Maraming mga kapatiran ang taos-pusong pinupuri ang mga pastor at elder. Hindi nila naiintindihan kung bakit, kahit pa madalas na ipinapaliwanag ng mga pastor at elder ang Biblia at dinadakila ang Biblia, kinapopootan pa rin nila ang katotohanan at tinututulan at binabatikos ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Ang pagpapaliwanag sa Biblia at pagdakila sa Biblia, parehas ba ’yon sa pagsaksi sa Panginoon at pagdakila sa Panginoon?

Agosto 28, 2018

Sagot: May lumalaki nang atmospera sa relihiyosong komunidad. Yaong mga nakakapagpaliwanag ng husto sa Biblia, yaong may pinakamagandang teorya ng Biblia ay laganap na pinuri at sinamba. Ang mga taong na nakakapagpaliwanag ng mga misteryo ng Biblia at mga propesiya ay pinuri ng husto. Samakatuwid, pinupuri ng maraming tao ang mga pastor at elder sa iglesia. Nakikita nilang lahat na ang pagpapaliwanag sa Biblia at pagdadakila sa Biblia ay pagsasaksi sa Panginoon at pagdadakila sa Panginoon. Kapag nakikita nila ang mga pastor at elder na tumututol at binabatikos ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, karamihan sa kanila ay naguguluhan at nalilito. Sa isang banda, akala nila na ang katunayan na ipinapaliwanag ng mga pastor at elder ang Biblia at dinadakila ang Biblia ay nangangahulugang sumasaksi sila sa Panginoon. Sa kabilang banda, katotohanan ang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, ngunit bakit tinututulan at binabatikos Siya ng mga pastor at elder? Binabatikos ba nila ang Makapangyarihang Diyos dahil hindi Panginoong Jesus ang pangalan Niya? Gayun pa man, katotohanan ang lahat ng ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaya hindi Siya dapat mabatikos! Kung gayon bakit panatikong tinututulan at binabatikos ng mga pastor at elder ang Makapangyarihang Diyos na nagpapahayag ng katotohanan? Maraming tao ang hindi nakakaintindi nito. Sa katunayan, hindi naman ganoon kahirap ipaliwanag ang problemang ito. Kung iisipin mo dati noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba ang mga Judiong punong saserdote, tagasulat, at Fariseo ay panatikong binabatikos at tinututulan ang Panginoong Jesus sa parehong paraan? Hindi ba’t ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus? Hindi ba’t ’yon ay dahil hindi Mesias ang pangalan ng Panginoong Jesus? Hindi ba’t ’yon ay dahil nagpahayag Siya ng maraming katotohanan? Nakita nila na ang mga salita ng Panginoong Jesus ay may awtoridad at kapangyarihan; nakita nila na maaari Siyang magbunyag ng mga mahimalang bagay. Nakita nila na libo-libong mga tao ang sumunod sa Kanya. Nagulat nito ang buong Judea. Kung hinayaan nilang ipalaganap ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, babaliktad mismo ang Judaismo. Hindi mailalarawan ang mga kahihinatnan sa Judaismo! Samakatuwid, nagkaroon sila ng pagkapoot sa Panginoong Jesus at ang kagustuhang patayin Siya. Ganyan kung paano humantong ang Panginoong Jesus na ipinako nila sa krus. Dati, hindi ba ang mga punong saserdote, tagasulat, at Fariseo ay ipinapaliwanag lahat at dinadakila ang Biblia? Kung gayon bakit nila ipinako sa krus ang Panginoong Jesus? Para ipahayag ito nang malinaw, hindi ba dahil kinapopootan ng mga Fariseo ang katotohanan at ang gawain ng Diyos? Para protektahan ang kanilang mga sariling posisyon at kabuhayan, wala silang awa at mapanira sa Diyos na nagpapahayag ng katotohanan. Tulad ng nakikita n’yo, payag silang gumawa ng anumang masamang bagay para tutulan ang Diyos! Hindi mahirap makita na ang tunay na katangian ng mga punong saserdote, tagasulat, at Fariseo ay pagkapoot sa katotohanan at pagtutol sa Diyos! Ipinaliwanag nila at dinakila ang Biblia para sa sarili nilang posisyon at kabuhayan. Puno sila ng pagkapoot sa Diyos at sa katotohanan. Samakatuwid, nang ipinahayag ng Panginoong Jesus ang katotohanan at ginawa ang Kanyang gawain, ang kanilang tunay na katangian—pagkapoot sa katotohanan at pagtutol sa Diyos—ay lubusang nailantad. Tulad ng iyong nakikita, kung tutulan man ng mga tao ang Diyos o hindi, hindi ito apektado ng kung paano nila ipaliwanag ang Biblia; may kinalaman ito sa kanilang pagkatao. Para sa mga taong may pagkataong napopoot sa katotohanan at tumututol sa Diyos, kahit gaano pa sila kagaling magpaliwanag ng Biblia, hindi mababago ang kanilang panloob na pagkapoot sa katotohanan at pagtutol sa Diyos. Hindi ba’t ginagamit ng mga Fariseo ang kanilang pagpapaliwanag sa Biblia para batikusin at tutulan ang Panginoong Jesus? Isang itong bagay na ibinunyag ng Diyos matagal na panahon na ang nakaraan sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Hindi pa ba talaga natin nakikita?

Ang mga Fariseo at mga pastor at elder ay parehong nagpapaliwanag at dinadakila ang Biblia. Gayun pa man, paanong nagagawa pa rin nilang tinututulan at binabatikos ang Diyos na nagkatawang-tao? Kailangan nating maintindihan ang isa pang katotohanan: Pumapatotoo lang ang Biblia sa Diyos; isa itong tala ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Nagpapahayag ng ilang katotohanan ang Diyos sa panahon ng bawat yugto ng Kanyang gawain. Sa Kanyang mga salita, nakikita ng mga tao ang Kanyang disposisyon at lahat ng mayroon sa Kanya at kung ano Siya. Samakatuwid, sa bawat oras na nakakaranas ang mga tao ng yugto ng gawain ng Diyos, naiintindihan nila ang ilang katotohanan at mas nakikilala pa ang Diyos. Sa panahon ng tatlong yugto ng gawain ng Kanyang plano sa pamamahala, Dahan-dahang ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang likas na disposisyon, ang lahat ng mayroon Siya at kung sino Siya. Sa Kapanahunan ng Kaharian, lubos na ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang likas na matuwid na disposisyon, pagkamakapangyarihan at karunungan, awtoridad at kaluwalhatian. Kung kilala lang natin ang Diyos mula sa Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, masyadong limitadong kaalaman ’yan sa Diyos. Tulad ito noong Kapanahunan ng Kautusan nang kinilala ng mga mananampalataya ang tunay na pag-iral at matatalinong gawa ng Diyos sa pamamagitan ng gawain ng Diyos na Jehova. Nalaman nila na hindi maaaring labagin ang mga kautusan ni Jehova. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nang nakita ng mga mananampalataya ang gawain ng Panginoong Jesus, alam nila na Siya ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, ang mahabagin, maawaing Diyos. Gayun pa man, hindi nila naiintindihan ang diwa o likas na matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi talaga nila nakamit ang tunay na kaalaman sa Diyos. Samakatuwid, makikita natin na kung kilala lang natin ang Diyos mula sa Kanyang gawain at mga salita noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, masyadong isang panig lang ang kaalaman natin sa Diyos. Bahagi lamang ng Kanyang disposisyon at kung ano Siya ang malalaman natin. Hindi natin makakamit ang pamantayan ng tunay na pagkilala sa Diyos. Kapag ang mga tao na hindi nakakakilala sa Diyos ay nagpapaliwanag ng Biblia, lubos silang mananagot na tukuyin Siya at tutulan Siya. Katotohanan ba ’yan? Gayun pa man, hindi lang sa ang mga Judiong punong saserdote, tagasulat, at Fariseo ay hindi kilala ang Diyos, ngunit ang pinakamahalaga, may mala-satanas silang pagkatao: Kinapootan nila ang katotohanan at tinutulan ang Diyos. Iyon ang pinakamatinding kapintasan nila! Kung naging mabuti ang kanilang mga puso, hindi nila ipinako ang mapagmahal na Panginoong Jesus, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, sa krus, kahit pa hindi nila kilala ang Diyos. Walang lugar ang Diyos sa mga puso ng Fariseo. Mas mahalaga higit sa lahat ang kanilang mga posisyon at kabuhayan. Samakatuwid, nang naging banta ang gawain ng Diyos sa kanilang mga posisyon at kabuhayan, itinuring nila bilang kanilang kalaban ang Diyos at pinatay Siya. Tulad ng nakikita mo, masyadong nakakalason ang kanilang mga puso at kanilang pagkatao at diwa! Hindi kataka-taka na sinabi ng Diyos na mga anak sila ng ulupong! Kahit na hindi kilala ng mga lider ng relihiyosong komunidad ang Diyos, gayun pa man, yaong mga panatikong bumabatikos at tumututol sa Diyos ay ilalantad bilang mga anticristo. Siyempre, may sariling pagkakaintindi sa gawain ng Diyos ang ilang mga relihiyosong lider, ngunit ang kanilang puso na may takot sa Diyos ay pumipigil sa kanila mula sa pagbigkas ng pagbatikos o pagtutol sa Diyos. Halimbawa, nang ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, si Gamaliel, isang nagtuturo ng kautusan, ay hindi binatikos ang Panginoong Jesus. Nahanap ni Nicodemus ang katotohanan sa Panginoong Jesus sa gabi. Lahat ng mga ito ay katotohanang nakatala sa Biblia. Tulad ng iyong nakikita, kung naniniwala ang mga tao sa Diyos ngunit hindi nila Siya kilala o may pusong takot sa Diyos, kapag naglingkod sila sa Diyos, mananagot din sila na tutulan Siya. Kung ang mga taong may pagkataong napopoot sa katotohanan at nakalalasong puso ay naging mga relihiyosong lider, darating ang panahon na sila’y mailalantad bilang mga anticristo. Isa itong katotohanan na walang sinuman ang makakatanggi! Malinaw na ba ito sa inyong lahat? Sa panahong iyon, kritikal na inilantad at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga hipokritong Fariseo. Sa mga huling araw, inilantad, hinatulan at binatikos ng Makapangyarihang Diyos ang mga pastor at elder na may diwa ng anticristo na nanliligaw sa iba sa kanilang mga pagpapaliwanag ng Biblia at tumututol sa Diyos. Magbasa tayo muli ng dalawa pang talata mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos. “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos).

Palaging may poot ang saloobin nila sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman nagalak na magpasakop o magpakumbaba ng sarili nila. Dinadakila nila ang mga sarili nila bago ang iba at hindi kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nilang pinakamahusay sa pangangaral ng salita, at ang pinakabihasa sa paggawa sa iba. Hindi nila kailanman itinatapon ang mga ‘kayamanang’ nasa pag-aari nila, kundi itinuturing ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit nila ang mga ito para magsermon sa mga hangal na umiidolo sa kanila. … Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang pinakamataas nilang tungkulin. Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang ‘sagrado at hindi malalabag’ na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging ‘mga hari’ sila sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng mga demonyong ito na makipagsanib at gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). Malinaw na ibinubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang diwa ng mga pastor at elder: Ipinapaliwanag nila ang Biblia ngunit tinututulan ang Diyos. Hindi kilala ng mga pastor at elder ang Diyos; sa halip ay kanilang tinutukoy at tinututulan Siya. Totoong-totoo ito para sa mga bumabatikos o lumalapastangan laban sa Makapangyarihang Diyos; pareho ang kanilang mga pagkatao at diwa sa mga yaong Fariseo na nagpako sa Panginoong Jesus sa krus. Mala-satanas silang lahat, nakakalasong mga tao na kinapopootan ang katotohanan. Mga anticristo sila lahat na inilantad ng gawain ng Diyos; silang lahat ang siyang muling nagpako sa Diyos sa krus. Isinumpa sila lahat ng Diyos!

Ang tunay na pagsasaksi sa Panginoon at pagdadakila sa Panginoon ay hindi tungkol sa kung paano ipinapaliwanag ng mga tao ang Biblia. Ang susi ay kung maaari nilang isabuhay ang mga salita ng Diyos at maranasan ang Kanyang gawain. Kung mahal ng mga tao ang katotohanan, makakamtan nila ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu at tunay na karanasan at kaalaman sa salita ng Diyos. Nalilikha ang kaalamang ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay at pagdanas sa mga salita ng Diyos. Ito ang ibig sabihin ng tunay na makilala ang Diyos. Ang pagsasabi ng tunay na mga karanasang ito at patotoo ay ang ibig sabihin ng tunay na pagdadakila sa Diyos at pagsasaksi sa Kanya! Ang tunay na kaalaman sa Diyos na yaong sinasabi ng mga dumadakila at sumasaksi sa Kanya ay hindi galing sa kanilang sariling pagkakaintindi, imahinasyon o lohiko; talagang hindi ito galing sa kanilang literal na pagpapaliwanag ng mga salita ng Diyos. Yaong mga dumadakila at sumasaksi sa Diyos ay nakatuon sa pagsasabi ng mga salita ng Diyos sa Biblia, pagsasabi ng kalooban ng Diyos, Kanyang mga utos sa mga tao, Kanyang disposisyon at ang lahat ng mayroon Siya at kung ano Siya, na nagpapaintindi sa mga tao ng kalooban at disposisyon ng Diyos at tunay na makilala ang Diyos. Ganito kung paano maaaring tunay na maigalang at masunod ang Diyos. Itong mga uri ng pagpapaliwanag sa Biblia at pagsasabi tungkol sa mga salita ng Diyos ay kung paano nila tunay na madadakila ang Diyos at sumaksi sa Diyos. Gayun pa man, kapag pinapaliwanag ng mga pastor at elder ang Biblia, kaya ba talaga nilang sabihin ang diwa ng katotohanan ng mga salita ng Diyos? Kaya ba nilang sabihin ang kalooban ng Diyos? Kaya ba nilang sumaksi sa disposisyon ng Diyos? Kaya ba nilang gawin ang ibang makilala, sundin o igalang ang Diyos? Ipinakita sa atin ng mga katunayan na karamihan sa mga pastor at elder sa relihiyosong komunidad ay kinapopootan ang katotohanan at tinututulan ang Diyos; iyon ang tunay nilang pagkatao. Hindi nila isinasabuhay ang mga salita ng Diyos o nararanasan ang Kanyang gawain. Hindi nila naiintindihan ang Kanyang kalooban o mga hinihingi sa anumang paraan, at tiyak na hindi nila naiintindihan ang Kanyang disposisyon, ang lahat ng mayroon Siya o ang lahat ng kung ano Siya. Samakatuwid, hindi nila kayang magsabi ng anumang tunay na kaalaman sa Diyos, at hindi nila kayang sumaksi sa banal na diwa o mga kaibig-ibig na mga katangian ng Panginoong Jesus. Nagpapaliwanag lang sila ng kaalaman sa Biblia at teolohikal na teorya o mga partikular na kwento ng mga karakter sa Biblia, kasama ang mga nasa likod ng kasaysayan para mapahanga at mapatingala nila ang mga tao. Hindi lang ’yan, ngunit kadalasan ang mga pastor at elder ay ipinapaliwanag ang mga salita ng tao, tulad ng mga salita ni Pablo sa Biblia. Ayon kay Pablo, “Lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos,” kinukuha nila ang mga salita sa Biblia na parang ito’y mga salita ng Diyos. Nagdulot ito sa buong relihiyosong komunidad para kunin ang mga salita ng apostol bilang mga salita ng Diyos at sinasabi sa mga mananampalataya na isabuhay at sundin ang mga ito. Sinisipi nila ang mga salita ng mga apostol nang higit at mas madalas kapag nagbibigay sila ng mga sermon, nakikipag-usap o nagpapatotoo. Gayun pa man, paunti nang paunti nilang sinisipi ang Diyos at ang Panginoong Jesus. Ang naging resulta ay napalitan ang lahat at napawalang-bisa ang mga salita ng Diyos at ng Panginoong Jesus. Patuloy na lumiliit ang lugar ng Panginoong Jesus sa mga puso ng mga tao, habang patuloy na lumalaki ang lugar ni Pablo at ng iba sa kanilang mga puso. Pinapayagan nito ang mga salita ni Pablo, kasama ang mga salita ng ibang tao sa Biblia, para sakupin ang mga puso ng mga tao. Naniniwala ang mga tao sa pangalan ng Panginoong Jesus, ngunit sa totoo, nagpapatuloy lang sila ayon sa mga salita ng tao sa Biblia, tulad ng mga salita ni Pablo. Naglalakbay sila kasama ang kanilang sariling pananalig sa Diyos. Paanong hindi naliligaw sa landas ng Panginoon ang mga taong naniniwala sa Diyos sa ganitong paraan? Paanong naaayon sa kalooban ng Diyos ang ganitong uri ng serbisyo? Halimbawa, minsang sinabi ito ng Panginoong Jesus tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit: “kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Gayun pa man, sa halip ay pinag-uusapan ng mga pastor at elder ang kaligtasan at ang pagpasok sa kaharian ng langit ayon sa mga salita ni Pablo. Lubusang pagkakanulo ito sa mga salita ng Panginoong Jesus. Ang resulta, karamihan sa mga mananampalataya ay hindi alam kung paano sumunod sa kalooban ng Diyos. Mas lalong hindi maliwanag sa kanila kung anong uri ng mga tao ang maaaring pumasok sa kaharian ng langit. Ginagamit ng mga tao ang mga salita ni Pablo bilang kanilang kasabihan: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Itinuturo sa iba ng mga pastor at elder na hangga’t nagsusumikap sila para sa Panginoon tulad nang ginawa ni Pablo at napagtiisan ang paghihirap, makakapasok sila sa kaharian ng langit. Ipinalit nila ang mga salita ng mga tao para sa mga salita ng Diyos; hindi nila isinasama ang mga salita ng Diyos. Ang resulta ay inaakay nila na malihis ang mga tao. Kapag ipinapaliwanag nila ang Biblia sa ganitong paraan, dinadakila ba nila ang Diyos o sumasaksi sa Diyos? Hindi. Sa tingin ko, nasa direktang pagsasalungat sila sa Diyos! Napakaseryoso ng problemang ito! Kadalasang ipinapalit ng mga relihiyosong pastor at elder ang mga salita ng tao sa Biblia para sa mga salita ng Diyos. Dapat malinaw na sa atin ngayon ang mga kahihinatnan nito, tama? Paano na naniniwala ang maraming tao sa Panginoon nang maraming taon at hindi pa rin Siya kilala? Bakit hindi nila kailanman naranasan ang mga salita ng Panginoon? Paano na silang naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan ay nakakamtan ang katotohanan o buhay? Hindi ba ito’y dahil ang mga pastor at elder ay patuloy na nagpapaliwanag at nagpapatotoo tungkol sa mga salita ng tao mula sa Biblia at hinihikayat ang kanilang mga tagasunod na sundin ang mga salitang ito? Paano nila madadakila ang Panginoon o magsasaksi sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa Biblia sa ganitong paraan? Paano na ang ganyang uri ng paglilingkod ay naaayon sa kalooban ng Diyos? Hindi sila naiiba sa mga hipokritong Fariseo; pareho silang naglalakbay sa landas ng paglilingkod sa Diyos habang tinututulan din Siya. Sa panahon ng mga huling araw, kapag nagpakita ang Diyos na nagkatawang-tao at ginawa ang Kanyang gawain, magsisimula silang walang humpay na tututulan at babatikusin ang gawain ng Diyos, kung saan ay naglalantad ng kanilang natatagong mala-satanas na pagkatao: Kinapopootan nila ang katotohanan at tinututulan ang Diyos. Sa huli, isusumpa at paparusahan sila ng Diyos. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa aming pananampalataya.’ Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?(“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Malinaw na inilantad ng Makapangyarihang Diyos ang diwa ng mga pastor at elder na tumututol sa Diyos. Dapat ang katotohanan ay maintindihan ng mga tunay na mananampalataya at mga naghanap ng katotohanan: Wala sa konteksto na sinisipi ng mga relihiyosong pastor at elder ang Biblia at maling-ipinapaliwanag ang Biblia sa pagtutol sa Diyos. Sa ganitong paraan, matatakasan natin ang kanilang panlilinlang at kontrol at makakabalik tayo sa harapan ng trono ng Diyos.

Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay inilantad ang mga pastor at elder na ito, itong mga demonyong anticristo sa relihiyosong komunidad. Kung hindi, walang sinuman ang makakakita na ang kanilang pagdadakila at pagpapaliwanag sa Biblia sa katunayan ay ang kanilang traydor na paraan para malinlang at makontrol ang mga tao, ni hindi makikita ng sinuman ang katotohanan: Itinatatag nila ang kanilang sariling, hiwalay na kaharian bilang mga kalaban ng Diyos. Sa panahong iyon, dinakila at sumaksi ang mga Fariseo sa Biblia; ikinulong nila ang Diyos sa loob ng Biblia. Hindi nila kailanman hinangad ang katotohanan o hinanap man upang sundin ang mga yapak ng Diyos. Ang resulta ay ipinako nila ang Panginoong Jesus sa krus, ginamit ang Kanyang pagtanggi na sundin ang Lumang Tipan bilang kanilang pagpapatunay. Nakagawa sila ng lubos na malubhang kasalanan! Tulad din ng mga Fariseo ang mga pastor at elder sa mga huling araw. Dinadakila at sumasaksi sila sa Biblia; binibigyang-kahulugan nila ang Diyos sa Biblia. Nagpapakalat din sila ng mga kamalian, nagsasabing, “Wala sa mga salita at gawain ng Diyos ang umiiral sa labas ng Biblia,” “Ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos. Kumakatawan sa Diyos ang Biblia; kung iiwan mo ang Biblia, hindi ka na naniniwala sa Diyos.” Ginagamit nila ang mga kasabihang ito para iligaw ang mga tao sa paniniwala at pagpupuri sa Biblia. Itinuturing nila ang Biblia na parang ito’y Diyos. Pinalitan nila ang Diyos ng Biblia. Ginagamit ng mga pastor at elder itong sikretong, pakubling mga pamamaraan para nakawin ang mga tao sa Diyos, at dalhin sila sa harapan ng Biblia. Hindi namamalayang nagiging sanhi ito ng pagkawala ng mga tao sa kanilang relasyon sa Diyos. Ang mga taong minsa’y naniwala sa Diyos ay naniniwala na lang ngayon sa Biblia. Nagiging Panginoon ang Biblia sa kanilang mga puso, ang Diyos sa kanilang mga puso. Samakatuwid, ang kanilang bulag na paniniwala at pagpupuri sa Biblia ay nagdudulot sa kanila na magpuri at sumunod sa mga iskolar ng Biblia: ang mga pastor at elder. Para sa mga pastor at elder, ginagamit nila ang Biblia bilang kagamitan para makontrol ang relihiyosong komunidad at makamtan ang kanilang sariling ambisyon. Dinadakila nila ang Biblia at ipinapaliwanag nang wala sa konteksto para manlinlang, sumilo at kumontrol ng mga tao. Inaakay nila ang mga tao nang hindi halata sa landas ng pagpupuri sa mga tao, pagsunod sa mga tao, pagtutol sa Diyos at pagiging mga kalaban ng Diyos. Inililigaw nila ang mga tao sa pag-iisip na ang pagpupuri sa Biblia at pagsunod sa Biblia ay paniniwala sa Diyos, at pagkakaroon ng presensya ng Diyos. Samakatuwid, hindi hinahanap o pinag-aaralan ng mga taong ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at napapalampas ang kanilang huling pagkakataon sa kaligtasan. Ito talaga ang pinakatraydor, pinakatusong plano ni Satanas. Nakakasama talaga ito! Samakatuwid, makikita natin na ang mga pastor at elder sa relihiyosong komunidad ay isang grupo ng mga tunay na Fariseo at manggagantso! Mga bulaang pastol at anticristo sila na nagliligaw at kumokontrol sa hirang ng Diyos! Kontrolado ang relihiyosong komunidad ng grupo ng mga Fariseo at mga demonyong anticristo na tumututol sa Diyos. Matagal na panahon nang huminto itong maging lugar kung saan nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Naging mala-satanas na kampo na ito na itinuturing ang Diyos bilang kalaban. Matagal na panahon na itong naging dakilang lungsod ng Babilonia! Paanong hindi babagsak ang relihiyosong Babilonia sa ilalim ng galit ng Diyos?!

Ang kasaysayan ng pagtutol ng relihiyosong komunidad sa Diyos ay mula pa noong bandang huli ng Kapanahunan ng Kautusan. Nang nagkatawang-tao ang Diyos at ginawa ang Kanyang gawain sa unang pagkakataon noong Kapanahunan ng Biyaya, matagal na panahon nang nasakop ng mga Fariseo at mga anticristo ang relihiyosong komunidad. Naging oposisyong puwersa ito sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus. Kapag ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ay nagpapakita at ginagawa ang Kanyang gawain, yaong nasa relihiyosong komunidad ay tumatayo pa rin bilang mga kalaban sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Hindi lang sila panatikong nambabatikos at nanlalapastangan laban sa Makapangyarihang Diyos, nakikipagtulungan sila sa mala-satanas na rehimen ng CCP para usigin at sugpuin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagawa nila ang karumal-dumal na kasalanan na muling pagpako sa Diyos sa krus! Hindi lang isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, ibinubunyag ang kadiliman ng relihiyosong komunidad, ngunit nang ginawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, inilantad pa rin Niya ang tunay na diwa ng mga pastor at elder: ang kanilang pagtutol sa Diyos. At saka, isinumpa Niya ang mga anticristo na muling nagpako sa Diyos sa krus. Talagang nakakapukaw ng isipan ito! Sa parehong panahon na nagkatawang-tao ang Diyos, Kanyang binatikos at isinumpa ang relihiyosong komunidad. Ano ang ipinapakita nito? Naintindihan sa wakas ng mga hirang ng Diyos na ang relihiyosong komunidad, ang dakilang Babilonia, ay nakatakdang bumagsak. Sa pangalan lang naniniwala sa Diyos ang relihiyosong komunidad, ngunit talagang hindi kailanman dinadakila ang Diyos o sumasaksi sa Kanya. Talagang hindi nila ipinapatupad ang Kanyang kalooban. Hindi nila maaaring dalhin ang hirang ng Diyos sa Kanyang trono. Tiyak na hindi nila maaakay sila sa tamang landas, para maintindihan nila ang katotohanan at makilala ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasabuhay at pagdadanas sa Kanyang mga salita. Lubusang sumasalungat sa kalooban ng Diyos ang mga relihiyosong lider. Hindi nila mismo isinasabuhay ang katotohanan, ngunit nangangaral ng kaalaman sa Biblia at teolohikal na teorya para magmalaki at tingalain sila ng mga tao at sambahin sila. Inaakay nila ang mga mananampalataya sa hipokritong landas ng mga Fariseo. Sinasaktan nila at sinisira ang hirang ng Diyos. Naging kagamitan ni Satanas ang lahat ng mga relihiyosong lider, mga tunay na anticristo. Sa panahon ng tatlong yugto ng Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan, dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos para tubusin ang sangkatauhan at iligtas ang sangkatauhan. Mga kalaban ni Cristo ang buong relihiyosong komunidad; naging katitisuran sila sa gawaing pagliligtas ng Diyos. Kanilang nasaktan ang disposisyon ng Diyos at isinumpa at pinarusahan Niya bilang resulta. Tulad ito ng sinasabi sa propesiya, “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal…(Pahayag 18:2). “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid(Pahayag 14:8). “Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka’t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo(Pahayag 18:10).

Tignan natin kung paano binatikos ng Makapangyarihang Diyos itong mga anticristo na panatikong tumututol sa Diyos at ang mga relihiyosong komunidad na kontrolado ng mga anticristo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. … Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng yaong mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. … Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Gunitain kung ano ang sumunod matapos ipapako ng mga Judio si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Judio ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa mga bayan sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Judio ay napasailalim sa wala pang katulad na pasakit dahil sa pagkalipol ng kanilang bansa. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang kahindik-hindik na kasalanan—at inudyukan ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, ipinatiis sa kanila ang mga kinahinatnan ng kanilang mga pagkilos. Hinatulan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, kung kaya’t sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: ang maparusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kapahamakan na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).

Nagtitiwala kami na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Ang mga humahadlang sa gawain ng Diyos, lumalaban sa salita ng Diyos at nanggugulo at sumisira sa plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mabubura sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan).

Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. … Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26).

Bumabagsak ang sanlibutan! Paralisado ang Babilonia! Ah, ang relihiyosong mundo! Paanong hindi ito mawawasak ng Aking awtoridad sa lupa? Sino ang nangangahas pa ring sumuway at kumalaban sa Akin? Ang mga eskriba? Lahat ng opisyal ng mga relihiyon? Ang mga pinuno at awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi nagdiriwang sa pagkaperpekto at kapuspusan ng Aking katawan? Sa lahat ng tao, sino ang hindi umaawit ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, sino ang walang maliw ang kaligayahan? … Paanong hindi malilipol ang mga bansa sa mundo? Paanong hindi babagsak ang mga bansa sa lupa? Paanong hindi magbubunyi ang Aking mga tao? Paanong hindi sila aawit nang may kagalakan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 22).

Katotohanan ang bawat pangungusap ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, may awtoridad at kapangyarihan ang mga ito; lubos na ipinapakita ng mga ito ang pagkamatuwid, kadakilaan, galit at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos. Yaong mga tumututol sa Diyos, nang-aabala o gumagambala sa gawain ng Diyos ay talagang makakatanggap ng kaparusahan at paghihiganti mula sa Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan, hayagang itinanggi ng mga mamamayan ng Sodom ang Diyos at Siya’y tinutulan. Ginalit nila ang Kanyang disposisyon at sila’y winasak lahat ng Diyos; naubos sila. Noong Kapanahunan ng Biyaya, hayagang tinutulan at binatikos ng mga Judiong punong saserdote, tagasulat, at Fariseo ang Panginoong Jesus. Nakipagsabwatan sila sa gobyerno ng Roma para ipako ang Panginoong Jesus sa krus. Nakagawa sila ng mabigat na kasalanan na nag-udyok sa disposisyon ng Diyos. Ang buong bansang Judio ay napailalim sa hindi pa nangyayaring pagkawasak. Sa mga huling araw, hindi makatarungang hinahatulan, tinututulan at binabatikos ng mga relihiyosong lider ang Makapangyarihang Diyos. Nakikipagtulungan pa sila at nakikipagsabwatan sa demonyong CCP para sugpuin, arestuhin at usigin iyong mga kapatiran na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Matagal na panahon na silang nakagawa ng mga karumal-dumal na kasalanan na paglalapastangan laban sa Banal na Espiritu at pagpapako muli sa Diyos sa krus. Mas masahol pa ang masamang pag-uugali nila kaysa sa mga tao sa Sodom. Hindi malayong mas masahol pa ito kaysa doon sa mga Judiong Fariseo. Mga anticristo sila na inilantad ng gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw. Sila ang masamang relihiyosong puwersa na tumutol sa Diyos nang mas matindi at panatiko kaysa sa iba pa sa kasaysayan! Ganap na binubuo ang relihiyosong komunidad ng mga masasamang puwersa na tumututol sa Diyos. Pugad ito ng mga demonyong anticristo. Ito’y isang matibay na tanggulan na sumusubok pumantay sa kaharian ni Cristo. Kampo sila ng mala-satanas na mga sumumpang kalaban sa Diyos na mahigpit na nagrerebelde laban sa Kanya! Hindi maaaring masaktan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi maaaring mabahiran ang kabanalan ng Diyos! Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pagbubukang-liwayway ng isang bagong kapanahunan at ang katapusan ng luma. Ang relihiyosong komunidad na kinokontrol ng lahat ng uri ng mga demonyong anticristo gayun din ang masamang mundo ito ay malapit nang mawasak ng sakuna ng Diyos sa mga huling araw. Dumating na ang matuwid na kaparusahan ng Diyos! Tulad lang ito ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bumabagsak ang sanlibutan! Paralisado ang Babilonia! Ah, ang relihiyosong mundo! Paanong hindi ito mawawasak ng Aking awtoridad sa lupa?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 22).

mula sa iskrip ng pelikulang Babagsak ang Lungsod

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ano ang pagkukunwari

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:Dahil ang mga Fariseo ay mga ipokrito, lahat ng nakikita at nalalantad sa kanila ay huwad; lahat ito’y...

Leave a Reply