Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?
Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin. Kung ganon ay, bakit ilan lang sa mga tao sa mundo ang naniniwala sa materyalismo, at sa teorya ng ebolusyon? Sa buong sangkatauhan, mas marami ang naniniwala sa Diyos. Sa mga buong-pusong naniniwala, walang naniniwala sa teorya ng ebolusyon. Kahit sa mga hindi naniniwala sa Diyos, ilan lang ang tunay na naniniwala sa teorya ng ebolusyon. May mga tao na ba ngayon na, naniniwala kay Darwin? May kumikilala na ba sa teorya ng ebolusyon bilang katotohanan? Sa palagay ko kakaunti lamang ang mga taong ito. Tanong ko lang: Lahat ba ng taong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay tanggap na ang mga unggoy ang mga ninuno nila? Kapag ba ipinagdarasal nila ang mga ninuno nila, lumuluhod ba sila o yumuyuko sa mga unggoy? Kahit hindi sila lumuhod o yumuko sa mga unggoy, pero paulit-ulit sila na ang teorya ng ebolusyon ang katotohanan, hindi nila isinasabuhay ang mga itinuturo nila hindi ba? Panay ang papuri n’yo sa syensya, binabase n’yo ang lahat sa syensya, at ginagamit n’yo yon para ipaliwanag ang mga problema. Pwes tatanungin kita: ang syensya ba ang katotohanan? Paano nagsimula ang syensya at naging ganap? Bakit marami sa mga inilabas na syentipikong teorya ng mga syentipiko ang pinabulaan ng ibang syentipiko sa bandang huli? Masasabi n’yo pa rin bang ang syensya ang katotohanan? Tatanungin kita: Kaya bang linisin ng syensya ang karumihan ng sangkatauhan? Maililigtas ba ng syensya ang sangkatauhan sa kapangyarihan ni Satanas? Magagawa ba ng syensya na hindi magkasala ang tao at magkaroon ng buhay na may halaga? Makapagdadala ba ng kapayaan sa buong mundo ang syensya? Mabibigyan ba nito ng kaligayahan ang tao, at ng maluwalhating kinabukasan? Mabibigyan ba ng syensya ang tao ng kaligtasan at kasiyahan? Mahuhulaan ba ng syensya ang kaunlaran at patutunguhan ng sangkatauhan? Hindi kaya ng syensya ang kahit na ano sa mga ito. Kaya pa’no mo nasabing ang syensya ang katotohanan? Kung ang syensya nga ang katotohanan, masisiguro mo ba?
Naniniwala ka na rin lang sa syensya at mataas ang tingin mo rito, buti pa ipaliwanag mo na sa aming lahat: ano ba talaga ang syensya? Ang syensya, ay mga teorya lamang, sa mundo ng karunungan na nabuo sa pagsasaliksik ng tiwaling sangkatauhan, nung dumating sa daigdig at mundong nilikha ng Diyos. Nabuo lang naman yon mula sa pag-iisip ng sangkatauhan. Hindi taglay ng mga tiwaling tao ang katotohanan. Wala ni katiting na katotohanan ang syensya. Kung ganon, paano naging katotohanan ang syentipikong karunungan na ginawa ng tiwaling sangkatauhan? Sa Diyos lang pwedeng manggaling ang katotohanan. Tanging ang Diyos lamang ang Tagapaglikha. Ang mga salita lamang na ipinahayag ng Tagapaglikha ang katotohanan. Mula nung nagpakita at kumilos ang Diyos habang nagpapahayag ng maraming salita, naranasan na ng tao ang mga salita ng Diyos. Nagawa nilang kilalanin na ang mga salita lamang Niya ang katotohanan; sila ang mga patotoong hindi nagbabago. Sa Kapanahunan ng Kautusan, naghayag ang Diyos ng maraming salita, na nagturo sa tao para alamin ang mga kautusan ng Diyos, na naging dahilan para makamit ang Kanyang proteksyon at biyaya. Yung mga lumabag sa kautusan ay itinuring na may sala at isinumpa. Nung Kapanahunan ng Biyaya, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus dahil sa kasalanan ng sangkatauhan, at naging Tagatubos Siya ng mga tao. Sa paniniwala sa Panginoong Jesus, napatawad ang mga kasalanan ng tao, at tinamasa nila ang pagpapala at biyaya ng Diyos. Sa pagdating ng Kapanahunan ng Kaharian, nagpakita at kumilos ang Makapangyarihang Diyos, at naghatid ng katotohanan para husgahan at padalisayin ang mga tao, na nagliligtas sa sangkatauhan para makamit ang kalayaan mula sa kapangyarihan ni Satanas, na dahilan para lumapit ang mga tao sa Diyos, at makamit ang pagpapala Niya, na siya namang nagdadala sa tao patungo sa magandang destinasyon. Sapat na ang mga patotoo ng gawain ng Diyos para makita, na ang mga salita Niya ang katotohanan, at ang dala ng mga ito sa sangkatauhan ay liwanag, biyaya at kaligtasan. Sa matagal na panahon, gumamit ang Diyos ng mga salita, para pamunuan ang tao, at para dalhin ang sangkatauhan sa kung saan sila naroon ngayon. Gumagamit ng salita ang Diyos para matupad lahat. Nagkakatotoo na ang bawat salita ng Diyos, at maayos na nagaganap ang lahat ng iyon. Ito ang mga katotohanang nakikita ng buong sangkatauhan. Sabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay” (Mateo 5:18). “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang Aking mga salita ay hindi lilipas” (Mateo 24:35). Dumating na ngayon ang mga huling araw, at nakita na ng maraming Kristiyano, na ang mga propesiya ng Panginoong Jesus, ay nagkatotoo na at natupad ng lahat. Pinatutunayan lamang nito na ang mga salita lang ng Diyos ang katotohanan, at yun lamang ang tanging positibo. Ito ang mga katotohanang, hindi maitatanggi ng sino man. Ang Diyos lamang, ang makapagliligtas sa tao. Ang mga salita lamang Niya ang katotohanan at pwedeng maging buhay ng sangkatuhan. Walang duda na hindi ang syensya ang katotohanan! Umuunlad ang syensya hanggang ngayon, pero ano ba talagang naidulot nito sa lahat? Sa panlabas makikitang, nakakuha ang tao ng ilang positibong resulta, mula sa pagkakabuo ng syensya. Tumaas ang antas ng pamumuhay, at umunlad ang lipunan. Pero sa katotohanan, dahil sa pagkakabuo sa syensya naiba ang paniniwala ng sangkatauhan, inilayo nila ang mga sarili nila sa Diyos, itinanggi ang Diyos, at ipinagkanulo Siya. Dahil naniniwala sila sa syensya, marami ang hindi naghanap sa Diyos, kahit alam nila na umiiral talaga Siya. Sa halip naghanap sila ng kasiyahan at kaligayahan sa laman. Sa ilalim ng impluwensya ng ganitong kalakaran, bumaba ang moralidad at pagkatao ng sangkatauhan, lalo silang nagiging masama at abnormal. Mas naging hungkag ang kaluluwa ng mga tao. Naghahanap ang lahat ng saya at nalulong sa kamunduhan. Naging karaniwan na ang pagkalulong sa bawal na gamot at pagpapakamatay. Hindi ba totoo ang lahat ng ito? Sa kaparehong panahon na nabuo ng tao ang syensya, napinsala nito ang ecosystem at ang kapaligiran, nagdulot ng polusyon sa hangin, sa tubig, sa lupa, sa mga pagkain at sa iba pa. Nagdala ito ng matinding kapahamakan sa sangkatauhan. Sa katunayan nahikayat ang mga bansa sa pakikipagdigmaan, at ginamit ang talino nila para makagawa ng malalakas na sandata. Syensya ang gumawa ng mga sandatang nukleyar, bomba at kemikal na sandata, na naging dahilan para maharap ang sangkatauhan sa panganib ng pagkawasak. Oras na sumabog ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig, magdadala yon ng matinding kalamidad sa sangkatauhan. Posibleng makita na kapag dumating na sa sukdulan ang pag-unlad ng syensya, yun na rin ang katapusan ng tao. Ibabahagi ko sa’yo ang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malalaman mo, kung biyaya nga ba o kapahamakan, ang ibinigay ng syensya, sa sangkatauhan.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Kung wala ang Diyos sa kanyang puso, ang panloob na mundo ng tao ay madilim, walang pag-asa, at walang kabuluhan. … Agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, paglilibang, kaginhawahan, ang mga ito ay nagdadala lamang ng pansamantalang pahinga sa tao. Kahit na mayroong ganitong mga bagay, hindi pa rin maiwasan ng tao na magkasala at dumaing sa kawalang katarungan ng lipunan. Hindi mababawasan ng mga bagay na ito ang pagnanasa at hangarin ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang walang katuturang mga sakripisyo at mga pagtuklas ng tao ay maaari lamang humantong sa mas marami pang pagdurusa at maaari lamang maging dahilan upang ang tao ay umiral sa hindi nagbabagong kalagayan ng pagkatakot, hindi nalalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan, o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap. Maging ang agham at kaalaman ay kinatatakutan ng tao, at higit na kakatakutan ang pakiramdam ng kawalan. … Kung ang mga tao ng isang bayan o ng isang bansa ay hindi makatatanggap ng pagliligtas at pag-aalaga ng Diyos, tatahakin ng bansa o bayang iyon ang landas tungo sa pagdalisdis, patungo sa kadiliman, at lilipulin ito ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).
“Patuloy nilang isinasagawa ang siyentipikong pagtuklas at malalimang pagsasaliksik, at pagkatapos ay walang-tigil na kumikilos sa paraang nagbibigay-kasiyahan sa kanilang sariling materyal na mga pangangailangan at mga hangarin; ano kung gayon ang mga kahihinatnan para sa tao? Una sa lahat, wala ng anumang balanseng ekolohikal at, kasabay nito, ang mga katawan ng mga tao, ang kanilang mga sangkap na panloob, ay nadungisang lahat at napinsala ng ganitong kapaligiran na wala sa ayos, at ang iba’t ibang nakakahawang sakit at mga salot ay lumaganap sa lahat ng dako ng sanlibutan. Ito ay isang sitwasyon na wala na ngayong kontrol ang tao, hindi ba tama iyon? Ngayong nauunawaan na ninyo ito, kung ang sangkatauhan ay hindi susunod sa Diyos, bagkus palaging sinusunod si Satanas sa ganitong paraan—ginagamit ang kaalaman upang patuloy na payamanin ang kanilang mga sarili, ginagamit ang siyensiya upang walang-tigil na tuklasin ang hinaharap na buhay ng tao, ginagamit ang ganitong uri ng paraan upang patuloy na mabuhay—nakikilala ba ninyo kung paano ito magwawakas para sa sangkatauhan? (Mangangahulugan ito ng pagkalipol.) Oo, ito ay magwawakas sa pagkalipol: Papalapit nang papalapit ang sangkatauhan sa sarili niyang pagkalipol, paisa-isang hakbang!” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Mga patunay at katotohanan ang isinisiwalat ng lahat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ba’t ito ang nakikita natin ngayon na kinahinatnang dala ng nabuong syensya sa mga tao? Ang syensya na lamang, ang tinitingala ng tiwaling sangkatauhan. Lubhang mapanganib ang bagay na ito! Ang patuloy na pag-unlad ng syensya ang nagdala ng kalamidad, at pagkawasak sa sangkatauhan!
Ang Diyos ang tagapaglikha. Siya lang ang makapagliligtas sa mga tao. Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang katotohanan at gumagawa ng paghatol para madalisay at mailigtas ang sangkatauhang sukdulan na ang kasamaan. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang huling gawain Ko ay hindi lamang alang-alang sa pagpaparusa sa tao, kundi alang-alang din sa pag-aayos ng patutunguhan ng tao. Bukod dito, ito ay upang kilalanin ng lahat ng mga tao ang mga gawa at mga kilos Ko. Nais Kong makita ng bawat isang tao na tama ang lahat ng nagawa Ko na, at na ang lahat ng nagawa Ko na ay pagpapahayag ng disposisyon Ko. Hindi kagagawan ng tao, lalong hindi ng kalikasan, ang nagluwal sa sangkatauhan, kundi Ako, na nag-aaruga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala ang pag-iral Ko, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at pagdurusahan ang hagupit ng kapahamakan. Walang tao ang kailanman ay makikitang muli ang napakarikit na araw at buwan, o ang luntiang mundo; makakatagpo lamang ng sangkatauhan ang napakalamig na gabi at ang walang tinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan. Kung wala Ako, magdurusa ng kapahamakan at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo…. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Tanging sa pagsuko sa gawain ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw, at sa pagtanggap sa mga katotohanang inihayag Niya, madadalisay ang tiwaling disposisyon ng isang tao, at makapagpapaubaya sa Diyos at makasasamba sa Kanya. Sa ganitong paraan lang maililigtas ang isang tao, mula sa pagkawasak sa tulong ng proteksyon ng Diyos, para makapasok sa kaharian Niya.
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Paglalantand ng Komunismo
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.