Pinatototohanan mo na ang “Kidlat ng Silanganan” ay ang pagpapakita at gawain ni Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, ngunit nabasa ko na ang maraming artikulo sa mga kilalang website tulad ng Baidu at Wikipedia na kumokondena, umaatake, at naninirang-puri sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Alam ko na ang impormasyon sa Baidu ay sinusubaybayan at kinokontrol ng CCP, at hindi ito nangangahulugan na mapagkakatiwalaan ito. Ngunit ang mga banyagang website tulad ng Wikipedia ay sumunod din sa CCP at relihiyosong mundo sa pagkondena sa iyo. Hindi ko ito maunawaan—ang mga pahayag ba na ginawa sa mga website na ito ay totoo o hindi?

Enero 21, 2022

Sagot:

Sa kasalukuyan, umimbento ng maraming kasinungalingan ang masasamang puwersa ng malaking pulang dragon at ang puwersa ng mga anticristo sa relihiyosong komunidad tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—mga kasinungalingang nailathatla pa nga sa Wikipedia na isang website na kilala sa buong mundo. Kapag sinisiyasat ang tunay na daan, diretso agad ang ilang tao sa Wikipedia: “Nagtitiwala ako sa Wikipedia. Kung sabihin nito na ito ang tunay na daan, paniniwalaan ko ito; kung sabihin naman nito na hindi, hindi ko ito paniniwalaan.” Sinusukat ng mga taong ito kung tunay na daan ba ang isang bagay batay sa Wikipedia. Nakaayon ba ito sa katotohanan? Matatagpuan ba ang katotohanan sa Wikipedia? Matatagpuan ba ang mga salita ng Diyos sa Wikipedia? Naniniwala ba sa Diyos ang mga taong nag-e-edit sa Wikipedia? Hindi sila naniniwala. Kung gayon, ang Wikipedia ay website ng mga hindi mananampalataya. Isinulat at in-edit ito mula sa perspektibo ng mga hindi mananampalataya na gumagamit ng sari-saring materyales na nakolekta nila. Taglay ba ng mga hindi mananampalataya ang katotohanan? Totoo ba ang mga salitang sinabi ng mga hindi mananampalataya, at umaayon ba ang mga ito sa katotohanan? Wala bang kasinungalingan, erehiya, kabulaanan sa mga website ng mga hindi mananampalataya? Ang mga hindi mananampalataya ay mga taong lubhang ginawang tiwali ni Satanas at tumalikod sa Diyos. Hindi sila naniniwala sa Diyos, hindi sila mananampalataya, ang diwa nila ay sa diyablong si Satanas, at ginagaya lamang nila ang mga salita ng iba, na patung-patong na mga kasinungalingan, na walang kahit isang salita ang umaayon sa katotohanan. Kaya, pawang kabulaanan lamang ang mga salita ng mga hindi mananampalataya. Maaari ba itong pagdudahan? Hindi inilalathala ng Wikipedia ang mga totoong pangyayari at patotoo tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyaring Diyos. Ang inilalathala lamang nito ay ang mga kasinungalingan at kabulaanan ng relihiyosong mundo at ng ateistang gobyerno ng CCP. Anong uri ng website ito? Hindi ba nito kinakatawan ang masasamang puwersa ng mundo? Matagal nang nailathala online ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ang mga tunay na patotoong batay sa karanasan ng mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang makita at masiyasat ng buong sangkatauhan—kaya bakit walang pagbanggit tungkol dito? Noon pa man ay palagi nang marahas na inaapi at inuusig ng gobyerno ng CCP Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ang mga katotohanang ito ay matagal nang nailathala online ng mga pandaigdigang organisasyon sa karapatang pantao. Bakit wala ang mga ito sa Wikipedia? Sa halip, inilalathala ng Wikipedia ang bawat kasinungalingan at pagtatangka ng gobyernong CCP at ng relihiyosong komunidad na siraan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung gayon, hindi ba ito isang organisasyon na sadyang nagpapakalat ng maling impormasyon at mga kabulaanan? Hindi ba ito kasangkapang gamit ni Satanas upang linlangin ang mga tao? Ang pagtitiwala sa at pagpapakalat ng mga salita ng ateistang gobyerno ng CCP at ng mga anticristo ng relihiyosong komunidad na ginagawa ng mga editor ng Wikipedia, nang hindi muna iniimbestigahan ang mga ito, ay katawa-tawa at isang kalokohan. Ipinapakita nito na walang katotohanan sa kanila, na sa madaling sabi, sila’y wala sa katwiran, mga taong magugulo ang isip, mga kampon ng diyablong si Satanas. Sinusunod ng Wikipedia ang CCP at ang relihiyosong komunidad sa paninirang-puri, panghuhusga, at pagkokondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw; nilapastangan nito ang Cristo ng mga huling araw, nilapastangan nito ang tunay na daan, at isinumpa ito ng Diyos. Kaya’t anong problema ang naipapakita ng ginagawang pagsunod ng Wikipedia sa CCP at sa relihiyosong komunidad? Ipinapakita nito na ang mundo ay madilim at masama, na lubhang ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at naging isang puwersang lumalaban sa Diyos! Natutupad din nito ang mga salita ng Biblia: “Ang buong sanlibutan ay nasasailalim sa masama(1 Juan 5:19), “Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). Bulag ang ilang tao sa madilim at masamang diwa ng mundo. Kapag sinisiyasat ang tunay na daan, malamang na magtiwala pa rin sila sa Wikipedia, at paniwalaan ang maladiyablong mga salita at sabi-sabi na inilalathala nito. Ang mga tao bang kagaya nito ang naniniwala sa Diyos? Hindi sila naniniwala sa Diyos, ni hindi nila kinikilala na ang Diyos ay ang katotohanan, lalong hindi nila nalalaman ang katotohanan. Kapag sinisiyasat nila ang tunay na daan, hindi nila hinahanap ang mga salita ng Diyos o pinakikinggan ang tinig ng Diyos, kundi pinagkakatiwalaan lamang ang mga salita ng diyablong si Satanas at itinuturing ang mga salita nito bilang katotohanan—hindi ba ang diyablong si Satanas ang pinaniniwalaan nila? Kaya, ang gayong mga tao ay hindi mga tunay na nagsisiyasat ng tunay na daan. Sa sandaling marinig nila ang mga maladiyablong salita at sabi-sabi ni Satanas, nalilinlang sila, at nabubuwal sa lupa. Matalino ba ang gayong mga tao? Dinirinig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, samantalang ang mga sa diyablo ay nakikinig sa mga salita ng diyablo; tumatanggi silang pakinggan ang tinig ng Diyos, at sa halip ay nakikinig sa mga salita ng diyablong si Satanas. Ang gawin ang ganoon kasimpleng pagkakamali ay talaga namang ginagawa silang mga taong hangal at magugulo ang isip na pagmamay-ari ng diyablong si Satanas!

Kapag sinisiyasat natin ang tunay na daan, kailangan nating tingnan kung ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Kung ang mga salitang ito ang katotohanan, kung ang mga ito ang tinig ng Diyos, at kung ang mga ito talaga ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, kung gayon hindi alintana kung ano ang sinasabi ng diyablong si Satanas, kailangan nating maniwala—dahil totoo ang Diyos, ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring maging mali kailanman. Maaaring magkamali ang sinumang tao, ngunit hindi ang Diyos; maaaring magsinungaling at manlinlang ng iba ang sinumang tao, ngunit hindi nagsasabi ng kasinungalingan ang Diyos, Siya ay banal at matuwid, Siya ang katotohanan. Kung kaya’t ang tinitingnan lamang ng mga tunay na naniniwala sa Diyos at nagmamahal sa katotohanan ay kung ang mga salitang ito ay ang tinig ng Diyos, at ang gawain ng Diyos, anuman ang komentaryo ng media at mga website ng mga hindi mananampalataya, at anuman ang pang-aapi, pang-uusig, pagkondena, at pagsalungat ng mga may kapangyarihan o ng relihiyosong mundo. Sa sandaling natukoy nila na ang mga ito ang tinig ng Diyos, sumusunod sila sa Diyos, nang hindi nakagapos sa sinumang tao, usapin, o bagay. Ang gayong mga tao lamang ang tunay na naniniwala sa Diyos, at sila lamang ang matatalinong dalaga, tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Samantala, ang mga hindi naniniwala at ang mga walang pagmamahal sa katotohanan ngunit namamalimos ng tinapay para lamang mabusog ay hindi naghahanap ng katotohanan, ngunit sa halip ay pikit-matang nakikinig sa napakasasamang salita at sabi-sabi ni Satanas, at sinusundan pa ang pangunguna ni Satanas na ipakalat ang mga sabi-sabi na ito at mapusok na hinahatulan at kinokondena ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang mga taong ito ang mga mapanirang damo na nailantad, at kapag natapos na ang gawain ng Diyos at kapag bumuhos ang malalaking sakuna, maaari silang maalis at maparusahan, nagngangalit ang kanilang mga ngipin at tumatangis habang sila ay dinadala sa sakuna. Ito ay ganap na tumutupad sa sinabi sa Biblia: “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman(Hosea 4:6) at “Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng karunungan” (Kawikaan 10:21).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...