Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na kay Cristo na nagkatawang-tao? Bakit inilalarawan ng CCP ang Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos bilang karaniwang tao, at tinatanggihan ang banal na tunay na diwa ni Cristo? Kayong mga komunista ay mga ateista. Hindi n’yo tinatanggap na mayroong Diyos. Paano n’yo malalaman ang hiwaga sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Hindi ba tao ang anyo ng Panginoong Jesus nang Siya ay magkatawang-tao? Pero ang isang salita Niya ay kayang buhaying muli ang patay at payapain ang malalakas na hangin at alon. Kaya Niyang pakainin ang limang libong tao sa limang tinapay at dalawang isda. Hindi ba ito ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos? Kung wala ang Espiritu ng Diyos sa kalooban, kaya ba ng tao na gumawa ng gayong mga himala at hiwaga? Nang ipako ang Panginoong Jesus sa krus, hinangad ng Diyos na tubusin ang sangkatauhan sa pamamagitan nito. Nang si Panginoong Jesus ay magbangon mula sa mga patay, magpakita sa madla at umakyat sa langit, ’yon ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos. Hindi n’yo kinikilala ang taong maaaring magpahayag ng katotohanan at magsagawa ng gawain ng Diyos bilang Cristo at Diyos Mismo. Kung gayo’y sabihin n’yo sa ’kin, maliban kay Cristo na nagkatawang-tao, sino pa ang nakikita n’yong maaaring magpahayag ng katotohanan at magsagawa ng gawain ng Diyos? Nananalig man ang mga tao o hindi, ang katotohanan na naging tao ang Diyos at nagpahayag ng katotohanan para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi maikakaila. Yaon lamang mga napopoot at nasusuklam sa katotohanan ang tatanggi kay Cristo at lalaban sa Kanya. Lahat ng nagmamahal sa katotohanan ay maaaring tanggapin at sundin ang gawain ng Diyos. Sa paggunita noong ang Panginoong Jesus ay gumagawa, galit na kinalaban at tinuligsa ng mga pinuno ng Judaismo ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao. Tinanggihan din ng mga Judio ang Panginoong Jesus. Pero ang katotohanan ng pagtubos ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ay kumakalat pa rin sa buong mundo. Maraming tao sa mga bansa sa buong mundo ang nananalig sa Panginoong Jesus. Matatagpuan ang mga iglesiang Kristiyano sa lahat ng dako. Ayon sa estadistika, mahigit dalawang bilyong tao ang nananalig sa Panginoong Jesus ngayon. Sapat na ito para patunayan na ang Panginoong Jesus si Cristo at ang Tagapagligtas. Walang saysay ang ikaila ito. Sa mga huling araw, ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ang lahat ng katotohanan para mapadalisay at mailigtas ang sangkatauhan, at ginawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Noong gumagawa Siya, sumailalim Siya sa baliw na pagkalaban at pagtuligsa ng rehimen ng makademonyong CCP at ng mga puwersa ng mga anticristo ng iba’t ibang relihiyon. Pero sa loob lang ng dalawampung taon, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay kumalat na sa buong lupain ng China. Gumawa na ang Makapangyarihang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay, ang mga unang bunga sa China. Ngayon ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at iba’t ibang sine, video at MV na ginawa ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naka-post na sa Internet. Parami nang parami ang mga tao na nagsisimulang pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Palagay n’yo ba posibleng gawin ’yan ng tao? Ang gayong mga resulta ay naging posible lamang dahil sa patnubay ng gawain ng Banal na Espiritu. Masasabi n’yo ba kung sino sa mundong ito ang maaaring magpahayag ng katotohanan at gumawa ng gawain na maaaring sumakop at magligtas sa sangkatauhan? Kaninong gawain ang maaaring palawakin sa buong sangkatauhan? Maliban kay Cristo na nagkatawang-tao, wala nang makakagawa ng gayong gawain. Ipinapakita sa atin n’yan ang kapangyarihan at awtoridad ng salita ng Diyos, ang kapangyarihan, karunungan, at kamangha-manghang mga gawa ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos na nagkatawang-tao, ang Cristo ng mga huling araw. Totoo talaga ’yan.
Ang Diyos ay naging tao para ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang sariling gawain. Hindi ito mababago ng kalooban ng tao. Kinikilala n’yo man ang pagkakatawang-tao ng Diyos o hindi, hindi mapipigil ang gawain ng Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang gawain ng Diyos ay sumusulong tulad ng rumaragasang alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at makatanggap ng Kanyang pangako. Ang mga tao namang hindi ay sasailalim sa napakalaking kapahamakan at karapat-dapat sa kaparusahan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay malapit nang magwakas. Malapit na ang malaking kapahamakan. Lahat ng tumatanggi at kumakalaban sa Diyos ay malilipol. Magiging huli na ang lahat at wala nang saysay ang kilalanin pa ang Makapangyarihang Diyos pagsapit n’yon. Yaon lamang mga nalinis at nagawang perpekto sa pagtanggap sa paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang makaliligtas sa malaking kapahamakan at makakapasok sa kaharian ng Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Red Re-education sa Bahay