Pinanghahawakan ng mga relihiyosong pastor at elder ang mga salita ni Pablo sa Biblia: “Lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” (2 Timoteo 3:16), naniniwalang lahat na nasa Biblia ay mga salita ng Diyos. Pero sinasabi mo na ang Biblia ay hindi lahat mga salita ng Diyos, kaya tungkol saan ang lahat ng ito?
Sagot:
Una sa lahat, kailangan nating maintindihan kung paano nabuo ang Biblia, at kailan ito nagawa. Ang orihinal na aklat ng Biblia ay tumutukoy sa Lumang Tipan. Ang mga Israelita, iyon ay, ang mga Judio, tinawag lang ang Lumang Tipan na Biblia. At pagkatapos, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus ay gumawa ng yugto ng gawain ng pagtubos. Mahigit sa tatlong daang taon pagkatapos ng Panginoon, ang mga pinuno ng iglesia ng panahong iyon ay nagsama-sama para magpatawag ng pulong. Naniwala sila na ang mga huling araw ay nalalapit na at ang mga salitang sinabi ng Panginoong Jesus, at ang mga liham na isinulat ng mga disipulo, ay dapat sama-samang mabuod para bumuo ng isang aklat katulad ng Lumang Tipan, at ipinadala sa mga iglesia sa lahat ng lugar. Sa ganitong paraan ang mga sulatin ay mapangangalagaan nang mabuti at ang buhay ng mga iglesia ay maaaring ilagay sa tamang landas. Samakatuwid, pinagbukod-bukod nila at pinagsama-sama ang lahat ng sulatin ng mga apostol at disipulo ng Panginoong Jesus at di-nagtagal, matapos sumailalim sa pananaliksik, pinagpasyahan nila ang hinalaw na dalawampu’t pitong mga akda para maging opisyal na panuntunan ng Bagong Tipan. Pinagsama nila pagkatapos ang dalawampu’t pitong akda ng opisyal na panuntunan ng Bagong Tipan at ang Lumang Tipan para maging kabuuang nilalaman ng Biblia. Ito ang batayan ng paggawa ng buong aklat ng mga Bago at Lumang Tipan. May ilang naniniwala na ang lahat sa Biblia ay kinasihan ng Diyos; partikular sa, sinabi ni Pablo nang panahong iyon: “Lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios.” May katunayan sa likod ng mga salitang ito. Sa panahong sinabi ang mga iyon, wala pang Bagong Tipan dahil ang Bagong Tipan ay hindi pa nagiging aklat at mga dose-dosenang hiwa-hiwalay na mga liham pa na nasa pangangalaga ng bawat iglesia. Sa ganitong uri ng saligan, ano ba talaga ang tinutukoy ng mga salita ni Pablo? Siyempre, pagtukoy ang mga iyon sa Lumang Tipan. Samakatuwid, ang pahayag ni Pablo sa 2 Timoteo na “Lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” ay nakadirekta sa Lumang Tipan, hindi sa Bagong Tipan. Ito ay isang katunayan. Gayunpaman, ang mga tao sa mga huling araw ay kinuha ang “kasulatan” na sinabi ni Pablo para ipakahulugan ang buong kasulatan ng mga Luma at Bagong Tipan. Salungat ito sa mga katunayan sa panahong iyon at kasalungat ng saligan sa kung ano ang sinabi ni Pablo sa panahong iyon. Samakatuwid, hindi ito umaayon sa mga katunayan at umaakma sa kategoryang may kiling at mga maling pakahulugan. Bukod pa rito, kung sinasabi na ang Lumang Tipan ay kinasihan ng Diyos, ito ba ay may katuturan? Ano ba ang kinakatawan ng “kinasihan ng Diyos”? Ano ang kahulugan ng “kinasihan ng Dios”? Sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, si Moises ay naging pinuno ng mga Israelita at isang ministro na itinakda ng Diyos, iyon ay, isang taong pinamunuan ang bayan ng Israel palabas ng Ehipto, at ipinaabot ang mga kautusan ng Diyos. Ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Moises. Si Moises ang may pinakamalaking awtoridad para ipaliwanag ang Lumang Tipan at walang pagka-marapat nito ang iba. Kung gayon, sa Limang Aklat ni Moises, sinabi ba niya na ang kanyang sinulat ay kinasihan ng Diyos? Una, ito ay hindi sinabi ni Moises; pangalawa, sa lahat ng propetang iyon na siyang ginamit ng Diyos sa kapanahunan ng Lumang Tipan, wala sa mga pinakadakilang propeta, sina Isaias, Daniel, at Ezekiel, ang nagsabi ng mga ganitong salita. Ang pangungusap na “Lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” ay sinabi lang kalaunan ni Pablo, at samakatuwid hindi ito maaaring lubusang ituring na katibayan. Kung sinabi ng Diyos na ang Lumang Tipan ay kinasihan lahat ng Diyos, sinabi na Niya sana sa pamamagitan ng mga propeta ngunit hindi ito lumilitaw sa mga salita ng mga propeta. Kung tinanggap ni Moises ang pananaw na ito, sinabi na niya sana, ngunit walang ganoong mga salita sa sinabi ni Moises. Ito ang uri ng pag-unawa na dapat nating taglayin tungkol sa paggawa ng Biblia at ng balangkas nito. Ito’y maaaring sabihin bilang ang kuwentong napapaloob sa Biblia na nagbibigay-daan sa ating malaman kung paano talaga nabuo ang Biblia, sino ang sumulat nito, at sino ang gumawa ng talaan nito. Ang Biblia ay may ilang dosenang may-akda na may magkatulad na pag-unawa at magkatulad na pananaw. Ilan sa kanila ang nagsabi na ang lahat ng ito ay kinasihan ng Diyos? Sinabi ni Pablo sa panahong iyon, na ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nakatuon sa Lumang Tipan. Ano ang napakahulugan matapos ang ilang daang taon? Sinasabi na ang buong Lumang Tipan at Bagong Tipan ay kinasihan ng Diyos. Hindi ba’t ang naturang pakahulugan ay medyo malayong mangyari at di-kapani-paniwala?
Matapos ang paglitaw ng Bagong Tipan at ang kombinasyon nito sa Lumang Tipan, sa pagbabasa sa mga salita ni Pablo, naniwala ang mga tao na ang “kasulatan” sa mga salita ni Pablo ay sinaklaw ang Lumang Tipan at Bagong Tipan. Kung nabubuhay pa si Pablo, at narinig niya ang naturang paliwanag ng mga sumunod sa kanya, agad niya itong kokontrahin, ipinapahayag na: “Ang aking sinabi nang oras na iyon ay tumutukoy sa Lumang Tipan, hindi nito kasama ang Bagong Tipan.” Bukod pa rito, ano ang magiging posisyon ni Pablo, ni Pedro at iba pa na sumulat ng mga epistola ng Bagong Tipan, kapag nakita nila ang mga tao sa mga denominasyon ng mga huling araw na itinuturing ang mga epistolang kanilang isinulat na tila ito ay mga salita ng Diyos? Matatanggap ba nila ang katotohanang ito? Ano ang kanilang masasabi? Sasabihin nilang: “Naku, nakapag-aalala ito. Nakagawa ka ng isang malaking pagkakamali-ikaw ay nakagawa ngayon ng erehiya. Tayong lahat ay magkakapatid, ano man ang aming sinabi ay hindi kumakatawan sa salita ng Diyos. Napakabulag mo naman, paano mo tinanggap ang aming mga salita bilang salita ng Diyos?” Magugulat sila, di ba? Hindi agad isinulat nila Pablo at Pedro ang kanilang mga epistola matapos ang pag-akyat sa langit ng Panginoong Jesus. Tatlumpung taon pa matapos ang pag-akyat sa langit ng Panginoong Jesus na ang kanilang epistola ay lumabas nang magkakasunod. Hindi sila pormal na nagsimulang nagsulat ng mga epistola matapos mangaral ng dalawampu o tatlumpung taon. Matapos ang mga sulat na ito na kanilang isinulat ay naipadala sa mga iglesia, paano tiningnan ng mga kapatid sa iglesia ang mga ito? Maaari bang sinabi nila “Ito ay tinig ng Diyos, ito ay salita ng Diyos!”? Sasabihin ba nila ito? Sasabihin sana nila: “Ito ay liham mula kay Kapatid na Pedro, tingnan ninyo, talagang maganda ang kanyang isinulat sa liham na ito, nakakapagpaliwanag talaga ito,” “Ito ay liham mula kay Kapatid na Pablo,” “Ito ay liham mula kay Barnabas,” “Ito ay liham mula kay Mateo.” … Sa panahong iyon, maaari kayang napagkamalan ng ilan ang mga epistolang ito mula sa mga disipulo bilang salita ng Diyos? Isang daang porsiyentong hindi, dahil sina Pedro, Mateo at ang iba pang mga alagad ay hindi kailanman sinabi na sila ay Diyos, ni hindi sila kailanman nagsabi na sila ay Diyos na nagkatawang-tao. Kinilala nilang lahat na sila ay mga mananampalataya ng Panginoong Jesus, na sila ay naging mga disipulo ng Panginoong Jesus. Samakatuwid, ang mga kapatid sa mga iglesia sa panahong iyon ay nakita rin sila bilang mga kapatid, at kinuha ang kanilang mga liham at ang kanilang sinabi bilang mga salita ng mga kapatid, komunikasyon ng mga kapatid, at pagsaksi ng mga kapatid. Ganap na tama ito at umaayon din sa makasaysayang pinagmulan. Subali’t, itinuturing ng mga tao ngayon na salita ng Diyos ang mga salita ng mga disipulo, at binabanggit ang mga ito kasabay ng salita ng Diyos; hindi ba ito sumasalungat sa makasaysayang katotohanan ng panahon? Ang mga tao ngayon ay nangangahas na sumalungat sa makasaysayang katotohanan nang dilat na dilat ang mga mata at itinuturing ang mga salita ng mga taong ito bilang salita ng Diyos nang hindi nakakaramdam na sila ay nagkakamali. Kung may isang tao na maglalantad ng katotohanang ito, babanggitin ang mga salita ng Biblia para ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Mayroon bang anumang batayan para sa mga ganoong salita? Ano ang kanilang tinutukoy? Naiintindihan mo ba ang mga ito? May mga salita na parang ganito sa mga liham ng mga disipulo: Nabanggit ni Pedro na ang mga salita, ang mga epistola, ni Kapatid na Pablo ay naglaman ng kaliwanagan at gawain ng Banal na Espiritu. Nguni’t hindi sinabi ni Pedro na ang mga salita ni Pablo ay mga salita ng Diyos. Hindi sinabi ni Pedro na ang mga salita ni Pablo ay kinasihan ng Banal na Espiritu at dapat silang ituring bilang salita ng Diyos, at kung hindi ikaw ay nagkamali. Hindi rin nangahas na sabihin ni Pablo na ang kanyang mga salita ay ibinunyag ng Diyos, na ang mga ito ay kinasihan ng Diyos. Ni hindi si Pablo o si Pedro ay nangahas na sumaksi na ang mismong sinabi nila ay ang salita ng Diyos, kaya paano magagawa ng mga mananampalataya sa mga huling araw na ituring ang kanilang mga salita bilang salita ng Diyos? Anong pagkakamali ang ginagawa nila? Masasabi mo ba na ang mga tagapagsalin ng mga kasulatan sa buong mundo ng relihiyon ay naintindihan ang mga ito nang tama o hindi? Sa pagharap sa ganoong malaking kakatwang pagkakamali, wala silang kamalay-malay dito, walang kaalaman dito at hindi ito nakikita. Ang mismong mga taong ito ay walang katotohanan at hindi nakakakita sa mga bagay; gayon pa man, ang ibang mga tao ay bulag silang sinasamba. Ang paniniwala ng mga tao sa Diyos ay paniniwala sa tao nang bulag, paniniwalaan nila kung ano man ang sinabing paniwalaan nila. Ang mga relihiyosong tao ay mapamahiin tungkol sa Biblia, sinasamba ito, at inilulugar ito na mas mataas sa Diyos, iniisip na ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos, at lahat ay dapat naaayon sa Biblia. Pinanghahawakan nila ang mga naturang mapamahiing paniniwala at pagsamba tungkol sa Biblia. Hindi ba ito’y kakatwang pagkilos? Paano pinanghahawakan ng mga tao ang mapamahiing paniniwala tungkol sa Biblia? Ginagawa nila ito kapag hindi nila ito itinuturing alinsunod sa mga makasaysayang katotohanan. Hindi nila tunay na hinahangad ang katotohanan at itinuturing ang Biblia ayon sa kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, nguni’t sa halip ay bulag nilang sinasamba ang sikat na mga tao. Kahit sino man ang nagsabi ng ano man, itinuturing nilang tama ang lahat ng ito, at tinatanggap ang lahat ng ito, at isinasagawa ito nang walang pinipili. Wala bang kamalian si Pablo? Eksakto ba ang kanyang sinabi? Siya ay tao rin, paano naging posible para sa isang tao na hindi maging marumi? Samakatuwid, hindi ba isang pagkakamali na sa Kapanahunan ng Biyaya, isinama ng mga tao ang mga liham ng mga disipulo sa salita ng Diyos at inayon ang mga ito kasama ang salita ng Diyos? Ang mga salita ng Diyos sa Biblia ay ang mga salita ng Diyos, habang kung ano ang sinabi ng tao ay salita ng tao. Aling mga salita sa Biblia ang salita ng Diyos? Dapat nating mabatid ang mga ito. Ang lahat ng sinabi ng Diyos Mismo na si Jehova, kung ano ang inutos na sabihin ng Diyos na si Jehova kay Moises, ano ang inutos na sabihin ng Diyos na si Jehova sa mga propeta, kung ano ang sinabi sa mga propeta na ipahayag, at gayon din kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus Mismo, tanging ang mga ito ang tunay na salita ng Diyos. Nakakita ka ba ng isang bagay sa mga salita ng mga propeta na partikular na simboliko? Sinasabi nila “Kaya sinabi ni Jehova,” “Ito ang sinasabi ni Jehova,” hindi nila sinabing “Kaya sinabi ko, akong si Daniel (akong si Isaias).” Ang mga salitang ito ay nagbibigay linaw sa mga tao na kinokopya ng mga propeta ang orihinal na mga salita ng Diyos. Samakatuwid, ang lahat ng orihinal na mga salita ng Diyos na inihatid ng mga propeta ay tunay na salita ng Diyos, ang lahat ng naitala na sinabi ng Diyos Mismo na si Jehova ay ang tunay na salita ng Diyos, at ang lahat ng naitala ng mga disipulo na sinabi ng Panginoong Jesus Mismo ay ang salita ng Diyos. May bahagi lang ng Biblia na tunay na salita ng Diyos at maliban doon, ang lahat ng sinabi ng mga disipulo at mga bagay na naitala ng mga lingkod ng Diyos ay pagsaksi ng mga tao. Sa sandaling tayo ay magsalita tungkol sa pagsaksi ng mga tao, nagkakaroon ng problema. Minsan ang sinasabi natin ay hindi kumpleto o hindi matibay-nagkukulang ito ng mga bagay. Sa Kanyang gawain sa mga huling araw sinabi ng Diyos na sa mga panahong iyon mayroong ganitong uri ng katotohanan. Halimbawa, ang mga kalagayan ni Pablo ay ganito’t ganyan, ang kalagayan ni Pedro ay ganito’t ganyan, at iba pa. Dinadagdagan ng Diyos ang mga ito sa Kanyang gawain sa mga huling araw. Samakatuwid, makikita natin mula rito na ang anumang sinabi ng tao ay hindi lubos na umaayon sa tunay na pinagmulan; ibinubunyag ng Diyos ang isyung ito sa Kanyang gawain sa mga huling araw.
—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas
Dahil sa mga sulat ni Pablo minsang binanggit na ang lahat ng kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, pagkatapos, ang mga grupong pangrelihiyon ay nagsimulang limitahan ang lahat ng nakasulat sa Biblia bilang ang inspirasyon ng Diyos, at bilang mga salita ng Diyos. Ang sinabi ni Pablo ay walang batayan, sapagka’t ang Diyos ay hindi kailanman nagpatotoo sa Biblia sa ganitong paraan, ni sinabi kailanman ng Panginoong Jesus na ang Biblia ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at ang ganap na salita ng Diyos. Ang patotoo ni Pablo sa Biblia ay batay lamang sa kanyang indibidwal na kaalaman dito; siya ay hindi ganap na nagsasalita sa ngalan ng Diyos. Ang Banal na Espiritu at ang Diyos na nagkatawang-tao lamang ang nakakaalam ng panloob na kuwento sa kung ano patungkol ang Biblia, at ang mga tao ng paglalang ay hindi ito naunawaan nang husto. Ito ay katotohanan. Sinabi lamang ng Panginoong Jesus na ang Biblia ay patotoo ng Diyos; hindi Niya sinabi na ito ay inspiradong lahat ng Diyos at ang salita ng Diyos. Ni ang Banal na Espiritu ay hindi kailanman nagbigay ng gayong patotoo tungkol sa Biblia sa sinuman. Kaya, ang sinabi ni Pablo ay walang saligan. Hindi siya nagsasalita sa ngalan ng Diyos, kahit man lang sa Banal na Espiritu. Ang mga nilalaman ng Biblia ay talaan lahat ng aktwal na pangyayari at mga patotoo ng mga karanasan na may kaugnayan sa gawain ng Diyos, na isinulat ng mga taong naglingkod sa Kanya. Wala sa mga kabanata ang isinulat ng Diyos Mismo; ang kanilang mga may-akda ay naghahatid lamang ng salita ng Diyos o naglalarawan ng kanilang sariling mga karanasan at pagkaunawa, na naliwanagan at pinaliwanag ng Banal na Espiritu, upang sumaksi sa pangalan at gawain ng Diyos. Ito ay katotohanan. Bagaman ang mga nakasulat na mga salaysay at mga sulat ng mga apostol ay naliwanagan ng Banal na Espiritu, hindi sila kumakatawan sa salita ng Diyos, sapagka’t ang Banal na Espiritu ay pinaliliwanag, nililiwanagan, at gumagabay sa bawat tao ayon sa kanyang indibidwal na sitwasyon para maabot niya ang pagkaunawa sa katotohanan at tamuhin ang kaalaman ng Diyos. Ito ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya, ang kaliwanagan at pagpapalinaw na dulot ng gawain ng Banal na Espiritu ay hindi katumbas ng salita ng Diyos; ang mga pagbigkas ng Diyos ay kumakatawan sa disposisyon sa buhay ng Diyos at dinadalang lahat ang diwa ng katotohanan. Walang pangungusap na sinalita ng Diyos ang kailanma’y maaaring ganap na maranasan ng mga tao, sapagka’t ang Kanyang mga pagbigkas ay naglalaman ng napakaraming diwa ng katotohanan para ating maunawaan sa loob ng limitadong karanasan ng isang habambuhay. Dahil dito, kahit na gaano karaming tao pa ang maunawaan ang katotohanan o makilala ang Diyos, hindi nila kailanman magagawang maipahayag ang Kanyang salita. Tila, ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ay nagbibigay lamang sa mga tao ng ilang liwanag at patnubay upang sa pamamagitan nito ay maunawaan ang katotohanan; walang saysay kahit na gaano pa kalalim ang kanilang mga karanasan at maging ang kanilang mga patotoo, ang mga ito ay hindi dapat na banggitin man lang kasabay ng mga pagbigkas ng Diyos. Dahil ang diwa ng mga tao at ang diwa ng Diyos ay kasing-iba ng gabi at araw, ang mga tao ay hindi kailanman magagawang magpahayag ng salita ng Diyos; si Cristo lamang na pinagkalooban ng diwa ng pagka-Diyos ng Diyos ang kayang gawin ito. Ang mga propeta ay kaya lamang maghatid ng salita ng Diyos; kahit ang mga tao na ginagamit ng Banal na Espiritu ay kaya lamang salitain ang kanilang sariling mga karanasan at kung ano ang kanilang nasaksihan sa kanilang sarili. Ang mga tao ay kaya lamang magpahayag ayon sa kanilang sariling diwa; ang kanilang pagsasabuhay naman ang nagtatakda ng kanilang mga patotoo. Ang Diyos ay nagtataglay ng diwa ng pagka-Diyos, kaya likas Niyang ipinahahayag ang salita ng Diyos; tayong mga tao ay may diwa ng pagkatao, kaya ang ating naipahahayag ay likas na batay sa ating mga karanasan at kung ano ang ating nasaksihan. Dahil dito, bukod sa mga bahagi na mga salita ng Diyos na inihahatid ng mga tao, ang natitira ay walang alinlangan na mga salaysay ng mga karanasan at pagkaunawa ng tao. Kahit na ang mga ito ay maaaring nakalinya sa katotohanan, ang mga ito ay talagang hindi maikukumpara sa salita ng Diyos, sapagka’t ang diwa ng sangkatauhan ay napakalayo mula sa diwa ng Diyos. Samakatuwid, habang binabasa ang Biblia, dapat tayong gumawa ng isang malinaw na pag-iiba sa pagitan ng mga bahagi na naglalaman ng salita ng Diyos at yaong sinalita ng mga tao. Sa gayong paraan lamang natin mapakikitunguhan nang responsable ang Biblia at sa paraan na tumatalima sa kalooban ng Diyos. Higit pa rito, kapag ang relihiyosong komunidad ay nagpapahayag na ang lahat ng nakasulat sa Biblia ay salita ng Diyos, ito ay hindi naaayon sa mga makasaysayang katotohanan ng panahon. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Banal na Espiritu ay hindi kailanman sumaksi na sabihin na ang mga sulat at patotoo na isinulat ng mga apostol ay inspirasyon ng Diyos. Bukod dito, ang mga apostol mismo ay hindi rin kailanman sinabi na ang kanilang sinulat ay nagmula sa inspirasyon ng Diyos; ni hindi nila pinangahasang ipahayag na ito ay aktwal na salita ng Diyos. Ang mga sulat na ipinadala sa mga iglesia sa panahong iyon ay nakitang lahat bilang mga sulat na isinulat ng mga apostolikong kapatid; wala ni isa man sa kanilang lahat ang nagsabi na ang mga iyon ay salita ng Diyos at inspirado ng Diyos. Ito ay ang katotohanan noon. Ito ay hindi na ba katotohanan ngayon? Ngayon, sa mga huling araw, ang mga tao na iginigiit na ang mga sulat ay ang salita ng Diyos ay sumasalungat sa mga makasaysayang katotohanan! Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga lingkod ng Diyos at mga propeta ay hindi nagsabi na ang kanilang mga salita ay mga inspirasyon ng Diyos, ni ang mga ito ay salita ng Diyos. Sa mga aklat naman na kanilang isinulat, ang mga Israelita sa panahong iyon ay tiyak na nakita ang mga ito na isinusulat ng mga lingkod o mga propeta ng Diyos. Bukod sa mga salita ng Diyos na kanilang ipinahayag, ang iba ay maaaring ikategorya bilang mga talaan ng gawain ng Diyos. Kung ang mga Israelita ay hindi kailanman nagpatotoo na ang mga aklat na isinulat ng mga lingkod at mga propetang ito ay mga inspirasyon at mga pagbigkas lahat ng Diyos, paano kung gayon magagawa ng mga taong nabubuhay makalipas ang dalawang libong taon na sumalungat sa mga makasaysayang katotohanan ng panahong iyon? Paano magagawa ng mga tao na malayang igiit na ang mga salita ng Biblia na isinulat ng mga tao ay tunay na salita ng Diyos? Ito ay hindi alinsunod sa mga makasaysayang katotohanan! Ang pamahiin at idolatriya na kung saan tinatanaw ng mga tao sa mga huling araw ang Biblia ay mahiwagang nagmulang ganap sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao; sila ay wala talagang batayan sa salita ng Diyos. Ang kaugaliang ito sa gitna ng relihiyosong komunidad na walang taros na pagsunod sa Biblia ay nakaliligaw, at paglaban sa Diyos. Ganito kung paanong ang lakas ng anticristo ay nakapagliligaw sa mga tao at nililito sila papunta sa mga pamahiin at huwad na pagsamba sa Biblia. Ito ay naging sanhi upang ang napakaraming sekta ay mabuo, pinabubulusok ang buhay sa iglesia at mga buhay ng mga tao sa kaguluhan at nagiging sanhi ng maraming negatibong mga bunga. Sa puntong ito, ang mga tao ay dapat na pagnilayan ang kanilang mga sarili, makilala kung ano ang nangyayari, at hanapin ang katotohanan upang malutas ang problemang ito at maiwasang maligaw mula sa tamang landas.
—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas
Ipinasya ng mga pastor at elder sa mundo ng relihiyon na lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos dahil sinabi ni Pablo na “Lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” (2 Timoteo 3:16), at hangga’t nakakapit tayo sa Biblia ay madadala tayo sa kaharian ng langit. Naniniwala rin dito ang maraming taong nananalig sa Panginoon, lalo na sa mga huling araw. Nguni’t naaayon ba ang ganitong klaseng pananaw sa katotohanan at mga tunay na pangyayari? Ang Panginoong Jesus ba ang nagsabi na “Lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios”? Sinabi ba ito ng Banal na Espiritu? Hindi. Sinabi ni Pablo ang mga salitang ito. Nguni’t batay sa mga salita ni Pablo, itinuturing ng maraming tao ang bawat salita sa Biblia na mga inspirasyon mula sa Diyos, na lahat ng ito ay salita ng Diyos. Hindi ba malaking kamalian iyan? May ilang tao ring naniniwala na kahit nagmula sa mga tao ang mga salitang ito, basta’t nakatala ang mga ito sa Biblia, salita rin ito ng Diyos. Hindi ba pag-aakala at kakatwa ang pananaw na ito? Dapat nating malinawan ang katotohanan na ang Biblia ay isa lamang patotoo ng Diyos, isang talaan ng gawain ng Diyos. Ang Biblia ay produkto ng gawaing isinagawa ng Diyos para iligtas ang lahi ng tao. Bawat yugto ng gawain ng Diyos ay puno ng labanan sa pagitan ng Diyos at ng masasamang puwersa ni Satanas, kaya, ang nakatala sa Biblia ay hindi lamang ang salita ng Diyos, kundi mga salita rin mula sa iba’t ibang tao, pati na mga salita ni Satanas. Walang dudang totoo ito. Kung sasabihin natin na lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos, mapaninindigan ba ang pahayag na ito? Hindi ba nito binabaluktot ang mga katotohanan, napagkakamalian ang tama at mali? Paano tayo nagkamali sa pag-unawa? Bakit hindi na lang natin masabi ang mga bagay-bagay batay sa mga katotohanan? Alam ng sinumang nakabasa ng Biblia na sa Biblia ay may mga usapan sa pagitan ng Diyos at ni Moises, Diyos at ni Job, ng Diyos at ng Kanyang mga piling tao, at maging ng Diyos at ni Satanas, kaya paano naging salita ng Diyos Mismo ang mga salitang sinambit ng mga taong kumakausap sa Diyos? Hindi ba kakatwa iyon? Kaya, ang pagsasabi na lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos at salita ng Diyos ay isang pahayag na hindi talaga mapaninindigan! Nakakapit pa rin ang ilang kakatwang tao sa ideya na ang mga salitang sinambit ng mga tao at ni Satanas sa Biblia ay pawang mga salita ng Diyos. Lubos itong salungat sa mga katotohanan, tuwiran nitong dinudumihan ang Diyos, nilalapastangan ang Diyos at seryosong nagkakasala sa disposisyon ng Diyos! Ang salita ng Diyos ay salita ng Diyos, ang salita ng tao ay salita ng tao, at ang salita ni Satanas ay salita ni Satanas, ano ang nakakalito riyan? Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan magpakailanman, ang mga salita ng tao ay hindi katotohanan magpakailanman-sa pinakahigit ay nakakaayon ang mga ito sa katotohanan, at mabuti iyan. Ang mga salita ni Satanas ay mga kabulaanan at kasinungalingan magpakailanman. Kahit binigkas pa ang mga ito nang sampung libong beses, mga kabulaanan, kasinungalingan, at walang katuturan pa rin ang mga ito! Dapat tanggapin ng matatalinong tao ang katotohanang ito. Mga mangmang at matitigas ang ulo lang ang naggigiit sa mga kakatwang pananaw.
Tungkol sa tanong na ito, basahin natin ang dalawa pang sipi mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos para mas maunawaan natin ang mga bagay-bagay. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Biblia ay Diyos, at na ang Diyos ay Biblia. Kaya, naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita lamang na sinabi ng Diyos, at na lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama’t lahat sa animnapu’t anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, lahat ng ito ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, at isang talaan ng mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang maling pakahulugan ng mga tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng tao, resulta lahat ito ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa mga iglesia, mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain na nakita ni Juan. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Filadelfia, Galacia, at iba pang mga iglesia. Sa gayon, ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito mga direktang pagbigkas ng Banal na Espiritu. … Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang sinabi na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang makalangit na aklat? Maaari bang mapagwalang-bahalang bigkasin ng tao ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3).
“Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Isinasaad lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa nagdaang mga panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Marami sa nasa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at mga kakatwang pakahulugan ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga pakahulugang iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tamang-tama na mga pagpapahayag ng katotohanan. Ang kanilang mga pananaw tungkol sa ilang bagay ay walang iba kundi ang kaalamang nagmula sa personal na karanasan, o ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 3).
Dahil nabasa na natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita nating lahat na ang Biblia ay hindi kinasihan ng Diyos nang buung-buo, hindi puro salita ng Diyos. Alin mang mga bahagi ng Biblia ang salita ng Diyos at alin ang mga salita ng mga tao, matutukoy kaagad ito ng mga matang nakakahiwatig. Sapagkat ang pangalan ng may-akda ay malinaw na nakasaad sa bawat talata ng Biblia, at malinaw ring nakasaad kung aling mga bahagi ng Biblia ang naglalaman ng mga salita ng Diyos. Kaya bakit wala man lang kaabug-abog, patuloy na itinuturing ng ilang tao na mga salita ng Diyos ang mga salita ng tao at ni Satanas? Makatarungan ba ang pamamaraang ito ng pananalita? Kung igigiit ng mga nananalig sa Panginoon na ang mga salita ng tao na nasa Biblia ay totoong salita ng Diyos, ano sa palagay ninyo ang mararamdaman ng Diyos? Makatarungan ba ito sa Diyos? Hindi ba ito paninirang-puri, pagmahak, at paglapastangan sa Diyos? Ano ang halaga ng salita ng tao sa mga mata ng Diyos? Bakit hindi tayo mag-isip sandali? Paano maikukumpara ang salita ng tao sa salita ng Diyos? Napakalayo ng diwa ng tao sa diwa ng Diyos, kaya siyempre napakalayo ng mga salita ng tao sa salita ng Diyos. Kung, sa pamamagitan ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, makakaayon ang salita ng tao sa katotohanan, malaking tagumpay na iyan. Kung ang salita ng tao ay hindi nagagabayan ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi ba mga maling pagkaintindi at kasinungalingan ito? Kung hindi ito makikita ng mga nananalig sa Diyos, palagay ko napakahangal at napakamangmang talaga nila! Sa panahong ito, itinuturing ng lahat ng relihiyon na mga salita ng Diyos ang mga salita ng mga tao na nasa Biblia. Ipinapakita nito na walang sinuman sa mga relihiyon ang talagang nakakakilala sa Diyos. Karamihan sa mga pinuno ng mga relihiyon ay mga ipokritong Fariseo. Yaong mga tunay na kilala ang Diyos ay hindi maniniwala kailanman na ang Biblia ay kinasihan ng Diyos at puro salita ng Diyos. Tiyak na hindi nila pikit-matang sasambahin ang Biblia at ituturing pang Diyos ang Biblia. Pinanghahawakan ng halos lahat ng relihiyon na ang Biblia ay kinasihan ng Diyos at salita ng Diyos, at na maaaring katawanin ng Biblia ang Diyos. Ito ang lubhang katawa-tawang maling pagkaunawa sa lahat ng relihiyon. Malinaw na nating nakikita ito ngayon.
—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.