Naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at pinanatili natin ang Kanyang pangalan. Lagi tayong nagbabasa ng Biblia, nananalangin at kinukumpisal ang ating mga kasalanan sa Panginoon; tayo’y mapagpakumbaba, matiyaga, mapagmahal sa iba. Lagi tayong nagkakawang-gawa, nagbibigay, at nagsasakripisyo ng lahat ng iba pang bagay para magsilbi sa Panginoon at ikinakalat ang ebanghelyo para sumaksi sa Kanya. Hindi ba natin isinasagawa ang mga salita ng Panginoon at sinusunod ang Kanyang paraan? Paano mo nasabi na hindi tayo kailanman nagkaroon ng katotohanan sa pananalig sa Panginoon o isang hindi naniniwala? Sa Biblia, sinabi ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Samakatuwid, sa tingin ko makakamit ng ating pananalig sa Panginoon ang Kanyang papuri. Kapag dumating ang Panginoon, tiyak na dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit.

Agosto 29, 2018

Sagot: Maraming mananampalataya ang nag-aakalang na hangga’t pinapanatili nila ang pangalan ng Panginoon, binabasa ang Biblia, nagdadasal at laging nagsasama-sama, nakakapagsakripisyo ng lahat ng bagay para sa Panginoon at nagsusumikap para sa Panginoon, sila ay mga tunay nang naniniwala. Akala nila na hangga’t sila’y naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan, maiaangat sila sa kaharian ng langit kapag Siya’y bumalik ulit. Ang paniniwala ba sa Diyos ay ganoon kadali tulad ng iniisip ng mga tao? Kung ganito maniwala ang mga tao sa Diyos, makakamit ba talaga nila ang pagtanggap ng Diyos? Iyong mga Fariseo na tinuligsa at kinondena ng Panginoong Jesus, hindi ba’t sa ganoong paraan din sila naniwala sa Diyos? Lagi silang nananalangin at nagsusumikap at naglakbay pa hanggang sa dulo ng mundo para ikalat ang ebanghelyo. Kung gayon bakit nabigong makamit ng kanilang pananalig ang pagtanggap ng Panginoon at sa halip ay natamo ang Kanyang pagkondena at mga sumpa? Iyong mga tao na nabasa na ang Biblia dati ay naiintindihan na kahit na ang mga Fariseo ay magagaling magbasa ng Biblia, laging nananalangin, ikinakalat ang gawain ng Diyos, nagdudusa nang matindi, minahal ang iba, at animo’y banal, na tunay na naniniwala sa panlabas, sa totoo, walang lugar ang Diyos sa kanilang mga puso; hindi nila dinakila ang Diyos. Sa kanilang pananalig, hindi nila pinagtuunan ang paghahanap ng katotohanan sa mga salita ng Panginoon o inintindi ang Kanyang kalooban, mas lalong hindi isinasagawa ang Kanyang mga salita at sinusunod ang Kanyang mga kautusan. Nakatuon lang sila sa pagpapakalat ng kaalaman tungkol sa Biblia at teolohikal na teorya; nakatuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong seremonyas, sinusunod ang mga patakaran para dakilain ang kanilang mga sarili, itinataguyod ang kanilang mga sarili para sambahin ng iba. Ganoon sila naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon at walang kaalaman sa Diyos. Talagang hindi sila naging masunurin at magalang sa Diyos. Samakatuwid, nang ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, hindi nila hinanap ang katotohanan. Sinukat lang nila ang Panginoong Jesus batay sa kanilang mga sariling palagay at imahinasyon. Kahit gaano kalalim ang pangangaral ng Panginoong Jesus o gaano katindi ang awtoridad at kapangyarihan mayroon ang Kanyang gawain, hindi nila hinanap o pinag-aralan ang mga ito. Panatiko pa rin nilang kinalaban at kinondena ang Panginoong Jesus, pagkatapos ay ipinako Siya sa krus. Isinumpa sila at pinarusahan. Maaari bang tawaging tunay na pananalig sa Diyos ang pananalig ng mga Fariseo? Tinanggap ba ng Diyos ang pananalig ng mga Fariseo? Hindi lang hindi sila tinanggap ng Panginoong Jesus, ngunit kinondena at isinumpa pa sila, na sinasabing, “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!(Mateo 23:13–36). Hindi ba’t totoo ito? Nagtiwala lang ang mga Fariseo sa kanilang mga sariling palagay at imahinasyon; naniwala lang sila sa walang katiyakang Diyos sa langit. Hindi sila naniwala sa Panginoong Jesus na nagkatawang-tao na ipinahayag ang katotohanan. Bagot silang lahat sa katotohanan at napopoot sa katotohanan. Naniniwala sila sa Diyos, ngunit kinalaban din ang Diyos.

Tignan natin ang mga relihiyosong komunidad ngayon. Maraming mga pastor at elder ang nagpapanatili sa pangalan ng Panginoon; nananalangin sila sa pangalan ng Panginoon, nagbabasa ng Biblia, tinatalikdan ang lahat ng bagay para sa Kanya at nagsisikap para sa Kanya, ngunit kapag ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan para isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, binibigyang kahulugan nila ang gawain ng Diyos batay sa kanilang mga sariling palagay at imahinasyon. Akala nila na ang mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia at anumang bagay na lumampas sa Biblia ay heresiya. Malinaw na alam nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan; alam nilang ang mga salitang iyon ay kayang lupigin ang tao, ngunit hindi nila hinahanap ang mga ito o pinag-aaralan ang mga ito. Patuloy pa rin silang nagkakalat ng lahat ng uri ng tsismis at kasinungalingan, at panatikong naninira, nambabatikos at nanlalapastangan laban sa Makapangyarihang Diyos. Hindi sila humihinto para higpitan ang mga mananampalataya mula sa paghahanap ng tunay na daan. Inuulat pa nila sa pulis ang mga taong sumasaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw para maaresto sila. Sabihin n’yo sa akin, paano naging iba ang mga pastor at elder na ito sa mga Fariseo na kumalaban sa Panginoong Jesus? Hindi ba’t pareho silang taong alam ang tunay na daan ngunit kinakalaban pa rin ito? Hindi ba’t pareho silang kaaway ng Diyos na kinapopootan ang katotohanan? Samakatuwid, maaari nating makita na kung maniniwala ang mga tao sa Panginoon ngunit papanatilihin lamang ang Kanyang pangalan, magsisikap para sa Kanya at magmumukhang banal, hindi ibig sabihin noon na isinasagawa nila ang mga salita ng Panginoon o sinusunod ang paraan ng Panginoon. Hindi rin ibig sabihin nito na sila’y mga totoong mananampalataya na naglilingkod sa Panginoon. Ang katunayan na nagmumukha silang banal ay hindi nangangahulugan na maaari nilang dakilain ang Panginoon sa kanilang puso, igalang Siya o sundin Siya; talagang hindi nangangahulugan ito na naiintindihan nila ang katotohanan o Siya’y kilala. Kung naniniwala ang mga tao sa Panginoon ngunit hindi hinahanap ang katotohanan, tunay na isinasagawa ang katotohanan o nararanasan ang mga salita ng Panginoon, buweno, kahit ilang taon pa maniwala ang mga tao sa Panginoon o gaano pa sila magsumikap para sa Kanya, hindi nila makakamit ang Kanyang papuri. Ito’y totoo lalong-lalo na sa mga pastor at elder sa mga relihiyosong komunidad. Kahit na nagsusumikap sila para sa gawain ng Panginoon, panatiko pa rin nilang kinakalaban at kinokondena ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Sapat na ito para patunayan na sila’y mga gumagawa ng masama na kumakalaban sa Diyos. Inilalantad sila bilang mga anticristo sa pamamagitan ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Talagang matatamo nila ang mga sumpa at kaparusahan ng Diyos. Tulad lang ito ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:22–23). Lubos na malinaw din ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Wala Akong pakialam kung gaano man kapuri-puri ang iyong kasipagan, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga kakayahan, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano mo man pinabuti ang iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo natutugunan ang Aking mga hinihingi, hindi mo kailanman makakamit ang Aking papuri. Iwaksi mo na sa lalong madaling panahon ang lahat ng iyong kaisipan at mga pagtataya at simulang seryosohin ang Aking mga hinihingi; kung hindi, gagawin Kong abo ang lahat ng tao nang sa gayon ay mawakasan na ang Aking gawain at, sa pinakamalala ay ipawalang-saysay ang Aking mga taon ng paggawa at pagdurusa, sapagkat hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at yaong mga tao na umaalingasaw sa kasamaan at may anyo ni Satanas sa Aking kaharian o dalhin sila sa susunod na kapanahunan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno). Hindi nababagong katotohanan ang mga salita ng Diyos. Kung makakamtan ba ng mga mananampalataya ang Kanyang papuri ay hindi nakadepende kung gaano katindi ang pagsusumikap nila o pagdurusa; pangunahing nakadepende ito sa kung isinasagawa nila ang mga salita ng Diyos o sinusunod Siya. Gayun pa man, sinabi ni Pablo, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Mga sariling palagay at imahinasyon ni Pablo ang mga salitang ito. Hindi talaga alinsunod ang mga ito sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan. Eksaktong kabaliktaran ang mga ito ng mga salita ng Diyos!

Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng tunay na pananalig sa Diyos, at paano makakamit ng ating pananalig ang Kanyang pagtanggap? Isang mahalagang katanungan ito. Direktang kaugnay ito ng kung ang ating paniniwala sa Diyos ay maaaring makakuha ng kaligtasan natin at makapagpapapasok sa atin sa Kanyang kaharian! Dati, sa ating pananalig, nakatuon lang tayo sa pagsusumikap para sa Panginoon para makapasok tayo sa Kanyang kaharian kapag Siya’y bumalik. Ngayon, naiintindihan ng lahat na maling landas ito ng paniniwala. Walang sinuman sa relihiyosong komunidad ang nakakaalam kung ano ang tunay na pananalig sa Diyos o kung paano tayo dapat manampalataya sa Diyos para matanggap ang Kanyang pagsang-ayon. Walang sinuman ang nakakaintindi sa mga katanungang ito. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang lahat ng mga katotohanan at misteryo patungkol sa pananalig sa Diyos. Malinaw na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos ang tungkol sa katanungan: Ano ang tunay na pananalig sa Diyos? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagama’t maraming taong naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang kailangan nilang gawin upang makaayon sa kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, bagama’t pamilyar ang mga tao sa salitang ‘Diyos’ at sa mga pariralang tulad ng ‘ang gawain ng Diyos,’ hindi nila kilala ang Diyos, at lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat ng hindi nakakakilala sa Diyos ay nalilito sa kanilang paniniwala sa Kanya. Hindi sineseryoso ng mga tao ang kanilang paniniwala sa Diyos, at ito ay dahil lamang sa masyado silang hindi pamilyar sa paniniwala sa Diyos, masyado itong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihiling ng Diyos. Sa madaling salita, kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos at hindi alam ang Kanyang gawain, hindi sila akmang kasangkapanin ng Diyos, at lalong hindi nila magagawang palugurin ang Kanyang kalooban. Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Bukod pa riyan, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na paniniwala sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos.’ Subalit madalas ituring ng mga tao ang paniniwala sa Diyos bilang isang simple at walang-kabuluhang bagay. Nawala na sa mga taong naniniwala sa Diyos sa ganitong paraan ang kahulugan ng maniwala sa Diyos, at bagama’t maaari silang patuloy na maniwala hanggang sa kahuli-hulihan, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, dahil tumatahak sila sa maling landas. Mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos ngayon ayon sa mga titik at sa hungkag na doktrina. Hindi nila alam na wala silang diwa ng paniniwala sa Diyos, at hindi nila matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Nagdarasal pa rin sila sa Diyos para mapagpala ng kapayapaan at sapat na biyaya. Huminto tayo, patahimikin natin ang ating puso, at itanong sa ating sarili: Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos talaga ang pinakamadaling bagay sa lupa? Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Talaga bang ang mga taong naniniwala sa Diyos nang hindi Siya nakikilala o naniniwala sa Diyos subalit kinakalaban Siya ay napapalugod ang kalooban ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Maaari mong isipin na ang paniniwala sa Diyos ay tungkol sa pagdurusa, o paggawa ng lahat ng bagay para sa Kanya; maaari mong isipin na ang layunin ng paniniwala sa Diyos ay para mapayapa ang iyong laman, o upang maging maayos ang lahat sa buhay mo, o upang maging komportable at magaan ang lahat sa iyo. Gayunman, wala sa mga ito ang mga layuning dapat iugnay ng mga tao sa kanilang paniniwala sa Diyos. Kung naniniwala ka dahil sa mga layuning ito, mali ang iyong pananaw, at imposible ka talagang magawang perpekto. Ang mga kilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, Kanyang mga salita, at Kanyang pagiging kamangha-mangha at di-maarok ay pawang mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Dahil sa pagkaunawang ito, dapat mong gamitin ito upang alisin sa puso mo ang lahat ng personal mong kahilingan, pag-asa, at kuru-kuro. Kapag inalis mo ang mga ito, saka mo lamang matutugunan ang mga kundisyong hinihiling ng Diyos, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ka magkakaroon ng buhay at mapapalugod ang Diyos. Ang layunin ng paniniwala sa Diyos ay upang mapalugod Siya at maisabuhay ang disposisyon na Kanyang hinihingi, upang maipamalas ang Kanyang mga kilos at kaluwalhatian sa pamamagitan ng grupong ito ng hindi karapat-dapat na mga tao. Ito ang tamang pananaw para sa paniniwala sa Diyos, at ito rin ang layuning dapat mong hangarin. Dapat ay mayroon kang tamang pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos at dapat mong hangaring matamo ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos at magawang isabuhay ang katotohanan, at lalo nang kailangan mong makita ang Kanyang praktikal na mga gawa, Kanyang kamangha-manghang mga gawa sa buong sansinukob, gayundin ang praktikal na gawaing Kanyang ginagawa sa katawang-tao. Maaaring pahalagahan ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na mga karanasan, kung paano talaga ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa kanila at kung ano ang Kanyang kalooban sa kanila. Ang layunin ng lahat ng ito ay upang alisin ang tiwali at napakasamang disposisyon ng mga tao. Dahil naiwaksi na ang lahat ng karumihan at kasamaan sa iyong kalooban, at naiwaksi na ang iyong mga maling layon, at nagkaroon ka na ng tunay na pananampalataya sa Diyos—sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng tunay na pananampalataya mo maaaring tunay na mahalin ang Diyos. Maaari mo lamang tunay na mahalin ang Diyos sa pundasyon ng iyong paniniwala sa Kanya. Magtatamo ka ba ng pagmamahal sa Diyos nang hindi ka naniniwala sa Kanya? Yamang naniniwala ka sa Diyos, hindi ka maaaring maguluhan tungkol dito. Napupuno ng lakas ang ilang tao sa sandaling makita nila na ang pananampalataya sa Diyos ay maghahatid sa kanila ng mga pagpapala, ngunit nawawala ang lahat ng sigla sa sandaling makita nila na kailangan nilang dumanas ng mga pagpipino. Iyan ba ang paniniwala sa Diyos? Sa huli, kailangan kang ganap at lubos na makasunod sa harap ng Diyos sa iyong pananampalataya. Naniniwala ka sa Diyos ngunit mayroon ka pa ring mga hinihiling sa Kanya, marami ka pa ring mga relihiyosong kuru-kuro na hindi mo mabitawan, mga personal na interes na hindi mo mapakawalan, at naghahangad ka pa rin ng mga pagpapala ng laman at nais mong sagipin ng Diyos ang iyong laman, na iligtas ang iyong kaluluwa—lahat ng ito ay mga pag-uugali ng mga tao na may maling pananaw. Kahit may pananampalataya sa Diyos ang mga taong may mga relihiyosong paniniwala, hindi sila naghahangad na baguhin ang kanilang disposisyon at hindi sila naghahangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, kundi ang tanging hinahangad nila ay ang mga interes ng kanilang laman. Marami sa inyo ang may pananampalatayang nabibilang sa kategorya ng mga relihiyosong pananalig; hindi iyan tunay na pananampalataya sa Diyos. Upang maniwala sa Diyos, kailangang magkaroon ang mga tao ng isang pusong handang magdusa para sa Kanya at kahandaang isuko ang kanilang sarili. Hangga’t hindi natutugunan ng mga tao ang dalawang kundisyong ito, walang bisa ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at hindi nila mababago ang kanilang disposisyon. Ang mga tao lamang na tunay na naghahanap sa katotohanan, naghahangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, at naghahangad ng buhay ang mga tunay na naniniwala sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino).

Ibinunyag talaga ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryo at katotohanan patungkol sa pananalig sa Diyos. Maraming naniniwala sa Diyos ngunit hindi pa rin alam kung ano ang tunay na pananalig sa Diyos, ni hindi nila kilala ang Diyos o ang Kanyang gawain. Naguguluhang pananalig ang uri ng pananalig na ito na hindi kailanman makukuha ang papuri ng Diyos! Malinaw na tinutukoy ng Makapangyarihang Diyos kung ano ang tunay na pananalig. “Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos.’” Napakalinaw na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos ang tungkol sa tunay na pananalig! Iyong mga taong naniniwala sa Diyos ay talagang naniniwala sa mga salita ng Diyos. Iyon ay, ang pagsasagawa ng Kanyang mga salita at pagdanas sa Kanyang gawain. Ito ang paraan na tunay nilang maiintindihan ang katotohanan at talagang makikilala ang Diyos. Tunay na pananalig ito sa Diyos. Sa relihiyosong komunidad, pinag-uusapan lang ng mga tao kung paano magsusumikap at magdudusa para sa Panginoon; hindi nila pinag-uusapan kung paano isasagawa o mararanasan ang mga salita ng Panginoon. Samakatuwid, kahit gaano pa karaming taon sila maniwala sa Diyos, hindi nila maiintindihan ang katotohanan, ni hindi nila makikilala ang Diyos. Kung maniniwala ang mga tao nang ganito, paano sila kikilalanin ng Diyos! Sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha?(Mateo 7:22). Ano ang sumunod na sinabi ng Panginoong Jesus? “At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:23). Ipinapakita nito na ang mga taong naniniwala sa Panginoon ay nagsasakripisyo at nagsusumikap para sa Kanya alinsunod sa kanilang sariling kalooban. Hindi nila isinasagawa o nararanasan ang mga salita ng Panginoon. Hindi lang hindi nakakamit ang pagtanggap ng Diyos ng ganitong uri ng pananalig, kinokondena pa ito ng Diyos. Habang iniisip iyong mga panahon ko bilang mananampalataya sa loob ng relihiyosong komunidad, Hindi ako nagtuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon o sa pagdanas ng Kanyang gawain; Nagsisi lang ako sa Kanya matapos ako magkasala, nagmamakaawa sa Kanya para sa kapatawaran. Kapag may problema, nagdadasal ako sa Panginoon, humihingi sa Kanya ng tulong. Akala ko na hangga’t nagsasaulo ako ng ilang mga sipi sa Biblia, pinapanatili ang mga salita ng Biblia at sumusunod sa mga patakaran, ako’y nananampalatya sa Panginoon. Akala ko kung ako’y masigasig lang na nagsakripisyo at nagsumikap para sa Panginoon, ako’y naniniwala nang mabuti sa Panginoon. Akala ko minahal ko ang Panginoon at naging tapat sa Kanya. Akala ko kapag bumalik ang Panginoon, tiyak na papasok ako sa Kanyang kaharian. Nagpatuloy ito hanggang sa tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nakita kung ano ang sabi Niya, “Ang inaalala lamang ng maraming sumusunod sa Diyos ay kung paano magtamo ng mga pagpapala o umiwas sa sakuna. … Iisa lamang ang payak na layunin ng gayong mga tao sa pagsunod sa Diyos, at ang layuning iyon ay ang tumanggap ng mga pagpapala. Hindi mag-aabala ang gayong mga tao na makinig sa anumang iba pa na walang direktang kinalaman sa layuning ito. Para sa kanila, walang mithiing mas lehitimo kaysa maniwala sa Diyos upang makatanggap ng mga pagpapala—ito mismo ang halaga ng kanilang pananampalataya. Kung may isang bagay na hindi nakakatulong sa layuning ito, nananatili silang ganap na hindi naaantig nito. Ganyan ang karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at adhikain ay mukhang lehitimo, dahil habang naniniwala sila sa Diyos, gumugugol din sila para sa Diyos, inaalay nila ang kanilang sarili sa Diyos, at ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. Isinusuko nila ang kanilang kabataan, tinatalikuran ang pamilya at propesyon, at gumugugol pa ng maraming taon na malayo sa tahanan na nag-aabala. … Dito, natutuklasan natin ang isang dating di-matukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay para lamang sa sarili nilang interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng pagpapala. Sa madaling salita, katulad ito ng relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho lamang ang empleyado para matanggap ang mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon, transaksyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pag-unawa, pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid. Ngayong umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, sino ang makapagbabaligtad ng gayong takbo? At ilang tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano na kagrabe ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ibinuhos ng mga tao ang kanilang sarili sa galak ng pagiging mapalad, walang sinumang makakaisip kung gaano kahiya-hiya at hindi magandang tingnan ang gayong relasyon sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang Makapangyarihang Diyos at ibinunyag ang tunay na likas na katangian ng mga tao: Naniniwala sila sa Kanya dahil gusto nila ng mga pagpapala. Gusto nilang makipag-areglo sa Kanya. Napagtanto ko lang na ang aking mga motibo para sa aking pananalig ay masyadong marumi. Hinahabol ko ang mga pagpapala, biyaya, gantimpala at ang pagdala sa kaharian ng langit. Hangga’t matatamasa ko ang mga pagpapala ng kaharian ng langit, kakayanin ko ang anumang pagdurusa at magbabayad ng anumang halaga, ngunit hindi ako nagtuon sa pagsagawa at pagdanas ng mga salita ng Panginoon; hindi ko sinubukang kilalanin ang Diyos. Bilang resulta, walang kaugnayan ang aking buhay sa katotohanan na nilalaman ng mga salita ng Diyos. Maraming taon akong naniwala sa Panginoon ngunit wala ako ni katiting na kaalaman sa Panginoon. Akala ko makakamit ng aking pananalig ang papuri ng Panginoon, at kapag nagbalik Siya, iaangat ako sa kaharian ng langit. Talagang napakawalang-hiya ko at ignorante! Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos para isagawa ang gawain ng pagtubos at pagligtas sa sangkatauhan. Ginawa Niya ito para ibigay ang katotohanan sa sangkatauhan. Pinapahintulot nitong tanggapin nila ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, pinapalaya sila mula sa gapos at kontrol ng kasalanan at ginagawa silang masunurin sa Diyos. Hindi ko naintindihan ang kalooban ng Diyos; hindi ko hinanap ang katotohanan, at talagang hindi ko hinanap ang kaalaman tungkol sa Diyos. Hinanap ko lang mag-isa ang biyaya at mga gantimpala. Kahit pa sinakripisyo ko ang isang bagay, magiging kapalit lang iyon ng mga pagpapala ng kaharian ng langit. Paano ba ako naniniwala sa Diyos? Paano ako nagiging mapagmahal at nagiging matapat sa Diyos? Malinaw na, sinusubukan ko lang makipag-areglo sa Diyos; sinusubukan kong gamitin Siya at linlangin Siya. Sa paghatol ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na sa wakas kung paano ako lubos na ginawang tiwali ni Satanas! Masyado akong makasarili at mapanlinlang! Wala akong pagkakahawig sa sangkatauhan! Kasuklam-suklam na kontra-bida ako, sarili lang ang iniisip. Hindi ako nababagay mabuhay sa harapan ng Diyos! Diyos ang Maylalang ng lahat ng bagay. Mga nilalang Niya ang mga tao. Tama at wasto lang para sa mga tao na maniwala sa Diyos at isakripisyo ang lahat para sa Kanya. Iyan ang tungkulin ng tao. Iyan ang responsibilidad ng lahat ng nilikha. Kulang ako ng anumang katwiran o konsensya. Nang sinakripisyo ko ang anumang bagay o nagdusa sa anumang paraan, bahagi ng aking tangka na makipag-areglo sa Diyos; gusto kong bayaran Niya ako; gusto ko ng mga pagpapala. Itong aking pananalig, kung saan nililinlang ko ang Diyos, paanong hindi ko matatamo ang pagkapoot at pagkamuhi Niya? Paano posibleng hahayaan ng Diyos ang isang tulad ko na mala-satanas na nilalang na makapasok sa Kanyang kaharian? Sa oras na ito, lumuluhod ako sa harapan ng Diyos, nananalangin ng pagsisisi. Kahit paano pa ako pakitunguhan ng Diyos o ano man ang maging huling kahihinatnan ko, Kusang-loob kong susundin ang plano ng Diyos. Kahit na magbigay lang ako ng serbisyo sa Diyos, hahanapin ko ang katotohanan. Gagawin ko ang tungkulin ko bilang Kanyang nilikha. Sa pamamagitan ng pagdanas ng mga paghatol, pagkastigo, pagpipino at pagsubok sa bawat salita ng Makapangyarihang Diyos, nagbago ang aking pananaw tungkol sa aking pananalig sa Kanya. Sinimulan kong hanapin at isagawa ang katotohanan. Unti-unti akong naglakad sa tamang landas ng pananalig kung saan makakakuha ng kaligtasan. Resulta ang lahat ng mga ito ng pagdanas sa paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw! Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagligtas sa akin!

Matapos maranasan ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Nakita ko sa wakas na masyado na akong ginawang tiwali ni Satanas; masyado na akong arogante at lubos na wala sa katwiran! Sa panlabas, mukhang kaya kong ipalaganap ang ebanghelyo, gawin ang ilang mga gawain, tiisin ang pagdurusa at magpaliwanag ng mga salita sa Biblia, isaulo ang ilang mga talata. Akala ko kilala ko ang Diyos at kumilos ako nang arogante at tipong mas banal pa sa sinuman. Sa totoo, hindi ako nanalangin sa Diyos o hinanap ang katotohanan at mga prinsipyo. Pikit-mata ko lang ginawa ang anumang alinsunod sa aking mga sariling palagay. Totoo ito lalo na pagdating sa aking turing sa pagbabalik ng Panginoon. Nilimitahan ko ang Diyos sa Biblia batay sa mga sarili kong palagay at imahinasyon. Akala ko nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos, at wala sa Kanyang mga salita o gawain ang umiiral sa labas ng Biblia. Mahigpit kong pinaniwalaan na ang mga taong naniniwala sa Panginoon ay kinakailangang panatilihin ang Biblia, at inisip, na paanong ang sinuman na hindi nagpapanatili sa Biblia ay sumusunod sa Panginoon? Ang resulta ay nang hinipo ako ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi ko ito hinanap o siniyasat. Sinunod ko pa ang mga pastor at elder sa pagtanggi at paghatol nito. Arogante ako at nawala ang lahat ng katwiran, sa harap mismo ng Diyos! Ang aking pagkilos, pananalig ba ito sa Diyos? Hindi, kasamaan lang ito! Paano ako naging iba sa mga Fariseo na kumalaban sa Panginoong Jesus?

May isang bagay akong nakita na sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng mga salita ng Diyos at sa lahat ng gawain Niya. Ibig sabihin, yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, kung gayon ay hindi mahalaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung naniniwala ka sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit hindi mo Siya kailanman sinunod, at hindi mo tinatanggap ang kabuuan ng mga salita Niya, at sa halip ay hinihingi mo sa Diyos na magpasakop Siya sa iyo at kumilos Siya ayon sa mga kuru-kuro mo, kung gayon ay ikaw ang pinakamapanghimagsik sa lahat, isa kang hindi mananampalataya. Paano makasusunod ang ganitong mga tao sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao? Ang pinakamapaghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang lumalabag at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). “Yaong mga hindi maingat kapag nakakatagpo sila ng bagong gawain ng Banal na Espiritu, na walang-tigil magsalita, mabilis humusga, malayang hinahayaan ang kanilang pag-uugali na tanggihan ang pagiging tama ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto at nilalapastangan din ito—hindi ba mangmang ang gayon kawalang-galang ng mga tao ba tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu? Bukod pa riyan, hindi ba sila mga taong mayayabang, likas na mapagmataas at pasaway? … Ang gayong walang-galang at maluhong mga tao ay nagkukunwaring naniniwala sa Diyos, at kapag mas ganito ang mga tao, mas malamang na labagin nila ang mga atas administratibo ng Diyos. Hindi ba tumatahak sa landas na ito ang lahat ng mayabang na talagang hindi mapigil, at hindi pa sumunod kahit kanino kailanman? Hindi ba nila kinokontra ang Diyos bawat araw, ang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos). Nakaukit sa aking puso ang bawat pangungusap ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Inilantad ng Kanyang paghatol ang aking likas na pagkatao at diwa: Naniniwala ako sa Diyos ngunit kinakalaban ko Siya. Naramdaman ko ang galit ng Diyos sa akin. Naramdaman ko ang Kanyang tuwid at dakilang disposisyon na hindi maaaring gawan ng pagkakasala. Nanginig ako sa takot, at hindi maiwasan kundi lumuhod sa lupa sa hiya sa aking mga sariling masamang gawain. Sa loob ng maraming taon naniwala ako sa Panginoon, kaya paano pa rin ako naging arogante at mayabang? Bakit wala akong anumang anyo ng paggalang sa Diyos? Kapag hindi alinsunod ang gawain ng Diyos sa aking mga palagay, basta ko na lang hinahatulan at itinatanggi ito. Hindi ko hinanap ang katotohanan o sinunod ang Diyos kailanman. Hindi ba ako isang aroganteng tao na naniniwala sa Diyos, subalit kinakalaban pa rin Siya? Matagal nang nagkasala ang pagkilos ko sa disposisyon ng Diyos. Kung hindi dahil sa awa ng Diyos at pagliligtas, matagal na akong ipinadala sa impiyerno. Paano ako magkakaroon ng pagkakataon na marinig ang tinig ng Diyos at tanggapin ang Kanyang paghatol at paglinis sa mga huling araw?! Naramdaman ko na talagang nailigtas na ako ng Diyos! Sa oras na ito, mas kinapootan at isinumpa ko ang sarili ko higit kailan pa man. Aking ipinasya na, kahit gaano pa ako hatulan, kastiguhin, pungusan, pakitunguhan, subukan o pinuhin ng Diyos, kusang-loob kong tatanggapin ito at susundin Siya. Sa pamamagitan ng patuloy na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagdanas ng Kanyang paghatol at pagkastigo, marami na ako ngayong naiintindihang katotohanan na hindi ko alam dati. Natatamo ko ang palinaw ng palinaw na kaunawaan ng aking sariling malasatanas na kalikasan ng pagkalaban at pagtaksil sa Diyos. Mayroon na rin akong ilang tunay na kaalaman tungkol sa banal na diwa ng Diyos at matuwid na disposisyon na walang pinahihintulutang pagkakasala. Hindi namamalayan, nagkaroon ako ng paggalang sa Diyos at uhaw para sa katotohanan. Mas mapagkumbaba na ako hindi gaya ng dati. Hindi na ako kasing-arogante at kasing-yabang. Kapag nahaharap ako sa mga bagay-bagay, alam ko nang itanggi ang sarili ko, hanapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan. Unti-unting nagbago ang disposisyon ko sa buhay. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagdaranas ng paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Naintindihan ko na ngayon kung ano talaga ang tunay na pananalig sa Diyos. Naiintindihan ko ang tunay na halaga at kahulugan ng pananalig sa Diyos. Ito ang isang bagay na hindi kailanman natamo ng mga mananampalataya noong Kapanahunan ng Biyaya. Noong Kapanahunan ng Biyaya, karamihan sa mga naniniwala ay nakatuon sa paggaya kay Pablo. Nagsumikap at nagdusa sila para sa Panginoon. Mas ginusto pa nilang magdusa sa kulungan kaysa itanggi ang pangalan ng Panginoon. Maaari bang mabago ng uri ng pananalig na ito sa Diyos ang kanilang disposisyon sa buhay? Maaari kaya nitong hayaan silang talagang sundin ang Diyos at mahalin Siya? Sa huli, kaya ba ng pananalig na ito na hayaan tayong talunin si Satanas? Mapapasiya ba talaga nito ang Diyos? Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao, hinihiling sa kanilang isagawa at maranasan ang Kanyang mga salita. Bakit Niya ito ginagawa? Ginagawa Niya ito para baguhin ang disposisyon ng buhay ng mga tao at iligtas sila mula sa impluwensiya ni Satanas. Sa huli, pinapahintulutan nito na makilala Siya ng mga tao. Ito ang maaaring matamo ng tunay na pananalig sa Diyos. Ngunit karamihan sa mga mananampalataya sa Panginoon ay iniisip na hangga’t sinasakripisyo nila ang lahat at nagsisikap para sa Panginoon, sila ay naaayon sa puso ng Panginoon, at sa pagbalik Niya sila ay madadala sa kaharian ng langit. Isaalang-alang nating lahat ito: Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa atin. Ganoon ba para matapos nating ikalat ang Kanyang gawain, naghihirap sa proseso, tatanungin natin Siya, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo. Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran”? Ito ba ang hinihingi ng Diyos sa tao? Ito ba ang kalooban ng Diyos? Kung ito ang pagkakaintindi natin sa pananalig sa Diyos, hindi ba mali ang ating pagkakaintindi sa Kanya?

Ngayong nasabi na natin ang lahat ng ito, naiintindihan mo ba kung ano ang tunay na pananalig sa Diyos? Okey lang bang maniwala sa Diyos ngunit hindi maranasan ang Kanyang paghatol o paglinis sa mga huling araw? Maaari ba nating makilala ang Diyos kung naniniwala tayo sa Kanya ngunit hindi nararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Kanyang salita? Maaari ba nating maintindihan ang kalooban ng Diyos at talagang sundin at sambahin Siya kung naniniwala tayo sa Kanya ngunit hindi isinasagawa ang Kanyang mga salita o nararanasan ang Kanyang gawain? Samakatuwid, kung gusto talaga nating makilala ang Diyos at baguhin ang ating mga disposisyon, lubhang napakahalaga ng pagtanggap at pagdanas ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw! Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung mananatiling nakagapos ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi nila maaalis kailanman ang kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi nila malalaman ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung palaging mabubuhay ang mga tao sa gitna ng kasaganaan ng biyaya, ngunit wala sa kanila ang daan ng buhay na nagtutulot sa kanila na makilala ang Diyos at mapalugod Siya, hindi nila Siya tunay na matatamo kailanman sa kanilang paniniwala sa Kanya. Kaawa-awa talaga ang ganitong uri ng paniniwala. … Kapag naranasan mo na ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, madarama mo na ang mga hangaring taglay mo sa loob ng maraming taon ay natupad na rin sa wakas. Madarama mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harapan; ngayon mo lamang natitigan ang Kanyang mukha, narinig ang Kanyang personal na mga pagbigkas, napahalagahan ang karunungan ng Kanyang gawain, at tunay na nadama kung gaano Siya katotoo at kamakapangyarihan sa lahat. Madarama mo na maraming bagay kang nakamtan na hindi pa nakita ni natamo ng mga tao noong nakalipas na mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong malalaman kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang umayon sa kalooban ng Diyos. Siyempre pa, kung kakapit ka sa mga pananaw ng nakaraan, at aayawan o tatanggihan mo ang katunayan ng pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mananatili kang walang napala, walang natamo, at sa huli ay ipapahayag kang nagkasala ng paglaban sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasakop sa gawain ng Diyos ay aangkinin sa ilalim ng pangalan ng pangalawang Diyos na nagkatawang-tao—ang Makapangyarihan sa lahat. Matatanggap nila ang personal na patnubay ng Diyos, na nagtatamo ng mas marami at mas matataas na katotohanan, at ng tunay na buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

mula sa iskrip ng pelikulang Pananalig sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman