3. Inalis ng mga Salita ng Diyos ang Aking mga Maling Pag-unawa

Ni Flavien, Benin

Noong Setyembre 2019, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kalaunan, napili ako bilang lider ng grupo ng mga pagtitipon sa iglesia, at sinabi ng mga kapatid na naunawaan ko kaagad ang mga bagay-bagay at may mahusay akong kakayahan. Hindi nagtagal matapos iyon, napili ako bilang diyakonong pang-ebanghelyo, at ginampanan ko ang aking mga tungkulin nang mas aktibo kaysa rati. Araw-araw akong abala sa pangangaral ng ebanghelyo at pagiging punong-abala sa mga pagtitipon. Nagustuhan ng mga kapatid ang aking pagbabahagi, at sinabi ng lider ng iglesia na maayos ang trabaho ko. Labis akong napasaya nito, at nadama ko na talagang napakahusay ng kakayahan ko. Para mapahanga ang mas maraming tao, nagbasa ako ng higit pang salita ng Diyos, at nanood ng maraming pelikula mula sa sambahayan ng Diyos at ng mga video ng pagbasa ng salita ng Diyos. Pero kontento na ako sa pag-unawa sa mga salita at doktrina, para makapagpasikat, at hindi ako nakatuon sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos o sa pagsasagawa ng katotohanan. Sa mga pagtitipon, nagbabahagi ako nang komprehensibo hangga’t kaya ko para isipin ng iba na mas marami akong nauunawaan. Nagbahagi pa ako tungkol sa mga bagay na hindi ko gaanong nauunawaan para isipin ng iba na alam ko ang lahat. Para maging maganda ang imahe ko sa puso ng aking lider, nagkunwari akong napakatatag. Halimbawa, noong una, may mga haka-haka ako tungkol sa gawain ng Diyos, pero naisip ko na kung sinabi ko iyon, iisipin ng lider ko na hindi ko nauunawaan ang katotohanan. Kaya sadya kong itinago sa lider ko ang aking mga haka-haka. Para akong nakamaskara. Ang nakikita ng iba sa kanilang harapan ay isang ilusyon.

Makalipas ang ilang buwan, napili ako bilang isang lider ng iglesia, na pangunahing namamahala sa gawaing pang-ebanghelyo. Ang gawaing ito ay nangangailangan ng kahusayan, pagkakilala, at kakayahan sa trabaho. Pakiramdam ko ay walang sinuman sa iglesia maliban sa akin ang may gayong mga kwalipikasyon, kaya naitalaga ako ng Diyos na gampanan ang tungkuling ito. Sa paulit-ulit na pagtataas ng ranggo ko, pakiramdam ko’y naiiba ako sa iba, na ako ang pinakamasugid sa paghahanap sa katotohanan, isang taong mahal at pinapaboran ng Diyos. Pakiramdam ko rin ay isa akong espesyal na tao sa iglesia, at na kailangang-kailangan ako roon. Inakala ko pa nga na ang pagiging responsable sa gawaing pang-ebanghelyo ay parang pagiging isang bantay sa tarangkahan ng iglesia, na puwede akong magdesisyon kung sino ang puwedeng pumasok at sino ang hindi. Unti-unti, lalo akong naging mayabang, at pakiramdam ko ay mas mataas ako sa iba, na puwede akong mag-utos, at na ang aking mga kapatid ay aking mga “tagapagpatupad” na kailangang makinig sa akin. Sa gawain ng iglesia, gusto ko palagi na ako ang magdedesisyong mag-isa at na ako ang huling magpapasya. Pakiramdam ko’y ako ang may kakayahang magtrabaho, ako ang lubos na nakauunawa sa mga prinsipyo, kaya hindi ko na kailangang tanggapin ang mga pananaw o payo ng iba. Lagi kong minamaliit ang aking mga kapatid. May isang lider ng grupo na may katamtamang kakayahan na hinamak ko. Hindi isinasaalang-alang kung epektibo ba siya sa kanyang tungkulin, gusto ko siyang palitan nang basta-basta. Bukod pa roon, itinuring ko ang aking mga kapatid na mga nasasakupan ko, at pakiramdam ko’y puwede ko silang punahin paano ko man gustuhin. May isang sister na may sariling pamamaraan ng pagsasagawa ng kanyang mga tungkulin, pero sa palagay ko’y hindi niya iyon ginagawa nang tama, kaya kahit hindi ako nagbahagi tungkol sa mga prinsipyo, matindi ko siyang pinuna. Naging napakanegatibo niya dahil dito kaya ayaw na niyang makipagpareha sa akin. Kalaunan, sa isang pagtitipon, tinanong ng lider namin ang lahat kung mayroong anumang paghihirap, at diretsahang sinabi ng sister na ito: “May problema si Brother Flavien. Hindi siya nagbabahagi tungkol sa katotohanan, lagi niyang pinupuna ang mga tao, at sa tuwing pinupuna niya ako, lagi iyong napakabagsik.” Kasunod niyon, ilan pang kapatid ang nagsumbong na pinupuna ko nang basta-basta ang mga tao, at inilantad ang aking mapagmataas na pag-uugali gamit ang mga salita ng Diyos.

Ang totoo, nabanggit na sa akin ng ilang tao ang problema sa mapagmataas kong pag-uugali. Nakita ng ilang kapatid na masyado akong mahigpit nang magtanong ako tungkol sa gawain ng iba at nagpadala sila sa akin ng mga mensahe para sabihing, “Brother, hindi magandang magsalita nang ganoon. Magiging negatibo ang pakiramdam ng mga kapatid dahil sa iyo.” Nabanggit din ng aking mga kapatid na mapanghamak ako magsalita sa iba, na hindi ko ipinantay ang sarili ko sa aking mga kapatid, na ang ilan sa kanila ay ayaw makipag-usap sa akin, at na ang pakiramdam ng iba ay labis silang inaatake kaya ayaw na nila ng tungkulin nila. Matapos akong paulit-ulit na pagsabihan at iwasto ng aking mga kapatid, nasaktan nang husto ang pagpapahalaga ko sa sarili. Akala ko dati ay mahal at pinapaboran ako ng Diyos, pero nang makita ko kung paano ako inilantad at tinanggihan ng aking mga kapatid, labis akong nanamlay at naging negatibo. Nawalan ako ng ganang maghanap, at ginawa ko nang walang interes ang aking mga tungkulin, hindi ko sinubaybayan ang gawain ng aking mga kapatid, at hindi ako tumuon sa paglutas sa mga paghihirap o problemang kinakaharap nila. Wala talaga akong pakialam kung ano ang pinaka-kailangan nila.

Kalaunan, pinadalhan ako ng isang sister ng isang sipi ng salita ng Diyos. Napakalaki ng kaugnayan niyon sa aking kalagayan. Sabi ng Diyos: “Mula nang gawing tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, nagsimulang sumama ang kanilang likas na pagkatao, at unti-unti nilang nawala ang katinuang taglay ng mga normal na tao. Hindi na sila kumikilos bilang mga tao sa posisyon ng tao, bagkus ay puno sila ng matitinding paghahangad; nalagpasan na nila ang katayuan ng tao—ngunit ninanasa pa rin na maging mas mataas. Ano ang tinutukoy ng ‘mas mataas’ na ito? Nais nilang lagpasan ang Diyos, lagpasan ang kalangitan, at lagpasan ang lahat ng iba pa. Ano ang ugat kung bakit nagpapakita ng gayong mga disposisyon ang mga tao? Pagkatapos ng lahat, labis na mayabang ang kalikasan ng tao. Nauunawaan ng karamihan ng tao ang kahulugan ng salitang ‘kayabangan.’ Isa itong mapanirang-puri na termino. Kung ang isang tao ay nagpapakita ng kayabangan, iniisip ng iba na hindi siya isang mabuting tao. Sa tuwing masyadong mayabang ang isang tao, inaakala lagi ng iba na isa siyang masamang tao. Walang sinumang gustong matawag na ganito. Gayunman, ang totoo, lahat ay mayabang, at lahat ng tiwaling tao ay may ganitong diwa. Sinasabi ng ilang tao, ‘Hindi ako mayabang kahit kaunti. Hindi ko ginusto kailanman na maging arkanghel, ni hindi ko ginusto kailanman na higitan ang Diyos, o higitan ang lahat ng iba pa. Noon pa man ay mabait at masunurin na ako.’ Hindi ganoon palagi; hindi tama ang mga salitang ito. Kapag naging mayabang ang kalikasan at diwa ng mga tao, maaari silang madalas na sumuway at lumaban sa Diyos, hindi makinig sa Kanyang mga salita, bumuo ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya, gumawa ng mga bagay na nagtataksil sa Kanya, at mga bagay na dumadakila at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Sinasabi mo na hindi ka mayabang, ngunit ipagpalagay na binigyan ka ng isang iglesia at tinulutan kang pamunuan ito; ipagpalagay nang hindi kita iwinasto, at na wala ni isa sa pamilya ng Diyos ang pumuna o tumulong sa iyo: Matapos mo itong pamunuan sandali, aakayin mo ang mga tao sa iyong paanan at hihikayatin mo silang magpasakop sa iyong harapan, kahit hanggang sa puntong hinahangaan at iginagalang ka. At bakit mo gagawin iyon? Matutukoy ito sa iyong kalikasan; ito ay walang iba kundi isang likas na paghahayag. Hindi mo kailangang matutunan ito mula sa iba, ni hindi nila kailangang ituro ito sa iyo. Hindi mo kailangan ang iba na turuan ka o pilitin kang gawin ito; likas na nangyayari ang ganitong klaseng sitwasyon. Ang lahat ng ginagawa mo ay tungkol sa paghikayat sa mga tao na dakilain ka, purihin ka, sambahin ka, magpasakop sa iyo, at makinig sa iyo sa lahat ng bagay. Ang pagpahintulot sa iyo na maging isang lider ay likas na nagdudulot sa sitwasyong ito, at hindi ito mababago. At paano nangyayari ang sitwasyong ito? Natutukoy ito sa mapagmataas na kalikasan ng tao. Ang pagpapamalas ng kayabangan ay paghihimagsik at paglaban sa Diyos. Kapag ang mga tao ay mapagmataas, mapagpahalaga sa sarili, at mapagmagaling, malamang magtayo sila ng kani-kanyang mga nagsasariling kaharian at gawin ang mga bagay-bagay sa anumang paraang gusto nila. Inaakay rin nila ang iba na magpakontrol sa kanila at magpasakop sa kanila. Para magkaroon ang mga tao ng kakayahang gawin ang gayong mga mapagmataas na bagay, pinatutunayan lang niyon na ang diwa ng kanilang mapagmataas na kalikasan ay katulad ng kay Satanas; katulad ito ng sa arkanghel. Kapag umabot ang kanilang kayabangan at pagpapahalaga sa sarili sa isang partikular na antas, wala nang puwang sa puso nila para sa Diyos, at isinasantabi ang Diyos. Pagkatapos ninanais nilang maging Diyos, pinasusunod ang mga tao sa kanila, at sila ay nagiging arkanghel. Kung taglay mo ang gayong satanikong mapagmataas na kalikasan, hindi magkakaroon ng puwang ang Diyos sa iyong puso. Kahit naniniwala ka pa sa Diyos, hindi ka na kikilalanin pa ng Diyos, ituturing ka Niya bilang isang masamang tao, at palalayasin ka(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Mayabang na Kalikasan ang Nasa Ugat ng Paglaban ng Tao sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, inisip ko ang ugali ko hanggang sa puntong ito. Nang magsimula akong maniwala, hinangaan at pinalakas ng lahat ang loob ko. Sinabi nila na mahusay ang kakayahan ko at na magaling akong magbahagi. Itinaas din ang ranggo ko nang ilang beses, kaya pakiramdam ko ay espesyal ako at mas magaling kaysa sa ibang kapatid, at na kwalipikado akong mamahala sa kanila. Dahil sa aking likas na kayabangan at pag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba at sa ambisyon kong maghangad ng katayuan, inakala ko na nasisiyahan sa akin at pinapaboran ako ng Diyos. Pakiramdam ko ay namumukod-tangi ako at mas nakatataas sa iba, kaya sinimulan kong gamitin ang aking posisyon para pagalitan at paghigpitan ang iba. Sinubukan ko pang kontrolin ang aking mga kapatid at pilitin silang makinig sa akin. Kumikilos ako na gaya ng arkanghel! Napakataas ng pagtingin ko sa aking sarili. Matapos akong iwasto at tanggihan ng aking mga kapatid, natanto ko na hindi ako kasing perpekto ng inakala ko. Ipinalagay ko na napakataas ko kaysa sa iba at na pinapaboran ako ng Diyos, pero puro imahinasyon ko lang ang mga iyon.

Makalipas ang ilang araw, nabasa ko ang dalawang sipi ng salita ng Diyos na naglantad at sumuri sa mga anticristo. Sabi ng Diyos: “Magbabayad ng anumang halaga ang mga anticristo alang-alang sa kanilang katayuan at sa katuparan ng kanilang ambisyon, para sa mithiin nilang makontrol ang iglesia at maging Diyos. Madalas silang nagpapakapuyat sa pagtatrabaho at gumigising nang madaling-araw, iniinsayo nang umagang-umaga pa lang ang kanilang mga sermon, at itinatala rin nila ang matatalinong bagay na sinasabi ng iba, para lamang sangkapan ang kanilang sarili ng mga doktrinang kailangan nila para makapagbigay ng matatayog na sermon. Araw-araw, malalim nilang pinag-iisipan kung alin sa mga salita ng Diyos ang gagamitin nila sa pangangaral ng matatayog nilang sermon, kung aling mga salita ang makapagpapahanga sa mga hinirang at aani ng kanilang papuri, at pagkatapos ay kinakabisado nila ang mga salitang iyon. Pagkatapos ay pag-iisipan nila kung paano bigyang kahulugan ang mga salitang iyon sa paraang naipapakita ang kanilang katalinuhan at kabatiran. Upang talagang maikintal ang salita ng Diyos sa puso nila, sinisikap nilang makinig sa salita Niya nang ilang beses pa. Ginagawa nila ang lahat ng ito nang may buong pagsisikap katulad ng mga estudyanteng nakikipagkumpitensya para makapasok sa kolehiyo. Kapag may isang taong nagbibigay ng mabuting sermon, o may isang nagbibigay ng kaunting pagtanglaw, o may isang nagbibigay ng ilang teorya, titipunin at pagsasama-samahin ito ng isang anticristo at gagawin niya itong sarili niyang sermon. Walang anumang pagsisikap ang hindi kayang gawin ng isang anticristo. Ano, kung gayon, ang motibo at intensyon sa likod ng pagsisikap niyang ito? Ito ay ang magawang ipangaral ang mga salita ng Diyos, ang masabi ang mga ito nang malinaw at walang kahirap-hirap, ang magkaroon ng kadalubhasaan sa mga ito, nang sa gayon ay makita ng iba na mas espirituwal ang anticristo kaysa sa kanila, mas mapagpahalaga sa mga salita ng Diyos, at mas mapagmahal sa Diyos. Sa ganitong paraan, maaaring makuha ng isang anticristo ang paghanga at pagsamba ng ilan sa mga taong nasa paligid nila. Pakiramdam ng isang anticristo ay may katuturang gawin ang bagay na ito at sulit ang kahit ano pang pagsisikap, sakripisyo, o paghihirap para rito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikapitong Bahagi)). “Ang diwa ng pag-uugali ng mga anticristo ay ang palaging gamitin ang iba’t ibang kalakaran at pamamaraan upang matugunan ang kanilang mga ambisyon at hangarin, upang linlangin at siluhin ang mga tao, at upang magkamit ng mataas na katayuan para sundin at igalang sila ng mga tao. Posibleng sa kaibuturan ng kanilang mga puso ay hindi nila sinasadyang makipag-agawan sa Diyos para sa sangkatauhan, ngunit isang bagay ang tiyak: Kahit na hindi sila nakikipag-agawan sa Diyos para sa mga tao, nais pa rin nilang magkaroon ng katayuan at kapangyarihan sa gitna ng mga ito. Kahit na dumating ang araw na mapagtanto nila na nakikipagkumpitensya sila sa Diyos para sa katayuan, at magpigil man sila ng kanilang sarili nang kaunti, gumagamit pa rin sila ng iba’t ibang pamamaraan upang hanapin ang katayuan at reputasyon; malinaw sa kanila na sa kanilang mga puso ay magkakamit sila ng lehitimong katayuan, sa pamamagitan ng pagkamit ng pagsang-ayon at paghanga ng ilang tao. Sa madaling sabi, kahit na ang lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay lumilitaw na binubuo ng isang pagganap ng kanilang mga tungkulin, ang bunga nito ay ang linlangin ang mga tao, pasambahin ang mga ito at pasunurin sa kanila—kaya nga, ang pagganap sa kanilang tungkulin sa ganitong paraan ay pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili. Ang kanilang ambisyon na kontrolin ang mga tao at makakuha ng katayuan at kapangyarihan sa iglesia ay hindi kailanman magbabago. Ito ay walang pasubaling isang anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Aytem: Nililinlang, Inaakit, Tinatakot, at Kinokontrol Nila ang mga Tao). Sinasabi ng Diyos na ang mga anticristo, para purihin at sambahin ng iba, ay ipinapakita na nagdurusa sila para makagawa ng isang ilusyon para linlangin ang mga tao. Hindi ba’t ganito ako? Palagi akong naghahangad ng katanyagan at katayuan, at ang lahat ng ginagawa ko ay para tingalain ako ng iba. Gumugol ako ng napakaraming oras sa pagbabasa ng salita ng Diyos, kung minsa’y gabing-gabi na akong natutulog, pero ang layunin ko ay maunawaan lang ang mas marami pang doktrina para lalo akong makapagpasikat at tingalain at pahalagahan ng iba. Inihayag ng mga salita ng Diyos ang lahat ng ipinapakita ko. Pakiramdam ko ay kinondena na ako ng Diyos, na matitiwalag na ako, at napuno ako ng pagkabalisa. Pero hindi ako nangahas na sabihin sa aking mga kapatid ang tunay kong kalagayan, dahil natatakot akong maituring na isang anticristo at matiwalag. Nagsikap akong itago ang aking pagkabalisa sa harap ng iba, pero nagdurusa ang puso ko, at pakiramdam ko ay nasentensyahan ako ng kamatayan. Sa panahon ding iyon, isang anticristo ang nalantad at natiwalag. Kung titingnan, mukhang gumugugol siya para sa Diyos at naghahanap ng salita ng Diyos para maibahagi sa ibang mga kapatid, pero siya mismo ay hindi nagsasagawa ng salita ng Diyos, at nang may mangyari na hindi nakaayon sa kanyang mga haka-haka ay nagpakalat siya ng pagkanegatibo, at itinanggi pa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at ginulo ang mga nagsisiyasat sa tunay na daan. Natanto ko na kapareho ng sa kanya ang ilan sa sarili kong mga ipinakita. Halimbawa, madalas akong maghanap ng salita ng Diyos para ibahagi sa aking mga kapatid, pero ako mismo ay hindi nagsasagawa ng salita ng Diyos. Nang magkaroon ako ng mga paghihirap, umasa ako sa sarili kong talino at karunungan para lutasin ang mga iyon, sa halip na magtuon sa paghahanap sa kalooban ng Diyos o pagsasagawa ng katotohanan. Bukod pa riyan, may mga pagpapakita rin ako ng pagiging anticristo na naibunyag ng mga salita ng Diyos. Mas takot pa nga akong maging isang anticristo at matiwalag, dahil pakiramdam ko ay masama ang aking likas na pagkatao, na madali kong malilinlang at makokontrol ang aking mga kapatid, at na balang araw, gaya ng anticristong iyon, magagambala ko ang gawain ng iglesia. Nang maisip ko ito, lalo akong natakot. Pakiramdam ko ay wala na akong pag-asang pagpalain, kaya nagsimula akong magkaroon ng mga reklamo, “Binalewala ko ang mga pagtutol ng pamilya ko para maniwala sa Diyos at gampanan ang aking tungkulin. Tinalikuran ko pa nga ang kinabukasan ko at iniwan ang bayan kong sinilangan para ipalaganap ang ebanghelyo sa mga bagong lugar. Nagbayad ako ng napakalaking halaga, pero sa huli ay mapupunta pa rin ako sa impiyerno para maparusahan. Kung alam ko lang na ganito ang magiging wakas nito, hindi na sana ako gumugol nang napakalaki. Nagtamasa man lang sana ako ng kaunting pisikal na kaligayahan bago mamatay.” Noong panahong iyon, inisip ko lang ang kahahantungan ko, at hindi ko binigyang-pansin ang paghahanap sa kalooban ng Diyos, kaya palagi akong nag-iingat sa Diyos at mali sa pag-unawa sa Kanya. Pakiramdam ko na kung patuloy kong gagawin ang gayon kahalagang tungkulin, siguradong malalantad at matitiwalag ako, kaya nagbitiw ako sa posisyon ko bilang lider. Natatakot ako na punahin at iwasto ako ng aking mga kapatid kapag nakita nila ang tunay kong mukha, kaya hindi ko ipinagtapat ang nilalaman ng puso ko sa kanila, ni hindi ako nakipagpareha sa kanila. Ang kaugnayan ko sa aking mga kapatid ay lubos na naging malayo. Kalaunan, ginamit kong dahilan ang pag-uwi upang ipangaral ang ebanghelyo para bumalik sa pamilya kong hindi nananalig. Nang maharap sa pamimilit at paghadlang ng pamilya ko, lalo pa akong naging negatibo. Kahit na dumadalo pa rin ako sa mga pagtitipon, ginagawa ko lang iyon nang wala sa loob. Napakahina ko, at pakiramdam ko ay katapusan ko na, kaya nagdesisyon akong lisanin ang iglesia.

Matapos kong lisanin ang iglesia, hungkag na hungkag ang puso ko. Nagkulong ako sa kuwarto buong araw at ayaw kong gumawa ng anumang bagay. Bagaman hindi na ako inusig ng pamilya ko at medyo komportable na ako sa pisikal, puno ako ng pagkabalisa, at labis akong nakonsiyensya. Nag-alala ako palagi na baka parusahan ako ng Diyos sa pagtataksil ko sa Kanya. Takot ako sa impiyerno at takot sa kamatayan—sinikap kong daigin ang pagkabalisang ito, pero nawalan iyon ng saysay. Nagbasa ako ng maraming aklat sa social science, na umaasang makakita roon ng anuman para guminhawa ang aking kaluluwa, pero walang makapawi sa paghihirap ng aking kalooban. Mukhang walang-kibo ko na lang hihintayin ang kamatayan. Isang araw, nagdasal ako sa Diyos para hilingin sa Kanya na gabayan akong malagpasan ang aking suliranin. Kalaunan, nagsimula akong makinig sa mga himno at magbasa ng mga salita ng Diyos. Ang Kanyang mga salita ay pumukaw sa aking konsiyensya at niliwanagan ako. Sabi ng Diyos: “Ang ilang tao ay mayroong disposisyon ng isang anticristo, at madalas na nagpapakita ng pagbuhos ng mga partikular na tiwaling disposisyon, ngunit kasabay ng pagkakaroon ng gayong pagbuhos, pinagninilayan at kinikilala rin nila ang kanilang sarili, at nagagawang tanggapin at isagawa ang katotohanan, at paglipas ng panahon, may makikitang pagbabago sa kanila. Sila ay maaaring makatanggap ng kaligtasan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). “May mga taong, kapag nagbabasa ng mga salita ng Diyos, madalas na nagkakaroon ng mga kuru-kuro at maling pagkaunawa inihahayag ng Diyos ang mga tiwaling kalagayan ng mga tao at sinasabi ang ilang bagay na nagkokondena sa mga tao. Nagiging negatibo at mahina sila, iniisip na sila ang pinatatamaan ng mga salita ng Diyos, na sinusukuan na sila ng Diyos at hindi na sila ililigtas. Nagiging negatibo sila hanggang sa puntong naiiyak sila at ayaw na nilang sumunod sa Diyos. Ang totoo, isa itong maling pagkaunawa sa Diyos. Kapag hindi mo nauunawaan ang kahulugan ng mga salita ng Diyos, hindi mo dapat subukang ilarawan ang Diyos. Hindi mo alam kung anong uri ng tao ang pinababayaan ng Diyos, o sa kung anong mga sitwasyon Niya sinusukuan ang mga tao, o sa kung anong mga sitwasyon Niya isinasantabi ang mga tao; may mga prinsipyo at konteksto sa lahat ng ito. Kung hindi mo nauunawaan nang lubusan ang mga detalyadong bagay na ito, madali kang magiging napakasensitibo at lilimitahan mo ang iyong sarili batay sa isang salita ng Diyos. Hindi ba’t magdudulot iyon ng problema? Kapag hinahatulan ng Diyos ang mga tao, ano ang pangunahing katangian nila na kinokondena Niya? Ang hinahatulan at inilalantad ng Diyos ay ang mga tiwaling disposisyon at tiwaling diwa ng mga tao, kinokondena Niya ang kanilang mga satanikong disposisyon at satanikong kalikasan, kinokondena Niya ang iba’t ibang pagpapamalas at pag-uugali ng kanilang pagsuway at pagsalungat sa Diyos, kinokondena Niya sila dahil hindi nila magawang sundin ang Diyos, dahil palagi nilang sinasalungat ang Diyos, at dahil palagi silang may sariling mga motibasyon at layon—ngunit ang gayong pagkondena ay hindi nangangahulugan na pinababayaan na ng Diyos ang mga taong may mga satanikong disposisyon. Kung hindi ito malinaw sa iyo, kung gayon ay wala kang abilidad na makaunawa, kaya medyo katulad ka ng mga taong may sakit sa pag-iisip, palaging naghihinala sa lahat ng bagay at nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos. Ang gayong mga tao ay walang tunay na pananampalataya, kaya paano sila susunod sa Diyos hanggang wakas? Kapag naririnig mo ang isang pahayag ng pagkondena mula sa Diyos, iniisip mo na, dahil kinondena na ng Diyos, pinabayaan na ng Diyos ang mga tao, at hindi na sila maliligtas, at dahil dito ay nagiging negatibo ka, at hinahayaan mong mawalan ka ng pag-asa. Maling pag-unawa ito sa Diyos. Sa katunayan, hindi pinabayaan ng Diyos ang mga tao. Nagkamali sila ng pag-unawa sa Diyos at pinabayaan nila ang kanilang sarili. Wala nang mas mapanganib pa kaysa sa kapag pinababayaan ng mga tao ang kanilang sarili, gaya ng ipinatupad sa mga salita ng Lumang Tipan: ‘Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pag-unawa’ (Kawikaan 10:21). Wala nang mas hahangal pang pag-uugali kaysa kapag hinahayaan ng mga tao ang kanilang sarili na mawalan ng pag-asa. Kung minsan ay may nababasa kang mga salita ng Diyos na tila naglalarawan sa mga tao; sa katunayan, hindi inilalarawan ng mga ito ang sinuman, kundi pagpapahayag ang mga iyon ng kalooban at opinyon ng Diyos. Ang mga ito ay mga salita ng katotohanan at prinsipyo, hindi inilalarawan ng mga ito ang sinuman. Ang mga salitang binigkas ng Diyos sa mga panahon ng galit o pagkapoot ay kumakatawan din sa disposisyon ng Diyos, ang mga salitang ito ay ang katotohanan, at bukod pa riyan, nabibilang ang mga ito sa prinsipyo. Dapat itong maunawaan ng mga tao. Ang layon ng Diyos sa pagsasabi nito ay para tulutan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan, at maunawaan ang mga prinsipyo; talagang hindi ito para limitahan ang sinuman. Wala itong kinalaman sa huling hantungan at gantimpala ng mga tao, lalong hindi ang mga ito ang huling kaparusahan ng mga tao. Ang mga ito ay mga salita lamang na sinalita para husgahan at iwasto ang mga tao, ang mga ito ay resulta ng pagkagalit sa mga taong hindi tumutugon sa Kanyang mga ekspektasyon, at sinasalita ang mga ito para gisingin ang mga tao, para pakilusin sila, at ang mga ito ay mga salitang nagmumula sa puso ng Diyos. Gayunpaman, ang ilang tao ay nadadapa at tinatalikuran ang Diyos dahil sa iisang pahayag ng paghatol mula sa Diyos. Hindi alam ng ganitong mga tao kung ano ang mabuti para sa kanila, hindi sila tinatablan ng katwiran, hindi nila talaga tinatanggap ang katotohanan. … May mga panahong iniiwasan ng Diyos ang mga tao, at mga panahong inilalagay Niya sila sa isang tabi nang ilang panahon upang mapagnilayan nila ang kanilang mga sarili, ngunit hindi sila tinalikdan ng Diyos; binibigyan Niya sila ng pagkakataong magsisi. Ang tanging totoong tinatalikdan ng Diyos ay ang masasamang gumagawa ng maraming masasamang gawain, mga walang pananalig, at mga anticristo. Sabi ng ilang tao, ‘Pakiramdam ko ay wala akong gawain ng Banal na Espiritu at matagal na akong walang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Iniwan na ba ako ng Diyos?’ Ito ay maling pakahulugan. May problema rin sa disposisyon dito: Masyadong emosyonal ang mga tao, palagi nilang sinusunod ang sarili nilang pangangatwiran, palaging sutil, at walang katwiran—hindi ba’t isa itong problema sa disposisyon? Sinasabi mong iniwan ka ng Diyos, na hindi ka Niya ililigtas, kaya ba itinakda na Niya ang iyong wakas? May nasabi lang na ilang galit na salita ang Diyos sa iyo. Paano mo naman nasabing sinukuan ka na Niya, na ayaw na Niya sa iyo? May mga pagkakataong hindi mo maramdaman ang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit hindi ka pinagkaitan ng Diyos ng karapatang basahin ang Kanyang mga salita, ni hindi Niya itinakda ang katapusan mo, o pinutol ang landas mo tungo sa kaligtasan—kaya, ano ang ikinasasama ng loob mo? Nasa masama kang kalagayan, may problema sa iyong mga motibo, may mga isyu tungkol sa iyong kaisipan at pananaw, baluktot ang lagay ng iyong pag-iisip—at gayunpaman, hindi mo sinusubukang ayusin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan, sa halip ay palagi mong binibigyan ng maling pakahulugan at sinisisi ang Diyos, at ipinapasa ang responsabilidad sa Diyos, at sinasabi mo pa ngang, ‘Ayaw sa akin ng Diyos, kaya hindi na ako nananampalataya sa Kanya.’ Hindi ba’t ikaw ay nagiging hindi makatarungan? Hindi ba’t ikaw ay nagiging hindi makatwiran?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos 1). Nangusap ang mga salita ng Diyos sa puso ko. Naunawaan ko na hindi pa ako isinuko, kinondena, o itinakda ng Diyos ang aking kahihinatnan. Sa katunayan, alam ng Diyos kung gaano ako nagawang tiwali ni Satanas. Pinahintulutan ng Diyos na ilantad ako ng aking mga kapatid sa tamang oras at ginamit ang Kanyang mga salita para ibunyag ang aking tiwaling disposisyon at ang maling landas na natahak ko, dahil sa ganitong paraan ko lang makikilala ang sarili ko. Isang magandang pagkakataon ito para magbago ako. Ang paghatol, pagkastigo, pagpupungos, at pagwawasto ng Diyos ay hindi para kondenahin ako o palayasin, kundi para iligtas ako. Umaasa ang Diyos na tunay kong makilala ang sarili ko, at tunay akong magsisi. Pero ginamit ko ang sarili kong mga haka-haka para magkamali ako ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, na naniniwala na dahil nagpapamalas ako ng pagiging isang anticristo, tiyak na ayaw sa akin ng Diyos, at nakatadhana ako sa kaparehong kapalaran ng mga lilipulin. Naniwala ako na kung nanatili ang isang taong may anticristong disposisyon na katulad ko sa iglesia, sa malao’t madali ay makagagambala siya sa gawain ng iglesia. Pero ang totoo, lahat ng pagpapamalas ko ay normal sa mga mata ng Diyos. Nagpakita ako ng mga pagpapamalas ng disposisyon ng isang anticristo, pero hindi pa ako nagiging isang anticristo. Pinapalayas at pinarurusahan ng Diyos ang mga may diwa ng isang anticristo. Hindi nila nagagawang magsisi, dahil masama ang kanilang kalikasang diwa, at nasusuklam at namumuhi sila sa katotohanan. Anuman ang gawin nilang mali, hinding-hindi nila iyon inaamin, at ginagawa nila ang anumang kailangan para mapanatili ang kanilang reputasyon at katayuan, hanggang sa mamatay sila. Natatanto ko pa rin na masyado akong nagawang tiwali, at alam ko ang mali ko, kaya may pagkakataon pa rin akong magsisi. Mayroon lang akong disposisyon ng isang anticristo, hindi ako isang anticristo na walang kakayahang tanggapin kahit ang pinakamaliit na katotohanan o namumuhi sa katotohanan. Hindi pa ako kinondena ng Diyos batay sa aking lantad na katiwalian, kundi sinubukan akong iligtas sa pinakaposibleng paraan, na naghihintay na magsisi ako. Pero matagal na akong namuhay nang may mga kuru-kurong laban sa Diyos at mali ang pagkaunawa ko sa Kanya, naniniwalang palalayasin ako ng Diyos. Kaya nagbitiw ako at nilisan ko ang iglesia, na nag-aalala na kung mananatili ako sa iglesia ay patuloy kong magagambala ang gawain nito at na daranas ako ng mas malaki pang kaparusahan. Hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos, at hindi ko alam ang pagmamahal ng Diyos o ang disposisyon ng Diyos. Inakala ko na dahil ayaw na sa akin ng Diyos, anumang mga pagsisikap kong nagawa ay walang kabuluhan. Kung hindi ako nagtamasa ng kasiyahan ng laman sa mundong ito, wala akong anuman. Nang gunitain ko ngayon ang ginawa ko, nakadama ako ng labis na kahihiyan. Maraming beses akong sumumpa na susundin ko ang Diyos buong buhay ko, pero matapos akong hatulan at ilantad, naging walang-kibo ako, tinanggihan ko ang pagliligtas ng Diyos, nawalan ng pananampalataya sa Diyos, at pinili ko nang walang pag-aalinlangan ang personal kong mga interes, at bumalik sa mundo at magtamasa ng kasiyahan ng laman. Nasaan ang konsiyensya ko! Sising-sisi ako. Ngayong naunawaan ko na ang kalooban ng Diyos, tila may pag-asa na akong muli sa buhay, at pakiramdam ko ay para akong nagbangon mula sa mga patay. Kinalimutan ko ang lahat ng personal na plano ko, pati na ang pag-aaral at trabaho, at nagsimula akong tapat na pagnilayan ang salita ng Diyos, kumanta ng mga himno, makinig sa mga pagbigkas ng salita ng Diyos, at hanapin ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita. Para iyong pagsisimulang muli sa landas ng paniniwala sa Diyos. Unti-unti, muli kong natanggap ang awa ng Diyos at nadama ang kagalakan ng presensya ng Diyos. Nakasumpong ako ng kapayapaan at kagalakan ng kalooban, at nakadama rin ako ng pagnanais sa puso ko na bumalik sa iglesia. Gayunman, hindi ko alam kung tatanggapin ako ng iglesia. Kaya nagdasal ako sa Diyos, na hinihiling sa Kanya na kaawaan ako at iligtas.

Makalipas ang ilang linggo, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos at naunawaan ko pa nang kaunti ang Kanyang kalooban. Sabi ng Diyos: “Ilang taon matapos magsimula ang yugtong ito ng gawain, may isang taong nananalig sa Diyos pero hindi hinangad ang katotohanan; ang ginusto lamang niya ay kumita ng pera at makahanap ng makakatuwang sa buhay, na maging buhay-mayaman, kung kaya’t iniwan niya ang iglesia. Matapos magpagala-gala sa loob ng ilang taon, hindi inaasahan na siya ay nagbalik. Nakadama siya ng matinding pagsisisi sa kanyang puso, at tumangis siya nang husto. Pinatunayan nito na hindi tuluyang iniwan ng puso niya ang Diyos, na isang mainam na bagay; mayroon pa rin siyang pagkakataon at pag-asa na maligtas. Kung tumigil siya sa pananalig, naging katulad ng mga hindi mananampalataya, magiging lubos na katapusan na sana niya. Kung tunay siyang makapagsisisi, may pag-asa pa siya; ito ay bihira at mahalaga. Paano man kumilos ang Diyos, at paano man Niya tratuhin ang mga tao—kahit na kinamumuhian, kinasusuklaman, o isinusumpa Niya ang mga ito—kung darating ang araw na kagyat na makapagbabago sila, Ako ay lubhang magiginhawaan, dahil mangangahulugan ito na mayroon pa rin silang kaunting puwang sa kanilang puso para sa Diyos, na hindi nila ganap na naiwala ang kanilang pantaong katinuan o ang kanilang pagkatao, na nais pa rin nilang maniwala sa Diyos, at na kahit paano ay mayroon silang bahagyang intensyon na kilalanin Siya at bumalik sa harapan Niya. Para sa mga taong tunay na nasa puso ang Diyos, kahit kailan pa nila nilisan ang sambahayan ng Diyos, kung sila ay bumalik at pinahahalagahan pa rin nila ang pamilyang ito, kahit paano ay madamdaming mapapalapit Ako at bahagyang magiginhawaan dito. Gayunpaman, kung hindi sila bumalik kailanman, iisipin Ko na ito ay kahabag-habag. Kung makababalik sila at tunay na makapagsisisi, talagang mapupuno ng kasiyahan at kaginhawahan ang Aking puso. Na ang taong ito ay may kakayahan pa ring bumalik ay nagpapahiwatig na hindi niya nakalimutan ang Diyos; nagbalik siya dahil sa kanyang puso, hinahanap-hanap pa rin niya ang Diyos. Nakakaantig talaga nang magkita kami. Noong lumayo siya, talagang napakanegatibo niya, at nasa masamang kalagayan siya; ngunit kung makababalik na siya ngayon, nagpapatunay ito na mayroon pa rin siyang pananampalataya sa Diyos. Gayunpaman, kung makakaya man niya o hindi na patuloy na sumulong ay isang bagay na di-batid, sapagkat napakabilis magbago ng mga tao. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon si Jesus ng awa at biyaya para sa mga tao. Kung ang isa sa sandaang tupa ay naligaw, iiwan Niya ang siyamnapu’t siyam upang hanapin ang isa. Ang pangungusap na ito ay hindi naglalarawan ng isang uri ng mekanikal na kilos, ni tuntunin; sa halip, ipinakikita nito ang agarang layunin ng Diyos na maghatid ng kaligtasan sa mga tao, pati na rin ng Kanyang malalim na pagmamahal para sa kanila. Hindi ito isang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay; ito ay isang uri ng disposisyon, isang uri ng pag-iisip. Sa gayon, nililisan ng ilang tao ang iglesia nang anim na buwan o isang taon, o datapuwat marami ang taglay na mga kahinaan o datapuwat dumaranas ng maraming maling pagkaunawa, at gayunman ay ang kakayahan nilang gumising kalaunan sa realidad, magkamit ng kaalaman at kagyat na magbago, at bumalik sa tamang landas ay lalo nang nagpapaginhawa sa Akin at nagdudulot sa Akin ng kapirasong katuwaan. Sa mundong ito ng pagsasaya at karangyaan, at sa masamang kapanahunang ito, ang kakayahang kilalanin ang Diyos at makabalik sa tamang landas ay isang bagay na nagdudulot ng bahagyang ginhawa at kasabikan. Ang pagpapalaki ng mga anak, halimbawa: Mapagmahal man sila sa magulang o hindi, ano ang iyong mararamdaman kung hindi ka nila kinilala, at nilisan ang tahanan, na hinding-hindi na magbabalik? Sa kaibuturan, mananatili ka pa ring nagmamalasakit sa kanila, at palagi mong iniisip, ‘Kailan babalik ang aking anak? Nais ko siyang makita. Maging anupaman, anak ko siya, at hindi walang-saysay na pinalaki at minahal ko siya.’ Ganito ka laging mag-isip; lagi kang nananabik sa pagdating ng araw na iyon. Pareho ang nararamdaman ng lahat pagdating sa bagay na ito, at hindi pa pinag-uusapan dito ang Diyos—hindi ba mas higit Siyang umaasa na mahahanap ng tao ang daan pabalik matapos maligaw, na babalik ang alibughang anak? Mababa ang tayog ng mga tao sa panahong ito, ngunit darating ang araw na mauunawaan nila ang kalooban ng Diyos—maliban na lang kung wala silang interes sa tunay na pananampalataya, maliban kung sila ay mga walang pananampalataya, kung magkagayon ay hindi na sila iintindihin pa ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Inantig ako ng mga salita ng Diyos, at dumaloy ang mga luha sa aking mukha. Pakiramdam ko’y kinakausap ako ng Diyos nang harapan, gaya lang ng pagkausap ng isang ina sa kanyang anak. Iniligtas ako ng Diyos noong napakadesperado ko, at ipinatanto sa akin kung gaano katotoo ang Kanyang pagmamahal. Naunawaan ko na hindi madaling kinokondena o pinapatay ng Diyos ang mga tao. Pumarito ang Diyos sa katawang-tao sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan. Hindi talaga ako iniwan ng Diyos kailanman, na tulad ng inakala ko. Sa halip, dahil sa aking tiwaling disposisyon at sa maling landas na aking natahak, itinago Niya ang Kanyang mukha sa akin. Ito ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos, upang disiplinahin at baguhin ako. Hinintay ng Diyos na magsisi ako, pero marami akong kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos. Palagi akong nanindigan sa personal kong pananaw at ipinanghalili ang sarili kong mga haka-haka sa kalooban ng Diyos, na para bang naunawaan ko ang katotohanan. Kahit napakasuwail ko, alam ng Diyos ang aking kahinaan, at saan ako madadapa at mabibigo. Mas matindi ang pagmamahal ng Diyos kaysa sa kaya kong isipin kailanman. Sa paisa-isang hakbang, ginabayan ako ng Diyos hanggang sa magising ako. Natanto ko na tapat ang layunin ng Diyos na iligtas ang mga tao. Hangga’t pinananatili ng mga tao ang Kanyang pangalan at Kanyang paraan, laging ipapaabot ng Diyos ang kamay ng kaligtasan. Ang Diyos ang responsable sa buhay ng lahat, pero kailangang aktibong gampanan ang mga responsibilidad ng isang nilalang. Hindi gusto ng Diyos ang mga duwag na katulad ko, gusto Niya ang mga may matibay na pagpapasya. Basta’t taos-puso akong nagsisi, at nagpunyaging hanapin ang katotohanan at binabago ko ang aking sarili, hindi pa huli ang lahat. May pagkakataon pa rin akong baguhin ang aking tiwaling disposisyon at maligtas. Nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos, naglaho ang aking pagkanegatibo at maling pagkaunawa.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa gawain ng paghatol ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Ngayon ay hinahatulan ka ng Diyos, kinakastigo ka, at kinokondena ka, ngunit kailangan mong malaman na ang punto ng pagkondena sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Siya ay nagkokondena, nagsusumpa, humahatol, at kumakastigo para makilala mo ang iyong sarili, para magbago ang iyong disposisyon, at, bukod pa rito, para malaman mo ang iyong halaga, at makita na lahat ng kilos ng Diyos ay matuwid at alinsunod sa Kanyang disposisyon at mga kinakailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano para sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na nagmamahal, nagliligtas, humahatol, at kumakastigo sa tao. Kung alam mo lamang na mababa ang iyong katayuan, na ikaw ay tiwali at masuwayin, ngunit hindi mo alam na ninanais ng Diyos na gawing malinaw ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo ngayon, wala kang paraan para magtamo ng karanasan, lalong wala kang kakayahang patuloy na sumulong. Ang Diyos ay hindi naparito upang pumatay o manira, kundi upang humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas. Hanggang sa matapos ang Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala—bago Niya ihayag ang kalalabasan ng bawat kategorya ng tao—ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa pagliligtas, ang layunin nito ay para lamang gawing ganap—nang lubusan—yaong mga nagmamahal sa Kanya at mapasakop sila sa Kanyang kapamahalaan. Paano man inililigtas ng Diyos ang mga tao, ginagawang lahat iyon sa pamamagitan ng paghiwalay sa kanila sa dati nilang satanikong kalikasan; ibig sabihin, inililigtas Niya sila sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na hangarin ang buhay. Kung hindi nila gagawin iyon, walang paraan upang matanggap nila ang pagliligtas ng Diyos. Ang pagliligtas ay ang gawain ng Diyos Mismo, at ang paghahangad sa buhay ay isang bagay na kailangang gawin ng tao upang tumanggap ng kaligtasan. Sa mga mata ng tao, ang kaligtasan ay ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maaaring maging pagkastigo, paghatol, at mga pagsumpa; ang pagliligtas ay kailangang naglalaman ng pagmamahal, ng habag, at, bukod pa rito, ng mga salita ng kaginhawahan, gayundin ng walang-hanggang mga pagpapalang ipinagkaloob ng Diyos. Naniniwala ang mga tao na kapag inililigtas ng Diyos ang tao, ginagawa Niya iyon sa pamamagitan ng pag-antig sa kanila gamit ang Kanyang mga pagpapala at biyaya, para maibigay nila ang kanilang puso sa Diyos. Ibig sabihin, ang Kanyang pag-antig sa tao ay pagliligtas Niya sa kanila. Ang ganitong uri ng pagliligtas ay ginagawa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo. Kapag pinagkalooban sila ng Diyos ng isandaang beses, saka pa lamang magpapasakop ang tao sa pangalan ng Diyos at magsisikap na gumawa ng mabuti para sa Kanya at maghatid sa Kanya ng kaluwalhatian. Hindi ito ang layon ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay naparito para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan; walang kasinungalingan dito. Kung mayroon, tiyak na hindi sana Siya naparito upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dati-rati, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay may kasamang pagpapakita ng sukdulang pag-ibig at habag, kaya ibinigay Niya ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng buong sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Ang kaligtasang ipinagkaloob sa inyo ngayon ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, kung kailan ibinubukod ang bawat isa ayon sa uri; ang paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o habag, kundi pagkastigo at paghatol, upang ang tao ay maaaring mas lubusang maligtas. Sa gayon, ang natatanggap lamang ninyo ay pagkastigo, paghatol, at walang-awang paghampas, ngunit dapat ninyong malaman ito: Sa walang-pusong paghampas na ito wala ni kakatiting na kaparusahan. Gaano man kabagsik ang Aking mga salita, ang sumasapit sa inyo ay iilang salita lamang na maaaring magmukhang lubos na walang puso sa inyo, at gaano man katindi ang Aking galit, ang dumarating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo o patayin kayo. Hindi ba totoo ang lahat ng ito? Dapat ninyong malaman na sa panahong ito, matuwid na paghatol man o walang-pusong pagpipino at pagkastigo, lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Ibinubukod man ngayon ang bawat isa ayon sa uri o inilalantad ang mga kategorya ng tao, ang layunin ng lahat ng salita at gawain ng Diyos ay upang iligtas yaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay pinasasapit upang dalisayin ang tao, at ang walang-pusong pagpipino ay ginagawa upang linisin sila; ang masasakit na salita o pagkastigo ay kapwa ginagawa upang magpadalisay at alang-alang sa kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakita ko na hindi ko naunawaan ang gawain ng paghatol ng Diyos. Noong una kong tinanggap ang gawain ng Diyos, iyon ay para higit na matamasa ko ang pagmamahal ng Diyos at Kanyang awa, at ang pagtanglaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Kontento na akong matamasa lang ang biyaya ng Diyos. Akala ko isa akong munting sanggol sa mga kamay ng Diyos, isang taong itinatangi ng Diyos, na ako ay espesyal at perpekto, at na hindi ako dapat hatulan nang ganito katindi ng Diyos. Samakatuwid, nang ilantad ng matitinding salita ng Diyos ang aking katiwalian at anticristong disposisyon, akala ko palalayasin ako ng Diyos. Sa katunayan, hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos. Lubhang nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, at tanging ang matinding paghatol at pagkastigo lang ng Diyos ang puwedeng magpabago sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao at lubos tayong mailigtas mula sa kapangyarihan ni Satanas. Labis akong nagawang tiwali ni Satanas, masyado akong mayabang at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, kaya kinailangan ko ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos para gisingin ako. Ang ganitong uri lang ng gawain ang makapagpapakita sa akin ng pangit na hitsura ng aking katiwaliang gawa ni Satanas, at saka ko lang magagawang kamuhian ang aking sarili at talikuran si Satanas. Kung wala iyon, iisipin ko pa rin na perpekto ako at mahal ng Diyos, at sa gayo’y hindi ako kailanman magbabago para hanapin ang katotohanan o magnilay sa aking sarili. Nagpatuloy sana ako sa maling landas ng mga anticristo hanggang sa mamatay ako. Naniniwala ako sa Diyos, pero ayaw ko talagang magdusa, at gusto kong palayawin ako ng Diyos, para matamasa ko ang biyaya at awa ng Diyos magpakailanman na gaya ng isang sanggol. Paano kaya ako madadalisay ng Diyos nang ganito? Nagkamali ako ng pag-unawa sa Diyos, tumalikod sa Kanya, at nagtaksil sa Kanya dahil sa aking kamangmangan at pagkamakasarili. Hindi ko nakita na nasa likod ng Kanyang gawain ng paghatol ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas. Malaki ang naging pagdurusa ko dahil sa aking kamangmangan at pagkamakasarili. Matapos kong matanto ang malaking kabuluhan ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, muli akong nagkaroon ng kumpiyansang sumunod sa Diyos at danasin ang gawain ng Diyos. Naunawaan ko, naaayon man ang gawain ng Diyos sa aking mga haka-haka, ginawang lahat iyon para dalisayin ako at baguhin ang aking tiwaling disposisyon, at para ganap akong iligtas mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ang Kanyang pinakamainam na paraan para iligtas ang tao.

Pagkatapos niyon, binasa ko ang iba pang mga salita ng Diyos at naunawaan ko ang mga hinihingi ng Diyos. Gusto ng Diyos na maging isa akong tunay na nilalang, tanggapin ko ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at pagtustos, tuparin ang sarili kong tungkulin, makilala Siya at magpatotoo sa Kanya. Ang totoo, katulad din ng katayuan ng aking mga kapatid ang katayuan ko. Nabigyan na ako ng Diyos ng ilang kaloob at talento o ng pagkakataong maglingkod bilang isang lider, pero hindi ito nangangahulugan na mas mataas ang katayuan ko kaysa sa aking mga kapatid. Isa pa rin akong nilalang, at tiwaling tao pa rin na nangangailangan ng pagliligtas ng Diyos. Ang mga kaloob at talentong ito ay ibinigay ng Diyos, kaya hindi ako dapat na nagpapasikat. Itinuon ko dapat ang aking pagsisikap sa pagganap nang maayos sa aking tungkulin para mapalugod ang Diyos. Nang matanto ko ang mga bagay na ito, nagkaroon ako ng isang landas ng pagsasagawa, at nakaramdam ako ng ginhawa. Ngayon, gusto kong magmadaling bumalik sa iglesia para ipagpatuloy ang aking mga tungkulin. Sa pagkakataong ito, mas matatag ang determinasyon kong sundan ang Diyos at gampanan ang aking tungkulin. Binura ko ang lahat ng nasa computer at cellphone ko na walang kaugnayan sa paniniwala sa Diyos, na nagnanais na isantabi ang lahat at sundan Siya. Makalipas ang ilang araw, bumalik ako sa iglesia at patuloy na nangaral ng ebanghelyo. Ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos. Sa aking mga tungkulin, sadya akong nakipagtulungan sa aking mga kapatid. Tuwing may nakakaharap akong problema, tinatanong ko ang aking mga kapatid kung ano ang kanilang mga pananaw at mungkahi, at hinihilingan ko silang makilahok. Hindi na kinailangang ako ang magdesisyon at hindi ko na iginiit ang mga pananaw ko sa aking mga kapatid. Sa halip, pinag-usapan at tinalakay naming lahat ang mga bagay-bagay. Ayaw ko nang magpasikat para tingalain nila ako, ni hindi ko na sinubukang kontrolin sila. Ayaw ko na ng kapangyarihan. Sa halip, natuto akong hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kasama ang aking mga kapatid. Ang ganitong pagsasagawa ay higit na nagpapanatag sa akin, na isang bagay na hindi ko pa naramdaman dati.

Mula nang maranasan ko ito, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking mga tiwaling disposisyon. Nagtamo rin ako ng ilang kabatiran sa gawain ng Diyos at sa Kanyang kalooban na iligtas ang sangkatauhan, gayundin ng mas malaking pananampalataya. Talagang nadarama ko na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay hindi para kondenahin at lipulin ang tao, kundi sa halip ay dahil sa Kanyang pagmamahal at pagliligtas. Gaya ng sinasabi ng salita ng Diyos: “Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Salamat sa Diyos!

Sinundan: 2. Pananampalataya: Ang Pinagmumulan ng Lakas

Sumunod: 4. Ang Isang Lider ng Iglesia ay Hindi Isang Opisyal

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

60. Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito