Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng paggawa ng tungkulin ng isang tao at ng paggawa ng serbisyo

Abril 20, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa kalooban ng tao, na ibig sabihin ay, yaong posible para sa tao. Noon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga depekto ng tao sa kanyang paglilingkod ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapailalim niya sa paghatol; hindi ito nakapipigil o nakakaapekto sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga sagabal sa kanilang paglilingkod ang pinakamatinding karuwagan sa lahat. Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay nagbibiru-biruan at gumagawa lamang para matapos na, naiwala na nila ang tungkuling dapat taglayin ng isang nilalang. Ang gayong mga tao ay kilala bilang “mga walang-kabuluhan”; sila ay mga walang-silbing yagit. Paano matatawag nang wasto na mga nilalang ang gayong mga tao? Hindi ba mga tiwali silang nilalang na maningning sa labas ngunit bulok sa loob?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao

Ano ang pagkakaiba ng paglilingkod at pagtupad sa tungkulin ng isang tao? Ang pagseserbisyo ay nangangahulugang ginagawa mo ang anumang ibig mong gawin, kahit papaano, sa pasubaling ang ginagawa mo ay hindi nakasisiphayo sa disposisyon ng Diyos. Hangga’t walang sinumang nagsisiyasat sa mga kilos mo at hangga’t ang ginagawa mo ay katanggap-tanggap, iyan ay sapat na. Hindi mo inaalintana sa iyong sarili ang mga pagbabago ng disposisyon, sa paggawa ng mga bagay alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, sa pagbibigay-lugod sa kalooban ng Diyos, at higit pang hindi sa kung paano magpapasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, o kung paano mo gagawin nang mahusay ang iyong tungkulin at ilalahad ang mga ito sa Diyos. Hindi mo iniisip ang anuman sa mga bagay na ito, at ito ang tinatawag na pagseserbisyo. Ang pagseserbisyo ay tungkol sa lahat ng makakayang pagsisikap ng sarili at paggawa na tila ba ikaw ay isang alipin, mula umaga hanggang gabi. Kung itatanong mo sa ganitong tao, “Ang lahat ng mga taon ng mapait, masikhay na pagsisikap na binabaran mo ng iyong sarili, para saan na ang lahat ng ito?” sa gayon ay isasagot nila, “Saan pa, upang makapagtamo ako ng mga pagpapala.” Kung tatanungin mo sila kung nagkaroon ba ng pagbabago ang kanilang disposisyon bilang bunga ng lahat ng taon na naniniwala sila sa Diyos, kung sila ba ay naging tiyak na sa pag-iral ng Diyos, kung mayroon ba silang ilang antas ng totoong pagkaunawa o karanasan sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Tagapaglikha, ang sagot sa mga ito ay walang pasubaling “Hindi,” at hindi nila magagawang magsalita patungkol sa alinman sa mga bagay na ito. Kung walang pagbuti o pagsulong sa alinman sa mga tagapagpahiwatig na nauugnay sa mga pagbabago ng disposisyon, ang naturang tao ay patuloy lamang na nagbibigay ng serbisyo. Ipagpalagay na ang isang tao ay nagseserbisyo sa loob ng maraming taon at, nang hindi natatanto, ay nakaunawa na nagtataglay pala sila ng tiwaling disposisyon, na madalas silang naghihimagsik laban sa Diyos, na madalas silang sumasambit ng mga karaingan, na madalas ay hindi nila masunod ang Diyos, na sila ay lubhang may katiwalian, na gaano pa mang sabihin sa kanila ng Diyos na magpasakop sa Kanya ay hindi nila ito magawa. Tinatangka nilang pigilan ang kanilang mga sarili ngunit hindi ito gumagana, at gayundin ang pagsumpa sa kanilang mga sarili o ang pagmumura. Sa huli, natutuklasan nila: “Tunay ngang ang tao ay nagtataglay ng tiwaling disposisyon, at kaya nga nagagawa niyang maghimagsik laban sa Diyos. Tuwing may nangyayaring isang bagay, laging may kani-kanilang pagnanasa ang mga tao, at palagi nilang sinasaliksik ang mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Bagama’t laan silang magsikap, sa sandaling may isang bagay na magsasangkot sa kanilang disposisyon at mga ligaw na ambisyon at pagnanasa, mga balak at hangad, hindi nila magawang talikuran o pakawalan ang mga ito. Lagi nilang ibig gawin ang bagay sa paraang ikasisiya nila. Ganito ako, at tunay ngang ako ay mahirap pangasiwaan! Ano ang maaaring gawin?” Kung nasimulan na nilang pag-isipan ang mga bagay na ito, mayroon na silang mumunting pagkakaunawa sa mga pamamaraan ng tao. Kung balang araw ay makakuha ng tunay na gawain ang mga taong sangkot sa pagseserbisyo, magagawa nilang itutok ang kanilang mga kaisipan sa mga pagbabago ng disposisyon, magkamit ng pang-unawa na sa katunayan, sila rin ay may tiwaling disposisyon, na sila rin ay mayayabang at hindi magawang magpasakop sa Diyos, at hindi na maaaring magpatuloy sa ganitong paraan; sa pagdating ng panahon na magagawa na nilang isipin ang mga bagay na ito, napasimulan na rin nila ang kanilang pagpihit at may pag-asang maaaring magbago ang kanilang disposisyon at maaari silang magkamit ng kaligtasan. Ipagpalagay na may isang tao na hindi kailanman naiisip ang mga bagay na ito, at ang tanging alam lamang nila ay kung paano magtrabaho, taglay sa isip na ang pagtapos sa kanilang ginagawa ang tanging kinakailangan upang magawa nang ganap ang tagubilin ng Diyos, at kapag natapos na sila sa kanilang pagsusumikap ay nagampanan na nilaa nang maayos ang kanilang tungkulin, nang hindi man lang iniisip kung ano ang mga hinihingi ng Diyos, tungkol sa kung ano ang katotohanan, o kung sila ba ay mapapabilang na isang taong sumusunod sa Diyos—hindi nila kailanman pinag-iisipan ang mga bagay na ito. Ang isang tao ba na gumagawa ng kanyang tungkulin sa ganitong paraan ay magkakamit ng kaligtasan? Ang sagot ay hindi. Hindi pa sila nakakatapak sa daan patungo sa pagkakamit ng kaligtasan o sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos, at hindi pa nila naitatatag ang wastong pakikipag-ugnayan sa Diyos, at sa kabila nito ay nagsusumikap pa rin sila at nagseserbisyo sa tahanan ng Diyos. Ang ganitong uri ng tao ay nagseserbisyo sa tahanan ng Diyos, at kinukupkop at pinangangalagaan sila ng Diyos, subalit wala Siyang balak na iligtas sila, o kaya ay makitungo sa kanila at bawasan sila, o kaya ay hatulan at kastiguhin sila, o kaya ay ipasailalim sila sa mga pagsubok o pagpipino; hinahayaan lamang Niya silang makakuha ng ilang mga biyaya sa buong buhay na ito, at wala nang iba pa. Kung dumating ang panahong malalaman ng mga taong ito kung paano pagninilayan ang mga bagay na ito at uunawain ang mga pangangaral na kanilang naririnig, matatanto nila: “Ito pala ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Kung gayon, kailangan kong hangarin na makamit ang kaligtasan. Kung hindi, at sa halip ay manatili na lamang sa pagbibigay ng serbisyo, ito ay mawawalan ng anumang kinalaman sa paniniwala sa Diyos.” Pagkaraan ay pag-iisipan nila: “Anong mga aspekto ng tiwaling disposisyon ang tinataglay ko? Ano ba talaga ang bagay na ito, itong tiwaling disposisyon? Anupaman, dapat muna akong magpasakop sa Diyos!” Ang mga bagay na ito ay may kaugnayan sa katotohanan at sa mga pagbabago ng disposisyon, at may pag-asa para sa kanila.

Hinango mula sa “Tanging sa Paghahanap ng mga Prinsipyo ng Katotohanan Nagagampanan nang Maigi ng Isa ang Kanyang Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Anumang tungkulin ang iyong tinutupad, dapat mong palaging hangaring arukin ang kalooban ng Diyos at unawain kung ano ang Kanyang mga ipinagagawa sa iyong tungkulin; saka mo lamang maisasagawa ang mga bagay-bagay sa isang maprinsipyong paraan. Sa pagganap sa iyong tungkulin, hindi ka talaga maaaring sumunod sa iyong personal na mga kagustuhan, sa paggawa lamang ng anumang gusto mong gawin, anumang magpapasaya sa iyo at komportable kang gawin, o anumang makakaganda sa iyo. Kapag puwersahan mong iginiit ang iyong mga kagustuhan sa Diyos o isinasagawa ang iyong mga kagustuhan na parang ang mga ito ang katotohanan, sinusunod ang mga ito na parang mga katotohanang prinsipyo, kung gayon hindi iyan pagtupad sa iyong tungkulin at ang pagganap sa iyong tungkulin sa ganitong paraan ay hindi maaalala ng Diyos. Hindi nauunawaan ng ibang tao ang katotohanan, at hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng tuparin nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Sa tingin nila dahil ibinigay na nila ang kanilang buong puso at buong pagsisikap para rito, tinalikdan ang kanilang laman at nagdusa, dapat ay abot na sa pamantayan ang pagtupad nila ng kanilang mga tungkulin—ngunit bakit, kung gayon, palaging hindi nasisiyahan ang Diyos? Saan nagkamali ang mga taong ito? Ang pagkakamali nila ay na hindi nila hinahanap ang mga hinihingi ng Diyos, at sa halip ay kumikilos sila ayon sa mga sarili nilang ideya; itinuring nilang katotohanan ang mga sarili nilang hangarin, kagustuhan, at mga makasariling motibo, at itinuring nila ang mga ito na para bang ang mga ito ang gustung-gusto ng Diyos, na para bang ang mga ito ang Kanyang mga pamantayan at hinihingi. Itinuring nilang katotohanan ang pinaniwalaan nilang tama, mabuti, at maganda; mali ito. Ang totoo, kahit maaaring iniisip minsan ng mga tao na tama ang isang bagay at na umaayon ito sa katotohanan, hindi ito agad nangangahulugan na umaayon ito sa kalooban ng Diyos. Habang mas iniisip ng mga tao na tama ang isang bagay, lalo dapat silang maging maingat at lalo nilang dapat hanapin ang katotohanan upang makita kung natutugunan ng iniisip nila ang mga hinihingi ng Diyos. Kung sumasalungat ito sa Kanyang mga hinihingi at sa Kanyang mga salita, mali ka na isiping tama ito, isa lamang itong kaisipan ng tao, at maaaring hindi umaayon sa katotohanan gaano mo man naiisip na tama ito. Ang pagtukoy mo ng tama at mali ay kailangang nakabatay sa mga salita ng Diyos lamang, at gaano mo man naiisip na tama ang isang bagay, kung hindi ito nakabatay sa mga salita ng Diyos, kailangan mo itong iwaksi. Ano ang tungkulin? Ito ay isang tagubiling ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao. Kaya paano mo dapat tuparin ang iyong tungkulin? Sa pagkilos alinsunod sa mga hinihiling at pamantayan ng Diyos, at sa pagbatay ng iyong pag-uugali sa mga katotohanang prinsipyo sa halip na sa mga pansariling hangarin ng tao. Sa ganitong paraan, aayon sa pamantayan ang pagtupad mo sa iyong mga tungkulin.

Hinango mula sa “Tanging sa Paghahanap ng mga Prinsipyo ng Katotohanan Nagagampanan nang Maigi ng Isa ang Kanyang Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Anumang uri ng mga talento, kaloob, o kasanayan mayroon ang isang tao, kung kumikilos at nagsisikap sila sa pagganap sa kanilang tungkulin, at, anuman ang gawin nila, umaasa sila sa kanilang mga imahinasyon o kuru-kuro, o sa sarili nilang likas na ugali habang nagsusumikap sila, at hindi nila hinahangad ang kalooban ng Diyos kailanman, at walang anumang konsepto o pangangailangan sa kanilang puso na nagsasabing, “Kailangan kong isagawa ang katotohanan. Ginagampanan ko ang aking tungkulin”; at ang tanging nagtutulak sa kanila ay ang gawin nang maayos ang kanilang trabaho at tapusin ang kanilang mga gawain, sa gayon ay hindi ba sila lubusang nabubuhay ayon sa kanilang mga kaloob, talento, kakayahan, at kasanayan? Marami bang taong gayon? Sa pananampalataya, ang iniisip lamang nila ay magsumikap nang husto, ibenta ang sarili nilang pagpapagal, at ibenta ang sarili nilang mga kasanayan. Partikular na kapag binibigyan ng bahay ng Diyos ng mga karaniwang gawain ang mga tao, gayon ang pananaw ng karamihan sa paggawa nito. Ang ginagawa lamang nila ay magsumikap nang husto. Kung minsan ay nangangahulugan iyan ng paggamit ng kanilang bibig para magsalita nang kaunti; kung minsan ay nangangahulugan iyan ng paggamit ng kanilang mga kamay at pisikal na lakas; at kung minsan ay nangangahulugan iyan ng paggamit ng kanilang mga paa para magpunta kung saan-saan. Bakit sinasabi na ang pag-asa sa mga bagay na iyon para mabuhay ay paggamit ng lakas, sa halip na pagsasagawa ng katotohanan? Kapag tinanggap na ng isang tao ang isang atas na ibinigay sa kanila ng bahay ng Diyos, iniisip lamang nila kung paano ito kukumpletuhin sa lalong madaling panahon, para makapag-ulat sila sa kanilang mga lider at makamtan ang kanilang papuri. Maaaring makabuo sila ng isang planong may paisa-isang hakbang, at maaaring mukha silang medyo masigasig, ngunit nagtutuon lamang sila sa pagkumpleto sa gawain para makita ng iba, o kapag ginagawa nila iyon, nagtatakda sila ng sarili nilang mga pamantayan sa paghatol sa kanilang pagganap, batay sa kung paano nila magagawa iyon upang maging masaya at kontento sila, at makamit nila ang antas ng pagka-perpekto na pinagsisikapan nila. Anumang mga pamantayan ang itinakda nila para sa kanilang sarili, kung hindi sila nakaugnay sa katotohanan, at hindi nila hinahanap ang katotohanan, o nauunawaan at pinagtitibay kung ano ang hinihiling sa kanila ng Diyos bago kumilos, sa halip ay kumikilos sila nang pikit-mata, na natataranta, ang ginagawa nila ay pagsusumikap lamang. Kumikilos sila ayon sa sarili nilang mga naisin, ayon sa sarili nilang isipan o mga kaloob, o sa lakas ng sarili nilang mga kakayahan o kasanayan. Ano ang ibubunga ng pagkilos sa ganitong paraan? Maaaring naisakatuparan ang atas, at marahil ay walang sinumang nakakita ng mali roon, at maaaring nasisiyahan ka nang husto—ngunit, habang ginagawa ito, una, hindi mo naunawaan ang kalooban ng Diyos, at pangalawa, hindi ka kumilos nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas mo—hindi mo ibinuhos ang buong puso mo roon. Kung hinanap mo na ang mga katotohanang prinsipyo at hinangad mo na ang kalooban ng Diyos, naisagawa mo na ang 90 porsiyento ng atas, at nagawa mo na ring pumasok sa katotohanang realidad at maunawaan nang wasto na ang ginagawa mo ay naaayon sa kalooban ng Diyos. Gayunman, kung kumilos ka nang walang-ingat at padalus-dalos, bagama’t nagawa na ang atas, hindi mo malalaman sa puso mo kung gaano mo kahusay na isinagawa iyon. Hindi ka magkakaroon ng sukatan, at hindi mo malalaman kung nakaayon ba ito sa kalooban ng Diyos o sa katotohanan. Samakatuwid, para mailarawan ang anumang pagganap sa tungkulin sa gayong kalagayan, sasapat ang dalawang salita—pagsusumikap mo.

Dapat maunawaan ng lahat ng nananalig sa Diyos ang Kanyang kalooban. Yaon lamang mga tumutupad nang wasto sa kanilang mga tungkulin ang makalulugod sa Diyos, at sa pagkumpleto lamang ng mga atas na ipinagkakatiwala Niya sa kanila magiging kasiya-siya ang pagganap ng isang tao sa kanilang tungkulin. May mga pamantayan para sa pagsasakatuparan ng atas ng Diyos. Sinabi ng Panginoong Jesus: “At iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pag-iisip mo, at ng buong lakas mo.” Ang pagmamahal sa Diyos ay isang aspeto ng hinihiling ng Diyos sa mga tao. Ang totoo, basta’t binigyan na ng Diyos ng isang atas ang mga tao, at basta’t naniniwala sila sa Kanya at ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, ito ang mga pamantayang hinihiling Niya sa kanila: na kumilos sila nang buong puso, at nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip, at nang buong lakas nila. Kung naroroon ka ngunit malayo ang puso mo—kung naroon ang alaala at mga iniisip mo, ngunit hindi ang puso mo—at kung isinasakatuparan mo ang mga bagay sa pamamagitan ng sarili mong mga kakayahan, isinasagawa mo ba ang atas ng Diyos? Kaya, ano ang pamantayang kailangang tugunan para maisagawa ang atas ng Diyos, at magampanan ang iyong tungkulin nang tapat at maayos? Iyon ay ang gawin ang iyong tungkulin nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas mo. Kung tatangkain mong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin nang walang pusong nagmamahal sa Diyos, hindi iyon uubra. Kung tumitindi at lalo pang nagiging mas tunay ang pagmamahal mo sa Diyos, likas mong magagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong pag-iisip mo, at buong lakas mo.

Hinango mula sa “Kung Ano Talaga ang Inaasahan ng mga Tao para Mabuhay” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ginagawa ng karamihan sa mga tao ang kanilang mga tungkulin nang may ganitong kalagayan ng pag-iisip: “Kung may isang taong mamumuno, susunod ako. Susunod ako sa kanya saanman niya ako akayin, at gagawin ko ang anumang ipagawa niya sa akin.” Sa kabilang banda, ang pagtanggap ng responsibilidad o alalahanin o ang magbigay ng dagdag na pansin ay mga bagay na hindi nila maisakatuparan at mga halaga na hindi sila handang bayaran. Nakikibahagi sila sa paggugol ng pisikal na lakas, ngunit hindi sila nakikibahagi sa responsibilidad. Hindi ito tunay na pagtupad sa tungkulin ng isang tao. Kailangan mong matutunang isapuso ang iyong tungkulin; kung may puso ang isang tao, kailangan niyang magawang gamitin ito. Kung hindi kailanman ginagamit ng isang tao ang kanyang puso, pinatutunayan nito na siya ay walang puso, at hindi maaaring matamo ng isang walang pusong tao ang katotohanan! Bakit niya hindi maaaring matamo ang katotohanan? Hindi niya alam kung paano humarap sa Diyos; hindi niya alam kung paano isapuso ang pagtingin sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos, o kung paano isapuso ang pagninilay, o ang paghahanap ng katotohanan, o ang paghahanap, pag-unawa at pagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos. Nakararanas ba kayo ng mga kalagayan kung saan anuman ang mangyari o anuman ang inyong tungkulin, nagagawa ninyong maging tahimik sa harap ng Diyos nang madalas, at gamitin ang inyong puso para pagnilayan ang mga salita ng Diyos, at isapuso ang paghahanap ng katotohanan at pagninilay kung paano dapat gampanan ang inyong tungkulin? Madalas ba ang ganitong mga pagkakataon? Ang pagsasapuso ng iyong tungkulin at pagtanggap ng responsibilidad ay nangangailangan ng iyong pagdurusa at pagsisikap—hindi sapat ang pag-usapan lamang ito. Kung hindi mo isasapuso ang iyong tungkulin, sa halip ay palagi mong gustong magsikap sa pisikal, siguradong hindi magagawa nang maayos ang iyong tungkulin. Tatapusin mo lamang ito nang hindi nag-iisip at wala nang iba pa, at hindi mo malalaman kung gaano kahusay mong nagawa ang iyong tungkulin. Kung isasapuso mo ito, unti-unti mong mauunawaan ang katotohanan; kung hindi, hindi mo ito mauunawaan. Kapag isasapuso mo ang pagganap sa iyong tungkulin at hahanapin ang katotohanan, unti-unti mong mauunawaan ang kalooban ng Diyos, matutuklasan ang sarili mong katiwalian at mga kakulangan, at makakasanayan ang iyong iba-ibang kalagayan. Kung hindi mo gagamitin ang puso mo para suriin ang iyong sarili, at magtutuon lamang sa panlabas na pagsisikap, hindi mo matutuklasan ang iba’t ibang kalagayan na nanggagaling sa puso mo at ang lahat ng reaksyon mo sa iba’t ibang sitwasyon sa paligid; kung hindi mo gagamitin ang puso mo para suriin ang iyong sarili, mahihirapan kang lutasin ang mga problema sa puso mo. Samakatuwid, dapat mong gamitin ang iyong puso at ang iyong katapatan sa pagpuri at pagsamba sa Diyos. Upang magamit ang iyong puso at katapatan sa pagsamba sa Diyos, kailangan mong magkaroon ng puso na tahimik at taos; kailangan mong matutunang hanapin ang kalooban ng Diyos at ang katotohanan sa pinakakaibuturan ng iyong puso, at kailangan mong pagnilayan kung paano gawin nang maayos ang iyong tungkulin, pagnilayan kung aling mga bahagi ng iyong tungkulin ang hindi mo pa nauunawaan at kung paano mo mas mapabubuti ang paggawa ng iyong tungkulin. Matatamo mo ang katotohanan sa pamamagitan lamang ng madalas na pag-iisip sa mga bagay na ito sa iyong puso. Kung hindi ang mga bagay na ito ang madalas mong pinagninilayan sa iyong puso, at sa halip ay puno ang iyong puso ng mga bagay ng isipan o ng mga panlabas na bagay, abala sa mga ganitong bagay na walang kinalaman sa paggamit ng iyong puso at katapatan sa pagsamba sa Diyos—walang anumang kinalaman dito—natatamo mo ba ang katotohanan? Mayroon ka bang kaugnayan sa Diyos?

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagiging Matapat Maaaring Makapamuhay na Tulad ng Isang Tunay na Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang inyong saloobin patungkol sa inyong tungkulin ay, “Titingnan ko kung may magagawa akong gaano man kaliit, kung ano ang makakaya kong mairaos; nagpapatayong-tayong ka, walang pakialam sa kung gaano katagal na pagkaantala ang idinudulot mo.” Ngunit kung taimtim ninyong itinuring ang mga bagay, mabilis sana ninyong matatapos ang mga ito. May ilang mga bagay na hindi ninyo alam kung paano gawin, kaya’t binibigyan ko kayo ng mga tiyak na tagubilin. Hindi ninyo kailangang mag-isip, kailangan lamang ninyong makinig at ipagpatuloy ito—ngunit kahit iyan ay lampas sa inyo. Nasaan ang inyong katapatan? Hindi ito makita kahit saan! Hanggang salita lamang kayo at walang puso. Kahit nakauunawa ang inyong mga puso mo, wala kayong ginagawa. Isang tao ito na hindi nagmamahal sa katotohanan! Kung nagagawa ninyong makita ito ng inyong mga mata at nararamdaman ito sa inyong puso, ngunit wala pa ring ginagawa, kung gayon ay bakit pa may puso? Hindi pinamamahalaan ng maliit na piraso ng iyong budhi ang mga kilos mo, hindi nito pinangangasiwaan ang iyong mga saloobin—kaya anong silbi nito? Wala itong halaga; palamuti lamang ito. Tunay na kalunos-lunos ang pananampalataya ng tao! At ano ang kalunos-lunos tungkol dito? Kahit nauunawaan niya ang katotohanan, hindi niya ito isinasagawa. Kahit lubusang nauunawaan niya ang suliranin, hindi niya inaako ang pananagutan para rito; alam niyang ito ay kanyang pananagutan, ngunit hindi niya ito isinasapuso. Kung hindi mo aakuin ang mga pananagutang abot-kamay mo, ano ang halaga ng mga yaong kakaunting pananagutang isinasagawa mo? Anong bisa mayroon sila? Gumagawa ka lamang ng isang pagsisikap na walang gaanong katuturan, nagsasabi ng mga bagay para lamang may masabi. Hindi mo ito isinasapuso, lalong hindi pinag-uukulan ng lahat mong sigla. Hindi ito pagganap sa iyong tungkulin sa abot ng isang katanggap-tanggap na pamantayan, walang katapatang naisasangkot; namumuhay ka lamang sa pawis ng iyong pagsusumikap, nakararaos bilang isang tagasunod ng Diyos. May anumang kabuluhan ba sa pananampalatayang tulad nito? Napakahamak ng ganyang pananampalataya—ano ang halaga nito? Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, may halagang dapat kang bayaran. Dapat mo itong taimtim na ituring. Ano ang ibig sabihin ng taimtim itong ituring? Ang taimtim na pagtuturing ay hindi nangangahulugan ng pagbibigay ng kaunting pagsisikap o pagdaranas ng kaunting pisikal na pagpapahirap. Ang mahalaga ay may Diyos sa iyong puso, at isang pasanin. Sa iyong puso, dapat mong timbangin ang kahalagahan ng iyong tungkulin, at pagkaraan ay pasanin ang bigat at pananagutang ito sa lahat ng ginagawa mo at isapuso ito. Dapat mong gawing karapat-dapat ang iyong sarili sa misyon na ibinigay sa iyo ng Diyos, gayundin sa lahat ng nagawa ng Diyos para sa iyo, at sa Kanyang mga inaasam para sa iyo. Tanging sa paggawa niyon ang magiging taimtim na pagtuturing. Walang silbi ang paggawa ng mga bagay-bagay nang walang kahirap-hirap; maaari mong mapaglalangan ang mga tao, ngunit hindi mo malilinlang ang Diyos. Kung walang tunay na kabayaran at walang katapatan kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, kung gayon ay hindi ito umaabot sa pamantayan. Kung hindi mo taimtim na itinuring ang iyong pananampalataya sa Diyos at pagganap sa iyong tungkulin; kung palagi kang kumikilos nang walang pagsisikap at walang interes sa iyong mga kilos, tulad sa isang hindi naniniwala na gumagawa para sa kanilang amo; kung gumagawa ka lamang ng isang walang-katuturang pagsisikap, umaangkop kahit paano nang walang gaanong pagpaplano o pagsisikap sa bawat araw na dumarating, hindi pinapansin ang mga suliranin kapag nakikita mo ang mga ito, nakikita ang isang ligwak at hindi ito nililinis, at walang patumanggang iwinawaksi ang lahat-lahat na hindi na mapakikinabangan—hindi ba ito kaguluhan? Paanong magiging kasapi ng sambahayan ng Diyos ang isang tao na katulad nito? Mga tagalabas ang gayong mga tao; hindi sila nabibilang sa tahanan ng Diyos. Sa puso mo, malinaw sa iyo ang tungkol sa kung ikaw by nagiging tunay, nagiging taimtim, kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at ang Diyos man ay nagtatala. Kaya, taimtim ba ninyong itinuring ang pagganap ng inyong tungkulin? Isinapuso na ba ninyo ito? Itinuring mo na ba ito bilang iyong pananagutan, iyong pasanin? Inari mo na ba ito? Nagsalita ka ba noong natuklasan mo ang isang suliranin habang ginagampanan ang iyong tungkulin? Kung hindi ka pa kailanman nagsalita pagkaraang matuklasan o naisip man lang ang isang suliranin, kung ayaw mong magbaling ng pansin sa ganitong mga bagay, at iniisip na higit na mabuting maging malayo sa kaguluhan—kung iyan ang prinsipyong dinadala mo patungkol sa mga ito, kung gayon ay hindi mo ginagampanan ang iyong tungkulin; namumuhay ka sa pawis ng iyong pagsisikap, ginagawa mo ang pagsisilbi. Hindi nabibilang sa tahanan ng Diyos ang mga tagapagsilbi. Sila ay mga kawani; pagkaraang tapusin ang kanilang gawain, kinukuha nila ang kanilang salapi at lumilisan, tungo sa kani-kaniyang daan at nagiging banyaga sa isa’t isa. Iyan ang kanilang ugnayan sa tahanan ng Diyos. Naiiba ang mga kasapi ng tahanan ng Diyos: Pinaghihirapan nila ang lahat-lahat sa tahanan ng Diyos, inaako nila ang pananagutan, nakikita ng kanilang mga mata ang mga kailangang gawin sa tahanan ng Diyos at pinananatili ang mga gawaing ito sa kanilang isip, natatandaan nila ang lahat-lahat na kanilang naiisip at nakikita, may pasanin sila, may pakiramdam sila ng pananagutan—ito ang mga kasapi ng tahanan ng Diyos. Naabot na ba ninyo ang puntong ito? (Hindi.) Kung gayon ay malayo pa ang inyong lalakbayin, kaya dapat ninyong ipagpatuloy ang pagtugis! Kung hindi mo ipinalalagay ang iyong sarili na isang kasapi ng tahanan ng Diyos at tinatanggal ang iyong sarili, kung gayon ay paano ka titingnan ng Diyos? Hindi ka itinuturing ng Diyos na isang tagalabas; ikaw ang naglalagay sa iyong sarili sa kabila ng Kanyang pinto. Kaya, sa tahasang pananalita, ano uri ka talagang tao? Wala ka sa Kanyang tahanan. May anumang kinalaman ba ito sa kung anong sinasabi o tinutukoy ng Diyos? Ikaw ang naglalagay sa iyong layunin at katayuan sa labas ng tahanan ng Diyos—sino pa ang maaaring sisihin?

Hinango mula sa “Ang Kinakailangan sa Pagganap ng Tungkulin Nang Mabuti, Kahit Papaano, ay Konsensiya” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Sa panlabas, tila walang anumang mga seryosong problema ang ilang tao. Hindi sila nagdudulot ng mga pagkagambala o pagkakagulo, o gumagawa ng mga ginagawa ng masasama, at hindi nila tinatahak ang landas ng mga anticristo. Sa pagganap ng kanilang tungkulin, wala silang anumang mga pagkakamali o problema ng prinsipyo na dumarating, gayunman, nang hindi nila namamalayan, nailantad sila. Bakit ganito? Hindi makakita ng isyu ang mga tao, subalit sinusuri ng Diyos ang kaloob-looban ng kanilang puso, at nakikita Niya ang problema. Habang lumilipas ang panahon at nananatili silang hindi nagsisisi, dapat silang mailantad. Ano ang ibig sabihin ng manatiling hindi nagsisisi? Nangangahulugan ito na palagi silang kumikilos nang may maling pag-uugali, isang pag-uugali ng pagiging pabaya at kawalang sigla, isang kaswal na pag-uugali, at hindi sila kailanman matapat, lalong hindi maalalahanin. Maaari silang magsikap nang kaunti, ngunit gumagawa lamang sila nang wala sa loob. Hindi nila ibinibigay ang lahat nila, at walang katapusan ang kanilang mga paglabag. Ang Diyos, mula sa Kanyang magandang posisyon, ay hindi sila kailanman nakitang nagsisi o nagbago ng kanilang pabaya at walang siglang pag-uugali—ibig sabihin, hindi sila tumatalikod sa kasamaang nasa kanilang mga kamay at nagsisisi sa Kanya. Hindi nakikita ng Diyos sa kanila ang saloobing nagsisisi, at hindi Niya nakikita ang pagbaligtad sa kanilang pag-uugali. Patuloy sila sa pagturing sa kanilang tungkulin at sa atas ng Diyos nang may gayong pag-uugali at gayong pamamaraan. Sa buong panahong ito, walang pagbabago sa sutil at hindi mabaling disposisyon na ito, at, higit pa rito, hindi nila kailanman nadama na may pagkakautang sila sa Diyos, hindi kailanman nadama na ang kanilang pagiging pabaya at kawalang sigla ay isang paglabag, isang masamang gawain. Sa kanilang puso, walang pagkakautang, walang pagkakasala, walang panunumbat sa sarili, at mas lalong walang pagbibintang sa sarili. At, sa pagdaan ng panahon, nakikita ng Diyos na wala nang lunas ang taong ito. Anuman ang sabihin ng Diyos, at gaano man karaming pangaral ang marinig niya o gaano karaming katotohanan ang maunawaan niya, hindi naantig ang kanyang puso at hindi nabago o nabaligtad ang kanyang pag-uugali. Sabi ng Diyos: “Walang pag-asa para sa taong ito. Wala sa sinasabi Ko ang nakakaantig sa kanyang puso, at wala sa sinasabi Ko ang makakapagpabago sa kanya. Walang paraan upang baguhin siya. Hindi nababagay ang taong ito na gampanan ang kanyang tungkulin, at hindi siya nababagay na gumawa ng serbisyo sa Aking sambahayan.” At bakit ganito? Ito ay dahil kapag ginagampanan niya ang kanyang tungkulin at nagtatrabaho, gaano man karaming pagtitimpi at pasensiya ang igawad sa kanya, wala itong epekto at hindi siya mapagbago nito. Hindi siya magawang mas mahusay nito, hindi siya maaaring pahintulutan nito na pumasok sa landas ng tunay na paghahanap sa katotohanan. Ang taong ito ay wala nang lunas. Kapag nagpasya ang Diyos na ang isang tao ay wala nang lunas, pananatilihin pa rin ba Niya ang mahigpit na pagkakahawak sa taong ito? Hindi Niya ito gagawin. Bibitiwan siya ng Diyos. Palaging nagmamakaawa ang ilang tao ng, “Diyos ko, maging banayad Ka po sa akin, huwag Mo akong pagdusahin, huwag Mo akong disiplinahin. Bigyan Mo ako ng kaunting kalayaan! Hayaan Mong gawin ko ang mga bagay-bagay nang walang-ingat at walang sigla nang kaunti! Hayaan mo akong maging talipandas nang kaunti!” Ayaw nilang mapigilan. Sabi ng Diyos, “Yamang hindi mo nais na lumakad sa tamang landas, pakakawalan kita. Bibigyan kita ng kalayaan. Humayo ka at gawin ang nais mo. Hindi kita ililigtas, sapagkat wala ka nang lunas.” Iyon bang mga wala nang lunas ay may anumang nadaramang pagkakonsiyensiya? Mayroon ba silang anumang pakiramdam ng pagkakautang? Mayroon ba silang anumang pakiramdam ng pag-aakusa? Nadarama ba nila ang paninisi, disiplina, paghampas, at paghatol ng Diyos? Hindi nila ito nararamdaman. Wala silang kamalayan sa anuman sa mga bagay na ito; malamlam o wala nga sa kanilang puso ang mga bagay na ito. Kapag nakarating sa ganitong yugto ang isang tao, na wala na ang Diyos sa kanyang puso, maaari niya pa rin bang makamit ang kaligtasan? Mahirap masabi. Kapag nakarating sa gayong punto ang pananampalataya ng isang tao, nasa panganib siya. Alam ba ninyo kung paano kayo dapat maghanap, kung paano kayo dapat magsagawa, at kung anong landas ang dapat ninyong piliin upang maiwasan ang kahihinatnang ito at matiyak na ang gayong kalagayan ay hindi mangyayari? Ang pinakamahalaga ay piliin mo muna ang tamang landas, at pagkatapos ay magtuon sa pagganap nang maayos sa tungkuling dapat mong gampanan sa kasalukuyan. Ito ang pinakamahalaga. Ang bagay na pinakatuwiran at kapansin-pansing sumasalamin sa ugnayang nagdurugtong sa iyo sa Diyos ay kung paano mo ituring ang mga bagay na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos at ang mga gawaing iniaatas sa iyo, at ang ugali na mayroon ka. Ang pinakatuwirang mapagmamatyagan ay ang usaping ito. Kapag naunawaan mo ang napakahalagang puntong ito at natupad ang gawaing ibinigay sa iyo ng Diyos, ang relasyon mo sa Diyos ay magiging normal. Kung, sa pagkakatiwala sa iyo ng Diyos ng isang gawain, o pagsasabi sa iyo na gampanan mo ang isang tiyak na tungkulin, ang iyong ugali ay pabaya at walang pakialam, at hindi mo ito nakikita bilang isang prayoridad, hindi ba ito mismo ang kabaligtaran ng pagbibigay ng buong puso at lakas? Kaya ang iyong pag-uugali kapag gumaganap ng iyong tungkulin ay napakahalaga, tulad din ng paraan at landas na iyong pinipili. Ano ang bunga ng pagganap ng iyong tungkulin sa paraang pabaya at walang interes, at itinuturing ito na tila walang halaga? Ito ang hindi magandang pagganap ng iyong tungkulin, bagama’t may kakayahan kang gampanan ito nang maayos—ang iyong pagganap ay hindi aabot sa pamantayan, at ang Diyos ay hindi masisiyahan sa iyong pag-uugali sa iyong tungkulin. Kung, sa una, nagsikap at nakipagtulungan ka nang normal; kung inilaan mo dito ang lahat ng iyong iniisip; kung iniukol mo ang iyong puso at kaluluwa sa paggawa nito, at iniukol ang lahat ng iyong pagsisikap dito, at naglaan ng panahon ng iyong paggawa, iyong pagsusumikap, at iyong mga saloobin dito, o naglaan ng ilang oras sa mga sanggunian, at itinuon ang buo mong pag-iisip at katawan dito; kung ikaw ay nagkaroon ng kakayahang makipagtulungan nang gayon, ang Diyos ay mauuna, gumagabay sa iyo. Hindi mo kailangan magpilit nang labis; kapag nakikipagtulungan ka nang mabuti, inaayos na ng Diyos ang lahat para sa iyo. Kung ikaw ay tuso at madaya, at, sa kalagitnaan ng gawain, nagbabago ang iyong isip at naliligaw, ang Diyos ay hindi magpapakita ng interes sa iyo; mawawala sa iyo ang pagkakataong ito, at sasabihin ng Diyos, “Ikaw ay hindi sapat, ikaw ay walang silbi. Tumayo ka sa tabi. Gusto mo ng pagiging tamad, ano? Gusto mo ang pagiging mapanlinlang at tuso, hindi ba? Gusto mong namamahinga? Kung gayon, magpahinga ka.” Ibibigay ng Diyos ang biyaya at pagkakataon sa kasunod na tao. Ano ang sasabihin ninyo: Ito ba ay isang pagkatalo o isang panalo? Ito ay isang napakalaking kalugihan!

Hinango mula sa “Paano Lulutasin ang Suliranin ng Pagiging Pabaya at Kawalan ng Sigla Habang Gumaganap sa Iyong Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Para sa ilang tao, anuman ang isyung maaari nilang kaharapin sa pagganap sa kanilang tungkulin, hindi nila hinahanap ang katotohanan, at palagi silang kumikilos ayon sa kanilang sariling mga saloobin, kuru-kuro, imahinasyon, at hangarin. Palagi nilang binibigyang-kasiyahan ang sarili nilang mga makasariling hangarin, at palaging kontrolado ng kanilang mga tiwaling disposisyon ang kanilang mga kilos. Bagama’t maaari nilang tapusin ang mga tungkuling nakatalaga sa kanila, wala silang nakakamit na anumang katotohanan. Kaya, saan umaasa ang mga taong ito kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin? Hindi sila umaasa sa katotohanan ni sa Diyos. Ang kapirasong katotohanang iyon na nauunawaan nila ay hindi pa nangingibabaw sa kanilang puso; umaasa sila sa sarili nilang mga kaloob at kakayahan, sa anumang kaalamang natamo nila, at sa kanilang mga talento, gayundin sa kanilang sariling pagpupursigi o mabubuting layon, para makumpleto ang mga tungkuling ito. Maayos ba itong pagganap ng kanilang tungkulin? Kasiya-siya ba itong pagganap ng kanilang tungkulin? Bagama’t kung minsan ay maaari kang umasa sa iyong pagiging natural, imahinasyon, mga kuro-kuro, kaalaman, at natutuhan sa pagtupad sa iyong tungkulin, walang lumilitaw na mga isyu tungkol sa prinsipyo sa ilan sa mga bagay na ginagawa mo. Sa unang tingin, mukhang hindi ka pa tumatahak sa maling landas, ngunit may isang bagay na hindi maaaring palampasin: Sa proseso ng pagganap sa iyong tungkulin, kung hindi nagbabago ang iyong mga kuro-kuro, imahinasyon, at personal na hangarin kailanman at hindi napapalitan ng katotohanan kailanman, at kung ang iyong mga kilos at gawa ay hindi isinasakatuparan alinsunod sa katotohanang prinsipyo, ano ang huling kalalabasan nito? Magiging tagasilbi ka. Ito mismo ang nakasulat sa Biblia: “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23). Bakit tinatawag ng Diyos ang mga taong ito na nagsusumikap at naglilingkod na, “kayong manggagawa ng katampalasanan”? May isang punto tayong matitiyak, at iyon ay na anumang mga tungkulin o gawain ang ginagawa ng mga taong ito, ang kanilang mga motibo, pampasigla, layon, at saloobin ay nagmumulang lahat sa kanilang makasariling mga hangarin, na lubos na nakabatay sa sarili nilang mga ideya at personal na interes, at ang kanilang mga konsiderasyon at plano ay ganap na nakabatay sa kanilang reputasyon, katayuan, kapalaluan, at mga inaasam sa hinaharap. Sa kanilang kaibuturan, wala silang taglay na katotohanan, ni hindi sila kumikilos alinsunod sa katotohanang prinsipyo. Sa gayon, ano ang mahalagang hanapin ninyo ngayon? (Dapat nating hanapin ang katotohanan, at gampanan ang ating mga tungkulin alinsunod sa kalooban at mga hinihiling ng Diyos.) Ano ang partikular na dapat mong gawin kapag ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin alinsunod sa mga hinihiling ng Diyos? Pagdating sa iyong mga layon at ideya kapag gumagawa ng isang bagay, kailangan mong matutuhan kung paano mahiwatigan kung umaayon ang mga ito sa katotohanan o hindi, gayundin kung ang iyong mga layon at ideya ay nakatuon sa pagtupad mo sa iyong makasariling mga hangarin o sa mga interes ng tahanan ng Diyos. Kung umaayon ang iyong mga layon at ideya sa katotohanan, magagawa mo ang iyong tungkulin ayon sa iyong iniisip; gayunman, kung hindi umaayon ang mga ito sa katotohanan, kailangan mong pumihit kaagad at iwanan ang landas na iyon. Hindi tama ang landas na iyon, at hindi ka maaaring magsagawa sa gayong paraan; kung patuloy mong tatahakin ang landas na iyon, makakagawa ka ng kasamaan.

Hinango mula sa “Paano Maranasan ang mga Salita ng Diyos sa mga Tungkulin ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ginawang perpekto si Pedro sa pamamagitan ng pagdanas ng pakikitungo at pagpipino. Sabi niya, “Kailangan kong bigyang-kasiyahan ang naisin ng Diyos sa lahat ng oras. Sa lahat ng aking ginagawa, ang hangad ko lamang ay mabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos, at kung ako man ay kinakastigo o hinahatulan, masaya pa rin akong gawin iyon.” Ibinigay ni Pedro ang lahat-lahat niya sa Diyos, at lahat ng kanyang gawain, mga salita, at buong buhay ay alang-alang sa pagmamahal sa Diyos. Isa siyang taong naghangad ng kabanalan, at nang lalo siyang nakaranas, lalong lumago ang kanyang pagmamahal sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Pablo, samantala, ay gumawa lamang ng panlabas na gawain, at bagama’t nagsumikap din siya nang husto, ang kanyang mga pagpapagal ay para magawa nang wasto ang kanyang gawain at sa gayon ay magtamo ng gantimpala. Kung nalaman lamang niya na hindi siya tatanggap ng gantimpala, isinuko na sana niya ang kanyang gawain. Ang pinahalagahan ni Pedro ay ang tunay pagmamahal sa kanyang puso, at yaong praktikal at maaaring makamit. Hindi niya pinahalagahan kung tumanggap man siya ng gantimpala, kundi kung ang kanyang disposisyon ay maaaring mabago. Ang pinahalagahan ni Pablo ay ang magsumikap pa nang husto, pinahalagahan niya ang panlabas na gawain at debosyon, at tungkol sa mga doktrinang hindi naranasan ng normal na mga tao. Hindi niya pinahalagahan ang mga pagbabago sa kanyang kaibuturan ni sa tunay na pagmamahal sa Diyos. Ang mga karanasan ni Pedro ay upang magkamit ng tunay na pagmamahal at totoong kaalaman tungkol sa Diyos. Ang kanyang mga karanasan ay upang higit siyang mapalapit sa Diyos, at magkaroon ng isang praktikal na pamumuhay. Ang gawain ni Pablo ay ginawa dahil doon sa ipinagkatiwala sa kanya ni Jesus, at upang matamo ang mga bagay na kanyang inasam, subalit walang kaugnayan ang mga ito sa kanyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili at sa Diyos. Ang kanyang gawain ay para lamang matakasan ang pagkastigo at paghatol. Ang hinangad ni Pedro ay dalisay na pagmamahal, at ang hinangad naman ni Pablo ay ang korona ng katuwiran. Naranasan ni Pedro ang maraming taon ng gawain ng Banal na Espiritu, at nagkaroon ng isang praktikal na kaalaman tungkol kay Cristo, gayundin ang isang malalim na kaalaman tungkol sa kanyang sarili. Kaya nga, ang kanyang pagmamahal sa Diyos ay dalisay. Ang maraming taon ng pagpipino ay nagpayaman sa kanyang kaalaman tungkol kay Jesus at sa buhay, at ang kanyang pagmamahal ay isang pagmamahal na walang kundisyon, isa iyong pagmamahal na kusang-loob, at wala siyang hiniling na anuman bilang kapalit, ni hindi siya umasa sa anumang mga pakinabang. Gumawa si Pablo nang maraming taon, subalit hindi siya nagkaroon ng malaking kaalaman tungkol kay Cristo, at ang kanyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili ay napakaliit. Wala talaga siyang pagmamahal kay Cristo, at ang kanyang gawain at ang daan na kanyang tinahak ay upang magkamit ng huling putong. Ang kanyang hinangad ay ang pinakamagandang korona, hindi ang pinakadalisay na pagmamahal. Hindi siya aktibong naghangad, kundi wala lamang siyang kibo; hindi niya ginampanan ang kanyang tungkulin, kundi napilitan sa kanyang pagsisikap matapos mahuli ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya nga, ang kanyang pagsisikap ay hindi nagpapatunay na siya ay karapat-dapat na nilalang ng Diyos; si Pedro ang karapat-dapat na nilalang ng Diyos na gumanap ng kanyang tungkulin. Iniisip ng tao na lahat ng nag-aambag sa Diyos ay dapat tumanggap ng gantimpala, at na kapag mas malaki ang ambag, mas iniisip nila na dapat silang makatanggap ng paglingap ng Diyos. Ang diwa ng pananaw ng tao ay transaksyonal, at hindi siya aktibong naghahangad na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Para sa Diyos, kapag mas naghahangad ang mga tao na tunay na mahalin ang Diyos at lubos na sundin ang Diyos, na nangangahulugan din ng paghahangad na gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos, lalo nilang nagagawang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pananaw ng Diyos ay upang hilingin na mabawi ng tao ang kanyang orihinal na tungkulin at katayuan. Ang tao ay isang nilalang ng Diyos, kaya nga hindi dapat magmalabis ang tao sa paghingi ng anuman sa Diyos, at wala na siyang dapat gawin maliban sa gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ang mga patutunguhan nina Pablo at Pedro ay nasukat ayon sa kung kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos, at hindi ayon sa laki ng kanilang ambag; ang kanilang mga patutunguhan ay natutukoy ayon doon sa kanilang hinangad sa simula pa lamang, hindi ayon sa kung gaano kalaking gawain ang kanilang ginawa, o sa pagtantiya ng ibang mga tao sa kanila. Kaya nga, ang paghahangad na aktibong gampanan ang tungkulin ng isang tao bilang isang nilalang ng Diyos ang landas tungo sa tagumpay; ang paghahangad sa landas ng tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakatamang landas; ang paghahangad sa mga pagbabago sa dating disposisyon ng isang tao, at paghahangad ng dalisay na pagmamahal sa Diyos, ang landas tungo sa tagumpay. Ang landas na iyon tungo sa tagumpay ang landas ng pagbawi sa orihinal na tungkulin gayundin sa orihinal na anyo ng isang nilalang ng Diyos. Ito ang landas ng pagbawi, at ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos mula simula hanggang katapusan. Kung ang paghahangad ng tao ay nababahiran ng personal na maluluhong paghiling at hindi makatwirang mga pag-asam, ang epektong natatamo ay hindi ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao. Salungat ito sa gawain ng pagbawi. Walang duda na hindi ito ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu, kaya nga nagpapatunay ito na ang ganitong klaseng paghahangad ay hindi sinang-ayunan ng Diyos. Ano ang kabuluhan ng isang paghahangad na hindi sinang-ayunan ng Diyos?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Lahat ng hinangad ni Pedro ay kaayon ng puso ng Diyos. Hinangad niyang isakatuparan ang naisin ng Diyos, at kahit nagdusa at nahirapan, naging handa pa rin siyang tuparin ang naisin ng Diyos. Wala nang hihigit pang paghahangad ng isang mananampalataya ng Diyos. Ang hinangad ni Pablo ay may bahid ng kanyang sariling laman, ng kanyang sariling mga kuru-kuro, at ng kanyang sariling mga plano at pakana. Hindi siya karapat-dapat na nilalang ng Diyos sa anumang paraan, hindi siya isang taong naghangad na tuparin ang naisin ng Diyos. Hinangad ni Pedro na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, at bagama’t ang gawaing kanyang ginawa ay hindi malaki, ang pangganyak sa likod ng kanyang pagsisikap at ang landas na kanyang tinahak ay tama; bagama’t hindi siya nakakuha ng maraming tao, nagawa niyang sundan ang daan ng katotohanan. Dahil dito masasabi na siya ay isang karapat-dapat na nilalang ng Diyos. Ngayon, kahit hindi ka isang manggagawa, dapat mong magawang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hangaring magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos. Dapat mong masunod ang anumang sinasabi ng Diyos, at maranasan ang lahat ng klase ng mga kapighatian at pagpipino, at bagama’t ikaw ay mahina, sa puso mo ay dapat mo pa ring magawang mahalin ang Diyos. Yaong mga nananagot para sa sarili nilang buhay ay handang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at ang pananaw ng gayong mga tao tungkol sa paghahangad ang siyang tama. Sila ang mga taong kailangan ng Diyos. Kung marami kang ginawang gawain, at nakamit ng iba ang iyong mga turo, ngunit ikaw mismo ay hindi nagbago, at hindi nagbahagi ng anumang patotoo, o nagkaroon ng anumang tunay na karanasan, sa gayo’y sa katapusan ng iyong buhay, wala pa rin sa iyong mga nagawa ang nagpapatotoo, nagbago ka na nga ba? Isa ka bang taong naghahangad na matamo ang katotohanan? Sa pahanong iyon, kinasangkapan ka ng Banal na Espiritu, ngunit nang kasangkapanin ka Niya, ginamit Niya ang bahagi mo na maaaring gamitin para gumawa, at hindi Niya ginamit ang bahagi mo na hindi magagamit. Kung hinangad mong magbago, unti-unti kang magagawang perpekto habang kinakasangkapan ka. Subalit walang tinatanggap na responsibilidad ang Banal na Espiritu kung makakamit ka o hindi sa huli, at depende ito sa pamamaraan ng iyong paghahangad. Kung walang mga pagbabago sa iyong personal na disposisyon, iyan ay dahil mali ang iyong pananaw tungo sa paghahangad. Kung hindi ka gantimpalaan, sarili mo nang problema iyon, at dahil hindi mo mismo naisagawa ang katotohanan at hindi mo matupad ang naisin ng Diyos. Kaya nga, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa personal mong mga karanasan, at walang mas mahalaga kaysa sa personal mong pagpasok! Sa huli ay sasabihin ng ilang tao, “Napakarami kong nagawang gawain para sa Iyo, at bagama’t maaaring wala akong nagawang naging tanyag, naging masigasig pa rin ako sa aking mga pagsisikap. Hindi Mo ba ako maaaring papasukin na lamang sa langit para kainin ang bunga ng buhay?” Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito! Kailangan mong hangarin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahangad ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi mo hinahangad na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman