393 Sundan ang Landas na Pinangungunahan ng Banal na Espiritu sa Iyong Pananampalataya

1 Napakaliit na bahagi pa lamang ng landas ng isang mananampalataya sa Diyos ang nalakad ninyo, at hindi pa kayo nakakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo sa pagtugon sa pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga hinihingi. Dahil sa inyong kakayahan at tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos; hindi ninyo ito sineseryoso. Ito ang pinakamalaking pagkukulang ninyo.

2 Siguradong walang sinumang makatitiyak sa landas na tinatahak ng Banal na Espiritu; hindi ito nauunawaan ng karamihan sa inyo at hindi ninyo ito nakikita nang malinaw. Bukod pa rito, hindi iniisip ng karamihan sa inyo ang bagay na ito, lalong hindi ninyo ito sineseryoso. Kung patuloy ninyong gagawin ito, ang mabuhay nang walang alam tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu, ang landas na inyong tinatahak bilang isang mananampalataya sa Diyos ay mawawalan ng saysay. Ito ay dahil hindi ninyo ginagawa ang lahat ng kaya ninyo upang hangaring matugunan ang kalooban ng Diyos at dahil hindi kayo nakikipagtulungan nang husto sa Diyos. Hindi ito dahil sa hindi ka pa nagawaan ng Diyos, o hindi ka pa naantig ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil masyado kang walang ingat kaya hindi mo sineseryoso ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat mong baligtarin kaagad ang sitwasyong ito at tahakin ang landas kung saan inaakay ng Banal na Espiritu ang mga tao.

3 “Ang landas kung saan inaakay ng Banal na Espiritu” ay tumutukoy sa pagtatamo ng kaliwanagan sa espiritu; pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa salita ng Diyos; pagtatamo ng kalinawan sa landas na hinaharap; pagkakaroon ng kakayahang makapasok nang paisa-isang hakbang sa katotohanan; at pagkakaroon ng higit na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang landas kung saan inaakay ng Banal na Espiritu ang mga tao una sa lahat ay isang landas na patungo sa mas malinaw na pagkaunawa sa salita ng Diyos, nang malaya sa mga paglihis at maling pagkaintindi, at yaong mga tumatahak dito ay tumatahak nang tuwid dito. Upang maisagawa ito kailangan ninyong gumawa nang kasundo ang Diyos, maghanap ng isang tamang landas sa pagsasagawa, at tahakin ang landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu. Sa gayon ninyo lamang matutugunan ang mga kinakailangan ng Diyos sa inyo at makapasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Normal na Espirituwal na Buhay ay Inaakay ang mga Tao Patungo sa Tamang Landas

Sinundan: 392 Dapat Maniwala ang mga Tao sa Diyos nang May Pusong May Takot sa Diyos

Sumunod: 394 Dapat Ilagay Mo ang Paniniwala sa Diyos Nang Higit sa Lahat

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito