Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan

Anong mga pagsubok ang kaya ninyong tiisin ngayon? Mangangahas ba kayong sabihin na mayroon kayong pundasyon, kaya ba ninyong manindigan kapag nahaharap sa mga tukso? Ang mga tukso ng pagtugis at pang-uusig ni Satanas, halimbawa, o ng katayuan at katanyagan, ng pag-aasawa, o kayamanan, kaya ba ninyong malampasan ang mga tuksong ito? (Sa isang antas ay malalampasan namin ang mga ito.) Ilang antas ng mga tukso ang mayroon? At aling antas ng tukso ang kaya ninyong lampasan? Halimbawa, maaaring hindi ka natatakot kapag nababalitaan mong may inaresto dahil sa pananampalataya sa Diyos, at maaaring hindi ka natatakot kapag nakikita mong inaaresto at pinapahirapan ang iba—ngunit kapag ikaw ang inaresto, kapag nasumpungan mo ang iyong sarili sa sitwasyong ito, kaya mo bang manindigan? Isa itong malaking tukso, hindi ba? Sabihin natin, halimbawa, may kakilala kang isang tao, isang taong may mabuting pagkatao, na masigasig sa kanyang pananalig sa Diyos, na tinalikuran ang pamilya at propesyon para magampanan ang kanyang tungkulin at dumanas siya ng labis na paghihirap: Biglang dumating ang isang araw na inaresto at sinentensiyahan siyang makulong dahil sa kanyang pananalig sa Diyos, at pagkatapos ay nabalitaan mong binugbog siya hanggang sa mamatay. Isa ba itong tukso para sa iyo? Ano ang magiging reaksiyon mo kapag nangyari ito sa iyo? Paano mo ito dadanasin? Hahanapin mo ba ang katotohanan? Paano mo hahanapin ang katotohanan? Sa panahon ng gayong tukso, paano ka makapaninindigan, at makauunawa sa mga layunin ng Diyos, at paano mo makakamit ang katotohanan mula rito? Naisaalang-alang mo na ba ang gayong mga bagay? Madali bang lampasan ang gayong mga tukso? Di-pangkaraniwan ba ang mga bagay na iyon? Paano ba dapat danasin ang mga bagay na katangi-tangi at sumasalungat sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao? Kung wala kang landas, malamang ba na magreklamo ka? Magagawa mo bang hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos at makita ang diwa ng mga problema? Magagamit mo ba ang katotohanan para matukoy ang mga tamang prinsipyo ng pagsasagawa? Hindi ba’t ito ang dapat na makita sa mga naghahangad sa katotohanan? Paano mo malalaman ang gawain ng Diyos? Paano mo ito dapat danasin para magawang makamtan ang mga bunga ng paghatol, pagdadalisay, pagliligtas at pagpeperpekto ng Diyos? Anong mga katotohanan ang dapat na maunawaan para malutas ang napakaraming kuru-kuro at mga hinaing ng mga tao laban sa Diyos? Ano ang mga pinakakapaki-pakinabang na katotohanan na dapat mong isangkap sa iyong sarili, ang mga katotohanang magtutulot sa iyo na makapanindigan sa gitna ng iba’t ibang pagsubok? Gaano kalaki ang tayog ninyo ngayon? Anong antas ng mga tukso ang kaya ninyong lampasan? Mayroon ba kayong anumang katiyakan tungkol dito sa inyong puso? Kung wala, ito ay kuwestiyonable. Kasasabi lang ninyo na “sa isang antas ay malalampasan ninyo ang mga ito.” Magulo ang mga katagang ito. Dapat malinaw sa inyo kung anong uri ng tayog mayroon kayo, kung anong mga katotohanan ang naisangkap na ninyo sa inyong sarili, anong mga tukso ang kaya ninyong lagpasan, anong mga pagsubok ang kaya ninyong tanggapin, at aling mga katotohanan ang dapat ninyong taglayin sa panahon ng mga partikular na pagsubok, anong kaalaman sa gawain ng Diyos, at aling landas ang pipiliin upang mapalugod ang Diyos—dapat mayroon kayong magandang ideya tungkol sa lahat ng ito. Kapag nahaharap ka sa isang bagay na hindi akma sa iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, paano mo ito daranasin? Sa gayong mga bagay, paano mo dapat sangkapan ang iyong sarili ng katotohanan—at kung aling mga aspekto ng katotohanan—upang malagpasan ito nang maayos, hindi lang nilulutas ang iyong mga kuru-kuro, kundi kinakamtan ang tunay na kaalaman sa Diyos—hindi ba’t ito ang dapat mong hangarin? Anong uri ng mga tukso ang karaniwan ninyong nararanasan? (Katayuan, kasikatan, pakinabang, pera, mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae.) Ang mga ito, sa pangkalahatan, ang karaniwan. At patungkol sa tayog ninyo ngayon, sa aling mga tukso ninyo kayang magpigil at manindigan? Taglay ba ninyo ang tunay na tayog ng pagdaig sa mga tuksong ito? Talaga bang magagarantiya ninyo na gagampanan ninyo nang maayos ang inyong tungkulin, at hindi gagawa ng anumang bagay na lalabag sa katotohanan, o na nakagagambala at nakagugulo, o suwail at mapanghimagsik, o nakakapagpalungkot sa Diyos? (Hindi.) Kaya ano ang dapat ninyong gawin upang magampanan nang maayos ang inyong tungkulin? Una, dapat ninyong suriin ang inyong sarili sa lahat ng bagay, para makita kung ang mga kilos ninyo ay naaayon ba o hindi sa mga katotohanang prinsipyo, para makita kung pabasta-basta ba o hindi ang inyong mga kilos, kung mayroon bang mga mapaghimagsik o mapanlaban na elemento. Kung mayroon, dapat ninyong hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito. Dagdag pa rito, kung may ilang bagay na hindi ninyo makilala, dapat ninyong hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito. Kung pinupungusan kayo, dapat ninyong tanggapin ito at magpasakop. Hangga’t nagsasalita ang mga tao alinsunod sa mga katunayan, hindi kayo maaaring makipagtalo at gumamit ng nakalilinlang na argumento sa kanila; saka lang ninyo makikilala ang inyong sarili at tunay na magsisisi. Dapat makamit ng mga tao ang mga hinihingi ng dalawang aspektong ito at magkaroon ng tunay na pagpasok. Sa ganitong paraan, magkakamit sila ng pagkaunawa sa katotohanan at makapapasok sa realidad, at magagampanan nila ang kanilang tungkulin sa isang paraang pasok sa pamantayan.

Sinasabi ng ilang tao, “Kadalasan, kapag may nangyayari sa akin, hindi ko alam kung paano hanapin ang katotohanan at kahit na kapag nahanap ko na, wala akong mahanap na sagot. Nagdasal ako, naghanap, at naghintay pero walang nangyari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nais kong hanapin ang mga salita ng Diyos upang malutas ito, pero napakarami ng mga salita, hindi ko alam kung aling bahagi ng mga salita ng Diyos ang angkop na basahin, at makalulutas ng problemang ito.” Ano kung gayon ang dapat nilang gawin? Mayroong pinakamababang pamantayan para dito: Kapag may nangyari sa iyo at hindi mo alam kung ano ang gagawin, ang pinakapangunahing bagay na dapat mong gawin ay ang sundin ang iyong konsensiya; isa itong huling pag-asa, isa itong batayan na dapat sundin nang higit sa lahat, at isa ring prinsipyo ng pagsasagawa. Kaya gaano ba kalakas ang pamumuno ng konsensiya sa bawat tao? Kapag hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, kung gaano kalaking papel ang maaaring gampanan ng kanyang konsensiya ay nakadepende sa kung anong klase ang kanyang pagkatao. Kung hindi nauunawaan ng taong ito ang katotohanan at hindi kumikilos ayon sa kanyang konsensiya, at hindi mo nakikita ang anumang aspekto ng kanyang mga kilos na nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos ni hindi mo nakikita sa kanya ang anumang may-takot-sa-Diyos na puso—kung hindi mo nakikita ang alinman sa mga ito, maaari bang ituring ang taong ito na nagtataglay ng konsensiya at pagkatao? (Hindi.) Anong klase ng tao ito? Ang ganitong uri ng tao ay tumpak na tinutukoy bilang isang taong walang pagkatao. Ginagawa niya ang mga bagay nang hindi batay sa katwiran o sa konsensiya, lagpas na sa pinakabatayan ng pag-asal. Hindi nauunawaan ng ilang tao ang maraming katotohanan. Hindi nila nauunawaan ang mga prinsipyo sa anumang ginagawa nila, at kapag nakakaharap sila ng mga problema, hindi nila alam ang tamang paraan ng pag-asikaso sa mga iyon. Paano sila dapat magsagawa sa ganitong sitwasyon? Ang pinakamababang pamantayan ay ang kumilos ayon sa konsensiya—ito ang pinakamababang punto. Paano ka dapat kumilos nang ayon sa konsensiya? Kumilos ka nang mula sa sinseridad, at maging karapat-dapat sa kabaitan ng Diyos, sa pagbibigay sa iyo ng Diyos ng buhay na ito, at sa pagkakataong ito na ibinigay ng Diyos upang matamo ang kaligtasan. Epekto ba iyon ng iyong konsensiya? Sa sandaling matugunan mo na ang pinakamababa sa mga pamantayan na ito, makakamit mo na ang proteksiyon at hindi ka makagagawa ng matitinding pagkakamali. Hindi ka madaling makagagawa ng mga bagay upang maghimagsik laban sa Diyos o susukuan ang tungkulin mo, ni malamang na kumilos nang pabasta-basta. Hindi ka rin masyadong magbabalak ng pakana para sa iyong sariling katayuan, kasikatan, pakinabang, at kinabukasan. Ito ang papel na ginagampanan ng konsensiya. Ang konsensiya at katwiran ay dapat kapwa maging bahagi ng pagkatao ng isang tao. Ang mga ito ay kapwa ang pinakabatayan at pinakamahalaga. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsensiya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, isang taong sukdulan ng sama ang pagkatao. Kung mas bubusisiin ang mga detalye, anong mga pagpapamalas ng kawalan ng pagkatao ang ipinapakita ng taong ito? Subukang suriin kung anong mga katangian ang matatagpuan sa gayong mga tao at anong partikular na mga pagpapamalas ang ipinapakita nila. (Makasarili sila at mababang-uri.) Ang mga taong makasarili at mababang-uri ay pabasta-basta lang sa kanilang mga pagkilos, at walang malasakit sa mga bagay na wala silang pansariling kinalaman. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos, ni hindi sila nagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos. Wala silang dinadalang pasanin sa paggampan sa kanilang mga tungkulin o sa pagpapatotoo sa Diyos, at hindi sila responsable. Ano ang iniisip nila tuwing mayroon silang ginagawa? Ang unang isinasaalang-alang nila ay, “Malalaman ba ng Diyos kung gagawin ko ito? Nakikita ba ito ng ibang mga tao? Kung hindi nakikita ng ibang mga tao na nagsisikap ako nang husto at masipag akong nagtatrabaho, at kung hindi rin ito nakikita ng Diyos, kung gayon walang silbi ang aking paggugol ng gayong pagsisikap o pagdurusa para dito.” Hindi ba ito lubos na makasarili? Isa rin itong mababang-uring klase ng intensyon. Kapag nag-iisip at kumikilos sila sa ganitong paraan, may papel bang ginagampanan ang kanilang konsensiya? Nababagabag ba ang konsensiya nila rito? Hindi, walang nagiging papel ang kanilang konsensiya, at hindi ito inuusig. May ilang tao na hindi umaako ng anumang responsabilidad kahit ano pa ang tungkuling ginagampanan nila. Hindi rin nila iniuulat kaagad sa mga nakatataas sa kanila ang mga problemang nadidiskubre nila. Kapag may nakikita silang mga taong nagdudulot ng mga panggagambala at panggugulo, nagbubulag-bulagan sila. Kapag nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang mga masasamang tao, hindi nila sinusubukang pigilan ang mga ito. Hindi nila pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, o isinasaalang-alang kung ano ang kanilang tungkulin at responsabilidad. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain ang mga taong kagaya nito; sila ay mga mapagpalugod ng mga tao at nagpapasasa sa kaginhawahan; nagsasalita at kumikilos sila para lamang sa sarili nilang banidad, reputasyon, katayuan, at mga interes, at handa lamang silang ilaan ang kanilang panahon at pagsisikap sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanila. Malinaw sa lahat ang mga kilos at intensyon ng isang taong katulad niyon: Lumalabas siya tuwing may pagkakataong maipakita ang kanyang mukha o magtamasa ng kaunting pagpapala. Ngunit, kapag walang pagkakataong maipakita ang kanyang mukha, o sa sandaling nagkaroon ng panahon ng pagdurusa, naglalaho siya sa paningin tulad ng isang pagong na nag-aatras ng ulo nito. May konsensiya at katwiran ba ang ganitong klaseng tao? (Wala.) Nakadarama ba ng paninisi sa sarili ang isang taong walang konsensiya at katwiran na ganito kung kumilos? Ang gayong mga tao ay walang pakiramdam ng paninisi sa sarili; walang silbi ang konsensiya ng ganitong klaseng tao. Hindi sila kailanman nakadama ng paninisi ng kanilang konsensiya, kaya mararamdaman ba nila ang paninisi o disiplina ng Banal na Espiritu? Hindi, hindi nila ito mararamdaman.

Maprinsipyo ang gawain ng Banal na Espiritu, at mayroon itong paunang mga kahingian. Sa anong uri ng tao karaniwang ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain? Anong mga paunang kahingian ang dapat tuparin ng isang tao upang matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu? Dapat maunawaan ng yaong mga nananampalataya sa Diyos ang pinakamaliit na dapat nilang taglayin para matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa pinakamababa, dapat silang magtaglay ng konsensiya at ng matapat na puso, at dapat mayroong elemento ng pagkamatapat ang kanilang konsensiya. Dapat maging matapat ang puso mo at tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos. Yaong mga hindi naglalakas-loob na tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos ay hindi matatapat na tao, at hindi sila taimtim na nananampalataya sa Diyos. Palaging sinasabi ng mga tao na sinisiyasat ng Diyos ang kaloob-looban ng puso ng mga tao, na pinagmamasdan Niya ang lahat, at na nakikita ng tao ang labas, habang nakikita ng Diyos ang puso, pero bakit hindi nila matanggap ang pagsisiyasat ng Diyos? Bakit hindi nila kayang makinig sa mga salita ng Diyos at magpasakop sa Kanya? Ang paliwanag ay na naiintindihan lamang ng mga tao ang mga salita at doktrina, pero hindi nila mahal ang katotohanan. Bakit hindi kailanman natatanggap ng ilang tao ang gawain ng Banal na Espiritu, palagi silang nasa negatibo at nalulumbay na kalagayan, nang walang anumang kagalakan o kapayapaan? Kung maingat mong susuriin ang kanilang mga kalagayan, karaniwang wala silang kamalayan sa kanilang konsensiya, walang matapat na puso, may mahinang kakayahan, at hindi sila nagsisikap tungo sa katotohanan, kaya bihirang-bihira na normal ang mga kalagayan nila. Ang mga nagmamahal sa katotohanan ay naiiba. Palagi silang nagsisikap tungo sa katotohanan, bumubuti ang kanilang kalagayan habang nauunawaan nila ang mga bahagi ng katotohanan, at nagagawa nilang lutasin ang ilang tunay na problema habang nauunawaan ang mga bahagi ng katotohanan, kaya patuloy na bumubuti at higit na nagiging normal ang kanilang mga kalagayan. Anuman ang mangyari sa kanila, bihira silang maging negatibo, at nagagawa nilang mamuhay sa presensiya ng Diyos. Sa anumang yugto ng karanasan, palagi silang may mga nakakamit at kaalaman, at palagi silang may mga tagumpay sa paggawa ng kanilang tungkulin. Nagagawa nilang kunin ang loob ng mga tao sa pangangaral ng ebanghelyo, at anuman ang tungkulin nila, ginagawa nila ito sa paraang may prinsipyo. Saan nagmumula ang mga nakamit na ito? Ito ang mga resultang natatamo sa pamamagitan ng madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagkakaroon ng kaliwanagan, pagtanglaw, at pagkaunawa sa katotohanan, mga resultang nakamit sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu. Kapag taglay mo ang matapat na puso, ang konsensiya at katwiran na dapat taglayin ng pagkatao, saka lang magagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain sa iyo. Kayong lahat ba ay may pag-unawa sa mga panuntunan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu? Sa anong uri ng tao ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain? Kadalasang ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain sa mga taong matapat ang puso. Gumagawa Siya sa mga tao kapag ang mga ito ay may mga suliranin at naghahanap sa katotohanan. Hindi pinapansin ng Diyos ang mga walang anumang pagkatao, yaong mga walang anumang konsensiya o katwiran man lang. Kung matapat ang isang tao, ngunit pansamantalang lumalayo sa Diyos ang kanyang puso, ayaw magsikap na maging mas mabuti, naiipit sa isang negatibong kalagayan, hindi nagdarasal o naghahanap sa katotohanan para malutas ang lahat ng ito, ayaw makipagtulungan—sa ganitong kalagayan ng pansamantalang kadiliman, pansamantalang pagbagsak ng espirituwalidad, hindi ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Gaano pa kaya kalabong gagawin Niya ito para sa isang taong walang kamalayan sa pagkatao? Tiyak na hindi Niya ito gagawin. Ano ang gagawin ng Diyos sa ganitong uri ng tao na walang konsensiya o katwiran, na wala man lang pagmamahal sa katotohanan? Hindi Niya pinapansin ang mga ito. May pag-asa pa ba para sa mga taong ito? May isang hibla ng pag-asa. Ang tanging paraan para sa kanila ay ang tunay na magsisi, ang maging matatapat na tao, at saka lamang nila matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Paano maging isang matapat na tao? Una sa lahat, dapat mong buksan ang iyong puso sa Diyos at hanapin ang katotohanan mula sa Kanya, at kapag naunawaan mo ang katotohanan, kailangan mong maisagawa ito at magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, na lahat ay katumbas ng pagbibigay ng puso mo sa Diyos. Saka ka lang matatanggap ng Diyos. Kailangan mo munang maghimagsik laban sa iyong laman, isuko ang iyong sariling banidad at dangal, isuko ang iyong sariling mga interes, ibuhos ang lakas mo sa iyong tungkulin, kapwa katawan at isipan, gawin ang iyong tungkulin nang may mapagpasakop na puso, at maniwala sa puso mo na hangga’t binibigyang-kasiyahan mo ang Diyos, hindi mahalaga kung ano ang pinagdurusahan mo. Kung makakaranas ka ng mga paghihirap, at nagdarasal ka sa Diyos at hinahanap mo ang katotohanan, tingnan mo kung paano ka pinapatnubayan ng Diyos, at kung mayroon kang kapayapaan at kagalakan sa puso mo o wala, kung mayroon ka ba nitong katibayan o wala. Kung gusto mong matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, una, dapat kang tunay na magsisi, ibigay ang sarili mo sa Diyos, buksan ang puso mo sa Kanyang presensiya, at bitiwan ang mga basurang masyado mong pinahahalagahan tulad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kung patuloy mong hahangarin ang mga bagay na ito, ngunit nais mo pa ring humingi ng malalaking pagpapala mula sa Diyos, kikilalanin ka ba Niya? May mga paunang kahingian ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang Diyos ay isang Diyos na kinapopootan ang kasamaan, at Siya ay isang banal na Diyos. Kung palaging naghahangad ang mga tao ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at mula sa simula hanggang sa huli ay hindi nila kayang bitiwan ang mga bagay na ito, kung sarado ang puso nila sa Diyos, kung hindi sila naglalakas-loob na magbukas sa Kanya, kung palagi nilang tinatanggihan ang Kanyang gawain at gabay, kung gayon, wala Siyang gagawin. Hindi kailangang gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa bawat tao, na pinipilit kang gawin ang kung ano-ano. Hindi ka pinipilit ng Diyos. Ang masasamang espiritu lamang ang pumipilit sa mga tao na gawin ang kung ano-ano, sapilitan pa ngang sinasapian ang isang tao para makontrol ito. Sadyang banayad ang gawain ng Banal na Espiritu, na kapag inaantig ka Niya, ni hindi mo ito nararamdaman. Iisipin mo na parang hindi namamalayang nakaunawa ka at namulat. Ganito inaantig ng Banal na Espiritu ang mga tao. Kaya kung nais ng isang tao na tanggapin ang gawain ng Banal na Espiritu, dapat siyang tunay na magsisi at tunay na makipagtulungan.

Paano mo ibibigay ang puso mo sa Diyos? Kapag may nangyari sa iyo, dapat mong ipahayag sa Diyos na hindi ka aasa sa sarili mo. Ang pagbibigay ng puso mo sa Diyos ay nangangahulugan ng pagtutulot sa Diyos na maging Pinuno ng iyong tahanan. Bukod pa rito, dapat mong bitiwan ang mga bagay na humahadlang sa iyo sa pagsasagawa ng katotohanan, gaya ng reputasyon, katayuan, banidad, at pride, tulutan mo ang Diyos na gabayan ka, tulutan ang puso mo na magpasakop sa Kanya, tulutan Siyang maghari sa puso mo, at kumilos ka ayon sa Kanyang mga salita. Sa sandaling nagagawa mong isuko ang mga bagay na tinatamasa ng laman, at nakikita ng Diyos na hindi ka na nabibigatan, bagkus ay lumalapit ka sa Kanya nang may mapagpasakop na puso, handang makinig sa Kanyang mga salita at magpasakop sa Kanyang mga pagsasaayos at mga pamamatnugot, tinutulutan Siyang kumilos at mamuno—kapag nakita ng Diyos na taos-puso ka, gagawin ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Una, dapat kang tunay na magsisi, ibaling ang puso mo sa Diyos, magpakita ng pagsasaalang-alang para sa Kanyang mga layunin, at magsikap tungo sa katotohanan. Hindi ka maaaring maging negatibo o tamad, lalong hindi matigas ang ulo. Kung palagi mong gustong mamuno, na maging pinuno ng sarili mong tahanan, at kumilos ayon sa sarili mong mga kagustuhan, anong uri ng saloobin ito? Anong uri ng kalagayan ito? Ito ay pagrerebelde at paglaban. Iniisip mo ba na kailangan kang iligtas ng Diyos, na hindi Niya kayang wala ka? Ganito nga ba? Bakit napunta sa mga Hentil ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Bakit hindi Niya ito ginagawa sa Israel? Bakit hindi Niya ito ginagawa sa mundo ng relihiyon? Ito ay dahil masyado silang mapaghimagsik at mapanlaban sa Diyos kung kaya’t ibinaling Niya ang gawaing ito sa mga Hentil. Paano tinitingnan ng Diyos ang bagay na ito? Inililigtas ng Diyos ang mga tumatanggap sa katotohanan. Hindi mahalaga kung nagbalik-loob sila mula sa loob ng relihiyon o sila ay mga walang pananampalataya na tumatanggap sa gawaing ito—maawain ang Diyos at inililigtas Niya ang mga tumatanggap sa katotohanan. Malinaw ba sa inyong lahat ang mga bagay na ito? Ang bawat bagay na ginagawa ng Diyos ay napakamakabuluhan, at taglay ang disposisyon at karunungan ng Diyos. Siyempre, walang dapat ipagmalaki ang mga tao kapag nauunawaan nila ang mga pagnanais ng Diyos o kapag nagpapasakop sila sa Kanyang mga pagsasaayos. Huwag isipin na ikaw ay matalino, o na mahal mo ang katotohanan, o na mas malakas ka kaysa sa ibang tao. Dahil lang sa matalino ka sa isang bagay ay hindi nangangahulugang magiging matalino ka sa isa pa, kaya dapat madalas kang magdasal at maghanap sa katotohanan sa lahat ng bagay. Dapat mong suriin ang lahat ng kilos mo para tingnan kung mayroon kang may-takot-sa-Diyos na puso o wala, kung naaayon ang mga ito sa katotohanan o hindi, at kung nagagawa mang matugunan ng mga ito ang mga layunin ng Diyos.

Pasok man sa pamantayan o hindi ang pagkatao ninyo, o naaabot man nito o hindi ang sukatan ng normal na konsensiya at katwiran, nasisiyahan lamang ang Diyos sa mga taong naghahangad sa katotohanan. Walang katapusan ang paghahangad sa katotohanan at buhay pagpasok. Kung nagtataglay lamang ang isang tao ng konsensiya, at kumikilos ayon sa kanyang konsensiya, hindi pasok sa pamantayan ng katotohanan ang prinsipyong ito. Dapat din siyang magbayad ng halaga para magsikap tungo sa katotohanan, umasal ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at gawin nang maayos ang kanyang tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa ganitong paraan niya matatamo ang buhay pagpasok, mauunawaan at makakamit ang katotohanan, at matutugunan ang mga layunin ng Diyos. May mga taong may kaunting pagkatao, na nagtataglay ng kaunting konsensiya at katwiran, kaya iniisip nila na: “Ang paggawa ng tungkulin ko alinsunod sa aking konsensiya ay magiging karapat-dapat sa Diyos.” Tama ba ito? Mapapalitan ba ng pamantayan ng konsensiya ang katotohanan? Maaari ka bang magpasakop sa Diyos sa pamamagitan ng pagkilos alinsunod sa iyong konsensiya? Kaya mo bang sumunod sa kalooban ng Diyos? Kaya mo bang mamuhi at maghimagsik laban kay Satanas? Kaya mo bang tunay na mahalin ang Diyos? Kaya mo bang ipahiya si Satanas? Ang pagkilos ba alinsunod sa iyong konsensiya ay isang tunay na patotoo? Wala sa mga ito ang maaaring matamo. Ano ang bumubuo sa pamantayan ng konsensiya? Ang konsensiya ay isang damdamin sa puso ng isang tao, isang paghusga ng puso, at sumasalamin ito sa mga kagustuhan ng normal na pagkatao. Kadalasan, maraming artikulo ng batas at mga kuru-kuro ng moralidad ang naitatatag batay sa mga damdamin ng konsensiya, at kaya madaling nagagamit ng mga damdamin ng konsensiya ang mga artikulo ng batas at mga kuru-kuro ng moralidad bilang pamantayan. Samakatwid, ang mga damdamin ng konsensiya ay malayong-malayo sa pamantayan ng katotohanan, at higit pa roon ay napapasailalim ang mga ito sa mga pagpipigil ng damdamin, o nalilinlang at naliligaw ang mga ito ng magagandang-pakinggan na salita, na nagdudulot ng maraming paglihis. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, napapasailalim sila sa mga panlilinlang ng mga diyablo, at tinutulutan nila si Satanas na samantalahin sila. Kaya, ang pagkilos alinsunod sa iyong konsensiya ay napakalayo sa mga hinihingi ng Diyos. Kailangan mo ring magsikap tungo sa katotohanan. Kapag naunawaan mo ang katotohanan at ginawa ang iyong tungkulin ayon sa mga prinsipyo, saka mo lang matutupad ang mga hinihingi ng Diyos. Ang pamantayan ng katotohanan ay mas mataas pa kaysa sa pamantayan ng konsensiya. Kung basta mo lang ginagawa ang tungkulin mo ayon sa iyong konsensiya, makatatanggap ka ba ng pagsang-ayon ng Diyos? Hindi. Sapagkat hindi mapapalitan ng konsensiya ang katotohanan, lalo na ang mga hinihingi ng Diyos, hindi ka puwedeng makontento sa paggawa ng tungkulin mo alinsunod sa iyong konsensiya. Hindi mo makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos dahil dito.

Upang hangarin ang katotohanan, dapat mong suriin ang iyong sarili sa lahat ng bagay, para makita kung aling mga katotohanan ang wala sa iyo, na pumipigil sa iyo na ganap na magpasakop sa Diyos, na matakot sa Kanya at umiwas sa kasamaan, at na debotong gumawa ng iyong tungkulin. Pagkatapos ay dapat mong sangkapan kaagad ang sarili mo ng mga katotohanang iyon na wala sa iyo, para hindi ka lang aasal sa isang paraang pasok sa pamantayan, kundi kasabay niyon ay gagawin mo rin ang tungkulin mo sa puntong pasok sa pamantayan. Ang ilang tao ay mapagpalugod ng mga tao, hindi nila isinusumbong o inilalantad ang iba kapag nakikita nilang gumagawa ng masasamang bagay ang mga ito. Sila ay madaling pakitunguhan at madaling maimpluwensiyahan. Sumusunod sila sa mga huwad na lider at mga anticristo na nanggugulo sa gawain ng iglesia, hindi nila pinapasama ang loob ng sinuman, at palagi silang nakikipagkompromiso, walang pinapanigan. Kung titingnan, tila mayroon silang pagkatao—hindi sila kumikilos nang may kalabisan, at mayroon silang kaunting konsensiya at katwiran—pero kadalasan, tahimik lang sila at hindi nagpapahayag ng kanilang mga ideya. Ano ang masasabi mo sa gayong mga tao? Hindi ba’t tuso sila at mapanlinlang? Ganito talaga ang mga mapanlinlang na tao. Kapag may nangyayari, hindi sila nagsasalita o nagpapahayag ng anumang pananaw nang basta-basta, kundi laging nananahimik. Hindi ito nangangahulugan na sila ay makatwiran; bagkus, nagpapakita ito na sila ay talagang mahusay na nakabalatkayo, na may itinatago sila, na malalim ang kanilang katusuhan. Kung hindi ka nagtatapat sa kahit sinuman, makakapagtapat ka ba sa Diyos? At kung hindi ka sinsero, kahit sa Diyos, at hindi ka nakakapagtapat sa Kanya, maipagkakaloob mo ba ang puso mo sa Kanya? Tiyak na hindi. Hindi ka maaaring maging kaisa sa puso ng Diyos, kundi iwinawalay mo ang iyong puso sa Kanya! Nagagawa ba ninyo na magtapat at sabihin kung ano talaga ang nasa puso ninyo kapag nakikipagbahaginan kayo sa iba? Kung laging sinasabi ng isang tao kung ano ang tunay na nilalaman ng puso niya, kung nagsasalita siya nang matapat, kung nagsasalita siya nang diretsahan, kung siya ay sinsero, at hindi talaga pabaya habang gumagampan sa kanyang tungkulin, at kung kaya niyang isagawa ang katotohanang nauunawaan niya, may pag-asa ang taong ito na matamo ang katotohanan. Kung laging pinagtatakpan ng isang tao ang kanyang sarili at itinatago ang nilalaman ng kanyang puso para hindi iyon makita nang malinaw ninuman, kung nagbibigay siya ng maling impresyon para linlangin ang iba, siya ay nasa matinding panganib, siya ay nasa malaking gulo, magiging napakahirap para sa kanya na makamit ang katotohanan. Makikita ninyo sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao at sa kanyang mga salita at gawa kung ano ang kanyang kinabukasan. Kung ang taong ito ay laging nagkukunwari, laging nagpapakaespesyal, hindi siya isang taong tumatanggap sa katotohanan, at ibubunyag siya at ititiwalag sa malao’t madali. Aling landas ang tinatahak ninyong lahat? Hindi kailanman isang pagkakamali ang tumahak sa landas ng isang matapat na tao! Maaaring sabihin ng ilang tao: “Kapag nagbabahagi ka sa mga kapatid tungkol sa katotohanan, bakit mo sinasabi sa kanila ang saloobin ng puso mo? Hindi ba’t kahangalan iyon?” o, “Sa paglalantad sa masasamang tao at mga hindi mananampalataya, hindi ba’t napapasama mo ang loob ng mga tao? Hindi maaaring maging masyadong hangal ang mga mananampalataya sa Diyos!” Ano ang mararamdaman mo pagkatapos marinig ang mga salitang ito? Dapat mong sabihin na: “Ang maging matapat na tao, magsalita ng totoo, at ang pagsunod sa mga prinsipyo ay matalino, tiyak na hindi ito kahangalan. Ito ang katotohanang dapat isagawa ng mga lumalapit sa Diyos. Ang mga mananampalataya sa Diyos ay dapat magpasakop at magbigay-kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay. Tama ang magbahagi tungkol sa katotohanan at buksan ang puso mo. Kapag nagbabahagi tungkol sa katotohanan, dapat kang magsalita tungkol sa tunay mong kalagayan. Magiging mabuti iyon sa iba at kapaki-pakinabang sa iyo. Ang paglalantad sa masasamang tao at mga hindi mananampalataya ay responsabilidad ng mga hinirang ng Diyos. Magagawa mo ba nang maayos ang tungkulin mo kung natatakot kang mapasama ang loob ng iba? Ang mga hinirang ng Diyos ay dapat sumunod sa katotohanang prinsipyo, ilantad ang masasamang tao, at ilantad ang mga hindi mananampalataya. Ang pagiging matapat na tao ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pagsunod sa mga prinsipyo. Ang mga hindi nagsasagawa sa katotohanan, pati na ang mga hindi sumusunod sa mga prinsipyo, ay hindi matatapat na tao.” Ano ang tingin mo sa pagpapabulaanang ito? Ano man ang isipin ng ibang tao, hindi maaaring magbago ang mga mananampalataya sa Diyos mula sa pagiging isang matapat na tao o sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Hindi sila maaaring maimpluwensiyahan o mapigilan ng mga huwad na lider, anticristo, o hindi mananampalataya. Sa lahat ng oras, dapat silang sumunod sa Diyos at makinig sa Kanyang mga salita, at maging matapat na tao alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Ito ay tama. Paano dapat magsagawa ang isang tao upang maging isang matapat na tao? Dapat madalas siyang magnilay-nilay sa sarili, para makita kung sa aling mga bagay pa rin siya maaaring nagbubunyag ng kanyang sinungaling, madaya, at mapanlinlang na disposisyon. Sa pamamagitan lamang ng pagkakilala sa kanyang sarili, sa kanyang mga mapagsinungaling na intensiyon, at sa kanyang mapanlinlang at tiwaling disposisyon niya magagawang maghimagsik laban sa laman at unti-unti siyang magiging isang matapat na tao. Ang mga taong hindi nagbubukas ng kanilang puso kahit kailan, na laging sinusubukang magkubli at magtago ng mga bagay-bagay, na nagpapanggap na sila ay kagalang-galang, na gustong tingalain sila ng iba, na hindi tinutulutan ang iba na lubos silang masukat, na nagnanais na hangaan sila ng iba—hindi ba’t hangal ang mga taong ito? Pinakahangal ang mga taong ito! Iyon ay dahil sa malao’t madali ay malalantad ang totoo tungkol sa mga tao. Anong landas ang kanilang tinatahak sa pag-asal nang ganito? Ito ang landas ng mga Pariseo. Nanganganib ba ang mga mapagpaimbabaw o hindi? Ito ang mga taong pinakakinasusuklaman ng Diyos, kaya sa tingin mo ba ay nanganganib ang mga ito o hindi? Ang lahat ng Pariseo ay tumatahak sa landas tungo sa pagkawasak!

Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu para bigyang-liwanag ka upang maunawaan mo ang isang bagay, minsan ay napakabilis nitong nangyayari, samantalang sa ibang mga pagkakataon, matagal-tagal munang ipararanas sa iyo ng Banal na Espiritu ang isang karanasan bago ka unti-unting pahintulutang maarok ito. Hindi naman sa hindi mo kailangang danasin ito, o na tapos na Siya matapos kang tulutang maunawaan ang mga salita at doktrina. Ayon ba sa anong mga prinsipyo gumagawa ang Banal na Espiritu? Gumagawa ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paghahanda ng iyong kapaligiran at paghahanda ng mga tao, pangyayari, at bagay, tinutulutan kang gumulang sa pamamagitan ng mga tao, pangyayari, at bagay na ito at unti-unting maunawaan ang katotohanan sa pamamagitan ng mga ito at sa pamamagitan ng mga karanasang ito. Kapag binibigyan ka Niya ng ilang simpleng salita para pukawin o bigyang-liwanag ka, o bigyan ka ng kaunting liwanag, hindi pa Siya tapos. Bagkus, tinutulutan ka Niyang matuto ng mga leksiyon, at unti-unting lumago sa pamamagitan ng pagdanas ng bawat bagay, iba-ibang kapaligiran, at iba-ibang tao, pangyayari, at bagay upang unti-unti kang makaunawa sa katotohanan, at makapasok sa realidad. Samakatwid, gumagawa ang Banal na Espiritu sa isang napakanatural na prinsipyo; gumagawa Siya nang lubos na alinsunod sa natural na disenyo ng pag-unlad ng tao, nang hindi gumagamit ng anumang pamimilit. Ayon sa prinsipyo at saklaw ng gawain ng Banal na Espiritu, kung ang isang tao ay wala man lang ng pinakamababang halaga ng katwiran at konsensiya ng tao na dapat mayroon siya, maaari ba niyang matamo ang gawain ng Banal na Espiritu? Makakamit ba niya ang gabay at kaliwanagan ng Diyos? Talagang hindi. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Laging sinasabi ng mga tao na hinahangad nila ang katotohanan, na dapat nilang mas maunawaang mabuti ang katotohanan, pero may nakaligtaan sila, na dapat nilang ibigay ang kanilang puso sa Diyos. Iniisip nila na: “Kahit ano pa man ang pagkatao ko, may konsensiya man ako o wala, ipapasailalim ko man ang puso ko sa Diyos o hindi, mas hahangarin ko na lang ang katotohanan, mas makikinig sa mga sermon, magbabasa ng marami pang salita ng Diyos, at madalas na magbabahagi tungkol sa katotohanan. At habang ginagawa ko ang tungkulin ko, mas magsisikap ako at mas magdurusa, at ayos na ito.” Pero hindi napagtatanto at hindi alam ng gayong tao ang pinakapundasyon sa lahat ng pundasyon. Ngayon, naiintindihan na ba ninyo kung ano ang pinakamababang dapat taglayin ng isang tao kung nais niyang maunawaan at makamit ang katotohanan? (Konsensiya at katwiran.) Sa madaling salita, sa pinakamababa, dapat magkaroon ang isang tao ng matapat na puso. Tanging ang may matapat na puso ang kayang tumanggap sa katotohanan, magpasakop sa mga plano ng Diyos, at gumawa ng kanilang tungkulin alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Kung wala kang matapat na puso, hindi mo matutupad ang mga hinihingi ng Diyos, at hindi mo rin magagawa nang maayos ang tungkulin ng isang nilikha. Kung wala kang isang matapat na puso, anong klase ka ba? Ibig sabihin nito ay wala kang pagkatao—isa kang diyablo. Ano ang mga pagpapamalas ng pagkakaroon ng isang matapat na puso? Sa pinakamababa, dapat may mabuting pagkatao ang isang tao. Kapag ang isang tao ay may mabuting pagkatao, tunay na puso, konsensiya, at katwiran, ang mga ito ay hindi walang kabuluhan o malalabong bagay na hindi nakikita o nahahawakan, ngunit sa halip ang mga ito ay mga bagay na maaaring matuklasan kahit saan sa pang-araw-araw na buhay; lahat ng ito ay mga bagay ng realidad. Sabihin na ang isang tao ay dakila at perpekto: Isa ba iyong bagay na nakikita mo? Hindi mo makita, mahawakan, o kahit mailarawan sa isip kung ano ang maging perpekto o dakila. Ngunit kung sasabihin mong makasarili ang isang tao, nakikita mo ba ang mga kilos ng taong iyon—at tumutugma ba siya sa paglalarawan? Kung ang isang tao ay sinasabing matapat na may tunay na puso, nakikita mo ba ang pag-uugaling ito? Kung ang isang tao ay sinasabing mapanlinlang, baliko, at napakababa, nakikita mo ba ang mga bagay na iyon? Kahit na ipikit mo ang iyong mga mata, maaari mong madama kung ang pagkatao ng isang tao ay normal o kasuklam-suklam sa pamamagitan ng kung ano ang sinasabi niya at kung paano siya kumikilos. Samakatwid, hindi isang walang kabuluhang parirala ang “mabuti o masamang pagkatao.” Halimbawa, ang pagiging makasarili at napakababa, pagiging baliko at panlilinlang, pagmamataas at pag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba ay lahat ng bagay na maaari mong mamalayan sa buhay kapag nakaugnayan mo ang isang tao; ito ang mga negatibong elemento ng pagkatao. Kaya, maaari bang ang mga positibong elemento ng pagkatao na dapat taglayin ng mga tao—tulad ng pagkamatapat at pagmamahal sa katotohanan—ay maramdaman sa pang-araw-araw na buhay? Kung ang isang tao man ay may kaliwanagan ng Banal na Espiritu; kung makatatanggap man siya ng gabay ng Diyos; kung taglay man niya ang gawain ng Banal na Espiritu—nakikita mo ba ang lahat ng bagay na ito? Natutukoy mo ba ang lahat ng ito? Ano ang mga kondisyong dapat mataglay ng isang tao para matamo ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, matanggap ang gabay ng Diyos, at makakilos nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay? Dapat magkaroon siya ng matapat na puso, mahalin ang katotohanan, hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at maisagawa ang katotohanan sa sandaling maunawaan na niya ito. Ang pagkakaroon ng mga kondisyong ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, na magawang unawain ang mga salita ng Diyos, at madaling maisagawa ang katotohanan. Kung ang isang tao ay hindi matapat na tao at hindi nagmamahal sa katotohanan sa kanyang puso, mahihirapan siyang matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, at kahit pa ibahagi mo sa kanya ang katotohanan, wala iyong kahahantungan. Paano mo masasabi kung matapat na tao ang isang tao? Hindi mo lang dapat tingnan kung nagsisinungaling ba siya at nandaraya, kundi ang pinakamahalaga ay tingnan kung nagagawa ba niyang tanggapin ang katotohanan at isagawa ito. Iyon ang pinakasusi. Noon pa man ay nagtitiwalag na ng mga tao ang sambahayan ng Diyos, at sa puntong ito, marami na ang naitiwalag. Hindi sila matatapat na tao, lahat sila ay mapanlinlang na mga tao. Minahal nila ang mga bagay na hindi matuwid, hindi talaga nila minahal ang katotohanan. Kahit gaano karaming taon na silang nananampalataya sa Diyos, hindi nila maunawaan ang katotohanan o mapasok ang realidad nito. Lalo namang walang kakayahan ang mga gayong tao na tunay na magbago. Samakatwid, hindi talaga maiiwasan na sila ay itiwalag. Kapag nakakahalubilo mo ang isang tao, ano ang una mong titingnan? Tingnan mo ang kanyang mga salita at gawa para makita kung siya ba ay matapat, kung minamahal ba niya ang katotohanan at kaya ba niyang tanggapin ang katotohanan. Kritikal ang mga ito. Makikita mo sa pangkalahatan ang diwa ng isang tao hangga’t kaya mong matukoy kung isa ba siyang matapat na tao, kung nagagawa ba niyang tanggapin ang katotohanan at isagawa ito. Kung ang bibig ng isang tao ay puno ng matatamis na salita, ngunit wala siyang totoong ginagawa—kapag dumating na ang oras para gumawa ng isang bagay na totoo, iniisip lamang niya ang kanyang sarili at hindi ang iba—anong klase ng pagkatao ito? (Pagiging makasarili at pagiging napakababa. Wala siyang pagkatao.) Madali ba para sa isang tao na walang pagkatao na magkamit ng katotohanan? Mahirap ito para sa kanya. Kapag hinihingi sa kanya na magdusa o magbayad ng kung anong halaga, iniisip niya, “Mauna na muna kayo sa lahat ng pagdurusa at pagbabayad ng halaga na ito, at pagkatapos na halos nakamit na ang mga resulta, susunod na ako.” Anong uri ng pagkatao ito? Ang gayong mga pag-uugali ay kilalang lahat bilang “kawalan ng pagkatao.” Ang lahat ay may tiwaling disposisyon, ngunit sa pagharap sa isang isyu, ang konsensiya ng ilang tao ay gumagana at nakakaramdam sila ng paninisi sa sarili, kaya nagagawa nilang kumilos ayon sa kanilang konsensiya. Kahit na hindi nila sinasabing, “Hinahangad ko ang katotohanan at kailangan kong maging mabuting tao,” nagsisimula sila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang gumaganang konsensiya, at nagagawa nilang sabihin, nang umaasa sa kanilang konsensiya, “Kailangang maging karapat-dapat ako sa biyaya at pagpili ng Diyos.” Kaya kapag gumagana ang kanilang konsensiya, nagagawa na ba nilang isagawa ang katotohanan? Hindi ito tiyak, ngunit kung kahit papaano ay mayroon sila ng kagustuhang ito, nagiging madali para sa kanila na isagawa ang katotohanan, na siyang pinakapangunahing pundasyon para makamit ng mga tao ang katotohanan. Kapag nahaharap sa panganib, inaalala lang ng ilang tao ang magtago. Ang ilan ay pinoprotektahan ang iba at walang pakialam sa sarili nila. Kapag may nangyayari sa kanila, ang ilang tao ay nagtitiis, at ang ilan ay lumalaban. Ito ay mga pagkakaiba sa pagkatao. Kaya aling uri ng tao ang malamang na magkakamit ng katotohanan? Maraming tao ang gumawa ng matatatag na kapasiyahan sa harap ng Diyos, at nanumpa na ibibigay sa Kanya ang kanilang buong buhay, na gugugulin nila ang kanilang sarili para sa Kanya, at walang hahangaring kapalit. Gayumpaman, ang mga taong may masamang pagkatao ay palaging nag-aagawan para sa pakinabang, hindi kailanman sumusuko o nagtitimpi, at hindi kailanman kumikilos ayon sa konsensiya. Madali ba para sa isang tulad nito na magkamit ng katotohanan? Madali ba para sa kanila na magawang perpekto ng Diyos? (Hindi.) Kaya anong uri ng tao ang madaling magawang perpekto ng Diyos at magkamit ng katotohanan? (Mga taong may mabuting pagkatao.) Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa landas ng pagtitimpi, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag mapasama ang loob ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pagiging madulas at wais sa lahat ng iyong nakakasalamuha, at pagtitiyak na puro maganda ang sasabihin ng lahat tungkol sa iyo. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Ito ay ang magawang magpasakop sa Diyos at sa katotohanan. Ito ay ang pagharap sa tungkulin at sa iba’t ibang uri ng tao, pangyayari, at mga bagay nang may mga prinsipyo at pagpapahalaga sa responsabilidad. Ito ay malinaw na nakikita ng lahat; ang lahat ay maliwanag tungkol dito sa kanilang puso. Bukod doon, sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao at alam Niya ang kanilang sitwasyon, bawat isa sa kanila; kahit sino pa sila, walang makakalinlang sa Diyos. Palaging ipinagyayabang ng ilang tao na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao, na hindi sila kailanman nagsasabi nang masama tungkol sa iba, hindi kailanman pinipinsala ang mga interes ng sinuman, at sinasabi nilang hindi sila kailanman nag-iimbot ng mga pag-aari ng ibang tao. Kapag mayroong pagtatalo sa mga interes, pinipili pa nga nilang dumanas ng kawalan kaysa samantalahin ang iba, at iniisip ng lahat ng iba na mabubuti silang tao. Gayumpaman, kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, tuso at madaya sila, palaging nagbabalak para sa kanilang sarili. Hindi nila kailanman iniisip ang kapakanan ng sambahayan ng Diyos, hindi nila kailanman tinatrato na madalian ang mga bagay na tinatrato ng Diyos na madalian o nag-iisip gaya ng pag-iisip ng Diyos, at hindi nila kailanman kayang isantabi ang sarili nilang mga interes upang magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tinatalikdan ang sarili nilang mga interes. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Anong uri ng pagkatao ito? Hindi ito mabuting pagkatao. Huwag ninyong pansinin ang sinasabi ng gayong mga tao; dapat ninyong tingnan ang kanilang isinasabuhay, ang kanilang ibinubunyag, at ang kanilang saloobin kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, pati na ang kanilang kalagayang panloob at ang kanilang minamahal. Kung ang pagmamahal nila sa sarili nilang kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa kanilang katapatan sa Diyos, kung ang pagmamahal nila sa kanilang sariling kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung ang kanilang pagmamahal sa sarili nilang kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa konsiderasyong ipinapakita nila para sa Diyos, nagtataglay ba ang gayong mga tao ng pagkatao? Hindi sila mga taong may pagkatao. Nakikita ng iba at ng Diyos ang kanilang paggawi. Napakahirap para sa gayong mga tao na matamo ang katotohanan.

Ngayon, naiintindihan ba ninyong lahat kung anong uri ng mga tao ang nakapagkakamit ng katotohanan? Lahat ay handang hangarin ang katotohanan, lahat sila ay nananampalataya sa Diyos, nagtitipon at nakikinig sa mga sermon, gumagawa ng kanilang mga tungkulin, at nagbabahaginan tungkol sa katotohanan, ngunit bakit pagkatapos ng ilang taon, nakapagsasalita ang ilang tao tungkol sa kanilang mga patotoong batay sa karanasan at nakapagpapatotoo sila sa Diyos, samantalang ang ilang tao ay wala man lang patotoong batay sa karanasan, ni hindi nila nagagawa nang maayos ang anumang tungkulin? Ano ang ipinagkaiba? Sa totoo lang, ang kaibahan nila ay nasa kanilang pagkatao. Ang ilang tao ay may konsensiya at katwiran, samantalang ang iba ay wala; ang ilang tao ay mahal ang katotohanan, samantalang ang iba ay hindi. Kaya, anong uri ng tao ang madaling makakakamit sa katotohanan? (Mga taong taos-puso sa Diyos, matapat, may pagkatao, at may konsensiya at katwiran.) Napakahalaga nito. Ngayong naiintindihan ninyo iyon, dapat ninyong isaalang-alang ito: May kaugnayan ba ang pagkaunawa at pagkamit ng katotohanan sa hitsura, kakayahan, antas ng edukasyon, sirkumstansiya ng kapanganakan, edad, kapaligiran ng pamilya, mga kalakasan, o mga propesyonal na kasanayan na pinagkadalubhasaan ng mga tao? Sa pangkalahatan, masasabing hindi nauugnay ang mga ito. Ang ilang tao ay medyo may mahinang kakayahan, pero sila mismo ay napakapraktikal. Ibinubuhos nila ang buong lakas na mayroon sila, hindi nagpapakatuso at nanlilinlang, at sila ay masinop at umaako ng responsabilidad sa mga bagay-bagay. Kapag nagkakamali sila, nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan at magsagawa nang ayon sa mga prinsipyo; kapag may mga paghihirap sila, nagagawa nilang hanapin ang katotohanan. Patuloy na bumubuti ang mga resulta ng paggampan nila ng tungkulin nila, at bagama’t minamaliit sila ng mga taong may kaloob, gusto ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Kapag nagbibigay ng biyaya ang Diyos sa mga tao at tinutulutan silang maunawaan ang katotohanan, hindi Niya tinitingnan ang kanilang hitsura, antas ng edukasyon, kalidad ng kanilang kakayahan, o ang kanilang kahusayan sa pagsasalita—hindi tinitingnan ng Diyos ang alinman sa mga ito. Sinasabi ng ilang tao: “Hindi ako magaling magsalita, pero nakakakita ako ng mga taong napakahusay sa kanilang pananalita. Hindi ako matangkad, at karaniwan lang ang hitsura ko. Hindi ako nakapag-aral, at hindi rin masyadong mahusay ang kakayahan ko. Hindi ba’t ibig sabihin niyon ay katapusan ko na?” Anong klaseng pag-iisip ito? Hindi ba’t maling pagkaunawa ito sa Diyos? Hindi ba’t nangangahulugan ito na hindi ninyo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos? (Ganoon na nga.) Hindi ba mapaghimagsik ang mga taong nagtataglay ng perspektibang ito? Talagang hindi nila nauunawaan ang mga layunin ng Diyos. Iniisip nila na ang lahat ng inililigtas at ginagawang perpekto ng Diyos, o binibigyang-liwanag at ginagabayan Niya, ay matatalino, o nakapagsasalita nang napakahusay, o mayroong mahusay na edukasyon at kaalaman, o na pawang mga indibidwal na may talento; iniisip nila na ang mga ganitong tao ang gusto ng Diyos. Hindi ba’t paninirang-puri ito laban sa Diyos? Hindi talaga nila nauunawaan ang puso ng Diyos! Palaging sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay matuwid at na pinagmamasdan Niya ang kaibuturan ng puso ng mga tao, pero kapag nangyayari sa kanila ang mga bagay-bagay, nagkakamali ng pagkaunawa ang mga tao sa Diyos. Mas naiintindihan na ba ninyo ngayon? Ano ang pangunahing nakikita ng Diyos kapag tinitingnan Niya ang mga tao? Nakikita Niya ang kanilang puso. Lahat ng sinasabi at ginagawa ng mga tao ay kontrolado ng kanilang puso. Kung matapat ang puso mo, magkakaroon ka ng mabuting pagkatao. Unti-unti mong mauunawaan ang katotohanan, matutugunan mo ang mga hinihingi ng Diyos sa isang antas, at magagawa mong magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Kung masyadong mapanlinlang ang puso mo, sarado, at matigas ang kalooban, kung makasarili ka at sarili mo lang ang iniisip mo, walang mabuting pagkatao, at palaging naiipit sa mga kuru-kuro, ipinagpapalagay na dapat kumilos ang Diyos sa ganito o ganoong paraan, kung nagkakamali ka ng pagkaunawa sa Diyos at hindi kailanman naaarok ang Kanyang mga layunin kapag nahaharap ka sa isang bagay na hindi akma sa mga kuru-kuro mo, makakamit mo ba ang katotohanan? Hindi mo makakamit ito. Sa huli, kapag hindi mo makamit ang katotohanan, sisisihin mo ba ang sarili mo, sisisihin ang iba, o magrereklamo sa Diyos, sinasabi na hindi patas ang Diyos? (Sisisihin namin ang aming sarili.) Tama, sisisihin mo ang sarili mo. Kaya ano ang dapat gawin ng isang taong tulad nito para makamit ang katotohanan? Dapat niyang hanapin ang katotohanan at isagawa ito, at dapat siyang kumilos at magsagawa sa mga partikular na paraan. Kung nakauunawa siya nang hindi nagsasagawa, hindi pa rin niya makakamit ang katotohanan. Kapag lumilitaw sa iyo ang pagkamakasarili at mga pagpapakana para sa sarili mong pakinabang, at natatanto mo iyon, dapat kang manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Ang unang bagay na dapat mong mabatid ay na sa diwa, ang pagkilos sa ganitong paraan ay isang paglabag sa mga katotohanang prinsipyo, nakapipinsala ito sa gawain ng iglesia, ito ay makasarili at kasuklam-suklam na pag-uugali, hindi ito ang nararapat gawin ng mga tao na may konsensiya at katwiran. Dapat mong isantabi ang sarili mong mga interes at pagkamakasarili, at dapat mong isipin ang gawain ng iglesia—ito ay naaayon sa mga layunin ng Diyos. Matapos magdasal at pagnilayan ang iyong sarili, kung tunay mong natatanto na ang pagkilos nang gayon ay makasarili at kasuklam-suklam, magiging madali nang isantabi ang sarili mong pagkamakasarili. Kapag isinantabi mo ang iyong pagkamakasarili at mga pagpapakana para sa pakinabang, magiging matatag ka, magiging payapa, magagalak, at madarama mo na dapat isipin ng taong may konsensiya at katwiran ang gawain ng iglesia, na hindi siya dapat magtuon sa personal niyang mga interes, na siyang magiging napakamakasarili, kasuklam-suklam, at walang konsensiya o katwiran. Ang pagiging hindi makasarili at pagkakaroon ng kakayahang isaalang-alang ang gawain ng iglesia sa mga kilos mo, at paggawa ng mga bagay-bagay na tanging para mapalugod ang Diyos ay marangal at matuwid, at magbibigay ng saysay sa iyong pag-iral. Sa pamumuhay nang ganito sa lupa, nagiging matuwid at prangka ka, isinasabuhay mo ang normal na pagkatao, at wangis ng totoong tao, at hindi lang malinis ang iyong konsensiya, kundi karapat-dapat ka rin sa lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Habang lalo kang namumuhay nang ganito, lalo kang magiging matatag, lalo kang magiging payapa at magagalak, at lalong liliwanag ang pakiramdam mo. Sa gayon, hindi ba’t makatatapak ka na sa tamang landas ng pananalig sa Diyos?

Malulutas man o hindi ang mga tiwaling disposisyon ng pagkamakasarili, pagiging kasuklam-suklam, panlilinlang, at kasinungalingan ng mga tao ay nakadepende sa kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan o hindi. Lahat ng mga kayang tumanggap ng katotohanan ay namumuhi sa kanilang mga tiwaling disposisyon, kinamumuhian nila ang pagkamakasarili at pagiging kasuklam-suklam, at ang kanilang panlilinlang at kasinungalingan. Ayaw nilang hayaan ang mga bagay na ito na dumihan o pigilan sila. Hangga’t nauunawaan ng mga nagmamahal sa katotohanan ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon, magiging madali para sa kanila na isantabi ang negatibong basura at duming ito. Yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay itinuturing ang mga negatibong bagay na ito bilang kayamanan. Masyado nilang mahal ang kanilang sariling pakinabang, ayaw nilang maghimagsik laban sa laman, at masyadong matigas ang kalooban nila. Dahil dito, hindi nila kailanman nauunawaan kung ano ang mga layunin ng Diyos, ni hindi sila nakapagpapasakop sa Kanya. Dahil hindi minamahal o tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, kaya nananampalataya sila sa Diyos sa loob ng maraming taon nang may magulong pag-iisip. Kapag dumarating ang panahon na kailangan nilang magpatotoo, nauumid ang kanilang dila, at hindi sila makapagsalita ng kahit ano. Maraming taon nang nakikinig ang mga tao sa mga sermon tungkol sa katotohanan, at palaging ipinaaalam sa kanila ang disposisyon ng Diyos, kaya ang mga naghahangad sa katotohanan ay dapat naunawaan na ito, pero yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi handang buksan ang kanilang sarili sa harap ng Diyos. Ayaw isuko ng puso nila ang mga kagustuhan ng laman, kaya hindi sila naglalakas-loob na bastang buksan ang kanilang sarili sa Diyos. Nais lamang nilang malayang tamasahin ang biyayang ibinibigay ng Diyos sa mga tao, pero ayaw nilang isagawa ang katotohanan para palugurin ang Diyos. Sabi ng Diyos: “Kung gusto mong makamtan ang Aking biyaya, kung nais mong makamit ang mga katotohanang ito, mayroon lamang isang kondisyon—dapat mong isuko ang sarili mong pakinabang, at ibigay sa Akin ang iyong tunay na puso.” Hindi kayang tugunan ng mga tao kahit ang isang kondisyong ito, gayumpaman, gusto pa rin nilang hingin ang biyaya ng Diyos, humingi ng kapayapaan at kagalakan, at gusto nilang makamit ang katotohanan; pero ayaw nilang ibigay ang kanilang tunay na puso sa Diyos, kaya anong uri sila ng mga tao? Hindi ba’t kauri sila ni Satanas? Magagawa ba nila ang dalawa nang sabay? Sa totoo lang, hindi nila magagawa. Nauunawaan mo man o hindi ang mga layunin ng Diyos, palaging hayagang ipinaaalam sa mga tao ang Kanyang disposisyon. Kung hindi kailanman tinatanggap ng isang tao ang katotohanan, o kung nauunawaan niya ang katotohanan nang hindi ito isinasagawa, ito ay dahil masyadong matigas ang kalooban niya at hindi niya ibinigay ang puso niya sa Diyos. Kaya, hinding-hindi niya nagagawang makamit ang katotohanan, ni hindi niya nagagawang malaman ang disposisyon ng Diyos. Hindi ito dahil hindi patas ang pakikitungo ng Diyos sa mga tao. Madalas na binabanggit ng mga tao ang sinabi ng Diyos na: “Magiging mapagbigay-loob at maawain ang Diyos kung kanino Niya gusto,” pero hindi nila naiintindihan ang kahulugan ng pariralang ito. Sa kabaligtaran, nagkakamali sila ng pagkaunawa sa Diyos. Iniisip nila na nagmumula ang biyaya sa Diyos, na ibinibigay Niya ito sa kung kanino Niya naisin, at na Siya ay mabuti sa kung kanino Niya nais. Totoo ba ito? Hindi ba’t mga kuru-kuro at imahinasyon ito ng tao? Tinatrato ng Diyos ang mga tao batay sa kanilang diwa. Kapag nagagawang isaalang-alang ng mga tao ang mga layunin ng Diyos at tanggapin ang katotohanan, sila ay pinagpapala ng Diyos. Kung hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan at nilalabanan nila ang Diyos, magiging iba ang resulta. Sa katunayan, patas ang Diyos sa lahat at tinatrato Niya sila ayon sa mga prinsipyo, kaya lang sadyang may bahagi ng sangkatauhan na masyadong matigas ang puso, kaya dapat maging iba ang pakikitungo ng Diyos sa kanila. Ang mga bagay na ginagawa ng Diyos sa bawat tao ay iba-iba, na nagpapakitang ginagawa Niya ang mga bagay ayon sa mga prinsipyo. Ang Diyos ay matuwid sa bawat tao. Halimbawa, maraming tao ang hindi lumalapit sa Diyos para hanapin ang katotohanan. Nais lamang nilang umasa sa kanilang dalawang kamay para bumuo ng magandang buhay at kinabukasan para sa kanilang sarili. Nais nilang mapamunuan ang sarili nilang tadhana at kinabukasan, at inaakala nila na ang pamumuno sa kanilang tadhana ay nasa sarili nilang mga kamay. Hindi nila tinatanggap ang kataas-taasang kapangyarihan o mga plano ng Diyos, ni hindi sila nagpapasakop sa Kanya, at gusto nilang ang Diyos ang magpalugod sa kanila. Kapag nadadapa sila at nabibigo, nagrereklamo sila na hindi patas ang Diyos. Makatwiran ba ito? Masyado silang mangmang at matigas ang ulo. Pero palagi nilang iniisip na matalino sila. Iniisip nila na: “Tinatalikuran ng ilang tao ang kanilang pamilya, at ayaw nila ng kahit ano. Ginugugol nila ang lahat ng oras nila sa paggawa ng kanilang tungkulin, ibinibigay ang kanilang tunay na puso sa Diyos, at ano ang kanilang nakukuha bilang kapalit? Hindi nila alam kung ano ang gagawin ng Diyos sa hinaharap, pero ibinibigay nila ang lahat, walang iniiwang malalabasan para sa kanilang sarili. Napakahangal ng mga taong ito! Tingnan ninyo kung gaano ako katalino, sinusunod ko ang ganitong gawi: Balimbing ako. Wala akong kailangang isuko, at wala akong kailangang ipagpaliban, at sa huli ay maliligtas din ako.” Matalino ba ang taong ito, o isa siyang hangal? (Isa siyang hangal.) Tiyak na isa siyang hangal. Kung ihahambing sa isa’t isa, ang matatalinong tao at ang mga mangmang at mapagmatigas na tao ay magkaiba sa kanilang pagkatao. Ang matatalinong tao ay may mabuting pagkatao, samantalang ang mga mangmang at mapagmatigas ay may masamang pagkatao. Ang matatalinong tao ay tumatanggap sa katotohanan, samantalang ang mga taong mangmang at mapagmatigas ay hindi, at magkaiba ang magiging kahihinatnan nila sa huli.

Ang mga taong gumagawa ng tungkulin nila, sa pangkalahatan, ay mailalagay sa dalawang kategorya. Ang isa ay ang uri na taos-pusong gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos, habang ang isa naman ay ang uri na laging nag-iiwan ng daang malalabasan para sa kanilang sarili. Anong uri ng tao sa tingin ninyo ang sasang-ayunan at ililigtas ng Diyos? (Yaong mga taos-pusong gumugugol ng kanilang sarili para sa Diyos.) Nais ng Diyos na makamit ang mga taong iyon na taos-pusong gumugugol ng kanilang sarili para sa Kanya. Sa totoo lang, hindi marami ang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Hinihingi lamang Niya na taos-pusong gagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin; hindi Niya gustong kuhanin ang personal mong pakinabang. Binigyan kayo ng Diyos ng mga pagkakataong magsanay sa paggawa ng inyong tungkulin at magamit ang lahat ng uri ng talento, at ang gusto Niya ay ang sinseridad ng mga tao. Kahit saan mo gawin ang tungkulin mo o kung anuman ang tungkulin mo, ibinigay sa iyo ng Diyos ang pinakamalaking pagkakataon hangga’t maaari kung saan magagamit mo ang iyong mga talento at kasanayan, at sa huli, nais ng Diyos na tulutan kang makamit ang katotohanan sa lahat ng uri ng kapaligiran at tungkulin, na maunawaan ang Kanyang mga layunin, at maisabuhay ang wangis ng tao. Ito ang layunin ng Diyos. Hindi nais ng Diyos na kuhanin ang lahat sa iyo, sa halip, nais Niyang kumpletuhin ang lahat para sa iyo—gusto Niyang ibigay sa iyo ang lahat. Ang ilang tao ay palaging makitid ang utak; dahil nakapag-aral sila ng ilang propesyonal na kaalaman sa sekular na mundo, iniisip nila na kung gagawin nila ang kanilang tungkulin, mapapabayaan nila ang lahat ng kanilang propesyonal na kaalaman. Kahit na talagang hindi ito magagamit, tunay bang katumbas ito ng kawalan? Sa paggawa ng tungkulin mo ngayon, makakamit mo ang katotohanan at ang buhay. Kung ihahambing, alin ang mas mahalaga: ang kaunting walang silbi at napabayaang kaalaman, o ang katotohanan at ang buhay? Bukod pa roon, ang tunay na mga kapaki-pakinabang na bagay na natutuhan mo ay maaaring mailapat at magamit habang ginagawa mo ang iyong tungkulin. Hindi ba’t magiging mas matatag ang memorya mo sa mga bagay na ito kung magagamit mo ang mga ito sa paggampan ng iyong tungkulin? Ang tandaan ang mga bagay na hindi mo nagagamit ay nakayayamot at isang abala, kaya hindi naman gaanong nakapanghihinayang kung hindi magagamit ang mga ito. Ngayon, ginagamit ninyo ang inyong mga libangan at kasanayan habang ginagawa ninyo ang inyong tungkulin. Isa pa, sa panahong ito, ginagawa ninyo ang inyong tungkulin bilang isang nilikha, nauunawaan ninyo ang katotohanan at nakapapasok sa tamang landas ng buhay. Kay sayang pangyayari, kay gandang pagpapala nito! Paano man ninyo tingnan ito, hindi ito isang kawalan. Habang sinusundan ninyo ang Diyos, inilalayo ang inyong sarili sa mga lugar ng kasalanan, at inilalayo ang inyong sarili sa mga grupo ng masasamang tao, kahit papaano ay hindi patuloy na magdurusa ang inyong puso at isipan sa pagtiwali at pagyurak ni Satanas. Nakarating kayo sa isang piraso ng dalisay na lupain, dumating sa harap ng Diyos. Hindi ba’t isang napakalaking pagpapala nito? Muling isinisilang ang mga tao sa magkakasunod na sali’t salinlahi, hanggang sa kasalukuyan, at gaano karaming tsansa ang mayroon sila? Hindi ba’t tanging ang mga taong ipinanganak sa mga huling araw ang may ganitong pagkakataon? Napakagandang bagay nito! Hindi ito isang kawalan, ito ang pinakamalaking pagpapala. Dapat masayang-masaya ka! Bilang mga nilikha, sa lahat ng nilalang, sa ilang bilyong tao sa mundo, gaano karaming tao ang may pagkakataong makapagpatotoo sa mga gawa ng Lumikha sa kanilang identidad bilang mga nilikha, na magampanan ang kanilang tungkulin at responsabilidad sa gawain ng Diyos? Sino ang may gayong oportunidad? Marami bang taong may gayong oportunidad? Masyadong kakaunti! Ano ang proporsyon? Isa sa sampung libo? Hindi, mas kaunti pa nga! Lalo na kayo na nakagagamit ng inyong mga kasanayan at kaalaman na napag-aralan ninyo para gawin ang inyong tungkulin, hindi ba’t lubos kayong pinagpala? Hindi ka nagpapatotoo tungkol sa isang tao, at ang ginagawa mo ay hindi isang karera—ang Siyang pinaglilingkuran mo ay ang Lumikha. Ito ang pinakamaganda at pinakamahalagang bagay! Hindi ba’t dapat ninyo itong ipagmalaki? (Dapat nga.) Habang ginagawa ninyo ang inyong tungkulin, natatamo ninyo ang pagdidilig at pagtustos ng Diyos. Sa gayong napakagandang kapaligiran at pagkakataon, kung wala kayong natatamong anumang mahalagang bagay, kung hindi ninyo nakakamit ang katotohanan, hindi ba kayo magsisisi habangbuhay? Kaya, dapat ninyong samantalahin ang pagkakataon na gawin ang inyong tungkulin, at huwag itong palampasin; masigasig na hangarin ang katotohanan habang ginagawa ang inyong tungkulin, at kamtin ito. Ito ang pinakamahalagang bagay na magagawa ninyo, ang pinakamakabuluhang buhay! Walang tao o grupo ng mga tao sa lahat ng nilikha ang mas pinagpala kaysa sa inyong lahat. Para saan nabubuhay ang mga walang pananampalataya? Nabubuhay sila para muling isilang, at para sa kagalakan ng mundo. Para saan kayong lahat nabubuhay? Nabubuhay kayo para gawin ang tungkulin ng isang nilikha. Napakalaki ng halaga ng gayong buhay! Kaya, hindi ninyo dapat maliitin ang tungkuling ginagawa ninyo, lalong hindi ninyo dapat talikuran ang tungkuling iyon. Ang gawin nang maayos ang inyong tungkulin at kumpletuhin ang atas ng Diyos—iyon lamang ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang bagay.

Hunyo 29, 2015

Sinundan: Ang Pananampalataya sa Diyos ay Dapat Magsimula sa Pagkakilatis sa Masasamang Kalakaran ng Mundo

Sumunod: Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito