Bagaman naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos, nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, nagpapalaganap ang CCP ng impormasyon na nagsasabing Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nilikha ng isang tao, at ginagawa mo ang anumang sinasabi nito. Pinatototohanan mo na ang taong ito ay isang pari, isang taong ginamit ng Diyos, at siya ang may responsibilidad sa lahat ng mga administratibong gawain. Hindi ko ito mawari—sino nga ba ang nagtatag ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Ano ang pinagmulan nito? Maaari mo bang ipaliwanag ito?

Enero 21, 2022

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Batid ng lahat ng naniniwala sa Panginoon na ang Judaismo at Kristiyanismo ay nagmula sa pagpapakita at gawain ng Diyos; lumitaw ang mga ito mula sa gawain ng Diyos. Naitatag ang Judaismo dahil ang Diyos na si Jehova ay nagpakita, ginampanan ang Kanyang gawain, at inatas ang batas, at naitatag ang Kristiyanismo dahil nagpakita ang Panginoong Jesus at ginawa ang gawain ng pagtubos. Walang taong maaaring magtatag ng gayong mga relihiyon. Gayundin, naitatag ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita, ginagampanan ang Kanyang gawain, ipinahahayag ang maraming katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Wala sa tiwaling sangkatauhan ang katotohanan, at magpakailanman silang hindi magkakaroon ng kakayahang ipahayag ang katotohanan—kaya paanong maaaring isang tao ang nagtatag ng gayon kalaking iglesia? Maniniwala ka ba kung may nagsabi na itinatag ni Moises ang Judaismo, at itinatag ni Pablo ang Kristiyanismo? Siguradong hindi. Kung kaya’t ang pahayag ng CCP na ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang tao ay higit pang masamang pananalita, ganap itong walang batayan. Sa mga huling araw, nagpahayag ng maraming salita ang Makapangyarihang Diyos, at kinikilala ng lahat ng nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang mga ito ang katotohanan. Ang mga taong ito ay nalupig ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos, at walang duda na Siya na pinaniniwalaan nila ay ang Makapangyarihang Diyos. Kaya, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay maaari lamang lumitaw mula sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos at itinatag ng Makapangyarihang Diyos—walang dapat pagdudahan sa bagay na ito. Sa panahon ng Kanyang gawain, ang taong ginamit at itinaguyod ng Makapangyarihang Diyos ang siyang namumuno sa mga hinirang sa paggawa ng gawain ng iglesia. Samantala, upang mapigil, maatake, at malipol ang iglesia, sinasabi ng CCP na ang iglesia ay itinatag ng isang partikular na tao. Hindi ba ito katawa-tawa? Maliwanag na ang layunin ng pagsasabi ng CCP nito ay upang magpalaganap ng maling impormasyon, siraan at lipulin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ngunit nakuha ba ng CCP ang nais nito? Hindi. Sa kasalukuyan, ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay nakarating na sa maraming bansa sa buong mundo, na nagpapatunay sa sumusunod: Ang lahat ng pahayag na itinatag ng isang partikular na tao ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mga mapanlinlang na pakana ni Satanas, mga pakana na may kakayahan lamang na linlangin ang mga hangal at mangmang.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad, “At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:3). Ipinropesiya rin Niya, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Sa mga huling araw, tulad ng ipinangako at ipinropesiya Niya mismo, muling naging tao ang Diyos at bumaba sa Silangan ng mundo—China—upang gawin ang gawain ng paghatol, pagkastigo, pagdadalisay, at pagliligtas gamit ang salita, sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Dito, natupad na rin ang mga propesiya ng Biblia na “Pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pedro 4:17) at natupad din ang “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Natapos na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Nang mabilis na kumalat ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa Mainland China, ang mga tao sa lahat ng relihiyon at denominasyon na umiibig sa katotohanan at nananabik na magpakita ang Diyos ay nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakikilala ang mga ito bilang katotohanan, bilang tinig ng Diyos. Nakatitiyak sila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik, at sunod-sunod nilang tinatanggap ang Makapangyarihang Diyos. Nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tulad ng pinatunayan ng mga katotohanan, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang ganap na resulta ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at hindi itinatag ng sinumang tao. Ito ay dahil ang mga piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, sinusunod ang Kanyang gawain, at tinatanggap ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Sa gayon ay malinaw na ang mga piniling taong ito ay naniniwala kay Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw, ang praktikal na Diyos na siyang Espiritu na nagkaroon ng katawang-tao, sa halip na maniwala sa isang tao. Sa tingin, ang Makapangyarihang Diyos ay ordinaryong Anak ng tao lamang, ngunit sa diwa, Siya ang larawan ng Espiritu ng Diyos at ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang gawain at salita ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos at ang personal na pagpapakita ng Diyos. Samakatwid, Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao.

Noong 1991, sinimulan ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, na opisyal na isagawa ang Kanyang ministeryo sa China. Pagkatapos, nagpahayag Siya ng milyun-milyong salita at sinimulan Niya ang gawain ng paghatol ng dakila at puting luklukan sa mga huling araw. Tulad ng sabi ng mga salita Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, walang pag-aalinlangan na magpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, gagamitin ng Cristo ng mga huling araw ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). “Ginagawa ng Diyos ang gawain ng mga salita sa mga huling araw, at ang gayong mga salita ay yaong sa Banal na Espiritu, sapagkat ang Diyos ang Banal na Espiritu at maaari ding maging tao; samakatuwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, na pinag-uusapan noong araw, ay ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ngayon. ... Para sumambit ng mga pagbigkas ang Diyos para magsagawa ng gawain, kailangan Siyang maging tao; kung hindi, hindi maisasakatuparan ng Kanyang gawain ang mga layunin nito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?). Dahil sa pagpapakita at mga pahayag ni Cristo sa mga huling araw, mas marami pang taong nauuhaw at naghahanap sa katotohanan ang nalupig at napadalisay ng salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ang pagpapakita ng Diyos at pagbabalik ng Manunubos. Nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos—ang nagbalik na Panginoong Jesus—ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang Iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sinuman ang gamitin ng Diyos na nagkatawang-tao ay itinalaga ng Diyos, at personal na hinirang at pinatotohanan ng Diyos, tulad noong personal na pinili at hinirang ni Jesus ang labindalawang disipulo. Yaong mga kinakasangkapan ng Diyos ay tumutulong lamang sa Kanyang gawain, at hindi kailanman maaaring humalili sa Kanya sa paggawa ng Kanyang trabaho. Dahil ang tiwaling sangkatauhan ay walang katotohanan at hindi kailanman makapagpapahayag ng katotohanan, at lalong hindi makapagtatayo ng isang simbahan, ang iglesia ay hindi itinatag ng mga kinakasangkapan ng Diyos, ni hindi sila pinaniniwalaan o sinusunod ng mga piniling tao ng Diyos. Ang mga iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi itinalaga ni Pablo at ng iba pang mga apostol, kundi produkto ng gawain ng Panginoong Jesus at itinatag ng Panginoong Jesus Mismo. Gayundin, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay hindi naitatag ng taong kinakasangkapan ng Diyos, kundi produkto ng gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ang taong kinakasangkapan ng Diyos ay dinidiligan, tinutustusan, at pinamumunuan lamang ang mga iglesia, na ginagampanan ang tungkulin ng tao. Bagama’t ang mga piniling tao ng Diyos ay pinamumunuan, diniligan, at tinutustusan ng mga taong kinakasangkapan ng Diyos, wala silang ibang pinaniniwalaan at sinusunod kundi ang Makapangyarihang Diyos, at tinatanggap at sinusunod nila ang Kanyang mga salita at gawain. Ito ay isang katotohanang hindi maikakaila ninuman. Dahil sa pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, maraming tunay na naniniwala sa Panginoon sa lahat ng panrelihiyong denominasyon ang nakarinig na sa wakas sa tinig ng Diyos, nakakita na dumating na ang Panginoong Jesus at isinagawa na ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, at napatunayan nilang lahat na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus—at dahil dito, tinanggap na nila ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Lahat ng nalupig ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagiging sakop sa Kanyang pangalan, at ang lahat ng piniling tao ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagdarasal sa Makapangyarihang Diyos, at sinusundan, sinusunod at sinasamba Siya. Ang mga piniling tao sa China ang unang nakaranas ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, na pahalagahan ang Kanyang matuwid na disposisyon, at makita na ang Kanyang kamahalan at galit. Kaya nga lubos silang nalupig ng salita ng Diyos at nagpatirapa sila sa harapan ng Makapangyarihang Diyos, at handa silang sundin at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Sila ay tunay na nagsisi at nabago, kaya natamo nila ang pagliligtas ng Diyos.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...