Paano n’yo ipapaliwanag ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong noong Mayo 28 na nakagulat sa bansa at sa mundo? Dininig naman pala ang kasong ito sa harap ng publiko! Matapos mangyari ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, pinatindi ng gobyerno ang pagtugis nito sa mga bahay-iglesia, na gumagamit pa ng mga puwersa ng sandatahang pulisya para tugisin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng masigasig na paghahanap at pag-aresto sa mga miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bagama’t maraming tao ang nagduda tungkol sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, sa paniniwalang ito ay isang maling kasong inimbento ng CCP para makuha ang mga opinyon ng publiko sa pagsuporta sa pagtugis nito sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hayagang iniulat ng Chinese media ang kaso tama man o mali ang mga detalye. Nagkaroon ito ng ilang epekto sa iba’t ibang bansa sa mundo. Gaano mo man itanggi ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, marami pa ring taong nananalig sa Communist Party. Kaya gusto kong marinig kung ano ang palagay mo sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong.

Agosto 30, 2018

Sagot: Gaano katagal lolokohin ng CCP ang mundo dito sa kaso sa Zhaoyuan sa Shandong na mag-isa nitong inimbento? Maililigtas ba nito ang di-maiiwasang kapalaran ng pagkamatay ng CCP? Ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong ay maraming epekto sa loob at labas ng bansa noon. Nilinlang din nito ang maraming taong walang malay. Pero permanente bang matatakpan ng maiitim na ulap ang araw? Matatakpan ba ng mga pakpak ng uwak ang sinag ng araw? Hindi permanente ang pagtatago at panlilinlang. Ang mga kasinungalingan ay laging mga kasinungalingan, hindi sila magiging katotohanan kailanman. Sa loob ng napakaraming taon, lalong naging kilala, tiwali at masama ang CCP dahil sa mga panlilinlang at panloloko nito. Kasumpa-sumpa ang CCP rito at sa ibang bansa. Maililigtas ba ng mga panloloko at panlilinlang lamang ang CCP? Parami nang parami ang mga tao sa mundo na nakakakita sa tunay na diwa ng CCP. Wala nang naniniwala rito. Dahil ang CCP ay kilalang isang partidong ateista at makademonyong grupo na napakasama at kumakalaban sa Diyos sa mundo, ang mga hukuman ng CCP ay mga hukuman ni Satanas. Maaari bang magkaroon ng kabutihan at katarungan sa mga kasong hinuhusgahan ng mga hukumang ito? Ang CCP ay diktaturya at kalupitan ng iisang partido. Walang independiyenteng hudikatura sa China. Ang mga hukom ng CCP ay walang kalayaan. Tumatanggap silang lahat ng utos mula sa gobyernong Chinese at hinahawakan ang mga kaso ayon sa mga intensyon ng gobyerno. Ito ang totoong nangyayari. Ang mga kasong nililitis sa mga hukuman ng CCP ay nakatakdang maging lubhang pagbabaluktot ng mga katotohanan at pagbabaligtad ng tama at mali. Habang pumapasok sa pulitika at paghahari ng pulitika sa loob ng napakaraming taon, ang CCP ay patuloy na umasa sa pagbibintang para makuha ang mga opinyon ng publiko. Sanay na sanay ito sa ganito! Nang litisin ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong sa hukuman ng CCP, malinaw na sinabi ng mga nasasakdal sa hukuman, “Hindi ako kailanman nagkaroon ng kaugnayan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.” “Ang tinutugis ng estado ay ang ‘Makapangyarihang Diyos’ na pinananaligan ni Zhao Weishan, hindi ang ‘Makapangyarihang Diyos’ na pinananaligan namin.” Kahit ang mga nasasakdal mismo ay hindi umamin na kabilang sila sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at hindi sila kilala ng Iglesia. Bakit hindi tinanggap ng hukom ng CCP ang mga totoong pangyayari? Sa kawalan ng ebidensya, bakit iginiit ng hukom na iugnay ang mga pinaghihinalaan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Hindi ba pakana itong mambintang? Hindi ba pagbubulaan at panlilinlang ito? Ngayo’y wala nang naniniwala sa mga ulat ng CCP media at mga kasinungalingan ng CCP. Nagtrabaho na kayo sa sistema ng Communist sa loob ng napakaraming taon, dapat ay mas marami kayong alam kaysa sa amin tungkol sa modus operandi ng CCP. Tuwing bago marahas na supilin ang mga pananalig sa relihiyon, mga kilusang para sa demoktratikong karapatan, mga protestang etniko, atbp., nag-iimbento ng huwad na kaso ang CCP at walang-pakundangang lumilikha ng mga opinyon ng publiko para pagalitin ang masa, kasunod ng isang madugong pagtugis. Halimbawa’y ang kilusan ng mga estudyante noong Hunyo Kuwatro, na nagsimula sa pagtataguyod ng integridad laban sa katiwalian, demokrasya at kalayaan. Pagkatapos ay inutusan ng CCP ang ilang di-kilalang tao na magkunwang mga estudyante at sumalingit sa grupo para makipag-away, mambasag, manunog, itaob ang mga sasakyang militar, at lumikha ng kaguluhan. Dahil dito’y tinawag ang kilusan ng mga estudyante na “kontra sa rebolusyon,” na may layon na mag-udyok ng mga kaguluhan, at binigyan ang CCP ng katwirang kailangan nila para mapigilan ang grupo. Pagkatapos ay nagpasimula ang CCP ng madugong pagtugis sa mga estudyanteng ito. Hindi lang ilang libong estudyante ang binaril at sinagasaan ng mga tangke. Ganito ipinakita ng CCP ang madugong Tiananmen Incident na napanginig sa mga Chinese at nakasindak sa mundo! Gayon din ang ginawang pagsupil ng CCP sa mga protesta ng masa sa Tibet. Nagsingit ng mga taong gobyerno ang CCP sa nagpoprotestang grupo para sadyang manunog, pumatay, magnakaw at mandambong. Pagkatapos ay pinakilos nito ang hukbo para pagpapatayin ang nagpoprotestang mga grupo sa pagkukunwaring pinapayapa nila ang paghihimagsik ng mga Tibetan. Sapat na ang mga pangyayaring ito para patunayan na ang pagsisimula sa pag-iimbento ng mga kasinungalingan, pagbabaluktot sa mga totoong pangyayari at pagbibintang, kasunod ng marahas na pagsupil ang karaniwang paraan ng CCP para patigilin ang awayan. Ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong ang naging batayan ng damdamin ng publiko na nagtulot sa malupit na panunupil at pagpapahirap ng CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ito ang isa pang malaking krimen ng pagpapahirap ng CCP sa mga relihiyon. Isa kayong opisyal sa loob ng sistema ng CCP, dapat ay mas marami kayong alam kaysa sa amin tungkol sa modus operandi ng CCP!

mula sa iskrip ng pelikulang Red Re-education sa Bahay

Sinundan: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....