Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

650 Mga Pagpapahayag na Taglay ng mga Nagawang Perpekto

Kapag umapak ang mga tao sa daan ng pagka-perpekto, ang kanilang lumang disposisyon ay maaaring mabago. Bukod dito, ang kanilang mga buhay ay magpapatuloy sa paglago at unti-unti silang pumapasok nang mas malalim sa katotohanan. Kakayanin nilang kamuhian ang mundo at kamuhian ang lahat ng hindi naghahangad sa katotohanan. Lalo nilang kinamumuhian ang kanilang mga sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw na kilala nila ang kanilang mga sarili. Pumapayag silang mabuhay sa katotohanan at ginagawa nila itong kanilang layunin na hangarin ang katotohanan. Hindi sila pumapayag na mamuhay sa loob ng mga isipan na nabuo ng kanilang mga utak, at nararamdam nila ang pagkamuhi sa pagkamatuwid-sa-sarili, kahambugan, at kapalaluan-sa-sarili ng tao. Sila ay nagsasalita nang may matinding pagpapahalaga sa kagandahang-asal, pinangangasiwaan ang mga bagay-bagay nang may pagkawari at karunungan, at matapat na masunurin sa Diyos. Kung nakararanas sila ng pagkakataon ng pagkastigo at paghatol, hindi lamang sila nagiging walang kibo o mahina, kundi sila pa ay nagpapasalamat para sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Naniniwala sila na hindi maaaring wala silang pagkastigo at paghatol ng Diyos; sila ay makatatanggap ng Kanyang proteksiyon sa pamamagitan nito. Hindi nila itinataguyod ang pananampalatayang may kapayapaan at kaligayahan at ang paghanap ng tinapay upang mapawi ang gutom. Ni hindi rin nila sinusundan ang panandaliang kaaliwan ng laman. Ito ang mayroon ang mga naging perpekto.

Hango sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Mga Kailangang Gawin ng Tao para Magawang Perpekto

Sumunod:Dapat Mong Pagsikapang Magkaroon ng Positibong Pag-unlad

Baka Gusto Mo Rin