Pagpasok sa Buhay VI

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 556

Sa pamamagitan lamang ng paghahangad sa katotohanan matatamo ng isang tao ang pagbabago sa kanyang disposisyon: Ito ay isang bagay na kailangang maunawaan ng mga tao, at kailangang makita nang malinaw ng lahat ng tao ang usaping ito. Kung masyadong kakaunti ang nauunawaan ninyo sa sa katotohanan, madali kang magkakamali at maliligaw ng landas. Kung nais mong lumago sa buhay, kailangan mong hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay. Anuman ang iyong ginagawa, dapat mong alamin kung paano umasal nang tama upang makaayon sa katotohanan, at tuklasin kung anong mga dungis ang umiiral sa iyong kalooban na lumalabag dito; dapat kang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa tungkol sa mga bagay na ito. Anuman ang iyong ginagawa, dapat mong isipin kung ito ba ay nakaayon sa katotohanan o hindi, at kung ito ba ay may halaga at kabuluhan o wala. Maaari mong gawin ang mga bagay na nakaayon sa katotohanan, ngunit hindi mo maaaring gawin ang mga bagay na hindi. Patungkol sa mga bagay na maaari mong gawin o hindi gawin, kung maaaring bitiwan ang mga ito, bitiwan mo ang mga ito. Kung hindi, kung gagawin mo ang mga bagay na ito nang ilang panahon at kalaunan ay matuklasan mo na dapat mong bitiwan ang mga ito, kung gayon ay mabilis na magpasya at bitiwan kaagad ang mga ito. Ito ang prinsipyong dapat mong sundan sa lahat ng ginagawa mo. Ito ang tanong ng ilang tao: Bakit napakahirap hanapin ang katotohanan at isagawa ito—na tila ba namamangka ka nang pasalungat sa agos, at maaanod ka pabalik kung tumigil ka sa pagsagwan nang pasulong? Gayunman, bakit ba mas madali talagang gumawa ng masama o walang-kabuluhang mga bagay—kasindali ng pamamangka nang paayon sa agos? Bakit ganoon? Ito ay dahil kalikasan ng tao ang magkanulo sa Diyos. Ang kalikasan ni Satanas ay nangibabaw na sa kalooban ng mga tao, at ito ay isang puwersang mapanlaban. Ang mga taong may kalikasan na nagkakanulo sa Diyos, mangyari pa, ay malamang na gumawa ng mga bagay na nagkakanulo sa Kanya, at natural na mahirap para sa kanila na gumampan ng mga positibong kilos. Ganap itong pinagpapasyahan ng kalikasang diwa ng sangkatauhan. Sa sandaling talagang maunawaan mo ang katotohanan at simulan mong mahalin ito mula sa iyong kalooban, magiging madali na sa iyo na gawin ang mga bagay na nakaaayon sa katotohanan. Gagawin mo ang iyong tungkulin at isasagawa ang katotohanan nang normal—nang wala pa ngang kahirap-hirap at nang may kagalakan, at mararamdaman mo na mangangailangan ng malaking pagsisikap ang paggawa ng anumang negatibo. Ito ay dahil nangibabaw na ang katotohanan sa puso mo. Kung talagang nauunawaan mo ang mga katotohanan tungkol sa buhay ng tao, magkakaroon ka ng landas na susundan pagdating sa kung anong uri ng tao dapat maging, kung paano maging isang taong bukas at matuwid, at isang taong matapat, gayundin kung paano maging isang taong nagpapatotoo sa Diyos at naglilingkod sa Kanya. At sa sandaling maunawaan mo ang mga katotohanang ito, hindi ka na muling makagagawa kailanman ng masasamang gawa na lumalaban sa Kanya, ni hindi mo na kailanman gagampanan ang papel ng isang huwad na lider, isang huwad na manggagawa, o isang anticristo. Kahit na subukan kang ilihis ni Satanas, o sulsulan ka ng sinumang masama, hindi ka gagawa ng kasamaan o lalaban sa Diyos; sinuman ang sumubok na manlihis sa iyo o manulsol sa iyo, hindi ka gagawa ng kasamaan. Kung makakamit ng mga tao ang katotohanan at magiging buhay nila ang katotohanan, magagawa nilang kamuhian ang kasamaan at makaramdam ng pagkasuklam sa mga negatibong bagay, at magiging mahirap para sa kanila na gumawa ng kasamaan. Ito ay dahil nagbago na ang kanilang mga buhay disposisyon at nagawa na silang perpekto ng Diyos.

Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at alinsunod ito sa mga layunin ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang posibilidad na ipagkakanulo mo ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang isang mapagmataas at palalong disposisyon, kung gayon, ang pagsabihan na huwag labanan ang Diyos ay hindi magiging epektibo, dahil hindi mo mapipigilan ang iyong sarili—isa itong bagay na hindi mo makokontrol. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito sa ilalim ng pangingibabaw ng iyong mapagmataas at palalong kalikasan. Ang iyong pagmamataas at kapalaluan ay magtutulak sa iyo na hamakin ang Diyos at balewalain Siya; magtutulak sa iyo na maging mahilig na itaas ang iyong sarili, at magdudulot sa iyo na ibandera ang iyong sarili sa bawat pagkakataon; magtutulak sa iyo na maliitin mo ang iba, at walang ititira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang posisyon ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito na umupo ka sa puwesto ng Diyos at pilitin ang mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para sambahin mo ang sarili mong mga ideya, kaisipan, at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao sa ilalim ng pangingibabaw ng kanilang mapagmataas at palalong kalikasan! Upang malutas ang problema ng paggawa ng masama, kailangan muna nilang lutasin ang kanilang kalikasan. Kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi posibleng maghatid ng pangunahing resolusyon sa problemang ito. Kapag mayroon kang kaunting pagkakilala sa Diyos, kapag nakikita mo ang sarili mong katiwalian at kinikilala ang pagiging kasuklam-suklam at kapangitan ng kayabangan at kapalaluan, mandidiri ka, masusuka, at mababagabag. Sadya mong magagawa ang ilang bagay upang palugurin ang Diyos at pagkatapos ay magiginhawahan ka. Sadya mong magagawang magbasa ng salita ng Diyos, dakilain ang Diyos, magpatotoo sa Diyos, at, sa puso mo, maliligayahan ka. Sadya mong huhubaran ng maskara ang iyong sarili, inilalantad ang sarili mong kapangitan, at sa paggawa nito, bubuti ang pakiramdam mo sa iyong kalooban at gaganda ang lagay ng iyong loob. Ang unang hakbang sa paghahanap ng pagbabago sa iyong disposisyon ay ang hanapin na maunawaan ang mga salita ng Diyos at pumasok sa katotohanan. Sa pamamagitan lamang ng pag-unawa sa katotohanan magkakamit ka ng pagkilatis; sa pagkakaroon lamang ng pagkilatis mo tunay na makikilala ang mga bagay-bagay; sa pamamagitan lamang ng tunay na pagkilala sa mga bagay-bagay mo tunay na makikilala ang iyong sarili; tanging kapag tunay mong kilala ang iyong sarili ka makakapaghimagsik laban sa laman at makakapagsagawa ng katotohanan, at unti-unting makakapagpasakop sa Diyos. Sa ganitong paraan, hakbang-hakbang kang tatahak sa tamang landas sa iyong pananampalataya sa Diyos. Nakasalalay ito sa kung anong uri ng determinasyon mayroon ang isang tao tungo sa paghahangad ng katotohanan. Kung tunay na nagtataglay ng determinasyon ang isang tao, pagkaraan ng anim na buwan o isang taon magsisimula silang tumahak sa tamang landas. Sa loob ng tatlo o limang taon, makakakita sila ng mga resulta, at madarama nila na sumusulong sila sa buhay. Kung nananampalataya ang mga tao sa Diyos ngunit hindi hinahangad ang katotohanan, at hindi kailanman tumutuon sa pagsasagawa sa katotohanan, maaari silang manampalataya sa loob ng sampu o dalawampung taon nang hindi dumaranas ng anumang pagbabago. At sa bandang huli, iisipin pa nga nila na ganoon ang pananalig sa Diyos; iisipin nila na halos kapareho iyon ng dati nilang paraan ng pamumuhay sa sekular na mundo, at na walang kabuluhan ang mabuhay. Talagang ipinapakita niyon na kung walang katotohanan, hungkag ang buhay. Nagagawa nilang magsabi ng ilang salita at doktrina, ngunit hindi pa rin sila maalo at mapapanatag. Kung may ilang pagkakilala ang mga tao tungkol sa Diyos, alam kung paano mamuhay nang makabuluhan, at kayang gumawa ng ilang bagay upang mapalugod ang Diyos, kung gayon mararamdaman nila na ito ang tunay na buhay, na sa pamumuhay lamang sa ganitong paraan mayroong kabuluhan ang kanilang buhay, at na sa pamumuhay lamang sa ganitong paraan mapalulugod ng mga tao ang Diyos, masusuklian Siya, at mapapanatag ang pakiramdam. Kung kaya nilang may kamalayan na palugurin ang Diyos, isagawa ang katotohanan, at maghimagsik laban sa kanilang sarili at talikuran ang sarili nilang mga ideya at sa gayon ay maging mapagpasakop at mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos—kung magagawa nilang gawin nang may kamalayan ang lahat ng bagay na ito—kung gayon ay tumpak at tunay nilang isasagawa ang katotohanan. Hindi ito katulad ng dati, na umaasa lang sa mga imahinasyon at sumusunod sa mga patakaran, at iniisip na pagsasagawa ito ng katotohanan. Sa katunayan, ang pinakanakakapagod ay ang pag-asa sa mga imahinasyon at pagsunod sa mga patakaran, at paggawa ng mga bagay nang walang pagkaunawa sa katotohanan at nang walang mga prinsipyo, at mas nakakapagod pa ang bulag na paggawa ng mga bagay nang walang mga layon. Kapag nauunawaan mo ang katotohanan, hindi ka malilimitahan ng sinumang tao, ng mga pangyayari o ng mga bagay-bagay. Kikilos ka nang may mga prinsipyo, at nang may kapanatagan at kagalakan. Hindi mo madarama na gumugugol ka ng napakalaking pagsisikap, ni hindi mo madarama na nagdurusa ka nang husto. Kung may ganitong uri ka ng kalagayan, ikaw ay isang taong mayroong katotohanan at pagkatao, at isang taong nagbago na ang disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahangad sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 557

Sa proseso ng buhay karanasan, anuman ang mangyari, dapat mong matutunang hanapin ang katotohanan. Dapat mong pagnilayan nang husto ang usapin ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, at alamin kung aling paraan ng pagkilos ang ganap na naaayon sa mga layunin ng Diyos, at sa gayon ay magagawa mong isantabi ang mga bagay na nagmumula sa sarili mong kalooban. Sa sandaling alam mo na kung paano kumilos nang alinsunod sa mga layunin ng Diyos, kikilos ka sa ganoong paraan—magiging tila natural na dumadaloy ang lahat, at magiging napakagaan at napakadali sa pakiramdam. Ganito ginagawa ng mga taong nakakaunawa sa katotohanan ang mga bagay-bagay. Magagawa mong ipakita sa mga tao na tunay kang nagkamit ng mga resulta sa paggampan mo ng iyong tungkulin, na tunay na may mga prinsipyo sa paggawa mo ng mga bagay-bagay, na talaga ngang nagbago na ang buhay disposisyon mo, at na marami kang nagawang mabubuting bagay para sa hinirang na mga tao ng Diyos. Ito ay isang taong nakakaunawa sa katotohanan at tiyak na may wangis ng tao. Totoo nga, ang pagkain at pag-inom mo ng mga salita ng Diyos ay magkakamit ng epekto nito. Kapag tunay nang nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, makikilatis niya ang kanyang iba’t ibang kalagayan, makikita niya nang malinaw ang mga kumplikadong bagay, kaya nga malalaman niya kung paano magsagawa nang tama. Kung hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan at hindi niya makilatis ang sarili niyang kalagayan, kahit pa nais niyang maghimagsik laban sa kanyang sarili, hindi niya alam kung laban sa anong bagay siya maghihimagsik o kung paano maghimagsik, at kahit pa nais niyang talikuran ang sarili niyang kalooban, hindi niya alam kung ano ang mali rito, iisipin pa rin niya na labis na naaayon sa katotohanan ang kanyang sariling kalooban, at marahil ay ituturing pa nga na kaliwanagan ng Banal na Espiritu ang sarili niyang kalooban. Kung gayon, paano matatalikuran ng gayong tao ang kanyang sariling kalooban? Tiyak na hindi niya iyon magagawa, at ganap na imposible ang paghihimagsik niya laban sa laman. Samakatwid, kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, madali mong mapagkakamalang tama at alinsunod sa katotohanan ang mga bagay na nagmumula sa sarili mong kalooban, mga bagay na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, at ang kabaitan, pagmamahal, pagdurusa, at sakripisyo ng tao. Kung gayon, paano ka maghihimagsik laban sa mga bagay na ito ng tao? Hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng magsagawa ng katotohanan. Ganap kang walang kaalam-alam at nalilito kung ano ang gagawin, kaya magagawa mo lang ang sa tingin mo ay mabuti, at dahil dito, may mga pagkabaluktot sa ilang pagkilos mo. Ang ilan sa mga pagkilos mo ay sumusunod sa mga regulasyon, ang ilan ay ginagawa dahil sa kasigasigan, at ang ilan ay nagmumula mismo sa mga panggugulo ni Satanas. Ganito ang mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan. Kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay, lumilihis sila sa isang panig o kaya nama’y sa kabila, palagi silang may mga paglihis, at kahit na gusto nilang arukin ang mga prinsipyo, wala silang katumpakan kahit kaunti. Kakatwa ang paraan ng pagtingin ng mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan sa mga bagay-bagay, tulad lang ng mga walang pananampalataya. Paano nila posibleng maisasagawa ang katotohanan? Paano nila posibleng malulutas ang mga problema? Ang pag-unawa sa katotohanan ay hindi isang simpleng bagay. Gaano man kababa o kataas ang kakayahan ng isang tao, kahit pagkaraan ng habambuhay na karanasan, limitado ang dami ng katotohanang mauunawaan niya, at limitado rin ang dami ng salita ng Diyos na mauunawaan niya. Ang mga taong medyo may karanasan ay mga taong nakakaunawa ng ilang katotohanan, at sa pinakamainam, kaya nilang tumigil sa paggawa ng mga bagay na lumalaban sa Diyos, at tumigil sa paggawa ng malilinaw na masasamang bagay. Imposible para sa kanila na kumilos nang walang anumang halo mula sa sarili nilang kalooban. Dahil normal ang pag-iisip ng mga tao at maaaring hindi palaging umaayon ang mga kaisipan nila sa salita ng Diyos, hindi maiiwasan ang pagkahalo ng sarili nilang kalooban. Ang mahalaga ay ang magkaroon ng pagkilatis sa lahat ng bagay na nagmumula sa sariling kalooban ng isang tao at sumasalungat sa salita ng Diyos, sa katotohanan, at sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Hinihingi nito na magsumikap na unawain ang salita ng Diyos; kapag naunawaan mo na ang katotohanan, saka ka lang magkakaroon ng pagkilatis, at saka mo lang matitiyak na hindi ka gagawa ng kasamaan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahangad sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 558

Para makilala ang iyong sarili, dapat mong makilala ang mga pagbubunyag mo ng katiwalian, ang iyong mga tiwaling disposisyon, ang iyong mga nakamamatay na kahinaan, at ang iyong kalikasang diwa; dapat mong pagnilayan ang iyong sarili batay sa iyong mga pagbubunyag sa bawat bagay na kinakaharap mo sa iyong pang-araw-araw na buhay. Habang kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, dapat mong suriin ang iyong mga motibo, perspektiba, at saloobin sa bawat isang bagay, at kilalanin ang iyong sarili mula sa iyong mga pagbubunyag sa mga usaping ito. Siyempre, para makilala ang iyong sarili sa mas malalim na antas, dapat mong gamitin ang mga salita ng Diyos; tanging sa pagkilala sa iyong sarili batay sa mga salita ng Diyos ka magkakamit ng mga resulta. Pagdating sa pagtanggap sa paghatol ng mga salita ng Diyos, huwag kang matakot na magdusa ng pasakit sa iyong puso, huwag kang matakot na mawala ang iyong dignidad at mapahiya kapag inilalantad ka ng mga salita ng Diyos, at higit pa rito, huwag kang matakot na malantad ang iyong mga pangit na kalagayan at na makilatis ng iba ang mga ito. Tanging sa pagdanas ng mga pasakit na ito mo makikilala ang iyong mga tiwaling disposisyon, makikilatis ang totoo sa iyong malalim na katiwalian, kamumuhian ang iyong sarili at si Satanas mula sa iyong puso, at madali kang makakapaghimagsik laban sa iyong laman at kay Satanas. Kapag nagagawa mo nang isagawa ang katotohanan, maiwawaksi mo na ang iyong mga tiwaling disposisyon. Lubhang kapaki-pakinabang para sa mga tao na magdusa sa ganitong paraan habang tinatanggap ang paghatol. Bilang isang mananampalataya sa Diyos, dapat kang magbasa ng mas marami pang salita ng Diyos na humahatol at kumakastigo sa mga tao, lalo na iyong mga naglalantad sa diwa ng katiwalian ng sangkatauhan. Dapat mong mas iugnay ang mga ito sa iyong aktuwal na kalagayan, at dapat mong mas ilapat ang mga ito sa iyong sarili at hindi masyado sa iba. Ang iba’t ibang kalagayan na inilalantad ng Diyos ay lumilitaw nang marami sa bawat tao, at pawang matatagpuan sa kanila. Kung hindi ka naniniwala rito, subukan mong danasin iyon. Habang lalo kang dumaranas, lalo mong makikilala ang iyong sarili, at lalo mong madarama na tumpak na tumpak ang mga salita ng Diyos. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, walang kakayahan ang ilang tao na iugnay ang mga iyon sa kanilang sarili; akala nila ay hindi tungkol sa kanila ang mga bahagi ng mga salitang ito, kundi sa halip ay tungkol sa ibang mga tao. Halimbawa, kapag inilalantad ng Diyos ang mga tao bilang mga babaeng jezebel at mga bayarang babae, nadarama ng ilang kapatid na babae na dahil naging tapat na tapat sila sa kanilang asawa, tiyak na hindi tumutukoy sa kanila ang gayong mga salita. Nadarama ng ilang kapatid na babae na dahil wala silang asawa at hindi pa nakipagtalik kailanman, tiyak na hindi rin tungkol sa kanila ang gayong mga salita. Nadarama ng ilang kapatid na lalaki na para lamang sa mga babae ang mga salitang ito, at walang kinalaman sa kanila. Naniniwala ang ilang tao na masyadong matindi ang mga salita ng paglalantad ng Diyos sa tao, na hindi umaayon ang mga iyon sa realidad, kaya hindi nila matanggap ang mga iyon. Mayroon pa ngang mga taong nagsasabi na sa ilang pagkakataon, hindi tumpak ang mga salita ng Diyos. Ito ba ang tamang saloobin na dapat taglayin tungo sa mga salita ng Diyos? Malinaw na mali ito. Tinitingnan ng lahat ng tao ang kanilang sarili batay sa kanilang panlabas na mga pag-uugali. Wala silang kakayahang pagnilayan ang kanilang mga sarili, at makilala ang kanilang tiwaling diwa, sa gitna ng mga salita ng Diyos. Dito, ang “mga babaeng jezebel” at “mga bayarang babae” ay tumutukoy sa diwa ng katiwalian, karumihan, at kalaswaan ng sangkatauhan. Lalaki man o babae, may-asawa o wala, lahat ay mayroong mga tiwaling kaisipan ng kalaswaan—kaya paano ito mawawalan ng kinalaman sa iyo? Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao; lalaki man o babae, pareho ang antas ng katiwalian ng tao. Hindi ba’t isa itong katunayan? Dapat muna nating mapagtanto na ang lahat ng sinasabi ng Diyos ay katotohanan, at nakaayon sa mga katunayan, at na kahit gaano pa katindi ang Kanyang mga salita na humahatol at naglalantad sa mga tao, o gaano man kamalumanay ang Kanyang mga salita ng pagbabahagi ng katotohanan o paghihikayat sa mga tao, paghatol man o mga pagpapala ang Kanyang mga salita, mga pagkondena man o mga pagsumpa ang mga ito, nagbibigay man ang mga ito ng mapait o matamis na pakiramdam sa mga tao, dapat tanggapin ng mga tao ang lahat ng ito. Iyon ang saloobing dapat taglayin ng mga tao sa mga salita ng Diyos. Anong uri ng saloobin ito? Ito ba ay isang saloobing makadiyos, isang saloobing mapagpasensiya, o isang saloobing nagtitiis ng pagdurusa? Medyo nalilito kayo. Sinasabi Ko sa inyo na hindi ito anuman sa mga ito. Sa kanilang pananalig, dapat matatag na panindigan ng mga tao na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at dahil ang mga ito ang katotohanan, dapat tanggapin ng mga tao ang mga ito nang may katwiran. Nagagawa man nila o hindi na makilala o maamin ito, ang una nilang saloobin ay dapat na ganap na tanggapin ang mga salita ng Diyos sa kanilang puso; ito lang ang saloobin ng pagpapasakop sa Diyos. Kung iniisip mo na hindi ka inilalantad ng mga salita ng Diyos—buweno, hindi ba’t miyembro ka rin ng tiwaling sangkatauhan? Dapat tanggapin ng lahat ng miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos—talaga bang maaari kang maging eksepsiyon? Ang bawat miyembro ng tiwaling sangkatauhan ay may bahagi sa mga problemang inilalantad ng mga salita ng Diyos. Ang bawat pangungusap na sinasabi ng Diyos ay naglalantad sa tiwaling sangkatauhan, at ang lahat ay may bahagi rito—siyempre hindi ka eksepsiyon. Wala ni isang pangungusap ng mga salita ng Diyos ang naglalantad sa mga panlabas na anyo, o sa isang uri ng kalagayan, lalong hindi sa isang panlabas na regulasyon o isang simpleng anyo ng pag-uugali sa mga tao. Hindi ganoon ang mga iyon. Kung tingin mo na ang bawat pangungusap ng mga salita ng Diyos ay paglalantad lang ng isang simpleng uri ng pag-uugali ng tao o panlabas na anyo, wala kang espirituwal na pang-unawa at hindi mo nauunawaan kung ano ang katotohanan. Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan. Nadarama ng mga tao na malalim ang mga salita ng Diyos. Sa anong paraan malalim ang mga ito? Inilalantad ng bawat salita ng Diyos ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at ang mga bagay na malalim na nakaugat sa kanilang buhay. Esensiyal ang mga bagay na ito, hindi mga panlabas na anyo, at lalo nang hindi mga ugaling panlabas. Kung titingnan mo ang kanilang mga panlabas na anyo, maaaring mukhang mabubuting tao ang maraming indibidwal. Ngunit bakit sinasabi ng Diyos na ang ilang tao ay masasamang espiritu at ang ilan ay maruruming espiritu? Ito ay isang bagay na hindi mo nakikita. Kaya, kailangan ay hindi tratuhin ng isang tao ang mga salita ng Diyos ayon sa mga kuru-kuro o imahinasyon ng tao, o ayon sa sabi-sabi ng tao, at lalong hindi ayon sa mga pahayag ng naghaharing partido. Ang mga salita lamang ng Diyos ang katotohanan; lahat ng salita ng tao ay pawang maling kaisipan. Matapos mabahaginan nang gayon, nakaranas na ba kayo ng pagbabago sa inyong saloobin sa mga salita ng Diyos? Gaano man kalaki o kaliit ang pagbabago, sa susunod na mabasa ninyo ang mga salita ng Diyos na humahatol at naglalantad sa mga tao, kahit paano ay hindi ninyo dapat subukang makipagtalo sa Diyos. Dapat kayong tumigil sa pagrereklamo tungkol sa Diyos, sinasabing, “Talagang matindi ang mga salita ng paglalantad at paghahatol ng Diyos sa mga tao; hindi ko babasahin ang pahinang ito. Lalaktawan ko na lang ito. Maghahanap ako ng mababasa tungkol sa mga pagpapala at pangako, para maginhawahan ako nang kaunti.” Dapat ay hindi na ninyo basahin ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagpili nang ayon sa inyong sariling kalooban. Dapat ninyong tanggapin ang katotohanan at ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at pagnilayan at kilalanin ang inyong sarili. Sa ganitong paraan lang malilinis ang inyong mga tiwaling disposisyon, at sa ganitong paraan lang kayo magtatamo ng kaligtasan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kahalagahan at Landas ng Paghahangad sa Katotohanan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 559

Ano ang pagkaunawa mo sa kalikasan ng tao? Ang talagang ibig sabihin ng pag-unawa sa kalikasan mo ay ang paghimay sa mga bagay na nasa kaibuturan ng kaluluwa mo—ang mga bagay na nasa buhay mo, at ang lahat ng lohika at pilosopiya ni Satanas na ipinamumuhay mo—na siyang buhay ni Satanas na ipinamumuhay mo. Mauunawaan mo lamang ang kalikasan mo sa pamamagitan ng paglalantad ng mga bagay na nasa kaibuturan ng iyong kaluluwa. Paano mailalantad ang mga bagay na ito? Hindi mailalantad o mahihimay ang mga ito sa pamamagitan lamang ng isa o dalawang usapin. Maraming pagkakataon na tapos ka na sa isang bagay ay hindi mo pa rin ito nauunawaan. Maaaring umabot ng tatlo o limang taon bago ka makapagtamo ng kahit katiting na pagkatanto o pagkaunawa. Kaya, sa maraming sitwasyon, kailangan mong pagnilayan at kilalanin ang sarili mo. Kailangan mong siyasatin nang malaliman ang nasa loob mo at himayin ang iyong sarili, alinsunod sa mga salita ng Diyos, upang makakita ka ng anumang resulta. Habang lumalalim nang lumalalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, unti-unti mong malalaman ang sarili mong kalikasang diwa sa pamamagitan ng pagninilay sa sarili at pagkilala sa sarili.

Para malaman ang kalikasan mo, kailangan mong magtamo ng pagkaunawa rito sa pamamagitan ng ilang bagay. Una, kailangan mong magkaroon ng malinaw na pagkaunawa kung ano ang gusto mo. Hindi ito tumutukoy sa gusto mong kainin o isuot, sa halip, tumutukoy ito sa mga uri ng bagay na kinasisiyahan mo, mga bagay na kinaiinggitan mo, mga bagay na sinasamba mo, mga bagay na hinahangad mo, at mga bagay na pinagtutuunan mo ng pansin sa iyong puso, mga uri ng tao na nasisiyahan kang makaugnayan, at mga uri ng tao na hinahangaan at iniidolo mo sa puso mo. Halimbawa, karamihan sa mga tao ay gusto ang mga taong mataas ang katayuan, mga taong eleganteng magsalita at kumilos, o gusto nila yaong nagsasalita nang may matamis na dila o yaong mga mapagkunwari. Ang mga nabanggit ay tungkol sa mga taong gusto nilang makahalubilo. Pagdating naman sa mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao, kabilang dito ang kahandaang gawin ang ilang bagay na madaling gawin, kasiyahang gawin ang mga bagay na itinuturing ng iba na mabuti at na sasang-ayunan at pupurihin ng mga tao. Sa kalikasan ng mga tao, may karaniwang katangian ang mga bagay na gusto nila. Ibig sabihin, gusto nila ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na kinaiinggitan ng iba dahil sa mga panlabas na kaanyuan, gusto nila ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na talagang magaganda at mararangya, at gusto nila ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na nagagawa ang ibang sambahin sila. Itong mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao ay engrande, maniningning, maririkit, at mariringal. Sinasamba ng lahat ng tao ang mga ito. Makikita na ang mga tao ay hindi nagtataglay ng anumang katotohanan, at wala ring wangis ng mga tunay na tao. Wala ni katiting na kabuluhan sa pagsamba sa mga bagay na ito, subalit gusto pa rin ito ng mga tao. Ang mga bagay na ito na gusto ng mga tao ay tila lalo nang mabuti sa mga hindi nananampalataya sa Diyos, at ito ang lahat ng bagay na lalo nang handang hangarin ng mga tao. … Ang mga bagay na hinahangad at kinasasabikan ng mga tao ay nabibilang sa mga makamundong kalakaran, ang mga bagay na ito ay kay Satanas at sa mga diyablo, kinasusuklaman ng Diyos ang mga ito, at walang anumang katotohanan. Ang mga bagay na inaasam ng mga tao ang nagbibigay-daan na mabunyag ang kanilang kalikasang diwa. Maaaring makita ang mga kagustuhan ng mga tao sa paraan ng kanilang pananamit. Ang ilang tao ay handang magsuot ng nakakaakit ng pansin, makukulay na damit, o mga kakaibang kasuotan. Handa silang magsuot ng mga aksesorya na wala pang sinumang nakapagsuot noon, at gusto nila ang mga bagay na makakaakit sa kasalungat na kasarian. Ang pagsusuot nila ng mga damit at aksesoryang ito ay nagpapakita ng kagustuhan nila para sa mga bagay na ito sa kanilang buhay at sa kaibuturan ng kanilang puso. Hindi marangal o disente ang mga bagay na gusto nila. Ang mga ito ay hindi mga bagay na dapat hangarin ng isang normal na tao. Mayroong pagiging hindi matuwid sa pagkagiliw nila sa mga ito. Ang kanilang pananaw ay kaparehong-kapareho ng sa mga makamundong tao. Ang isang tao ay walang makikitang alinmang bahagi nito na tumutugma sa katotohanan. Samakatwid, ang gusto mo, ang pinagtutuunan mo, ang sinasamba mo, ang kinaiinggitan mo, at ang iniisip mo sa iyong puso araw-araw ay lahat kumakatawan sa iyong kalikasan. Ang pagkahilig mo sa mga makamundong bagay na ito ay sapat na para patunayan na kinagigiliwan ng kalikasan mo ang pagiging hindi matuwid, at sa mga seryosong sitwasyon, buktot at wala nang lunas ang kalikasan mo. Dapat mong himayin ang kalikasan mo sa ganitong paraan: Siyasatin mo ang kinagigiliwan mo at ang tinatalikuran mo sa buhay mo. Maaaring mabait ka sa isang tao sa isang panahon, ngunit hindi nito pinatutunayan na kinagigiliwan mo siya. Ang tunay na kinagigiliwan mo ay kung ano eksakto ang nasa kalikasan mo; kahit pa mabali ang mga buto mo, masisiyahan ka pa rin dito at hindi mo ito matatalikuran kailanman. Ito ay hindi madaling baguhin. Pag-usapan natin ang paghahanap ng mapapangasawa, halimbawa, hinahanap ng mga tao ang mga taong katulad nila ang tipo. Kung talagang umibig ang isang babae sa isang tao, kung gayon walang makakapigil sa kanya. Kahit baliin ang kanyang mga binti, gugustuhin pa rin niyang makasama ito; gugustuhin niyang magpakasal sa taong ito kahit mangahulugang kailangan siyang mamatay. Paano nangyari ito? Ito ay dahil walang makapagpapabago sa nasa kaibuturan ng mga buto ng mga tao, sa nasa kaibuturan ng kanilang mga puso. Kahit namatay ang isang tao, parehong mga bagay pa rin ang gugustuhin ng kanyang kaluluwa; likas na sa tao ang mga bagay na ito, at kumakatawan ang mga ito sa pinakadiwa ng isang tao. Ang mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao ay naglalaman ng ilang pagiging hindi matuwid. Halata sa ilan ang pagkagiliw nila sa mga bagay na iyon, samantalang sa iba ay hindi; ang ilan ay napakalaki ng pagkagusto sa mga ito, samantalang ang iba ay hindi; napipigil ng ilang tao ang kanilang sarili, samantalang hindi mapigil ng iba ang kanilang sarili. May tendensiyang malubog ang ilang tao sa mga madilim at buktot na bagay, na nagpapatunay na wala silang taglay na buhay. Nagagawa ng ilang tao na mapangibabawan ang mga tukso ng laman at hindi masakop o malimitahan ng mga bagay na iyon, na nagpapatunay na mayroon silang kaunting tayog at na nagbago na nang kaunti ang kanilang mga disposisyon. Nauunawaan ng ilang tao ang ilang katotohanan at nadarama na mayroon silang buhay at na mahal nila ang Diyos, pero ang totoo, napakaaga pa, at ang pagdanas ng isang tao ng pagbabago sa disposisyon ay hindi isang simpleng bagay. Madali bang unawain ang kalikasang diwa ng isang tao? Kahit nakakaunawa nang kaunti ang isang tao, dapat niyang pagdaanan ang maraming pasikot-sikot para makamit ang pag-unawang iyon, at kahit may kaunting pagkaunawa, hindi madali ang pagbabago. Ito ang lahat ng paghihirap na kinakaharap ng mga tao, at hindi makikilala ng mga tao ang kanilang sarili kung wala ang determinasyon na hangarin ang katotohanan. Paano man maaaring magbago ang mga tao, pangyayari, o bagay-bagay sa iyong paligid at paano man bumaligtad ang mundo, kung ginagabayan ka ng katotohanan mula sa loob, kung nag-ugat na ito sa iyong loob at ginagabayan ng mga salita ng Diyos ang iyong buhay, mga kagustuhan, mga karanasan, at pag-iral, sa puntong iyon ay tunay ka nang nagbago. Sa kasalukuyan, ang tinatawag na pagbabago ng mga tao ay bahagyang pakikipagtulungan lamang, kakayahan lamang na atubiling tanggapin ang mapungusan, aktibong gumanap sa kanilang mga tungkulin, at pagkakaroon ng kaunting kasigasigan at pananalig, ngunit hindi ito maituturing na pagbabago ng disposisyon at hindi nito pinatutunayan na may buhay ang mga tao. Mga kagustuhan at inklinasyon lamang ito ng mga tao—wala nang iba.

Upang maabot ang pagkaunawa sa mga kalikasan ng mga tao, bukod sa paghukay sa mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao sa kanilang mga kalikasan, kailangan ding hukayin ang ilang pinakamahalagang aspekto sa loob ng kanilang mga kalikasan. Halimbawa, ang mga pananaw ng mga tao sa mga bagay-bagay, ang mga pamamaraan at mga layon ng mga tao sa buhay, ang mga pinahahalagahan ng mga tao sa buhay at pananaw sa buhay, pati na rin ang mga palagay at opinyon nila sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa katotohanan. Lahat ng ito ay umiiral sa kaibuturan ng kaluluwa ng mga tao at may direktang kaugnayan ang mga ito sa pagbabago ng disposisyon. Ano, kung gayon, ang pananaw sa buhay ng tiwaling sangkatauhan? Masasabi na ito iyon: “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang sarili; sa madaling salita, nabubuhay sila para sa laman, at namumuhay sila para lamang may mailagay na pagkain sa kanilang bibig. Paano naiiba ang pag-iral na ito sa pag-iral ng mga hayop? Walang anumang halaga sa pamumuhay nang ganito, at lalong wala itong anumang kabuluhan. Ang pananaw sa buhay ng isang tao ay tungkol sa kung saan umaasa ang isang tao para mabuhay sa mundo, para saan nabubuhay ang isang tao, at paano namumuhay ang isang tao—at ang lahat ng ito ay mga esensyal na bagay na nasa loob ng kalikasan ng tao. Sa pamamagitan ng paghihimay sa kalikasan ng mga tao, makikita mo na lahat ng tao ay lumalaban sa Diyos. Mga diyablo silang lahat at walang totoong mabuting tao. Sa pamamagitan lamang ng paghihimay sa kalikasan ng mga tao mo tunay na malalaman ang kanilang katiwalian at diwa at mauunawaan kung ano talaga ang mga tao, ano talaga ang kulang sa kanila, ano ang dapat nilang isangkap sa kanilang sarili, at paano nila dapat isabuhay ang wangis ng tao. Tunay na hindi madaling himayin ang kalikasan ng isang tao, at hindi ito magagawa nang hindi nararanasan ang mga salita ng Diyos o nagkakaroon ng tunay na mga karanasan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 560

Paano malalaman ang kalikasan ng isang tao? Anong mga bagay ang bumubuo sa kalikasan ng isang tao? Ang alam mo lamang ay ang mga kakulangan, depekto, intensiyon, kuru-kuro, pagkanegatibo, at paghihimagsik ng tao, subalit hindi mo nagagawang tuklasin ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kalikasan ng tao. Ang alam mo lamang ay ang panlabas na parte, nang hindi nagagawang tuklasin ang pinagmulan nito at hindi ito nagsisilbing kaalaman tungkol sa kalikasan ng tao. Umaamin ang ilang tao sa kanilang mga kakulangan at mga pagkanegatibo, sinasabi nilang, “Nauunawaan ko ang kalikasan ko. Nakikita mo namang kinikilala ko ang aking kayabangan. Hindi ba’t pagkaalam iyon sa kalikasan ko?” Ang kayabangan ay bahagi ng kalikasan ng tao, at iyan ay talagang totoo. Gayunman, hindi sapat na kilalanin ito sa antas lamang ng doktrina. Ano ang ibig sabihin ng malaman ang sariling kalikasan? Paano ito malalaman? Mula sa anong mga aspekto ito nalalaman? Paano ba talaga dapat mahiwatigan ang kalikasan ng isang tao mula sa mga bagay na kanyang ibinubunyag? Una sa lahat, makikita mo ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng kanyang mga interes. Halimbawa, ang ilang tao ay may natatanging pagsamba sa mga sikat at tanyag na tao, ang ilan naman ay talagang mahilig sa mga mang-aawit o sa mga artista sa pelikula, at ang ilan ay may natatanging pagkahilig sa paglalaro. Mula sa mga hilig na ito, makikita natin kung ano ang kalikasan ng mga taong ito. Narito ang simpleng halimbawa: Maaaring talagang iniidolo ng ilang tao ang isang partikular na mang-aawit. Hanggang sa anong punto nila siya iniidolo? Hanggang sa puntong nahuhumaling na sila sa bawat galaw, ngiti, at salita ng mang-aawit na ito. Nakatutok sila sa mang-aawit na ito, at kinukuhaan pa nila ng litrato ang mga isinusuot nito at ginagaya ito. Ano ang ipinapakitang isyu ng ganitong antas ng pag-idolo sa isang tao? Ipinapakita nito na ang mga bagay ng mga walang pananampalataya lang ang nasa puso ng gayong tao, at wala sa kanya ang katotohanan, wala siyang mga positibong bagay, at lalong wala ang Diyos sa kanyang puso. Ang lahat ng bagay na iniisip, minamahal, at hinahangad ng taong ito ay kay Satanas. Inookupa ng mga bagay na ito ang puso ng taong ito, na sa huli ay naibibigay sa mga bagay na iyon. Masasabi ba ninyo kung ano ang kalikasang diwa niya? Kung sukdulan ang pagmamahal sa isang bagay, maaaring ang bagay na iyon ay maging buhay ng isang tao at sakupin ang kanyang puso, na lubos na nagpapatunay na ang taong iyon ay sumasamba sa idolo at ayaw sa Diyos at sa halip ay minamahal ang isang diyablo. Samakatwid, mahihinuha na ang kalikasan ng gayong tao ay isa na nagmamahal at sumasamba sa isang diyablo, hindi nagmamahal sa katotohanan, at ayaw sa Diyos. Hindi ba’t ito ang tamang paraan ng pagtingin sa kalikasan ng isang tao? Ganap na tama ito. Ganito dapat himayin ang kalikasan ng tao. Halimbawa, partikular na iniidolo ng ilang tao si Pablo. Mahilig silang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, mahilig silang magdaos ng mga pagtitipon at mangaral, at gusto nilang pinakikinggan sila ng mga tao, iniidolo sila, at pinalilibutan sila ng mga ito. Gusto nilang magkaroon ng puwang sa puso ng iba, at gusto nilang bigyang-pansin ng iba ang imaheng ipinipresenta nila. Himayin natin ang kanilang kalikasan mula sa mga pagpapamalas na ito. Ano ang kanilang kalikasan? Kung talagang nagpapakita sila ng mga ganitong pagpapamalas, sapat nang ipakita na sila ay mayabang at palalo, na hindi talaga nila sinasamba ang Diyos, at na naghahangad sila ng mataas na katayuan at gusto nilang magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin ang mga ito, at magkaroon ng puwang sa puso ng mga ito. Ito ang klasikong imahe ni Satanas. Ang mga partikular na namumukod-tanging aspekto ng kanilang kalikasan ay na mayabang at palalo sila, hindi nila sinasamba ang Diyos, at sinusubukan nilang pasambahin sa kanila ang iba. Ang gayong mga pagpapamalas ay makapagbibigay sa iyo ng napakalinaw na pagkaunawa sa kanilang kalikasan. Halimbawa, gustong-gusto ng ilang tao na makalamang nang di-patas sa mga bagay-bagay, at hangad ng mga taong ito na matupad ang kanilang mga pansariling interes sa lahat ng usapin. Ginagawa nila ang lahat batay sa kung makikinabang sila rito o hindi. Kung makikinabang sila, gagawin nila ito; kung walang pakinabang para sa kanilang sarili, hindi nila ito gagawin. Palaging may mga lihim na motibo sa likod ng kanilang mga kilos. Nagsasalita sila nang mabuti patungkol sa sinumang pinakikinabangan nila at iniaangat nila ang sinumang nambobola sa kanila. Kahit na may mga problema ang kanilang mga paboritong tao, sasabihin nilang tama ang mga taong iyon at pagsisikapan nilang ipagtanggol at pagtakpan ang mga ito. Anong kalikasan mayroon ang ganoong mga tao? Ganap mong makikita nang malinaw ang kanilang kalikasan mula sa mga asal na ito. Pinagsisikapan nilang makalamang nang di-patas sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng kanilang mga kilos, laging nakikipagtransaksyon sa bawat sitwasyon, at makatitiyak ka na ang kanilang kalikasan ay mapag-imbot sa pakinabang. Sarili lamang nila ang kanilang iniisip sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa. Hindi sila kikilos maliban kung makikinabang sila. Sila ang pinakamakasarili sa lahat ng tao, at sila ay ganap na walang kabusugan. Ang kanilang kalikasan ay naipapakita sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal sa pakinabang at kawalan ng anumang pagmamahal sa katotohanan. Ang ilang kalalakihan ay nabibighani ng mga kababaihan, laging nakikipaglandian sa kanila saanman sila magpunta. Ang magagandang babae ay tampulan ng pagkagiliw ng gayong mga tao at humahawak sa pinakamataas na pagpapahalaga sa kanilang mga puso. Handa silang ibigay ang kanilang mga buhay, at isakripisyo ang lahat, para sa magagandang babae; ang mga babae ang siyang pumupuno sa kanilang mga puso. Ano ang kalikasan ng mga lalaking ito? Ang kalikasan nila ay ang umibig sa magagandang babae, at ang sambahin ang mga ito, at mahalin ang kabuktutan. Sila ay mga mahahalay na may buktot at sakim na kalikasan. Bakit Ko nasasabing ito ang kalikasan nila? Dahil ang mga ito ay mga pagpapamalas ng pagiging kalikasan na ng isang tao ang kasakiman. Ang mga pag-uugaling ito ay hindi lamang basta mga paminsan-minsang pagsalangsang, ni ang gayong mga tao ay mas malala lamang nang bahagya kaysa sa ordinaryong mga tao, sa halip, nakasanayan nila na maging lubusang abala ang isip sa mga bagay na ito, na naging mismong kalikasan at diwa na nila. Samakatwid, ang mga bagay na ito ay naging mga pagpapakita ng kanilang kalikasan. Ang nakapaloob sa kalikasan ng isang tao ay nabubunyag sa bawat sandali. Anuman ang gawin ng isang tao, nabubunyag ang kanyang kalikasan. May sariling mga motibo at layunin ang mga tao sa lahat ng ginagawa nila, at maging ito man ay paggawa ng tungkulin ng pagpapatuloy, pangangaral ng ebanghelyo, o anumang iba pang uri ng gawain, maaari nilang hindi namamalayang mabunyag ang mga bagay na nakapaloob sa kanilang kalikasan, dahil ang kalikasan ng isang tao ay ang kanyang buhay, at ang lahat ng tao ay namumuhay sa ilalim ng pamamahala ng kanilang kalikasan. Ang mga pagbubunyag ng kalikasan ng isang tao ay hindi mga paminsan-minsan o panandaliang pagpapamalas; sa halip, maaari ganap na katawanin ng mga ito ang diwa ng taong iyon. Ang lahat ng nabubunyag mula sa loob ng mga buto at dugo ng mga tao ay kumakatawan sa kanilang kalikasan at buhay. Ang ilang tao ay mahilig sa magagandang babae. Ang iba ay mahilig sa pera. Ang ilan ay may natatanging pagkahilig sa katayuan. Ang ilan ay talagang nagpapahalaga sa reputasyon at sa kanilang personal na imahe. Ang ilan ay partikular na mahilig o sumasamba sa mga idolo. At ang ilang tao ay masyadong mayabang at palalo, hindi sumusuko kaninuman sa puso nila at nagsusumikap na magkaroon ng katayuan, gusto nilang mamukod-tangi sa iba at magkaroon ng awtoridad sa kanila. May iba’t ibang uri ng iba-ibang kalikasan. Maaaring mag-iba-iba ang mga ito sa mga tao, pero ang karaniwang elemento ng mga ito ay ang paglaban at pagkakanulo sa Diyos. Sa gayong paraan ay magkakapareho silang lahat.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 561

Nagawa nang tiwali ni Satanas ang buong sangkatauhan, at ang kalikasan ng tao ay ang ipagkanulo ang Diyos. Gayumpaman, sa lahat ng taong nagawa nang tiwali ni Satanas, may ilang kayang magpasakop sa gawain ng Diyos at tumanggap sa katotohanan. Sila ang mga taong maaaring magtamo ng katotohanan at magkamit ng pagbabago ng disposisyon. Ang ilang tao ay hindi hinahangad ang katotohanan, at sa halip ay nagpapatangay lang sa agos. Sinusunod at ginagawa nila ang anumang ipagawa mo sa kanila, kaya nilang talikuran ang mga bagay-bagay at gugulin ang kanilang sarili, at kaya nilang tiisin ang anumang pagdurusa. May kaunting konsensiya at katwiran ang gayong mga tao, at may pag-asa sila na maligtas at manatiling buhay, pero hindi maaaring magbago ang kanilang disposisyon dahil hindi nila hinahangad ang katotohanan, at nasisiyahan na sila sa pag-unawa sa doktrina. Hindi sila nagsasabi o gumagawa ng mga bagay na lumalabag sa konsensiya, kaya nilang taos na gampanan ang kanilang mga tungkulin, at kaya nilang tumanggap ng pagbabahagi tungkol sa katotohanan na ukol sa anumang problema. Gayumpaman, hindi naman sila seryosong nagsisikap pagdating sa katotohanan, naguguluhan ang kanilang isipan, at hinding-hindi nila nauunawaan ang diwa ng katotohanan. Imposibleng magbago ang kanilang mga disposisyon. Kung nais mong malinis sa katiwalian mo at dumanas ng pagbabago sa buhay disposisyon mo, kailangan mong magkaroon ng pagmamahal sa katotohanan at magawa mong tanggapin ang katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng tanggapin ang katotohanan? Ang pagtanggap sa katotohanan ay nangangahulugan na anumang tiwaling disposisyon ang mayroon ka, o alinman sa mga lason ng malaking pulang dragon—mga lason ni Satanas—ang nasa iyong kalikasan, kapag inilantad ng mga salita ng Diyos ang mga bagay na ito, dapat mong aminin ang mga ito at magpasakop ka, hindi ka maaaring gumawa ng ibang pagpili, at dapat mong kilalanin ang iyong sarili ayon sa mga salita ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay magawang tanggapin ang mga salita ng Diyos at tanggapin ang katotohanan. Ipagpalagay na, anuman ang sabihin ng Diyos, gaano man kabagsik ang mga salita Niya, at anumang mga salita ang ginagamit Niya, matatanggap mo ang mga ito basta’t katotohanan ang sinasabi Niya, at kaya mong kilalanin ang mga ito basta’t umaayon ang mga ito sa realidad. Kaya mong magpasakop sa mga salita ng Diyos gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa mga ito, at kahit pa mga kapatid ang nagbabahagi ng liwanag ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, kaya mo pa ring tanggapin ito at magpasakop dito. Kapag umabot na sa isang partikular na punto ang paghahangad sa katotohanan ng gayong tao, kaya niyang makamit ang katotohanan at matamo ang pagbabago ng kanyang disposisyon. Kahit pa may kaunting pagkatao ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan, kayang gumawa ng ilang mabubuting bagay, at kayang tumalikod at gumugol para sa Diyos, naguguluhan sila at hindi sila metikuloso tungkol sa katotohanan, kaya hindi nagbabago kailanman ang mga buhay disposisyon nila. Makikita mo na ang pagkatao ni Pedro at ang sa iba pang mga disipulo ay halos magkapareho, pero ang isang prominenteng katangian ni Pedro ay ang katunayan na partikular niyang hinangad ang katotohanan. Anuman ang sinabi ni Jesus, taimtim niya itong pinagbulayan, pinagninilayan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salitang ito at hinahanap ang mga layunin ng Diyos. Nagtanong si Jesus, “Simon Barjona, mahal mo ba Ako?” Matapat na sumagot si Pedro, “Ang Ama na nasa langit lamang ang mahal ko, subalit hindi ko minahal ang Panginoon sa lupa.” Kalaunan ay naunawaan niya, naisip na, “Hindi tama ito, ang Diyos sa lupa ay ang Diyos sa langit. Hindi ba’t mayroon lang iisang Diyos na ito sa langit at sa lupa? Kung ang Diyos sa langit lamang ang mahal ko, hindi praktikal ang pagmamahal ko. Kailangan kong mahalin ang Diyos sa lupa, at saka lamang magiging praktikal ang aking pagmamahal.” Sa gayon, naunawaan ni Pedro ang tunay na kahulugan ng salita ng Diyos mula sa itinanong ni Jesus. Ang pagmamahal ng isang tao sa Diyos ay praktikal lamang kung minamahal niya ang Diyos na nagkatawang-tao sa lupa. Ang mahalin ang malabo at di-nakikitang Diyos ay hindi makatotohanan ni praktikal, samantalang ang mahalin ang praktikal at nakikitang Diyos ay katotohanan. Mula sa mga salita ni Jesus, natamo ni Pedro ang katotohanan at naunawaan ang layunin ng Diyos. Malinaw na ang pananampalataya ni Pedro sa Diyos ay nakatuon lamang sa paghahangad sa katotohanan. Sa bandang huli, nagawa niyang mahalin ang praktikal na Diyos—ang Diyos sa lupa. Napakamasigasig ni Pedro sa kanyang paghahangad sa katotohanan. Sa bawat pagkakataon na binigyan siya ni Jesus ng payo, taimtim niyang pinagnilayan ang mga salita ni Jesus. Marahil ay nagnilay-nilay siya nang ilang buwan, isang taon, o ilang taon pa nga bago siya binigyang-liwanag ng Banal na Espiritu at naunawaan niya ang diwa ng mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa katotohanan, at sa kanyang pagpasok, nagbago at napanibago ang kanyang buhay disposisyon. Kung hindi hinahangad ng isang tao ang katotohanan, hindi niya iyon mauunawaan kailanman. Masasambit mo ang mga salita at doktrina nang sampung libong beses, ngunit mananatili pa ring mga salita at doktrina lang ang mga iyon. Sinasabi lamang ng ilang tao, “Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Ulit-ulitin mo man ang mga salitang ito nang sampung libong beses, wala pa ring silbi ito; hindi mo nauunawaan ang kahulugan ng mga ito. Bakit sinasabi na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay? Kaya mo bang ipahayag ang kaalaman mo tungkol dito na batay sa karanasan? Nakapasok ka na ba sa realidad ng katotohanan, ng daan, at ng buhay? Binigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita upang maranasan ninyo ang mga ito at magtamo kayo ng kaalaman. Walang silbi ang pagsasalita lamang ng mga salita at doktrina. Makikilala mo lamang ang iyong sarili kapag naunawaan at napasok mo na ang mga salita ng Diyos. Kung hindi mo nauunawaan ang mga salita ng Diyos, hindi mo makikilala ang iyong sarili. Makapagtatamo ka lamang ng pagkakilatis kapag nauunawaan mo ang katotohanan. Kung walang pagkaunawa sa katotohanan, wala kang kakayahang makakilatis. Malinaw mo lamang na makikita ang mga bagay kapag nauunawaan mo ang katotohanan. Kung walang pagkaunawa sa katotohanan, hindi mo makikita nang malinaw ang mga bagay. Makikilala mo lamang ang iyong sarili kapag nauunawaan mo ang katotohanan. Kung walang pagkaunawa sa katotohanan, hindi mo makikilala ang iyong sarili. Magbabago lamang ang iyong disposisyon kapag nakamit mo ang katotohanan. Kung wala ang katotohanan, hindi maaaring magbago ang iyong disposisyon. Pagkatapos mong makamit ang katotohanan, saka ka lamang makapaglilingkod alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi mo makakamit ang katotohanan, hindi ka makapaglilingkod alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Pagkatapos mong makamit ang katotohanan, saka mo lamang masasamba ang Diyos. Kung walang pagkaunawa sa katotohanan, kahit pa sambahin mo Siya, ang iyong pagsamba ay magiging pagganap lamang ng mga ritwal na panrelihiyon at wala nang iba. Kung wala ang katotohanan, lahat ng gawin mo ay hindi realidad. Sa pagkamit sa katotohanan, lahat ng gawin mo ay may realidad. Lahat ng bagay na ito ay nakasalalay sa pagtatamo ng katotohanan mula sa mga salita ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 562

Ang makarating sa tunay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos ay hindi simpleng bagay. Huwag kang mag-isip nang ganito: “Naipapaliwanag ko ang literal na kahulugan ng mga salita ng Diyos, at sinasabi ng lahat na magaling ang aking pagpapaliwanag, at sinasang-ayunan nila ako, kaya ibig sabihin nito ay nauunawaan ko ang mga salita ng Diyos.” Hindi ito kapareho ng pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Kung nakatamo ka na ng kaunting liwanag mula sa mga pagbigkas ng Diyos, at medyo naunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng mga salita Niya, at kung naipapahayag mo ang layunin sa likod ng mga salita Niya at kung ano ang ibubunga ng mga ito sa huli—kung mayroon kang malinaw na pagkaunawa sa lahat ng bagay na ito—maituturing ka nang nagtataglay ng kaunting pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Kaya, hindi ganoon kasimple ang maunawaan ang mga salita ng Diyos. Hindi dahil nakapagbibigay ka ng mabulaklak, malabis na paliwanag sa literal na kahulugan ng mga salita ng Diyos ay nangangahulugang nauunawaan mo ang mga ito. Gaano mo man maipaliwanag ang literal na kahulugan ng mga ito, nakabatay pa rin ang iyong paliwanag sa imahinasyon at paraan ng pag-iisip ng tao. Walang silbi ito! Paano mo mauunawaan ang mga salita ng Diyos? Ang susi ay hanapin ang katotohanang nakapaloob sa mga iyon. Sa gayong paraan mo lamang tunay na mauunawaan ang mga salita ng Diyos. Hindi kailanman nagsasabi ang Diyos ng mga salitang walang kabuluhan. Bawat pangungusap na binibigkas Niya ay naglalaman ng mga detalye na tiyak na ilalantad pa sa Kanyang mga salita, at maaaring maipahayag ang mga ito sa ibang paraan. Hindi maaarok ng tao ang mga paraan ng pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan. Ang mga pagbigkas ng Diyos ay napakalalim at hindi madaling maaarok gamit ang pag-iisip ng tao. Maaaring matuklasan ng mga tao ang halos buong kahulugan ng bawat aspekto ng katotohanan basta’t pinagsisikapan nila. Ang natitirang mga detalye ay pupunan sa kanilang mga susunod na karanasan, sa pamamagitan ng pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu. Ang isang bahagi ay pagninilay at pag-unawa sa mga salita ng Diyos at paghahanap sa partikular na nilalaman ng mga ito sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga ito. Ang isa pang bahagi ay pag-unawa sa kahulugan ng mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagdanas sa mga ito at pagtatamo ng kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-unlad sa dalawang aspektong ito, unti-unti mong mauunawaan ang salita ng Diyos. Kung binibigyang-kahulugan mo ito nang literal at ayon sa teksto o mula sa sarili mong pag-iisip o mga imahinasyon, kahit ipaliwanag mo ito sa mabulaklak na pananalita, hindi mo pa rin talaga nauunawaan ang katotohanan, at batay pa ring lahat iyon sa pag-iisip at mga imahinasyon ng tao. Hindi iyon natamo mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Malamang na bigyang-kahulugan ng mga tao ang mga salita ng Diyos batay sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at maaari pa silang magkamali ng pakahulugan sa mga salita ng Diyos nang wala sa konteksto, kaya malamang ay magkamali sila ng pagkaunawa at manghusga sa Diyos, at problema ito. Samakatwid, ang katotohanan ay natatamo higit sa lahat sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga salita ng Diyos at ng pagiging nabigyang-liwanag ng Banal na Espiritu. Ang magawang maunawaan at maipaliwanag ang literal na kahulugan ng salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na natamo mo na ang katotohanan. Kung ang pag-unawa sa literal na kahulugan ng salita ng Diyos ay nangangahulugan na naunawaan mo ang katotohanan, mangangailangan ka lang ng kaunting pag-aaral at kaalaman, kaya bakit mo kakailanganin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu? Ang gawain ba ng Diyos ay isang bagay na maaarok ng isipan ng tao? Samakatwid, ang pag-unawa sa katotohanan ay hindi batay sa mga kuru-kuro o imahinasyon ng tao. Kailangan mo ng kaliwanagan, pagtanglaw, at gabay ng Banal na Espiritu para magkaroon ka ng tunay na kaalamang batay sa karanasan. Ito ang proseso ng pag-unawa at pagtatamo sa katotohanan, at isa rin itong kinakailangang kondisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 563

Paano mo mauunawaan ang kalikasan ng tao? Ang pinakamahalaga ay makilatis ito mula sa perspektiba ng pananaw ng tao sa mundo, pananaw sa buhay, at mga pinahahalagahan. Yaong sa mga diyablo ay pawang nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang pananaw nila sa buhay at mga salawikain ay pangunahing nagmumula sa mga kasabihan ni Satanas, tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Ang tao ay namamatay para sa kayamanan, gaya ng mga ibon para sa pagkain,” at iba pang gayong mga maling kaisipan. Ang mga salitang sinambit ng yaong mga diyablong hari, mga dakilang personalidad, at mga pilosopo ay ang naging mismong buhay ng tao. Lalo na, karamihan sa mga salita ni Confucius, na itinataas ng mga Tsino bilang isang “pantas,” ay naging buhay na ng tao. Mayroon ding mga bantog na kasabihan ng Budismo at Taoismo, at ang mga klasikong kasabihan na madalas ulitin ng iba’t ibang tanyag na tao. Lahat ng ito ay mga pagbubuod ng mga pilosopiya ni Satanas at kalikasan ni Satanas. Ang mga ito rin ang pinakamahusay na paglalarawan at paliwanag tungkol sa kalikasan ni Satanas. Ang mga lason na ito na naikintal sa puso ng tao ay pawang nagmumula kay Satanas, at wala sa mga ito ang nagmumula sa Diyos. Ang mga maladiyablong salita na iyon ay diretsahan ding kumokontra sa salita ng Diyos. Napakalinaw na ang mga realidad ng lahat ng positibong bagay ay nagmumula sa Diyos, at lahat ng negatibong bagay na lumalason sa tao ay nagmumula kay Satanas. Samakatwid, makikilatis mo ang kalikasan ng isang tao at kung kanino siya kabilang sa pamamagitan ng pagtingin sa pananaw niya sa buhay at mga pinahahalagahan. Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at pagkokondisyon ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga maladiyablong salita ay naging buhay at kalikasan na ng tao. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” ay isang sikat na satanikong kasabihan na tumagos na sa lahat at naging buhay nila. May iba pang mga salita ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na katulad nito. Ginagamit ni Satanas ang tradisyonal na kultura ng bawat bayan para turuan, iligaw, at gawing tiwali ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli, malipol ng Diyos dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan nila ang Diyos. Ang ilang tao ay naglingkod bilang mga opisyal ng gobyerno sa lipunan sa loob ng deka-dekada. Ipagpalagay na itatanong sa kanila ang sumusunod na tanong: “Yamang nagawa mong maging isang opisyal at magkaroon ng napakamaayos na karera, ano ang mga pangunahing bantog na kasabihang tumulong sa iyong makamit ito?” Maaaring sabihin nila, “Ang nag-iisang bagay na nauunawaan ko ay ito: ‘Hindi gagalawin ng mga opisyal ang mga sipsip sa kanila, at ang mga hindi nambobola ay walang mapapala.’” Umasa sila sa satanikong pilosopiyang ito upang maging isang opisyal. Hindi ba’t kumakatawan ang mga salitang ito sa kalikasan ng gayong mga tao? Ang paggamit ng mga walang-konsensiyang paraan para makakuha ng posisyon ay naging kalikasan na nila. Ang maging isang opisyal na namumukod-tangi at nagkakamit ng mabilis na pag-angat ang kanilang layon. Maraming ibang lason ni Satanas sa buhay, kilos, at sariling asal ng mga tao. Halimbawa, ang mga pilosopiya nila para sa mga makamundong pakikitungo, ang kanilang mga taktika sa paggawa ng mga bagay-bagay, at ang kanilang mga kasabihan ay pawang puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng ito ay galing kay Satanas. Kaya, lahat ng tumatagos sa mga buto at dugo ng mga tao ay kay Satanas. Lahat ng opisyal na iyon, ang mga may hawak ng kapangyarihan, at yaong mga matagumpay ay may sarili nilang mga landas at lihim sa tagumpay. Hindi ba lubos na kumakatawan ang mga lihim na iyon sa kanilang kalikasan? May kakayahan silang magsagawa ng malalaking proyekto sa mundo, at walang sinumang nakakakilatis sa mga pakana at intrigang nasa likod ng mga iyon. Ipinapakita nito na lubhang lihim na mapanira at mapaminsala ang kanilang kalikasan. Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at masasabi na ang kalikasan ng tao ay tiwali, buktot, lumalaban, at salungat sa Diyos, puno at lubos na nakalubog sa mga pilosopiya at lason ni Satanas. Ito ay ganap na naging kalikasang diwa ni Satanas. Ito ang dahilan kung bakit nilalabanan ng mga tao ang Diyos at mapanlaban sila sa Kanya. Madaling makikilala ng mga tao ang kanilang sarili kung mahihimay ang kanilang kalikasan sa ganitong paraan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 564

Ang susi sa pagninilay-nilay sa sarili at pagkilala sa iyong sarili ay ito: Kapag mas nararamdaman mo na sa mga partikular na aspekto ay mahusay o tama ang ginawa mo, at kapag mas naiisip mong natutugunan mo ang mga layunin ng Diyos o kaya mong magmalaki sa ilang aspekto, mas karapat-dapat na kilalanin mo ang iyong sarili sa mga aspektong iyon at mas karapat-dapat na laliman pa ang pagsasaliksik sa mga iyon para makita kung ano ang mga hindi dalisay sa iyo, at kung anong mga bagay sa iyo ang hindi nakatutugon sa mga layunin ng Diyos. Gawin nating halimbawa si Pablo. Si Pablo ay lubhang maalam na tao, labis siyang nagdusa nang siya ay mangaral at gumampan ng gawain, at maraming tao ang partikular na sumamba sa kanya. Bilang resulta, pagkatapos niyang makompleto ang maraming gawain, ipinagpalagay niya na mayroon nang nakalaang korona para sa kanya. Dahil dito, lumayo siya nang lumayo patungo sa maling landas, hanggang sa huli ay pinarusahan siya ng Diyos. Kung pinagnilayan at hinimay niya ang kanyang sarili noong panahong iyon, hindi sana niya sinabi ang mga mapagmataas na salitang iyon na walang katwiran. Sa panahon ng kanyang pangangaral ng ebanghelyo, nakatuon lamang si Pablo sa paggawa ng gawain at hindi niya hinangad ang katotohanan. Makikita mula sa mga sulat ni Pablo na hindi niya kailanman hinanap o tinipon ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus, ni hindi niya ipinakalat ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus sa kanyang mga sulat. Malinaw na hindi kailanman pinagnilayan ni Pablo ang kanyang sarili batay sa mga salita ng Panginoong Jesus, ni hindi niya nakita ang kahalagahan ng mga salita ng Panginoong Jesus, kaya mahirap sabihin kung anong tunay na pagkakilala mayroon si Pablo tungkol sa Panginoong Jesus. Inisip lamang ni Pablo na nauunawaan niya ang Bibliya, at naniwala lamang sa sarili niyang mga kuru-kuro at imahinasyon. Inisip niya na hangga’t mayroon siyang ilang mabuting pagsasagawa at nagpapakita ng ilang mabuting pag-uugali, makakamit niya ang pagsang-ayon ng Diyos at gagantimpalaan siya ng Diyos. Bilang resulta, tumahak siya sa landas ng paglilingkod sa Diyos ngunit pagsalungat sa Diyos. Gayumpaman, sa nakalipas na dalawang libong taon, ang mga mananampalataya sa Panginoon ay kulang sa pagkilatis sa kanya. Hindi nila alam kung sino si Pablo o ang landas na kanyang tinahak. Dahil lamang sa naitala ang kanyang mga sulat sa Bibliya, palagi nang sinasamba ng mga tao si Pablo, itinakda siya bilang layon ng kanilang paghahangad, at itinuring siya bilang isang idolo na aasam-asamin at hahangaring maging katulad niya. Bilang resulta, ang lahat ng sumasamba at tumutulad kay Pablo ay tumahak sa landas ng mga anticristo. Ang kaso ni Pablo ay nagsisilbing babala sa bawat isa sa hinirang na mga tao ng Diyos. Lalo na kapag tayong mga sumusunod sa Diyos ay nakakapagdusa at nakakapagbayad ng halaga sa ating mga tungkulin at sa ating paglilingkod sa Diyos, at sa gayon ay pakiramdam natin na tayo ay deboto at na tayo ay mga taong nagmamahal sa Diyos—sa mga ganitong pagkakataon, dapat nating pagnilayan at unawain ang ating sarili nang higit pa tungkol sa landas na ating tinatahak, na lubhang kinakailangan. Ito ay dahil itatakda mo na ang mga bagay na itinuturing mong mabubuting katangian mo, at ang mga bagay na iniisip mong ginawa mo sa tamang paraan, ay tama, at hindi mo pagdududahan ang mga ito, pagninilayan ang mga ito, o hihimayin kung mayroon bang anuman sa mga ito na lumalaban sa Diyos. Halimbawa, may mga tao na naniniwalang napakabuti ng kanilang puso. Hindi nila kinamumuhian o sinasaktan ang iba kahit kailan, at lagi silang tumutulong sa isang kapatid na ang pamilya ay nangangailangan, upang hindi manatiling walang solusyon ang kanilang problema. Napakabuti ng kanilang kalooban, at ginagawa nila ang lahat ng kaya nila upang tulungan ang lahat ng kaya nilang tulungan. Subalit hindi sila kailanman tumutuon sa pagsasagawa ng katotohanan, at wala silang buhay pagpasok. Ano ang resulta ng gayong pagkamatulungin? Hinahadlangan nila ang sarili nilang buhay. Subalit lubhang nasisiyahan sila sa kanilang sarili, at lubos silang kontento sa lahat ng nagawa nila. Bukod pa roon, ipinagmamalaki nila iyon nang husto, naniniwala sila na sa lahat ng ginawa nila, walang sumasalungat sa katotohanan, na tiyak na matutugunan nito ang mga layunin ng Diyos, at na sila ay tunay na mga mananampalataya sa Diyos. Itinuturing nila ang kanilang likas na mabuting kalooban bilang puhunan, at ipinagpapalagay na nila ito bilang ang katotohanan. Ang totoo, puro kabutihan ng tao ang ginagawa nila. Hindi talaga nila isinasagawa ang katotohanan, sapagkat ang ginagawa nila ay sa harap ng tao, at hindi sa harap ng Diyos, at lalong hindi sila nagsasagawa ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa katotohanan. Samakatwid, ang lahat ng gawa nila ay walang kabuluhan. Wala sa mga ginagawa nila ang pagsasagawa sa katotohanan o sa mga salita ng Diyos, lalo nang hindi ito pagsunod sa Kanyang kalooban; sa halip, gumagamit sila ng mabuting kalooban ng tao at mabuting pag-uugali upang tulungan ang iba. Bilang pagbubuod, hindi nila hinahanap ang mga layunin ng Diyos sa lahat ng kanilang ginagawa, ni hindi sila kumikilos alinsunod sa Kanyang mga hinihingi. Hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang ganitong uri ng mabuting pag-uugali ng tao; para sa Diyos, ito ay dapat kondenahin, at hindi nararapat na tandaan Niya.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw Maaaring Tunay na Magbago ang Isang Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 565

Ang susi sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon ay ang makilala ang sariling kalikasan, at dapat itong gawin ayon sa paglalantad ng Diyos. Sa mga salita lamang ng Diyos makikilala ng isang tao ang kanyang kasuklam-suklam na kalikasan, ang iba’t ibang lason ni Satanas na nasa loob ng kanyang kalikasan, ang kanyang kahangalan at kamangmangan, at ang marurupok at negatibong mga elemento sa kanyang kalikasan. Pagkatapos mong lubusang makilala ang mga bagay na ito, at tunay mo nang kayang kamuhian ang iyong sarili, maghimagsik laban sa laman, magpursigi sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, magpursigi sa paghahangad sa katotohanan habang ginagawa ang iyong tungkulin para makamit ang pagbabago sa disposisyon, at maging isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos, matatahak mo na ang landas ni Pedro. Kung walang biyaya ng Diyos o ang kaliwanagan at paggabay mula sa Banal na Espiritu, magiging mahirap na tahakin ang landas na ito, sapagkat kung walang katotohanan, hindi kayang maghimagsik ng mga tao laban sa kanilang sarili. Ang pagtahak sa landas ni Pedro ng pagiging perpekto ay pangunahing nakadepende sa pagkakaroon ng kapasyahan, pagkakaroon ng pananalig, at pagsandig sa Diyos. Dagdag pa rito, dapat magpasakop ang isang tao sa gawain ng Banal na Espiritu at hindi kailanman lumihis mula sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang mahahalagang aspektong hindi kailanman maaaring labagin. Sa takbo ng kanilang mga karanasan, napakahirap na makilala ang sarili, at kung walang gawain ng Banal na Espiritu, walang mga resultang darating. Para tahakin ang landas ni Pedro, dapat pagtuunan ng isang tao ang pagkilala sa sarili at ang pagbabago sa kanyang disposisyon. Ang landas ni Pablo ay hindi paghahangad sa buhay o pagtuon sa pagkilala sa sarili, kundi isang landas na may partikular na pagtuon sa paggawa ng gawain at sa kadakilaan at katanyagan ng gawaing ginampanan. Ang kanyang intensyon ay ang ipagpalit ang kanyang gawain at pagdurusa para sa mga pagpapala at gantimpala ng Diyos. Mali ang intensyong ito. Hindi tumuon si Pablo sa buhay, ni hindi niya pinahalagahan ang pagbabago ng kanyang disposisyon. Tumuon lamang siya sa mga gantimpala. Mali ang layong hinangad niya; kaya natural, mali rin ang landas na tinahak niya. Idinulot ito ng kanyang mapagmataas at palalong kalikasan. Malinaw na hindi nagtaglay si Pablo ng kahit katiting na katotohanan, ni wala siyang anumang konsensiya o katwiran. Sa pagliligtas at pagbabago sa mga tao, pangunahing binabago ng Diyos ang kanilang mga disposisyon. Ang layunin ng mga salita ng Diyos ay ang magdulot ng pagbabago sa mga disposisyon ng mga tao, at bigyan sila ng kakayahang makilala Siya at magpasakop sa Kanya, at magawang sambahin Siya sa isang normal na paraan. Ito ang layunin ng mga salita at gawain ng Diyos. Ang paraan ng paghahangad ni Pablo ay direktang sumalungat at kumontra sa mga layunin ng Diyos. Ito ay ganap na kasalungat ng mga ito. Gayumpaman, ang paraan ng paghahangad ni Pedro ay ganap na naaayon sa mga layunin ng Diyos. Tumuon si Pedro sa buhay at sa mga pagbabago sa disposisyon, na siyang mismong nais ng Diyos na maidulot sa mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Samakatwid, ang landas ni Pedro ay pinagpala at sinang-ayunan ng Diyos, habang ang landas ni Pablo ay ang mismong kinasuklaman at isinumpa ng Diyos dahil ito ay salungat sa Kanyang mga layunin. Para tahakin ang landas ni Pedro, dapat maunawaan ng isang tao ang mga layunin ng Diyos. Magkakaroon lamang sila ng tumpak na pagkaunawa kung aling landas ang susundan kung tunay nilang lubos na mauunawaan ang mga layunin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita—na nangangahulugan ng pag-unawa sa kung ano ang nais ng Diyos na isakatuparan sa tao at, sa huli, kung anong mga uri ng resulta ang nais Niyang makamit. Kung hindi mo lubos na nauunawaan ang landas ni Pedro at nais mo lang itong sundan, hindi mo ito matatahak. Sa madaling salita, maaaring marami kang alam na doktrina, pero sa huli, hindi ka makakapasok sa realidad. Kahit na mayroon kang kaunting paimbabaw na pagpasok, hindi ka magkakamit ng anumang tunay na resulta.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 566

Karamihan sa mga tao ay may napakababaw na pagkaunawa sa kanilang sarili. Hindi talaga nila malinaw na nakikilala ang mga bagay sa loob ng kanilang kalikasan. May kaalaman lamang sila sa iilang tiwaling kalagayan na ibinubunyag nila, sa mga bagay na malamang na gawin nila, o kung anong mga pagkukulang ang mayroon sila, at dahil dito ay iniisip nilang kilala na nila ang kanilang sarili. Kung susunod sila sa ilang regulasyon, titiyakin na hindi sila magkakamali sa ilang partikular na larangan, at magagawang iwasan ang paggawa ng ilang pagsalangsang, nag-aakala na nagtataglay sila ng realidad sa kanilang pananampalataya sa Diyos at ipinapalagay na maliligtas na sila. Ito ay pawang mga imahinasyon lamang ng tao. Kung susundin mo ang mga bagay na iyon, tunay ka bang makakaiwas sa pagsalangsang? Tunay mo bang makakamit ang pagbabago sa iyong disposisyon? Talaga bang maisasabuhay mo ang wangis ng isang tao? Tunay mo bang mapapalugod ang Diyos? Talagang hindi. Tiyak ito. Kailangang magkaroon ang mga tao ng mataas na pamantayan sa kanilang pananampalataya sa Diyos: Kailangan nilang makamit ang katotohanan at sumailalim sa ilang pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Una itong nangangailangan na magsikap ang mga tao na kilalanin ang kanilang sarili. Kung masyadong mababaw ang pagkakilala ng isang tao sa kanyang sarili, hindi nito malulutas ang anumang problema, at tiyak na hindi magbabago ang kanyang buhay disposisyon. Dapat mong kilalanin ang iyong sarili sa isang malalim na antas. Nangangahulugan ito ng pagkilala sa iyong kalikasan, at pag-alam kung anong mga elemento ang nilalaman nito, kung saan nagmumula ang mga bagay na ito, at kung saan nanggagaling ang mga ito. Dagdag pa rito, kaya mo ba talagang kamuhian ang mga bagay na ito? Nakita mo na ba ang sarili mong pangit na kaluluwa at ang iyong buktot na kalikasan? Kung tunay mong makikita ang katotohanan tungkol sa iyong sarili, kamumuhian mo ang iyong sarili. Kapag kinamumuhian mo ang iyong sarili at pagkatapos ay sinusubukan mong isagawa ang mga salita ng Diyos, magagawa mong maghimagsik laban sa laman at magkamit ng lakas para isagawa ang katotohanan, at hindi na ito magiging parang isang pagsisikap nang husto. Bakit maraming tao ang kumikilos ayon sa mga kagustuhan ng kanilang laman? Dahil itinuturing nilang napakabuti ng kanilang sarili, at pakiramdam nila na ang kanilang mga kilos ay labis na angkop at makatwiran, na walang anumang pagkakamali, at ganap na tama pa nga, kaya kumikilos sila nang may tiwala sa sarili. Kapag tunay na nilang nakilala kung ano talaga ang kanilang kalikasan—kung gaano ito kapangit, kakasuklam-suklam, at kakaawa-awa—hindi na magiging masyadong mataas ang tingin nila sa sarili at hindi na sila magiging sobrang mayabang, at hindi na sila gaanong matutuwa sa kanilang sarili. Iisipin nila, “Kailangan kong isagawa ang ilang salita ng Diyos nang praktikal. Kung hindi, hindi ako aabot sa pamantayan ng pagiging tao, at mahihiya akong mabuhay sa presensya ng Diyos.” Tunay nilang makikita ang kanilang sarili bilang maliit at tunay na walang-halaga. Sa puntong ito, magiging madali para sa kanila na isagawa ang katotohanan, at magmumukha silang medyo tulad ng isang tunay na tao. Tanging kapag tunay na kinamumuhian ng isang tao ang kanyang sarili saka niya kayang maghimagsik laban sa laman. Kung hindi niya kinamumuhian ang kanyang sarili, hindi niya kayang maghimagsik laban sa laman. Ang tunay na pagkamuhi sa sarili ay hindi isang simpleng bagay. Hinihingi nito sa isang tao na maunawaan ang ilang katotohanan: Una, dapat magtaglay siya ng pagkakilala tungkol sa kanyang kalikasan. Pangalawa, dapat niyang makita na siya ay dukha at kaawa-awa, na siya ay napakaliit at labis na walang-halaga, at dapat niyang makita ang kanyang kaawa-awa at maruming kaluluwa. Kapag lubusan na niyang nakita kung ano talaga siya—kapag nakamit na ang resultang ito—tunay siyang nagkakamit ng pagkakilala tungkol sa kanyang sarili, at masasabing tumpak na tumpak ang pagkakilala niya sa kanyang sarili. Tanging sa puntong ito niya magagawang kamuhian ang kanyang sarili, at magagawang sumpain pa nga ang kanyang sarili, tunay na nararamdaman na ang mga tao ay lubhang ginawang tiwali ni Satanas kaya’t wala na silang anumang wangis ng tao. Isang araw, kung tunay siyang maharap sa banta ng kamatayan, iisipin niya, “Ito ang matuwid na kaparusahan ng Diyos. Tunay ngang matuwid ang Diyos. Nararapat akong mamatay!” Sa puntong ito, hindi siya magpapahayag ng kanyang mga hinaing, lalong hindi siya magrereklamo tungkol sa Diyos—mararamdaman lamang niya na siya ay lubhang dukha, kaawa-awa, marumi, at tiwali, at na dapat siyang itiwalag at lipulin ng Diyos, at mararamdaman niya na ang isang kaluluwang tulad ng sa kanya ay hindi karapat-dapat na mabuhay sa lupa. Samakatwid, hindi siya magrereklamo o lalaban sa Diyos, lalong hindi niya ipagkakanulo ang Diyos. Ngunit kung hindi niya kilala ang kanyang sarili, at itinuturing pa rin niya ang kanyang sarili na napakabuti, kapag nalalapit na ang banta ng kamatayan, iisipin niya, “Napakabuti ng nagawa ko sa aking pananalig. Hinangad ko nang husto ang katotohanan, napakarami kong isinakripisyo, at labis akong nagdusa, pero sa huli, hinahayaan akong mamatay ng diyos. Hindi ko alam kung nasaan ang pagiging matuwid ng diyos. Bakit niya ako hinahayaang mamatay? Kung kahit ang isang tulad ko ay kailangang mamatay, sino ang maliligtas? Hindi ba’t tapos na ang buong sangkatauhan?” Una sa lahat, magkakaroon siya ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Pangalawa, magrereklamo siya tungkol sa Kanya at wala siyang anumang pagpapasakop. Katulad na katulad siya ni Pablo, na hindi kilala ang sarili, kahit noong malapit na siyang mamatay. Kapag dumating na sa kanya ang kaparusahan ng Diyos, huli na ang lahat.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 567

Para maging tumpak, ang pagtahak sa landas ni Pedro sa pananalig ng isang tao ay nangangahulugan ng pagtahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan, na siya ring landas para tunay niyang makilala ang kanyang sarili at mabago ang kanyang disposisyon. Sa pamamagitan lamang ng pagtahak sa landas ni Pedro mapupunta ang isang tao sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isang tao kung paano ba talaga tumahak sa landas ni Pedro, gayundin kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isang tao ang kanyang mga sariling intensyon, mga di-wastong paghahangad, at maging ang kanyang pamilya at lahat ng bagay na para sa kanyang sariling laman. Dapat buong-pusong mag-ukol ang isang tao; na ang ibig sabihin, kailangang ganap niyang ilaan ang kanyang sarili sa salita ng Diyos, magtuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, tumutok sa paghahanap sa katotohanan at sa mga pagnanais ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maarok ang mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. Ito ang ginawa ni Pedro pagkatapos niyang makita si Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isang tao ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong debosyon sa salita ng Diyos ay pangunahing kinapapalooban ng paghahanap sa katotohanan at sa mga pagnanais ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-arok sa mga layunin ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang mga salita ng Diyos, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya. Sa halip, nakatuon siya sa pag-unawa sa katotohanan at pag-arok sa mga layunin ng Diyos, gayundin sa pagtatamo ng pagkakilala sa disposisyon at pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Sinubukan din ni Pedro na kilalanin ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao, ang kalikasang diwa ng tao, at ang mga aktuwal na pagkukulang ng tao mula sa mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang niya madaling matutugunan ang mga hinihingi ng Diyos para mapalugod Siya. Mayroong napakaraming tumpak na pagsasagawa si Pedro pagdating sa mga salita ng Diyos. Ito ang pinakanaaayon sa mga layunin ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na paraan ng pakikipagtulungan ng tao habang nararanasan ang gawain ng Diyos. Noong dumaranas ng daan-daang pagsubok na ipinadala ng Diyos, mahigpit na ikinumpara ni Pedro ang kanyang sarili sa bawat salita ng paghatol at paglalantad ng Diyos sa tao—at sa bawat salita ng Kanyang mga hinihingi sa tao—sinuri ang kanyang sarili, at sinikap na tumpak na arukin ang kahulugan ng mga salita ng Diyos. Masigasig niyang pinagbulay-bulayan ang lahat ng sinabi sa kanya ni Jesus, mahigpit na isinasaisip ang bawat salita—nagbunga ng napakagagandang resulta ang pamamaraang ito. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, nagawa niyang makilala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at hindi lang niya nagawang kilalanin ang iba’t ibang tiwaling kalagayan at kakulangan ng tao, kundi nakilala rin niya ang diwa at kalikasan ng tao. Ito ang ibig sabihin ng tunay na makilala ang sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, sa isang banda, nagkamit si Pedro ng tunay na pagkakilala sa sarili niya, at sa kabilang banda, nakita niya ang matuwid na disposisyong ipinahayag ng Diyos, ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, ang mga layunin ng Diyos para sa Kanyang gawain, at ang mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan. Mula sa mga salitang ito ay tunay niyang nakilala ang Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, gayundin ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama’t ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nakamit pa rin ang mga bunga kay Pedro sa mga aspektong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay. Dumaan si Pedro sa daan-daang pagsubok; hindi siya nagdusa nang walang-saysay. Hindi lamang niya nakilala ang kanyang sarili mula sa mga salita at sa gawain ng Diyos, kundi nakilala rin niya ang Diyos. Dagdag pa riyan, sa loob ng mga salita ng Diyos ay partikular siyang nagbigay-pansin sa mga hinihingi ng Diyos sa tao at sa mga aspekto na kung saan dapat palugurin ng tao ang Diyos para maging naaayon sa mga layunin ng Diyos, at nagawa niyang pagsikapan nang husto ang mga bagay na ito, nagkamit ng ganap na kalinawan. Lubhang kapaki-pakinabang ito pagdating sa kanyang buhay pagpasok. Alinmang aspekto ito ng mga salita ng Diyos, basta’t nagagawa ng mga salitang iyon na magsilbing buhay at katotohanan, inukit ni Pedro ang mga ito sa puso niya, kung saan niya madalas na pinagbubulayan at inaarok ang mga ito. Nang marinig ang mga salita ni Jesus, nagawa niyang isapuso ang mga ito, na nagpapakita na siya ay partikular na nakatuon sa mga salita ng Diyos, at tunay na nakamtan niya ang mga resulta sa huli. Ibig sabihin, nagawa niyang mahusay na isagawa ang mga salita ng Diyos, tumpak na isagawa ang katotohanan at kumilos ayon sa mga layunin ng Diyos, gawin ang mga bagay nang ganap na naaayon sa mga pagnanais ng Diyos, at isuko ang kanyang sariling personal na mga opinyon at imahinasyon. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa realidad ng mga salita ng Diyos. Ang paglilingkod ni Pedro ay naaayon sa mga layunin ng Diyos, pangunahing dahil sa ginawa niyang ito.

Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang ginagawa ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at pumapasok sa realidad ng lahat ng aspekto ng katotohanan, siya ay isang taong ginawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na nagkamit ng epekto sa kanya: Ang mga salita ng Diyos ay naging buhay niya, at nakamit niya ang katotohanan at nagagawa niyang mamuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanyang laman—iyon ay, ang orihinal na pundasyon ng kanyang pag-iral—ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, saka lamang sila magiging mga bagong tao. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging buhay ng mga tao, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga paglalantad at hinihingi mula sa sangkatauhan, at ang mga pamantayan para sa buhay ng tao na hinihingi ng Diyos na matugunan ng mga tao ay maging buhay nila, kung namumuhay ang mga tao alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinilang ang gayong mga tao at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ito ang landas ng paghahangad ni Pedro sa katotohanan. Ito ang landas ng magawang perpekto. Ginawang perpekto si Pedro ng mga salita ng Diyos, at nagkamit siya ng buhay mula sa mga salita ng Diyos, ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos ay naging kanyang buhay, at saka lang siya naging isang tao na nagkamit ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 568

Bago danasin ng mga tao ang gawain ng Diyos at maunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka lubhang naiimpluwensiyahan ng iyong mga damdamin? Bakit gusto mo ang mga di-matuwid na bagay na iyon at ang masasamang bagay na iyon? Ano ang batayan ng pagkagusto mo sa ganoong mga bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit mo gusto at tinatanggap ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat: Ang pangunahing dahilan ay nasa kalooban ng tao ang mga lason ni Satanas. Kaya, ano ang mga lason ni Satanas? Paano maipapahayag ang mga ito? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, “Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?” sasagot ang lahat ng tao: “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Ipinahahayag ng nag-iisang parirala lang na ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ang totoo ay ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t namumuhay silang lahat para sa kanilang sarili. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba”—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito ang ganap na naging pundasyon para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namumuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa lason na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon. Lahat ng ginagawa ni Satanas ay para sa sarili nitong mga pagnanais, mga ambisyon, at mga pakay. Nais nitong higitan ang Diyos, makawala mula sa Diyos, at makuha ang kontrol sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Sa kasalukuyan, ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao hanggang sa ganitong antas. May satanikong kalikasan silang lahat, lahat sila ay may tendensiyang itatwa at labanan ang Diyos, at gusto nilang hawakan ang sarili nilang mga kapalaran at subukang labanan ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Ang kanilang mga ambisyon at pagnanais ay kaparehong-kapareho na ng kay Satanas. Samakatwid, ang kalikasan ng tao ay ang kalikasan ni Satanas. Sa katunayan, maraming motto at kasabihang pinanghahawakan ng mga tao ang kumakatawan sa kalikasan ng tao at sumasalamin sa tiwaling diwa ng tao. Ang mga bagay na pinipili ng mga tao ay sumasalamin sa sarili nilang mga kagustuhan, at kumakatawan ang lahat ng iyon sa mga disposisyon at hinahangad ng mga tao. Sa bawat salitang sinasabi ng isang tao, at sa lahat ng ginagawa niya, gaano man iyon ibalatkayo, hindi matatakpan ng pagbabalatkayong ito ang kanyang kalikasan. Halimbawa, karaniwang maganda ang pangangaral ng mga Pariseo, pero nang marinig nila ang mga sermon at katotohanang ipinahayag ni Jesus, sa halip na tanggapin ang mga iyon, kinondena nila ang mga iyon. Inilantad nito ang kalikasang diwa ng mga Pariseo na pagtutol at pagkamuhi sa katotohanan. Ang ilang tao ay labis na magandang magsalita at mahusay magpanggap, pero matapos silang makahalubilo sandali ng iba, nakikita ng iba na labis na mapanlinlang ang kalikasan nila, at hindi matapat kahit kaunti. Pagkaraan ng mahabang panahon ng pakikihalubilo sa kanila, natutuklasan ng iba ang kanilang kalikasang diwa. Sa huli, nabubuo ng iba ang sumusunod na kongklusyon: Hindi sila kailanman nagsasabi ng totoong salita, at sila ay mapanlinlang. Kinakatawan ng pahayag na ito ang kalikasan ng gayong mga tao at ito ang pinakamagandang paglalarawan at patunay ng kanilang kalikasang diwa. Ang pilosopiya nila para sa mga makamundong pakikitungo ay ang huwag magsabi ng totoo sa kaninuman, at huwag ding magtiwala kaninuman. Naglalaman ang satanikong kalikasan ng tao ng napakaraming pilosopiya at lason ni Satanas. Minsan, hindi mo mismo namamalayan ang mga ito. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, hindi mo kayang kilatisin ang disposisyon ni Satanas. Gayumpaman, namumuhay ka ayon sa disposisyon ni Satanas sa bawat minuto ng bawat araw, at inaakala mong ito ay lubos na tama at makatwiran, at hindi talaga mali. Sapat na itong nagpapakita na kapag namumuhay ka ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, namumuhay ka ayon sa disposisyon ni Satanas, at na ang mga pilosopiya at disposisyon ni Satanas ay naging iyong kalikasan. Kadalasan, namumuhay ang mga tao ayon sa mga pilosopiya ni Satanas ngunit iniisip pa rin nilang mabuti ito, at wala silang anumang pakiramdam ng pagsisisi. Bakit ganito? Ito ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan. Samakatwid, patuloy nilang ibinubunyag ang kanilang satanikong kalikasan sa bawat pagkakataon, at patuloy silang namumuhay ayon sa mga pilosopiya ni Satanas sa bawat pagkakataon. Ang kalikasan ni Satanas ang buhay ng tao, at ito ang kalikasang diwa ng tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 569

Mayroon na kayo ngayong kaunting pagkakilatis sa mga tiwaling disposisyon na inyong ibinubunyag. Kapag malinaw na ninyong nakikita kung aling mga tiwaling disposisyon ang may tendensiya pa rin kayong ibunyag sa mga karaniwang sitwasyon, at kung anong mga bagay ang malamang na gagawin pa rin ninyo na hindi alinsunod sa katotohanan, ang paglilinis sa mga tiwaling disposisyon ninyo ay magiging madali. Bakit hindi makontrol ng mga tao ang kanilang mga sarili sa maraming bagay? Dahil sa lahat ng oras, at sa lahat ng aspekto, nakokontrol sila ng kanilang mga tiwaling disposisyon, na naglilimita at nanggugulo sa kanila sa lahat ng bagay. Kapag maayos ang lagay ng lahat ng bagay, at hindi sila nadapa o naging negatibo, palaging nadarama ng ilang tao na mayroon silang tayog, at wala lang sa kanila kapag nakakakita sila ng isang masamang tao, isang huwad na lider, o isang anticristo na nabubunyag at itinitiwalag. Magyayabang pa sila sa harap ng lahat na, “Ang sinumang iba pa ay maaaring madapa, pero hindi ako. Ang sinumang iba pa ay maaaring hindi nagmamahal sa Diyos, pero mahal ko ang Diyos.” Iniisip nila na kaya nilang manindigan sa kanilang patotoo sa anumang sitwasyon o kalagayan. Subalit sa huli, dumarating ang isang araw na sinusubok sila at nagrereklamo at umaangal sila tungkol sa Diyos. Hindi ba’t pagkabigo ito, hindi ba’t pagkadapa ito? Wala nang nakapagbubunyag sa mga tao nang higit pa kaysa sa mga pagsubok. Sinisiyasat ng Diyos ang nasa pinakakaibuturan ng puso ng tao, at hindi dapat nagyayabang ang mga tao anumang oras. Anuman ang kanilang ipinagyayabang, doon sila madarapa balang araw, sa malao’t madali. Kapag nakikita nila na nadarapa o nabibigo ang iba sa ilang partikular na sitwasyon, hindi nila ito iniintindi, at iniisip pa nga nila na sila mismo ay hindi maaaring mabigo, na magagawa nilang manindigan—ngunit sila rin, ay humahantong sa pagkadapa at pagkabigo sa parehong mga sitwasyon. Paano ito nangyari? Ito ay dahil hindi lubos na nauunawaan ng mga tao ang kanilang sariling kalikasang diwa; kulang pa rin sa lalim ang kanilang kaalaman tungkol sa mga problema sa kanilang sariling kalikasang diwa, kaya napakahirap para sa kanila ang pagsasagawa ng katotohanan. Halimbawa, ang ilang tao ay lubos na mapanlinlang, at hindi matapat sa kanilang mga salita at gawa, ngunit kung tatanungin mo sila kung sa anong aspekto pinakamatindi ang kanilang tiwaling disposisyon, sasabihin nila, “Bahagya akong mapanlinlang.” Sasabihin lamang nila na sila ay bahagyang mapanlinlang, subalit hindi nila sasabihing ang mismong kalikasan nila ay mapanlinlang, at hindi nila sinasabi na sila ay isang mapanlinlang na tao. Ang kanilang kaalaman tungkol sa sarili nilang tiwaling kalagayan ay hindi gaanong malalim, at hindi nila ito itinuturing na ganoon kalubha, o ganoon kalubos, tulad ng ginagawa ng iba. Mula sa pananaw ng ibang tao, ang taong ito ay napakamapanlinlang at napakabaliko, at may panlalansi sa lahat ng sinasabi niya, at ang kanyang mga salita at kilos ay hindi kailanman matapat—subalit hindi nagagawa ng taong iyon na makilala nang ganoon kalalim ang kanyang sarili. Kahit na mayroon siyang kaunting kaalaman, mababaw lang iyon. Sa tuwing nagsasalita at kumikilos siya, nagbubunyag siya ng ilang bahagi ng kanyang kalikasan, ngunit hindi niya ito namamalayan. Naniniwala siya na ang pagkilos niya nang ganoon ay hindi isang pagbubunyag ng katiwalian, iniisip niya na naisagawa na niya ang katotohanan—pero para sa mga nag-oobserba, ang taong ito ay nananatiling lubhang baliko at mapanlinlang, at ang mga salita at kilos niya ay nananatiling lubhang hindi matapat. Na ibig sabihin, ang mga tao ay may napakababaw na pagkaunawa sa kanilang sariling kalikasan, at may napakalaking pagkakaiba sa pagitan nito at ng mga salita ng Diyos na humahatol at naglalantad sa kanila. Hindi ito isang pagkakamali sa kung ano ang inilalantad ng Diyos, kundi, ang mga tao ay walang sapat na malalim na pagkaunawa sa sarili nilang kalikasan. Ang mga tao ay walang pundamental o esensiyal na pagkaunawa sa kanilang mga sarili; sa halip, itinutuon at inilalaan nila ang kanilang lakas sa pagkilala sa kanilang mga kilos at panlabas na mga pagbubunyag. Kahit na ang ilang tao ay paminsan-minsang nagagawang magsalita nang kaunti tungkol sa kanilang pagkakilala sa sarili, hindi ito magiging napakalalim. Walang tao ang nag-isip kailanman na siya ay isang partikular na uri ng tao o na mayroon siyang partikular na uri ng kalikasan dahil gumawa siya ng isang partikular na uri ng bagay o nagbunyag ng isang partikular na bagay. Nailantad na ng Diyos ang kalikasan at diwa ng tao, subalit ang nauunawaan ng mga tao ay na ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay at kanilang mga paraan ng pananalita ay may kapintasan at depektibo; bilang resulta, lubhang mahirap para sa kanila na isagawa ang katotohanan. Iniisip ng mga tao na ang kanilang mga pagkakamali ay pansamantalang mga pagpapamalas lamang na nabubunyag nang walang ingat, sa halip na mga pagbubunyag ng kanilang kalikasan. Kapag ganito mag-isip ang mga tao, napakahirap para sa kanila na talagang makilala ang mga sarili nila, at napakahirap para sa kanila na maunawaan at maisagawa ang katotohanan. Dahil hindi nila alam ang katotohanan at hindi sila nauuhaw para dito, kapag isinasagawa ang katotohanan, sumusunod lamang sila sa mga regulasyon sa pabasta-bastang paraan. Hindi itinuturing ng mga tao ang kanilang sariling kalikasan na napakasama, at naniniwala sila na hindi sila ganoon kasama na aabot sila sa puntong mamatay o maparusahan. Ngunit ayon sa mga pamantayan ng Diyos, lubhang malalim na natiwali ang mga tao, malayo pa sila sa mga pamantayan para sa kaligtasan, dahil nagtataglay lamang sila ng ilang pamamaraan na sa panlabas ay hindi mukhang lumalabag sa katotohanan, at sa katunayan, hindi sila nagsasagawa ng katotohanan at hindi mapagpasakop sa Diyos.

Ang mga pagbabago sa pag-uugali o kilos ng mga tao ay hindi nagpapahiwatig ng pagbabago sa kanilang kalikasan. Kaya nagkaganito ay dahil ang mga pagbabago sa pag-uugali ng mga tao sa pundamental ay hindi mababago ang kanilang orihinal na anyo, lalong hindi nito mababago ang kanilang kalikasan. Kapag naunawaan na ng mga tao ang katotohanan, nagkaroon ng kaalaman tungkol sa sarili nilang kalikasang diwa, at nakayang isagawa ang katotohanan, saka lamang magiging sapat na malalim at isang naiiba kaysa sa pagsunod sa isang kalipunan ng regulasyon ang kanilang pagsasagawa. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasagawa ng katotohanan ng mga tao ay hindi pa rin umaabot sa pamantayan, at hindi nito lubos na makakamtan ang lahat ng hinihingi ng katotohanan. Isang bahagi lamang ng katotohanan ang isinasagawa ng mga tao, at kapag nasa ilang kalagayan at sitwasyon sila saka lamang nila naisasagawa ang kaunting katotohanan; hindi totoo na nagagawa nilang isagawa ang katotohanan sa lahat ng kalagayan at lahat ng sitwasyon. Kapag paminsan-minsan ang isang tao ay masaya at maganda ang kanyang kalagayan, o kapag siya ay nakikipagbahaginan sa iba at mayroon siyang landas ng pagsasagawa sa kanyang puso, pansamantala niyang nagagawa ang ilang bagay na naaayon sa katotohanan. Ngunit kapag namumuhay siya kasama ng mga tao na negatibo at hindi naghahanap ng katotohanan, at naiimpluwensiyahan siya ng mga taong ito, sa kanyang puso ay naiwawala niya ang landas, at wala siyang kakayahang isagawa ang katotohanan. Ipinapakita nito na napakababa ng kanilang tayog, at na hindi pa rin talaga nila nauunawaan ang katotohanan. May ilang indibiduwal na naisasagawa ang katotohanan kapag sila ay nagagabayan at naaakay ng tamang mga tao; gayunpaman, kapag sila ay nalihis at nagulo ng isang huwad na lider o anticristo, hindi lamang sila nawawalan ng kakayahang isagawa ang katotohanan, malamang din na malilihis sila na sumunod sa mga taong iyon. Ang mga gayong tao ay nasa panganib pa rin, hindi ba? Ang mga taong tulad nito, na may ganitong uri ng tayog, ay imposibleng kayaning magsagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay at sitwasyon. Kahit na isagawa pa nila ang katotohanan, mangyayari lamang ito kapag maganda ang lagay ng kalooban nila, o ginagabayan sila ng iba; kung walang isang mabuting taong umaakay sa kanila, kung minsan ay magkakaroon sila ng kakayahang gumawa ng mga bagay na lumalabag sa katotohanan, at lilihis sila sa mga salita ng Diyos. At bakit ganito? Ito ay dahil ilan lang sa mga kalagayan mo ang nalaman mo, wala kang alam tungkol sa iyong sariling kalikasang diwa, at hindi mo pa natatamo ang tayog ng paghihimagsik laban sa laman at pagsasagawa ng katotohanan; kung gayon, wala kang kontrol sa gagawin mo sa hinaharap, at hindi mo masisiguro na makakapanindigan ka sa anumang sitwasyon o pagsubok. May mga pagkakataon na nasa isang kalagayan ka at maisasagawa mo ang katotohanan, at tila nagbago ka na nang kaunti, subalit, sa ibang mga sitwasyon, hindi mo kayang isagawa ang katotohanan. Isa itong bagay na hindi mo makokontrol. Kung minsan ay naisasagawa mo ang katotohanan, at kung minsan ay hindi. Minsan, nauunawaan mo, at sa susunod, nalilito ka. Sa ngayon, wala kang ginagawang anumang masama, ngunit marahil ay gagawa ka ng masama maya-maya. Pinatutunayan nito na umiiral pa rin sa loob mo ang mga tiwaling bagay, at kung hindi mo magagawang tunay na kilalanin ang iyong sarili, hindi magiging madaling lutasin ang mga bagay na ito. Kung hindi mo kayang magtamo ng masusing pagkaunawa tungkol sa sarili mong tiwaling disposisyon, at sa bandang huli ay kaya mong gumawa ng mga bagay na lumalaban sa Diyos, nanganganib ka. Kung kaya mong makilatis nang husto ang iyong kalikasan at kamuhian ito, magagawa mong pigilan ang iyong sarili, maghimagsik laban sa iyong sarili, at isagawa ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 570

Ang layon ng malinaw na pagbabahagi ng katotohanan ay upang mabigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan at maisagawa ang katotohanan at magkaroon ng mga pagbabago sa kanilang mga disposisyon. Hindi lamang ito para maghatid ng liwanag at ng kaunting kaligayahan sa kanilang mga puso kapag naunawaan na nila ang katotohanan. Kung nauunawaan mo ang katotohanan ngunit hindi mo isinasagawa ang katotohanan, nawawalan ng kabuluhan ang pagbabahaginan at pag-unawa sa katotohanan. Ano ang problema kapag nauunawaan ng mga tao ang katotohanan pero hindi ito isinasagawa? Patunay ito na hindi nila iniibig ang katotohanan, na sa kanilang mga puso, hindi nila tinatanggap ang katotohanan, kung magkagayon ay mapalalampas nila ang mga pagpapala ng Diyos at ang pagkakataong maligtas. Pagdating sa kung matatamo ba ng mga tao ang kaligtasan, ang mahalaga ay kung matatanggap at maisasagawa nila ang katotohanan. Kung isinasagawa mo ang katotohanang nauunawaan mo, matatanggap mo ang kaliwanagan, pagtanglaw at paggabay ng Banal na Espiritu, at magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad, makakamtan ang mas malalim na pagkaunawa sa katotohanan, at sa huli ay makakamit ang katotohanan at pagliligtas ng Diyos. Ang ilang tao ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan, at palagi silang nagrereklamo na hindi sila nabibigyan ng kaliwanagan o natatanglawan ng Banal na Espiritu, na hindi sila binibigyan ng lakas ng Diyos. Ito ay mali; ito ay maling pagkaunawa sa Diyos. Ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu ay nabubuo sa pundasyon ng pakikipagtulungan ng mga tao. Ang mga tao ay dapat magkaroon ng sinserong puso at maging handang isagawa ang katotohanan, at malalim man o mababaw ang kanilang pagkaunawa, dapat nilang maisagawa ang katotohanan. Saka lamang sila mabibigyang-liwanag at matatanglawan ng Banal na Espiritu. Kung nauunawaan ng mga tao ang katotohanan ngunit hindi ito isinasagawa at hinihintay lamang nila ang Banal na Espiritu na gumawa at puwersahin sila na gawin ito—hindi ba’t sukdulan ang kanilang pagiging pasibo? Hindi kailanman pinupuwersa ng Diyos ang mga tao na gumawa ng kahit ano. Kung nauunawaan ng mga tao ang katotohanan ngunit hindi sila handang isagawa ito, ipinapakita nito na hindi nila mahal ang katotohanan, o na ang kanilang kalagayan ay hindi normal at mayroong humahadlang sa kanila. Ngunit kung nagagawa ng mga tao na magdasal sa Diyos, gagawa rin ang Diyos; ang tunay na isyu ay kung ayaw nilang isagawa ang katotohanan at hindi rin sila nagdarasal sa Diyos, kung gayon, ang Banal na Espiritu ay walang paraan ng paggawa sa kanila. Sa katunayan, anumang uri ng paghihirap ang mayroon ang mga tao, palagi itong maaaring malutas; ang susi ay kung nakapagsasagawa ba sila nang naaayon sa katotohanan o hindi. Ngayon, ang mga problema ng katiwalian na nasa inyo ay hindi kanser, ang mga ito ay hindi mga sakit na walang lunas. Kung makapagpapasya kayong magsagawa ng katotohanan, matatanggap ninyo ang gawain ng Banal na Espiritu, at magiging posible na magbago ang mga tiwaling disposisyong ito. Ang lahat ng ito ay nakadepende sa kung determinado kang isagawa ang katotohanan—ito ang susi. Kung isinasagawa mo ang katotohanan at tinatahak mo ang landas ng paghahangad sa katotohanan, matatanggap mo ang gawain ng Banal na Espiritu, at tiyak na maaari kang maligtas. Kung ang landas na tinatahak mo ay ang maling landas, maiwawala mo ang gawain ng Banal na Espiritu; ang isang maling hakbang ay hahantong sa isa pa, at magiging katapusan na ng lahat para sa iyo, at gaano man karaming taon kang magpatuloy na maniwala, hindi ka magkakamit ng kaligtasan. Halimbawa, kapag sila ay gumagawa, hindi kailanman iniisip ng ilang tao kung paano gawin ang gawain sa paraan na kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos at naaayon sa mga layunin ng Diyos. Bilang resulta, gumagawa sila ng maraming bagay na makasarili at ubod ng sama, naaani ang pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos, at kaya sila ay ibinubunyag at itinitiwalag. Kung sa lahat ng bagay ay nagagawa ng mga tao na hanapin ang katotohanan at magsagawa ayon sa katotohanan, nakapasok na sila sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at kaya mayroon silang pag-asa na maging isang tao na nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Nauunawaan ng ilang tao ang katotohanan ngunit hindi ito isinasagawa. Sa halip, naniniwala sila na ang katotohanan ay hindi isang malaking bagay, at na wala itong kakayahang lutasin ang problema ng sarili nilang kalooban at mga tiwaling disposisyon. Hindi ba’t tunay na katawa-tawa ang ganitong mga tao? Hindi ba’t lubos silang wala sa katwiran? Hindi ba’t iniisip nilang napakamautak nila? Kung nagagawa ng mga tao na magsagawa ayon sa katotohanan, maaaring magbago ang mga tiwaling disposisyon nila. Kung ang paniniwala at paglilingkod nila sa Diyos ay ayon sa sarili nilang likas na personalidad, wala ni isa sa kanila ang magkakaroon ng mga pagbabago sa kanilang mga disposisyon. Mayroong ilang tao na ginugugol ang buong araw na nalulunod sa pagkabalisa na dulot ng mga maling pagpili nila. Sa kabila ng mga katotohanang madaling makuha, hindi nila sinisiyasat o sinusubukang isagawa ang mga ito, kundi ipinipilit nilang piliin ang sarili nilang landas. Napakakakatwang paraan ng pagkilos! Tunay ngang hindi nila alam kung paano tamasahin ang mga pagpapalang mayroon sila; sila ay ipinanganak para magdusa. Ang pagsasagawa ng katotohanan ay ganyan lang kasimple; ang mahalaga lang dito ay kung isinasagawa mo ang katotohanan o hindi. Kung isa kang tao na may determinasyong isagawa ang katotohanan, ang iyong pagiging negatibo, kahinaan, at tiwaling disposisyon ay unti-unting malulutas at mababago; depende ito kung iniibig ba ng puso mo ang katotohanan o hindi, kung nagagawa mo bang tanggapin ang katotohanan o hindi, kung kaya mo bang magdusa at magbayad ng halaga para matamo ang katotohanan o hindi. Kung talagang minamahal mo ang katotohanan, magagawa mong tiisin ang lahat ng uri ng pasakit upang makamit ang katotohanan—hindi mahalaga kung nangangahulugan iyon ng masiraan, mahusgahan, o maitakwil ng mga tao, dapat mong tiisin ang lahat ng ito nang may pasensiya at pagpapaubaya. Poprotektahan at pagpapalain ka ng Diyos, hindi ka Niya aabandonahin o babalewalain—wala itong kuwestyon. Kung nagdarasal ka sa Diyos nang may-takot-sa-Diyos na puso, umaasa sa Diyos at bumabaling sa Diyos, walang suliranin na hindi mo malalampasan. Maaaring mayroon kang tiwaling disposisyon, at maaaring makagawa ka ng mga pagsalangsang, ngunit kung mayroon kang may-takot-sa-Diyos na puso, at maingat mong tinatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan, walang dudang makakapanindigan ka, at walang dudang maaakay at mapoprotektahan ka ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 571

Kung nais mong maunawaan ang katotohanan, mahalagang malaman mo kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Kung kakaunti ang binabasa mong mga salita ng Diyos, hindi binabasa nang taimtim ang mga iyon, at hindi pinagninilayan ang mga iyon sa puso mo, hindi mo mauunawaan ang katotohanan. Ang tangi mong mauunawaan ay kaunting doktrina, kaya mahihirapan ka nang husto na maunawaan ang mga layunin ng Diyos at ang mga layon ng Diyos sa Kanyang mga salita. Kung hindi mo nauunawaan ang mga mithiin at resultang hinahangad na makamit ng mga salita ng Diyos, kung hindi mo nauunawaan ang hinahanap na maisakatuparan at maperpekto ng Kanyang mga salita sa tao, pinatutunayan nito na hindi mo pa naiintindihan ang katotohanan. Bakit sinasabi ng Diyos ang Kanyang sinasabi? Bakit Siya nagsasalita sa ganoong tono? Bakit Siya ay napakataimtim at taos sa bawat salitang Kanyang binibigkas? Bakit Niya pinipiling gamitin ang ilang salita? Alam mo ba? Kung hindi mo masabi nang may katiyakan, ibig sabihin nito ay hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos o ang Kanyang mga layon. Kung hindi mo nauunawaan ang konteksto sa likod ng Kanyang mga salita, paano mo mauunawaan o maisasagawa ang katotohanan? Upang makamit ang katotohanan, dapat mo munang maunawaan ang ibig sabihin ng Diyos sa bawat salitang Kanyang binibigkas, at pagkatapos mong maunawaan ang mga salitang ito ay isagawa mo ang mga ito, na nagiging dahilan upang maisabuhay sa loob mo ang mga salita ng Diyos, at upang maging realidad mo. Sa paggawa nito ay papasok ka sa katotohanang realidad. Kapag mayroon ka nang lubos na pagkaunawa sa salita ng Diyos, saka mo lamang tunay na mauunawaan ang katotohanan. Matapos maunawaan lamang ang ilang salita at doktrina, iniisip mo na nauunawaan mo ang katotohanan at taglay mo ang realidad. Ito ay panlilinlang sa sarili. Ni hindi mo nauunawaan kung bakit hinihingi ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan. Pinatutunayan nito na hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, at na hindi mo pa rin nauunawaan ang katotohanan. Sa katunayan, ipinapagawa ito ng Diyos sa mga tao para dalisayin at iligtas sila, upang maiwaksi ng mga tao ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at maging mga taong nagpapasakop at nakakakilala sa Diyos. Ito ang mithiing nais makamtan ng Diyos sa pag-uutos sa mga tao na isagawa ang katotohanan.

Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para sa mga taong nagmamahal sa katotohanan, nauuhaw sa katotohanan, at naghahanap sa katotohanan. Para naman sa mga taong ang pagpapahalaga ay nasa mga salita at doktrina at gustong magbigay ng mahahaba at matatayog na mga pananalita, hindi nila matatamo ang katotohanan kailanman; niloloko nila ang kanilang mga sarili. Ang pananaw nila tungkol sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos ay mali, binabaluktot nila ang pagkaunawa sa kung ano ang matuwid—maling-mali ang kanilang pananaw. Mas gusto ng ilang tao na pag-aralan ang mga salita ng Diyos. Lagi nilang pinag-aaralan kung paano tinatalakay ng mga salita ng Diyos ang tungkol sa hantungan o kung paano pagpapalain. Pinakainteresado sila sa ganitong mga uri ng mga salita. Kung hindi umaayon ang mga salita ng Diyos sa kanilang mga kuru-kuro at hindi nabibigyang-kasiyahan ang pagnanasa nila para sa mga pagpapala, magiging negatibo sila, hindi na nila hahangarin ang katotohanan, at aayawan nilang igugol ang kanilang sarili para sa Diyos. Ipinapakita nito na hindi sila interesado sa katotohanan. Dahil dito, hindi sila masigasig sa katotohanan; kaya lang nilang tanggapin ang katotohanan na umaayon sa kanilang mga kuru-kuro at mga imahinasyon. Bagama’t marubdob ang gayong mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos at sinusubukan ang lahat ng paraang kaya nila upang gumawa ng ilang mabubuting bagay at maipakita na mabuting tao sila, ginagawa lamang nila ito para magkaroon ng magandang hantungan sa hinaharap. Sa kabila ng katunayang sumasali rin sila sa buhay-iglesia, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, hindi nila isasagawa ang katotohanan o kakamtin ito. May ilang tao na kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ngunit iniraraos lang ito; iniisip nila na natamo na nila ang katotohanan sa pamamagitan lamang ng pagkaunawa sa ilang salita at doktrina. Mga hangal sila! Ang salita ng Diyos ang katotohanan. Gayumpaman, hindi nangangahulugan na mauunawaan at matatamo ng isang tao ang katotohanan matapos niyang mabasa ang mga salita ng Diyos. Kung nabibigo kang matamo ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, ang matatamo mo ay mga salita at doktrina. Kung hindi mo alam kung paano isagawa ang katotohanan o kung paano kumilos ayon sa mga prinsipyo, mananatili kang walang katotohanang realidad. Maaaring madalas mong binabasa ang mga salita ng Diyos, ngunit pagkatapos, nabibigo kang maunawaan ang mga layunin ng Diyos, at ang nakukuha mo lamang ay ilang salita at doktrina. Paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos upang maunawaan ang katotohanan? Una sa lahat, dapat mong matanto na ang salita ng Diyos ay hindi masyadong direkta; ang salita ng Diyos ay napakalalim. Kahit isang pangungusap ng mga salita ng Diyos ay nangangailangan ng isang habambuhay upang maranasan. Kung wala kang ilang taon ng karanasan, paano mo posibleng maunawaan ang salita ng Diyos? Kung, kapag nagbabasa ng mga salita ng Diyos, hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, at hindi nauunawaan ang mga layon ng Kanyang mga salita, ang pinagmulan ng mga ito, ang epektong hinahanap na makamit ng mga ito, o kung ano ang hinahanap na maisakatuparan ng mga ito, ibig sabihin ba nito ay nauunawaan mo ang katotohanan? Maaaring maraming beses mo nang nabasa ang mga salita ng Diyos at marahil ay kabisado mo na ang maraming sipi, ngunit hindi mo maisagawa ang katotohanan at hindi ka talaga nagbago, at ang iyong kaugnayan sa Diyos ay malayo at hiwalay pa rin tulad ng dati. Kapag nahaharap sa isang bagay na salungat sa iyong mga kuru-kuro, nagdududa ka pa rin sa Kanya, at hindi mo Siya nauunawaan, kundi nakikipagtalo ka pa sa Kanya at nagkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya at nagkakamali ng pagkaunawa sa Kanya, nilalabanan Siya at nilalapastangan pa Siya. Anong klaseng disposisyon ito? Ang disposisyong ito ay ang disposisyon ng kayabangan, ng pagiging tutol sa katotohanan. Paano ito matatanggap o maisasagawa ng mga taong napakayabang at tutol na tutol sa katotohanan? Talagang hinding-hindi matatamo ng gayong mga tao ang katotohanan o ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 572

Nasabi na “ang sumusunod hanggang sa katapusan ay tiyak na maliligtas,” ngunit madali ba itong isagawa? Hindi, at marami sa tinutugis at inuusig ng malaking pulang dragon ang lubhang nangangamba at natatakot na sumunod sa Diyos. Bakit sila natumba? Dahil wala silang tunay na pananalig. Ang ilang tao ay kayang tanggapin ang katotohanan, manalangin sa Diyos, umasa sa Diyos, at manindigan sa mga pagsubok at kapighatian, habang ang iba ay hindi makasunod hanggang wakas. Balang araw sa panahon ng mga pagsubok at kapighatian, matutumba sila, mawawala ang kanilang patotoo, at hindi sila makakabangon at makapagpapatuloy. Lahat ng bagay na dumarating sa bawat araw, malaki man o maliit, na kayang yumanig sa iyong determinasyon, sakupin ang iyong puso, o limitahan ka mula sa paggawa ng iyong tungkulin o pag-usad ay dapat na seryosohin—dapat mong suriing mabuti ang iyong sarili at hanapin ang katotohanan. Lahat ng ito ay mga problemang dapat malutas habang dinaranas mo. Ang ilang tao ay nagiging negatibo, nagrereklamo, at binibitiwan nila ang kanilang mga tungkulin kapag nahaharap sila sa mga suliranin, at hindi nila nagagawang tumayong muli matapos ang bawat dagok. Lahat ng taong ito ay mga matigas ang ulo na hangal na hindi nagmamahal sa katotohanan, at hindi nila ito makakamtan kahit pa buong buhay silang manalig. Paano makasusunod hanggang katapusan ang mga matigas ang ulo na hangal na ito? Kung sampung beses nangyari sa iyo ang isang bagay, at sa bawat pagkakataon ay hindi mo hinahanap ang katotohanan, at hindi mo natutunan ang kahit katiting na aral mula rito, ikaw ay walang kuwenta at ang pinakawalang silbing tao. Ang matatalinong tao at ang mga tunay na may kakayahan at espirituwal na pang-unawa ay mga naghahanap ng katotohanan; kung nahaharap sa sampung sitwasyon, marahil sa walo sa mga kasong iyon, magkakamit sila ng kaunting kaliwanagan, matuto ng kaunting aral, makaunawa ng kaunting katotohanan, at makagawa ng kaunting pagsulong. Kapag ang mga bagay ay sampung beses na nangyayari sa isang hangal—isang tao na walang espirituwal na pang-unawa—ni isang beses ay hindi makikinabang ang buhay niya, ni isang beses ay hindi siya babaguhin nito, at ni isang beses ay hindi ito magiging sanhi na malaman niya ang kanyang kapangitan; ang ganitong mga tao ay ganap nang tapos na. Sa tuwing may nangyayari sa kanila, natutumba sila, at sa tuwing natutumba sila, kailangan nila ang iba upang alalayan sila at suyuin; kung walang pag-alalay at pagsuyo, hindi sila makatatayo, at, sa tuwing may nangyayari, nanganganib silang matumba at mabulok. Hindi ba’t ito ang katapusan para sa kanila? Para sa gayong walang silbing tao, ano pa ang magiging pag-asa nilang maligtas? Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay pagliligtas sa mga nagmamahal sa katotohanan, pagliligtas sa bahagi nila na may kalooban at kapasyahan, at sa bahagi nila na nananabik sa katotohanan at katarungan sa kanilang puso. Ang kapasyahan ng isang tao ay ang bahagi niya sa kanyang puso na nananabik sa katarungan, kabutihan, at katotohanan, at nagtataglay ng konsensiya. Inililigtas ng Diyos ang bahaging ito, at sa pamamagitan nito, binabago ng Diyos ang kanyang mga tiwaling disposisyon, upang maunawaan at makamit niya ang katotohanan, upang malinis ang kanyang katiwalian, at mabago ang kanyang buhay disposisyon. Kung wala sa loob mo ang mga bagay na ito, wala ka nang pag-asang maligtas. Kung sa loob mo ay walang pagmamahal sa katotohanan o pagnanais para sa katarungan at liwanag; kung sa tuwing makakatagpo ka ng masasamang bagay ay wala kang determinasyong makalaya mula sa mga ito ni kapasyahang dumanas ng paghihirap; kung, bukod dito, manhid ang iyong konsensiya, ang iyong pakultad na tumanggap ng katotohanan ay namanhid din, at hindi ka sensitibo sa katotohanan o sa mga pangyayaring dumarating; at kung sa lahat ng bagay ay hindi ka nakakakilatis, at sa harap ng anumang sumasapit sa iyo, hindi mo nagagawang hanapin ang katotohanan para sa mga resolusyon at palagi kang negatibo, kung gayon, walang paraan para maligtas ka. Ang ganitong tao ay walang anumang mabuting katangian, walang anuman na karapat-dapat sa paggawa ng Diyos. Ang kanyang konsensiya ay manhid, ang kanyang isip ay magulo, at hindi niya minamahal ang katotohanan, ni nananabik para sa katarungan sa kaibuturan ng kanyang puso. Gaano man kaliwanag o kalinaw na ipinapaliwanag ng Diyos ang katotohanan, wala siya ni katiting na reaksiyon, para bang patay na ang kanyang puso. Hindi ba’t katapusan na para sa kanya? Tulad ito ng kung paanong ang taong nasa huling hininga na niya ay maaaring masagip kung bubugahan ng hangin sa kanyang bibig, pero kung siya ay pumanaw na at lumisan na ang kanyang kaluluwa, walang magagawa iyon. Kung, kapag naharap sa mga problema at paghihirap, umuurong ang isang tao at umiiwas sa mga ito, hindi hinahanap ang katotohanan kahit kaunti, at pinipiling maging negatibo at pabaya sa kanyang gawain, kung gayon ay nabubunyag kung sino talaga siya. Ang gayong mga tao ay wala talagang patotoong batay sa karanasan. Mga palamunin lang sila, basura, walang silbi sa sambahayan ng Diyos, at ganap na mapapahamak. Ang mga naghahanap lang sa katotohanan para lutasin ang mga problema ang mga taong may tayog, at sila lang ang may kakayahang manindigan sa patotoo. Kapag nahaharap ka sa mga problema at paghihirap, dapat mong harapin ang mga iyon nang kalmado, at tratuhin ang mga iyon nang tama, at dapat kang pumili. Dapat mong matutunang gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga problema. Malalim man o mababaw ang mga katotohanang karaniwan mong nauunawaan, dapat mong gamitin ang mga iyon. Ang mga katotohanan ay hindi lang mga salitang lumalabas sa bibig mo kapag may nangyayari sa iyo, ni hindi ginagamit ang mga ito para lang lutasin ang mga problema ng iba; sa halip, dapat gamitin ang mga ito para lutasin ang mga problema at suliraning mayroon ka. Iyon ang pinakamahalaga. At kapag nalutas mo ang sarili mong mga problema, saka mo lang malulutas ang sa iba. Bakit sinasabing si Pedro ay isang bunga? Sapagkat may mahahalagang bagay na nasa kanya, mga bagay na sulit gawing perpekto. Hinanap niya ang katotohanan sa lahat ng bagay, may paninindigan, at matatag ang kalooban; siya ay may katwiran, nakahandang dumanas ng paghihirap, at minahal ang katotohanan sa kanyang puso; nang mangyari sa kanya ang mga bagay-bagay, hindi niya hinayaang mapunta sa wala ang mga ito, at natuto siya ng mga aral mula sa lahat ng bagay. Lahat ng ito ay magagandang katangian. Kung wala ka ng ganitong magagandang katangian, problema iyan. Hindi magiging madali para sa iyo na matamo ang katotohanan at maligtas. Kung hindi mo alam kung paano makaranas o wala kang karanasan, hindi mo malulutas ang mga paghihirap ng ibang mga tao. Dahil hindi mo kayang isagawa at danasin ang mga salita ng Diyos, wala kang ideya kung ano ang gagawin kapag may nangyayari sa iyo, nalulungkot ka at napapaluha kapag nahaharap ka sa mga problema, nagiging negatibo ka at tumatakbo kapag dumaranas ka ng kaunting dagok, at hindi mo kayang tratuhin ang mga ito nang tama. Dahil dito, imposible para sa iyo na magkamit ng buhay pagpasok. Paano mo matutustusan ang iba kung wala kang buhay pagpasok? Para matustusan ang buhay ng mga tao, dapat mong ibahagi nang malinaw ang katotohanan at maibahagi nang malinaw ang mga prinsipyo ng pagsasagawa upang malutas ang mga problema. Para sa isang taong may puso at espiritu, kailangan mo lang magsalita nang kaunti, at maiintindihan na niya iyon. Pero hindi sapat ang pag-unawa lang sa kaunting katotohanan. Dapat din silang magkaroon ng landas at mga prinsipyo ng pagsasagawa. Ito lang ang makakatulong sa kanila na isagawa ang katotohanan. Kahit na ang mga tao ay mayroong espirituwal na pang-unawa, at ilang salita lang ang kailangan para maunawaan nila ang mga iyon, kung hindi nila isinasagawa ang katotohanan, walang buhay pagpasok. Kung hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan, katapusan na ng lahat sa kanila, at hindi sila makakapasok kailanman sa mga katotohanang realidad. Maaari mong hawakan ang kamay ng ilang tao habang tinuturuan mo sila, at tila makakaunawa sila sa oras na iyon, pero kapag bumitaw ka na, nalilito silang muli. Hindi ito isang taong mayroong espirituwal na pang-unawa. Kung, anumang mga problema ang nakakaharap mo, negatibo ka at mahina, wala ka talagang patotoo, at hindi mo ginagawa ang iyong parte pagdating sa mga bagay na dapat gawin ng mga tao at sa mga bagay na dapat gawin ng mga tao sa kanilang parte, nagpapatunay ito na wala ang Diyos sa puso mo, at hindi ka isang taong nagmamahal sa katotohanan. Kung isasantabi kung paano inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ang mga tao, sa pagdanas lang ng gawain ng Diyos sa loob ng napakaraming taon at pakikinig sa napakaraming katotohanan, bukod sa pagkakaroon ng kaunting konsensiya at pagpigil sa sarili sa pamamagitan ng katatagan ng kalooban, dapat ay matugunan man lang ng mga tao ang pinakamababang pamantayan ng hindi nauusig ng kanilang konsensiya, at hindi sila dapat maging manhid at mahina na tulad ngayon. Sadyang mahirap isipin na nasa ganitong kalagayan sila. Marahil ay iniraraos lang ninyo ang mga bagay-bagay nitong mga nakaraang taon, hindi talaga hinahangad ang katotohanan o hindi talaga umuusad. Kung hindi, paanong manhid pa rin kayo at mapurol ang utak? Ito ay ganap na dahil sa pagiging hangal at mangmang ninyo, at hindi paghahanap o pagtanggap sa katotohanan, at hindi ninyo masisisi ang sinumang iba pa. Hindi itinatangi ng katotohanan ang ilang tao kaysa sa iba. Kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan, at hindi mo hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga problema, paano ka magbabago? Pakiramdam ng ilang tao ay napakababa ng kanilang kakayahan at na wala silang abilidad na makaarok, kaya nagbibigay-hatol sila sa kanilang sarili. Pakiramdam nila na gaano man nila hangarin ang katotohanan, hindi nila matutugunan ang mga hinihingi ng Diyos, at na gaano man sila magsumikap, ganito lang talaga sila. Palagi silang negatibo. Bilang resulta, kahit pagkaraan ng maraming taong pananampalataya sa Diyos, wala pa silang natatamong anumang katotohanan. Nang hindi nagsusumikap para hangarin ang katotohanan, sinasabi mo na napakababa ng iyong kakayahan, sinusukuan mo ang sarili mo, at lagi kang namumuhay sa negatibong kalagayan. Dahil dito, hindi mo nauunawaan ang katotohanang dapat mong maunawaan o hindi mo isinasagawa ang katotohanan na kaya mong isagawa—hindi ba’t ikaw ang pumipigil sa sarili mo? Palagi mong sinasabi na mababa ang iyong kakayahan at nagkukulang—hindi ba’t pag-iwas at pag-urong ito sa responsabilidad? Kung kaya mong magdusa, magbayad ng halaga, at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, tiyak na mauunawaan mo ang ilang katotohanan at makakapasok ka sa ilang realidad. Kung hindi ka bumabaling o umaasa sa Diyos, at sinusukuan mo ang sarili mo nang hindi ka nagsisikap kahit paano o nagbabayad ng halaga, at sumusuko ka na lang, ikaw ay isang walang silbi, at wala ka ni katiting na konsensiya at katwiran. Anuman ang iyong kakayahan, hangga’t mayroon kang kaunting konsensiya at katwiran, dapat mong masigasig na tuparin nang maayos ang iyong tungkulin at kumpletuhin ang iyong misyon. Ang pagiging isang taong tumatakas sa tungkulin ay isang karumal-dumal na akto ng paghihimagsik; kapag ipinagkanulo ng isang tao ang Diyos, hindi na ito matutubos. Ang paghahangad sa katotohanan ay nangangailangan ng isang matatag na kalooban, at ang mga taong masyadong marupok at may labis na pagkanegatibo sa loob nila ay walang maisasakatuparan. Hindi sila makakapanampalataya sa Diyos hanggang sa huli, at lalong mas kaunti ang pag-asa para sa kanila na makamit ang katotohanan at matamo ang pagbabago ng disposisyon. Tanging ang mga naghahangad sa katotohanan at may determinasyon ang makapagkakamit nito at magagawang perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 573

Maraming tao na sa sandaling naging abala sa kanilang tungkulin, ay nawawalan ng kakayahang makaranas, at hindi nagagawang manatili sa isang normal na kalagayan, at dahil dito, palagi silang humihiling ng pagtitipon, at na maibahagi sa kanila ang katotohanan. Ano ang nangyayari dito? Hindi nila nauunawaan ang katotohanan, wala silang pundasyon sa tunay na daan, kasigasigan ang nagtutulak sa gayong mga tao kapag gumaganap sila sa kanilang tungkulin, at hindi nakakatiis nang matagal. Kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, walang prinsipyo sa anumang ginagawa nila. Kung isinaayos na gumawa sila ng isang bagay, nagugulo nila iyon, wala silang ingat sa ginagawa nila, hindi sila naghahanap ng mga prinsipyo, at walang pagpapasakop sa kanilang puso—na nagpapatunay na hindi nila minamahal ang katotohanan at wala silang kakayahang danasin ang gawain ng Diyos. Anuman ang ginagawa mo, dapat mo munang unawain kung bakit mo ito ginagawa, ano ang intensiyong nagtutulak sa iyo, ano ang kabuluhan ng paggawa mo nito, ano ang kalikasan ng bagay na ito, at kung positibo o negatibong bagay ba ito. Kailangang maging malinaw sa iyo ang lahat ng isyung ito; kinakailangan ito para makakilos ka nang may mga prinsipyo. Kung may ginagawa ka na maituturing na paggawa sa iyong tungkulin, dapat mong pagbulayan: “Paano ako dapat kumilos upang matupad ko nang maayos ang tungkuling ito at magawa ito nang hindi nagiging pabasta-basta?” Dapat kang manalangin at lumapit sa Diyos sa bagay na ito. Ang layunin ng pananalangin sa Diyos ay upang hanapin ang katotohanan, isang landas ng pagsasagawa, ang pagnanais ng Diyos, at kung paano mapalugod ang Diyos—ito ay upang makamit ang resultang ito. Ang mga pagsasagawa ng pananalangin sa Diyos, paglapit sa Diyos, at pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay hindi pakikibahagi sa mga relihiyosong ritwal o mga paimbabaw na kilos. Ginagawa ang mga ito para sa layuning hanapin ang mga layunin ng Diyos at pagkatapos ay magsagawa alinsunod sa katotohanan. Kung palagi mong sinasabing “Salamat sa Diyos” bago ka gumawa ng isang bagay, at tila napaka-espirituwal mo at may kakayahan kang makakilatis ng mga bagay-bagay, ngunit pagdating ng oras para kumilos ay sinusunod mo pa rin ang iyong kalooban nang hindi man lang hinahanap ang katotohanan, ang “Salamat sa Diyos” mong ito ay walang iba kundi isang mantra. Ito ay huwad na espirituwalidad. Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, dapat mong isipin palagi, “Paano ko dapat gawin ang tungkuling ito? Ano ang pagnanais ng Diyos? Ano ang mga hinihingi ng Diyos?” Ang pananalangin sa Diyos at paglapit sa Diyos upang hanapin ang katotohanan at mga prinsipyo para sa iyong mga kilos, ang paghahanap sa iyong puso kung ano ang pagnanais ng Diyos, at ang hindi paglayo mula sa mga salita ng Diyos o sa mga katotohanang prinsipyo sa anumang ginagawa mo—ang paggawa lamang nito ang nagpapahiwatig na tunay kang nananampalataya sa Diyos. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi kayang gawin ang mga bagay na ito. Maraming tao ang hindi naghahanap ng mga katotohanang prinsipyo, anuman ang kanilang ginagawa, at sa halip ay palaging kumikilos ayon sa sarili nilang mga ideya. Iniisip nila ang mga bagay-bagay sa napakasimpleng paraan, at hindi nila kailanman isinasaalang-alang kung paano kumilos alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos, o kung paano kumilos upang mapalugod nila ang Diyos. Alam lang nilang sundin ang sarili nilang kalooban nang may katigasan ng ulo kapag gumagawa ng mga bagay-bagay. Ang gayong mga tao ay walang anumang lugar para sa Diyos sa kanilang puso, o kahit katiting na may-takot-sa-Diyos na puso. Sinasabi ng ilang tao, “Nananalangin lang ako sa Diyos kapag nakakaranas ako ng mga paghihirap, ngunit pakiramdam ko ay walang nagagawa ito. Kaya kapag nakakaranas ako ng mga karaniwang bagay, hindi ako nananalangin sa Diyos dahil wala itong silbi.” Ganap na wala ang Diyos sa puso ng gayong mga tao. Hindi nila hinahanap ang katotohanan anuman ang kanilang ginagawa sa mga ordinaryong pagkakataon. Sinusunod lang nila ang sarili nilang mga ideya. Kaya, mayroon bang mga prinsipyo sa kanilang mga kilos? Tiyak na wala. Nakikita nila ang lahat ng bagay sa simpleng paraan. Kahit na nagbabahagi ang mga tao tungkol sa mga katotohanang prinsipyo, hindi nila tatanggapin ang mga ito. Dahil hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga prinsipyo sa kanilang mga kilos, at sa kanilang puso ay walang lugar para sa Diyos, kundi para lamang sa kanilang sarili. Pakiramdam nila ay mabuti ang kanilang mga ideya, na ang mga ito ay hindi iyong sa paggawa ng kasamaan o pagsalungat sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagkilos ayon sa sarili nilang mga ideya ay pagsasagawa ng katotohanan, at na ang paggawa nito ay pagpapasakop sa Diyos. Sa realidad, hindi sila tunay na nananalangin sa Diyos at naghahanap ng katotohanan sa mga bagay na kanilang nararanasan, kundi sa halip ay kumikilos sila ayon sa sarili nilang kalooban at mga ideya. Hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos, wala silang pusong nagpapasakop sa Diyos, at lalo namang wala silang pagnanais na palugdan ang Diyos. Ito ang pinakamalaking pagkakamali na ginagawa ng mga tao sa kanilang pagsasagawa. Kung nananampalataya ka sa Diyos ngunit wala Siya sa iyong puso, hindi ba’t niloloko mo ang Diyos? At anong mga resulta ang maaaring idulot ng gayong pananalig? Ano ba talaga ang makakamit mo mula rito? Ano ang kabuluhan ng gayong pananalig?

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 574

Paano mo ba dapat pagnilayan ang iyong sarili, at subukang kilalanin ang iyong sarili, kapag may nagawa kang isang bagay na lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo at hindi nakalulugod sa Diyos? Nang gagawin mo na ang bagay na iyon, nanalangin ka ba sa Kanya? Kahit kailan ba ay inisip mong, “Naaayon ba sa katotohanan ang paggawa sa mga bagay na ito sa ganitong paraan? Paano titingnan ng Diyos ang bagay na ito kung iniharap ito sa Kanya? Masisiyahan ba Siya o maiinis kung malaman Niya ang tungkol dito? Kamumuhian o kasusuklaman ba Niya ito?” Hindi mo hinanap iyon, hindi ba? Kahit pinaalalahanan ka ng iba, iisipin mo pa rin na ang usapin ay hindi malaking bagay, at na hindi iyon labag sa anumang mga prinsipyo at hindi iyon kasalanan. Dahil dito, nasalungat mo ang disposisyon ng Diyos at ginalit mo Siya, hanggang sa puntong kamumuhian ka Niya. Ito ay dulot ng pagrerebelde ng mga tao. Samakatuwid, dapat mong hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay. Ito ang dapat mong sundin. Kung taimtim kang makakalapit sa Diyos para manalangin muna, at pagkatapos ay hanapin ang katotohanan ayon sa mga salita ng Diyos, hindi ka magkakamali. Maaaring mayroon kang ilang paglihis sa iyong pagsasagawa ng katotohanan, ngunit mahirap itong maiwasan, at magagawa mong magsagawa nang wasto matapos kang magtamo ng kaunting karanasan. Gayunman, kung alam mo kung paano kumilos alinsunod sa katotohanan, subalit hindi mo ito isinasagawa, ang problema ay ang pag-ayaw mo sa katotohanan. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hinding-hindi ito hahanapin, anuman ang mangyari sa kanila. Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan ang may-takot-sa-Diyos na puso, at kapag may mga nangyayaring bagay-bagay na hindi nila nauunawaan, nagagawa nilang hanapin ang katotohanan. Kung hindi mo maarok ang mga layunin ng Diyos at hindi mo alam kung paano magsagawa, dapat kang makipagbahaginan sa ilang taong nakakaunawa sa katotohanan. Kung hindi mo mahanap yaong mga nakauunawa sa katotohanan, dapat kang humanap ng ilang tao na may dalisay na pagkaunawa na makakasama mong manalangin sa Diyos nang may iisang isipan at iisang puso, maghanap sa Diyos, maghintay sa takdang oras ng Diyos, at hintaying magbukas ng daan ang Diyos para sa iyo. Basta’t nananabik kayong lahat sa katotohanan, naghahanap ng katotohanan, at sama-samang nagbabahaginan tungkol sa katotohanan, maaaring dumating ang oras na makakaisip ng magandang solusyon ang isa sa inyo. Kung sa tingin ninyong lahat ay angkop at magandang paraan ang solusyon, maaaring dahil ito sa kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Pagkatapos kung magpapatuloy kayo na sama-samang magbahaginan para makaisip ng isang mas tumpak na landas ng pagsasagawa, tiyak na aayon iyon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa iyong pagsasagawa, kung matuklasan mo na hindi pa rin gaanong angkop ang paraan ng iyong pagsasagawa, kailangan mong itama iyon kaagad. Kung magkamali ka nang kaunti, hindi ka kokondenahin ng Diyos, dahil tama ang mga layunin mo sa iyong ginagawa, at nagsasagawa ka ayon sa katotohanan. Medyo nalilito ka lang tungkol sa mga prinsipyo at nakagawa ng pagkakamali sa iyong pagsasagawa, na maaaring mapatawad. Ngunit kapag gumagawa ng mga bagay-bagay ang karamihan sa mga tao, ginagawa nila ang mga iyon batay sa kung paano nila naiisip na dapat gawin ang mga iyon. Hindi nila ginagamit ang mga salita ng Diyos bilang batayan ng pagninilay-nilay kung paano magsagawa ayon sa katotohanan o paano matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos. Sa halip, iniisip lang nila kung paano sila makikinabang, paano sila titingalain ng iba, at paano sila hahangaan ng iba. Ginagawa nila ang mga bagay-bagay na ganap na nakabatay sa kanilang sariling mga ideya at para lang mabigyang-kasiyahan ang kanilang sarili, na problematiko. Hinding-hindi gagawin ng gayong mga tao ang mga bagay-bagay alinsunod sa katotohanan, at palagi silang kinasusuklaman ng Diyos. Kung talagang ikaw ay isang taong may konsensya at katwiran, anuman ang mangyari, dapat lumapit ka sa Diyos para manalangin at maghanap, magawang seryosong suriin ang mga motibo at karumihan sa iyong mga kilos, magawang tukuyin kung ano ang tamang gawin ayon sa mga salita at hinihingi ng Diyos, at paulit-ulit na timbangin at pagnilayan kung anong mga kilos ang nakasisiya sa Diyos, anong mga kilos ang nakasusuklam sa Diyos, at anong mga kilos ang nagkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos. Dapat mong pag-aralan nang paulit-ulit ang mga bagay na ito sa iyong isipan hanggang sa malinaw mong maunawaan ang mga ito. Kung alam mo na mayroon kang sariling mga motibo sa paggawa ng isang bagay, dapat mong pagnilayan kung ano ang iyong mga motibo, kung iyon ba ay para mapalugod ang sarili mo o mapalugod ang Diyos, kung kapaki-pakinabang ba iyon sa sarili mo o sa hinirang na mga tao ng Diyos, at kung ano ang mga kahihinatnan nito…. Kung mas maghahanap ka at magninilay nang ganito sa iyong mga panalangin, at magtatanong sa sarili mo ng mas maraming tanong para hanapin ang katotohanan, liliit nang liliit ang mga paglihis sa iyong mga kilos. Tanging ang mga kayang maghanap ng katotohanan sa ganitong paraan ang mga taong nagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at may takot sa Diyos, dahil naghahanap ka alinsunod sa mga hinihingi ng mga salita ng Diyos at nang may pusong nagpapasakop, at ang mga konklusyon na naaabot mo sa paghahanap sa ganitong paraan ay aayon sa mga katotohanang prinsipyo.

Kung malayo sa katotohanan ang mga pagkilos ng isang mananampalataya, kung gayon kapareho siya ng isang walang pananampalataya. Ito ang uri ng taong wala ang Diyos sa kanyang puso, at lumilihis palayo sa Diyos, at ang gayong tao ay katulad ng isang bayarang manggagawa sa sambahayan ng Diyos na gumagawa ng maliliit na trabaho para sa kanyang amo, tumatanggap ng maliit na sahod, at pagkatapos ay umaalis. Hindi talaga ganito ang taong naniniwala sa Diyos. Ang unang bagay na dapat mong suriin at pagsikapan kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay ay kung ano ang gagawin upang makuha ang pagkilala ng Diyos; ito dapat ang prinsipyo at saklaw ng iyong mga kilos. Dapat mong tukuyin kung ang iyong ginagawa ay naaayon sa katotohanan dahil kung naaayon ito sa katotohanan, tiyak na nakaayon ito sa mga layunin ng Diyos. Hindi naman sa dapat mong masukat kung tama o mali ang bagay na ito, o kung naaayon ito sa mga panlasa ng lahat ng iba pa, o kung naaayon ito sa sarili mong mga kagustuhan; sa halip, dapat mong tukuyin kung alinsunod ito sa katotohanan, at kung may pakinabang man ito sa gawain at mga interes ng iglesia o wala. Kung isasaalang-alang mo ang mga bagay na ito, mas lalo kang makakaayon sa mga layunin ng Diyos kapag gumagawa ka ng mga bagay-bagay. Kung hindi mo isasaalang-alang ang mga aspetong ito, at aasa ka lamang sa sarili mong kalooban kapag ginagawa mo ang mga bagay-bagay, kung gayon garantisadong gagawin mo ang mga ito nang mali, dahil ang kalooban ng tao ay hindi ang katotohanan at, mangyari pa, hindi kaayon ng Diyos. Kung nais mong kilalanin ng Diyos, kailangan mong magsagawa ayon sa katotohanan sa halip na ayon sa sarili mong kalooban. Ang ilang tao ay nagsasagawa ng ilang pribadong bagay bilang pantakip sa paggawa sa kanilang mga tungkulin. Ang tingin ng kanilang mga kapatid kung gayon ay hindi ito angkop, at sinusumbatan sila dahil dito, ngunit hindi tinatanggap ng mga taong ito ang paninisi. Ipinapalagay nila na ito ay isang personal na bagay na walang kinalaman sa gawain, pananalapi, o mga tao ng iglesia, at hindi ito paggawa ng masama, kaya naman hindi dapat makialam ang mga tao. Ang ilang bagay ay tila mga pribadong bagay para sa iyo na walang kinalaman sa anumang prinsipyo o katotohanan. Gayunman, kung titingnan ang ginawa mo, napakamakasarili mo. Hindi mo isinaalang-alang ang gawain ng iglesia o ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ni kung magiging kasiya-siya ba ito sa Diyos; isinaalang-alang mo lamang ang sarili mong kapakinabangan. May kinalaman na ito sa kagandahang-asal ng mga banal, gayundin sa pagkatao ng isang tao. Kahit walang kinalaman ang ginagawa mo sa mga interes ng iglesia, ni wala itong kinalaman sa katotohanan, ang pagiging abala sa isang pribadong bagay habang sinasabi na isinasagawa mo ang iyong tungkulin ay hindi naaayon sa katotohanan. Anuman ang iyong ginagawa, gaano man kalaki o kaliit ang isang bagay, at kung tungkulin mo man ito sa pamilya ng Diyos o sarili mong pribadong gawain, kailangan mong isipin kung nakaayon ang ginagawa mo sa mga layunin ng Diyos, at kung ito ba ay isang bagay na dapat gawin ng isang taong makatao. Kung ganito ang paghahanap mo ng katotohanan sa lahat ng ginagawa mo, isa kang taong tunay na nananalig sa Diyos. Kung sineseryoso mo ang bawat bagay at bawat katotohanan sa ganitong paraan, magkakamit ka ng mga pagbabago sa iyong disposisyon. May mga taong nag-iisip na, “Makatarungan namang ipasagawa sa akin ang katotohanan kapag ginagampanan ko ang aking tungkulin, pero kapag inaasikaso ko ang aking mga pribadong gawain, wala akong pakialam sa sinasabi ng katotohanan—gagawin ko ang gusto ko, anuman ang kailangang gawin para makinabang ako.” Sa mga salitang ito, nakikita mo na hindi nila minamahal ang katotohanan. Walang mga prinsipyo sa ginagawa nila. Gagawin nila ang anumang may pakinabang sa kanila, nang hindi man lang iniisip ang magiging epekto nito sa sambahayan ng Diyos. Dahil dito, kapag mayroon silang nagawang ilang bagay, wala ang presensya ng Diyos sa loob nila, at nakadarama sila ng kadiliman at pagkabalisa, at hindi nila alam kung ano ang nangyayari. Hindi ba ito ang parusang nararapat sa kanila? Kung hindi mo isinasagawa ang katotohanan sa iyong mga kilos at sinisira mo ang dangal ng Diyos, nagkakasala ka sa Kanya. Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan at madalas na kumikilos nang ayon sa sarili niyang mga ideya, madalas siyang sasalungat sa Diyos. Itataboy siya ng Diyos, at isasantabi siya. Ang kilos ng gayong mga tao ay madalas na hindi kinikilala ng Diyos, at kung hindi nila alam na magsisi, hindi magtatagal ay mahaharap sila sa kaparusahan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 575

Anumang tungkuling iyong ginagampanan ay kinapapalooban ng buhay pagpasok. Kung medyo palagian man o pabago-bago ang iyong tungkulin, nakakabagot man o masigla, dapat mong maabot palagi ang buhay pagpasok. Ang mga tungkuling ginagampanan ng ilang tao ay medyo walang pagkakaiba-iba; pare-pareho lang ang ginagawa nila araw-araw. Gayumpaman, kapag ginagampanan ang mga ito, ang mga kalagayang ipinapakita ng mga taong ito ay hindi gayong magkahalintulad. Kung minsan, kapag maganda ang lagay ng loob nila, medyo mas masipag ang mga tao at mas maganda ang kinalalabasan ng ginagawa nila. Kung minsan naman, dahil sa hindi nalalamang impluwensiya, nagdudulot ng gulo sa kanilang kalooban ang kanilang mga satanikong tiwaling disposisyon, na nagiging dahilan para magkaroon sila ng di-wastong mga pananaw; nasasadlak sila sa masasamang kalagayan at masasamang lagay ng loob, at humahantong sa pabasta-bastang paggampan sa kanilang mga tungkulin. Ang mga panloob na kalagayan ng mga tao ay magbabago ayon sa kanilang kapaligiran, pero paano man magbago ang mga ito, kung nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, makakakilos siya ayon sa mga prinsipyo. Maling gumawa ng mga bagay-bagay batay sa iyong lagay ng loob; iyon ay paggawa ng mga bagay-bagay batay sa iyong mga kagustuhan. Kapag maganda ang lagay ng loob mo, kaya mong bigyan ng kaunting pansin ang ginagawa mo, at kapag masama ang lagay ng loob mo, wala kang pakialam sa ginagawa mo, at kumikilos ka nang pabasta-basta—ito ba ay may-prinsipyong paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay? Tutulutan ka ba nito na gampanan ang iyong tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan? Anuman ang lagay ng loob nila, dapat alam ng mga tao na manalangin sa harap ng Diyos at hanapin ang katotohanan; sa ganitong paraan lamang sila makakaiwas na malimitahan at matangay nang paroo’t parito ng kanilang mga lagay ng loob. Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, dapat mong suriin palagi ang iyong sarili upang makita kung ginagawa mo ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, kung ang paggampan mo sa iyong tungkulin ay pasok sa pamantayan, kung ginagawa mo ito nang pabasta-basta o hindi, kung nagiging tuso ka man at nagpapakatamad, at kung may anumang mga problema sa iyong saloobin at sa paraan ng iyong pag-iisip. Sa sandaling nakapagnilay-nilay ka sa sarili at naging malinaw sa iyo ang mga bagay na ito, magiging mas madali ang pagtupad mo nang maayos sa iyong tungkulin. Anuman ang maranasan mo habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin—pagiging negatibo at mahina, o pagkakaroon ng masamang lagay ng loob matapos kang pungusan—dapat mo itong tratuhin nang maayos, at kailangan mo ring hanapin ang katotohanan at unawain ang mga layunin ng Diyos. Sa paggawa ng mga bagay na ito, magkakaroon ka ng isang landas ng pagsasagawa. Kung nais mong maging maganda ang iyong trabaho sa paggampan sa iyong tungkulin, hindi ka dapat magpaapekto sa lagay ng loob mo. Gaano man kanegatibo o kahina ang iyong nararamdaman, dapat mong isagawa ang katotohanan, tuparin ang iyong mga obligasyon at responsabilidad, at panghawakan mo ang mga prinsipyo sa lahat ng iyong ginagawa. Kung gagawin mo ito, hindi ka lamang sasang-ayunan ng ibang tao, kundi magugustuhan ka rin ng Diyos. Sa gayon, ikaw ay magiging isang taong responsable, na kayang umako ng responsabilidad, na tunay na mabuti, at na talagang gumagampan sa kanyang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan, at lubos mong isasabuhay ang wangis ng isang tunay na tao. Ang gayong mga tao ay pinadadalisay at nagkakamit ng tunay na pagbabago kapag ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, at masasabing sila ay matatapat na tao sa mga mata ng Diyos. Matatapat na tao lamang ang kayang magpunyagi sa pagsasagawa ng katotohanan upang makamit ang pagkilos nang may prinsipyo at magawang gampanan ang kanilang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan. Ang mga taong kumikilos nang may prinsipyo ay ginagampanan nang maigi ang kanilang mga tungkulin kapag maganda ang lagay ng loob nila; hindi sila nagtatrabaho nang pabasta-basta, hindi sila walang-galang at hindi nagpapasikat para tumaas ang tingin sa kanila ng iba. Kapag masama ang lagay ng loob nila, nagagawa nilang tapusin ang kanilang pang-araw-araw na mga gampanin nang gayon din kasigasig at karesponsable, at kahit dumaranas sila ng isang bagay na nakakainis na nakakapresyur sa kanila o gumugulo sa kanila habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, nagagawa pa rin nilang patahimikin ang puso nila sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabing, “Gaano man kalaki ang problemang kinakaharap ko—kahit bumagsak pa ang kalangitan—basta’t ako ay buhay, dapat kong tuparin nang maayos ang aking tungkulin. Bawat araw na nabubuhay ako ay isang araw na dapat kong gampanan nang maayos ang aking tungkulin, nang sa gayon ako ay karapat-dapat sa tungkuling ito na ibinigay sa akin ng Diyos, gayundin sa hiningang ito na ipinasok Niya sa aking katawan. Gaano man ako nahihirapan, isasantabi ko ang lahat ng iyon, sapagkat ang pagtupad nang maayos sa aking tungkulin ang pinakamahalaga!” Yaong mga hindi apektado ng sinumang tao, anumang kaganapan, bagay, o kapaligiran, na hindi nalilimitahan ng anumang lagay ng loob o sitwasyon sa labas, at inuuna sa lahat ang kanilang mga tungkulin at atas na naipagkatiwala sa kanila ng Diyos—sila ang mga taong tapat sa Diyos at tunay na nagpapasakop sa Kanya. Ang ganitong mga tao ay nakamtan na ang buhay pagpasok at nakapasok na sa katotohanang realidad. Ito ay isa sa pinakatotoo at pinakapraktikal na mga pagpapamalas ng pagsasabuhay ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 576

Para sa ilang tao, anuman ang isyung kinakaharap nila sa paggampan sa kanilang mga tungkulin, hindi nila hinahanap ang katotohanan, at palagi silang kumikilos ayon sa sarili nilang mga kuru-kuro, imahinasyon, kaisipan, at kagustuhan. Mula umpisa hanggang wakas, binibigyang-kasiyahan nila ang sarili nilang mga pagnanais, at kumikilos sa ilalim ng pangingibabaw ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Maaaring mukhang lagi nilang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, pero dahil hindi nila kailanman tinanggap ang katotohanan, at nabigo silang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo, sa huli, hindi nila nakakamit ang katotohanan at buhay at nagiging mga tagapagserbisyo sila na karapat-dapat sa ganoong katawagan. Kaya, sa ano umaasa ang mga taong ito kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin? Hindi sila umaasa sa katotohanan ni sa Diyos. Ang kapirasong katotohanang iyon na nauunawaan nila ay hindi naghari sa kanilang puso; umaasa sila sa sarili nilang mga kaloob at talento, sa anumang kaalamang natamo nila, gayundin sa kanilang sariling pagpupursigi o mabubuting intensiyon, para magampanan ang mga tungkulin nila. At sa ganitong sitwasyon, magagawa ba nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan? Kapag umaasa ang mga tao sa kanilang mga kuru-kuro, imahinasyon, kaalaman, at pagkatuto para gampanan ang kanilang mga tungkulin, bagama’t sa panlabas ay ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin, at tila hindi gumagawa ng anumang kasamaan, hindi nila isinasagawa ang katotohanan. Sa kasong iyon, ang lahat ba ng ginawa nila ay tunay na pagpapasakop sa Diyos? Mapapalugod ba nito ang Diyos? Mayroon ding isa pang problema na hindi maipagwawalang-bahala: Sa proseso ng paggampan sa iyong tungkulin, kung hindi kailanman nagbabago ang iyong mga kuru-kuro, imahinasyon, at ang sarili mong kalooban, pinatutunayan nito na hindi mo kailanman tinanggap ang katotohanan, at sa kasong iyon, ang lahat ng ginagawa mo ay pagkilos ayon sa iyong sariling kalooban, at hindi pagkilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Ano ang huling kalalabasan, kung gayon? Hindi ka magkakaroon ng buhay pagpasok, magiging tagapagserbisyo ka, sa gayon ay matutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, ‘Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo ay nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo ay nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha?’ At kung magkagayon ay ipahahayag Ko sa kanila, ‘Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan’” (Mateo 7:22–23). Bakit tinatawag ng Diyos na mga taong gumagawa ng masama ang mga taong ito na nagsusumikap at nagseserbisyo? May isang punto na makatitiyak tayo, at iyon ay na anumang tungkulin o gawain ang ginagawa ng mga taong ito, ang kanilang mga motibasyon, pang-udyok, intensiyon, at kaisipan ay nagmumulang lahat sa kanilang sariling mga pagnanais, at ang mga iyon ay ganap na alang-alang sa sarili nilang mga interes at kinabukasan, at alang-alang din sa kanilang pride at katayuan, at pagpapalugod ng kanilang banidad. Ang kanilang mga konsiderasyon at kalkulasyon ay pawang nakasentro sa mga bagay na ito, walang katotohanan sa kanilang puso, at wala silang pusong may takot at nagpapasakop sa Diyos. Ito ang ugat ng problema. Ngayon, anong paraan ang napakahalaga sa inyo na maghangad? Sa lahat ng bagay, dapat ninyong hanapin ang katotohanan, at dapat ninyong gampanan ang inyong tungkulin nang maayos ayon sa mga layunin ng Diyos at sa hinihingi ng Diyos. Kung gagawin ninyo ito, matatanggap ninyo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kaya ano, sa partikular, ang nilalaman ng paggampan ng inyong tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos? Sa lahat ng ginagawa ninyo, dapat kayong matutong manalangin sa Diyos, dapat ninyong pagnilayan kung ano ang inyong mga intensiyon, kung ano ang inyong mga kaisipan, at kung ang mga intensiyon at kaisipang ito ay alinsunod sa katotohanan; kung hindi, dapat talikuran ang mga ito, pagkatapos ay dapat kayong kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at tumanggap ng pagsisiyasat ng Diyos. Titiyakin nito na isasagawa ninyo ang katotohanan. Kung alam na alam mo na ang mga intensiyon at layon sa likod ng iyong pananalita at mga kilos ay lumalabag sa katotohanan at hindi naaayon sa mga layunin ng Diyos, pero hindi ka pa rin nagdarasal sa Diyos, nagninilay sa sarili, at naghahanap ng katotohanan para lutasin ang mga ito, mapanganib ito, at madali para sa iyo na makagawa ng kasamaan at gumawa ng mga bagay na lumalaban sa Diyos. Kung makagawa ka ng kasamaan nang isa o dalawang beses at magsisi ka, may pag-asa ka pa ring maligtas. Kung patuloy kang gumagawa ng kasamaan at hindi mo pa rin alam na magsisi sa puntong ito, nanganganib ka: isasantabi o susukuan ka ng Diyos, ibig sabihin ay may panganib na matiwalag ka; ang mga taong gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa ay tiyak na parurusahan at ititiwalag.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 577

Dapat maunawaan ng mga tao na may isang pangunahing prinsipyo sa pagtrato sa mga nilikha ang Lumikha, na siya ring pinakamataas na prinsipyo. Kung paano tratuhin ng Lumikha ang mga nilikha ay lubos na nababatay sa Kanyang plano ng pamamahala at sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain; hindi Niya kailangang sumangguni kaninuman, ni hindi Niya kailangang matamo ang pagsang-ayon ng sinuman. Anuman ang dapat Niyang gawin at paano man Niya dapat tratuhin ang mga tao, ginagawa Niya, at, anuman ang Kanyang ginagawa o paano man Niya tinatrato ang mga tao, lahat ng ito ay nakaaayon sa mga katotohanang prinsipyo, at sa mga prinsipyo ng pagkilos ng Lumikha. Bilang isang nilikha, ang tanging dapat gawin ay magpasakop sa Lumikha; hindi dapat gumawa ang isang tao ng sarili niyang pagpili. Ito ang katwiran na dapat taglayin ng mga nilikha, at kung hindi ito taglay ng isang tao, hindi siya nararapat tawaging isang tao. Dapat itong maunawaan ng mga tao: Ang Lumikha ay laging magiging ang Lumikha; nasa Kanya ang kapangyarihan at kalipikado Siya na mamatnugot at magkaroon ng kataas-taasang kapangyarihan sa sinumang nilikha ayon sa gusto Niya, at hindi kailangang magkaroon ng dahilan para gawin iyon. Ito ang Kanyang awtoridad. Ang mga nilikha ay walang karapatan at hindi kalipikado na humusga kung tama ba o mali ang anumang bagay na ginagawa ng Lumikha, o kung paano Siya dapat kumilos. Walang nilikha ang may karapatang mamili kung tatanggapin ba niya ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha; at walang nilikha ang may karapatang gumawa ng mga hinihingi sa kung paanong may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos ang Lumikha sa kanyang kapalaran. Ito ang pinakamataas na katotohanan. Anuman ang ginawa ng Lumikha sa Kanyang mga nilikha, at paano man Niya ginawa iyon, ang natatanging mga bagay na dapat gawin ng mga nilikhang tao ay: maghanap, magpasakop, kumilala, at tumanggap sa lahat ng bagay na ginawa ng Lumikha. Ang magiging resulta sa huli ay na maisasakatuparan na ng Lumikha ang Kanyang plano ng pamamahala at matatapos na ang Kanyang gawain, at na ang Kanyang plano ng pamamahala ay makakausad na nang walang anumang mga sagabal; samantala, dahil natanggap na ng mga nilikha ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha at nagpasakop na sila sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos, matatamo na nila ang katotohanan, mauunawaan na ang mga layunin ng Lumikha, at makikilala na ang Kanyang disposisyon. May isa pang prinsipyo na kailangan Kong sabihin sa inyo: Anuman ang ginagawa ng Lumikha, anumang uri ng mga pagpapamalas ang ipinapakita Niya, at malaki man o maliit ang Kanyang ginagawa, Siya pa rin ang Lumikha; samantalang ang buong sangkatauhan, na Kanyang nilikha, anuman ang kanilang nagawa, at gaano man sila katalentado o may kaloob, ay nananatiling mga nilikha. Tungkol naman sa mga taong nilikha, gaano man karaming biyaya at gaano man karaming pagpapala ang natanggap nila mula sa Lumikha, o gaano man kalaking awa, mapagmahal na kabaitan, o mabuting pagtrato, hindi sila dapat maniwala na naiiba sila sa madla, o mag-isip na maaari silang makapantay sa Diyos at na naging mataas ang kanilang ranggo sa gitna ng mga nilikha. Ilang kaloob man ang naigawad sa iyo ng Diyos, o gaano kalaking biyaya ang naibigay Niya sa iyo, o gaano kabait ka man Niya natrato, o kung anong mga espesyal na talento ang ibinigay Niya sa iyo, hindi mo kapital ang mga ito. Ikaw ay isang nilikha, at sa gayon ay magiging isa kang nilikha magpakailanman. Huwag na huwag mong iisipin na, “Isa akong munting bata sa mga kamay ng Diyos. Hinding-hindi ako aabandonahin ng Diyos; ang saloobin ng Diyos sa akin ay lagi nang magiging isang pagmamahal, pagmamalasakit, at magigiliw na paghaplos, na may kasamang malulumanay na bulong ng pagbibigay-ginhawa at panghihikayat.” Bagkus, sa mga mata ng Lumikha, katulad ka ng lahat ng iba pang nilikha; maaari kang gamitin ng Diyos ayon sa Kanyang kagustuhan, at mapamamatnugutan ka rin Niya ayon sa Kanyang kagustuhan, at maaari Niyang isaayos ayon sa Kanyang kagustuhan na gampanan mo ang anumang papel sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Ito ang kaalamang dapat mayroon ang mga tao, at ang katwirang dapat nilang taglayin. Kung mauunawaan at matatanggap ng mga tao ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, magiging normal ang kanilang ugnayan sa Diyos, at ang pinakanormal na uri ng ugnayan ay maitatatag sa pagitan nila at ng Diyos; kung mauunawaan at matatanggap ng mga tao ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, natural nilang itutuwid ang kanilang posisyon, tatayo sila sa kanilang tamang lugar, mananatili sa kanilang tungkulin, at magpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 578

Ang pagkilala sa Diyos ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos, gayundin ng pagdanas ng maraming pagsubok, pagpipino, at pagpupungos; saka lamang posibleng magkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa gawain at disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng ilan: “Hindi ko pa nakikita ang Diyos na nagkatawang-tao, kaya paano ko dapat makikilala ang Diyos?” Sa katunayan, ang mga salita ng Diyos ay isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon. Mula sa mga salita ng Diyos, makikita mo ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas para sa mga tao, gayundin ang Kanyang pamamaraan ng pagliligtas sa kanila…. Ito ay dahil ang Kanyang mga salita ay ipinahayag ng Diyos Mismo, hindi isinulat ng mga tao. Personal na ipinahayag ng Diyos ang mga ito; ipinapahayag ng Diyos Mismo ang sarili Niyang mga salita at ang tinig ng Kanyang puso, na maaari ding tawaging mga salita mula sa Kanyang puso. Bakit tinatawag ang mga ito na mga salitang mula sa Kanyang puso? Dahil ang mga ito ay nagmumula sa kaibuturan, at nagpapahayag ng Kanyang disposisyon, Kanyang mga layunin, Kanyang mga ideya at iniisip, Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan, Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan…. Kasama sa mga pahayag ng Diyos ang masasakit na salita, at banayad at may konsiderasyong mga salita, gayundin ang ilang salitang nagbubunyag na hindi isinasaalang-alang ang mga nararamdaman ng mga tao. Kung tinitingnan mo lamang ang mga salitang nagbubunyag, maaari mong madama na medyo mabagsik ang Diyos. Kung tinitingnan mo lamang ang mga banayad na salita, maaari mong madama na hindi gaanong maawtoridad ang Diyos. Samakatuwid ay hindi mo dapat unawain ang mga ito nang wala sa konteksto; sa halip, tingnan mo ang mga ito mula sa bawat anggulo. Kung minsan ay nagsasalita ang Diyos mula sa isang mahabaging pananaw, at pagkatapos ay nakikita ng mga tao ang Kanyang pagmamahal para sa sangkatauhan; kung minsan ay nagsasalita Siya mula sa napaka-istriktong pananaw, at pagkatapos ay nakikita ng mga tao na ang Kanyang disposisyon ay hindi nalalabag, na ang tao ay nakalulungkot ang karumihan, at hindi karapat-dapat na tumingin sa mukha ng Diyos o lumapit sa Kanya, at na dahil lamang sa Kanyang biyaya kaya tinutulutan sila ngayon na lumapit sa Kanya. Makikita ang karunungan ng Diyos sa paraan ng Kanyang paggawa at sa kabuluhan ng Kanyang gawain. Nakikita pa rin ng mga tao ang mga bagay na ito sa mga salita ng Diyos, kahit walang anumang tuwirang pakikipag-ugnayan sa Kanya. Kapag nakaugnayan ng isang taong tunay na nakakakilala sa Diyos si Cristo, ang pagtatagpo nila ni Cristo ay maaaring tumugma sa kanyang kasalukuyang kaalaman tungkol sa Diyos; gayunman, kapag ang isang taong mayroon lamang teoretikal na pagkaunawa ay nakakatagpo si Cristo, hindi niya nakikita ang koneksyon. Ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang pinakamalalim sa lahat ng hiwaga; mahirap itong arukin para sa tao. Pagsamahin ang mga salita ng Diyos tungkol sa hiwaga ng pagkakatawang-tao, tingnan ang mga ito mula sa lahat ng anggulo, pagkatapos ay sama-samang manalangin, magnilay-nilay, at higit pang magbahaginan tungkol sa aspetong ito ng katotohanan. Sa paggawa nito, magtatamo ka ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu at makakaunawa ka. Dahil walang pagkakataon ang mga tao na tuwirang makaugnayan ang Diyos, kailangan nilang umasa sa ganitong uri ng karanasan para maingat silang makapagpatuloy at unti-unting makapasok kung nais nilang sa huli ay magtamo ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 579

Ano ang ibig sabihin ng makilala ang Diyos? Ibig sabihin nito ay pagkaunawa sa Kanyang galak, galit, lungkot, at tuwa, at sa gayon ay nagkakaroon ng pagkilala sa Kanyang disposisyon—ito ang talagang pagkakilala sa Diyos. Inaangkin mong nakita mo na ang Diyos, ngunit hindi mo nauunawaan ang galak, galit, lungkot, at tuwa ng Diyos, hindi mo nauunawaan ang Kanyang disposisyon. Ni hindi mo rin nauunawaan ang Kanyang pagiging matuwid, ni ang Kanyang awa, ni hindi mo alam kung ano ang gusto o kinapopootan Niya. Hindi ito pagkakilala sa Diyos. Nagagawang sundan ng ilang tao ang Diyos, pero hindi iyan nangangahulugan na tunay silang nananalig sa Diyos. Ang tunay na pananalig sa Diyos ay pagpapasakop sa Diyos. Ang mga hindi tunay na nagpapasakop sa Diyos ay hindi tunay na nananalig sa Diyos—dito nagkakaroon ng pagkakaiba. Kapag nasunod mo ang Diyos nang ilang taon, at may kaalaman at pagkaunawa ka tungkol sa Diyos, kapag mayroon kang kaunting pagkaunawa at pagkaarok sa mga layunin ng Diyos, kapag batid mo ang masisidhing layunin ng Diyos sa pagliligtas sa tao, noon ka tunay na nananalig sa Diyos, tunay na nagpapasakop sa Diyos, tunay na nagmamahal sa Diyos, at tunay na sumasamba sa Diyos. Kung nananampalataya ka sa Diyos pero hindi mo hinahangad na makilala ang Diyos, at wala kang pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at gawain ng Diyos, isa ka lamang tagasunod na nagpaparoon at parito para sa Diyos at sumusunod sa anumang ginagawa ng nakararami. Hindi iyan matatawag na tunay na pagpapasakop, lalong hindi tunay na pagsamba. Paano ba nangyayari ang tunay na pagsamba? Walang natatangi, lahat ng nakakakita sa Diyos at talagang kilala ang Diyos ay sinasamba at kinatatakutan Siya; silang lahat ay nauudyukang yumukod at sumamba sa Kanya. Sa kasalukuyan, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay gumagawa, mas higit ang pagkaunawa na mayroon ang mga tao tungkol sa Kanyang disposisyon at sa mga tinataglay ng Diyos at sa Kanyang pagiging Diyos, mas higit na pahahalagahan nila ang mga ito at mas higit nilang katatakutan Siya. Sa pangkalahatan, kapag mas hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, mas lalo silang pabaya, kung kaya itinuturing nilang tao ang Diyos. Kung talagang kilala at nakikita ng mga tao ang Diyos, mangangatog sila sa takot at yuyukod sa lupa. “Siya na dumarating kasunod ko ay lalong makapangyarihan kaysa sa akin, na hindi ako karapat-dapat magdala ng Kanyang pangyapak” (Mateo 3:11)—bakit sinabi ito ni Juan? Bagama’t sa kaibuturan wala siyang napakalalim na kaalaman sa Diyos, alam niyang dapat katakutan ang Diyos. Ilang tao sa panahon ngayon ang kayang matakot sa Diyos? Kung hindi nila alam ang Kanyang disposisyon, paano sila matatakot sa Diyos? Kung hindi alam ng mga tao ang diwa ni Cristo ni hindi nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, mas lalong hindi nila makakayang tunay na sambahin ang praktikal na Diyos. Kung nakikita lamang nila ang ordinaryo at normal na panlabas na anyo ni Cristo, subalit hindi alam ang diwa Niya, kung gayon madali para sa kanila na ituring si Cristo bilang isang ordinaryong tao lamang. Maaaring magtaglay sila ng walang-paggalang na saloobin sa Kanya, at dayain Siya, labanan Siya, maghimagsik laban sa Kanya, at husgahan Siya. Maaaring nag-aakala silang mas matuwid sila kaysa sa iba at hindi nila seryosohin ang Kanyang mga salita, maaari pa ngang pagmulan sila ng mga kuru-kuro, mga pagkondena at paglapastangan laban sa Diyos. Para malutas ang mga usaping ito, dapat malaman ng isang tao ang diwa at ang pagka-Diyos ni Cristo. Ito ang pangunahing aspeto ng pagkilala sa Diyos; ito ang kailangang pasukin at tamuhin ng lahat ng mananampalataya sa praktikal na Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: Pagpasok sa Buhay V

Sumunod: Mga Hantungan at mga Kalalabasan

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito