamang palabas; bagkus, ito ay nangangahulugan na isagawa ang katotohanan at mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang pagkilos na nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran, kundi isang pagsasagawa ng katotohanan. May pagkahilig ang ilang tao sa pag-akit ng pansin sa kanilang mga sarili. Sa piling ng kanilang mga kapatid, maaari nilang sabihin na may utang na loob sila sa Diyos, ngunit kapag nakatalikod sila, hindi nila isinasagawa ang katotohanan at ganap na iba ang kanilang ikinikilos. Hindi ba sila mga relihiyosong Fariseo? Ang isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos at nagtataglay ng katotohanan ay taong matapat sa Diyos ngunit hindi ito ipinagpapasikat. Ang ganitong tao ay nakahandang isagawa ang katotohanan kapag kinakailangan ng sitwasyon at hindi nagsasalita o kumikilos sa paraang labag sa kanyang konsensya. Nagpapakita siya ng karunungan kapag kinakailangan ng mga bagay-bagay at may prinsipyo siya sa kanyang mga gawa anuman ang kalagayan. Ang taong tulad nito ay kayang tunay na maglingkod. May ilan namang madalas na hanggang salita lamang pagdating sa pagkakautang nila sa Diyos; ginugugol nila ang kanilang mga araw na nakakunot ang noo sa pag-aalala, na nagbabalatkayo, at nagkukunwaring kahabag-habag. Talagang kasuklam-suklam! Kung tatanungin mo sila, “Maaari bang sabihin mo sa akin kung paano ka may utang na loob sa Diyos?” wala silang maisasagot. Kung ikaw ay matapat sa Diyos, huwag mong ipagsabi iyon; bagkus, gamitin mo ang aktwal na pagsasagawa upang ipakita ang iyong pagmamahal sa Diyos, at manalangin ka sa Kanya nang may tapat na puso. Mga mapagpaimbabaw ang lahat ng gumagamit lamang ng salita upang pakitunguhan ang Diyos at gumagawa para lang masabing may nagawa!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananampalataya, Kailangang Magtuon ang Isang Tao sa RealidadAng Pagsali sa mga Pangrelihiyong Ritwal ay Hindi Pananampalataya

Sa nakalipas, napakaraming paglihis at maging mga kahangalan sa mga paraan ng pagdanas ng mga tao. Hindi nila talaga naunawaan ang mga pamantayan ng mga hinihingi ng Diyos, kaya maraming lugar kung saan ang mga karanasan ng mga tao ay napalihis. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay ang magawa nilang magsabuhay ng normal na pagkatao. Halimbawa, ayos lang na sumunod ang mga tao sa mga makabagong kaugalian na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, na magsuot ng amerikana at kurbata, na matuto nang kaunti tungkol sa makabagong sining, at sa kanilang libreng oras maaari silang masiyahan sa sining, kultura at libangan. Maaari silang kumuha ng ilang di-malilimutang larawan, maaari silang magbasa at magkamit ng ilang kapaki-pakinabang na kaalaman, at magkaroon ng isang medyo magandang kapaligiran para mabuhay. Ito ang lahat ng bagay na naaangkop sa buhay ng normal na pagkatao, gayunma’y itinuturing ang mga ito ng mga tao bilang mga bagay na kinamumuhian ng Diyos at pinipigilan nila ang kanilang mga sarili na gawin ang mga ito. Ang kanilang pagsasagawa ay binubuo lamang ng pagsunod sa ilang patakaran, na nagdudulot ng isang buhay na kasing-tamlay ng tubig-kanal at ganap na walang kahulugan. Sa katunayan, hindi kailanman hiniling ng Diyos na ganito ang gawin ng mga tao. Ninanais ng lahat ng tao na bawasan ang kanilang sariling mga disposisyon, nananalangin nang walang tigil sa kanilang mga espiritu na maging mas malapit sa Diyos, ang kanilang mga isipan ay palaging nagninilay kung ano ang binabalak ng Diyos, ang kanilang mga mata ay palaging nagmamasid sa ganito at sa ganyan, na may malaking takot na ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mapuputol. Ang lahat ng ito ay mga konklusyong ginawa ng mga tao mismo; ang mga ito ay ang mga patakarang itinakda ng mga tao para sa kanilang mga sarili. Kung hindi mo kilala ang iyong sariling kalikasang diwa at hindi mo nauunawaan kung anong antas ang maaabot ng iyong sariling pagsasagawa, wala kang magiging paraan para matiyak kung ano ang eksatong mga pamantayan na hinihingi ng Diyos sa tao, at ni magkakaroon ka man ng tumpak na landas ng pagsasagawa. Dahil hindi mo kayang maunawaan kung ano ang eksaktong hinihingi ng Diyos sa tao, ang iyong isip ay palaging nababalisa, at matamang nag-iisip sa pagsusuri ng mga intensyon ng Diyos at nag-aapuhap sa paghahanap ng ilang paraan kung paano maantig at maliwanagan ng Banal na Espiritu. Bilang resulta, nalilinang mo ang ilang paraan ng pagsasagawa na pinaniniwalaan mong naaangkop. Wala ka talagang ideya kung ano ang eksaktong hinihingi ng Diyos sa tao; basta isinasakatuparan mo lamang ang iyong sariling kalipunan ng mga pagsasagawa, walang masyadong pakialam sa kalalabasan at lalo na sa kung may mga paglihis o mga pagkakamali man sa iyong pagsasagawa. Sa ganitong paraan, ang iyong pagsasagawa ay likas na kulang sa katumpakan at walang prinsipyo. Ang partikular na kulang dito ay ang normal na katwiran at konsiyensya ng tao, gayundin ang papuri ng Diyos at ang pagpapatunay ng Banal na Espiritu. Nagiging ganap na masyadong madaling tahakin na lamang ang iyong sariling landas. Ang ganitong uri ng pagsasagawa ay sumusunod lamang sa mga patakaran o kusang kumukuha ng higit na pasanin upang higpitan ang iyong sarili at kontrolin ang iyong sarili. Gayunma’y iyong iniisip na tumpak at tiyak ang iyong pagsasagawa, nang hindi nalalaman na ang nakararami sa iyong pagsasagawa ay di-kailangang mga proseso o mga pagdiriwang. Marami ang nagsasagawa na kagaya nito sa loob ng maraming taon na wala man lang pagbabago sa kanilang mga disposisyon, walang bagong pagkaunawa, at walang bagong pagpasok. Hindi namamalayan na muli nilang ginagawa ang parehong mga pagkakamali noon at nililinang nang husto ang kanilang mababangis na kalikasan, maging hanggang sa punto na maraming beses silang gumagawa ng di-makatwiran, di-makataong mga pagkilos, at kumikilos sa mga paraang nag-iiwan sa mga tao na naguguluhan at lubos na nalilito. Ang ganoong uri ba ng mga tao ay masasabing dumanas na ng pagbabago sa disposisyon?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 1

Ano ang pamantayang tumutukoy kung ang isang tao ay nagsasagawa ng katotohanan? Iyon ay na nagawa niyang magtaglay ng katotohanang realidad. Ano ang pamantayang tumutukoy kung ang isang tao ay nagtataglay ng katotohanang realidad? Nakasalalay ito sa pag-uugaling nasa puso mo tungkol sa Diyos kapag nahaharap ka sa mga problema, at kung mayroon kang tumpak o mas malalim na kaalaman at panukat sa iyong sarili. Ang ilang tao ay laging nagsasalita tungkol sa mabababaw at pangkalahatang mga bagay kapag nahaharap sila sa mga problema, na nagpapakita na hindi sila nagtataglay ng katotohanang realidad. Iyon bang mga hindi nagtataglay ng katotohanang realidad ay may kakayahang isagawa ang katotohanan kapag nahaharap sila sa isang problema? Hindi, wala silang kakayahan. Marahil ay maaari nilang sabihin: “Naranasan ko na ang problemang ito at susunod na lang ako sa Diyos.” Kung ganoon ay bakit mo kailangang sumunod sa Diyos sa problemang ito? Ang prinsipyong sinusunod mo ay tama, ngunit marahil ay maaari kang kumilos alinsunod sa iyong mga damdamin, na isang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay na iyo mismong sinukat at tinukoy. Sinasabi mo, “Sinusunod ko lang ang Diyos; wala na akong ibang sinasabi o ginagawa,” ngunit sa iyong puso, palagi mong iniisip, “Para saan ba ito? Mali ang ginawa ng Diyos.” Hindi mo nauunawaan kung bakit kumilos ang Diyos nang ganoon, subalit paulit-ulit mong sinasabi sa sarili mong sumunod, habang, ang totoo, walang tunay na pagsunod sa iyong puso. Mukha ka lang walang anumang sinasabi o ginagawa sa panlabas, na para bang masunurin ka, gayong, ang totoo, ang ganoong pagsunod ay pagsunod lamang sa tuntunin, hindi pagsasagawa ng katotohanan. Dapat mong baguhin ang daan ng hindi masunurin at tiwaling disposiyon na ito na nasa loob mo at sabihing: “Nakikita at nauunawaan ko ang problemang ito. Nauunawaan ko ang puso ng Diyos. Alam ko kung bakit gusto itong gawin ng Diyos. Kung magdusa man ako, o manghina, o madapa at hindi makatayo, o malungkot, susundin ko ang Diyos, sapagkat alam ko na ang ginagawa ng Diyos ay mabuti, na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay tama, at na hindi kayang gumawa ng mali ng Diyos.” Iba ito sa pagsasabing “Susunod lang ako sa Diyos” nang walang anumang layunin na talagang gawin iyon. Sa panlabas, ang “pagsunod” na iyon ay hindi ipinapahayag sa anumang hindi masunuring paraan—ngunit sa loob ng iyong puso, mayroong maliligalig na bagyo, at isang bunton na maling pagkaunawa sa Diyos at mga hinanakit sa Kanya. Ito ay, sa totoo, isang pigsang nakatago sa loob mo—kahit na maayos ang balat mo sa panlabas, mayroong karamdaman sa loob mo na hindi magtatagal ay sasambulat. Hindi mahalaga kung ilang taon ka nang sumusunod o kung ilang beses ka nang sumunod sa ganitong paraan; sa huli, wala ka pa ring tunay na paniniwala sa Diyos, at wala ka pa ring ni tunay na pagkaunawa sa Kanya. At ano ang ibig sabihin nito? Ang ibig nitong sabihin ay sumusunod ka sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin, at, gaano karaming beses ka mang sumunod, sumusunod ka lang sa mga tuntunin; hindi pa nagbabago o nalulutas ang iyong tiwaling disposisyon. Dapat kang magtamo ng kaalaman tungkol sa sarili mong tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng mga problemang nakakaharap mo, at dapat kang magkaroon ng pagkaunawa, kaalaman, at pagsasaalang-alang sa ginagawa ng Diyos, nang sa gayon ay makamit mo ang tunay na pagsunod, na ang ibig sabihin, pagiging handang sumunod. Kapag naabot mo na ang antas na ito ay saka ka lang magkakaroon ng tunay na pagbabago sa iyong disposisyon.

Hinango mula sa “Ano ang Pagsasagawa ng Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ano ang pagsasagawa ng katotohanan? Kapag ginagawa mo ang isang partikular na bagay—kapag tinatapos mo ang isang gawain o ginagampanan ang isang tungkulin—kung pag-uusapan ang mismong bagay na iyon, paano iyon ginagawa sa isang paraang nagsasagawa ng katotohanan, at paano iyon isinasagawa sa isang paraang hindi nagsasagawa ng katotohanan? Ang hindi pagsasagawa ng katotohanan ay walang kinalaman sa katotohanan. Maaaring ginagampanan mo ang iyong tungkulin, ngunit wala iyong gaanong kinalaman sa katotohanan; isa lang iyong uri ng magandang pag-uugali, at matatawag din na isang mabuting gawa, subalit mayroon pa ring agwat sa pagitan nito at ng pagsasagawa ng katotohanan. Magkaiba ang mga iyon. Kung ganoon, sa anong batayan maipagkakaiba ang mga iyon? Kapag ginagawa mo ang bagay na ito, nagpapanatili ka ng isang partikular na saklaw at partikular na mga tuntunin. Isa sa mga ito ay na hindi ka magdudulot ng mga kalugihan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos; ang isa pa ay na mas nagmamadali ka pa, at na nagdurusa ka nang kaunti, hindi nakakakain at nakakatulog sa regular na oras. Nagawa mo na ang lahat ng ito, at, kung walang mahigpit na pamantayang ginagamit sa iyo, maaaring hindi mo pa nagagawa nang maayos ang tungkulin mo. Gayunpaman, mayroon pang isang bagay: Naungkat at natuklasan mo na ba kung aling mga tiwaling disposisyon ang nasa loob mo kapag ginagawa mo ang bagay na ito? Ibig sabihin, naungkat at natuklasan mo na ba kung anong mga ideya ang mayroon ka at anong mga bagay sa kalooban mo ang hindi kinalulugdan ng Diyos kapag nahaharap ka sa problemang ito? Sa pamamagitan ng pagtupad sa tungkuling ito at sa paggawa sa bagay na ito, nagkakaroon ka ba ng bagong pagkaunawa sa iyong sarili, at nakahanap ka na ba ng kahit anong katotohanan na dapat mong isagawa at pasukin? (Madalang iyong mangyari. Kung minsan, nagkakaroon lang ako ng mababaw na pagkaunawa sa aking pagmamataas, at pagkatapos ay hanggang doon na lang iyon.) Kung ganoon, kadalasan ay mayroon ka lamang pangkaraniwan at teoretikal na pagkaunawa, walang tunay na pagkaunawa. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, kahit na hindi ka nakagawa ng anumang bagay na talagang mali o masama, at hindi mo nalabag ang mga pangunahing prinsipyo, at sa panlabas ay mukha kang isang mabuting tao na may kaunting pagkatao, hindi ka pa rin nagsasagawa ng katotohanan, at hindi ka pa nagtatamo ng anumang katotohanan. Ang “hindi mo paggawa ng anumang mali” at pagmumukhang isang taong may pagkatao sa panlabas ay hindi katumbas ng pagiging alinsunod sa katotohanan o pagsasagawa ng katotohanan. Mayroong agwat, pagkakaiba, sa pagitan nito at ng pagsasagawa ng katotohanan.

Hinango mula sa “Ano ang Pagsasagawa ng Katotohanan?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman