Ang Biblia ang pamantayan ng Kristiyanismo at ang pananampalataya ng mga nananalig sa Panginoon ay dalawang milenyo nang nakabatay sa Biblia. Bukod pa riyan, naniniwala ang karamihan ng mga tao sa relihiyosong daigdig na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon, na ang pananalig sa Panginoon ay kapareho ng pananalig sa Biblia at ang pananalig sa Biblia ay kapareho ng pananalig sa Panginoon, at na kung mapalayo ang isang tao sa Biblia, hindi sila matatawag na nananalig. Nais kong malaman kung ang pananalig sa Panginoon sa ganitong paraan ay naaayon sa Kanyang kalooban.

Abril 19, 2018

Sagot:

Maraming naniniwala na kumakatawan ang Biblia sa Panginoon, kumakatawan sa Diyos at na ang ibig sabihin ng pananalig sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay kapareho ng pananalig sa Panginoon. Pinagpapantay nila ang Biblia at ang Diyos. May mga tao pa nga na kinikilala ang Biblia nang hindi kinikilala ang Diyos. Iniisip nila na ang Biblia ang pinakamakapangyarihan, at sinisikap pa ngang ipalit sa Diyos ang Biblia. May mga pinuno pa nga ng mga relihiyon na kinikilala ang Biblia nang hindi kinikilala si Cristo, at sinasabi na ang mga nangangaral tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay mga erehe. Ano ba talaga ang isyu rito? Kitang-kita na ang relihiyosong daigdig ay umabot na sa punto na ang tanging kinikilala nila ay ang Biblia at bigo silang maniwala sa pagbalik ng Panginoon—hindi sila maliligtas. Mula rito malinaw na, ang relihiyosong daigdig ay naging isang grupo na ng mga anticristo, na kinakalaban at itinuturing na kaaway ang Diyos. Hindi maitatanggi na maraming pinuno ng mga relihiyon ang mga ipokritong Fariseo. Lalo na ang mga nagsasabi na “ang mga nangangaral tungkol sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay mga erehe,” lahat sila ay anticristo at walang pananalig. Tila maraming tao ang hindi nakakaalam kung ano talaga ang pananampalataya sa Panginoon. Ang tawag nila sa kanilang pananalig sa malabong Diyos na ito ay nakasanayang pananampalataya at nananalig pa nga sa Biblia sa halip na sa Diyos. Ikinakaila at tinutuligsa pa nila ang Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw. Binabalewala at kinalilimutan nila ang anumang katotohanang ipinapahayag ni Cristo. Ano ang problema rito? Medyo malalim na tanong ito. Noong panahon na ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ganitong-ganito rin ang kilos ng mga Judio. Bago nagpakita si Cristo para isagawa ang Kanyang gawain, ibinatay nilang lahat ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa Biblia. Walang makapagsabi kung kaninong pananampalataya ang tunay at kanino ang huwad, at tiyak na walang makapagsabi kung sino ang talagang sumusunod sa Diyos at sino ang kumokontra sa Kanya. Bakit nang maging tao ang Panginoong Jesucristo at isagawa Niya ang Kanyang gawain, nalantad ang bawat klase ng tao? Dito nakasalalay ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos. Kapag nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, at gumagawa ng Kanyang gawain, naririnig ng matatalinong dalaga ang Kanyang tinig at sinusundan nang husto ang mga yapak ng Diyos; kaya, natural, dinadala sila sa harapan ng luklukan ng Diyos. Tungkol naman sa mga mangmang na dalagang iyon, dahil ipinagpipilitan nila ang Biblia at bigo silang kilalanin na ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo sa mga huling araw ay talagang ang Diyos, nalalantad at itinatakwil sila. Sa ngayo’y mahigpit pa rin silang nakakapit sa tinatawag nilang pananampalataya, ngunit pagdating ng mga kalamidad, mananaghoy sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa huli. Mula rito makikita natin, yaon lamang mga kumakapit sa Biblia at bigong tanggapin ang katotohanan, yaong mga nananalig lang sa Diyos na nasa langit ngunit bigong tanggapin ang Cristo na nagkatawang-tao ay pawang mga walang pananalig at tiyak na aalisin ng Diyos. Ito ang totoo! Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos tungkol dito.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at may mga tao pa na itinuturing itong mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na sila ng buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Naniniwala sila sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng saklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay kapareho ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung wala Ako, walang Biblia. Hindi nila pinapansin ang Aking pag-iral o mga pagkilos, kundi sa halip ay pinag-uukulan ng sobra at espesyal na pansin ang bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ang naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban kung ito ay hinulaan sa Kasulatan. Sobra ang pagpapahalaga nila sa Kasulatan. Masasabi na itinuturing nilang napakahalaga ang mga salita at pahayag, hanggang sa gumamit sila ng mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang tuligsain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan para makaayon sila sa Akin, o ang paraan para makaayon sila sa katotohanan, kundi ang paraan para makaayon sila sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na anumang hindi umaayon sa Biblia, nang walang itinatangi, ay hindi Ko gawain. Hindi ba ang gayong mga tao ang masunuring mga inapo ng mga Fariseo? Ginamit ng mga Fariseong Judio ang batas ni Moises upang tuligsain si Jesus. Hindi nila hinangad na maging kaayon ni Jesus noong panahong iyon, kundi masigasig nilang sinunod nang perpekto ang batas, hanggang sa ipinako nila ang walang-salang si Jesus sa krus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at na hindi Siya ang Mesiyas. Ano ang kanilang diwa? Hindi kaya na hindi nila hinanap ang paraan para makaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat isang salita ng Kasulatan, habang hindi nila pinapansin ang Aking kalooban at ang mga hakbang at pamamaraan ng Aking gawain. Hindi sila mga taong naghangad sa katotohanan, kundi mga taong mahigpit na sumunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila mga taong nanalig sa Diyos, kundi mga taong naniwala sa Biblia. Ang totoo, mga tagapagbantay sila ng Biblia. Upang pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at pagtibayin ang dangal nito, at protektahan ang reputasyon nito, ipinako pa nila ang maawaing si Jesus sa krus. Ginawa nila ito para lamang ipagtanggol ang Biblia, at mapanatili ang katayuan ng bawat isang salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang pabayaan ang kanilang kinabukasan at ang handog para sa kasalanan upang tuligsain si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang kamatayan. Hindi ba sila mga alipin sa bawat isang salita ng Kasulatan?

At paano naman ang mga tao ngayon? Pumarito si Cristo upang ilabas ang katotohanan, ngunit mas gusto pa nilang paalisin Siya sa gitna ng mga tao upang makapasok sa langit at tumanggap ng biyaya. Mas gusto pa nilang lubusang itanggi ang pagdating ng katotohanan para pangalagaan ang mga interes ng Biblia, at mas ginusto pa nilang muling ipako sa krus ang Cristong nagbalik sa katawang-tao upang matiyak ang walang hanggang pag-iral ng Biblia. Paano matatanggap ng tao ang Aking pagliligtas, kung napakasama ng kanyang puso, at nilalabanan Ako ng kanyang likas na pagkatao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo).

Ano ang ibig sabihin ng manalig sa Panginoon? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang kaugnayan ng Biblia sa Panginoon? Ano ang nauna, ang Biblia o ang Panginoon? Kung gayon sino ang gumagawa ng gawain ng pagliligtas? Maaari bang humalili ang Biblia sa Panginoon sa paggawa ng Kanyang gawain? Maaari bang katawanin ng Biblia ang Panginoon? Kung pikit-mata tayong sasampalataya at sasamba sa Biblia, ibig bang sabihin ay nananalig at sumasamba tayo sa Diyos? Ang paniniwala ba sa Biblia ay katumbas ng pagsasagawa at pagdanas ng salita ng Diyos? Ang paniniwala ba sa Biblia ay nangangahulugan na sinusundan natin ang landas ng Panginoon? Kaya kung mas pinahahalagahan natin ang Biblia kaysa anupamang bagay, ibig bang sabihin ay sinasamba natin ang Diyos bilang dakila, na mapitagan at masunurin tayo sa Panginoon? Walang sinumang nakakakita sa katotohanan ng mga isyung ito. Sa loob ng libu-libong taon, pikit-mata nang sinasamba ng mga tao ang Biblia at pinagpapantay ang kahalagahan ng Biblia at ng Panginoon. Ipinanghahalili pa ng ilan ang Biblia sa Panginoon at sa Kanyang gawain, ngunit walang tunay na nakakakilala sa Panginoon at sumusunod sa Kanya. Dahil lang sa pagkapit sa Biblia, ipinako ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus sa krus. Ano ang isyu? Ang pag-unawa ba sa Biblia ay pagkilala sa Diyos? Ang pagkapit ba sa Biblia ay pagsunod sa landas ng Panginoon? Eksperto ang mga Fariseo sa pag-intindi sa teksto ng Biblia, ngunit hindi nila kilala ang Diyos. Sa halip, ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus na nagpahayag ng katotohanan at gumawa ng nakatutubos na gawain. Hindi ba totoo iyan? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng tunay na kilalanin ang Diyos? Nararapat bang ituring na pagkilala sa Diyos ang kakayahan lang na ipaliwanag ang Biblia at unawain ang kaalaman sa Biblia? Kung gayon, bakit tinuligsa at kinontra ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus kahit nang ipaliwanag nila ang Biblia? Ang susi kung talagang kayang kilalanin at sundin ng isang tao ang Diyos ay kung kilala at sinusunod niya ang Cristo na nagkatawang-tao o hindi. Inilalantad ng Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan, ito ang hindi natatanto ng karamihan. Ang sumpa ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo ay isang testamento sa katotohanan na tinatrato ng Diyos ang lahat nang may katuwiran. Tulad ng malinaw, kung hindi natin sinusunod at sinasamba ang Panginoon kundi pikit-mata lamang tayong naniniwala at sumasamba sa Biblia, hindi natin tatanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang pananampalataya ng isang tao ay binubuo lamang ng pagsunod sa Biblia at walang lugar sa kanyang puso para sa Panginoon, kung hindi niya kayang sambahin ang Panginoon bilang dakila at isagawa ang Kanyang mga salita, kung hindi niya kayang tanggapin at sundin ang gawain at patnubay ng Diyos, hindi ba isang ipokritong Fariseo ang gayong tao? Hindi ba isang anticristo ang gayong tao, isang tao na ginawang kaaway si Cristo? Kaya nga, kung kakapit lamang tayo sa Biblia, tiyak na hindi nito ibig sabihin na natamo na natin ang katotohanan at buhay. Maling sambahin at pikit-matang sundin ang Biblia, sa paggawa nito tiyak na hindi natin tatanggapin ang pagsang-ayon ng Panginoon. Ipinapahayag ng Diyos na naging tao ang katotohanan upang padalisayin at iligtas tayong mga tao, at sagipin tayo mula sa impluwensya ni Satanas upang masunod natin ang Diyos, masamba natin ang Diyos at makamit tayo ng Diyos sa huli. Ito ang layunin at kahulugan ng paggawa ng Diyos na nagkatawang tao ng Kanyang gawain. Ang susi sa ating pananampalataya ay paghahanap ng katotohanan, at pagsasagawa at pagdanas ng salita ng Diyos. Sa paraang ito lamang natin matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at makikilala ang Panginoon. Sa gayon, magagawa na nating magpitagan sa Diyos, at dakilain ang Panginoon sa ating puso. Gayundin, magkakaroon na tayo ng tunay na pananampalataya at pagsunod sa Kanya. Ito ang tunay na kahulugan ng pananampalataya sa Panginoon. Sa pagsampalataya lamang sa ganitong paraan natin matatanggap ang pagsang-ayon ng Panginoon. Mula rito, malinaw na nakikita ng lahat na ang paniniwala sa Biblia ay hindi katumbas ng pananalig sa Diyos. Kaya ano ang kaugnayan ng Biblia sa Panginoon? Tungkol sa tanong na ito, napakalinaw ng sinabi ng Panginoong Jesus sa Evangelio ni Juan kapitulo 5 mga bersikulo 39–40: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay.” Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, napakalinaw na ang Biblia ay isang patotoo lamang sa Diyos, isang talaan lamang ito ng gawain ng Diyos noong araw. Ang Biblia ay hindi kumakatawan sa Diyos, dahil ang Biblia ay may limitadong salaysay lamang ng mga salita at gawain ng Diyos. Paano maaaring kumatawan sa Diyos ang limitadong salaysay na ito ng mga salita at gawain ng Diyos? Ang Diyos ang Lumikha na nagpupuno sa lahat ng bagay, Siya ang Panginoon ng lahat ng bagay. Ang buhay ng Diyos ay walang limitasyon at hindi mauubos. Hindi maaarok ng tao ang kadakilaan at kasaganaan ng Diyos kailanman. At ang limitadong talaan ng mga salita at gawain ng Diyos na matatagpuan sa Biblia ay isang patak lamang sa malawak na karagatan ng buhay ng Diyos. Paano makakayang katawanin ng Biblia ang Diyos? Paano makakayang pumantay ng Biblia sa Diyos? Kayang iligtas ng Diyos ang tao, kaya bang iligtas ng Biblia ang tao? Kayang ipahayag ng Diyos ang katotohanan, kaya bang gawin iyon ng Biblia? Kaya ng Diyos na bigyang-liwanag, paliwanagan at gabayan ang tao anumang oras, kaya bang gawin iyan ng Biblia? Siyempre, hindi! Kaya, hindi maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos! Ipinapantay ng ilang tao ang Biblia sa Diyos at iniisip na maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos. Hindi ba ito paghamak at paglapastangan sa Diyos? Kung ipapalit natin ang Biblia sa gawain ng Diyos, ito ay pagtanggi at pagkakanulo sa Diyos. Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Hindi maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos, ni hindi nito kayang humalili sa gawain ng Diyos. Ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos sa Biblia ay katotohanan. Ipinapakita nito ang disposisyon sa buhay ng Diyos, at maaaring magpakita ng kalooban ng Diyos. Ngunit bawat yugto ng gawain ng Diyos ay kumakatawan lamang sa hinihiling at kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan sa loob ng kapanahunang iyon. Hindi ito kumakatawan sa mga salita at gawain ng Diyos sa ibang mga kapanahunan. Malinaw na ba ito sa inyong lahat ngayon?

Hinggil sa pangyayaring nakapaloob sa Biblia, sa tingin ko puwede nating tingnan ang ilang talata mula sa Makapangyarihang Diyos. “Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa sinundang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4).

Dati-rati, Lumang Tipan lang ang binabasa ng mga tao ng Israel. Ibig sabihin, sa simula ng Kapanahunan ng Biyaya binasa ng mga tao ang Lumang Tipan. Lumitaw lamang ang Bagong Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang umiral na Bagong Tipan nang isagawa ni Jesus ang Kanyang gawain; itinala ito ng mga tao matapos Siyang mabuhay muli at umakyat sa langit. Noon lamang nagkaroon ng Apat na Ebanghelyo…. Masasabi na ang kanilang itinala ay ayon sa antas ng kanilang pinag-aralan at kakayahan ng tao. Ang kanilang itinala ay mga karanasan ng mga tao, at bawat isa ay may sariling paraan ng pagtatala at pagkaalam, at bawat talaan ay naiiba. Kaya, kung sinasamba mo ang Biblia bilang Diyos napakamangmang at napakabobo mo! Bakit hindi mo hinahanap ang gawain ng Diyos sa ngayon? Gawain ng Diyos lamang ang makapagliligtas sa tao. Hindi maililigtas ng Biblia ang tao, maaari lamang nilang basahin ito nang ilang libong taon at wala pa ring magiging pagbabago sa kanila kahit katiting, at kung sasambahin mo ang Biblia hinding-hindi mo makakamtan ang gawain ng Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3).

Ang pag-aaral ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang lubusang malinaw tungkol sa nakapaloob na kuwento at diwa ng Biblia. Kaya, ngayon ay mayroon pa ring di-mailarawang diwa ng kahiwagaan ang mga tao pagdating sa Biblia; higit pa riyan, nahuhumaling sila rito, at sumasampalataya rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawa sa mga huling araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong gawain ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw, at kung anong mga tanda ang naroon sa mga huling araw. Sa ganitong paraang, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas papalapit sa mga huling araw, mas higit na tiwala ang inilalaan nila sa mga propesiya ng Biblia, partikular na tungkol sa mga huling araw. Sa gayon kabulag na paniniwala sa Biblia, sa gayong pagtitiwala sa Biblia, wala silang hangad na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga pagkaintindi ng mga tao, iniisip nila ang Biblia lamang ang maaaring maghatid ng gawain ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga hiwaga ng gawain ng Diyos; ang Biblia lamang—hindi ang ibang mga aklat o tao—ang maaaring maglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at sa kabuuan ng Kanyang gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawain ng langit sa lupa; at ang Biblia ay maaaring kapwa simulan at tapusin ang mga kapanahunan. Sa mga pagkaintinding ito, walang hilig ang mga tao na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang naging tulong ng Biblia sa mga tao noong araw, naging isang balakid ito sa pinakabagong gawain ng Diyos. Kung wala ang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang lugar, ngunit ngayon, naglalaman na ng Kanyang mga yapak ang Biblia, at naging doble ang hirap ng pagpapalaganap ng Kanyang pinakabagong gawain, at napakahirap gawin niyon. Lahat ng ito ay dahil sa bantog na mga kabanata at kasabihan mula sa Biblia, gayundin sa iba’t ibang mga propesiya sa Biblia. Ang Biblia ay naging idolo sa isipan ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang utak, at talagang hindi nila kayang paniwalaan na makakagawa ang Diyos ng gawaing wala sa Biblia, hindi nila kayang paniwalaan na maaaring makita ng mga tao ang Diyos sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila magawang paniwalaan na maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia sa huling gawain at magsimulang muli. Hindi ito sukat akalain ng mga tao; hindi sila makapaniwala rito, ni hindi nila maisip ito. Naging isa nang malaking balakid ang Biblia sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at nagpahirap ito sa pagpapalawak ng bagong gawaing ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Pagkatapos ng lahat, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang maging ayon sa Biblia ang gawain ng Diyos? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumayo ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung mangingilin Siya sa araw ng Sabbath at magsasagawa ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, kundi sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya sinuway ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Biblia?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Ang paghahanap at pagsisiyasat sa katotohanan patungkol sa tanong kung ang Biblia ba ay maaaring kumatawan sa Diyos at kung ano ang kaugnayan ng Biblia sa Diyos ay napakahalaga. Kailangan muna nating malaman: Anong klaseng Diyos ang Diyos? Tulad ng alam nating lahat, ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay, ang Pinuno ng lahat ng bagay. Siya ang Diyos at walang hanggan ang Kanyang kapangyarihan at talino. Diyos lamang ang makapagliligtas at makagagabay sa sangkatauhan. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Kinikilala na ng lahat ang katotohanang ito. Paano ba ginawa ang Biblia? Nang matapos ng Diyos ang Kanyang gawain, isinulat ng mga taong ginamit Niya ang kanilang mga patotoo at karanasan, at ang mga patotoo at karanasang ito ay tinipon kalaunan upang mabuo ang Biblia. Ito ang katotohanan. Ito ang dahilan kaya masasabi natin nang may matinding katiyakan na ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos noong araw, ito’y walang iba kundi isang patotoo lamang tungkol sa gawain ng Diyos. Hindi maaaring kumatawan ang Biblia sa Diyos, ni hindi ito maaaring humalili sa Diyos upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao. Kung ang pananampalataya natin ay batay lamang sa pagbabasa ng Biblia at hindi sa pagdanas sa gawain ng Diyos, hindi natin kailanman matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi tayo maliligtas. Dahil patuloy ang pag-usad ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Sa gayon, hindi tayo dapat magtuon sa isa o dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Kailangan nating sundan ang mga yapak ng gawain ng Diyos hanggang makumpleto ng Diyos ang Kanyang gawain na iligtas ang sangkatauhan. Sa ganitong paraan lamang tayo tatanggap ng lubos na pagliligtas ng Diyos at makakapasok sa ating magandang hantungan. Ang plano ng pamamahala ng Diyos sa pagliligtas ay may tatlong yugto ng gawain: ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ng Kapanahunan ng Biyaya, at ng Kapanahunan ng Kaharian. Ang Kapanahunan ng Kautusan ang panahon na gumamit ang Diyos ng mga kautusan para gabayan ang buhay ng tao. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay noong gawin ng Diyos ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus para tubusin ang sangkatauhan mula sa kapangyarihan ni Satanas, patawarin sila sa kanilang mga kasalanan, at gawin silang karapat-dapat na humarap sa Diyos, manalangin sa Diyos, ay makaniig Siya. Patungkol sa gawain ng paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian, ito ang mismong gawain na lubusang linisin, iligtas at gawing perpekto ang buong sangkatauhan. Kung nagdaraan lamang ang sangkatauhan sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya ngunit bigo silang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi sila lubusang maliligtas at makakamtan ng Diyos. Nakikita nating lahat na sa Kapanahunan ng Biyaya ang gawain ng Panginoong Jesus ay tubusin lamang ang sangkatauhan. Sa panahong ito, ang pananalig sa Panginoon ay tinulutan lamang tayong mapatawad sa ating mga kasalanan, maging karapat-dapat na manalangin sa Diyos, at magtamasa ng lahat ng biyaya ng Diyos, ngunit hindi natin maaaring makamit ang kadalisayan sa panahong ito. Bakit kaya? Dahil likas tayong makasalanan, at madalas tayong magkasala, magrebelde at kumontra sa Diyos, nangako ang Panginoong Jesus na paparito Siyang muli, at ipapahayag Niya ang lahat ng katotohanan na nagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw upang padalisayin ang lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos at dinadala sa harapan ng luklukan ng Diyos. Tulad ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay isang ganap na katuparan ng talata sa Juan: “Kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan.” Kaya ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kasalukuyang abala ang Makapangyarihang Diyos sa gawain ng paghatol sa mga huling araw, at dinadalisay at ginagawang perpekto ang lahat ng humarap sa Kanyang luklukan. Ibig sabihin, ginagawa Niyang perpekto ang matatalinong dalagang iyon na nagbalik sa Kanya matapos marinig ang Kanyang tinig at dadalhin sila sa kaharian ng Diyos. Ang katotohanan na gumawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain para sa pagliligtas ay tinutulutan tayong makita na noon pa man ay lagi nang nagsisikap ang Diyos na gabayan at iligtas ang sangkatauhan. Bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas mataas at mas malalim kaysa nakaraan. Patungkol sa Biblia, isang aklat lamang ito na kailangang basahin nating mga nananalig sa Diyos. Hindi magagawa ng Biblia ang gawain ng Diyos, para gabayan at iligtas ang sangkatauhan.

Ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos. Nang makumpleto na ng Diyos ang isang gawain, itinala ng tao ang Kanyang mga salita at gawain sa mga teksto at ang tinipong teksto ang naging Biblia. Bagama’t kailangang-kailangan ang Biblia sa ating pananampalataya, sa pagtanggap lamang sa gawain ng Banal na Espiritu natin tunay na mauunawaan ang Biblia at ang katotohanan. Totoo iyan. Kaya, sa pananampalataya sa Panginoon kailangan nating sundang mabuti ang mga yapak ng Cordero, tanggapin at sundin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Sa ganitong paraan lamang natin matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at ang pagliligtas ng Diyos. Kung nagbabasa lamang tayo ng Biblia ngunit bigo tayong tanggapin ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi tayo mapapadalisay at maliligtas. Ang totoo, kahit nakatala pa ang lahat ng salita ng Diyos sa Biblia, kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin natin makakayang unawain at alamin ang salita ng Diyos. Para maunawaan ang katotohanan, kailangan nating maranasan at isagawa ang mga salita ng Diyos, kailangan nating matanggap ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Sa gayon lamang natin mauunawaan ang salita ng Diyos, mauunawaan ang katotohanan, at mapapasok ang realidad ng katotohanan. Sapat na ang mga tunay na pangyayari para patunayan na ang susi sa kaligtasan ng tao ay ang gawain ng Banal na Espiritu, ang kasakdalan ng Banal na Espiritu. Ngayon, sino ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Banal na Espiritu ang Diyos Mismo? Ang Biblia ay isang talaan lamang ng gawain ng Diyos noong araw. Kaya paano ito posibleng makahalili sa Diyos Mismo? Kaya tulad ng sinabi ko na, Diyos lamang ang makapagliligtas sa tao, hindi kayang iligtas ng Biblia ang tao. Kung ang pananampalataya ng isang tao ay binubuo lamang ng pagsunod sa Biblia at hindi ng pagtanggap sa mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, kung hindi niya susundan ang bilis ng gawain ng Diyos, pababayaan siya at aalisin. Sa Kapanahunan ng Kautusan, maraming nabigong tanggapin ang gawain ng Panginoong Jesus, sila’y inalis. Yaong mga nananalig sa Panginoong Jesus ngunit bigong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay pababayaan at aalisin din. Masasabi na ang mga taong ito ay bulag at hindi nila kilala ang Diyos. Ang tanging magagawa nila ay pagdusahan ang pinakamalalang epekto ng darating na mga kalamidad, na nananaghoy at nagngangalit ang kanilang mga ngipin.

Ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan ang pinakamahalagang gawain sa plano ng pamamahala ng Diyos na iligtas ang buong sangkatauhan. Ito rin ang huling yugto ng gawain ng Diyos na lubusang padalisayin, iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Kaya kung kakapit lang tayo sa unang dalawang yugto ng gawaing inilarawan sa Biblia ngunit bigo tayong tanggapin ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas ng Cristo ng mga huling araw, hindi tayo maliligtas at makakapasok sa kaharian ng Diyos kailanman. Kahit ilang taon na tayong sumasampalataya, mawawalan ito ng kabuluhan, dahil lahat ng tumatanggi sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay mga kalaban ng Diyos, mga ipokritong Fariseo silang lahat. Talagang walang kaduda-duda ito. Kahit tinanggihan ng mga Fariseo ang Panginoong Jesucristo batay sa Biblia at sa mga huling araw, tinatanggihan ng mga elder at pastor ang gawain ng Makapangyarihang Diyos batay sa Biblia, walang saysay ang kanilang mga argumento. Dahil hindi nila ibinabatay ang kanilang mga argumento sa salita ng Diyos, kundi sa titik ng Biblia. Gaano man karami ang mga argumento nila, sinumang bigong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay isang kalaban at taksil sa Diyos. Sa mga mata ng Diyos, masasamang tao silang lahat, hindi sila kikilalanin ng Diyos kailanman. Ang mga anticristo at walang pananalig na ito na inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay kakailanganing tiisin ang kaparusahan ng mga kalamidad na darating nang nananaghoy at nagngangalit ang mga ngipin. Itinakwil at inalis na silang lahat ng Diyos magpakailanman, at hindi kailanman muling magkakaroon ng pagkakataong makita ang Diyos at matanggap ang Kanyang pagsang-ayon. Ito ang katotohanan. Dito, mauunawaan natin ang isang katotohanan: Hindi maaaring basta-basta na lang katawanin ng Biblia ang Diyos, at tiyak na hindi ito makakahalili sa gawain ng Diyos. Ang Diyos ay ang Diyos, ang Biblia ay ang Biblia. Dahil nananalig tayo sa Diyos, kailangan nating maranasan ang gawain ng Diyos at sundan ang bilis ng Kanyang gawain, kailangan nating kainin at inumin ang salita ng Diyos sa mga huling araw, at kailangan nating tanggapin at sundin ang lahat ng katotohanang ipinapahayag ng Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng pananampalataya sa Diyos. Tuwing nagiging tao ang Diyos para gumawa, kailangan Niyang itakwil at alisin ang mga taong sumusunod lang sa Biblia ngunit bigong kilalanin at sundin ang Diyos. Kaya, masasabi natin nang may tiwala, “Ang pananampalataya sa Diyos ay kailangang nakaayon sa Biblia, ang pagsunod sa Biblia ay tunay na pananampalataya sa Diyos, ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos,” ang mga paggigiit na ito ay puro maling pagkaintindi. Sinumang naggigiit niyon ay bulag at hindi kilala ang Diyos. Kung pangingibabawin ng tao ang Biblia sa lahat ng iba pang bagay at ihahalili ang Biblia sa Diyos, hindi ba siya tumatahak sa landas ng mga Fariseo? Sumunod ang mga Fariseo sa Biblia sa pagkontra sa Diyos, dahil dito ay isinumpa sila ng Diyos. Hindi ba ito totoo?

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Kung ang mga tao ay magkakaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa Diyos ay depende sa kung makakamtan nila ang katotohanan. Kung magawa nila, tunay nilang nakilala ang Diyos; ang mga nakagawa lamang nito ang tunay na nagkakamit ng buhay. Ang mga hindi tunay na kilala ang Diyos ay hindi pa nakamtan ang katotohanan; ang gayong mga tao, kung gayon, ay hindi nagkamit ng buhay. Ito ay tiyak, walang kaduda-duda. Kaya ano ba talaga ang kahulugan ng makamtan ang katotohanan? Kinakailangan nito ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol kay Cristo, sapagkat Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga tao, Siya na nagpapahayag ng lahat ng katotohanan. Ang katotohanan ay nagmumula sa buhay ng Diyos, at isang ganap na pagpapahayag ni Cristo, na ang diwa ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Si Cristo lamang ang nagtataglay ng diwa ng katotohanan at buhay, kaya kapag kilala at natamo mo Siya, tunay mo nang nakamtan ang katotohanan. Mula rito maliwanag na sa mga nananalig sa Diyos, yaon lamang mga nakakakilala kay Cristo at nakatamo sa Kanya ang tunay na nagkamit ng buhay, nakilala ang Diyos, at umani ng buhay na walang hanggan. Ito mismo ang tumutupad sa nakasulat sa Biblia: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya(Juan 3:36). Ang pananalig sa Anak ay walang-alinlangang tumutukoy sa pananalig kay Cristo na nagkatawang-tao. Sa mga taong nananalig sa Diyos, ang mga kumikilala lamang na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ang tunay na makakakilala sa Diyos, maliligtas, at magagawang perpekto; sila lamang ang tatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Sinumang nananalig sa Diyos subalit nagagawa pa ring tanggihan, labanan, o talikuran si Cristo ay isang taong may pananampalataya ngunit lumalaban at nagtataksil din sa Diyos. Dahil diyan, hindi siya magkakamit ng kaligtasan o magagawang perpekto. Kung nananalig ang isang tao sa Diyos ngunit pikit-matang sumasamba at nagpapatotoo sa Biblia habang lumalaban o namumuhi kay Cristo, nagsimula nang tumahak ang taong iyan sa landas ng anticristo at naging kaaway na ng Diyos. Bilang isang anticristo, ang gayong tao ay parurusahan at susumpain ng Diyos, at papasok sa kapahamakan at pagkasira. Para sa mga nananalig sa Diyos, ito ang pinakamalubhang kabiguan at kalungkutan.

Marami ang naniniwala lamang sa isang malabong Diyos sa langit ayon sa Biblia, ngunit hindi naniniwala na ang Diyos ay maaaring maging tao, at ayaw ring tanggapin si Cristo bilang Diyos na nagkatawang-tao, na Tagapagligtas ng tiwaling sangkatauhan, o praktikal na Diyos na nagliligtas sa mga tao. Ang mga taong ito ay hindi alam na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay; bukod pa riyan, hindi sila maaaring makaayon ni Cristo. Tiyak na sila ang uri ng mga tao na nababagot, at namumuhi sa katotohanan. Mababasa nating lahat sa Biblia na ang mga Judiong punong saserdote, eskriba, at Fariseo ay nanalig sa Diyos nang buong buhay nila ngunit tumangging tanggapin ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao, hanggang sa punto na ipinako at pinatay pa nila si Jesucristo. Dahil dito, sila ay naging mga taong lumaban at nagkanulo sa Diyos, at sa gayo’y pinarusahan at isinumpa Niya sila. Sa kabila ng kanilang habambuhay na pananampalataya, hindi nila nakamtan ang mga pagpapala at pangako ng Diyos. Nakakaawa at nakakalungkot ang sinapit nila! Kaya, magtagumpay man ang mga tao sa kanilang pananampalataya, depende na iyan sa kung kilala at natamo nila si Cristo. Ang pinakabuod ng problema ay kung tinanggap na nila ang lahat ng katotohanang ipinahayag ni Cristo, at masunuring naranasan ang lahat ng gawain ng Diyos; kung kaya nilang dakilain at patotohanan si Cristo hanggang sa sila ay maging kaayon Niya. Ito ang tumitiyak sa tagumpay o kabiguan ng kanilang pananampalataya sa Diyos. Gayunman, maraming taong hindi sang-ayon dito; ang tingin nila ay nakahihigit sa lahat ang Biblia, at nagamit pa nga ito upang palitan ang Diyos sa kanilang puso. Kapag pumaparito ang Diyos na nagkatawang-tao para gumawa, maaari talagang ikaila, tanggihan, at kontrahin ng mga taong ito si Cristo. Kung hindi nakaayon ang mga salita at kilos ni Cristo sa ilang panuntunan ng Biblia, ang ginagawa pa ng mga taong ito ay hinahatulan, tinatanggihan, at tinatalikuran Siya. Sa halip na manalig sa Diyos, mas tumpak na sabihin na naniniwala sila sa Biblia. Sa tingin nila, ang Biblia ang kanilang Panginoon, ang kanilang Diyos. Tila para sa kanila ang Diyos, ang Panginoon, ay nasa Biblia, at kumakatawan ito sa Kanya, kaya naniniwala sila na ang katotohanan ay anumang bagay na ganap na sumasang-ayon sa Biblia, samantalang anumang naiiba sa Biblia ay hindi maaaring maging katotohanan. Ang Biblia lamang ang katotohanan. Itinuturing nila ang Biblia na mas mataas pa kaysa sa lahat ng katotohanan; ang paglayo sa Biblia ay paglayo sa katotohanan. Iniisip nila na ang gawain at mga pagbigkas ng Diyos ay yaon lamang nakasulat sa mga pahina nito; ayaw nilang kilalanin ang anumang bagay na maaaring nagawa o nasabi Niya bukod pa sa Biblia. Ang gayong mga tao ay kapareho ng mga Judiong punong saserdote, eskriba, at Fariseo, na Biblia lamang ang kinilala, ngunit hindi kilala ang Diyos kahit ano pa man; at lalong ayaw nilang tanggapin ang pag-iral ng Cristo na nagkatawang-tao. Pinaglaban pa nila ang Biblia at si Cristo, dahil ganap na wala silang kaalaman na Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay; dinakila at pinatotohanan nila ang Biblia at ipinako si Cristo sa krus, sa gayo’y ginawa nila ang napakalaking kasalanang paglaban sa Diyos. Kaya, maaaring nanalig na sila sa Diyos, ngunit hindi naligtas; sa kabilang dako, sila ay naging mga kaaway ng Diyos at anticristo, at nakatadhang parusahan at isumpa Niya. Ito ang tuwirang kinahinatnan ng mga taong nanalig sa Diyos sa relihiyon, na nilinlang at kinontrol ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo, at tumahak sa landas ng anticristo. Ipinapakita nito na totoo ang sabi ng Panginoong Jesus: “At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay(Mateo 15:14). Ang mga taong tulad niyon ay tiyak na hindi maliligtas o magagawang perpekto.

Ang Biblia ay naglalaman ng isang pangungusap na pinakaakmang kumakatawan sa diwa ni Cristo. Ito ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko(Juan 14:6). Sa mga salitang ito, tumpak ang sinabi ng Panginoong Jesus, at inihayag ang pinakamalaking hiwaga ng pananampalataya sa Diyos—ang katotohanan na sa pagkilala at pagkakamit lamang kay Cristo maaaring magtamo ng kaligtasan ang mga tao. Ito ay dahil kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Cristo, saka lamang Niya maililigtas nang lubusan ang sangkatauhan. Si Cristo ang tanging daan para makapasok ang Kanyang mga tupa sa kaharian ng langit, at si Cristo na nagkatawang-tao lamang ang praktikal na Diyos na makapaghahatid ng kaligtasan sa mga tao. Kapag nananalig sila sa Diyos, sa pagtanggap at pagsunod lamang kay Cristo sila makakatahak sa landas patungo sa kaligtasan at pagiging perpekto. Ito lamang ang paraan para maging mga tao sila na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit, at sa gayo’y makapasok sa kaharian ng langit. Mula rito, alam natin na kailangang tanggapin at sundin ng mga nananalig sa Diyos si Cristo na nagkatawang-tao bago sila maligtas, at magawang perpekto, at tumanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Ito ang paraan kung saan itinakda na ng Diyos na manalig ang mga tao sa Kanya at magkamit ng kaligtasan. Sa gayon, ang tanong kung napakahalaga ba na kilala ng mga taong nananalig sa Diyos si Cristo at nakamit si Cristo, at may tuwirang kaugnayan sa kanilang hantungan at kahihinatnan.

Kapag ginugunita natin ang gawaing ginawa ng Panginoong Jesus nang pumarito Siya sa lupa upang pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, nakikita natin na walang sinuman sa mga naniniwala sa relihiyon ang nakakilala o sumunod sa Kanya. Totoo ito lalo na sa mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng Judaismo, na tumangging lahat na kilalanin o tanggapin si Cristo. Bukod pa rito, tinanggihan, hinatulan, at tinuligsa ng mga taong ito ang Panginoong Jesus ayon sa nakasulat sa Biblia. Ipinako pa nila Siya sa krus, sa gayo’y nakagawa sila ng napakalaking kasalanang paglaban sa Diyos at naging mga pangunahing halimbawa ng mga tao sa nakalipas na dalawang libong taon na nananalig sa Diyos ngunit lumalaban at pinagtataksilan Siya, at sa gayo’y kailangang parusahan at isumpa ng Diyos. Ang totoo, bago pa ito, habang nangangaral, nahiwatigan na ng Panginoong Jesus ang katotohanan na ang diwa ng relihiyosong daigdig ay ang kalabanin ang Diyos, at tumpak na tumpak na tuwiran Niyang inilantad ang ugat at diwa ng paglaban ng mga Fariseo sa Diyos: “At kayo’y walang salita niya na nananatili sa inyo: sapagka’t hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo. Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:38–40). Inihayag ng mga salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan at diwa kung paano naniwala ang relihiyosong komunidad sa Diyos na nilabanan noon. Sabay-sabay nitong binigyang-liwanag ang diwa ng kaugnayan sa pagitan ng Biblia at ni Cristo. Walang-alinlangang ito ay isang napakalaking pagliligtas para sa mga taong nananalig sa Diyos. Gayunpaman, sa relihiyosong komunidad ngayon, karamihan sa mga tao ay pikit-mata pa ring naniniwala, sumasamba, at nagpapatunay sa Biblia, na inilalagay ito sa pedestal na mas mataas kaysa kay Cristo at sa mga patotoo ni Cristo. Totoo ito lalo na sa mga lider ng relihiyon at mga pastor na, tulad ng mga Fariseo, ay patuloy na hinuhusgahan, tinutuligsa, at nilalapastangan ang Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw ayon sa Biblia, sa kabila ng katotohanang ipinapahayag Niya. Ang kanilang mga ginawa ay humantong sa panghuling trahedya ng pagpapako kay Cristo sa krus sa ikalawang pagkakataon, at matagal nang pumukaw sa poot ng Diyos. Ang kinahinatnan ay nakapipinsala, sapagkat ang Makapangyarihang Diyos ay nagbabala nang maaga, “Sa aba nilang mga nagpapako sa Diyos sa krus(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan). Samakatuwid ay lubos na kailangang ibahagi nang malinaw ang kaugnayan sa pagitan ng Biblia at ni Cristo upang lahat ay maituring nang tama ang Biblia, tanggapin si Cristo, at sundin ang Kanyang gawain upang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos.

…………

Tungkol sa mga kasulatan, sinabing minsan ng Panginoong Jesus, “ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.” Dito napakalinaw ng salitang binitawan ng Diyos; ang Biblia ay isang pagtitipon lamang ng mga patotoo tungkol sa Kanya. Nauunawaan nating lahat na ang Biblia ay isang tunay na talaan ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Sa madaling salita, ito ang patotoo ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, na tinatapos ang patnubay at pagtubos sa sangkatauhan pagkatapos ng paglikha ng kalangitan at lupa at lahat ng bagay, pati na ng sangkatauhan. Mula sa pagbabasa ng Biblia, nakikita ng lahat kung paano inakay ng Diyos ang mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan at tinuruan silang mamuhay sa Kanyang harapan at sambahin Siya. Nakikita rin natin kung paano tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya at pinatawad sila sa lahat ng kanilang nakaraang mga kasalanan habang binibigyan sila ng kapayapaan, kagalakan, at lahat ng uri ng biyaya. Hindi lamang nakikita ng mga tao na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan patuloy silang ginabayan, kundi na pagkatapos niyon ay tinubos Niya sila. Samantala, naglaan at pinrotektahan din ng Diyos ang sangkatauhan. Bukod pa rito, mababasa natin mula sa mga propesiya sa Biblia na sa mga huling araw, magliliyab na parang apoy ang mga salita ng Diyos upang hatulan at linisin ang Kanyang mga tao. Ililigtas ng mga ito ang sangkatauhan mula sa lahat ng kasalanan at tutulungan tayo na makatakas mula sa madilim na impluwensya ni Satanas upang tayo ay ganap na makabalik sa Diyos at sa huli ay magmana ng Kanyang mga pagpapala at pangako. Ito ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang, “ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.” Samakatuwid, makikita ng sinumang matiyagang magbasa ng Biblia ang ilan sa mga kilos ng Diyos at makikilala ang Kanyang pag-iral at ang pagka-makapangyarihan at karunungang ginamit Niya sa paglikha, na nangingibabaw, at kumokontrol sa lahat ng bagay sa langit at sa lupa. Kaya, ang Biblia ay lubhang makahulugan sa mga tao sa pananalig sa Diyos, pagkilala sa Diyos, at pagtahak sa tamang landas ng pananampalataya. Sinumang matapat na nananalig sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan ay makakahanap ng isang layunin at direksyon sa buhay sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia, at matututong manalig sa Kanya, umasa sa Kanya, sumunod sa Kanya, at sumamba sa Kanya. Lahat ng ito ay mga epekto ng patotoo ng Biblia sa Diyos; hindi ito maikakailang katotohanan. Gayunman, nagpahayag din ang Panginoong Jesus ng mas mahalagang punto nang sabihin Niyang, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan” at “At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay.” Ang mga salitang ito ay napakahalaga! Kung nais makamit ng mga taong nananalig sa Diyos ang katotohanan at buhay, na umaasa lamang sa patotoo ng Biblia ay hindi sapat; kailangan din nilang lumapit kay Cristo upang makamit ang katotohanan at buhay. Ito ay dahil si Cristo lamang ang maaaring magpahayag ng katotohanan, tumubos sa sangkatauhan, at magligtas sa sangkatauhan. Ang Diyos ang Siyang nagbibigay sa atin ng buhay. Hindi maaaring pumalit ang Biblia sa lugar ng Kanyang kapangyarihan, lalo na sa gawain ng Banal na Espiritu, at hindi nito kayang magkaloob ng buhay sa mga tao para sa Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap at pagsunod kay Cristo natin makakamtan ang gawain ng Banal na Espiritu at matatamo ang katotohanan at buhay. Kung maniniwala lamang ang mga tao sa Biblia nang hindi tinatanggap ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, hindi sila magtatamo ng buhay, dahil ang Biblia ay hindi ang Diyos; patotoo lamang ito sa gawain ng Diyos. Sa pananalig sa Diyos, dapat nating maunawaan na may mga yugto sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan; tatlong yugto ng gawain ang kailangan upang lubusang iligtas ang sangkatauhan mula sa impluwensya ni Satanas, upang tunay silang makabalik sa Diyos at makamtan Niya. Samakatuwid, bawat yugto ng gawain ng Diyos na nararanasan ng mga tao ay naghahatid sa kanila ng bahagi ng Kanyang pagliligtas. Sa pamamagitan lamang ng pagsunod na maigi sa bilis ng gawain ng Banal na Espiritu at pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw natin matatanggap ang sapat at buong pagliligtas ng Diyos. Halimbawa, sa kanilang pananalig sa Diyos na si Jehova, natamasa lamang ng mga Israelita ang pangako ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan. Kung hindi nila tinanggap ang pagliligtas ni Jesucristo, hindi sila mapapatawad sa kanilang mga kasalanan, lalo nang hindi sila magtatamasa ng kapayapaan, kagalakan, at saganang biyayang ipinagkakaloob ng Diyos; ito ay isang katotohanan. Kung tatanggap ng mga tao ang pagtubos ng Panginoong Jesus para lamang mapatawad sa kanilang mga kasalanan, at matamasa rin ang maraming biyayang ipinagkakaloob ng Diyos, ngunit hindi tinatanggap ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw, hindi nila matatamo ang katotohanan o buhay, ni hindi nila mababago ang kanilang disposisyon sa buhay. Sa gayon, hindi sila magiging karapat-dapat na magmana ng mga pangako ng Diyos at makapasok sa kaharian ng langit. Bawat yugto ng gawain ng Diyos ay may sariling bunga at mas mataas kaysa huli. Pinupunan ng mga yugtong ito ang bawat isa; hindi maaaring laktawan kahit isa. Unti-unti silang humahantong sa pagiging perpekto. Kung hindi tatanggapin ng isang tao ang isa sa mga yugto ng gawain ng Diyos, ang makukuha lamang ng taong iyon ay isang bahagi ng Kanyang kaligtasan, hindi ang kabuuan nito. Ito ay isa ring katotohanan. Kung ang mga tao ay naniniwala lamang sa Biblia nang hindi tinatanggap si Cristo sa mga huling araw, sila ay magiging mga taong lumalaban at nagtataksil sa Diyos. Dahil dito, mawawala sa kanila ang huli at ganap na pagliligtas ng Diyos. Sa madaling salita, ang mga taong nananalig lamang sa Panginoong Jesus at hindi tumatanggap sa pagliligtas na dala ng Kanyang pagbabalik—ang Makapangyarihang Diyos—sa mga huling araw, masisira sa kalagitnaan ang kanilang pananampalataya, at mababalewalang lahat. Kaawa-awa naman sila kung magkagayon! Nakapanghihinayang! Samakatuwid, ang hindi pagtanggap kay Cristo na nagkatawang-tao ay humahantong sa hindi pagkakamit ng buhay. Sa paniniwala lamang sa Biblia, hindi maliligtas o magkakamit ng buhay ang mga tao, at hindi nila makikilala ang Diyos kailanman, dahil ang Biblia ay hindi ang Diyos; ito ay patotoo lamang sa Kanya. Kaya, kung naniniwala lamang ang mga tao sa Biblia nang hindi tinatanggap si Cristo, hindi nila matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang resulta, hindi sila maililigtas ng Diyos; maaari lamang Niya silang alisin. Walang kaduda-duda ito. Ito ay isang katotohanang makikita sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia. Bukod pa rito, ito rin ang pangunahing dahilan kaya nananalig sa Diyos ang mga lider ng mga relihiyon at ang mga pastor ngunit lumalaban sa Diyos, na humahantong sa kabiguan sa kanilang pananampalataya.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paano nabuo ang Biblia? Anong ba talaga ang Biblia?

Maraming Kristiyano ang nagbabasa ng Bibliya araw-araw, kaya alam mo ba kung paano nabuo ang Bibliya at anong uri ng aklat ito? Basahin ang artikulong ito para matuto pa at malalaman mo kung paano dapat tratuhin nang tama ng mga Kristiyano ang Bibliya.