999 Lahat ng Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan ay Kinakailangang Mawasak

1 Sinumang kumikilala sa salita sa Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi maisagawa ang katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos na nagkatawang-tao, sa huli ay magiging pakay ng pag-aalis at pagwasak. Bukod dito, sinuman ang pasalitang kumikilala sa nakikitang Diyos, kumakain at umiinom ng katotohanang ipinapahayag Niya habang hinahangad din ang malabo at di-nakikitang Diyos, ay higit sa malamang na wawasakin sa hinaharap. Wala sa mga taong ito ang magagawang manatili hanggang sa oras ng pamamahinga na darating makaraang natapos na ang gawain ng Diyos, o makakaya ng isang tao na katulad ng gayong mga tao na manatili sa oras na iyon ng pamamahinga. Ang malademonyong mga tao ay yaong mga hindi isinasagawa ang katotohanan; paglaban at pagsuway sa Diyos ang diwa nila, at wala silang bahagya mang layon na magpasakop sa Kanya. Wawasakin ang lahat ng gayong tao.

2 Nakasalalay sa iyong diwa, hindi sa iyong kaanyuan o kung paano ka magsalita o umasal paminsan-minsan, kung taglay mo ang katotohanan o kung lumalaban ka sa Diyos. Natutukoy sa diwa ng tao kung siya ba ay wawasakin o hindi; pinagpapasyahan ito ayon sa diwang inihahayag ng asal ng isang tao at ang pagtataguyod ng isang tao sa katotohanan. Sa mga taong magkakatulad sa isa’t isa sa kanilang gawain, at gumagawa ng magkakasingdaming gawain, yaong mga mabubuti ang pantaong diwa at nagtataglay ng katotohanan ay ang mga taong tutulutang manatili, habang yaong masasama ang pantaong diwa at sumusuway sa nakikitang Diyos ay yaong mga magiging pakay ng pagkawasak. Ang lahat ng gawain o mga salita ng Diyos na kaugnay sa hantungan ng sangkatauhan ay angkop na iwawasto sa mga tao ayon sa diwa ng bawat isa; walang magaganap na bahagya mang kamalian, at walang magagawang isa mang pagkakamali. Pinakaangkop ang gawaing ginagawa ng Diyos; lubusan Siyang hindi naglalabas ng mga maling paratang laban sa sinumang nilalang.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Sinundan: 998 Ang Mensahe ng Diyos

Sumunod: 1000 Panahon na para Maghiwalay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito