Ano ang mga prinsipyong isasagawa sa pagiging isang matapat na tao

Abril 20, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso mo sa Diyos, pagiging wagas sa Diyos sa lahat ng mga bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi pagtatago kailanman ng katotohanan, hindi pagsusubok na malinlang yaong mga nasa itaas at nasa ibaba mo, at hindi paggawa ng mga bagay upang manuyo lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa mga kilos at mga salita mo, at hindi paglilinlang sa Diyos o sa tao. Napakapayak ng sinasabi Ko, ngunit dobleng hirap ito para sa inyo. Maraming mga tao ang mas nanaisin pang maparusahan sa impiyerno kaysa sa magsalita at kumilos nang tapat. Hindi kataka-takang may iba pa Akong lunas na nakalaan para sa mga hindi tapat. Mangyari pa, ganap Kong alam kung gaano kahirap sa inyo ang maging tapat. Sapagkat matatalino kayong lahat, napakahusay sa pagtimbang sa mga tao gamit ang sarili ninyong makitid na panukat, ginagawa nitong mas payak ang gawain Ko. At yamang niyayakap sa dibdib ng bawat isa sa inyo ang mga lihim ninyo, kung sa gayon, isa-isa Ko kayong ilalagay sa kapahamakan upang “turuan” sa pamamagitan ng apoy, at nang matapos nito ay maaaring maging pirmi kayo sa paniniwala sa mga salita Ko. Sa huli, aagawin Ko mula sa mga bibig ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ay matapat na Diyos,” kung saan hahampasin ninyo ang mga dibdib ninyo at mananaghoy, “Mapanlinlang ang puso ng tao!” Ano ang magiging kalagayan ng isip ninyo sa oras na ito? Ipinagpapalagay Kong hindi kayo magiging kasing tagumpay nang tulad ninyo ngayon. At lalong hindi kayo magiging kasing “lalim at mahirap unawain” nang tulad ninyo ngayon. Sa presensiya ng Diyos, maaayos at wastong kumilos ang ilang mga tao, pinaghihirapan nilang magkaroon ng “maayos na pag-uugali,” subalit inilalantad nila ang mga pangil nila at iwinawasiwas ang mga kuko nila sa presensiya ng Espiritu. Ibibilang ba ninyo ang ganitong mga tao sa hanay ng mga tapat? Kung isa kang ipokrito, isang taong bihasa sa “pakikipagkapwa,” sinasabi Kong isa kang tiyak na sumusubok biru-biruin ang Diyos. Kung tadtad ng mga palusot at walang halagang mga pangangatwiran ang mga salita mo, sinasabi Kong isa kang taong kinasusuklamang isagawa ang katotohanan. Kung marami kang mga nakatagong kaalamang atubili kang ibahagi, kung lubos kang tutol na ilantad ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—sa harap ng iba upang hanapin ang daan ng liwanag, sinasabi Kong isang kang taong hindi madaling matatamo ang kaligtasan, at hindi madaling makakaahon mula sa kadiliman. Kung nakalulugod sa iyong mabuti ang paghahanap sa daan ng katotohanan, isa kang taong palaging nananahan sa liwanag. Kung lubhang nagagalak kang maging isang tagapaglingkod sa tahanan ng Diyos, na gumagawa nang masigasig at matapat sa di-katanyagan, palaging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, sinasabi Kong isa kang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at nagsisikap lamang na maging tapat na tao. Kung handa kang maging matapat, kung handa kang gugulin ang lahat ng nasa iyo, kung kaya mong isakripisyo ang buhay mo para sa Diyos at tumayong matatag sa patotoo mo, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala

Sa panahong ito, karamihan sa mga tao ay masyadong takot na dalhin ang kanilang mga kilos sa harap ng Diyos; bagama’t maaari mong linlangin ang Kanyang katawang-tao, hindi mo malilinlang ang Kanyang Espiritu. Anumang bagay na hindi makayanan ang masusing pagsusuri ng Diyos ay hindi nakaayon sa katotohanan, at nararapat na isantabi; kung hindi ay nagkakasala ka sa Diyos. Kaya, kailangan mong ilatag ang iyong puso sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, kapag nagdarasal ka, kapag nagsasalita at nagbabahagi ka sa iyong mga kapatid, at kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin at ginagawa ang iyong gawain. Kapag ginampanan mo ang iyong tungkulin, sumasaiyo ang Diyos, at hangga’t tama ang iyong hangarin at iyon ay para sa gawain ng bahay ng Diyos, tatanggapin Niya ang lahat ng ginagawa mo; dapat mong buong taimtim na ialay ang iyong sarili sa pagganap sa iyong tungkulin. Kapag nagdarasal ka, kung may pagmamahal ka sa Diyos sa iyong puso at hangad mo ang malasakit, pangangalaga at masusing pagsusuri ng Diyos, kung ang mga bagay na ito ang iyong hangarin, magiging epektibo ang iyong mga dalangin. Halimbawa, kapag nagdarasal ka sa mga pulong, kung bubuksan mo ang iyong puso at magdarasal ka sa Diyos at sasabihin mo sa Kanya kung ano ang nasa puso mo nang hindi ka nagsisinungaling, siguradong magiging epektibo ang iyong mga dalangin. …

Ang maging mananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan na lahat ng ginagawa mo ay kailangang dalhin sa Kanyang harapan at sumailalim sa Kanyang masusing pagsusuri. Kung maihaharap ang iyong ginagawa sa Espiritu ng Diyos ngunit hindi sa katawang-tao ng Diyos, nagpapakita ito na hindi ka pa masusing nasusuri ng Espiritu ng Diyos. Sino ang Espiritu ng Diyos? Sino ang taong pinatototohanan ng Diyos? Hindi ba Sila iisa at pareho? Ang tingin sa kanila ng karamihan ay dalawang magkahiwalay na nilalang, naniniwalang ang Espiritu ng Diyos ay Espiritu ng Diyos, at ang taong pinatototohanan ng Diyos ay isang tao lamang. Ngunit hindi ka ba nagkakamali? Sa kaninong pangalan gumagawa ang taong ito? Yaong mga hindi nakakakilala sa Diyos na nagkatawang-tao ay walang espirituwal na pang-unawa. Ang Espiritu ng Diyos at ang Kanyang nagkatawang-taong laman ay iisa, dahil ang Espiritu ng Diyos ay lumitaw sa katawang-tao. Kung ang taong ito ay hindi mabait sa iyo, magiging mabuti ba ang Espiritu ng Diyos? Hindi ka ba nalilito? Ngayon, lahat ng hindi matanggap ang masusing pagsusuri ng Diyos ay hindi matatanggap ang Kanyang pagsang-ayon, at yaong mga hindi nakakakilala sa Diyos na nagkatawang-tao ay hindi maaaring maperpekto. Tingnan mo ang lahat ng ginagawa mo, at tingnan mo kung maaari ba itong dalhin sa harap ng Diyos. Kung hindi mo madadala ang lahat ng iyong ginagawa sa harap ng Diyos, ipinapakita nito na masamang tao ka. Mapeperpekto ba ang masasamang tao? Lahat ng iyong ginagawa, bawat kilos, bawat layunin, at bawat tugon ay dapat dalhin sa harap ng Diyos. Kahit ang iyong pang-araw-araw na espirituwal na buhay—ang iyong mga dalangin, ang iyong pagiging malapit sa Diyos, kung paano ka kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ang pakikibahagi mo sa iyong mga kapatid, at ang buhay mo sa loob ng iglesia—at ang iyong paglilingkod na bilang magkatuwang ay maaaring dalhin sa harap ng Diyos para sa Kanyang masusing pagsusuri. Ang gayong pagsasagawa ang tutulong sa iyo na lumago sa buhay. Ang proseso ng pagtanggap sa masusing pagsusuri ng Diyos ang proseso ng pagdadalisay. Kapag mas matatanggap mo ang masusing pagsusuri ng Diyos, mas napapadalisay at mas umaayon ka sa kalooban ng Diyos, kaya hindi ka maaakit sa kahalayan, at mabubuhay ang puso mo sa Kanyang presensya. Kapag mas tinatanggap mo ang Kanyang masusing pagsusuri, mas napapahiya si Satanas at mas tumataas ang kakayahan mong talikdan ang laman. Kaya, ang pagtanggap sa masusing pagsusuri ng Diyos ay isang landas ng pagsasagawa na dapat sundan ng mga tao. Anuman ang ginagawa mo, kahit kapag nakikipagniig ka sa iyong mga kapatid, maaari mong dalhin ang iyong mga kilos sa harap ng Diyos at hangarin ang Kanyang masusing pagsusuri at hangaring sundin ang Diyos Mismo; gagawin nitong mas tama ang iyong pagsasagawa. Kung dadalhin mo ang lahat ng iyong ginagawa sa harap ng Diyos at tatanggapin ang masusing pagsusuri ng Diyos, saka ka lamang magiging isang tao na nabubuhay sa presensya ng Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos Yaong mga Kaayon ng Kanyang Puso

Ang pinakamahalagang bahagi ng pagiging isang matapat na tao ay na ang iyong puso ay kailangang maging bukas sa Diyos. Pagkatapos, matututo kang maging bukas sa ibang tao, magsalita nang tapatan at totoo, sabihin ang nasa puso mo, maging isang taong may dangal, integridad, at pagkatao, at hindi magsalita nang mayabang o nang mali o gumagamit ng mga salita para pagtakpan ang sarili mo o linlangin ang iba. Mayroon pang isang aspeto ng pagsasagawa na may kinalaman sa pagiging isang tapat na tao, iyon ay na dapat magkaroon ang isang tao ng isang matapat na saloobin sa pagganap ng kanyang tungkulin at gawin iyon nang may tapat na puso. Dapat kang umayon sa mga prinsipyo at isakatuparan ang mga iyon sa iyong pagsasagawa; hindi lang ito tungkol sa pagsasalita, at hindi lang ang pagkakaroon ng isang partikular na saloobin at pagkatapos ay sasabihan ang iba na gumawa ng mga bagay-bagay habang ikaw ay nagpapahinga. Nasaan ang realidad ng pagiging isang tapat na tao habang ikaw ay nagpapahinga? Hindi sapat na sumigaw lang ng mga salawikain nang hindi nagtataglay ng anumang realidad. Sinisiyasat ng Diyos ang tao, at, bukod pa sa pagsisiyasat sa kaibuturan ng puso ng tao at pagtingin sa natatagong puso ng tao, nakikita rin Niya ang pag-uugali ng tao at ang kanyang pagsasagawa. Kung may iniisip ka sa iyong natatagong puso ngunit hindi mo ito isinasagawa, ito ba ay pagpapahayag ng isang tapat na tao? Ang gawin iyon ay pagsasabi ng isang bagay at pag-iisip ng ibang bagay; iyon ay paggawa ng mga bagay na magpapaganda sa iyong imahe at iyon ay panloloko sa iba sa pamamagitan ng iyong mga salita—katulad lang ng mga Fariseo na magagaling sa pagbabasa ng mga kasulatan at bihasang-bihasa sa mga iyon. Subalit nang dumating na ang oras para magsagawa, nang kailangan na nilang magpakasakit at isuko ang mga pagpapala ng katayuan, hindi nila ginawa iyon, at nagsimula silang husgahan ang Diyos at hatulan Siya at makipag-agawan sa Kanyang katungkulan. Kasuklam-suklam iyon para sa Diyos; hindi iyon isang magandang daan para tahakin! Mapagkakatiwalaan ba ng iba ang ganitong klase ng tao? (Hindi.)

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagiging Matapat Maaaring Makapamuhay na Tulad ng Isang Tunay na Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kapag nagsasanay na maging isang matapat na tao, kailangan munang matutuhan ng isang tao na buksan ang kanyang puso sa Diyos at manalangin araw-araw, sinasabi sa Diyos kung ano ang nasa kanyang puso. Ipagpalagay nang nagsinungaling ka ngayong araw; wala pang nakatutuklas nito, at hindi ka pa nakaiipon ng tapang para maging bukas sa lahat. Dapat man lang ay idulog mo kaagad sa Diyos ang mga pagkakamali at kabulaanan at kasinungalingan na iyong siniyasat at natagpuan sa iyong pag-uugali ngayong araw, at ipagtapat ang iyong mga kasalanan, at sabihin: “O Diyos, nagsinungaling akong muli. Ginawa ko ito dahil sa ganito at ganyan. Nagsusumamo ako sa Iyo na disiplinahin ako.” Kung ganito ang iyong saloobin, tatanggapin ka ng Diyos, at tatandaan Niya ito. Marahil magiging napakahirap at matrabaho para sa iyo na malutas ang depekto o tiwaling disposisyon na pagsisinungaling, ngunit huwag kang mag-alala—kasama mo ang Diyos, at gagabayan at tutulungan ka Niya na malampasan ang paulit-ulit na paghihirap na ito, na magbibigay sa iyo ng tapang na hindi magsinungaling o ng tapang na kilalanin na nagsinungaling ka; na kilalanin kung ano ang mga kasinungalingang sinabi mo, bakit ka nagsinungaling, at ano ang mga layunin at hangarin mo; na kilalanin na hindi ka matapat na tao; na kilalanin na ikaw ay mapanlinlang na tao; at bibigyan ka Niya ng tapang na malampasan ang balakid na ito, at makawala sa kulungan ni Satanas at lumayo sa kontrol nito. Sa ganitong paraan, unti-unti kang makapamumuhay sa liwanag, sa ilalim ng patnubay at pagpapala ng Diyos. Kapag nalampasan mo na ang balakid na ito ng mga pagpipigil ng laman at nagawang magpasakop sa katotohanan, naging malaya at napakawalan ka na. Kapag namumuhay ka sa ganitong paraan, hindi ka lamang magugustuhan ng mga tao, kundi magugustuhan ka rin ng Diyos. Bagama’t paminsan-minsan ay makagagawa ka pa rin ng mga maling pagkilos, at bagama’t paminsan-minsan ay makapagsisinungaling ka pa rin, at bagama’t paminsan-minsan ay magkakaroon ka pa rin ng mga sarili mong layunin, gayundin ng mga makasariling pakay, at makasarili at kasuklam-suklam na mga pagkilos at ideya, kaya mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at ibunyag ang iyong puso, ang iyong aktwal na kalagayan, at ang iyong tiwaling disposisyon sa harap ng Diyos—at kaya magkakaroon ka ng tamang paraan ng pagsasagawa. Kung tama ang iyong paraan ng pagsasagawa at tama ang direksyon mo sa pagsulong, magiging maganda at maliwanag ang iyong mga inaasahan. Sa ganitong paraan, mamumuhay ka nang may payapang puso; lulusog ang iyong espiritu, at madarama mong ikaw ay pinagyaman at masaya. Kung hindi mo nagawang malampasan ang balakid na ito ng mga pagpipigil ng laman at palagi kang nagagapos ng mga damdamin at mga pilosopiya ni Satanas, at palaging patago at palihim ang iyong mga sinasabi at ikinikilos, hindi kailanman hayagan, kung gayon ay isa ka na namumuhay sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas. Kapag nauunawaan mo ang katotohanan at nagagawang malampasan ang balakid ng mga pagpipigil ng laman, unti-unti kang nagkakaroon ng wangis ng tao. Nagsasalita at kumikilos ka nang deretsahan at walang paliguy-ligoy at ipinakikita mo sa iba ang anumang pananaw o mga kaisipan na maaaring mayroon ka o ang anumang nagawa mong mali, upang malinaw itong makita ng iba—at, sa huli, sasabihin nila na isa kang taong walang itinatago. Ano ang isang taong walang itinatago? Ito ay isang tao na hindi nagsisinungaling, na labis na matapat sa pananalita, at pinaniniwalaan ng lahat ang kanyang mga sinasabi. Kahit na nakapagsisinungaling siya nang hindi niya namamalayan o nakapagsasabi ng maling bagay, napapatawad siya ng lahat, dahil alam nilang ginagawa niya iyon nang hindi niya namamalayan. Sa sandaling matanto niya ito, babalik siya para humingi ng tawad at itama ito. Ito ang taong walang itinatago. Gusto at mapagkakatiwalaan ng lahat ang ganitong uri ng tao. Kung naabot mo na ang antas na ito at nakamit ang pagtitiwala ng Diyos at ng iba, nagawa mo na ang isang bagay na hindi madaling gawin—ito ang pinakamataas na dignidad na maaaring taglayin ng isang tao, at ang ganitong mga tao lamang ang mayroong paggalang sa sarili.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagiging Matapat Maaaring Makapamuhay na Tulad ng Isang Tunay na Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Bilang isang tapat na tao, dapat mo munang ilantad ang iyong puso upang matingnan ito ng lahat, makita ang lahat ng iniisip mo, at masilayan ang iyong totoong mukha; hindi mo dapat subukang magpanggap o ipakete ang iyong sarili para magmukhang maganda. Saka lamang magtitiwala ang mga tao sa iyo at ipapalagay na matapat ka. Ito ay ang pinakasaligang pagsasagawa, at ang pang-unang kailangan, ng pagiging isang tapat na tao. Palagi kang nagpapanggap, palaging nagkukunwaring may kabanalan, pagkamarangal, kadakilaan, at mataas na moralidad. Hindi mo hinahayaang makita ng mga tao ang iyong katiwalian at iyong mga kakulangan. Inihaharap mo ang isang huwad na larawan sa mga tao kaya naniniwala sila na ikaw ay magaling, dakila, mapagsakripisyo, walang-pinapanigan, at di-makasarili. Ito ay panlilinlang. Huwag magpanggap, at huwag itanghal ang sarili; sa halip, ilantad ang sarili mo at ang puso mo para makita ng iba. Kung mailalantad mo ang puso mo para makita ng iba, at mailalantad mo ang lahat ng iniisip mo at mga balak—kapwa positibo at negatibo—sa gayon hindi ka ba nagiging tapat? Kung nailalantad mo ang iyong sarili para makita ng iba, kung gayon makikita ka rin ng Diyos, at magsasabing: “Nailalantad mo ang iyong sarili para makita ng iba, at kaya tiyak na tapat ka rin sa harap Ko.” Kung inilalantad mo lamang ang sarili mo sa Diyos kapag hindi nakikita ng ibang tao, at palaging nagpapanggap na dakila at marangal o makatarungan at di-makasarili kapag kasama nila, kung gayon ano ang iisipin at sasabihin ng Diyos? Sasabihin Niya: “Ikaw ay talagang mapanlinlang, ikaw ay totoong mapagpaimbabaw at hamak; at hindi ka isang tapat na tao.” Kokondenahin ka ng Diyos nang gayon. Kung nais mo na maging isang matapat na tao, kung gayon anuman ang iyong gawin sa harap ng Diyos o ng iba, dapat makaya mong magbukas ng iyong sarili at ilantad ang sarili mo. Madali ba itong makamtan? Nangangailangan ito ng panahon; nangangailangan ito ng isang pagtutunggali sa kalooban at dapat tayong magpatuloy sa pagsasagawa. Paunti-unti, mabubuksan ang ating mga puso, at mailalantad natin ang ating mga sarili.

Hinango mula sa “Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Anuman ang maranasan mo habang ginagawa mo ang iyong tungkulin—pagiging negatibo at mahina, o pagkakaroon ng masamang pakiramdam matapos kang mapakitunguhan—dapat mo itong tratuhin nang maayos, at kailangan mo ring hanapin ang katotohanan at unawain ang kalooban ng Diyos. Sa paggawa ng mga bagay na ito, magkakaroon ka ng isang landas sa pagsasagawa. Kung nais mong maging maganda ang iyong trabaho sa pagtupad sa iyong tungkulin, kailangan ay huwag kang paapekto sa iyong pakiramdam. Gaano man ka-negatibo o kahina ang iyong nararamdaman, dapat mong isagawa ang katotohanan sa lahat ng iyong ginagawa, nang may ganap na kahigpitan, at pagsunod sa mga prinsipyo. Kung gagawin mo ito, hindi ka lamang sasang-ayunan ng ibang tao, kundi magugustuhan ka rin ng Diyos. Sa gayon, ikaw ay magiging isang taong responsable at bumabalikat ng pasanin; magiging isa kang tunay na mabuting tao na talagang tumutupad sa iyong mga tungkulin nang abot sa pamantayan at lubos na isinasabuhay ang wangis ng isang tunay na tao. Ang gayong mga tao ay pinadadalisay at nagkakamit ng tunay na pagbabago kapag tumutupad sa kanilang mga tungkulin, at masasabing matapat sa mga mata ng Diyos. Matatapat na tao lamang ang kayang magtiyaga sa pagsasagawa ng katotohanan at nagtatagumpay sa pagkilos nang may prinsipyo, at maaaring makatupad ng kanilang mga tungkulin na abot sa pamantayan. Ang mga taong kumikilos nang may prinsipyo ay tumutupad na maigi sa kanilang mga tungkulin kapag maganda ang pakiramdam nila; hindi sila nagtatrabaho lamang nang paimbabaw, hindi sila arogante at hindi nagpapasikat nang may kayabangan para gumanda ang reputasyon nila sa iba. Gayunpaman, kapag masama ang pakiramdam nila, tinatapos nila ang kanilang pang-araw-araw na mga gawain nang gayon din kasigasig at karesponsable, at kahit nagdaranas sila ng isang bagay na nakakasama sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin, o na medyo gumigipit sa kanila o gumagambala sa kanila habang ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin, nagagawa pa rin nilang manahimik sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabing, “Gaano man kalaki ang problema ko—kahit bumagsak pa ang kalangitan—basta’t tinutulutan ako ng Diyos na patuloy na mabuhay, determinado akong gawin ang lahat para tuparin ko ang aking tungkulin. Bawa’t araw na tinutulutan akong mabuhay ay isang araw na magtatrabaho ako nang husto sa pagganap sa aking tungkulin nang sa gayon ako ay karapat-dapat sa tungkuling ito na ipinagkaloob sa akin ng Diyos, gayundin sa hiningang ito na ipinasok niya sa aking katawan. Gaano man ako nahihirapan, isasantabi ko ang lahat ng iyon, sapagka’t ang pagtupad sa aking tungkulin ang pinakamahalaga!” Yaong mga hindi apektado ng sinumang tao, anumang kaganapan, bagay, o kapaligiran, na hindi kontrolado ng anumang pakiramdam o sitwasyon sa labas, at inuuna sa lahat ang kanilang mga tungkulin at atas na naipagkatiwala sa kanila ng Diyos—sila ang mga taong matapat sa Diyos at tunay na nagpapasakop sa Kanya. Ang ganitong mga tao ay nakamtan na ang pagpasok sa buhay at nakapasok na sa katotohanang realidad. Ito ay isa sa pinakapraktikal at tunay na mga pagpapahayag ng pagsasabuhay ng katotohanan.

Hinango mula sa “Ang Pagpasok sa Buhay ay Dapat Magsimula sa Karanasan ng Pagganap sa Tungkulin ng Isa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Anumang bagay ang iyong kinakaharap, isa man itong bagay na tuwirang iniatas sa iyo ng Diyos o ang tungkuling dapat mong gampanan, o isa man itong bagay na sinabi sa iyo ng isang tao, at kung may kaugnayan man ito sa kung paano ka kumikilos o kung paano mo hinaharap ang mga bagay-bagay, dapat ay palagi mo iyong harapin nang may tapat na puso. Paano dapat isagawa ng isang tao ang pagharap sa mga bagay-bagay nang may tapat na puso? Sabihin mo ang iniisip mo at magsalita ka nang matapat; huwag kang magsabi ng mga opisyal na pananalita, huwag kang magsabi ng masasarap pakinggan, nambobola, o paimbabaw na mga kasinungalingan, bagkus ay sabihin mo ang mga salitang nasa iyong puso at ipahayag mo ang mga tunay na saloobin at pananaw na nasa iyong puso—ito ang dapat gawin ng mga tapat na tao. Kung hindi mo kailanman sasabihin o isisiwalat kung ano ang iniisip mo sa iyong puso, at ang mga salitang nasa iyong mga labi ay hindi kailanman pareho sa iniisip mo sa iyong puso, hindi ganito kumilos ang isang tapat na tao. Ipagpalagay nang, halimbawa, hindi mo nagawa nang mabuti ang isang tungkulin. Mayroong nagtanong sa iyo kung anong nangyari, at sinabi mo, “Gusto kong gawin nang mabuti ang tungkulin, pero hindi ko nagawa, dahil sa ganito o ganyan.” Sa totoo lang, alam mo sa iyong puso na naging pabaya ka, pero hindi ka nagsalita nang lantaran at tapat, at isinisi mo iyon sa iba, o kung hindi ay naghahanap ka ng lahat ng uri ng katwiran na nagtatago sa mismong katotohanan. Ito ba ay pagiging tapat na tao? Hinahayaan kang makalusot ng pagsasabi noon, ngunit hindi mo pa naihahayag ang mga bagay na nasa loob ng pagkatao mo upang malutas, na magdadala sa iyo ng pighati. Kapag nag-ugat ito sa iyong puso, isa itong nakababagabag na bagay. Dapat kang magsalita nang lantaran at tapat: “Medyo naging pabaya ako habang ginagampanan ang tungkuling ito at hindi ko ito sineryoso. Nagsisikap ako nang kaunti at pagkatapos ay nagpapabaya ako nang kaunti. Kapag maganda ang timpla ko, kaya kong magpakasakit nang kaunti, pero kapag hindi maganda ang timpla ko, nagpapabaya ako sa aking mga pagsisikap, hindi ako nagiging handang magpakasakit, wala akong ginagawa at naghahangad ako ng mga pisikal na kaginhawahan, kaya’t walang kahit na anong naisasakatuparan ang pagganap ko sa aking tungkulin. Sa nagdaang ilang araw ay binabago ko na ang aking sarili, at sa pagpapatuloy ay nagsisikap akong humusay nang humusay sa aking mga tungkulin, bumuti ang aking kakayahan at magtrabaho nang mas mabilis.” Naririnig ba ng mga tao kung alin sa dalawang tugon na ito ang tapat? Anong masasabi ninyo? Malinaw na ang unang tugon ay isang pag-iwas na atake mula sa isang tao na, dahil takot siyang mapakitunguhan, takot na matuklasan ng iba na mayroong problema, at takot na maimbestigahan at mahatulang may kasalanan, paiwas na naghahanap ng mga katwiran upang pagtakpan ang katotohanan at upang supilin ang mga akusasyon, naninisi ng iba upang hindi mapakitunguhan. Ito ang pinagmumulan ng kanyang kasinungalingan. Ang pangalawa ay isang taong nagsasabi ng totoo, at, bagamat makatwiran na dapat siyang pakitunguhan at dapat siyang managot, iyon ang totoo. Ganito ang normal na kalagayan ng mga tao—kahit na hindi ka magsalita, malalaman pa rin ng mga tao. Hindi mo piniling hindi magsalita, at hindi mo piniling pangatwiranan o ipagtanggol ang iyong sarili, kundi sa halip ay nagsalita ka nang tuwiran. Pinatutunayan nito na mayroon kang tapat na saloobin at naghahangad ka ng pagbabago, sa halip na mahigpit at mapagmatigas na kumakapit sa sarili mong mga katwiran upang pagtakpan ang aktwal na katotohanan o linlangin ang iba. Aling landas ang tama? Alin ang paraang isinasagawa ng mga tapat na tao? Ang pagiging bukas at paglalantad sa sarili, pagsasalita nang tapat, pagsasabi ng iyong aktwal na kalagayan at ng aktwal na problema—ganito magsagawa ang mga tapat na tao, at tama ang magsagawa nang ganito.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagiging Matapat Maaaring Makapamuhay na Tulad ng Isang Tunay na Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Kapag nakikipag-ugnayan ka sa iba, kailangan mo munang ipakita sa kanila ang iyong tunay na nararamdaman at ang iyong katapatan. Kung, habang nagsasalita at nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa iba, ang mga salita ng isang tao ay walang ingat, mabulaklak, kaaya-aya ngunit mababaw, pambobola, hindi responsable, at kathang-isip, o kung nagsasalita lamang siya upang makakuha ng pabor sa iba, ang kanyang mga salita ay walang anumang kredibilidad, at hindi siya tapat ni bahagya. Ito ang paraan niya ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao, maging sinuman ang mga ibang taong iyon. Mayroon bang tapat na puso ang ganitong tao? Ang taong ito ay hindi tapat. Sabihin nang may kakulangan ang isang tao, at taos-puso at tapat niyang sinasabi sa iyo: “Sabihin mo sa akin kung bakit ako napakanegatibo. Hindi ko talaga ito maunawaan!” At sabihin nang sa katunayan, nauunawaan mo sa iyong puso ang kanyang problema, pero hindi mo sinabi sa kanya, sa halip ay sinabi mong: “Wala iyan. Madalas din akong maging negatibo.” Ang mga salitang ito ay malaking kaginhawahan sa nakaririnig nito, ngunit matapat ba ang iyong saloobin? Hindi ito matapat. Hindi ka maingat sa taong ito; para makadama siya ng kaginhawahan at pag-alo, umiwas ka sa pagsasalita nang tapat sa kanya. Hindi ka masigasig na tumutulong sa kanya para maalis niya ang pagiging negatibo. Para lamang maalo siya at para matiyak na walang paglayo o hindi pagkakasundo sa pagitan ninyo, ginawa mo ang pinakamaliit na magagawa mo sa kanya—at hindi ito ang pagiging isang matapat na tao. Kaya, bilang isang matapat na tao, ano ang dapat mong gawin kapag nahaharap ka sa ganitong uri ng sitwasyon? Sabihin mo sa kanya kung ano ang nakita at natukoy mo: “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang nakita ko at kung ano ang naranasan ko. Ikaw ang magpapasya kung ang sinasabi ko ay tama o mali. Kung ito ay mali, hindi mo ito kailangang tanggapin. Kung ito ay tama, sana ay tanggapin mo ito. Kung may sabihin ako na mahirap para sa iyo na marinig o nakakasakit sa iyo, sana ay makaya mong tanggapin mula sa Diyos. Ang layunin at hangarin ko ay ang tulungan ka. Malinaw kong nakikita ang suliranin: Nasugatan ang dangal mo. Walang nagpapadama sa iyo na importante ka, at sa tingin mo ay mababa ang tingin ng lahat sa iyo, na inaatake ka, at hindi ka pa kailanman nagawan ng ganito kalaking pagkakamali. Hindi mo ito makaya at naging negatibo ka. Ano sa tingin mo—ito ba talaga ang nangyayari?” At pagkarinig nito, madarama nila na ito nga talaga ang nangyayari. Ito talaga ang nasa puso mo, pero kung hindi ka matapat na tao, hindi mo ito sasabihin. Ang sasabihin mo, “Madalas din akong maging negatibo,” at kapag narinig ng taong ito na ang lahat ay nagiging negatibo, iisipin niya na ito ay normal, at sa huli, hindi niya aalisin ang pagiging negatibo. Kung ikaw ay isang matapat na tao at tinutulungan mo siya nang may matapat na saloobin at matapat na puso, matutulungan mo siyang maunawaan ang katotohanan at maisantabi ang kanyang pagiging negatibo.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagiging Matapat Maaaring Makapamuhay na Tulad ng Isang Tunay na Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ano ang mga prinsipyo kung paano dapat makitungo ang mga tao kay Cristo? Ano ang mga prinsipyo na dapat itaguyod ng mga tao ukol sa paggamit ng kunwaring papuri, pagsubok na magpalakas at pagpili sa kanilang mga salita para magkaroon ng kaaya-ayang dating? Maging sinsero at huwag abalahin ang sarili sa kunwaring papuri o pagpapalakas. Hindi na kailangan ng kunwaring papuri—maging sinsero lang. Paano ito dapat eksaktong maisagawa? Upang maging matapat, dapat mo munang isantabi ang iyong mga pansariling pagnanasa. Sa halip na magtuon ng pansin sa kung paano ka itinuturing ng Diyos, sabihin mo kung ano ang nasa puso mo, at huwag pag-isipan o isaalang-alang kung ano ang mga magiging kahihinatnan ng mga salita mo; sabihin kung anuman ang iniisip mo, isantabi ang mga motibasyon mo, at huwag magsalita ng mga bagay upang makamtan lamang ang ilang layunin. Kapag mayroon kang masyadong maraming mga personal na layunin, palagi kang nagtatantiya sa paraan ng iyong pagsasalita. “Dapat ko itong sabihin, hindi sa dapat akong mag-ingat tungkol sa aking sasabihin, kailangan kong makamtan ang layunin ko”—may mga pansariling motibasyon bang nasasangkot dito? Sa iyong isipan, nagsasalita ka na nang paulit-ulit bago pa man lumabas ang mga salita sa iyong bibig, pinag-isipan mo na nang maraming beses kung ano ang sasabihin mo, at sinala ito nang maraming beses sa iyongg isipan. Sa paglabas sa iyong bibig, ang mga salitang ito ay nagdadala ng mga mapanlinlang na pakana ni Satanas. Ibig sabihin, ang mga salitang galing sa iyong bibig ay may tinatagong mga motibo at personal na layunin; ang gayong mga salita ay hindi matapat at ang mga iyon ay hindi mula sa puso. Ito ay hindi pagiging sinsero. Ano ang tawag dito? Ang tawag dito ay pagkikimkim ng masasamang intensyon. Maliban dito, maaaring palagi mong pinagmamasdan ang ekspresyon ng mukha at mga mata habang nagsasalita, nagpapatuloy lamang magsalita kapag kanais-nais ang ekspresyon Niya. Kapag nakakita ka ng hindi kanais-nais na ekspresyon, pinipigil mo ang pagsasalita. Sa sandaling makita mong hindi Niya gusto ang Kanyang naririnig, tumitigil ka sa pagsasalita. Sa sandaling mukhang hindi Siya interesado at hindi handang makinig sa iyo, iniisip mo sa loob mo, “Anong puwede kong sabihin na magiging interesante sa Iyo at magtutulak sa Iyong makinig sa akin? Paano ko mapapaisip sa Iyo na magaling ako? Anong magagawa ko para magustuhan Mo ako? Paano ko mababago ang tingin Mo sa akin? Anong puwede kong sabihin para mapasaya Ka, para hindi Mo ako iwasto? Anong masasabi ko para mapigilan Kang matuklasan ang tunay na sitwasyon? Paano ko maiiwasan ang paksa na para sa Iyo ay hindi kanais-nais marinig? Anuman ang dapat na sabihin para makamit ito ay sasabihin ko.” Ito ba ang tinatawag na pagiging sinsero? (Hindi, hindi ito pagiging sinsero.) Iniisip ng ibang tao, “Kung hindi mo alam ang bagay na ito ay hindi ko ito iuulat. Sa halip ay hihintayin kong may ibang mag-ulat nito at doon lang ako susunod sa iba sa pagsasalita tungkol dito. Sa paggawa nito ay ipinaaalam ko sa Iyo na totoo ang ulat ko, samantalang kung ako ang unang mag-uulat nito ay maaaring maiwasto ako. Ang ibon na dumudungaw sa labas ay nababaril, at ayokong maging ang ibon na iyon. Talagang hindi ako ang mauunang magsalita.” Iyon ba ay pagiging sinsero? Ipagpalagay mong mayroon kang nalaman na totoong impormasyon tungkol sa isang tao at kung ikaw lamang ang nakakaalam at ang lahat ay walang alam, at iniisip pa rin nilang mabuting tao ang taong iyon, at kung hindi rin alam ni Cristo ang impormasyong ito, sa ganitong mga sitwasyon ba ay sasabihin mo kay Cristo ang tungkol dito nang buong katotohanan? Kung itinago mo ito, ikinubli, at hindi sinabi ang tungkol dito, hindi ito inilantad, at kapag tumayo ka at nagsalita kung kailan nalantad na ang tunay na pagkatao ng taong iyon at natanggal siya sa posisyon o naalis sa bahay ng Diyos, iyon ba ay pagiging sinsero? Sinuman ang maaaring malantad na may problema o anumang ibang problema ang maaaring maiulat, ikaw palagi ang huling magsasalita. Ito ba ay pagiging sinsero? Ipagpalagay mong personal mong hindi gusto ang isang tao, o ang taong iyon ay may sama ng loob sa iyo. Maaaring ang taong iyon ay hindi naman isang masamang tao o nakagawa ng anumang masamang gawa, pero napopoot ka sa kanya at gusto mong maging sanhi ng pagbagsak niya, pagmukhain siyang hangal, kung kaya’t nag-isip ka ng mga paraan at naghanap ng mga pagkakataon para magsabi ng hindi maganda laban sa kanya. Kahit na maaaring nagsasalita ka nang hindi nagbibigay ng tiyak na mga pahayag tungkol sa taong ito, nagiging malinaw ang mga motibo mo sa bawat bahagi ng paglalarawan mo sa bagay na ito. Sinusubukan mong gamitin ang kamay ng Itaas para iwasto siya. Sa panlabas ay maaring mukhang nagsasabi ka lamang ng mga katotohanan, pero ang mga ito ay may bahid ng mga personal mong motibo; hindi ito pagiging sinsero.

Hinango mula sa “Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Garapal na Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Bahay ng Diyos (II)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ang pagkakaroon ng kakayahang maging matuwid at deretsahang magsalita ay pagiging isang matapat na tao. Ang ibig sabihin nito ay pagkakaroon ng isang tao ng puso at espiritu na lubos na nakabukas sa Diyos, na walang itinatago at walang pinagtataguan. Ang puso ng ganitong klase ng mga tao ay ibinigay sa Diyos at ganap na inilantad sa Diyos. Ibig sabihin, ang buong pagkatao nila ay ibinigay na sa Diyos. Kapag sinabi ng Diyos na masama sila, inaamin nila iyon. Kapag sinabi ng Diyos na mapagmataas sila at inaakala nilang mas matuwid sila kaysa sa iba, inaamin nila iyon at ganap itong tinatanggap. Maaari ba nilang tanggapin lamang ito, at pagkatapos ay hayaan na lang ito nang ganoon? Kailangan pa rin nilang magsisi, magsikap na matamo ang katotohanang prinsipyo, ituwid ang mga pagkakamaling nalaman nila, at hanapin ang ugat ng kanilang mga pagkakamali. Pagkatapos ay bago pa nila mamalayan, naitama na nila ang lahat ng uri ng kanilang maling ugali, at ang mga paraan na sila’y nanlilinlang, nandaraya, nagwawalang-bahala, at walang ingat sa mga bagay-bagay ay unti-unting nababawasan. Kung mas matagal silang mabubuhay sa ganitong paraan, lalo silang magiging totoo at deretsahang magsalita at lalo silang mapapalapit sa layunin na maging isang matapat na tao. Ito ang pamumuhay sa liwanag. Ang lahat ng luwalhating ito ay para sa Diyos! Ang Diyos ang nagtutulak sa mga taong mamuhay sa liwanag—walang maipagmamalaki ang mga tao. Kapag nabubuhay ang mga tao sa liwanag, nauunawaan nila ang lahat ng katotohanan, mayroon silang pusong natatakot sa Diyos, alam nila kung paano hanapin ang katotohanan sa bawat suliraning hinaharap nila, at namumuhay sila nang may wangis ng tao. Kahit na hindi sila lubusang matatawag na mabuting tao, sa mga mata ng Diyos ay mayroon silang kaunting wangis ng tao at hindi na sila palaaway o palaban, at hindi na sila nanganganib na magrebelde sa Diyos o tanggihan Siya. Kahit na maaaring hindi masyadong malalim ang pagkaunawa nila sa katotohanan, nagagawa nilang sumunod, at kapag binigyan sila ng gawain o tungkulin, nagagawa nilang gamitin ang kanilang buong puso at isip, at gawin iyon sa abot ng kanilang makakaya. Sila ay mapagkakatiwalaan at walang problema ang Diyos sa kanila—ang mga taong tulad nito ay nabubuhay sa liwanag. Ang mga nabubuhay ba sa liwanag ay nagagawang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos? Maikukubli pa rin ba nila ang kanilang mga puso sa Diyos? Gumagamit pa rin ba sila ng kahit anong maliliit na pandaraya? Mayroon ba silang anumang mga sikreto? (Wala.) Ang kanilang mga puso ay bukas na bukas sa Diyos. Ibig sabihin, walang anumang nakakubli, wala silang ikinahihiyaang sabihin, at wala silang dapat ikahiya. Ibinibigay nila ang lahat sa Diyos—at alam ng Diyos ang lahat. Kapag kaya itong gawin ng mga tao, nabubuhay sila nang magaan at madali, at nabubuhay sila nang malaya.

Hinango mula sa “Makakaya Lamang ng mga Tao na Maging Totoong Masaya sa Pamamagitan ng Pagiging Matapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman