Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na, at ikinalat mo ang ebanghelyo sa mga tao ng lahat ng relihiyon at denominasyon. Marami sa totoong naniniwala sa Panginoon ang umalis sa kanilang mga simbahan at nagsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos—hindi mo ba ninanakaw ang mga tupa mula sa ibang mga simbahan?

Enero 21, 2022

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ganito ang sabi ng Panginoong si Jehova, ‘Narito, Ako’y laban sa mga pastol; at Aking aalisin ang Aking mga tupa sa kanilang kamay, at Akin silang patitigilin ng pagpapakain ng mga tupa; at hindi rin naman pakakanin ng mga pastol ang kanilang sarili; at Aking ililigtas ang Aking mga tupa sa kanilang bibig, upang huwag maging pagkain sa kanila’” (Ezekiel 34:10).

“Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoong si Jehova: Narito, Ako, sa makatuwid baga’y Ako, sisiyasat ng Aking mga tupa, at Aking hahanapin sila. Kung paanong hinanap ng pastol ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya’y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon Ko hahanapin ang Aking mga tupa; at ililigtas Ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na araw” (Ezekiel 34:11–12).

“At mayroon Akong ibang mga tupa, na hindi sa kawan na ito: sila’y kailangan din namang dalhin Ko, at kanilang diringgin ang Aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastol” (Juan 10:16).

“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Naipangaral na namin ang ebanghelyo nang paulit-ulit sa maraming namumuno ng mga relihiyosong grupo, subalit paano man namin ibahagi ang katotohanan sa kanila, hindi nila tinatanggap ito. Bakit ganito? Dahil pumapangalawa ang kanilang kayabangan sa kanilang likas na pagkatao, at wala nang puwang ang Diyos sa puso nila! Maaaring sabihin ng ilang tao, “Ang mga taong nasa ilalim ng pamumuno ng ilang pastor sa relihiyosong mundo ay talagang masigasig; parang nasa piling nila ang Diyos!” Itinuturing mo bang pagkakaroon ng determinasyon ang pagiging masigasig? Gaano man katayog ang tono ng mga sermon ng mga pastor na iyon, kilala ba nila ang Diyos? Kung talagang nagpipitagan sila sa Diyos sa kanilang puso, hihikayatin ba nila ang mga tao na sumunod sa kanila at dakilain sila? Kokontrolin ba nila ang iba? Mangangahas ba silang hadlangan ang iba na hanapin ang katotohanan at siyasatin ang tunay na daan? Kung naniniwala sila na talagang kanila ang mga tupa ng Diyos, at dapat ay makinig silang lahat sa kanila, hindi ba nila itinuturing ang kanilang sarili bilang Diyos? Mas masahol pa ang gayong mga tao kaysa sa mga Fariseo. Hindi ba sila mga anticristo? Sa gayon, makokontrol sila ng kanilang likas na kayabangan na gawin ang mga bagay na nagkakanulo sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Mayabang na Kalikasan ang Nasa Ugat ng Paglaban ng Tao sa Diyos

Ang Pagbabahagi ng Tao:

Alam ng lahat ng naniniwala sa Panginoon na ang mga mananampalataya ay sa Diyos: ganap na hindi sila pag-aari ng anumang denominasyon, ni hindi sila sa mga lider, pastor, o elder ng anumang denominasyon. Alinmang simbahan ang daluhan nila para sa mga pagtitipon o aktibidad, at sinumang mga pastor at elder ang mamuno sa kanila, ang lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos ay mga tupa Niya—at ang mga tupa ng Diyos ay nakikinig sa tinig ng Diyos. Ito ay tulad mismo ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Ako ang mabuting pastor; at nakikilala Ko ang sariling Akin, at ang sariling Akin ay nakikilala Ako(Juan 10:14). Maraming pastor at elder ang may tendensiya na tukuyin ang mga tao sa kanilang iglesia bilang kanilang mga tupa, ngunit isa itong malaking pagkakamali. Paano nagiging pag-aari ng mga taong iyon ang mga mananampalataya ng Diyos? Kung may isang taong nangangahas na angkinin ang pagmamay-ari ng isang kawan, hindi ba’t sinusubukan lamang ng gayong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para sa kawan na iyon at para sa hinirang na mga tao ng Diyos? Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng gayong tao at ng masasamang nangungupahan na binanggit ng Panginoong Jesus sa Biblia? Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinalaganap ng Panginoong Jesus ang daan ng pagsisisi sa mga mamamayang Judio, na naniniwala noon sa Diyos. Nagpadala rin Siya ng mga disipulo at apostol sa buong lupain ng Judea upang ibahagi ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at upang iligtas ang mga tao na namumuhay sa ilalim ng batas na mula sa mga paghihigpit at sa mga gapos ng mga patakaran at tuntunin. Ito ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos para sa tao. Gayunman, tinuligsa at nilabanan ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng Judaismo ang Panginoong Jesus, at hinadlangan ang iba na tanggapin Siya, sa huli ay pinagdusahan nila ang pagkondena at pagparusa ng Diyos. Ngayon ay nagbalik na ang Panginoong Jesus: Siya ang Makapangyarihang Diyos. Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig. Kung ang mga pastor at elder ay hindi lamang mabigong ibigay ang mga kawan ng Panginoon, kundi talagang umabot pa sa sukdulan na kinamkam nila ang mga ito, sila ay walang iba kundi masasamang tagapaglingkod. Pagdurusahan nila ang pagkondena at pagparusa ng Diyos katulad ng mga Judiong punong saserdote, eskriba, at Fariseo.

Sa kasalukuyan, tinupad ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ang isang propesiya sa biblia: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Maraming kapatid mula sa iba’t ibang denominasyon na nagmamahal sa katotohanan at nag-aasam sa pagpapakita ng Diyos ang nakarinig sa Kanyang tinig at tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, magkakasunod na bumabalik sa harap ng Kanyang trono. Ito ang pagsunod ng mga tupa ng Diyos sa Kanyang tinig. Nang magbalik ang Panginoong Jesus, una Siyang nagpakita sa mga naghihintay sa Kanya, at nagpadala ng mga tao sa mga relihiyosong pangkat upang ipalaganap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw upang marinig ng mga umaasam sa Kanyang pagbabalik ang Kanyang tinig at bumalik sa Kanya. Hindi ba natural lamang iyon? Gayunman, hindi lamang hindi ibinalik sa Diyos ng ilang pastor at elder ng mundo ng relihiyon ang Kanyang mga tupa, kundi gumanting-salakay pa gamit ang mga walang basehang paratang at binakuran ang kanilang mga simbahan sa pamamagitan ng pagkukunwaring pinoprotektahan ang kanilang kawan. Hindi nila pinahihintulutan ang mga mananampalataya na hanapin o siyasatin ang tunay na daan, ngunit sa halip ay patuloy na kinokondena ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at inaakusahan ito ng pagnanakaw ng kanilang mga tupa. Mapangahas nilang inaangkin na sa kanila ang mga tupa ng Diyos, at ganap nitong inilalantad ang kanilang ambisyon at pagnanasang ikulong at kontrolin ang mga tao. Pinapanatili nila ang mahigpit na kontrol sa mga mananampalataya at inaangkin ang mga tupa ng Diyos na may layuning patuloy na pasunurin at pasambahin sa kanila ang mga mananampalataya. Hindi ba ang gayong mga lider ay ang masasamang tagapaglingkod mismo na sumamsam sa kawan na binanggit ng Panginoong Jesus? Hindi ba sila mga anticristo na lumalaban sa Diyos at nakikipagpaligsahan para sa Kanyang posisyon? Ipinapaalala nito ang pagdating ng Panginoong Jesus upang gumawa ng gawain: Pagkakita na marami sa mga mamamayang Judio ang sumusunod sa Kanya, nakaramdam ng inggit at takot ang mga Judiong punong saserdote, eskriba, at Fariseo, natakot sila na kung ang lahat ng mananampalataya ay sumunod sa Panginoong Jesus, hindi nila mapapanatili ang kanilang posisyon at kabuhayan. Pagkatapos ay kinondena nila ang Panginoong Jesus sa eksaktong kaparehong paraan upang mapigilan ang mga tao na tanggapin ang Kanyang gawain. Ito ay tulad mismo ng nakasulat sa Biblia: “Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka’t ang taong ito’y gumagawa ng maraming tanda. Kung siya’y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa. … Kaya’t mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya” (Juan 11:47–48, 53). Nakita ng mga Judiong punong saserdote, eskriba, at Fariseo ang mga mamamayang Judio bilang sarili nilang personal na pag-aari, at pinanatili ang mahigpit na hawak sa mga tupa ng Diyos. Nang dumating ang Diyos upang gumawa at bawiin ang mga tupang iyon, lumaban sa Kanya ang mga lider para mapanatili ang kontrol nila sa kanila. Hindi bumaling sa Diyos ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseong ito, ni hindi nila pinahintulutan ang mga mamamayang Judio na sumunod sa Kanya. Sinaway sila ng Panginoong Jesus, sinasabing, “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Hindi magpaparaya ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa mga paglabag ng mga tao! Habang ang mga Judiong punong saserdote, eskriba, at Fariseo ay nakikipagpaligsahan sa Diyos para sa Kanyang hinirang na mga tao, nilalabanan at kinokondena ang Diyos, ginalit nito ang disposisyon ng Diyos, at pinagdusahan nila ang Kanyang mga sumpa at parusa. Nawasak ang bansang Israel nang halos dalawang libong taon, maraming mamamayang Judio ang napatay, at itinaboy sila sa malalaking grupo sa magkakaibang sulok ng mundo. Kung patuloy na aangkinin ng mga pastor at elder ngayon ng relihiyosong mundo ang mga tupa ng Diyos at pipigilan sila na bumaling sa Diyos, kung gayon ang tanging naghihintay para sa mga lider na iyon ay ang matuwid na pagpaparusa ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...