264 Hindi Ako Mabubuhay Kung Wala ang Pagkastigo at Paghatol ng Diyos

I

Kung ‘di dahil sa paghatol ng Diyos,

‘di ko kailanman iibigin ang Diyos,

mamumuhay pa rin sa sakop ni Satanas,

sa ilalim ng kontrol at utos nito.

Hinding-hindi ako magiging tunay na tao,

‘pagkat ‘di ko mapapalugod ang Diyos,

at ‘di mailalaan ang lahat ko sa Diyos.


‘Di man ako pinagpapala ng Diyos,

walang kapayapaan o galak,

ramdam kong may nag-aapoy sa loob ko,

walang kaginhawahan, natutuwa pa rin ako.

‘Pagkat pagkastigo’t paghatol ng Diyos

ay laging nasa ‘kin,

upang makita’ng matuwid Niyang disposisyon.

‘Yan ang halaga’t kahulugan ng buhay.


Pagkastigo’t paghatol ng Diyos,

‘yan ang nagligtas sa ‘kin.

‘Di ko kayang mabuhay kung wala’ng

pagkastigo’t paghatol ng Diyos.


II

Kahit pangangalaga’t proteksyon Niya’y

nagiging malupit na paghatol,

sumpa’t pagpalo, ako’y nasisiyahan sa lahat,

nililinis at nilalapit ako sa Diyos,

dinadalisay pag-ibig ko sa Kanya,

upang magawa ko’ng tungkulin bilang nilalang,

malaya sa impluwensya ni Satanas,

‘di na paglilingkuran pa.


Si Satanas ang naghahari sa buhay ko.

Kung wala’ng paghatol ng Diyos,

ako’y mamumuhay sa sakop ni Satanas,

at ‘di ng makabuluhang buhay.

Kung ‘di ako iiwan ng paghatol ng Diyos,

saka lang ako malilinis Niya.

Masasakit Niyang salita’t disposisyong matuwid

tinutulutan akong mabuhay sa liwanag Niya.


Pagkastigo’t paghatol ng Diyos,

‘yan ang nagligtas sa ‘kin.

‘Di ko kayang mabuhay kung wala’ng

pagkastigo’t paghatol ng Diyos.


III

Ang mapalaya’ng sarili kay Satanas,

magawang mapalinis,

ang mamuhay sa ilalim ng nasasakupan

ng Diyos, ng Diyos,

ito’ng pinakadakilang pagpapala

sa buhay ko ngayon, ngayon.


Pagkastigo’t paghatol ng Diyos,

‘yan ang nagligtas sa ‘kin.

‘Di ko kayang mabuhay kung wala’ng

pagkastigo’t paghatol ng Diyos.

Sinundan: 263 Nakita Ko ang Pag-ibig ng Diyos sa Pagkastigo at Paghatol

Sumunod: 265 Gugugulin Ko ang Buhay Ko Ayon sa Paghatol at Pagkastigo ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito