Ano ang pagsasagawa ng katotohanan

Enero 26, 2022

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, at isang katotohanan ito na lubhang kapaki-pakinabang at nakakatulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kailangan ng inyong katawan, isang bagay na tumutulong sa panunumbalik ng normal na pagkatao ng tao. Ito ay isang katotohanan na dapat taglayin ng tao. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong bumibilis ang pamumukadkad ng inyong buhay, at lalong lumilinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong tayog, makikita ninyo nang mas malinaw ang mga bagay ng espirituwal na mundo, at lalo kayong lalakas upang magtagumpay laban kay Satanas. Karamihan sa katotohanang hindi ninyo nauunawaan ay lilinaw kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay nasisiyahan na maunawaan lamang ang teksto ng salita ng Diyos at magtuon sa pagsasangkap sa kanilang sarili ng mga doktrina sa halip na palalimin ang kanilang karanasan sa pagsasagawa, ngunit hindi ba iyon ang paraan ng mga Fariseo? Kaya paano magiging totoo ang pariralang “Ang salita ng Diyos ay buhay” para sa kanila? Hindi makalalago ang buhay ng isang tao sa pagbabasa lamang ng salita ng Diyos, kundi kapag isinasagawa lamang niya ang salita ng Diyos. Kung ang paniniwala mo ay na ang pag-unawa lamang sa salita ng Diyos ang kailangan upang magkaroon ng buhay at tayog, baliko ang pang-unawa mo. Nangyayari ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at kailangan mong maunawaan na “sa pagsasagawa lamang ng katotohanan ito maaaring maunawaan.” Sa araw na ito, matapos basahin ang salita ng Diyos, masasabi mo lamang na alam mo ang salita ng Diyos, ngunit hindi mo masasabi na nauunawaan mo ito. Sinasabi ng ilan na ang tanging paraan para maisagawa ang katotohanan ay ang unawain muna ito, ngunit medyo tama lamang ito, at walang dudang hindi ganap na tumpak. Bago ka magkaroon ng kaalaman tungkol sa isang katotohanan, hindi mo pa nararanasan ang katotohanang iyon. Ang pakiramdam na nauunawaan mo ang isang bagay na naririnig mo sa isang sermon ay hindi tunay na pagkaunawa—pagtataglay lamang ito ng literal na mga salita ng katotohanan, at hindi kagaya ng pagkaunawa sa tunay na kahulugan niyon. Hindi dahil mayroon kang malalim na kaalaman tungkol sa katotohanan ay talagang nauunawaan mo na iyon o may kaalaman ka na tungkol doon; ang tunay na kahulugan ng katotohanan ay nanggagaling mula sa pagdanas nito. Samakatuwid, kapag naranasan mo na ang katotohanan, saka mo lamang ito mauunawaan, at saka mo lamang mauunawaan ang mga natatagong bahagi nito. Ang pagpapalalim ng iyong karanasan ang tanging paraan upang maunawaan ang mga natatagong kahulugan at ang diwa ng katotohanan. Samakatuwid, makakapunta ka kahit saan na dala ang katotohanan, ngunit kung wala ang katotohanan sa iyo, huwag mong isiping kumbinsihin kahit ang iyong mga kapamilya, lalo na ang mga relihiyosong tao. Kung wala sa iyo ang katotohanan, para kang lilipad-lipad na niyebe, ngunit kapag nasa iyo ang katotohanan maaari kang maging masaya at malaya, at walang maaaring umatake sa iyo. Gaano man katibay ang isang teorya, hindi nito madaraig ang katotohanan. Kung mayroong katotohanan, ang mundo mismo ay maaaring yanigin at ang mga bundok at dagat ay maaaring ilipat, samantalang kung walang katotohanan ay maaaring durugin ng mga uod ang matitibay na pader ng lungsod. Ito ay isang malinaw na katotohanan.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa

Ano ang pinakamahalagang bagay sa pagsasagawa ng katotohanan? Hindi ba dapat mo munang maunawaan ang mga prinsipyo? Ano ang mga prinsipyo? Ang mga prinsipyo ay ang praktikal na aspeto ng katotohanan. Kapag binabasa mo ang isang pangungusap ng mga salita ng Diyos, iniisip mong ito ang katotohanan, ngunit hindi mo nauunawaan ang mga prinsipyo sa loob nito; pakiramdam mo’y tama ang pangungusap, ngunit hindi mo alam kung sa anong paraan ito praktikal, o kung anong kalagayan ang dapat nitong tugunan. Hindi mo maunawaan ang mga prinsipyo nito o ang landas ng pagsasagawa nito. Para sa iyo, ang katotohanang ito na iyong inuunawa ay doktrina lamang. Gayunpaman, sa sandaling maunawaan mo ang katotohanang realidad ng pangungusap na ito, pati na kung ano ang mga hinihiling ng Diyos—kung tunay mong nauunawaan ang mga bagay na ito, at nagagawang magpakasakit at isagawa ang mga ito—kung gayon ay makakamit mo ang katotohanang ito. Sa pagkamit mo sa katotohanang ito, unti-unti, ang tiwali mong disposisyon ay nalulutas, at ang katotohanang ito ay nasasangkap sa iyo. Kapag naisagawa mo ang realidad ng katotohanan, at kapag ang pagganap mo sa iyong tungkulin, sa iyong bawat kilos, at sa iyong asal bilang isang tao ay nakabatay sa mga prinsipyo ng pagsasagawa ng katotohanang ito, kung gayon ay hindi ba’t nabago ka? Higit sa lahat, ikaw ay naging isang taong nagtataglay ng katotohanang realidad. Hindi ba kapareho ng isang taong nagtataglay ng katotohanang realidad ang isang taong kumikilos nang may mga prinsipyo? At hindi ba kapareho ng taong kumikilos nang may mga prinsipyo ang taong nagtataglay ng katotohanan? Hindi rin ba nakasusunod sa kalooban ng Diyos ang taong nagtataglay ng katotohanan? Ganoon ang pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay na ito.

Hinango mula sa Pagbabahagi ng Diyos

Ang pagsasagawa ng katotohanan ay hindi pagsasabi ng mga walang-saysay na salita at pagbigkas ng mga takdang parirala. Sa halip, nangangahulugan ito na anuman ang maaari mong makaharap sa buhay, hangga’t kinabibilangan ito ng mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao, mga pananaw sa mga pangyayari, mga usapin ng paniniwala sa Diyos, ng mga katotohanang prinsipyo, o ng pagkilos kung saan ginagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin, ang lahat ay dapat na mamili—dapat na magkaroon ang lahat ng isang landas kung saan magsasagawa. Halimbawa, kung ang orihinal mong pananaw ay na hindi mo dapat mapasama ang loob ng sinuman, kundi mapanatili ang kapayapaan at maiwasang mapahiya ang sinuman, upang sa hinaharap, maaaring magkasundo ang lahat, kung gayon, napipigilan ng pananaw na ito, kapag nakakita ka ng isang taong gumagawa ng masama, nagkakamali, o gumagawa ng kilos na sumasalungat sa mga prinsipyo, mas gugustuhin mong dalhin ito sa sarili mo kaysa harapin ang taong iyon. Napipigilan ng iyong pananaw, naging tutol ka sa pagpapasama ng loob ng sinuman. Hindi mahalaga kung sino ang kaharap mo, dahil nahahadlangan ka ng mga isipin ng karangalan, ng mga emosyon at relasyon, o ng mga damdaming lumago sa maraming taon ng pakikipag-ugnayan, palagi kang magsasabi ng magagandang bagay upang pangalagaan ang dignidad ng taong iyon. Kapag may mga bagay kang nakikitang hindi kasiya-siya, inilalabas mo lamang ang iyong galit sa likuran nila at gumagawa ng mga pribadong salaysay, sa halip na mapinsala ang kanilang karangalan. Ano ang palagay mo sa gayong pag-uugali? Hindi ba ganito ang sa isang taong pala-oo na suwabe at mapanlinlang? Nilalabag nito ang mga prinsipyo; hindi ba pagiging hamak ang kumilos sa gayong pamamaraan? Ang mga kumikilos nang ganito ay hindi mabubuting tao, ni hindi sila marangal. Gaano ka man nagdusa, at gaano mang halaga ang iyong binayaran, kung kikilos ka nang walang mga prinsipyo, kung gayon ay nabigo ka at hindi makatatanggap ng pagsang-ayon sa harap ng Diyos, ni hindi ka Niya maaalala, ni hindi mo Siya mabibigyang-kaluguran. Sa pagkatanto nito, nararamdaman mo ba ang pagkabalisa? (Oo.) Ang pagkabalisang nararamdaman mo ay patunay na iniibig mo pa rin ang katotohanan, na mayroon kang puso ng pag-ibig para sa katotohanan, isang kagustuhang ibigin ang katotohanan, at na ang iyong budhi ay mapang-unawa pa rin. … Ang pang-unawa ay nagbibigay sa iyo ng kakayahang makita ang kaibahan sa pagitan ng tama at mali, at sa pagitan ng positibo at negatibong bagay. Sa pang-unawa at kakayahang makakilala, madaling mapoot sa mga negatibong bagay na tulad nito at mapoot sa mga maling pananaw at tiwaling disposisyon. Ito ay dahil, kahit papaano, taglay mo na ang pinakamahalagang bagay—ang pagkakaroon ng konsensiya. Ang pagkakaroon ng konsensiya na ito ay napakahalaga, gayundin ang kakayahang makita ang kaibahan sa pagitan ng tama at mali, pati na rin ang pagkakaroon ng bahaging iyon ng pagkatao na umiibig sa pagiging matuwid at mga positibong bagay. Ang mga ito ang pinakakatangi-tanging mga bagay—ang mga ito ang tatlong pinakakanais-nais at pinakamahahalagang bagay na maaaring magkaroon ang isang tao, at sa sandaling taglayin ang mga ito, maaaring maisagawa ang katotohanan. Isantabi muna natin ang kasunod na dalawa sa ngayon. Hangga’t mayroon kang isang mapang-unawang konsensiya, pupukaw ba ng damdamin at mga opinyon sa iyo ang isang napakasamang tao na hayagang gumagawa ng isang masamang gawain na nakagagambala at nakagugulo? (Oo.) Kung mayroon kang mga opinyon at damdamin, natugunan mo ang isa sa mga pinakapangunahing hinihingi para sa pagsasagawa ng katotohanan. Kung makikita at mararamdaman mo na ang ginawa nila ay isang masamang gawain, at humakbang ka nang pasulong para gumawa ng aksiyon, hindi ba ito pagsasagawa ng katotohanan? Ano itong pagsasagawa ng katotohanan? (Paglalantad, pag-uulat, at pagpapahinto sa mga gawaing ito.) Oo. Kapag lumilitaw ang mga bagay na tulad nito, at tinutupad mo ang iyong responsibilidad ayon sa mga prinsipyo, ito ay pagsasagawa ng katotohanan.

Hinango mula sa “Ang Kinakailangan sa Pagganap ng Tungkulin Nang Mabuti, Kahit Papaano, ay Konsensiya” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kung may kakayahan kang isagawa ang katotohanan, kung gayon sa lahat ng nangyayari sa iyo sa iyong buhay, sa lahat ng taong nakakaugnayan mo, at sa lahat ng gawaing ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos, kailangan mong ikumpara iyon sa mga katotohanang nauunawaan mo at isagawa ang mga iyon. Ibig sabihin, kapag may nangyari, paano ka nararapat kumilos, at ano ang dapat maging teoretikal na pundasyon at batayan ng iyong pag-iral? Ang mga salita ng Diyos. Ipagpalagay natin, halimbawa, na binigyan ka ng isang tungkulin: Sa paraan ng pagsasagawa mo rito, kailangan ay mayroon kang isang paraan kung paano ka nagsasagawa, na nangangailangan muna ng isang batayan sa teorya ng katotohanan. Paano dapat isagawa ang tungkuling ito alinsunod sa kalooban ng Diyos? Kailangan ay hindi ka maging walang ingat at walang sigla; pagdating sa pasibong aspeto, ito ang pinakamaliit na dapat isagawa. Ipagpalagay natin, halimbawa, na naghuhugas ka ng mga pinggan. Ito ay isang tungkulin na tinanggap mo na. Mabilis mong binabanlawan ng tubig ang bawat plato, at pagkatapos ay tumitigil ka. Ito ba ay pagsasagawa ng katotohanan? Iniisip mo na naisagawa mo na ang katotohanan. Nahugasan mo na ang mga pinggan; nabanlawan mo na nang husto ang mga ito. Ano ang nasa isip mo habang hinuhugasan ang mga ito? Ano ang iyong prinsipyo sa paghuhugas ng mga pinggan? Kung sumusunod ka sa isang prinsipyo habang ginagawa ito, isinasagawa mo ang katotohanan. Ano ang dapat mong gawin upang maisagawa ang katotohanan kapag binigyan ka ng isang gawain na tungkulin mo? Mayroon bang isang prinsipyo? Ang prinsipyong pinag-uusapan ay ang teoretikal na batayan. Una sa lahat, hindi ka dapat maging walang ingat o walang sigla; una, sumunod sa prinsipyong ito. Ano ang dapat mong isaisip, at ano ang dapat mong gawin, upang hindi maging walang ingat at walang sigla? Mayroong ilang hakbang. Nakikita mo na marumi at nakaririmarim ang mga pinggan, na hindi sapat ang banlawan lang ito; maaaring mayroon itong bakterya, kaya kailangan mong gumamit ng sabon na panghugas para patayin ang bakterya, banlawan nang ilang beses ang plato para malinis ito, at masusi itong suriin. Hindi ito pagiging walang ingat at walang sigla. Ito ay pagkakaroon ng isang prinsipyo sa iyong isipan, at paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo. Hindi mo basta sinusulyapan nang mabilis ang plato at binabanlawan ito at iniiwan doon ang trabaho, na hindi pinapansin kung may sebo o bakterya rito, at iniisip mo sa iyong sarili, “Ipinagawa sa akin ito, kaya gagawin ko ito—basta’t ginawa ko ito, hindi ako walang ingat o walang sigla.” Ito ay hindi pagsasagawa ng katotohanan, ito ay paggamit lamang ng kaunting lakas, pagsisilbi, pagiging abala sa pisikal na gawain. Natapos mo ang paghuhugas ng mga pinggan; paano nangyari na hindi mo isinasagawa ang katotohanan? Paano ito naging basta “paggamit ng kaunting lakas”? Kung hindi ka kikilos ayon sa prinsipyo, hindi iyan pagsasagawa ng katotohanan, at nangangahulugan ito na ginawa ang gawain nang hindi sumusunod sa mga katotohanang prinsipyo; walang prinsipyo sa puso mo, kumilos ka batay sa sarili mong mga kagustuhan, pakiramdam, emosyon, imahinasyon, at opinyon. “Mabilis ko itong babanlawan, iyon lang—bakit gagamit pa ng sabong panghugas? Walang bakterya. Gamitin mo lang ito; walang anumang magiging problema.” Hindi ba sariling opinyon mo ito? Nag-iisip ka sa gayong paraan, kaya kumikilos ka ayon sa sarili mong mga opinyon—hindi ito pagsasagawa ng katotohanan. Para kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kailangan mong isipin sa iyong sarili, “Hindi ako dapat maging walang ingat o walang sigla, ang prinsipyo dapat ay hugasan ito nang malinis at patayin ang bakterya, para magamit ito ng mga tao nang ligtas at malinis.” Ito ay isang prinsipyo, at kung gagawin mo ang lahat batay sa prinsipyong ito, hindi ka magiging walang ingat o walang sigla, kundi magiging masipag ka, gagawin mo ang lahat ng kaya mo, kaya tutupad ka sa iyong tungkulin nang buong puso at buong isipan. Iyan ang pagsasagawa ng katotohanan.

Hinango mula sa “Ang Pinakamahalagang Bahagi ng Paniniwala sa Diyos ay ang Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ano ba talaga ang pamantayan sa pagsasagawa ng katotohanan? Paano sinusukat at inilalarawan kung isinasagawa mo ang katotohanan? Paano tinutukoy ng Diyos kung isa kang taong tumatanggap sa Kanyang mga salita matapos marinig ang mga iyon? Tinitingnan Niya, sa panahon na naniwala ka sa Kanya at nakinig sa mga sermon, kung nagkaroon na ng anumang pagbabago sa iyong kalooban, sa iyong pagsuway sa Kanya, at sa kakanyahan ng iba’t ibang aspeto ng iyong tiwaling disposisyon. Tinitingnan Niya kung napalitan mo na ng katotohanan ang mga iyon, at kung nagbago na ang iyong pag-uugali at kilos o ang kakanyahan ng iyong tiwaling disposisyon sa kaibuturan ng iyong puso. Sinusukat ka ng Diyos ayon sa mga bagay na ito. Dahil nakinig ka na sa mga sermon at nakakain at nakainom ng mga salita ng Diyos sa mga taong nagdaan, paimbabaw lamang ba, o mahalaga, ang iyong mga pagbabago? Nagkaroon na ba ng mga pagbabago sa iyong disposisyon? Nagkaroon na ba ng mga pagbabago sa iyong mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, sa iyong pagsuway sa Diyos, at sa kung paano mo inuunawa ang mga atas at tungkuling ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos? Nabawasan na ba ang iyong pagsuway sa Diyos? Kapag may nangyari at nabunyag na masuwayin ka, nagagawa mo bang magbulay-bulay tungkol sa iyong sarili? Kaya mo bang sumunod? Naging mas matapat ka na ba sa mga atas at tungkuling ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos, at dalisay ba ang katapatang ito? Noong nakikinig ka sa mga sermon, nalinis na ba ang iyong mga motibo, ambisyon, hangarin, at layon? Hindi ba mga pamantayan ito sa pagsukat? At nariyan din ang iyong mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos: Kumakapit ka pa rin ba sa iyong orihinal na mga kuru-kuro, malabo at mahirap unawaing mga imahinasyon, at mga konklusyon? Mayroon ka pa bang mga reklamo at iba pang mga negatibong damdamin? Nagkaroon na ba ng mga pagbabago patungkol sa mga bagay na ito? Kung wala pang anumang pagbabago sa mga aspetong ito, anong klase kang tao? Iisa ang pinatutunayan niyan: Hindi ka isang taong nagsasagawa ng katotohanan.

Hinango mula sa “Sa Pagsasagawa Lamang ng mga Salita ng Diyos Nagkakaroon ng mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Maraming tao na may ilang pag-uugaling ipinapakita, tulad ng pagsasantabi sa pamilya at trabaho at pagganap ng kanilang mga tungkulin, na dahil dito naniniwala silang isinasagawa nila ang katotohanan. Gayunpaman, hindi kinikilala ng Diyos na sila ay nagsasagawa ng katotohanan. Kapag ang mga ginagawa mo ay may personal na motibo at hindi puro, hindi mo isinasagawa ang katotohanan; nagpapakita ka lamang nang mababaw na pag-uugali. Ang totoo, malamang na isumpa ng Diyos ang ganitong klaseng pag-uugali; hindi Niya ito pupurihin o maaalala. Kung mas susuriin pa ito, gumagawa ka ng masama at ang pag-uugali mo ay laban sa Diyos. Kung titingnan mula sa labas, hindi ka nakagagambala sa anumang bagay at hindi ka nakagawa ng totoong pinsala o nakalabag ng anumang katotohanan. Mukhang makatwiran at makatarungan iyon, subalit ang diwa ng iyong mga kilos ay patungkol sa paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Samakatuwid ay dapat kang magpasiya kung mayroon nang pagbabago sa iyong disposisyon at kung isinasagawa mo ang katotohanan sa pagtingin sa mga motibo sa likod ng iyong mga kilos ayon sa mga salita ng Diyos. Hindi iyon nakasalalay sa pananaw ng tao kung ang mga kilos mo ba ay base sa imahinasyon at intensyon ng tao, o kung ito ba ay angkop sa iyong panlasa; ang mga bagay na ito ay hindi mahalaga. Bagkus, nakadepende iyon sa pagsasabi ng Diyos kung sumusunod ka o hindi sa Kanyang kalooban, kung ang iyong mga kilos ay mayroong katotohanang realidad o wala, at kung tumutugon ang mga ito o hindi sa Kanyang mga hinihiling at pamantayan. Ang pagsukat lamang ng iyong sarili ayon sa mga hinihiling ng Diyos ang tama. Ang pagbabago sa disposisyon at pagsasagawa ng katotohanan ay hindi kasingpayak at kasindali ng inaakala ng tao. Nauunawaan mo na ba ito ngayon? May karanasan ka ba rito? Pagdating sa diwa ng isang suliranin, maaaring hindi ninyo ito maunawaan; labis na mababaw ang inyong pagpasok. Paroo’t parito kayo sa maghapon, mula bukang-liwayway hanggang takipsilim, bumabangon nang maaga at natutulog nang gabing-gabi na, subalit hindi pa ninyo nakakamit ang pagbabago sa inyong disposisyon sa buhay, at hindi ninyo maintindihan kung ano ang kailangan sa gayong pagbabago. Ibig sabihin ay napakababaw ng inyong pagpasok, hindi ba? Gaano katagal man kayo naniniwala sa Diyos, maaaring hindi ninyo madama ang diwa at malalalim na bagay na gagawin sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon. Masasabi bang nagbago na ang iyong disposisyon? Paano ninyo malalaman kung pinupuri kayo ng Diyos o hindi? Kahit paano, madarama mo ang natatanging katatagan hinggil sa lahat ng iyong ginagawa, at madarama mo na ginagabayan at nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu at gumagawa Siya sa iyo habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, ginagawa ang anumang gawain sa tahanan ng Diyos, o karaniwan. Ganap na aakma sa mga salita ng Diyos ang iyong pag-uugali, at kapag nagtamo ka na ng ilang antas ng karanasan, madarama mo na naangkop kahit papaano kung paano ka kumilos noong araw. Gayunman, kung makaraang magtamo ng karanasan sa loob ng ilang panahon, nadarama mo na hindi angkop ang ilan sa mga bagay na ginawa mo noong araw, at hindi ka nasisiyahan sa mga iyon, at nadarama mo na talagang walang katotohanan sa mga bagay na iyong ginawa, pinatutunayan nito, kung gayon, na ang lahat ng iyong nagawa ay ginawa bilang paglaban sa Diyos. Katunayan ito na ang iyong paglilingkod ay puno ng pagkasuwail, paglaban, at mga paraan ng pagkilos ng tao.

Hinango mula sa “Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kung naniniwala ka sa Diyos ngunit hindi mo itinataguyod ang katotohanan, maaari kang maniwala sa loob ng sampung taon nang hindi dumaranas ng anumang pagbabago. Sa bandang huli, iisipin mo na ito mismo ang kahulugan ng maniwala sa Diyos; iisipin mo na medyo kapareho iyon ng dati mong paraan ng pamumuhay sa mundo, at walang kabuluhan ang mabuhay. Talagang ipinapakita niyon na kung walang katotohanan, hungkag ang buhay. Maaaring nagagawa mong banggitin ang ilang salita ng doktrina, ngunit hindi ka pa rin mapapanatag at mapapakali. Kung may kaunting kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, kung paano mamuhay nang makabuluhan, at makagawa ng ilang bagay na nakalulugod sa Diyos, kung gayon madarama nila na ganito talaga ang buhay, na sa pamumuhay lamang sa ganitong paraan magkakaroon ng kabuluhan ang kanilang buhay, at na kailangang mamuhay sila sa ganitong paraan upang mapalugod nang kaunti ang Diyos at masiyahan. Kung maaari nilang sadyang palugurin ang Diyos, isagawa ang katotohanan, talikuran ang kanilang sarili, talikuran ang sarili nilang mga ideya, at maging masunurin at makonsidersyon sa kalooban ng Diyos—kung magagawa nilang sadyang gawin ang lahat ng bagay na ito—kung gayon ito ang kahulugan ng tumpak na isagawa ang katotohanan, at tunay na isagawa ang katotohanan, at hindi ito talaga katulad ng dati nilang pag-asa sa kanilang mga imahinasyon at pagkapit sa mga doktrina at panuntunan. Sa totoo lang, nakakapagod gawin ang anuman kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan, nakakapagod manghawak sa mga doktrina at panuntunan, at nakakapagod na hindi magkaroon ng mga mithiin at pikit-matang gawin ang mga bagay-bagay. Sa katotohanan lamang sila maaaring lumaya—hindi ito kasinungalingan—at kapag mayroon nito, madali at masaya nilang magagawa ang mga bagay-bagay. Yaong mga nagtataglay ng ganitong uri ng kalagayan ay mga taong nagtataglay ng katotohanan; sila ang mga taong nagbago na ang mga disposisyon.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.