Ang Pagkakatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 99
Ang “pagkakatawang-tao” ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa wangis ng katawang-tao. Kaya, dahil Siya ang nagkatawang-taong Diyos, kailangan muna Niyang maging katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay namumuhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkakatawang-tao, nagiging isang tao. Ang Kanyang buhay at gawain sa katawang-tao ay maaaring hatiin sa dalawang yugto. Una ay ang buhay na Kanyang ipinamumuhay bago gampanan ang Kanyang ministeryo. Naninirahan Siya sa piling ng isang ordinaryong pamilya ng tao, sa lubos na normal na pagkatao, sumusunod sa normal na etika ng buhay ng tao at sumusunod sa normal na mga batas ng buhay ng tao, na may normal na mga pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tulog, tirahan), normal na mga kahinaan ng tao, at normal na mga emosyon ng tao. Sa madaling salita, sa unang yugtong ito ay namumuhay Siya sa pagkataong walang pagka-Diyos at lubos na normal, nakikibahagi sa lahat ng normal na aktibidad ng tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang ipinamumuhay matapos Niyang simulang isagawa ang Kanyang ministeryo. Nananahan pa rin Siya sa ordinaryong pagkatao na may isang normal na panlabas na anyo ng tao, walang ipinapakitang panlabas na tanda ng pagiging higit-sa-karaniwan. Subalit eksklusibo Siyang namumuhay para lamang sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ay ganap na umiiral ang Kanyang normal na pagkatao upang mapanatili ang normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos, sapagkat sa panahong iyon ay gumulang na ang Kanyang normal na pagkatao hanggang sa punto na kaya na Niyang isagawa ang Kanyang ministeryo. Kaya, ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay ang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang normal na pagkatao, kung kailan ito ay isang buhay kapwa ng normal na pagkatao at ng ganap na pagka-Diyos. Sa unang yugto ng Kanyang buhay, kaya Siya namumuhay sa ganap na ordinaryong pagkatao ay dahil ang Kanyang pagkatao ay hindi pa kayang panatilihin ang kabuuan ng gawain ng Kanyang pagka-Diyos, hindi pa gumugulang; matapos gumulang ang Kanyang pagkatao—ibig sabihin, kapag kaya na nitong pasanin ang Kanyang ministeryo—saka lamang Niya masisimulang gampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan. Dahil katawang-tao Siya, kailangan Niyang lumaki at gumulang. Samakatwid, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay iyong sa normal na pagkatao, samantalang sa pangalawang yugto, kaya ng Kanyang pagkatao na pasanin ang Kanyang gawain at isagawa ang Kanyang ministeryo, at kaya ang buhay ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng Kanyang ministeryo ay kapwa sa pagkatao at sa ganap na pagka-Diyos. Kung, mula sa sandali ng Kanyang pagsilang, pormal na sinimulan ng katawang-tao ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang ministeryo, at ang lahat ng ginawa Niya ay may kalakip na pagsasagawa ng mga tanda at himala na higit sa karaniwan, hindi sana Siya nagkaroon ng diwa ng katawang-tao. Samakatwid, umiiral ang Kanyang pagkatao para sa kapakanan ng diwa ng Kanyang katawang-tao; hindi maaaring magkaroon ng katawang-tao nang walang pagkatao, at ang isang taong walang pagkatao ay hindi isang tao. Sa ganitong paraan, ang pagkatao ng laman ng Diyos ay isang likas na katangian ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang sabihing “kapag naging tao ang Diyos ay mayroon lang Siyang pagka-Diyos, at walang pagkatao” ay isang kalapastanganan, sapagkat sadyang walang batayan ang ganitong pahayag, at lumalabag ito sa prinsipyo ng pagkakatawang-tao. Kahit matapos Niyang simulang isagawa ang Kanyang ministeryo, namumuhay pa rin Siya sa Kanyang pagka-Diyos nang may panlabas na anyo ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; sadya lamang na sa panahong iyon ang Kanyang pagkatao ay para lamang sa layuning tulutan ang Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa normal na katawang-tao. Kaya ang gumagawa ng gawain ay ang pagka-Diyos na nananahan sa Kanyang pagkatao. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang Kanyang pagkatao, ang gumagawa, subalit ang pagka-Diyos na ito ay nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; sa diwa, ang Kanyang gawain ay ginagawa pa rin ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi ng Kanyang pagkatao. Ngunit ang nagsasagawa sa gawain ay ang Kanyang katawang-tao. Masasabi na Siya ay isang tao at isa ring Diyos, sapagkat ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay sa katawang-tao; mayroon Siyang anyo ng tao at diwa ng tao, at higit pa rito, mayroon Siyang diwa ng Diyos. Dahil Siya ay isang tao na mayroong diwa ng Diyos, mas mataas Siya sa lahat ng taong nilikha, mas mataas kaysa sa sinumang tao na makakagawa ng gawain ng Diyos. Kaya nga, sa lahat ng may anyo ng taong kagaya ng sa Kanya, sa lahat ng nagtataglay ng pagkatao, Siya lamang ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao—lahat ng iba pa ay mga taong nilikha. Bagama’t lahat sila ay may pagkatao, walang ibang taglay ang mga nilikhang tao kundi pagkatao, samantalang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba: Sa Kanyang katawang-tao ay hindi lamang Siya may pagkatao kundi, ang pinakamahalaga, mayroon Siyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita sa panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao at sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, ngunit ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap mahiwatigan. Dahil naipapahayag lamang ang Kanyang pagka-Diyos kapag Siya ay may pagkatao, at hindi higit-sa-karaniwan na tulad ng iniisip ng mga tao, napakahirap para sa mga tao na makita ito. Kahit ngayon, hirap na hirap ang mga tao na arukin kung ano ba mismo ang diwa ng nagkatawang-taong Diyos. Kahit matapos Akong bumigkas ng napakaraming salita, tingin Ko ay isa pa rin itong misteryo sa karamihan sa inyo. Sa katunayan, napakasimple ng isyung ito: Yamang naging tao ang Diyos, ang Kanyang diwa ay isang kombinasyon ng pagkatao at ng pagka-Diyos. Ang kombinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang Diyos Mismo sa lupa.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 100
Ang buhay na ipinamuhay ni Jesus sa lupa ay isang normal na buhay ng katawang-tao. Namuhay Siya sa normal na pagkatao ng Kanyang katawang-tao. Ang Kanyang awtoridad—na gawin ang Kanyang gawain at sambitin ang Kanyang salita, o pagalingin ang maysakit at palayasin ang mga demonyo, gawin ang gayong mga ekstraordinaryong bagay—ay halos hindi naipamalas hanggang sa simulan Niya ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang buhay bago mag-edad dalawampu’t siyam, bago Niya isinagawa ang Kanyang ministeryo, ay sapat nang patunay na isa lamang Siyang normal na katawang-tao ng laman. Dahil Siya ay isang normal na katawang-tao ng laman, at dahil hindi pa Niya nasimulang isagawa ang Kanyang ministeryo, walang nakita ang mga tao na anumang pagka-Diyos sa Kanya, wala silang nakitang higit pa sa isang normal na tao, isang ordinaryong tao—tulad noon, naniwala ang ilang tao na Siya ang anak ni Jose. Ang akala ng mga tao ay anak Siya ng isang ordinaryong tao, wala silang paraan para masabi na Siya ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos; kahit habang isinasagawa Niya ang Kanyang ministeryo ay nagsagawa Siya ng maraming tanda, sinabi pa rin ng karamihan sa mga tao na Siya ang anak ni Jose, sapagkat Siya ang Cristo na may anyo ng normal na pagkatao. Ang Kanyang normal na pagkatao at ang Kanyang gawain ay kapwa umiral upang matupad ang kabuluhan ng unang pagkakatawang-tao, upang patunayan na ang Diyos ay ganap na pumarito sa katawang-tao, na Siya ay naging ganap na ordinaryong tao. Na nagtataglay Siya ng normal na pagkatao bago Niya sinimulan ang Kanyang gawain ay patunay na Siya ay isang ordinaryong katawang-tao; at na Siya ay gumawa pagkatapos nito ay nagpatunay rin na Siya ay isang ordinaryong katawang-tao, sapagkat nagsagawa Siya ng mga tanda at himala, nagpagaling ng maysakit, at nagpalayas ng mga demonyo habang Siya ay nasa katawang-tao ng normal na pagkatao. Kaya Siya nakagawa ng mga tanda ay dahil ang Kanyang katawang-tao ay nagtataglay ng awtoridad ng Diyos, ang katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos. Taglay Niya ang awtoridad na ito dahil sa Espiritu ng Diyos, at hindi ito nangangahulugan na Siya ay hindi isang katawang-tao. Ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ang gawaing kailangan Niyang gampanan sa Kanyang ministeryo, isa itong pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao, at anumang mga tanda ang Kanyang ipinakita o paano man Niya ipinamalas ang Kanyang awtoridad, namuhay pa rin Siya sa normal na pagkatao at isa pa ring normal na katawang-tao. Hanggang sa dumating sa punto na Siya ay bumangon mula sa mga patay matapos ng Kanyang pagkakapako sa krus, nanahan Siya sa loob ng normal na katawang-tao. Ang pagkakaloob ng biyaya, pagpapagaling ng maysakit, at pagpapalayas ng mga demonyo ay pawang bahagi ng Kanyang ministeryo, lahat ay gawaing Kanyang isinagawa sa Kanyang normal na katawang-tao. Bago Siya ipinako sa krus, hindi Siya kailanman umalis sa Kanyang laman ng normal na pagkatao, anuman ang Kanyang ginagawa. Siya ang Diyos Mismo, ginagawa ang sariling gawain ng Diyos, subalit dahil Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, Siya ay kumain ng pagkain at nagsuot ng damit, nagkaroon ng normal na mga pangangailangan ng tao, nagkaroon ng normal na katwiran ng tao, at normal na pag-iisip ng tao. Lahat ng ito ay patunay na Siya ay isang normal na tao, na nagpatunay na ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay isang laman na may normal na pagkatao, hindi higit-sa-karaniwan. Ang Kanyang tungkulin ay kompletuhin ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos, tuparin ang ministeryong dapat isagawa ng Diyos sa Kanyang unang pagkakatawang-tao. Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na isinasagawa ng isang ordinaryo at normal na tao ang gawain ng Diyos Mismo; ibig sabihin, isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagka-Diyos sa pagkatao at sa gayon ay tinatalo si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging tao, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging katawang-tao; ang gawaing ginagawa ng katawang-tao ay ang gawain ng Espiritu, na naisasakatuparan sa katawang-tao, ipinapahayag ng katawang-tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na taong ito, ang maaaring magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos. Walang tao na maaaring humalili sa Kanya rito. Kung, noong una Siyang pumarito, hindi nagtaglay ang Diyos ng normal na pagkatao bago Siya nag-edad dalawampu’t siyam—kung sa sandaling isinilang Siya ay kaya na Niyang gumawa ng mga tanda at himala, kung noong Siya ay matutong magsalita ay agad Siyang nakapagsalita ng wika ng langit, kung mula nang ipanganak ay kaya na Niyang maunawaan ang lahat ng makamundong usapin, makita ang mga iniisip ng bawat tao at kung ano ang nasa loob ng kanilang puso—hindi matatawag na isang normal na tao ang gayong tao, at hindi matatawag ang katawang iyon na katawan ng tao. Kung ganoong uri ng tao si Cristo, mawawalan ng kabuluhan at diwa ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Na nagtataglay Siya ng normal na pagkatao ay nagpapatunay na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katunayan na sumailalim Siya sa normal na proseso ng paglaki ng tao ay lalo pang nagpapakita na Siya ay isang normal na katawang-tao; kung idadagdag pa rito ang Kanyang gawain, sapat na ang lahat ng ito para patunayan na Siya ang Salita ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos, na naging katawang-tao. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao dahil sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain; sa madaling salita, ang yugtong ito ng gawain ay kailangang isagawa sa katawang-tao, ibig sabihin, kailangan itong gampanan sa normal na pagkatao. Ito ang paunang kailangan para sa “ang Daan ay naging tao,” para sa “ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao,” at ito ang totoong kuwento ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Maaaring maniwala ang mga tao na nagsagawa si Jesus ng mga tanda sa buong buhay Niya, at na, hanggang sa matapos ang Kanyang gawain sa lupa ay wala Siyang ipinakitang tanda ng normal na pagkatao, na wala Siyang normal na mga pangangailangan ng tao o mga kahinaan o emosyon ng tao, hindi nangailangan ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay, at hindi nag-isip ng normal na mga kaisipan ng tao. Iniisip nila na mayroon lamang Siyang higit-sa-karaniwang isipan, isang nangingibabaw na pagkatao. Naniniwala sila na dahil Siya ang Diyos, hindi Siya dapat mag-isip at mamuhay na tulad ng mga normal na tao, na tanging isang normal na tao, isang tunay na tao, ang makakapag-isip ng normal na mga kaisipan ng tao at makakapamuhay ng isang normal na buhay ng tao. Lahat ng ito ay mga ideya ng tao at mga kuru-kuro ng tao, at ang mga kuru-kurong ito ay salungat sa orihinal na mga layunin ng gawain ng Diyos. Ang normal na pag-iisip ng tao ay nagpapanatili sa normal na katwiran ng tao at normal na pagkatao; ang normal na pagkatao lamang ang makasusuporta sa normal na mga paggana ng katawang-tao; at ang normal na mga paggana lamang ng katawang-tao ang makasisiguro na normal ang lahat ng parte ng buhay ng katawang-tao. Tanging sa pamamagitan ng paggawa sa gayong katawang-tao matutupad ng Diyos ang layunin ng Kanyang pagkakatawang-tao. Kung ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtaglay lamang ng panlabas na anyo ng laman, ngunit hindi nag-isip ng normal na mga kaisipan ng tao, ang katawang-taong ito ay hindi magtataglay ng katwiran ng tao, lalo pa ng tunay na pagkatao. Paano matutupad ng isang katawang-taong tulad nito, na walang pagkatao, ang ministeryong dapat isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao? Ang normal na pag-iisip ay nagpapanatili sa lahat ng aspekto ng buhay ng tao; kung walang normal na pag-iisip, hindi magiging tao ang isang tao. Sa madaling salita, ang isang taong hindi nag-iisip ng normal na mga kaisipan ay may sakit sa pag-iisip, at ang isang Cristo na walang pagkatao kundi pagka-Diyos lamang ay hindi masasabing nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kaya, paanong mawawalan ng normal na pagkatao ang nagkatawang-taong laman ng Diyos? Hindi ba’t kalapastanganang sabihin na si Cristo ay walang pagkatao? Lahat ng aktibidad na ginagawa ng mga normal na tao ay nakasalalay sa paggana ng isang normal na pag-iisip ng tao. Kung wala ito, sasalungat sa likas na kaayusan ang mga tao; ni hindi nila masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng itim at puti, mabuti at masama; at hindi sila magkakaroon ng mga etika ng tao at mga prinsipyong moral. Gayundin, kung hindi nag-isip ang Diyos na nagkatawang-tao nang gaya ng isang normal na tao, hindi Siya isang tunay na katawang-tao, isang normal na katawang-tao. Ang gayong katawang-tao na hindi nag-iisip ay hinding-hindi makakayang magpasan ng gawain ng pagka-Diyos. Hindi Niya magagawang normal na gumawa ng mga aktibidad ng normal na katawang-tao, lalo pa ang mamuhay na kasama ng mga tao sa lupa. Kung gayon, ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ang pinakadiwa ng pagparito ng Diyos sa katawang-tao ay mawawala. Umiiral ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao para mapanatili ang normal na gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao; ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay nagpapanatili sa Kanyang normal na pagkatao at sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na aktibidad ng katawan. Masasabi na ang Kanyang normal na pag-iisip ng tao ay umiiral upang mapanatili ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung ang katawang-taong ito ay hindi nagtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, hindi maaaring gumawa ang Diyos sa katawang-tao, at hindi maaaring isakatuparan kailanman ang kailangan Niyang gawin sa katawang-tao. Bagama’t ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng normal na pag-iisip ng tao, ang Kanyang gawain ay hindi nahahaluan ng kaisipan ng tao; ginagawa Niya ang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip, sa ilalim ng kondisyon na magtaglay ng pagkataong may pag-iisip, hindi sa pamamagitan ng paggamit ng normal na kaisipan ng tao. Gaano man katayog ang mga kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nababahiran ng lohika o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang gawain ay hindi nabubuo sa isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi isang direktang pagpapahayag ng gawain ng pagka-Diyos sa Kanyang pagkatao. Ang Kanyang buong gawain ay ang ministeryong kailangan Niyang tuparin, at walang anuman dito ang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapapako sa krus ay hindi mga produkto ng Kanyang pag-iisip bilang tao, at hindi maaaring makamtan ng sinumang tao na may pag-iisip ng tao. Gayundin, ang gawain ng panlulupig ngayon ay isang ministeryong kailangang isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi ito ang kalooban ng tao, ito ang gawaing dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawaing hindi kayang gawin ng sinumang taong may laman at dugo. Kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay kailangang magtaglay ng isang normal na pag-iisip ng tao, kailangang magtaglay ng normal na pagkatao, dahil kailangan Niyang isagawa ang Kanyang gawain sa pagkataong may normal na pag-iisip. Ito ang diwa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 101
Bago isinagawa ni Jesus ang gawain, namuhay lamang Siya sa Kanyang normal na pagkatao. Walang sinumang makapagsabi na Siya ang Diyos, walang sinumang nakaalam na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao; kilala lamang Siya ng mga tao bilang isang taong napakaordinaryo. Ang Kanyang normal na pagkatao—na labis na ordinaryo—ay patunay na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa laman, at na ang Kapanahunan ng Biyaya ang kapanahunan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang kapanahunan ng gawain ng Espiritu. Patunay ito na ang Espiritu ng Diyos ay ganap na naisasakatuparan sa katawang-tao, na sa kapanahunan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay isasagawa ng Kanyang katawang-tao ang lahat ng gawain ng Espiritu. Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naisasakatuparan ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na katwiran, at pag-iisip ng tao. Ang “pagsasakatuparan” ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging katawang-tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang gawain ng pagka-Diyos—ito ang ibig sabihin ng pagsasakatuparan, o magkatawang-tao. Sa una Niyang pagkakatawang-tao, kinailangan ng Diyos na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, dahil ang Kanyang gawain ay tumubos. Upang matubos ang buong lahi ng tao, kinailangan Niyang maging mahabagin at mapagparaya. Ang gawaing Kanyang ginawa bago Siya ipinako sa krus ay ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, na naghudyat ng Kanyang pagliligtas sa tao mula sa kasalanan at karumihan. Dahil ito ang Kapanahunan ng Biyaya, kinailangan Niyang pagalingin ang maysakit, sa pamamagitan niyon ay nagpapakita Siya ng mga tanda at himala, na kumatawan sa biyaya noong panahong iyon—sapagkat ang Kapanahunan ng Biyaya ay nakasentro sa pagkakaloob ng biyaya; ang kapayapaan, kagalakan, at materyal na mga pagpapala ay mga simbolo ng Kapanahunan ng Biyaya at ng pananalig ng mga tao kay Jesus noong panahong iyon. Ibig sabihin, ang pagpapagaling ng maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, at pagkakaloob ng biyaya ay mga likas na abilidad ng katawang-tao ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga ito ay gawain ng Espiritung naisasakatuparan sa katawang-tao. Ngunit habang nagsasagawa Siya ng gayong gawain, namuhay Siya sa katawang-tao, at hindi lumagpas sa katawang-tao. Anumang mga pagpapagaling ang Kanyang isinagawa, taglay pa rin Niya ang normal na pagkatao, namuhay pa rin Siya ng normal na buhay ng tao. Kaya Ko sinasabi na sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay isinagawa ng katawang-tao ang lahat ng gawain ng Espiritu, ay dahil anumang gawain ang Kanyang ginawa, ginawa Niya iyon sa katawang-tao. Ngunit dahil sa Kanyang gawain, hindi itinuring ng mga tao na ang Kanyang katawang-tao ay nagtataglay ng ganap na diwa ng katawang-tao, sapagkat ang katawang-taong ito ay kayang gumawa ng mga tanda, at sa mga partikular na espesyal na sandali ay kayang gumawa ng mga bagay na lagpas sa laman. Siyempre, lahat ng pangyayaring ito ay naganap pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, gaya ng pagtukso sa Kanya sa loob ng apatnapung araw o ng Kanyang pagbabagong-anyo sa bundok. Kaya kay Jesus, ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi natapos, kundi bahagi pa lamang ang natupad. Ang buhay na Kanyang ipinamuhay sa katawang-tao bago Siya nagsimula sa Kanyang gawain ay lubos na normal sa lahat ng aspekto. Matapos Niyang simulan ang gawain, pinanatili lamang Niya ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao. Dahil ang Kanyang gawain ay isang pagpapahayag ng pagka-Diyos, nahigitan nito ang normal na mga paggana ng laman. Kung tutuusin, ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay iba sa mga taong may laman at dugo. Siyempre, sa Kanyang pang-araw-araw na buhay, kinailangan Niya ng pagkain, damit, tulog, at tirahan. Ang Kanyang mga pang-araw-araw na pangangailangan ay normal sa lahat ng aspekto, at mayroon Siyang katwiran ng isang normal na tao, at nag-isip na gaya ng normal na tao. Itinuring pa rin Siya ng mga tao na isang normal na tao, kaya lamang ay labis na higit sa karaniwan ang gawaing Kanyang ginawa. Ang totoo, anuman ang Kanyang ginawa, namuhay Siya sa isang ordinaryo at normal na pagkatao, at habang mas panahon iyon ng paggampan Niya ng gawain, mas normal ang Kanyang katwiran at mas malinaw ang Kanyang mga kaisipan; nahigitan ng Kanyang katwiran at mga kaisipan ang katwiran at mga kaisipan ng sinupamang normal na tao. Kinailangan ng nagkatawang-taong Diyos na magkaroon ng ganito mismong pag-iisip at katwiran, sapagkat ang gawain ng pagka-Diyos ay kinailangang ipahayag ng isang katawang-tao na ang katwiran ay lubos na normal at na ang mga kaisipan ay napakalinaw—sa ganitong paraan lamang maipapahayag ng Kanyang katawang-tao ang gawain ng pagka-Diyos. Nabuhay si Jesus sa lupa sa loob ng tatlumpu’t tatlo’t kalahating taon, at sa buong panahong ito ay pinanatili Niya ang Kanyang normal na pagkatao, ngunit dahil sa Kanyang gawain noong panahon ng Kanyang tatlo’t kalahating taon ng ministeryo, inakala ng mga tao na Siya ay lubhang higit-sa-karaniwan, na Siya ay lalo pang sobrenatural kaysa dati. Ang totoo, ang normal na pagkatao ni Jesus ay nanatiling di-nagbabago bago at pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo; ang Kanyang pagkatao ay pareho hanggang katapusan, ngunit dahil sa pagkakaiba bago at pagkatapos Niyang simulan ang Kanyang ministeryo, dalawang magkaibang pananaw ang lumitaw tungkol sa Kanyang katawang-tao. Anuman ang isipin ng mga tao, pinanatili ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang orihinal at normal na pagkatao sa buong panahon, sapagkat mula nang magkatawang-tao ang Diyos, namuhay Siya sa katawang-tao, ang katawang-taong may normal na pagkatao. Isinasagawa man Niya noon ang Kanyang ministeryo o hindi, hindi maaaring mabura ang normal na pagkatao ng Kanyang katawang-tao, sapagkat ang pagkatao ang pangunahing diwa ng laman. Bago isinagawa ni Jesus ang Kanyang ministeryo, nanatiling ganap na normal ang Kanyang katawang-tao, ginagawa ang lahat ng ordinaryong aktibidad ng tao; kahit bahagya ay hindi Siya nagmukhang higit-sa-karaniwan, hindi nagpakita ng anumang mga tanda. Noon, isa lamang Siyang napakakaraniwang tao na sumasamba sa Diyos, bagama’t ang Kanyang paghahangad ay mas matapat, mas taos-puso kaysa kaninuman. Ganito nagpamalas ang Kanyang pagkatao, na lubos na normal. Dahil wala Siyang ginawang anumang gawain bago Niya sinimulan ang Kanyang ministeryo, walang sinumang nakabatid sa Kanyang pagkakakilanlan, walang sinumang makapagsabi na ang Kanyang katawang-tao ay naiiba sa lahat ng iba pa, sapagkat hindi Siya nagpakita ng kahit isang tanda, hindi Siya nagsagawa ng kahit katiting ng sariling gawain ng Diyos. Gayumpaman, matapos Niyang simulang isagawa ang Kanyang ministeryo, pinanatili Niya ang panlabas na anyo ng normal na pagkatao at namuhay pa rin nang may normal na katwiran ng tao, ngunit dahil sa nasimulan na Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, balikatin ang ministeryo ni Cristo, at gawin ang gawaing hindi kaya ng mortal na mga nilalang, mga taong may laman at dugo, inakala ng mga tao na wala Siyang normal na pagkatao at hindi isang ganap na normal na katawang-tao, kundi isang di-ganap na katawang-tao. Dahil sa gawaing Kanyang isinagawa, sinabi ng mga tao na Siya ay isang Diyos sa katawang-tao na walang normal na pagkatao. Walang-katotohanan ang gayong pagkaunawa, sapagkat hindi naarok ng mga tao ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang walang-katotohanang pagkaunawang ito ay umusbong mula sa katunayan na ang gawaing ipinahayag ng Diyos sa katawang-tao ay ang gawain ng pagka-Diyos, na ipinahayag sa isang katawang-tao na may normal na pagkatao. Ang Diyos ay nakabihis sa katawang-tao, nanahan sa loob ng katawang-tao, at ang Kanyang gawain sa Kanyang pagkatao ay nagpalabo sa pagiging normal ng Kanyang pagkatao. Dahil dito, naniwala ang mga tao na ang Diyos ay walang pagkatao kundi pagka-Diyos lamang.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 102
Hindi tinapos ng Diyos sa una Niyang pagkakatawang-tao ang gawain ng pagkakatawang-tao; tinapos lamang Niya ang unang hakbang ng gawain na dapat gawin ng Diyos sa katawang-tao. Kaya, upang matapos ang gawain ng pagkakatawang-tao, minsan pang nagbalik sa katawang-tao ang Diyos, isinasabuhay ang lahat ng pagiging normal at pagiging praktikal ng katawang-tao, ibig sabihin, ipinapamalas ang Daan ng Diyos sa isang katawang-tao na napakanormal at napakaordinaryo, sa gayon ay tinatapos ang gawaing hindi pa Niya natatapos sa katawang-tao. Ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay may diwa na pareho sa diwa ng nauna, ngunit higit na mas praktikal Siya, higit na mas normal kaysa sa nauna. Dahil dito, ang pagdurusang tinitiis ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay higit kaysa sa pagdurusa ng nauna, ngunit ang pagdurusang ito ay resulta ng Kanyang ministeryo sa katawang-tao, na iba sa pagdurusa ng taong nagawang tiwali. Nagmumula rin ito sa pagiging normal at pagiging praktikal ng Kanyang katawang-tao. Dahil isinasagawa Niya ang Kanyang ministeryo sa katawang-tao na lubos na normal at praktikal, kailangang magtiis ng matinding pagdurusa ang katawang-tao. Kapag mas normal at praktikal ang katawang-tao, mas magdurusa Siya sa pagsasagawa ng Kanyang ministeryo. Ang gawain ng Diyos ay ipinapahayag sa napakakaraniwang katawang-tao, nang walang anumang pagiging higit-sa-karaniwan. Dahil normal ang Kanyang katawang-tao at kailangan din nitong balikatin ang gawain ng pagliligtas ng tao, nagdurusa Siya nang mas matindi pa kaysa sa pagdurusa ng higit-sa-karaniwang katawang-tao—at lahat ng pagdurusang ito ay nagmumula sa pagiging praktikal at pagiging normal ng Kanyang katawang-tao. Mula sa pagdurusang napagdaanan ng dalawang nagkatawang-taong laman habang isinasagawa ang Kanilang mga ministeryo, makikita ng isang tao ang diwa ng nagkatawang-taong laman. Kapag mas normal ang katawang-tao, mas matinding pagdurusa ang kailangan Niyang tiisin habang ginagawa ang gawain; kapag mas praktikal ang katawang-taong gumagawa ng gawain, mas tumitindi ang mga kuru-kuro ng tao, at mas malaki ang sinusuong niyang panganib. Subalit, kapag mas praktikal ang katawang-tao, at mas taglay ng katawang-tao ang mga pangangailangan at ganap na katwiran ng isang normal na tao, mas may kapabilidad Siyang pasanin ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Si Jesus ay ipinako sa krus sa pamamagitan ng katawang-tao, at nagsilbi Siya bilang isang handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao, ibig sabihin, sa pamamagitan ng isang katawang-taong may normal na pagkatao na ginapi Niya si Satanas at ganap na iniligtas ang tao mula sa krus. Sa pamamagitan ng isang ganap na katawang-tao na isinasagawa ng pangalawang nagkatawang-taong Diyos ang gawain ng panlulupig at tinatalo si Satanas. Ang isang katawang-tao lamang na ganap na normal at praktikal ang makakapagsagawa sa gawain ng panlulupig sa kabuuan nito at ang makapagbibigay ng isang makapangyarihang patotoo. Ibig sabihin, ang paglupig sa tao ay nakakamit ang epekto nito sa pamamagitan ng pagiging praktikal at pagiging normal ng Diyos sa katawang-tao, hindi sa pamamagitan ng higit-sa-karaniwang mga himala at paghahayag. Ang ministeryong isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-taong ito ay ang magsalita, at sa pamamagitan ng pagsasalita Niya nilulupig at pineperpekto ang tao; sa madaling salita, ang gawain ng Espiritu na naisakatuparan sa katawang-tao ay ang magsalita at ang gawain ng katawang-tao ay ang magsalita, nang sa gayon ay nakakamit ang layon ng ganap na panlulupig, pagbubunyag, pagpeperpekto, at pagtitiwalag sa mga tao. At kaya, sa gawain ng panlulupig ganap na maisasakatuparan ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang gawain ng pagbabayad para sa mga kasalanan ng tao na ginampanan noong una ay simula lamang ng gawain ng pagkakatawang-tao; tanging ang katawang-taong nagsasagawa ng gawain ng panlulupig ang tatapos sa buong gawain ng pagkakatawang-tao. Sa kasarian, ang isa ay lalaki at ang isa pa ay babae, kaya nakokompleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at naiwawaksi ang mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Diyos: Ang Diyos ay maaaring maging kapwa lalaki at babae, at sa diwa, ang Diyos na nagkatawang-tao ay walang kasarian. Nilikha Niya kapwa ang lalaki at babae, at para sa Kanya, walang pagkakahati ng kasarian. Sa yugtong ito ng gawain, hindi nagsasagawa ng mga tanda at himala ang Diyos, para makamit ng gawain ang mga resulta nito sa pamamagitan ng mga salita. Bukod pa riyan, ito ay dahil ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos sa pagkakataong ito ay hindi ang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi upang lupigin ang tao sa pamamagitan ng pagsasalita, na ibig sabihin ay na ang mga likas na abilidad na taglay ng nagkatawang-taong laman na ito ng Diyos ay ang sumambit ng mga salita at lupigin ang tao, hindi para magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao ay hindi ang gumawa ng mga tanda, hindi upang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, kundi ang magsalita, kaya ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay mukhang mas normal sa mga tao kaysa sa una. Sa paningin ng mga tao, naging tao nga ang Diyos. Gayumpaman, iba itong Diyos na nagkatawang-tao kay Jesus na nagkatawang-tao, at kahit pareho Silang Diyos na nagkatawang-tao, hindi Sila lubos na magkapareho. Si Jesus ay nagtaglay ng normal na pagkatao, ordinaryong pagkatao, ngunit sinusundan Siya ng maraming tanda at himala. Sa Diyos na ito na nagkatawang-tao, ang mga mata ng tao ay walang makikitang mga tanda o himala, walang pagpapagaling ng maysakit ni pagpapalayas ng mga demonyo, ni paglakad sa ibabaw ng dagat, ni pag-aayuno sa loob ng apatnapung araw…. Hindi Niya ginagawa ang gawaing pareho sa ginawa ni Jesus, hindi dahil, sa diwa, ang Kanyang katawang-tao ay iba kaysa kay Jesus, kundi dahil hindi ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ang Kanyang ministeryo. Hindi Niya sinisira ang Kanyang sariling gawain, hindi Niya ginugulo ang Kanyang sariling gawain. Dahil nilulupig Niya ang tao sa pamamagitan ng Kanyang praktikal na mga salita, hindi na kailangan pang supilin ang tao gamit ang mga tanda, kaya ang yugtong ito ay upang tapusin ang gawain ng pagkakatawang-tao. Ang Diyos na nagkatawang-tao na nakikita mo ngayon ay ganap na isang katawang-tao, at walang anumang higit-sa-karaniwan tungkol sa Kanya. Siya ay nagkakasakit tulad ng iba, nangangailangan ng pagkain at damit tulad ng iba; Siya ay ganap na isang katawang-tao. Kung, sa pagkakataong ito, nagsagawa ang Diyos na nagkatawang-tao ng mga tanda at himalang higit-sa-karaniwan, kung nagpagaling Siya ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, o magagawa Niyang pumatay gamit lang ang isang salita, paano maisasakatuparan ang gawain ng panlulupig? Paano mapapalaganap ang gawain sa mga bayan ng Hentil? Ang pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, iyon ang unang hakbang sa gawain ng pagtubos, at ngayong nailigtas na ng Diyos ang tao mula sa krus, hindi na Niya isinasagawa ang gawaing iyon. Kung, sa mga huling araw, nagpakita ang isang “Diyos” na kapareho ni Jesus, na nagpagaling ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, at ipinako sa krus para sa tao, ang “Diyos” na iyon, bagama’t kaparehong-kapareho ng inilarawang Diyos sa Bibliya at madaling matatanggap ng tao, sa diwa nito ay hindi magiging katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos, kundi ng isang masamang espiritu. Sapagkat prinsipyo ng gawain ng Diyos na hindi kailanman ulitin ang natapos na Niya. Kaya nga, ang gawain ng pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay iba sa gawain ng nauna. Sa mga huling araw, isinasakatuparan ng Diyos ang gawain ng panlulupig sa isang ordinaryo at normal na katawang-tao; hindi Niya pinagagaling ang maysakit, hindi Siya ipapako sa krus para sa tao, kundi nagsasalita lamang ng mga salita sa katawang-tao, at nilulupig Niya ang tao sa katawang-tao. Ang gayong katawang-tao lamang ang katawang-tao ng Diyos na nagkatawang-tao; ang gayong katawang-tao lamang ang makatatapos sa gawain ng Diyos sa katawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 103
Kung sa yugtong ito ay nagtitiis man ng pagdurusa o gumagampan ng Kanyang ministeryo ang nagkatawang-taong Diyos, ginagawa Niya ito upang gawing ganap ang kahulugan ng pagkakatawang-tao, sapagkat ito ang huling pagkakatawang-tao ng Diyos. Dalawang beses lamang maaaring magkatawang-tao ang Diyos. Hindi maaaring magkaroon ng pangatlong beses. Ang unang nagkatawang-taong Diyos ay lalaki, ang pangalawa ay babae, at kaya ang wangis ng katawang-tao ng Diyos ay nakokompleto sa isipan ng tao; bukod doon, natapos na ng dalawang pagkakatawang-tao ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Sa unang pagkakataon, nagtaglay ang Diyos na nagkatawang-tao ng normal na pagkatao upang gawing ganap ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Sa pagkakataong ito ay nagtataglay rin Siya ng normal na pagkatao, ngunit iba ang kahulugan ng pagkakatawang-taong ito: Ito ay mas malalim, at ang Kanyang gawain ay may mas malalim na kabuluhan. Ang dahilan kaya minsan pang naging tao ang Diyos ay upang gawing ganap ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Kapag lubos na nawakasan ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, ang buong kahulugan ng pagkakatawang-tao, ibig sabihin, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, ay makokompleto, at wala nang gawaing gagawin sa katawang-tao. Ibig sabihin, mula ngayon ay hindi na kailanman muling paparito ang Diyos sa katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain. Ginagawa lamang ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao upang iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Sa madaling salita, kung hindi para sa kapakanan ng gawain, hinding-hindi paparito ang Diyos sa katawang-tao nang basta-basta. Sa pagparito sa katawang-tao upang gumawa, ipinapakita Niya kay Satanas na ang Diyos ay isang katawang-tao, isang normal na tao, isang ordinaryong tao—subalit kaya Niyang talunin ang mundo, talunin si Satanas, tubusin ang sangkatauhan, at lupigin ang sangkatauhan! Ang layon ng gawain ni Satanas ay ang gawing tiwali ang sangkatauhan, habang ang layon ng gawain ng Diyos ay ang iligtas ang sangkatauhan. Binibitag ni Satanas ang tao sa walang hanggang hukay, samantalang inililigtas siya ng Diyos mula rito. Ang mga tao ay pinasasamba ni Satanas sa sarili nito, samantalang isinasailalim sila ng Diyos sa Kanyang kapamahalaan, sapagkat Siya ang Lumikha. Ang mga resulta ng lahat ng gawaing ito ay nakakamit sa pamamagitan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa diwa, ang Kanyang katawang-tao ay ang pagsasama ng pagkatao at pagka-Diyos, at nagtataglay ng normal na pagkatao. Kaya kung wala ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, hindi makakapagkamit ng mga resulta ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at kung walang normal na pagkatao ang Kanyang katawang-tao, hindi pa rin makapagkakamit ang Kanyang gawain sa katawang-tao ng mga resulta. Ang diwa ng nagkatawang-taong Diyos ay na kailangan Siyang magtaglay ng normal na pagkatao; kung hindi, sasalungat ito sa orihinal na layunin ng Diyos sa pagkakatawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 104
Bakit Ko sinasabi na hindi nakompleto ang kahulugan ng pagkakatawang-tao sa gawain ni Jesus? Dahil ang Daan ay hindi lubos na naging tao. Ang ginawa ni Jesus ay isang bahagi lamang ng gawain ng Diyos sa katawang-tao; ginawa lamang Niya ang gawain ng pagtubos, at hindi Niya ginawa ang gawain ng lubusang pagkamit sa tao. Dahil dito, minsan pang naging tao ang Diyos sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng gawain ay ginagawa rin sa isang ordinaryong katawang-tao; isinasagawa ito ng isang lubos na normal na tao, isang tao na ang pagkatao ay hindi higit-sa-karaniwan ni katiting. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap na tao; Siya ay isang taong ang pagkakakilanlan ay sa Diyos, isang ganap na tao, isang ganap na katawang-tao, na nagsasagawa ng gawain. Nakikita ng mga mata ng tao ang isang katawang may laman na hindi higit-sa-karaniwan kahit kaunti, isang lubhang ordinaryong taong nakapagsasalita ng wika ng langit, na hindi nagpapakita ng mga tanda, hindi gumagawa ng mga himala, lalo nang hindi naglalantad ng tunay na kuwento sa likod ng relihiyon sa malalaking bulwagan ng pagpupulong. Para sa mga tao, ang gawain ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay tila lubos na hindi kagaya ng sa una, at tila wala man lang anumang pagkakatulad ang dalawa—walang anumang nasa gawain ng nauna ang makikita sa pagkakataong ito. Bagama’t ang gawain ng pangalawang nagkatawang-taong laman ay iba kaysa sa una, hindi niyan pinatutunayan na ang pinagmulan Nila ay hindi iisa. Pareho man ang Kanilang pinagmulan ay depende sa kalikasan ng gawaing ginawa ng mga katawang-taong ito, at hindi sa Kanilang panlabas na anyo. Sa tatlong yugto ng Kanyang gawain, dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos, at sa parehong pagkakataon ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, nagsisimula ng panibagong gawain; pinupunan ng mga pagkakatawang-tao ang isa’t isa. Imposibleng matukoy ng mga mata ng tao na ang dalawang katawang-tao ay talagang iisa ang pinagmulan. Siyempre, lagpas ito sa kapasidad ng mata ng tao o ng isipan ng tao. Ngunit sa Kanilang diwa, Sila ay iisa, sapagkat ang Kanilang gawain ay mula sa iisang Espiritu. Nagmumula man ang dalawang nagkatawang-taong laman sa iisang pinagmulan ay hindi mapagpapasyahan ng panahon o ng lugar kung saan Sila isinilang, o ng iba pang gayong mga salik, kundi sa pamamagitan ng gawain ng pagka-Diyos na Kanilang ipinahayag. Ang pangalawang nagkatawang-taong laman ay hindi nagsasagawa ng anuman sa gawaing ginawa ni Jesus, sapagkat ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa nakasanayan, kundi nagbubukas ng isang bagong daan sa bawat pagkakataon. Ang pangalawang pagkakatawang-tao ay hindi nilayong palalimin o patatagin ang impresyon sa isipan ng mga tao sa unang katawang-tao, kundi ang maging komplementaryo at magpabuti sa wangis ng unang katawang-tao sa kanilang mga isipan, palalimin ang pagkakilala ng tao sa Diyos, baliin ang lahat ng regulasyon na umiiral sa puso ng mga tao, at burahin ang mga walang-katotohanang wangis ng diyos sa kanilang puso. Masasabi na walang indibidwal na yugto ng sariling gawain ng Diyos ang makapagbibigay sa tao ng lubos na pagkakilala sa Kanya; bawat isa ay nagbibigay lamang ng isang bahagi, hindi ng kabuuan. Bagama’t ipinahayag na ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon, dahil sa limitadong abilidad ng tao na makaarok, hindi pa rin kompleto ang kanyang pagkakilala sa Diyos. Imposible na ganap na maipaliwanag ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos gamit ang wika ng tao. Kung gayon, paano pa lubos na maipapahayag ng iisang yugto ng Kanyang gawain ang Diyos? Siya ay gumagawa sa katawang-tao sa ilalim ng tabing ng Kanyang normal na pagkatao, at makikilala lamang Siya ng isang tao sa pamamagitan ng mga pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos, hindi sa pamamagitan ng Kanyang panlabas na anyo. Pumaparito ang Diyos sa katawang-tao para tulutan ang tao na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang iba’t ibang gawain, at hindi magkapareho ang lahat ng yugto ng Kanyang gawain. Sa ganitong paraan lamang maaaring magkaroon ang tao ng buong pagkakilala sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ito limitahan sa isang partikular na saklaw. Bagama’t magkaiba ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman, ang diwa ng mga katawang-tao, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; kaya lamang ay umiiral Sila para isagawa ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumilitaw Sila sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ano’t anuman, iisa ang diwa at pinagmulan ng mga nagkatawang-taong laman ng Diyos—ito ay isang bagay na walang sinumang makapagkakaila.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 105
Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong dinamitan ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang taong makalaman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil si Cristo ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, sa halip na pagiging sa laman. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ay para panatilihin ang lahat ng normal na aktibidad Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos Niya, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, na ibig sabihin, ang pagka-Diyos. Samakatwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sumisira sa sarili Niyang gawain, at hindi rin Siya bibigkas kailanman ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban. Samakatwid, hinding-hindi gagawa kailanman ang Diyos na nagkatawang-tao ng anumang gawaing gumagambala sa sarili Niyang pamamahala. Ito ang dapat maunawaan ng lahat ng tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay ang iligtas ang tao, at para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Katulad nito, ang gawain ni Cristo ay ang iligtas din ang tao, at alang-alang sa kalooban ng Diyos. Yamang nagkatawang-tao ang Diyos, naisasakatuparan Niya ang diwa Niya sa loob ng Kanyang katawang-tao, sa paraang sapat na ang katawang-tao Niya upang balikatin ang Kanyang gawain. Samakatwid, ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo habang nasa panahon ng pagkakatawang-tao, at ang nasa kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Hindi ito maaaring ihalo sa gawain mula sa anumang ibang kapanahunan. At yamang nagiging tao ang Diyos, gumagawa Siya sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang pumaparito Siya sa katawang-tao, tinatapos Niya sa gayon sa katawang-tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Espiritu ng Diyos man o si Cristo, kapwa Sila ang Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay Pagpapasakop sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 106
Nagtataglay ng awtoridad ang mismong pinakadiwa ng Diyos, ngunit nagagawa Niyang magpasakop sa lahat ng awtoridad na nagmumula sa Kanya. Gawain man ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, hindi sumasalungat sa isa’t isa ang mga ito. Ang Espiritu ng Diyos ang awtoridad sa lahat ng bagay. Nagtataglay din ng awtoridad ang katawang-taong may diwa ng Diyos, ngunit kayang gawin ng Diyos sa katawang-tao ang lahat ng gawaing nagpapasakop sa kalooban ng Ama sa langit. Hindi ito matatamo o maiisip ng sinumang tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, ngunit kayang magpasakop ng katawang-tao Niya sa Kanyang awtoridad. Ito ang tunay na kabuluhan ng “Nagpapasakop si Cristo sa kalooban ng Diyos Ama.” Isang Espiritu ang Diyos at kaya Niyang gawin ang gawain ng pagliligtas, at gayon din ang Diyos na naging tao. Sa ano’t anuman, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng sarili Niyang gawain; hindi Siya nanggagambala ni nanggugulo, lalong hindi Siya nagsasakatuparan ng gawaing sumasalungat sa sarili nito, dahil iisa lang ang diwa ng gawaing ginagawa ng Espiritu at ng katawang-tao. Espiritu man o katawang-tao, kapwa Silang gumagawa upang tuparin ang iisang kalooban at upang pamahalaan ang iisang gawain. Bagama’t may dalawang magkaibang katangian ang Espiritu at ang katawang-tao, iisa lang ang kanilang diwa; kapwa Sila may diwa ng Diyos Mismo, at pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Hindi nagtataglay ang Diyos Mismo ng mga sangkap ng paghihimagsik; mabuti ang Kanyang diwa. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pagmamahal. Kahit sa katawang-tao, hindi gumagawa ang Diyos ng anumang naghihimagsik laban sa Diyos Ama. Maging kabayaran man ang pag-aalay ng Kanyang buhay, buong puso Siyang handa na gawin ito, at wala na Siyang ibang pipiliin. Hindi nagtataglay ang Diyos ng mga sangkap ng pagmamagaling o labis na pagpapahalaga sa sarili, o yaong sa kapalaluan at pagmamataas; hindi Siya nagtataglay ng mga sangkap ng pagiging baliko. Nagmumula kay Satanas ang lahat ng naghihimagsik laban sa Diyos; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan ng pagkakaroon ng tao ng mga katangiang kapareho ng kay Satanas ay dahil nagawa nang tiwali at naproseso na ni Satanas ang tao. Hindi nagawang tiwali ni Satanas si Cristo, kaya’t ang mga katangian ng Diyos ang tangi Niyang tinataglay, at hindi ang alinman sa mga katangian ni Satanas. Gaano man kahirap ang gawain o gaano man kahina ang katawang-tao, habang nabubuhay Siya sa katawang-tao, hindi kailanman gagawa ang Diyos ng anumang bagay na gagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo nang hindi Siya tatalikod sa kalooban ng Diyos Ama at maghihimagsik. Mas gugustuhin pa Niyang magdusa ng mga pasakit ng katawang-tao kaysa salungatin ang kalooban ng Diyos Ama; tulad ito ng sinabi ni Jesus sa panalangin, “Ama, kung maaari, hayaan Mong lumampas mula sa Akin ang sarong ito: gayumpaman, hindi ayon sa kalooban Ko, kundi ayon sa kalooban Mo.” Gumagawa ng sarili nilang mga pagpili ang mga tao, ngunit hindi si Cristo. Bagama’t mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa perspektiba ng katawang-tao. Isang bagay ito na hindi kayang matamo ng tao. Ang nanggagaling kay Satanas ay hindi maaaring magkaroon ng diwa ng Diyos; maaari lamang itong magkaroon ng diwang naghihimagsik at lumalaban sa Diyos. Hindi ito ganap na makapagpapasakop sa Diyos, lalo nang hindi ito kusang-loob na makapagpapasakop sa kalooban ng Diyos. Ang lahat ng tao maliban kay Cristo ay kayang gawin iyong lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tao ang tuwirang makapagsasabalikat ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; wala ni isa ang magagawang ituring ang pamamahala ng Diyos bilang sarili niyang tungkuling gagampanan. Pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ang diwa ni Cristo; paghihimagsik laban sa Diyos naman ang katangian ni Satanas. Hindi magkaayon ang dalawang katangiang ito, at hindi matatawag na Cristo ang sinumang may mga katangian ni Satanas. Ang dahilan kaya hindi magagawa ng tao ang gawain ng Diyos bilang kahalili Niya ay dahil walang anumang diwa ng Diyos ang tao. Gumagawa ang tao para sa Diyos alang-alang sa mga pansariling interes at kinabukasan ng tao, ngunit gumagawa si Cristo upang sumunod sa kalooban ng Diyos Ama.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay Pagpapasakop sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 107
Ang pagkatao ni Cristo ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagama’t nasa katawang-tao Siya, hindi lubusang katulad ng sa isang makalamang tao ang Kanyang pagkatao. Mayroon Siyang sarili Niyang namumukod-tanging personalidad, at pinamamahalaan din ito ng pagka-Diyos Niya. Walang kahinaan ang pagka-Diyos Niya; ang kahinaan ni Cristo ay tumutukoy sa Kanyang pagkatao. Sa isang antas, napipigilan ng kahinaang ito ang pagka-Diyos Niya, ngunit nakapaloob sa isang tiyak na saklaw at oras ang gayong mga limitasyon, at hindi walang hangganan. Pagdating ng oras upang isakatuparan ang gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ginagawa ito nang hindi alintana ang pagkatao Niya. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa normal na buhay ng pagkatao Niya, ang lahat ng iba pang mga kilos ng Kanyang pagkatao ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan, at napapatnubayan ng pagka-Diyos Niya. Bagama’t may pagkatao si Cristo, hindi ito nakakagulo sa gawain ng pagka-Diyos Niya, at ito ay mismong dahil pinapatnubayan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao; bagama’t wala pa sa gulang ang pagkatao Niya pagdating sa mga makamundong pakikitungo, hindi ito nakaaapekto sa normal na gawain ng pagka-Diyos Niya. Kapag sinasabi Kong hindi nagawang tiwali ang Kanyang pagkatao, ang ibig Kong sabihin ay direktang mapapatnubayan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao, at ito ay nagtataglay ng mas higit na katwiran kaysa sa taglay ng ordinaryong tao. Pinakanababagay ang pagkatao Niya na mapatnubayan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang pagkatao Niya ay magagawa nang higit sa lahat na magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at magagawa nang higit sa lahat na magpasakop sa ganoong gawain. Habang gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, hindi Niya kailanman napapabayaan ang tungkuling dapat gampanan ng isang tao sa katawang-tao; nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit nang may tunay na puso. May diwa Siya ng Diyos, at ang pagkakakilanlan Niya ay ang sa Diyos Mismo. Pumarito lamang Siya sa lupa at naging isang nilikha, na may panlabas na anyo ng isang nilikha, at nagtataglay ngayon ng pagkataong hindi Niya dating taglay. Nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit; ito ang pagiging Diyos ng Diyos Mismo at hindi ito mapaparisan ng tao. Ang pagkakakilanlan Niya ay Diyos Mismo. Sumasamba Siya sa Diyos mula sa perspektiba ng katawang-tao; samakatwid, ang mga salitang “Sumasamba si Cristo sa Diyos sa langit” ay hindi mali. Ang hinihingi Niya sa mga tao ay ang mismong pagiging Diyos Niya; nagawa na Niya ang lahat ng Kanyang hinihingi sa mga tao bago pa Niya hingin sa kanila ang mga iyon. Hindi Siya kailanman hihingi sa iba samantalang Siya Mismo ay malaya mula sa mga ito, dahil ang lahat ng ito ay bumubuo sa Kanyang pagiging Diyos. Paano man Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi Siya kikilos sa paraang naghihimagsik laban sa Diyos. Anupaman ang hingin Niya sa tao, walang hiling na lalagpas sa kayang matamo ng tao. Ang lahat ng ginagawa Niya ay yaong sumusunod sa kalooban ng Diyos at alang-alang sa Kanyang pamamahala. Higit sa lahat ng tao ang pagka-Diyos ni Cristo; samakatwid, Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng nilikha. Ang awtoridad na ito ang pagka-Diyos Niya, na ibig sabihin, ang disposisyon at pagiging Diyos ng Diyos Mismo, na nagtatakda sa Kanyang pagkakakilanlan. Samakatwid, gaano man kanormal ang pagkatao Niya, hindi maikakaila na taglay Niya ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; sa kung anumang pananaw Siya nagsasalita at paano man Siya nagpapasakop sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihin na hindi Siya ang Diyos Mismo. Malimit na itinuturing ng mga taong hangal at mangmang na isang kapintasan ang normal na pagkatao ni Cristo. Paano man Niya ipinapahayag at ibinubunyag ang pagiging Diyos ng Kanyang pagka-Diyos, hindi magawa ng tao na kilalanin na Siya ay si Cristo. At habang mas ipinakikita ni Cristo ang pagpapasakop at pagpapakumbaba Niya, lalong minamaliit ng mga hangal na tao si Cristo. Mayroon pa ngang mga nagkakaroon ng saloobin na ibukod at hamakin Siya, subalit inilalagay sa hapag upang sambahin yaong mga “dakilang tao” na may matatayog na imahe. Ang paglaban at paghihimagsik ng tao sa Diyos ay nagmumula sa katunayan na ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay pagpapasakop sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa normal na pagkatao ni Cristo; ito ang pinagmumulan ng paglaban at paghihimagsik ng tao sa Diyos. Kung si Cristo ay walang panlabas na anyo ng Kanyang pagkatao at hindi Niya hinanap ang kalooban ng Diyos Ama mula sa perspektiba ng isang nilikha, kundi sa halip ay nagtaglay ng isang higit-sa-karaniwang pagkatao, malamang na malamang ay walang magiging paghihimagsik sa hanay ng tao. Ang dahilan kung bakit laging nakahanda ang tao na maniwala sa isang hindi nakikitang Diyos sa langit ay dahil walang pagkatao ang Diyos sa langit, at hindi rin Siya nagtataglay ng kahit isang katangian ng isang nilikha. Samakatwid, palagi Siyang tinitingnan ng tao nang may pinakamataas na pagpapahalaga, ngunit may tinataglay itong saloobin ng paghamak kay Cristo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay Pagpapasakop sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 108
Bagama’t nagagawa ni Cristo sa lupa na gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, hindi Siya pumaparito na may layuning ipakita sa lahat ng tao ang wangis Niya sa katawang-tao. Hindi Siya pumaparito upang mamasdan Siya ng lahat ng tao; pumaparito Siya upang tulutan ang tao na maakay ng kamay Niya, at sa gayon ay makapasok ang tao sa bagong kapanahunan. Ang katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo, na ibig sabihin, para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang-kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang diwa ng katawang-tao Niya. Paano man Siya gumagawa, wala sa ginagawa Niya ang lumalampas sa matatamo ng katawang-tao. Paano man Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi Niya lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng Diyos. Dagdag pa rito, ang gawain Niya sa katawang-tao ay hindi kailanman kasingsobrenatural o hindi masusukat tulad ng maiisip ng tao. Bagama’t kinakatawan ni Cristo ang Diyos Mismo sa katawang-tao at isinasakatuparan mismo ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya ikinakaila ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni ipinahahayag nang may pagpapasikat ang sarili Niyang mga gawa. Sa halip, nananatili Siyang nakatago, mapagpakumbaba, nasa loob ng Kanyang katawang-tao. Bukod kay Cristo, yaong mga huwad na umaangking sila ay cristo ay hindi nagtataglay ng Kanyang mga katangian. Kapag inihambing sa mayabang at nagtataas-sa-sariling disposisyon ng mga huwad na cristong iyon, nagiging malinaw kung anong uri ng katawang-tao ang tunay na Cristo. Habang ang isang tao ay mas huwad na cristo, mas ipangangalandakan niya ang sarili niya, at mas may kakayahan siyang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan upang ilihis ang tao. Walang mga katangian ng Diyos ang mga huwad na cristo; hindi nadudungisan si Cristo ng kahit anong sangkap na pagmamay-ari ng mga huwad na cristo. Nagkakatawang-tao lamang ang Diyos upang tapusin ang gawain ng katawang-tao, hindi para lamang pahintulutang makita Siya ng tao. Sa halip, hinahayaan Niyang ang gawain Niya ang magpatunay ng Kanyang pagkakakilanlan, at hinahayaan yaong ibinubunyag Niya ang magpatunay sa Kanyang diwa. Ang diwa Niya ay hindi walang batayan; hindi kinamkam ng Kanyang kamay ang pagkakakilanlan Niya; itinatakda ito sa pamamagitan ng Kanyang gawain at Kanyang diwa. Bagama’t may diwa Siya ng Diyos Mismo at may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, sa dakong huli, Siya ay katawang-tao pa rin, hindi katulad ng Espiritu. Hindi Siya Diyos na may mga katangian ng Espiritu; Siya ay Diyos na may anyo ng laman. Samakatwid, gaano man Siya kanormal at gaano man Siya kahina, at paano man Niya hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama, hindi maikakaila ang pagka-Diyos Niya. Umiiral sa loob ng nagkatawang-taong Diyos hindi lamang ang isang normal na pagkatao at ang mga kahinaan nito; higit pa rito ay umiiral dito ang pagiging kahanga-hanga at pagiging di-maarok ng pagka-Diyos Niya, pati na rin ang lahat ng gawa Niya sa katawang-tao. Samakatwid, kapwa tunay na umiiral ang pagkatao at pagka-Diyos sa loob ni Cristo, at hindi hungkag o sobrenatural kahit kaunti. Dumarating Siya sa lupa na may pangunahing layunin na magsakatuparan ng gawain; kinakailangang magtaglay ng isang normal na pagkatao upang maisakatuparan ang gawain sa lupa; kung hindi, gaano man kadakila ang kapangyarihan ng pagka-Diyos Niya, hindi mailalagay sa mabuting paggagamitan ang orihinal na tungkulin nito. Bagama’t napakahalaga ng Kanyang pagkatao, hindi ito ang Kanyang diwa. Ang pagka-Diyos ang diwa Niya; samakatwid, ang sandaling magsisimula na Siyang gampanan ang ministeryo Niya sa lupa ay ang sandaling magsisimula na Siyang ipahayag ang pagiging Diyos ng Kanyang pagka-Diyos. Umiiral ang pagkatao Niya para lamang mapanatili ang normal na buhay ng Kanyang katawang-tao upang normal na maisakatuparan ng Kanyang pagka-Diyos sa katawang-tao ang gawain; ang pagka-Diyos ang lubos na nagpapatnubay sa gawain Niya. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, natupad na Niya ang Kanyang ministeryo. Ang dapat malaman ng tao ay ang kabuuan ng Kanyang gawain, at sa pamamagitan ng gawain Niya nabibigyang-daan Niya ang tao na makilala Siya. Sa buong takbo ng Kanyang gawain, lubusan Niyang ipinapahayag ang pagiging Diyos ng Kanyang pagka-Diyos—nang hindi nahahaluan ng disposisyon ng pagkatao, o nahahaluan ng kaisipan at gawa-ng-tao na pagiging tao. Kapag dumating na ang oras na ang lahat ng ministeryo Niya ay nagwakas na, perpekto at ganap na Niyang naipahayag ang disposisyong dapat Niyang ipahayag. Hindi ginagabayan ng tagubilin ng sinumang tao ang Kanyang gawain; ang pagpapahayag ng disposisyon Niya ay ganap na malaya rin, at hindi kinokontrol ng isip o pinoproseso ng kaisipan, kundi likas na ibinubunyag. Isang bagay ito na walang tao ang makapagtatamo. Kahit pa malupit ang kapaligiran o hindi kanais-nais ang mga kalagayan, nagagawa Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon sa naaangkop na oras. Ang Isang si Cristo ay nagpapahayag ng kung ano si Cristo, samantalang yaong mga hindi ay hindi nagtataglay ng disposisyon ni Cristo. Samakatwid, kahit na nilalabanan Siya ng lahat o may mga kuru-kuro sila sa Kanya, walang makapagkakaila batay sa mga kuru-kuro ng tao na ang disposisyong ipinapahayag ni Cristo ay ang sa Diyos. Ang lahat ng yaong mga naghahangad kay Cristo nang may tunay na puso o sadyang naghahanap sa Diyos ay aamining Siya ay si Cristo batay sa pagpapahayag ng pagka-Diyos Niya. Hindi nila kailanman ipagkakaila si Cristo sa batayan ng anumang aspekto Niyang hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Bagama’t napakahangal ng tao, alam ng lahat kung ano mismo ang umuusbong mula sa kalooban ng tao at kung ano ang nagmumula sa Diyos. Sadya lamang na maraming tao ang sinasadyang labanan si Cristo bilang bunga ng sarili nilang mga intensiyon. Kung hindi dahil dito, wala kahit isang tao ang magkakaroon ng dahilang ikaila ang pag-iral ni Cristo, dahil totoong umiiral ang pagka-Diyos na ipinahayag ni Cristo, at kayang masaksihan ang gawain Niya ng mata lamang.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay Pagpapasakop sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 109
Ang gawain at pagpapahayag ni Cristo ang nagtatakda sa Kanyang diwa. Nagagawa Niyang kumpletuhin nang may tunay na puso yaong ipinagkatiwala sa Kanya. Nagagawa Niyang sambahin nang may tunay na puso ang Diyos sa langit, at hanapin ang kalooban ng Diyos Ama nang may tunay na puso. Naitatakda ang lahat ng ito ng diwa Niya. At gayundin naitatakda ng Kanyang diwa ang likas na paghahayag Niya; ang dahilan kaya tinatawag Ko itong “likas na pagbubunyag” Niya ay dahil ang paghahayag Niya ay hindi panggagaya, o bunga ng pagtuturo ng tao, o bunga ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutuhan o iginayak sa sarili Niya; sa halip, likas ito sa loob Niya. Maaaring ikaila ng tao ang Kanyang gawain, ang Kanyang pagpapahayag, ang Kanyang pagkatao, at ang buong buhay ng Kanyang normal na pagkatao, ngunit walang makapagkakailang sinasamba Niya ang Diyos sa langit nang may tunay na puso; walang makapagkakailang pumarito Siya upang tuparin ang kalooban ng Ama sa langit, at walang makapagkakaila sa kasigasigan ng paghahanap Niya sa Diyos Ama. Bagama’t hindi kaaya-aya sa mga pandama ang Kanyang wangis, hindi nagtataglay ng pambihirang awra ang pananalita Niya, at hindi kasingnakagugunaw ng mundo o nakayayanig ng langit ang gawain Niya na tulad ng inaakala ng tao, Siya talaga si Cristo, na tumutupad nang may tunay na puso sa kalooban ng Ama sa langit, ganap na nagpapasakop sa Ama sa langit, at mapagpasakop hanggang sa kamatayan. Ito ay sapagkat ang diwa Niya ay ang diwa ni Cristo. Mahirap para sa tao na paniwalaan ang katunayang ito, ngunit ito ay katunayan. Kapag ganap nang natupad ang ministeryo ni Cristo, magagawang makita ng tao mula sa gawain Niya na ang Kanyang disposisyon at pagiging Diyos ay kumakatawan sa disposisyon at pagiging Diyos ng Diyos sa langit. Sa oras na iyon, sa pamamagitan ng pagbubuod ng Kanyang buong gawain, makukumpirma ng tao na Siya talaga ang Daang naging katawang-tao, at ang Kanyang laman ay hindi katulad ng laman ng taong sa laman at dugo. Bawat hakbang ng gawain ni Cristo sa lupa ay may kinakatawang kabuluhan, ngunit ang tao na nakararanas ng pinakabagong gawain ng bawat hakbang ay hindi nagagawang makita nang malinaw ang kabuluhan ng gawain Niya. Lalo nang ganito sa ilang hakbang ng gawaing isinasakatuparan ng Diyos sa ikalawang pagkakatawang-tao Niya. Karamihan sa yaong mga nakarinig o nakakita lamang sa mga salita ni Cristo subalit hindi pa Siya kailanman nakita ay walang mga kuru-kuro sa gawain Niya; yaong mga nakakita na kay Cristo at nakarinig na sa mga salita Niya, gayundin ang nakaranas na ng gawain Niya, ay nahihirapang tanggapin ang Kanyang gawain. Hindi ba’t ito ay dahil hindi ayon sa panlasa ng tao ang kaanyuan at ang normal na pagkatao ni Cristo? Yaong mga tumatanggap sa gawain Niya pagkaraang umalis ni Cristo ay hindi magkakaroon ng ganoong mga paghihirap, dahil tinatanggap lamang nila ang gawain Niya at hindi sila nakikipag-ugnayan sa normal na pagkatao ni Cristo. Hindi kayang bitiwan ng tao ang mga kuru-kuro niya sa Diyos at sa halip ay masusi Siyang sinisiyasat; dahil ito sa katunayang nakatuon lamang ang tao sa kaanyuan Niya at hindi nito makilala ang diwa Niya batay sa Kanyang gawain at mga salita. Kung ipipikit ng tao ang mga mata nito sa kaanyuan ni Cristo o iiwasang talakayin ang pagkatao ni Cristo, at magsasalita lamang tungkol sa pagka-Diyos Niya, na ang gawain at mga salita ay hindi maaabot ng kahit sinumang tao, mangangalahati ang mga kuru-kuro ng tao, maging hanggang sa puntong malulutas ang lahat ng paghihirap ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay Pagpapasakop sa Kalooban ng Ama sa Langit
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 110
Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, dinadala Niya ang gawaing nilalayon Niyang gawin, at dahil Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, ipinapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid sa tao ang katotohanan, pagkalooban ito ng buhay, at ituro dito ang daan. Ang laman na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung nilalayon ng tao na suriin kung ito ba ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, kailangan itong tukuyin ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag ng Diyos at sa mga salitang sinasambit ng Diyos. Ibig sabihin, para matukoy kung ito nga ba ang nagkatawang-taong laman ng Diyos o hindi, at kung ito nga ba ang tunay na daan o hindi, kailangang makilala ang kaibhan batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, ang susi sa kung ito ba o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay nakasalalay sa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang ibang aspekto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung sinusuri ng tao ang panlabas na anyo lamang ng Diyos, at dahil dito ay hindi niya napapansin ang diwa ng Diyos, ipinapakita nito na ang tao ay hangal at mangmang. Hindi matutukoy ng panlabas na anyo ang diwa; bukod pa riyan, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman maaaring umayon sa mga kuru-kuro ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na anyo ni Jesus ay salungat sa mga kuru-kuro ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang hitsura at pananamit ay hindi nakapagpakita ng Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi ba’t tinutulan ng mga Pariseo noon si Jesus dahil mismo sa tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi nila maingat na tinanggap ang mga salita mula sa Kanyang bibig? Inaasahan Ko na ang bawat isang kapatid na naghahanap sa pagpapakita ng Diyos ay hindi na uulitin ang trahedya ng kasaysayan, at hindi magiging isang Pariseo ng makabagong panahon at muling magpapako sa Diyos sa krus. Dapat ninyong pag-isipan nang mabuti kung paano sasalubungin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat kayong magkaroon ng malinaw na isipan kung paano maging isang taong nagpapasakop sa katotohanan. Ito ang responsabilidad ng bawat isang naghihintay na bumalik si Jesus na sakay ng ulap. Dapat nating palinawin ang ating espirituwal na mga mata, at hindi tayo dapat malubog sa mga salita ng pantasya. Dapat nating pag-isipan ang makatotohanang gawain ng Diyos, at tingnan ang praktikal na aspekto ng Diyos. Huwag magpatangay o magpadala sa inyong mga pangangarap nang gising, palaging umaasa na biglang bababa ang Panginoong Jesus sa gitna ninyo nang nakasakay sa ulap, at dadalhin paitaas kayong mga hindi kailanman nakakilala o nakakita sa Kanya, at hindi nakakaalam kung paano sumunod sa Kanyang kalooban. Mas mabuti pang pag-isipan ang mga mas makatotohanang bagay!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 111
Ipinapakita lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sarili sa isang bahagi ng mga tao na sumusunod sa Kanya sa panahong ito kung kailan personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain, at hindi sa lahat ng nilikha. Naging tao lamang Siya upang makompleto ang isang yugto ng Kanyang gawain, hindi upang ipakita sa tao ang Kanyang wangis. Gayumpaman, dapat na isakatuparan Niya mismo ang Kanyang gawain, kaya kinakailangan Niya itong gawin sa katawang-tao. Kapag natapos na ang gawaing ito, aalis na Siya mula sa daigdig ng mga tao; hindi Siya maaaring manatili nang mahabang panahon sa gitna ng sangkatauhan dahil baka mahadlangan nito ang darating na gawain. Ang ipinapamalas Niya sa di-mabilang na mga tao ay ang Kanyang matuwid na disposisyon lamang at ang lahat ng Kanyang gawa, at hindi ang mga wangis ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao, dahil ang wangis ng Diyos ay maaari lamang maibunyag sa pamamagitan ng Kanyang disposisyon, at hindi mapapalitan ng wangis ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Ibinubunyag lamang sa limitadong bilang ng mga tao ang wangis ng Kanyang katawang-tao, tanging sa mga taong sumusunod sa Kanya habang gumagawa Siya sa katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit ang gawaing isinasakatuparan ngayon ay ginagawa nang lihim. Halimbawa, ipinamalas lamang ni Jesus ang Kanyang sarili sa mga Hudyo noong ginawa Niya ang Kanyang gawain, at hindi kailanman hayagan na inihayag ang Kanyang sarili sa anumang ibang bayan. Kaya, sa sandaling nakompleto Niya ang Kanyang gawain, kaagad Niyang nilisan ang mundo ng mga tao at hindi nanatili; pagkatapos, hindi Siya, ang wangis na ito ng tao, ang nagpakita ng Kanyang sarili sa tao, kundi ang Banal na Espiritu na direktang nagsakatuparan ng gawain. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, aalis na Siya mula sa mortal na mundo, at hindi na Siya kailanman muling gagawa ng anumang gawain na katulad ng Kanyang ginawa noong Siya ay nagkatawang-tao. Pagkatapos nito, ang gawain ay pawang direktang gagawin ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, halos hindi makikita ng tao ang Kanyang wangis sa katawang-tao; hindi Niya ipapamalas ang Kanyang sarili sa tao sa anumang paraan, kundi mananatiling nakatago magpakailanman. May limitadong oras para sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Isinasakatuparan ito sa isang tiyak na kapanahunan, oras, bansa at sa gitna ng mga partikular na tao. Ang gawaing ito ay kumakatawan lamang sa gawain sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao. Ito ay kumakatawan sa isang kapanahunan, at kumakatawan ito sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang partikular na kapanahunan, at hindi sa kabuuan ng gawain ng Espiritu ng Diyos. Samakatwid, hindi maipapamalas sa di-mabilang na mga tao ang wangis ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang naipapakita sa di-mabilang na mga tao ay ang pagiging matuwid ng Diyos at ang Kanyang buong disposisyon, sa halip na ang Kanyang wangis nang dalawang beses Siyang naging tao. Ang naipapakita sa tao ay hindi lamang iisang wangis, ni ang dalawang wangis na pinagsama. Samakatwid, kinakailangang umalis sa daigdig ang laman ng nagkatawang-taong Diyos kapag nakompleto na ang gawain na kailangan Niyang gawin, sapagkat dumarating lamang Siya upang kompletuhin ang gawain na dapat Niyang gawin, at hindi upang ipamalas sa mga tao ang Kanyang wangis. Kahit na ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay natupad na sa pamamagitan ng dalawang beses na pagiging tao ng Diyos, hindi pa rin Niya lantarang ipapakita ang Kanyang sarili sa anumang bayan na hindi pa nakakakita sa Kanya kailanman. Hindi na kailanman muling ipapakita ni Jesus ang Kanyang sarili sa mga Hudyo bilang ang Araw ng katuwiran, at hindi na rin Siya tatayo sa tuktok ng Bundok ng mga Olibo at magpapakita ng Kanyang sarili sa di-mabilang na mga tao; ang nakita lamang ng mga Hudyo ay ang larawan ni Jesus sa Kanyang panahon sa Judea. Ito ay dahil ang gawain ni Jesus sa Kanyang pagkakatawang-tao ay natapos na dalawang libong taon na ang nakakaraan; hindi Siya babalik sa Judea sa wangis ng isang Hudyo, lalo nang hindi Niya ipapakita ang Kanyang sarili sa wangis ng isang Hudyo sa alinman sa mga bayan ng Hentil, sapagkat ang wangis ni Jesus na nagkatawang-tao ay ang wangis lamang ng isang Hudyo, at hindi ang wangis ng Anak ng tao na nakita ni Juan. Bagama’t ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod na Siya ay muling darating, hindi Niya basta ipapakita ang Kanyang sarili sa wangis ng isang Hudyo sa lahat ng nasa mga bayan ng Hentil. Dapat ninyong malaman na ang gawain ng Diyos na naging tao ay ang magbukas ng isang kapanahunan. Ang gawaing ito ay limitado sa loob ng ilang taon, at hindi Niya matatapos ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos, kapareho ng kung paanong ang wangis ni Jesus bilang isang Hudyo ay maaari lamang kumatawan sa wangis ng Diyos noong gumawa Siya sa Judea, at ang maaari lamang Niyang gawin ay ang gawain ng pagpapapako sa krus. Noong panahon na si Jesus ay nagkatawang-tao, hindi Niya kayang gawin ang gawain ng paghahatid ng kapanahunan sa isang katapusan o paglipol sa sangkatauhan. Samakatwid, pagkatapos Niyang maipako sa krus at matapos ang Kanyang gawain, umakyat Siya sa kaitaasan at ikinubli ang Kanyang sarili mula sa tao magpakailanman. Mula noon, ang mga tapat na mananampalataya sa mga bayan ng Hentil ay hindi nakakita ng pagpapakita ng Panginoong Jesus, at nakita lamang ang larawan Niya na idinikit nila sa pader. Ang larawan na ito ay isa lamang guhit ng tao, at hindi ang wangis na ipinapakita ng Diyos Mismo sa tao. Hindi lantarang ipapakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa di-mabilang na mga tao sa mga wangis ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao. Ang gawaing ginagawa Niya sa gitna ng sangkatauhan ay ang tulutan silang maunawaan ang Kanyang disposisyon. Itong lahat ay ipinapamalas sa tao sa pamamagitan ng gawain ng iba’t ibang kapanahunan; natutupad ito sa pamamagitan ng disposisyon na ipinaalam Niya at ng gawaing Kanyang isinakatuparan, sa halip na sa pamamagitan ng pagpapakita ni Jesus. Ibig sabihin, ang wangis ng Diyos ay ipinapaalam sa tao hindi sa pamamagitan ng nagkatawang-taong wangis, kundi sa pamamagitan ng gawain na isinagawa ng Diyos na nagkatawang-tao na may kapwa wangis at anyo; at sa pamamagitan ng Kanyang gawain, ang Kanyang wangis ay ipinapamalas at ang Kanyang disposisyon ay ipinapaalam. Ito ang kabuluhan ng gawain na nais Niyang gawin sa katawang-tao.
Sa sandaling ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay matapos na, sisimulan na Niyang ipamalas ang Kanyang matuwid na disposisyon sa lahat ng mga bayan ng Hentil, na magtutulot sa di-mabilang na mga tao na makita ang Kanyang wangis. Ipapamalas Niya ang Kanyang disposisyon at sa pamamagitan nito ay ibubunyag ang mga kalalabasan ng iba’t ibang kategorya ng tao, sa gayong paraan ay madadala ang buong lumang kapanahunan sa katapusan. Ang dahilan kung bakit ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi napakalawak (katulad noong gumawa lamang si Jesus sa Judea, at ngayon ay gumagawa lamang Ako sa gitna ninyo) ay dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at limitasyon. Isinasagawa lamang Niya ang isang maikling panahon ng gawain sa wangis ng isang karaniwan at normal na katawang-tao; hindi Niya ginagamit ang laman na ito na nagkatawang-tao para isakatuparan ang gawain ng walang hanggan o ang gawain ng pagpapakita sa di-mabilang na mga tao ng mga bayan ng Hentil. Ang gawain sa katawang-tao ay maaari lamang malimitahan sa saklaw (gaya ng paggawa lamang sa Judea o sa gitna lamang ninyo), at pagkatapos, ang saklaw nito ay maaaring palawakin sa pamamagitan ng gawain na isinasakatuparan sa loob ng mga hangganan na ito. Siyempre, ang gawain ng pagpapalawak ay direktang isasagawa ng Kanyang Espiritu at hindi na magiging gawain ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Sapagkat ang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at hindi umaabot sa lahat ng sulok ng sansinukob—ito ay hindi nito magagawa. Sa pamamagitan ng gawain sa katawang-tao, isinasakatuparan ng Kanyang Espiritu ang susunod na gawain. Samakatwid, ang gawain na ginawa sa katawang-tao ay panimula pa lamang na isinasakatuparan sa loob ng mga hangganan; pagkatapos nito, ang Kanyang Espiritu ang nagpapatuloy sa gawaing ito, at ginagawa Niya ito sa mas malawak na saklaw.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 112
Dumarating ang Diyos upang gumawa sa lupa para lamang gabayan ang kapanahunan; ang tanging layunin Niya ay ang magbukas ng isang bagong kapanahunan at dalhin ang luma sa katapusan. Hindi Siya pumaparito upang isabuhay ang buong buhay ng isang tao sa lupa, upang maranasan Niya Mismo ang mga kasiyahan at kalungkutan ng buhay sa mundo ng tao, o upang gawing perpekto ang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang kamay o personal na panoorin ang isang partikular na tao habang siya ay lumalaki. Hindi Niya ito gawain; ang Kanyang gawain lamang ay ang simulan ang bagong kapanahunan at tapusin ang luma. Ibig sabihin, personal Siyang magsisimula ng isang kapanahunan, personal na dadalhin ang isa pa sa katapusan, at tatalunin si Satanas sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain. Tuwing isinasakatuparan Niya ang Kanyang gawain nang personal, tila inilalagay Niya ang isa Niyang paa sa lugar ng digmaan. Una, nilulupig Niya ang mundo at nagwawagi laban kay Satanas habang nasa katawang-tao; nagkakamit Siya ng lahat ng kaluwalhatian at sinisimulan ang kabuuan ng gawain ng dalawang libong taon, ito ay upang ang lahat ng tao sa mundo ay magkaroon ng tamang landas na susundan, at isang buhay na payapa at masaya. Gayunman, ang Diyos ay hindi maaaring mamuhay na kasama ng tao sa mundo nang matagal, dahil ang Diyos ay Diyos, at hindi tulad ng tao matapos ang lahat. Hindi Niya maaaring ipamuhay ang haba ng buhay ng isang normal na tao, ibig sabihin, hindi Siya maaaring tumira sa mundo bilang isang taong ordinaryo lamang, dahil mayroon lamang Siyang napakaliit na bahagi ng normal na pagkatao ng isang normal na tao para tustusan ang Kanyang buhay bilang tao. Sa madaling salita, paano makakapagsimula ang Diyos ng pamilya, makapagtatatag ng karera, at magkakaroon at makapagpapalaki ng mga anak sa mundo? Hindi ba ito magiging isang kahihiyan sa Kanya? Ang pagkakaroon Niya ng normal na pagkatao ay para lamang sa layunin na isakatuparan ang gawain sa normal na paraan, hindi upang bigyan Siya ng kakayahang magkaroon ng isang pamilya at propesyong tulad ng sa isang normal na tao. Ang Kanyang normal na katwiran, normal na isipan, at ang normal na pagkain at pagdadamit ng Kanyang katawang-tao ay sapat na upang patunayang mayroon Siyang normal na pagkatao; hindi na Niya kailangang magkaroon ng pamilya o karera upang patunayang Siya ay pinagkalooban ng normal na pagkatao. Ito ay ganap na hindi kinakailangan! Ang pagdating ng Diyos sa mundo ay ang pagiging tao ng Salita; pinahihintulutan lamang Niya ang tao na maintindihan ang Kanyang Salita at makita ang Kanyang Salita, ibig sabihin, pinapahintulutan ang tao na makita ang gawaing isinasagawa ng katawang-tao. Ang Kanyang layunin ay hindi para tratuhin ng mga tao ang Kanyang katawang-tao sa isang partikular na paraan, kundi para lamang ang tao ay maging mapagpasakop hanggang sa katapusan, iyon ay, upang magpasakop sa lahat ng salita na lumalabas mula sa Kanyang bibig, at para magpasakop sa lahat ng gawain na Kanyang ginagawa. Siya ay gumagawa lamang sa katawang-tao; hindi Siya sadyang humihingi sa tao na purihin ang kadakilaan at kabanalan ng Kanyang katawang-tao, kundi ipinapakita sa tao ang karunungan ng Kanyang gawain at lahat ng awtoridad na Kanyang hawak. Samakatwid, kahit na Siya ay may katangi-tanging pagkatao, hindi Siya gumagawa ng mga anunsyo, at nakatuon lamang sa gawain na dapat Niyang gawin. Dapat ninyong malaman kung bakit ang Diyos ay naging tao at gayunman ay hindi kailanman inihahayag o pinatototohanan ang Kanyang normal na pagkatao, kundi isinasagawa lamang ang gawain na layon Niyang gawin. Kung gayon, ang lahat ng inyong makikita mula sa nagkatawang-taong Diyos ay kung ano ang Kanyang pagka-Diyos; ito ay dahil hindi Niya inihahayag kailanman kung ano ang Kanyang pagkatao upang tularan ng tao. Nagsasalita lamang ang tao kung ano ang pagkatao kapag pinamumunuan niya ang ibang mga tao, upang mas makamit niya ang kanilang paghanga at matibay na paniniwala at nang sa gayon ay mapamunuan sila. Kabaligtaran nito, nilulupig ng Diyos ang tao sa pamamagitan lamang ng Kanyang gawain (na ang ibig sabihin ay ang gawaing hindi natatamo ng tao); hindi mahalaga kung Siya man ay hinahangaan ng tao, o kung pinapasamba Niya sa Kanya ang tao. Ang ginagawa lamang Niya ay ikintal sa tao ang damdamin ng pagkatakot sa Kanya o ang pakiramdam ng Kanyang pagiging di-maarok. Hindi kailangan ng Diyos na mapahanga ang tao; ang kailangan lang Niya ay ang matakot ang tao sa Kanya pagkatapos masaksihan ang Kanyang disposisyon. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay sarili Niyang gawain; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang kahalili Niya, ni maaabot ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain at makapagbubukas ng isang bagong kapanahunan upang pangunahan ang tao sa isang bagong buhay. Ang gawain na Kanyang ginagawa ay ang bigyang kakayahan ang tao na magkaroon ng isang bagong buhay at pumasok sa isang bagong kapanahunan. Ang lahat ng iba pang gawain ay ipinapasa sa mga tao na mayroong normal na pagkatao at hinahangaan ng iba. Kung kaya, sa Kapanahunan ng Biyaya, tinapos Niya ang gawain ng dalawang libong taon sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon ng Kanyang tatlumpu’t tatlong taon na nasa katawang-tao. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa upang isakatuparan ang Kanyang gawain, palagi Niyang tinatapos ang gawain ng dalawang libong taon o ang isang buong kapanahunan sa loob ng pinakamaiksing panahon ng ilang taon. Hindi Siya nagmamatagal, at hindi Siya nag-aantala; pinaiikli lamang Niya ang gawain ng maraming taon upang ito ay matapos sa loob lamang ng ilang maiikling taon. Ito ay dahil ang gawain na Kanyang personal na ginagawa ay ganap na para magbukas lamang ng isang bagong daan palabas at pamunuan ang isang bagong kapanahunan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 113
Kapag isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang gumawa ng anumang pagtatayo o mga pagkilos, kundi upang gampanan ang Kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian ay dumating na, at gayundin ang pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi ang gawain ng tao, hindi ito upang gawaan ang tao sa isang partikular na antas, kundi para tapusin lamang ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang ginagawa ay hindi gawain ng tao, hindi ito upang makamit ang isang resulta sa paggawa sa tao bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na maayos na isaayos ang Kanyang gawain sa lupa, at pagkatapos ay magkakamit Siya ng kaluwalhatian. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng sa mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag dumarating ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa lupa, nakatuon lamang Siya sa paggampan sa Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, hindi Siya halos nakikibahagi, ni hindi pinagtutuunan ng pansin ang gayong mga bagay. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang isinasaalang-alang ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay nauugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at sa ministeryo na dapat Niyang gampanan, na para bang ang iba pang bagay ay nasa labas ng saklaw Niya. Hindi Niya sinasangkapan ang Kanyang sarili ng mas maraming pundamental na kaalaman tungkol sa pamumuhay bilang isa sa sangkatauhan, ni hindi Siya natututo ng higit na kasanayan sa pakikipagkapwa, ni hindi Niya sinasangkapan ang Sarili Niya ng ano pa mang naiintindihan ng tao. Hindi man lang Niya inaalala ang lahat ng dapat taglayin ng tao at ang tanging ginagawa Niya ay ang gawain na Kanyang tungkulin. Kung kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay kulang sa napakaraming bagay—hindi man lang Niya pinapansin ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa ganitong mga bagay. Ang gayong mga bagay tulad ng pangkaraniwang kaalaman tungkol sa buhay, pati na ang mga prinsipyo ng pag-asal at pakikitungo sa mundo, ay halos ganap na walang kaugnayan sa Kanya. Ngunit, sadyang hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting pahiwatig ng pagiging di-normal. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang normal na buhay ng tao at ang normal na pangangatwiran ng Kanyang utak, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilatis sa pagitan ng tama at mali. Gayunman, hindi Niya sinasangkapan ang Kanyang sarili ng anupamang ibang bagay, na kung ano ang dapat taglayin lamang ng tao (mga nilikha). Ang Diyos ay nagiging tao para lamang gampanan ang Kanyang sariling ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta sa isang buong kapanahunan, hindi sa sinumang tao o anumang lugar, kundi sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at ang prinsipyo kung paano Siya gumagawa. Walang sinuman ang makakapagpabago nito, at walang paraan ang tao para makialam dito. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging tao, dinadala Niya kasama Niya ang gawain ng kapanahunang iyon, at walang layunin na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu o walumpung taon upang mas mahusay niyang maunawaan at maarok Siya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Ang paggawa niyon ay hinding-hindi magpapalalim sa pagkakilalang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanyang mga kuru-kuro at magsasanhi sa kanyang mga kuru-kuro at mga kaisipan na maging matigas. Kaya tungkulin ninyong lahat na maintindihan kung ano mismo ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Tiyak na hindi kayo mabibigong maunawaan ang mga salitang Aking sinabi sa inyo: “Hindi upang maranasan ang buhay ng isang normal na tao kaya Ako ay pumarito”? Nalimutan na ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumarating sa lupa hindi upang ipamuhay ang buhay ng isang normal na tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni hindi ninyo alam ito: “Paano kayang ang Diyos ay paparito sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilikha?” Dumarating ang Diyos sa lupa para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa lupa ay hindi nagtatagal. Dumarating Siya sa lupa na walang layunin na idulot ang Espiritu ng Diyos na linangin ang Kanyang katawang-tao na maging isang pambihirang tao na mamumuno sa iglesia. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, ito ay ang Salita na nagiging tao; gayunman, ang tao ay hindi nakakaunawa sa Kanyang gawain at sapilitang ipinalalagay ang mga bagay sa Kanya. Ngunit dapat ninyong maunawaang lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang-tao, hindi isang katawang-taong gawa sa laman na nalinang ng Espiritu ng Diyos upang akuin ang papel ng Diyos pansamantala. Ang Diyos Mismo ay hindi produkto ng paglilinang, kundi ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon ay opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa gitna ninyong lahat. Nalalaman at kinikilala ninyong lahat na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang tunay na katotohanan, ngunit kumikilos kayo na para bang nauunawaan ninyo ito. Mula sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos hanggang sa kahalagahan at diwa ng Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ninyo naaarok ang mga ito kahit kaunti at sumusunod lamang kayo sa iba sa wala-sa-loob na pagbigkas ng mga salita mula sa memorya. Naniniwala ka bang ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 114
Nagiging tao lamang ang Diyos upang pamunuan ang kapanahunan at simulan ang bagong gawain. Kinakailangan ninyong maunawaan ang puntong ito. Ibang-iba ito sa tungkulin ng tao, at talagang hindi maipagkukumpara ang dalawa. Ang tao ay nangangailangan na malinang at magawang perpekto sa loob ng mahabang panahon bago siya maaaring magamit upang isagawa ang gawain, at ang uri ng pagkatao na kinakailangan ay may napakataas na antas. Hindi lamang dapat mapanatili ng tao ang katwiran ng normal na pagkatao, kundi dapat mas lalo pa niyang maunawaan ang maraming prinsipyo at patakaran na namamahala sa kung paano niya pinakikitunguhan ang mundo, at higit pa rito ay dapat tumuon siya sa higit pang pag-aaral tungkol sa karunungan at kaalaman sa etika ng tao. Ito ang dapat na nasasangkap sa tao. Gayunman, hindi ito ang kaso para sa Diyos na naging tao, dahil ang Kanyang gawain ay hindi kumakatawan sa tao ni hindi ito ang gawain ng tao, at sa halip, ito ay isang tuwirang pagpapahayag ng Kanyang pagiging Diyos at ang tuwirang paggampan sa gawain na dapat Niyang gawin. (Natural, isinasagawa ang Kanyang gawain sa angkop na panahon, at hindi lang basta-basta at sapalaran, at sinisimulan ito kapag oras na para gampanan ang Kanyang ministeryo.) Hindi Siya nakikibahagi sa buhay ng tao o gawain ng tao, ibig sabihin, ang Kanyang pagkatao ay hindi nasasangkapan ng alinman sa mga ito (bagaman hindi ito nakakaapekto sa Kanyang gawain). Ginagampanan Niya lamang ang Kanyang ministeryo kapag oras na para gawin Niya ito; anuman ang Kanyang katayuan, pinagtutuunan Niya lamang ang paggawa ng gawaing dapat Niyang gawin. Anuman ang alam ng tao sa Kanya at anuman ang opinyon ng tao sa Kanya, ang Kanyang gawain ay lubos na hindi naaapektuhan. Halimbawa, nang isinagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, walang nakakilala kung sino ba talaga Siya, ngunit pinagtuunan Niya lamang ang paggawa ng Kanyang gawain. Wala sa mga ito ang nakahadlang sa Kanya sa pagsasagawa ng gawain na kinakailangan Niyang gawin. Samakatwid, sa umpisa ay hindi Niya ibinunyag o ipinahayag ang Kanyang sariling pagkakakilanlan, at pinasunod lamang Niya ang tao sa Kanya. Natural na hindi lamang ito pagpapakumbaba ng Diyos, kundi ito rin ang paraan ng paggawa ng Diyos sa katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang Siya maaaring gumawa, dahil ang tao ay walang paraan na makilala Siya sa pamamagitan ng mata lamang. At kung nakilala man Siya ng tao, hindi sana ito nakatulong sa Kanyang gawain. At saka, hindi Siya naging tao para makilala ng tao ang Kanyang katawang-tao; ito ay upang isakatuparan ang gawain at gampanan ang Kanyang ministeryo. Sa kadahilanang ito, hindi Niya binigyang kahalagahan na isapubliko ang Kanyang pagkakakilanlan. Nang natapos na Niya ang lahat ng gawain na dapat Niyang gawin, ang Kanyang buong pagkakakilanlan at katayuan ay natural na naging malinaw sa tao. Ang Diyos na naging tao ay nananatiling tahimik at hindi kailanman gumagawa ng kahit anong proklamasyon. Hindi Niya pinapansin kung kumusta ang tao ni kung gaano na nakakasunod ang tao sa Kanya, kundi pinagtutuunan lamang Niya ang paggampan sa Kanyang ministeryo at pagsasakatuparan sa gawain na dapat Niyang gawin. Walang sinuman ang kayang makahadlang sa gawain Niya. Kapag dumating na ang oras para tapusin Niya ang Kanyang gawain, tiyak itong matatapos at madadala sa katapusan, at walang kayang magdikta na hindi. Pagkatapos Niyang lisanin ang tao sa pagkompleto ng Kanyang gawain, saka lang mauunawaan ng tao ang gawain na ginagawa Niya, bagama’t hindi pa rin ganap na malinaw. At aabutin ng mahabang panahon para lubusang maunawaan ng tao ang mga layunin sa likod ng una Niyang paggawa ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain sa kapanahunan ng nagkatawang-tao na Diyos ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang isang bahagi ng gawain ay ang personal na paggawa at pagsasalita ng katawang-taong laman ng Diyos. Sa sandaling ang ministeryo ng Kanyang katawang-tao ay ganap na matupad, ang isa pang bahagi ng gawain ay isasagawa naman ng mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Ito na ang panahon na dapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, dahil binuksan na ng Diyos ang daan, at kinakailangan na itong lakaran ng tao mismo. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsasagawa ng isang bahagi ng gawain, at pagkatapos ang Banal na Espiritu pati na rin iyong mga ginagamit ng Banal na Espiritu ang magpapatuloy sa gawaing ito. Samakatwid, dapat malaman ng tao kung ano ang gawaing pangunahin na isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa yugtong ito, at dapat niyang maunawaan kung ano mismo ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at kung ano ang gawaing dapat Niyang gawin, at hindi siya dapat gumiit sa Diyos alinsunod sa mga hinihingi sa tao. Nandito ang pagkakamali ng tao, ang kanyang kuru-kuro, at lalo na ang kanyang paghihimagsik.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 115
Ang Diyos ay nagkakatawang-tao hindi para sa layuning tulutan ang tao na makilala ang Kanyang katawang-tao, o tulutan ang tao na mapag-iba ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao sa katawang-tao; ni hindi upang sanayin ang kakayahan ng tao sa pagkilatis, at lalo nang hindi sa layuning tulutan ang tao na sambahin ang katawang-taong laman ng Diyos, nang sa gayon ay magkamit ng dakilang kaluwalhatian. Wala sa mga bagay na ito ang layunin ng Diyos sa pagiging tao. Hindi rin nagiging tao ang Diyos upang kondenahin ang tao, ni ihayag ang tao nang sadya, ni gawing mahirap ang mga bagay para sa kanya. Wala sa mga bagay na ito ang layunin ng Diyos. Tuwing ang Diyos ay nagkakatawang-tao, ito ay isang uri ng gawaing hindi maiiwasan. Para sa kapakinabangan ng Kanyang mas malaking gawain at Kanyang mas malaking pamamahala kaya Siya kumikilos gaya ng ginagawa Niya—hindi ito katulad ng naiisip ng tao. Ang Diyos ay dumarating lamang sa lupa ayon sa hinihingi ng Kanyang gawain, at kung kinakailangan lamang. Hindi Siya pumaparito sa lupa nang may layuning tumingin-tingin lang sa paligid, kundi isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin. Kung hindi, bakit Niya gagampanan ang ganoon kabigat na pasanin at haharapin ang gayong mga kalubhang panganib upang isagawa ang gawaing ito? Ang Diyos ay nagkakatawang-tao lamang kapag kailangang-kailangan Niyang gawin ito, at palaging may natatanging kabuluhan. Kung ito lamang ay para sa kapakanan ng pagpapahintulot sa mga tao na makita Siya at mapalawak ang kanilang kaalaman, ganap na tiyak na hindi Siya kailanman tutungo sa gitna ng mga tao nang basta-basta. Siya ay dumarating sa lupa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala at ng Kanyang mas malaking gawain, at upang makamit Niya ang mas maraming tao. Siya ay dumarating upang kumatawan sa kapanahunan, dumarating Siya upang talunin si Satanas, at upang talunin si Satanas Siya ay nagdadamit ng katawang-tao. Higit pa rito, Siya ay dumarating upang gabayan ang buong lahi ng tao sa kanilang pamumuhay ng kanilang mga buhay. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala, at ito ay may kinalaman sa gawain sa buong sansinukob. Kung ang Diyos ay naging tao lamang upang pahintulutan ang mga tao na makilala ang Kanyang katawang-tao at buksan ang mga mata ng mga tao, bakit hindi Siya maglalakbay sa bawat bansa? Hindi ba ito isang bagay na napakadali? Ngunit hindi Niya ito ginawa, sa halip ay pumili ng isang angkop na lugar upang manatili at simulan ang gawain na dapat Niyang gawin. Ang katawang-tao lang na ito ay malaki na ang kahalagahan. Kinakatawan Niya ang buong kapanahunan, at isinasagawa rin ang gawain ng buong kapanahunan; pareho Niyang dinadala ang naunang kapanahunan sa katapusan at inihahatid ang bago. Ang lahat ng ito ay isang mahalagang bagay na may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ang kahalagahan ng isang yugto ng gawain na ipinarito ng Diyos sa lupa para isakatuparan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 116
Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamaraan ng Espiritu at gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at ni hindi maaaring lapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao bilang ang Espiritu, hindi makakamit ng tao ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilikhang tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para makamit ang kaligtasang ito. Sapagkat wala talagang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nagawang makalapit sa ulap ni Jehova. Maaari lamang Niyang personal na maisagawa ang Salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan lamang ng pagkintal ng Kanyang Salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na marinig at makita ng tao ang Kanyang Salita, at makamit din ang Kanyang Salita, at sa pamamagitan nito ay ganap na mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging tao, walang sinumang may laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala ring kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay hahampasin, o, nang walang paraan na makasalamuha ang Diyos, sila ay ganap na mabibihag ni Satanas. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan, upang tubusin ito sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, na ang ibig sabihin ay iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang mga satanikong tiwaling disposisyon ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas ang mga tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang iyong mga pinatawad na ang mga kasalanan nila ay mapalaya mula sa kasalanan at lubos na madalisay, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makawala sila sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Pagkatapos magwakas ang Kapanahunan ng Kautusan, at simula sa Kapanahunan ng Biyaya, sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas, na nagpapatuloy hanggang sa mga huling araw, kung kailan ginagampanan ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga tao dahil sa kanilang paghihimagsik, sa gayon ay ganap na dinadalisay ang sangkatauhan. Pagkatapos lamang nito wawakasan ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang maisagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang gagabay sa mga tao sa kanilang pamumuhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao maaaring mamuhay ang Diyos na kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawan ng laman. Sa ganitong paraan lamang Niya matutustusan ang mga tao ng praktikal na Salita na kailangan nila bilang mga nilikha. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos nakakatanggap ang tao ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos, at hindi direktang mula sa langit bilang kasagutan sa mga panalangin nito. Ang tao ay laman at dugo, wala itong paraan na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu, kaya ang tanging makakaugnayan nito ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito mauunawaan ng tao ang lahat ng Salita at lahat ng katotohanan at matatanggap ang lubos na kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat na upang alisin sa tao ang kanyang mga kasalanan at lubos siyang dalisayin. Samakatwid, sa ikalawang pagkakatawang-tao, magtatapos ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao at makokompleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos niyon, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubos na magtatapos. Pagkatapos ng ikalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magiging katawang-tao sa ikatlong pagkakataon para sa Kanyang gawain. Sapagkat ang Kanyang buong pamamahala ay magtatapos na, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ganap nang makakamit ang mga tao na Kanyang pinili, at nabukod-bukod ayon sa kanilang uri ang sangkatauhan sa mga huling araw. Siya ay hindi na gagawa ng gawain ng pagliligtas, ni babalik sa katawang-tao upang magsakatuparan ng anumang gawain.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 117
Ang nakamit ng tao ngayon—ang kasalukuyan niyang tayog, kaalaman, pagmamahal, katapatan, pagpapasakop, at kabatiran—ay ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Na nakakaya mong magkaroon ng katapatan at manatiling nakatayo hanggang sa araw na ito ay natatamo dahil sa salita. Ngayon ay nakikita ng tao na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay sadyang higit sa karaniwan, at marami dito ay hindi magagawang makamit ng tao, at mga hiwaga at mga himala. Samakatwid, marami ang nagpasakop na. Ang ilan ay hindi kailanman nagpasakop sa sinumang tao magmula nang ipanganak sila, gayunma’y kapag nakikita nila ang mga salita ng Diyos sa araw na ito, lubos silang nagpapasakop nang hindi napapansing nagagawa na nila ang gayon, at hindi sila nangangahas na magsiyasat nang mabuti o magsalita ng ano pa mang bagay. Ang sangkatauhan ay bumagsak na sa ilalim ng salita at nakatirapa na sa ilalim ng paghatol ng salita. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, ang buong sangkatauhan ay magpapasakop sa tinig, nagpapatirapa nang hindi kinakailangan na maglantad ang Diyos sa tao gamit ang Kanyang mga salita, tulad ng kung paanong si Pablo ay bumagsak sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay papunta sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na makilala ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at nang sa gayon ay makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao maihahatid ng Diyos nang personal ang Kanyang mga salita sa mga tainga ng lahat ng tao upang lahat ng may mga tainga ay marinig ang Kanyang mga salita at matanggap ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Ito ang totoong resulta na natamo ng Kanyang salita, hindi ang pagpapamalas ng Espiritu upang daigin ang tao sa takot. Sa pamamagitan lamang ng praktikal at higit sa karaniwang gawaing ito maaaring lubusang malantad ang mga lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ng tao ang mga ito at makaranas ng pagbabago. Lahat ng bagay na ito ay ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, kung saan nagsasalita Siya at isinasagawa Niya ang paghatol sa isang ganap na praktikal na paraan, at pagkatapos ay nakakamit ang mga resulta ng paghatol sa tao gamit ang salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang ibunyag ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao, ibunyag ang mga resultang nakamit sa pamamagitan ng gawain ng salita, at ibunyag na ang Espiritu ay pumarito sa katawang-tao at nagpapakita ng Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Bagama’t ang katawang-tao Niya ay ang panlabas na anyo ng isang ordinaryo, normal na pagkatao, ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita ang nagpapakita sa tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ang Diyos Mismo at na ang Kanyang mga salita ang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Sa pamamagitan nito ay ipinakikita sa lahat ng tao na Siya ang Diyos Mismo, ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao, na walang sinuman ang maaaring sumalungat sa Kanya, at na walang maaaring makadaig sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita, at walang puwersa ng kadiliman ang maaaring mangibabaw sa Kanyang awtoridad. Ang pagpapasakop ng tao sa Kanya ay pawang dahil sa Kanyang pagiging ang Salita na naging katawang-tao, lahat ng ito ay dahil sa Kanyang awtoridad, at dahil sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ang gawain na dinala ng Kanyang nagkatawang-taong laman ang awtoridad na Kanyang tinataglay. Ang dahilan kung bakit nagkakatawang-tao Siya ay dahil ang katawang-tao ay maaari ding magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng sangkatauhan sa isang praktikal na paraan, sa paraang nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay higit na mas praktikal kaysa sa gawain na direktang ginagawa ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad, at maaaring lapitan ng tao, samantalang ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, ngunit walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi kayang pansinin ng tao ang pag-iral ng Kanyang awtoridad; ito ay nakakatulong sa Kanyang paggawa ng Kanyang praktikal na gawain. Lahat ng naturang praktikal na gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad, o nakakakita na walang pagkakasala ang maaaring gawin laban sa Kanya, o nakakakita sa Kanyang poot, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta ng Kanyang mga salita sa pamamagitan ng Kanyang natatagong awtoridad at poot, at mga salitang hayagan Niyang binibigkas. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon ay natutupad ang layunin ng Diyos na iligtas ang tao. Ito ang isa pang aspeto ng kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: ang magsalita nang mas praktikal, ang hayaan ang realidad ng Kanyang mga salita na magkamit ng mga resulta nito sa tao, at ang hayaan ang tao na masaksihan ang lakas ng salita ng Diyos. Samakatwid, kung hindi ginawa ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, hindi ito magkakamit ng anumang resulta at hindi nito magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanang tao. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay mananatiling ang Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nalalapitan ng tao. Ang tao ay isang nilalang na makalaman, ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at may magkaibang kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi kaayon ng tao, na makalaman, at sadyang walang paraan para magtatag ng mga ugnayan sa pagitan nila; samantala, ang tao ay hindi kayang maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isang nilikha upang magawa ang Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay parehong kaya na umakyat sa pinakamataas na lugar at magpakumbaba para maging isang nilikhang tao, na gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, ngunit ang tao ay hindi kayang umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang maisakatuparan ang Kanyang gawain. Ito ay tulad na lamang, noong unang pagkakatawang-tao, tanging ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang magkatawang-tao upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, ngunit ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang kuhain ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanya. Dahil dito, ang posible lamang ay ang hingin sa Diyos na magpabalik-balik nang ilang beses sa pagitan ng langit at lupa, sa halip na paakyatin ang tao sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagkat ang tao ay nahulog at, bukod pa roon, sadyang hindi maaaring umakyat sa langit ang tao, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatwid, kinailangan na dumating si Jesus sa gitna ng sangkatauhan at personal na gawin ang gawain na sadyang hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaaring maisakatuparan nang direkta ng Espiritu ng Diyos, hindi na sana Siya nagpasailalim sa mga reklamo at kawalang-dangal na kalakip ng pagkakatawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 118
Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o ang anumang bagay na hindi sa laman, kundi ang tao, na sa laman at nagawa nang tiwali ni Satanas. Mismong dahil ang laman ng tao ay ginawang tiwali kaya ginawa ng Diyos ang tao na sa laman bilang layon ng Kanyang gawain; higit pa rito, dahil ang tao ang layon ng katiwalian kung kaya’t pinili ng Diyos ang tao bilang ang tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang mortal na nilalang, binubuo ng laman at dugo, at ang Diyos lamang ang Siyang makapagliligtas sa tao. Kaya, ang Diyos ay dapat maging tao na nagtataglay ng mga katangiang katulad ng sa tao upang magawa ang Kanyang gawain, upang matamo ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil mismo ang tao ay sa laman, at walang kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan o maiwaksi sa kanyang sarili ang laman. Bagama’t malaki ang pagkakaiba ng diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, ang Kanyang kaanyuan ay katulad pa rin ng sa tao; may kaanyuan Siya ng isang normal na tao, at namumuhay bilang isang normal na tao, at iyong mga nakakakita sa Kanya ay walang makikilatis na pagkakaiba sa pagitan Niya at ng isang normal na tao. Sapat na ang normal na kaanyuan at normal na pagkatao na ito upang magawa Niya ang Kanyang may pagka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Tinutulungan Siya ng Kanyang katawang-tao na magawa sa normal na pagkatao ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain sa piling ng tao, at lalo pa Siyang tinutulungan ng Kanyang normal na pagkatao na isakatuparan ang gawain ng pagliligtas sa piling ng tao. Bagama’t ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa mga tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa mga normal na resulta ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Bagama’t hindi kayang tanggapin ng karamihan ng mga tao ang Kanyang normal na pagkatao, nakapagkakamit pa rin ng mga resulta ang Kanyang gawain, at ang mga resultang ito ay nakakamit dahil sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, nagkakamit ang tao ng sampung ulit o dose-dosenang ulit na mga bagay na higit kaysa sa mga kuru-kuro na umiiral sa mga tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga kuru-kuro, sa huli, ay lulunuking lahat ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit na ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin ay ang kaalaman na mayroon ang tao tungkol sa Kanya, ay higit na mas marami kaysa sa mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang maisip o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sa sinumang taong may laman; bagama’t parehong-pareho ang panlabas na anyo, ang diwa ay hindi magkatulad. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbubunga ng maraming kuru-kuro sa mga tao tungkol sa Diyos, ngunit ang Kanyang katawang-tao ay kaya ring magpahintulot sa tao na makakuha ng maraming kaalaman, at kaya pa ngang lumupig sa sinumang taong nagtataglay ng isang katulad na panlabas na anyo. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi Diyos na may panlabas na anyo ng isang tao, at walang maaaring ganap na makaarok o makaunawa sa Kanya. Minamahal at sinasalubong ng lahat ang isang hindi nakikita at hindi nahahawakang Diyos. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na manampalataya sa Diyos. Maaaring hayaan ng mga tao na maging malaya ang kanilang mga imahinasyon, maaari silang pumili ng anumang wangis na ibig nila bilang wangis ng Diyos upang mabigyang-kasiyahan at mapaligaya ang kanilang mga sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anumang pinakaibig at pinakanais ipagawa sa kanila ng sarili nilang “Diyos,” nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, naniniwala ang mga tao na walang sinuman ang mas tapat at mas deboto sa “Diyos” kaysa sa kanila, at na ang lahat ng iba pa ay mga asong Hentil, at di-tapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ganito maghangad iyong mga ang pananampalataya sa Diyos ay malabo at nakabatay sa doktrina; ang kanilang hinahangad ay magkakatulad halos, na may kaunting pagkakaiba. Magkakaiba lamang ang mga wangis ng mga diyos sa kanilang imahinasyon, ngunit ang diwa ng mga ito, sa katunayan, ay magkatulad.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 119
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay pumarito sa katawang-tao ganap na dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao, hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang ibinayad na halaga at ang lahat ng Kanyang pagdurusa ay alang-alang sa sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang pakinabang at kawalan o mga gantimpala para sa Diyos; ang Kanyang natatamo ay hindi isang bagay na Kanyang inaani, kundi iyong orihinal nang nararapat sa Kanya. Ang layunin sa likod ng lahat ng Kanyang ginagawa para sa sangkatauhan at lahat ng halagang Kanyang ibinayad para sa sangkatauhan ay hindi upang makapagkamit Siya ng mas maraming gantimpala, kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan. Bagama’t sangkot sa gawain ng Diyos sa katawang-tao ang maraming paghihirap na di-mailarawan sa isip, ang mga bunga na nakakamit nito sa huli ay labis na lampas sa mga nakakamit ng gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay puno ng napakaraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi makapagtataglay ng katulad na dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi Siya makakapagsakatuparan ng mga kahima-himalang gawa gaya ng Espiritu, at higit na hindi Niya kayang magtaglay ng katulad na awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing ginagawa ng ordinaryong katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa diwa ng gawain na tuwirang ginagawa ng Espiritu, at ang katawang-taong ito Mismo ang kinakailangan ng lahat ng tao. Para sa mga ililigtas, ang halagang gamit ng Espiritu ay lubhang mas mababa kaysa sa halagang gamit ng katawang-tao: Nagagawa ng gawain ng Espiritu na sumaklaw sa buong sansinukob, sa lahat ng mga bundok, ilog, lawa, at karagatan, ngunit ang gawain ng katawang-tao ay higit na mabisang nauugnay sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na may nahahawakang anyo ay kayang higit na maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at lalo pang makapagpapalalim sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at makapag-iiwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng praktikal na mga gawa ng Diyos. Nababalot sa hiwaga ang gawain ng Espiritu; mahirap para sa mga mortal na nilikha na hulaan ito, at higit na mahirap para sa kanila na makita, at kaya maaari lamang silang magguni-guni ng mga bagay tungkol dito batay sa wala. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ay normal at praktikal, at nagtataglay ng saganang karunungan, at ito ay isang katunayan na maaaring personal na makita ng mga mata ng mortal na tao; maaaring personal na mapahalagahan ng tao ang karunungan ng gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at praktikal na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Maaari lamang gumawa ang Espiritu ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanya na ilarawan sa isip, halimbawa, ang kaliwanagan ng Espiritu, ang pag-antig ng Espiritu, at ang gabay ng Espiritu, ngunit para sa tao na may isip, ang mga bagay na ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Nagbibigay lamang ang mga ito ng isang pag-aantig, o ng isang halos katulad na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa pamamagitan ng mga salita. Gayunman, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay labis na naiiba: Kalakip nito ang tumpak na gabay ng mga salita, at may malilinaw na layunin at malilinaw na hinihinging layon. At kaya’t ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang manghula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at labis na naiiba ang Kanyang gawain mula sa gawain ng Espiritu. Angkop lamang ang gawain ng Espiritu para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring pumalit sa gawain ng katawang-tao. Ang mga tumpak na layon na hinihingi sa tao sa pamamagitan ng gawain ng katawang-tao, at ang praktikal na halaga ng kaalaman na natatamo ng tao sa pamamagitan ng gawaing ito, ay higit na nalalampasan ang katumpakan at praktikal na halaga ng gawain ng Espiritu. Para sa mga tiwaling tao, tanging ang gawain na nagbibigay ng tumpak na mga salita at malilinaw na layon na dapat hangarin, at nakikita at nahahawakan, ay ang uri ng gawain na may pinakamalaking halaga. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong gabay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging praktikal na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Kaya lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon. Bagama’t ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay kaya lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, hindi posible sa gayon na maging mabisa ang Kanyang gawain—ito ay isang malinaw na katunayan. Ang karamihan ng mga tao ay naging mga kaaway na ng Diyos dahil sa katawang-tao na ito. Gayumpaman, kapag winakasan ng katawang-taong ito ang Kanyang gawain, iyong mga taong laban sa Kanya ay hindi lamang hihinto sa pagiging mga kaaway Niya, bagkus ay magiging mga saksi Niya. Magiging mga saksi sila na Kanya nang nalupig, mga saksi na kaayon Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya. Idudulot Niya na malaman ng tao ang kahalagahan ng gawain ng katawang-tao sa tao, at malalaman ng tao ang kahalagahan ng katawang-tao na ito sa kahulugan ng pag-iral ng tao, malalaman ang Kanyang praktikal na halaga tungkol sa paglago ng buhay ng tao, at, mas lalo na, malalaman na ang katawang-tao na ito ay hindi inaasahang magiging isang buhay na bukal ng buhay kung saan hindi makakaya ng tao na mapahiwalay. Bagama’t ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay malayong tumugma sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, at para sa tao ay tila hindi kaayon ng Kanyang aktuwal na halaga, ang katawang-tao na ito, na hindi nagtataglay ng likas na wangis ng Diyos, o ng likas na pagkakakilanlan ng Diyos, ay kayang gawin ang gawain na hindi nakakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Gayon ang likas na kabuluhan at halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang kabuluhan at halagang ito ang hindi kayang maarok at makilala ng tao. Bagama’t lahat ng tao ay tumitingala sa Espiritu ng Diyos at hinahamak ang katawang-tao ng Diyos, anuman ang kanilang pananaw o iniisip, malayong nahihigitan ng praktikal na kabuluhan at halaga ng katawang-tao ang sa Espiritu. Mangyari pa, tungkol lamang ito sa tiwaling sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nananabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagkaantig o inspirasyon, at ng isang pagkaramdam ng pagkamangha na ang gawaing ito ay kagila-gilalas, hindi maarok, at hindi lubusang maisip, at isang pagkaramdam na ito ay dakila, nakahihigit, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maaaring makamit at maabot ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa isa’t isa mula sa malayo, na tila ba may napakalawak na agwat sa kanilang pagitan, at sila kailanman ay hindi maaaring maging magkatulad, na tila ba ang tao at ang Diyos ay pinaghiwalay ng isang di-nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinibigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi magkatulad ng uri at hindi kailanman magkasamang iiral sa parehong mundo, at dahil ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng anuman sa tao. Kaya hindi kailangan ng tao ang Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay hindi kayang tuwirang gawin ang gawaing pinakakinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng praktikal na mga layunin upang hangaring matamo, mga tahasang salita, at isang pakiramdam na Siya ay praktikal at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at karaniwan. Bagama’t takot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao, Siya ay talagang madaling lapitan. Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at marinig ang Kanyang tinig, at hindi kailangang tingnan ng tao mula sa malayo ang Diyos. Ang pakiramdam ng tao ay malapit sa kanya ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, bagkus ay nakikita at naaabot, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa kaparehong mundo ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 120
Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang paghahangad ng disposisyonal na pagbabago ay nangangailangan ng mga layon, at ang paghahangad ng pagkakilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa praktikal na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Matatamo lamang ang dalawang ito ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at praktikal na katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan ang pagkakatawang-tao—ito ay kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kinakailangang makilala ng mga tao ang Diyos, kailangang maiwaksi sa kanilang mga puso ang mga imahe ng malabo at higit-sa-karaniwang mga diyos, at dahil hinihinging iwaksi nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Kung tao lamang ang gagawa ng gawain para maiwaksi mula sa puso ng mga tao ang mga imahe ng malalabong diyos, mabibigo siyang makamit ang nilalayong epekto. Hindi mailalantad, maiwawaksi, o ganap na mapapatalsik ng mga salita lamang ang mga imahe ng malalabong diyos sa puso ng mga tao. Sa paggawa nito, hindi pa rin posible sa huli na iwaksi ang mga bagay na malalim na nakaugat sa mga tao. Makakamit lamang ang angkop na epekto kapag napalitan ng praktikal na Diyos at ng likas na wangis ng Diyos ang malabo at supernatural na mga bagay na ito, at unti-unting ipinapaalam sa mga tao ang mga ito. Kinikilala ng tao na malabo at supernatural ang diyos na kanyang hinangad sa mga nakaraang panahon. Ang may kakayahang makapagkamit ng epektong ito ay hindi ang tuwirang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang partikular na indibidwal, kundi ang Diyos na nagkatawang-tao. Mismong dahil ang pagiging normal at ang pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao ang kabaligtaran ng malalabo at mga higit sa karaniwang diyos na nasa imahinasyon ng tao kung kaya’t pawang nailalantad ang mga kuru-kuro ng tao kapag opisyal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain. Maibubunyag lamang ang orihinal na mga kuru-kuro ng tao kapag naihambing sa Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala ang paghahambing sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi maibubunyag ang mga kuru-kuro ng tao; sa madaling salita, kung walang pagiging praktikal bilang hambingan, hindi mabubunyag ang malalabong bagay. Walang may kakayahang gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang ipaliwanag nang malinaw ang gawaing ito gamit ang mga salita. Ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang iba pa ang makakagawa ng gawaing ito sa ngalan Niya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang pagiging praktikal at pagiging normal ng Diyos. Kaya lamang makilala ng tao ang Diyos nang higit na praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang higit na malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa gitna ng tao at ganap na ipakikita ang Kanyang wangis at pagiging Diyos. Hindi makakamtan ang epekto na ito ng sinumang tao na sa laman. Mangyari pa, wala ring kakayahan ang Espiritu ng Diyos na makamit ang epektong ito. Makakayang iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensiya ni Satanas, ngunit hindi makakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito; sa halip, makakaya lamang itong gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang katawang-taong ito ay isang tao at ang Diyos din; ang katawang-taong ito ay isang tao na nagtataglay ng normal na pagkatao at Diyos na nagtataglay ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, bagama’t ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao na nagliligtas sa tao, ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Anuman ang tawag sa Kanya, sa huli ay ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas sa sangkatauhan. Sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay hindi mahihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; sadya lamang na ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, bagkus ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao. Ang gawain na kailangang tuwirang gawin ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na kailangang gawin ng katawang-tao ay hindi kayang gawin nang tuwiran ng Espiritu, at kaya lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang tuwirang isinagawa ng Espiritu, at isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang natitirang dalawang yugto, at hindi tuwiran ng Espiritu. Hindi kabilang ang pagbabago ng tiwaling disposisyon ng tao sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu, at wala rin itong kaugnayan sa pagkakilala ng tao sa Diyos. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian ay kinapapalooban ng tiwaling disposisyon ng tao at ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at isang mahalaga at kritikal na bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatwid, higit na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng nagkatawang-taong Diyos, at higit na kinakailangan ang tuwirang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao para magpastol sa kanya, alalayan siya, diligan siya, pakainin siya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at lalong higit na pagtubos mula sa Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang kayang maging katiwalang-loob ng tao, pastol ng tao, laging handang sumaklolo sa tao, at ang lahat ng ito ay kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao ngayon at sa mga lumipas na panahon.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 121
Nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao at siya ang pinakamataas sa lahat ng nilikha ng Diyos, kaya nangangailangan ang tao ng pagliligtas ng Diyos. Tao, hindi si Satanas, ang pakay ng pagliligtas ng Diyos, at ang maliligtas ay ang laman ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang mga diyablo. Si Satanas ang pakay ng paglipol ng Diyos, ang tao ang pakay ng pagliligtas ng Diyos, at nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, kaya’t ang laman ng tao ang unang dapat na iligtas. Napakamalalimang nagawang tiwali ang laman ng tao, at naging isang bagay ito na lumalaban sa Diyos, kung kaya’t lantaran pa nga itong lumalaban at nagtatatwa sa pag-iral ng Diyos. Sadyang napakahirap nang mapaamo ang tiwaling laman na ito, at wala nang mas mahirap pang pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapaloob si Satanas sa laman ng tao upang magpasimula ng mga kaguluhan, at ginagamit nito ang laman ng tao upang guluhin ang gawain ng Diyos, at pinsalain ang plano ng Diyos, at sa gayon ay naging si Satanas ang tao, at naging kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang malupig. Ito ang dahilan kung bakit humaharap sa hamon ang Diyos at pumaparito sa katawang-tao upang gawin ang gawain na nilalayon Niyang gawin, at upang labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng tao, na naging tiwali, at ang pagkagapi at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Nagagapi Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Isa itong gawain na sabay nakakamit ang dalawang layunin. Gumagawa Siya sa katawang-tao, at nagsasalita sa katawang-tao, at isinasagawa ang lahat ng gawain sa katawang-tao upang higit na mahusay na makipag-ugnayan sa tao, at higit na mahusay na malupig ang tao. Sa huling pagkakataon na nagkakatawang-tao ang Diyos, ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay matatapos sa katawang-tao. Pagbubukud-bukurin Niya ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, tatapusin ang Kanyang buong pamamahala, at tatapusin din ang lahat ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Pagkaraang matapos ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa, ganap Siyang magtatagumpay. Sa paggawa sa katawang-tao, ganap na malulupig ng Diyos ang sangkatauhan, at ganap na makakamit ang sangkatauhan. Hindi ba ito nangangahulugan na magwawakas na ang Kanyang buong pamamahala? Kapag winakasan na ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, dahil lubos Niyang nagapi si Satanas at nagtagumpay, mawawalan na ng pagkakataon si Satanas na gawing tiwali ang tao. Ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay pagtubos at ang pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao. Ito ngayon ang gawain ng paglupig at ganap na pagkakamit sa sangkatauhan, upang wala nang paraan si Satanas na magawa ang gawain nito at ganap nang mabibigo, at ganap nang magtatagumpay ang Diyos. Ito ang gawain ng katawang-tao, at ang gawain na ginawa ng Diyos Mismo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 122
Ang paunang gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay tuwirang ginawa ng Espiritu, at hindi ng katawang-tao. Gayunman, ang huling gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at hindi nang tuwiran ng Espiritu. Ang gawain ng pagtubos sa gitnang yugto ay ginawa din ng Diyos sa katawang-tao. Sa buong gawain ng pamamahala, ang pinakamahalagang gawain ay ang mailigtas ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas. Ang susing gawain ay ang ganap na lupigin ang mga tiwaling tao para manumbalik ang orihinal na may-takot-sa-Diyos na puso ng mga nalupig at makapagkamit sila ng normal na buhay ng tao, na ang ibig sabihin ay ang normal na buhay ng isang nilikha. Kritikal ang gawaing ito, at ito ang sentro ng gawain ng pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay malayo sa sentro ng gawain ng pamamahala; may bahagyang anyo lamang ito ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Tuwirang ginawa ng Espiritu ang unang yugto ng gawain dahil, sa ilalim ng kautusan, pagsunod sa kautusan ang tanging alam ng tao, at hindi nagkaroon ng higit na maraming katotohanan ang tao, at sapagkat halos hindi nauugnay ang mga pagbabago ng disposisyon ng tao sa gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, lalong hindi ito tungkol sa gawain kung paano maliligtas ang tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Kung kaya nakompleto ng Espiritu ng Diyos itong sukdulang payak na yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. May maliit na kaugnayan lamang ang yugtong ito ng gawain sa sentro ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas sa tao, at sa gayon ay hindi kinailangan ng Diyos na maging tao upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Nakatago at di-maarok ang gawain na ginagawa ng Espiritu, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; hindi naaangkop ang Espiritu sa tuwirang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi naaangkop sa tuwirang pagtutustos ng buhay sa tao. Ang pinakaangkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraang malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinakaangkop para sa tao ay maging isang ordinaryo, normal na tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain. Nangangailangan ito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang Espiritu sa Kanyang gawain, at para sa tao, wala nang higit na angkop na paraan upang gumawa ang Diyos. Sa tatlong yugtong ito ng gawain, dalawang yugto ang isinasagawa sa katawang-tao, at ang dalawang yugtong ito ang mga susing bahagi ng gawain ng pamamahala. Pinupunan ng dalawang pagkakatawang-tao ang isa’t isa at ganap na kinokompleto ang isa’t isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at masasabi na ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumubuo ng isang kabuuan, at hindi nagsasalungatan sa isa’t isa. Isinasagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang katawang-tao ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos dahil napakahalaga ng mga ito sa buong gawain ng pamamahala. Halos masasabi na kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mahihinto ang buong gawain ng pamamahala, at magiging walang anuman kundi walang saysay na salita ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Nakabatay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan kung mahalaga o hindi ang gawain na ito, at sa realidad ng kabulukan ng sangkatauhan, at sa kalubhaan ng pagiging mapaghimagsik ni Satanas at ng panggugulo nito sa gawain. Ang siyang tama na may kakayahan sa gampanin ay nakasalalay sa kalikasan ng gawaing ginagampanan ng gumagawa, at sa kahalagahan ng gawain. Pagdating sa kahalagahan ng gawaing ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—gawaing tuwirang ginawa ng Espiritu ng Diyos, o gawaing ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing ginampanan sa pamamagitan ng tao—ang unang tinatanggal ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at sa kalikasan ng gawain ng Espiritu kumpara sa kalikasan ng gawain ng katawang-tao, napagpasyahan sa huli na higit na kapaki-pakinabang para sa tao ang gawaing ginawa ng katawang-tao kaysa sa gawain na tuwirang ginawa ng Espiritu, at nag-aalok ito ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos noong oras na nagpasya Siya kung ang gawain ay gagawin ng Espiritu o ng katawang-tao. May kabuluhan at batayan sa bawat yugto ng gawain. Wala sa mga yugtong ito ng gawain ang nakabatay sa mga imahinasyon na walang batayan, ni isinasagawa nang walang pakundangan; may tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang tunay na kuwento sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos. Sa partikular, ang gayong kadakilang gawain ay naglalaman ng mas maraming plano ng Diyos kung saan personal na gumagawa sa gitna ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao. Samakatwid, ang karunungan ng Diyos at ang kabuuan ng Kanyang pagiging Diyos ay nasasalamin sa bawat kilos, pag-iisip, at ideya sa Kanyang gawain; ito ang higit na kongkreto at sistematikong pagiging Diyos ng Diyos. Mahirap para sa tao na ilarawan sa isip ang mga banayad na saloobin at ideyang ito, at mahirap para sa tao na paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ang gawaing ginagawa ng tao ay ginagampanan ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Ngunit kung ihahambing sa gawain ng Diyos, sadyang napakalaki ang pagkakaiba. Bagama’t dakila ang mga gawa ng Diyos at nasa isang kagila-gilalas na saklaw ang gawain ng Diyos, maraming napakadetalyado at eksaktong mga plano at mga pagsasaayos sa likod ng mga ito na hindi mailarawan ng isip ng tao. Hindi lamang ginagawa ayon sa prinsipyo ang bawat yugto ng Kanyang gawain, ngunit naglalaman din ng maraming bagay na hindi makakayang masabi nang maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ang mga ito ay ang mga bagay na hindi nakikita ng tao. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, naglalaman ang bawat isa ng mga plano ng Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa nang walang batayan, at hindi Siya gumagawa ng walang saysay na gawain. Kapag tuwirang gumagawa ang Espiritu, gumagawa Siya ng may mga layon Niya, at kapag Siya ay nagiging tao (na ang ibig sabihin, kapag nagbabagong-anyo ang Kanyang panlabas na anyo) upang gumawa, ito ay higit pa na naglalaman ng Kanyang layunin. Bakit pa Niya basta na lamang babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Paanong basta na lamang Siya magiging isang taong hinahamak at inuusig ng mga tao?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 123
May sukdulang kabuluhan ang Kanyang gawain sa katawang-tao, na sinasabi ayon sa gawain, at ang Siya na sa huli ay tumatapos sa gawain ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at hindi ang Espiritu. Naniniwala ang ilan na maaaring pumarito sa lupa ang Diyos sa isang hindi pa batid na panahon at magpakita sa tao, kung saan hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, susubukan ang bawat isa nang walang sinumang naiiwan. Hindi alam ng mga nag-iisip sa ganitong paraan ang yugtong ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga tao nang isa-isa, ni hindi sila pinadadaan sa pagsubok nang paisa-isa; hindi magiging gawain ng paghatol ang paggawa ng gayon. Hindi ba’t magkakatulad ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan? Hindi ba’t magkakatulad ang diwa ng lahat ng sangkatauhan? Ang hinahatulan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang maliliit at di-mahahalagang kapintasan ng tao. Ang gawain ng paghatol ay representatibo, at hindi ito isinasagawa nang partikular para sa isang tiyak na tao. Sa halip, gawain ito na kung saan hinahatulan ang isang pangkat ng mga tao upang kumatawan sa paghatol sa lahat ng sangkatauhan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa katawang-tao ay ang gamitin ang Kanya Mismong gawain sa isang pangkat ng mga tao para katawanin ang gawain sa buong sangkatauhan, pagkatapos ay unti-unti itong ipinalalaganap. Ganito rin ang gawain ng paghatol. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang partikular na uri ng tao o isang partikular na grupo ng mga tao, bagkus ay hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan, tulad ng paglaban ng tao sa Diyos, o ng hindi pagkatakot ng tao sa Kanya, o ng panggugulo ng tao sa gawain ng Diyos. Ang hinahatulan ay ang diwa ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ng paghatol ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao na nasaksihan ng tao ay ang gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na tinaglay ng tao sa kanyang mga kuru-kuro sa mga nakaraang panahon. Ang gawaing kasalukuyang ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang mismong paghatol sa harap ng malaking puting trono. Ang Diyos na nagkatawang-tao ngayon ay ang Diyos na humahatol sa buong sangkatauhan sa panahon ng mga huling araw. Ang katawang-tao na ito at ang gawain, salita, at buong disposisyon ng katawang-taong ito ay ang kabuuan Niya. Bagama’t may hangganan ang saklaw ng gawain ng katawang-taong ito, at hindi direktang sumasaklaw sa buong sansinukob, ang diwa ng gawain ng paghatol ay ang direktang paghatol sa lahat ng sangkatauhan—ang gawaing ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng mga hinirang na tao sa Tsina, at hindi rin ito isinasakatuparan para sa kapakanan ng isang maliit na bilang ng mga tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, bagama’t hindi kabilang ang buong sansinukob sa saklaw ng gawaing ito, kumakatawan ito sa gawain ng buong sansinukob, at pagkaraan Niyang tapusin ang gawain sa loob ng saklaw ng gawain ng Kanyang katawang-tao, agad Niyang ipapalaganap ang gawaing ito sa bawat lugar sa loob ng sansinukob, sa katulad na paraan na lumaganap ang ebanghelyo ni Jesus kasunod ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, gawain ito na isinasagawa sa loob ng isang limitadong saklaw, ngunit kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob. Sa panahon ng mga huling araw, ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagpapakita sa Kanyang nagkatawang-taong pagkakakilanlan, at ang Diyos sa katawang-tao ay ang Diyos na humahatol sa tao sa harap ng malaking puting trono. Espiritu man Siya o ang katawang-tao, Siya na gumagawa ng gawain ng paghatol ay ang Diyos na humahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw. Natutukoy ito batay sa gawaing Kanyang ginagawa, hindi batay sa Kanyang panlabas na kaanyuan o iba pang mga bagay. Bagama’t nagkikimkim ang tao ng mga kuru-kuro sa mga salitang ito, walang sinuman ang makapagtatatwa sa katunayan ng paghatol at paglupig ng Diyos na nagkatawang-tao sa lahat ng sangkatauhan. Kung anuman ang iniisip ng tao hinggil dito, ang mga katunayan, sa kabila ng lahat, ay mga katunayan. Walang sinuman ang makakayang magsabi na “Ang gawain ay ginagawa ng Diyos, ngunit ang katawang-tao ay hindi Diyos.” Maling kaisipan ito, dahil ang gawaing ito ay maaari lamang gawin ng Diyos sa katawang-tao. Dahil nagawa nang ganap ang gawaing ito, kasunod ng gawaing ito, hindi lilitaw sa pangalawang pagkakataon ang gawain ng paghatol ng Diyos sa tao; natapos na ng Diyos sa Kanyang pangalawang pagkakatawang-tao ang lahat ng gawain ng buong pamamahala, at wala nang magiging ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos. Sapagkat ang tao ang siyang hinahatulan, ang taong makalaman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang tuwirang hinahatulan, ang gawain ng paghatol, kung gayon, ay hindi isinasagawa sa espirituwal na mundo, kundi sa gitna ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 124
Walang sinuman ang mas angkop at mas kalipikado kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay tuwirang isasagawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon, hindi ito sasaklaw sa lahat, at, dagdag pa rito, ang tao ay mahihirapang tanggapin ito, sapagkat hindi magagawa ng Espiritu na lumapit nang harap-harapan sa tao. Batay lamang sa puntong ito, hindi magiging agaran ang mga epekto, lalong hindi makikita ng tao nang may mas malaking kalinawan ang disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti sa anumang pagkakasala. Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang Diyos sa katawang-tao ay isa ring tao na may normal na pagkatao, gayumpaman, kaya Niyang tuwirang hatulan ang hindi pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang kalipikado, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan at pagiging matuwid, at kaya nagagawa Niyang hatulan ang tao. Iyong mga walang katotohanan at pagiging matuwid ay hindi karapat-dapat na hatulan ang iba. Kung ginawa ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito, kung gayon ay hindi ito mangangahulugan ng tagumpay laban kay Satanas. Likas na mas matayog ang Espiritu kaysa sa mga mortal na nilalang, at likas na banal ang Espiritu ng Diyos, at matagumpay laban sa laman. Kung tuwirang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng paghihimagsik ng tao at hindi makakayang ibunyag ang lahat ng hindi pagiging matuwid ng tao. Sapagkat ang gawain ng paghatol ay ginagawa rin sa pamamagitan ng mga kuru-kuro ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Espiritu, at sa gayon ay hindi kaya ng Espiritu ang higit na mainam na pagbubunyag sa hindi pagiging matuwid ng tao, lalong hindi kaya ang lubusang pagsisiwalat ng gayong hindi pagiging matuwid. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya at sa paglaban nila sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagiging mapaghimagsik ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas malinaw kaysa sa epekto ng gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol sa lahat ng sangkatauhan ay hindi tuwirang isinasagawa ng Espiritu, bagkus ay ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay kayang ganap na lupigin ang tao. Ang tao ay umuusad mula sa paglaban sa Diyos patungo sa pagpapasakop sa Kanya, mula sa pag-uusig sa Kanya patungo sa pagtanggap sa Kanya, mula sa pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya patungo sa pagkakilala sa Kanya, at mula sa pagtanggi sa Kanya patungo sa pagmamahal sa Kanya—ang mga ito ang mga epekto ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa proseso ng paglaban nito sa Kanya, at tumatanggap ito ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa proseso ng pagtanggap sa Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu. Ang gawaing ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang pinakadakilang gawain, at ang pinakamalalim na gawain, at ang pinakakritikal na bahagi ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ang dalawang yugto ng gawain ng pagkakatawang-tao. Ang mga balakid na kinakaharap ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay masyadong malalaki, dahil napakalalim na nagawang tiwali ang tao. Sa partikular, ang gawaing isinasakatuparan sa mga taong ito sa mga huling araw ay lalo nang napakahirap—ang kapaligiran ay napakasama, at ang kakayahan ng bawat uri ng tao ay talagang mahina. Ngunit sa katapusan ng gawain na ito, makakamit pa rin nito ang wastong epekto, nang wala ni katiting na pagkukulang; ito ay ang epekto ng gawain ng katawang-tao, at higit na nakakakumbinsi ang epektong ito kaysa sa epekto ng gawain ng Espiritu. Tatapusin sa katawang-tao ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at dapat tapusin ang mga ito ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang pinakamahalaga at pinakakritikal na gawain ay ginagawa sa katawang-tao, at ang pagliligtas sa tao ay kailangang personal na isakatuparan ng Diyos sa katawang-tao. Bagama’t nararamdaman ng lahat ng sangkatauhan na tila walang kaugnayan sa tao ang Diyos sa katawang-tao, sa katunayan ay nauugnay sa kapalaran at pag-iral ng buong sangkatauhan ang katawang-tao na ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 125
Ipinatutupad ang bawat yugto ng gawain ng Diyos para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at nakatuon sa buong sangkatauhan. Bagama’t gawain Niya ito sa katawang-tao, nakatuon pa rin ito sa lahat ng sangkatauhan; Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan, at Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha at di-nilikhang nilalang. Bagama’t nakapaloob sa isang limitadong saklaw ang Kanyang gawain sa katawang-tao, at limitado rin ang pakay ng gawaing ito, sa tuwing nagiging katawang-tao Siya upang gawin ang Kanyang gawain, pumipili Siya ng isang pakay ng Kanyang gawain na representante nang higit sa lahat. Hindi Siya pumipili ng isang pangkat ng mga payak at karaniwang mga tao na Kanyang gagawaan, bagkus ay pumipili ng isang pangkat ng mga tao bilang layon ng Kanyang gawain na may kakayahang maging mga kinatawan ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Pinipili ang pangkat na ito ng mga tao dahil may hangganan ang saklaw ng Kanyang gawain sa katawang-tao, at partikular na inihahanda para sa Kanyang nagkatawang-taong laman, at partikular na pinipili para sa Kanyang gawain sa katawang-tao. Ang pagpili ng Diyos sa mga layon ng Kanyang gawain ay hindi walang saligan, bagkus ay isinasagawa ayon sa mga prinsipyo: Ang layon ng gawain ay dapat may pakinabang sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at dapat na magawang kumatawan sa buong sangkatauhan. Halimbawa, nagawa ng mga Hudyo na kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na pagtubos ni Jesus, at ang mga Tsino ay nagagawang kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos na nagkatawang-tao. May isang batayan sa pagkatawan ng mga Hudyo sa buong sangkatauhan, at may isang batayan din sa pagkatawan ng mga mamamayang Tsino sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos. Walang higit na nagpapakita ng kabuluhan ng pagtubos kaysa sa gawain ng pagtubos na ginawa sa gitna ng mga Hudyo, at walang higit na nagpapakita ng kalubusan at tagumpay ng gawain ng paglupig maliban sa gawain ng paglupig na ginagawa sa gitna ng mga mamamayang Tsino. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay tila nakatutok lamang sa isang maliit na pangkat ng mga tao, ngunit sa katunayan, ginagawa Niya ang gawain ng buong sansinukob, at nagsasalita Siya sa buong sangkatauhan, sa loob ng maliit na pangkat na ito. Pagkaraang umabot na sa katapusan ang Kanyang gawain sa katawang-tao, magsisimulang palaganapin ng mga taong sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang nagawa na sa gitna nila. Ang pinakadakilang kalakasan ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga panghihikayat, at ng Kanyang tumpak na mga layunin para sa sangkatauhan sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at sa mas praktikal na paraan ay maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang mga layunin para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa daang ito. Tanging ang Diyos sa katawang-tao na gumagawa sa gitna ng tao ang tunay na nagdudulot na maging realidad ang pagsama ng Diyos sa tao at ang pamumuhay kasama ng tao, at tumutupad sa pagnanais ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winakasan na ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinapos na rin Niya ang kapanahunan ng pananampalataya ng sangkatauhan sa malalabong diyos. Sa partikular, ang gawain ng huling pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagdadala sa buong sangkatauhan sa isang kapanahunang mas makatotohanan, mas praktikal, at mas maganda. Ang gawaing ito ay hindi lamang tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at mga regulasyon ngunit ang higit na mahalaga, ipinaaalam nito sa sangkatauhan ang Diyos na praktikal at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago sa loob ng libo-libong taon. Winawakasan nang lubusan ng gawaing ito ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos nito ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan nito ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at ganap nitong inaakay ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao kapalit ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, saka lang ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sa paghula sa mga layunin ng malalabong diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng relihiyon at denominasyon, at kanilang ipapamahagi ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat ng naririnig ng mga tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, at magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao—magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi ito. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kung walang mga katunayan kundi pawang mga imahinasyon lamang ng tao, hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan para sa tao ng anumang karagdagang katibayan o anumang karagdagang katunayan ng gawain ng Diyos. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, palagi siyang mananampalataya sa isang malabong diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang mukha ng Diyos, ni kailanman ay maririnig ng tao ang mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Ang mga imahinasyon ng tao, sa huli, ay hungkag, at hindi mapapalitan ng mga ito ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng pagkakatawang-tao ng Diyos at pagparito Niya sa gitna ng tao para personal na gawin ang Kanyang gawain. Ito ang pinaka-ideyal na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, at para makita ng tao ang Diyos at makilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao. Pagkagawa ng gawain ng Diyos hanggang sa yugtong ito, nakamit na ng gawain ng Diyos ang pinakamainam na epekto, at naging isang ganap na tagumpay. Natapos na ng personal na gawain ng Diyos sa katawang-tao ang siyamnapung porsiyento ng Kanyang buong gawain ng pamamahala. Naakay ng katawang-taong ito sa isang mas mahusay na panimula ang lahat ng Kanyang gawain, at nadala ng katawang-taong ito sa isang pagtatapos ang lahat ng Kanyang gawain, nadeklara nito ang lahat ng Kanyang gawain, at nagawa nito ang huling lubusang pagpupuno sa lahat ng gawaing ito. Simula ngayon, hindi na magkakaroon ng isa pang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos, at hindi na rin magkakaroon kailanman ng nakamamanghang gawain ng ikatlong pagkakatawang-tao ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 126
Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos sa katawang-tao ay kumakatawan sa Kanyang gawain ng buong kapanahunan, at hindi ito kumakatawan sa isang tiyak na panahon na tulad ng sa gawain ng tao. At kaya ang katapusan ng gawain ng Kanyang huling pagkakatawang-tao ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang gawain ay umabot na sa ganap na katapusan, dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay kumakatawan sa buong kapanahunan, at hindi lamang kumakatawan sa panahon na gumagawa Siya ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Sadya lamang na tinatapos na Niya ang Kanyang gawain sa buong kapanahunan sa panahon na Siya ay nasa katawang-tao, pagkaraan ay lalaganap ito sa lahat ng dako. Pagkaraang matupad ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, ipagkakatiwala Niya ang Kanyang gawain sa hinaharap sa mga sumusunod sa Kanya. Sa ganitong paraan, maipagpapatuloy nang walang patid ang Kanyang gawain sa buong kapanahunan. Maituturing lamang na kompleto ang gawain ng buong kapanahunan ng pagkakatawang-tao sa sandaling naipalaganap na ito sa lahat ng lugar sa sansinukob. Sinisimulan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ang isang bagong panahon, at ang mga tao na kinakasangkapan Niya ang nagpapatuloy sa Kanyang gawain. Pawang napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawaing ginagawa ng tao, at wala itong kakayahang lumampas sa ganitong saklaw. Kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain, hindi magagawa ng tao na dalhin ang lumang kapanahunan sa katapusan, at hindi magagawang maghatid ng isang bagong panahon. Ang gawaing ginagawa ng tao ay nasa saklaw lamang ng kanyang tungkulin na kayang gawin ng tao, at hindi ito kumakatawan sa gawain ng Diyos. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring dumating at tapusin ang gawain na dapat Niyang gawin, at bukod sa Kanya, walang sinuman ang makakayang gawin ang gawaing ito bilang kahalili Niya. Mangyari pa, ang tinutukoy Ko ay ang tungkol sa gawain ng pagkakatawang-tao. Unang nagsasagawa itong Diyos na nagkatawang-tao ng isang hakbang ng gawain na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, pagkatapos noon ay gumagawa pa Siya ng higit na maraming gawain na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Ang layunin ng gawain ay ang paglupig sa tao. Sa isang pagtingin, hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao ang pagkakatawang-tao ng Diyos, bukod diyan ay gumagawa Siya ng higit pang gawain na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, at sa gayon bumubuo pa ng mas kritikal na mga pananaw ang tao tungkol sa Kanya. Ginagawa lamang Niya ang gawain ng paglupig sa gitna ng mga tao na may napakaraming kuru-kuro sa Kanya. Kung paano man nila Siya tinatrato, kapag nakompleto na Niya ang Kanyang ministeryo, magpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ang lahat ng tao. Hindi lamang naipapamalas ang katunayan ng gawaing ito sa mga mamamayang Tsino, ngunit kinakatawan din nito kung paano lulupigin ang buong sangkatauhan. Ang mga epektong nakakamit sa mga taong ito ay isang patikim ng mga epekto na makakamit sa kabuuan ng sangkatauhan, at ang mga epekto ng gawaing gagawin Niya sa hinaharap ay lalong lalampasan maging ang mga epekto sa mga taong ito. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay hindi maringal na kamangha-mangha, hindi rin nababalot ng makapal na usok. Tunay at aktuwal ito, at gawain ito na ang isa ay isa at ang dalawa ay dalawa. Hindi ito nakatago sa sinuman, o hindi nito nililinlang ang sinuman. Ang nakikita ng mga tao ay tunay at totoong mga bagay, at ang nakakamit ng tao ay praktikal na kaalaman at katotohanan. Kapag natapos na ang gawain, magkakaroon ang tao ng bagong kaalaman tungkol sa Kanya, at hindi na magkakaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Kanya iyong mga taong tunay na naghahangad. Hindi lamang ito ang epekto ng Kanyang gawain sa mga mamamayang Tsino, ngunit kinakatawan din nito ang epekto ng Kanyang gawain sa paglupig sa buong sangkatauhan, dahil walang higit na kapaki-pakinabang sa gawain ng panlulupig sa buong sangkatauhan maliban sa katawang-tao na ito, at ang gawain ng katawang-tao na ito, at lahat ng bagay sa katawang-taong ito. Kapaki-pakinabang ang mga ito sa Kanyang gawain ngayon, at kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain sa hinaharap. Lulupigin ng katawang-taong ito ang buong sangkatauhan at makakamit ang buong sangkatauhan. Wala nang mas mainam pang gawain para makita ng buong sangkatauhan ang Diyos, magpasakop sa Diyos, at makilala ang Diyos. Kumakatawan lamang sa isang limitadong saklaw ang gawaing ginagawa ng tao, at kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya nagsasalita sa isang tiyak na tao, ngunit nagsasalita sa buong sangkatauhan, at sa lahat ng taong tumatanggap ng Kanyang mga salita. Sa pagpoproklama ng mga kalalabasan, ipinoproklama ng Diyos ang mga kalalabasan ng lahat ng tao, hindi lamang ang kalalabasan ng isang partikular na tao. Hindi Siya nagbibigay ng anupamang natatanging pakikitungo sa sinuman, at hindi Niya rin pinahihirapan ang sinuman, at gumagawa Siya at nagsasalita sa buong sangkatauhan. Samakatwid, napagbukod-bukod na nitong Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan ayon sa kanilang uri, nahatulan na ang buong sangkatauhan, at naisaayos na ang mga angkop na hantungan para sa buong sangkatauhan. Bagama’t ginagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain sa Tsina, sa katunayan ay napangasiwaan na Niya ang gawain ng buong sansinukob. Hindi Siya makakapaghintay hanggang naipalaganap na sa buong sangkatauhan ang Kanyang gawain bago gawin ang Kanyang mga pagbigkas at mga pagsasaayos nang paisa-isang hakbang. Hindi ba’t masyado nang huli iyan? Ngayon ay ganap na kaya Niyang tapusin ang hinaharap na gawain nang maaga. Ito ay dahil ang Siyang gumagawa ay ang Diyos sa katawang-tao; gumagawa Siya ng walang hanggang gawain sa loob ng isang saklaw na may hangganan, at pagkaraan ay pagagawain Niya ang tao ng tungkulin na dapat gampanan ng tao—ito ang prinsipyo ng Kanyang gawain. Kaya lamang Niyang mamuhay kasama ang tao sa loob ng isang panahon, at hindi kayang samahan ang tao hanggang matapos ang gawain sa buong kapanahunan. Dahil Siya ay Diyos kaya naihahayag Niya nang patiuna ang Kanyang gawain sa hinaharap. Pagkaraan, pagbubukud-bukurin Niya ang buong sangkatauhan ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at papasok ang sangkatauhan sa Kanyang hakbang-hakbang na gawain alinsunod sa Kanyang mga salita. Walang sinumang makatatakas, at dapat magsagawa ang lahat ayon dito. Kaya sa hinaharap, gagabayan ang kapanahunan ng Kanyang mga salita, at hindi gagabayan ng Espiritu.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 127
Ang laman ng tao ay nagawang tiwali ni Satanas, at ito ay pinakalubhang nabulag at labis na napinsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay sapagkat ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at sapagkat ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang guluhin ang gawain ng Diyos. Sa katunayan, ang pakikipaglaban kay Satanas ay ang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Kaya, ang pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang Kanyang gawain ay labis na kinakailangan. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging pinakalarawan ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Samakatwid, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, sa katunayan, nakikipaglaban Siya kay Satanas sa katawang-tao. Kapag gumagawa Siya sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain ng espirituwal na mundo, at ginagawa Niyang tunay sa lupa ang kabuuan ng Kanyang gawain sa espirituwal na mundo. Tao ang nalulupig, tao na mapaghimagsik sa Kanya, at ang nagagapi ay ang pinakalarawan ni Satanas (mangyari pa, ito ay tao rin), na kaaway Niya, at tao rin ang naliligtas sa dakong huli. Kaya, higit pang kinakailangan para sa Diyos na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilikha, upang magawa Niya ang aktuwal na pakikipaglaban kay Satanas, upang malupig ang tao, na mapaghimagsik sa Kanya at nagtataglay ng panlabas na anyo na katulad ng sa Kanya, at upang mailigtas ang tao, na may panlabas na anyo na katulad ng sa Kanya at napinsala na ni Satanas. Tao ang Kanyang kaaway, tao ang layon ng Kanyang paglupig, at tao, na nilikha Niya, ang layon ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t dapat Siyang maging tao, at sa ganitong paraan, nagiging higit na madali ang Kanyang gawain—nagagawa Niyang gapiin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at higit pa rito ay nagagawang iligtas ang sangkatauhan. Bagama’t normal at praktikal ang katawang-tao na ito, hindi Siya pangkaraniwang katawang-tao: Hindi Siya katawang-tao na may pagkatao lamang, kundi katawang-tao na kapwa mayroong pagkatao at pagka-Diyos. Ito ang pagkakaiba Niya sa tao, at ito ang tatak ng pagkakakilanlan ng Diyos. Tanging katawang-tao na tulad nito ang makakayang gumawa ng mga gawaing ninanais Niyang gawin, at matupad ang ministeryo ng Diyos sa katawang-tao, at ganap na makompleto ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Kung hindi ito ganoon, laging magiging hungkag at may kapintasan ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Bagama’t makakaya ng Diyos na makipaglaban sa espiritu ni Satanas at lumitaw na matagumpay, hindi malulutas kailanman ang lumang kalikasan ng tiwaling tao, at iyong mga mapaghimagsik sa Kanya at lumalaban sa Kanya ay hindi kailanman totoong magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan, na ang ibig sabihin, hindi Niya kailanman malulupig ang sangkatauhan, at hindi kailanman makakamit ang buong sangkatauhan. Kung hindi malulutas ang Kanyang gawain sa lupa, kung ganoon ay hindi kailanman matatapos ang Kanyang pamamahala, at hindi magagawa ng buong sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan. Kung hindi makakapasok ang Diyos sa kapahingahan kasama ang lahat ng Kanyang mga nilikha, kung ganoon ay walang kalalabasan kailanman sa ganoong gawain ng pamamahala, at kasunod na mawawala ang kaluwalhatian ng Diyos. Bagama’t walang awtoridad ang Kanyang katawang-tao, makakamit na ang epekto ng gawain na Kanyang ginagawa. Ito ang di-maiiwasang tunguhin ng Kanyang gawain. Nagtataglay man o hindi ng awtoridad ang Kanyang katawang-tao, hangga’t kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya ay ang Diyos Mismo. Gaano man kanormal o kaordinaryo ang katawang-tao na ito, magagawa Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, dahil Diyos at hindi tao lamang ang katawang-tao na ito. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagkat ang Kanyang panloob na diwa ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba sa sinumang tao. Napakahalaga sa sangkatauhan ng katawang-tao na ito sapagkat Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagkat nakakaya Niyang gawin ang gawain na hindi kaya ng karaniwang taong may laman, at dahil nakakaya Niyang magligtas ng tiwaling tao, na namumuhay kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay tao rin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nagagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na magpatotoo sa Diyos Mismo, at higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang bunga, bagama’t normal at ordinaryo ang katawang-tao na ito, pagdating sa ambag Niya sa sangkatauhan at kabuluhan Niya sa pag-iral ng sangkatauhan, napakahalaga Niya, at hindi masusukat ng sinumang tao ang aktuwal na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito. Bagama’t hindi tuwirang mawawasak si Satanas ng katawang-tao na ito, magagamit Niya ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at gapiin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na sumuko sa Kanyang kapamahalaan. Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya’t makakaya Niyang gapiin si Satanas at magagawang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya tuwirang winawasak si Satanas, bagkus ay nagkakatawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Siyang makapagpapatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at mas mahusay Niyang maliligtas ang tiwaling tao. Ang paggapi kay Satanas ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagbibigay ng higit na malaking patotoo, at higit na nakakakumbinsi, kaysa sa tuwirang pagwasak ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na kapaki-pakinabang para sa pagkilala ng tao sa Lumikha, at higit na magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilikha Niya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 128
Ang Diyos ay pumarito sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na magpakita sa tao at tulutan ang tao na mapagmasdan Siya; ito ba ay maliit na bagay? Ito ay tunay na hindi payak! Hindi ito gaya ng iniisip ng tao: na ang Diyos ay dumating nang sa gayon ay makita Siya ng tao, nang sa gayon ay maaaring maunawaan ng tao na ang Diyos ay praktikal at hindi malabo o hungkag, at na ang Diyos ay mataas ngunit mapagkumbaba rin. Ganoon lang kaya ito kasimple? Tiyak na dahil natiwali na ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang hinahangad iligtas ng Diyos, kaya kailangang magkatawang-tao ang Diyos upang makipagdigma kay Satanas at upang personal na pastulan ang tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay umiral upang talunin si Satanas, at upang mas mainam na maligtas ang tao. Iyon ay dahil ang siyang nakakagawa ng pakikipagdigma kay Satanas ay ang Diyos lamang, maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Sa madaling salita, hindi mangyayari na ang mga anghel ang magsasagawa ng pakikipagdigma kay Satanas, lalong hindi ito ang tao, na nagawa nang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na lumaban sa labanang ito, at ang tao ay lalong walang pagkakataon na makialam. Sa gayon, kung ninanais ng Diyos na gawaan ang buhay ng tao, kung ninanais Niyang personal na pumarito sa lupa upang iligtas ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging katawang-tao—iyon ay, kailangan Niyang personal na maging katawang-tao, at taglay ang Kanyang likas na pagkakakilanlan at ang gawain na kailangan Niyang gawin, pumarito sa gitna ng tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ang tao ang gumawa ng gawaing ito, kung gayon ay walang mangyayari kailanman sa labanang ito, at hindi ito matatapos kailanman. Kapag ang Diyos ay nagiging katawang-tao upang personal na makipagdigma laban kay Satanas sa gitna ng tao, saka lang nagkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, dahil dito ay napapahiya si Satanas at naiiwang walang anumang pagkakataon na sasamantalahin o anumang pakana na isasagawa. Ang gawain na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di-nakakamit ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang magiging imposible para sa sinumang tao ng laman at dugo na gawin ito sa ngalan ng Diyos, sapagkat ang gawain na Kanyang ginagawa ay pawang para sa buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, bibitawan lamang niya ang kanyang mga sandata at tatakas siya sa lubos na kahihiyan at kaguluhan; siya ay sadyang walang abilidad na baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Hindi niya kakayaning iligtas ang tao mula sa krus, o lupigin ang lahat ng mapaghimagsik na sangkatauhan, kundi makakaya lamang niyang gumawa ng kaunting lumang gawain na hindi lumalampas sa mga prinsipyo, o kaya ay anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aabala? Hindi niya makakamit ang tao, at lalong hindi niya magagampanan ang gawain ng paggapi kay Satanas, kaya ano pa ang saysay? At kaya, ang digmaan laban kay Satanas ay maisasakatuparan lamang ng Diyos Mismo, at magiging imposible na lamang para sa tao na gawin ito. Ang tungkulin ng tao ay magpasakop at sumunod, sapagkat lubos na hindi kayang gawin ng tao ang gawaing katulad ng paggawa ng kalangitan at lupa, lalong hindi niya maisakatuparan ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Mapapalugod lamang ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, at sa pamamagitan nito ay natatalo si Satanas; ito lamang ang isang bagay na magagawa ng tao. At kaya, sa tuwing nagsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa tuwing nagsisimula ang gawain ng isang bagong kapanahunan, ang gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo, at sa pamamagitan nito ay pinangungunahan Niya ang buong kapanahunan at binubuksan ang isang mas bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan. Ang bukang-liwayway ng bawat isang bagong kapanahunan ay isang bagong simula sa pakikipagdigma kay Satanas, at sa pamamagitan nito ay pumapasok ang tao sa mas bago, mas magandang kinasasaklawan, at isang bagong kapanahunan na personal na pinangungunahan ng Diyos Mismo. Ang tao ang panginoon ng lahat ng bagay, ngunit iyong mga natamo ay magiging mga bunga ng lahat ng digmaan laban kay Satanas. Si Satanas ang tagapagtiwali ng lahat ng bagay, ito ang nagapi sa katapusan ng lahat ng digmaan, at ito rin ang maparurusahan kasunod ng mga digmaang ito. Sa gitna ng Diyos, ng tao at ni Satanas, tanging si Satanas ang itataboy. Iyong mga natamo ni Satanas ngunit hindi nabawing muli ng Diyos, samantala, ay nagiging mga makakatanggap ng kaparusahan bilang kinatawan ni Satanas. Sa tatlong ito, tanging ang Diyos ang dapat sambahin ng lahat ng bagay. Yaong mga ginawang tiwali ni Satanas subalit nabawi ng Diyos at mga sumusunod sa Daan ng Diyos, samantala, ay yaong makakatanggap ng pangako ng Diyos at hahatol sa masasama para sa Diyos. Ang Diyos ay tiyak na magiging matagumpay at tiyak na matatalo si Satanas, ngunit sa gitna ng tao ay mayroong mga mananalo at mayroong mga matatalo. Yaong mga mananalo ay mapapabilang sa mga mananagumpay, at yaong mga matatalo ay mapapabilang sa mga talunan; ito ang pagbubukod-bukod ng bawat isa ayon sa kanilang uri, ito ang huling pagwawakas ng buong gawain ng Diyos. Ito rin ang layon ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Ang ubod ng plano ng pamamahala ng Diyos ay pangunahing nakatuon sa kaligtasan ng tao, at ang Diyos ay naging katawang-tao pangunahing para sa ubod na ito, para sa gawaing ito, at upang talunin si Satanas. Ang unang pagkakataon na naging katawang-tao ang Diyos ay para din talunin si Satanas. Personal Siyang naging katawang-tao, at personal Siyang ipinako sa krus, upang kompletuhin ang gawain ng unang digmaan, na siyang gawain para sa pagtutubos sa sangkatauhan. Gayundin, ang yugtong ito ng gawain ay personal ding ginagawa ng Diyos, na nagiging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na sabihin ang Kanyang salita at tulutan ang tao na makita ang mga bagay na ito. Mangyari pa, hindi maiiwasan na gumagawa rin Siya ng ilang ibang gawain kasabay niyon, ngunit ang pangunahing dahilan kung kaya personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain ay upang talunin si Satanas, upang lupigin ang kabuuan ng sangkatauhan, at upang makamit ang mga taong ito. Kaya, ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi payak. Kung ang Kanyang layunin ay upang ipakita lamang sa tao na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago at na ang Diyos ay praktikal, kung ito ay para lamang sa paggawa ng gawaing ito, kung gayon ay hindi na kakailanganin pa na maging katawang-tao. Kahit pa hindi naging katawang-tao ang Diyos, kaya Niyang gumawa ng paghahayag ng Kanyang pagpapakumbaba at pagkatago, at ng Kanyang kadakilaan at kabanalan, sa tao nang tuwiran, ngunit ang gayong mga bagay ay walang kinalaman sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang mga iyon ay walang kakayahan na iligtas ang tao o gawin siyang ganap, lalong hindi kayang talunin ng mga iyon si Satanas. Kung ang pagtalo kay Satanas ay kinapapalooban lamang ng pakikipaglaban ng Espiritu laban sa isang espiritu, kung gayon ang ganoong gawain ay magkakaroon ng higit pang mas mababang halagang praktikal; wala itong kakayahang makamit ang tao at wawasakin ang kapalaran at kinabukasan ng tao. Dahil dito, ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay may malalim na kabuluhan. Ito ay hindi lamang upang maaaring makita Siya ng tao, o kaya ay upang lumawak ang mga abot-tanaw ng tao, o upang pagkalooban siya ng kaunting pakiramdam ng pagkatinag at paghimok; ang gayong gawain ay walang kabuluhan. Kung makakapagsalita ka lamang tungkol sa ganitong uri ng kaalaman, kung gayon ay pinatutunayan nito na hindi mo pa rin nalaman ang tunay na kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 129
Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, dumating Siya sa anyong lalaki, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, ang anyo Niya ay babae. Mula rito, makikita mo na ang paglikha ng Diyos sa kapwa lalaki at babae ay makapaglilingkod sa Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung nagpakita si Jesus bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang sanggol na lalaki, ang ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa kabila niyon ay makukumpleto pa rin ang yugtong iyon ng gawain. Kung nagkagayon, kakailanganin na lalaki, sa halip, ang gumawa ng kasalukuyang yugto ng gawain, ngunit makukumpleto pa rin ang gawain sa kabila niyon. Ang gawaing ginawa sa bawat yugto ay mayroong sarili nitong kabuluhan; hindi inuulit ng alinmang yugto ng gawain ang ibang yugto, at hindi rin magkasalungat sa isa’t isa ang mga ito. Sa panahong iyon, si Jesus, sa paggawa ng Kanyang gawain, ay tinawag na bugtong na Anak, at ang “Anak” ay nagpapahiwatig ng kasariang lalaki. Bakit hindi binanggit ang bugtong na Anak sa kasalukuyang yugtong ito? Dahil ang mga kinakailangan ng gawain ay nangailangan ng pagbabago ng kasarian na naiiba kay Jesus. Para sa Diyos walang pagkakaiba ang kasarian. Ginagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa Kanyang kagustuhan, at sa paggawa ng Kanyang gawain ay hindi Siya sumasailalim sa anumang mga paglilimita, kundi malayang-malaya. Subalit bawat yugto ng gawain ay may sariling praktikal na kabuluhan. Dalawang beses na naging tao ang Diyos, at maliwanag na ang Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang huling pagkakataon. Naparito Siya upang ibunyag ang lahat ng Kanyang gawa. Kung hindi Siya naging tao sa yugtong ito at personal na gumawa para masaksihan ng tao, kakapit ang tao magpakailanman sa kuru-kuro na ang Diyos ay lalaki lamang, hindi babae. Bago ito, naniwala ang buong sangkatauhan na maaari lamang maging lalaki ang Diyos at hindi maaaring tawaging Diyos ang isang babae, sapagkat itinuring ng buong sangkatauhan na may awtoridad ang mga lalaki sa mga babae. Naniwala sila na walang babaeng maaaring magkaroon ng awtoridad, mga lalaki lamang. Bukod pa rito, sinabi pa nila na ang lalaki ang ulo ng babae at na kailangang sundin ng babae ang lalaki at hindi niya maaaring higitan ito. Noong araw, nang sabihin na ang lalaki ang ulo ng babae, patungkol ito kina Adan at Eba, na nalinlang ng ahas—hindi sa lalaki at babae ayon sa pagkalikha sa kanila ni Jehova sa simula. Siyempre pa, kailangang sundin at mahalin ng isang babae ang kanyang asawa, at kailangang matutuhan ng asawang lalaki na pakainin at suportahan ang kanyang pamilya. Ito ang mga kautusan at estatuto na itinakda ni Jehova na kailangang sundin ng sangkatauhan sa kanilang buhay sa lupa. Sinabi ni Jehova sa babae, “Ang iyong pagnanais ay magiging sa iyong asawa, at siya ang mamamahala sa iyo.” Sinabi lamang Niya iyon upang ang sangkatauhan (ibig sabihin, kapwa ang lalaki at ang babae) ay mabuhay nang normal sa ilalim ng kapamahalaan ni Jehova, at upang ang buhay ng sangkatauhan ay magkaroon ng isang kaayusan, at hindi mawala sa tama nitong pagkakaayos. Samakatwid, gumawa si Jehova ng angkop na mga panuntunan tungkol sa nararapat na pagkilos ng lalaki at babae, bagama’t patungkol lamang ito sa lahat ng nilikhang nabubuhay sa lupa, at walang kaugnayan sa nagkatawang-taong laman ng Diyos. Paano magiging kapareho ng Kanyang mga nilikha ang Diyos? Ang Kanyang mga salita ay patungkol lamang sa sangkatauhan na Kanyang nilikha; para mabuhay nang normal ang sangkatauhan, itinakda Niya ang mga panuntunan para sa lalaki at babae. Sa simula, nang likhain ni Jehova ang sangkatauhan, gumawa Siya ng dalawang klase ng tao, kapwa lalaki at babae; kaya naman mayroong pagkakaiba ng lalaki at babae sa Kanyang mga nagkatawang-taong laman. Hindi Niya itinakda ang Kanyang gawain batay sa mga salitang sinabi Niya kina Adan at Eba. Ang dalawang beses na naging tao Siya ay naitakda nang lubusan ayon sa Kanyang iniisip noong una Niyang likhain ang sangkatauhan; ibig sabihin, nakumpleto Niya ang gawain ng Kanyang dalawang pagkakatawang-tao batay sa lalaki at babae bago sila nagawang tiwali. Kung nagbatay ang sangkatauhan sa mga salitang sinambit ni Jehova kina Adan at Eba na nalinlang ng ahas, at inangkop ang mga ito sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi ba dapat ding mahalin ni Jesus ang Kanyang asawa tulad ng nararapat Niyang gawin? Sa ganitong paraan, magiging Diyos pa rin ba ang Diyos? At dahil dito, makakaya pa rin kaya Niyang kumpletuhin ang Kanyang gawain? Kung mali na maging babae ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, hindi kaya isang napakalaking kamalian din na nilikha ng Diyos ang babae? Kung naniniwala pa rin ang mga tao na maling magkatawang-tao ang Diyos bilang babae, hindi kaya si Jesus, na hindi nag-asawa o nagmahal sa Kanyang asawa, ay nasa mali rin na tulad ng kasalukuyang pagkakatawang-tao? Yamang ginagamit mo ang mga salitang sinambit ni Jehova kay Eba upang sukatin ang katunayan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa kasalukuyang araw, kailangan mong gamitin ang mga salita ni Jehova kay Adan upang husgahan ang Panginoong Jesus na naging tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba magkapareho ang mga ito? Yamang sinusukat mo ang Panginoong Jesus ayon sa lalaking hindi nalinlang ng ahas, hindi mo maaaring husgahan ang katunayan ng pagkakatawang-tao ngayon ayon sa babaeng nalinlang ng ahas. Hindi magiging patas ito! Ang pagsukat sa Diyos sa ganitong paraan ay nagpapatunay na wala kang katwiran. Nang maging tao si Jehova nang dalawang beses, ang kasarian ng Kanyang katawang-tao ay may kaugnayan sa lalaki at sa babaeng hindi nalinlang ng ahas; alinsunod ito sa lalaki at babaeng hindi nalinlang ng ahas na dalawang beses Siyang naging tao. Huwag isipin na ang pagkalalaki ni Jesus ay kapareho ng kay Adan, na nalinlang ng ahas. Ganap na walang kaugnayan ang dalawa, sila ay mga lalaki na may dalawang magkaibang kalikasan. Tiyak namang hindi maaaring ang pagkalalaki ni Jesus ay nagpapatunay na Siya ang ulo ng lahat ng babae ngunit hindi ng lahat ng lalaki, hindi ba? Hindi ba Siya ang Hari ng lahat ng Hudyo (kasama na kapwa ang mga lalaki at mga babae)? Siya ang Diyos Mismo, hindi lamang ang ulo ng babae kundi ang ulo rin ng lalaki. Siya ang Panginoon ng lahat ng nilikha at ang ulo ng lahat ng nilikha. Paano mo nagawang tukuyin ang pagkalalaki ni Jesus bilang ang sagisag ng ulo ng babae? Hindi ba ito kalapastanganan? Si Jesus ay isang lalaking hindi nagawang tiwali. Siya ang Diyos; Siya ang Cristo; Siya ang Panginoon. Paano Siya magiging isang lalaki na tulad ni Adan na nagawang tiwali? Si Jesus ang katawang-taong ibinihis ng pinakabanal na Espiritu ng Diyos. Paano mo masasabi na Siya ay isang Diyos na nagtataglay ng pagkalalaki ni Adan? Kung magkagayon, hindi ba’t mali ang buong gawain ng Diyos? Isinama kaya ni Jehova sa loob ni Jesus ang pagkalalaki ni Adan na nalinlang ng ahas? Hindi ba ang pagkakatawang-tao ng kasalukuyang panahon ay isa pang kaganapan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, na iba ang kasarian kay Jesus ngunit katulad Niya sa kalikasan? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na hindi maaaring maging babae ang Diyos na nagkatawang-tao, dahil babae ang unang nalinlang ng ahas? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na, dahil ang babae ang pinakamarumi at ang pinagmulan ng katiwalian ng sangkatauhan, hindi posibleng maging tao ang Diyos bilang isang babae? Nangangahas ka bang magpumilit sa pagsasabi na “ang babae ay dapat palaging sumunod sa lalaki at hindi maaaring magpamalas o direktang kumatawan sa Diyos kailanman”? Hindi ka nakaunawa noong araw, ngunit magagawa mo bang patuloy na lapastanganin ngayon ang gawain ng Diyos, lalo na ang nagkatawang-taong laman ng Diyos? Kung hindi ito malinaw sa iyo, mabuti pang ingatan mo ang iyong pananalita, kung hindi ay mahahayag ang iyong kahangalan at kamangmangan at malalantad ang iyong kapangitan. Huwag mong isipin na nauunawaan mo ang lahat. Sinasabi Ko sa iyo na hindi sapat ang lahat ng nakita at naranasan mo para maunawaan mo kahit ang ika-sanlibo ng Aking plano ng pamamahala. Kung gayon ay bakit napakayabang mong kumilos? Ang katiting na talento at kaunting kaalaman mo ay hindi sapat para gamitin ni Jesus kahit sa isang segundo lamang ng Kanyang gawain! Gaano ba talaga karami ang karanasang taglay mo? Ang nakita mo at lahat ng narinig mo sa buong buhay mo at ang naisip mo ay mas kaunti kaysa sa gawaing ginagawa Ko sa isang saglit! Ang pinakamabuti ay huwag kang mamintas at maghanap ng mali. Gaano ka man kayabang, isa ka lamang nilikha na ni hindi man lang kapantay ng isang langgam! Ang lahat ng taglay mo ay mas kakaunti pa kaysa sa taglay ng isang langgam! Huwag mong isipin na, dahil lang marami kang naranasan at may senyoridad, may karapatan ka nang magkukumpas nang walang kontrol at magmayabang. Hindi ba’t mayroon kang ganitong karanasan at senyoridad dahil sa mga salitang binigkas Ko? Naniniwala ka ba na natamo ang mga iyon sa pamamagitan ng sarili mong pagtatrabaho at pagpapakapagod? Ngayon, nakikita mo na Ako ay naging tao, at dahil lamang dito ay napuno ka ng napakaraming konsepto, at ng walang-katapusang mga kuru-kuro mula roon. Kung hindi dahil sa Aking pagkakatawang-tao, kahit may taglay kang mga di-pangkaraniwang talento, hindi ka magkakaroon ng napakaraming konsepto; at hindi ba rito nagmumula ang mga kuru-kuro mo? Kung hindi naging tao si Jesus sa unang pagkakataong iyon, malalaman mo kaya ang tungkol sa pagkakatawang-tao? Hindi ba’t dahil nalaman mong naging tao ang Diyos mula sa unang pagkakatawang-tao kung kaya’t walang-pakundangan mong sinusubukang husgahan ang ikalawang pagkakatawang-tao? Bakit sa halip na maging isa kang mapagpasakop na alagad, ay sinisiyasat mo ito? Kapag nakapasok ka na tungo sa daloy na ito at humarap ka sa Diyos na nagkatawang-tao, papayagan ka ba Niyang siyasatin Siya? Maaari mong siyasatin ang kasaysayan ng sarili mong pamilya, ngunit kung susubukan mong siyasatin ang “kasaysayan ng pamilya” ng Diyos, papayagan ka ba ng Diyos ng ngayon na gawin iyon? Hindi ka ba bulag? Hindi ba’t nagdudulot ka ng kahihiyan sa iyong sarili?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kinokompleto ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 130
Kami ni Jesus ay nagmumula sa iisang Espiritu. Bagama’t wala Kaming kaugnayan sa Aming katawang-tao, iisa ang Aming Espiritu; bagama’t ang nilalaman ng Aming ginagawa at ang gawaing Aming inaako ay hindi magkapareho, ang Aming diwa ay iisa; ang Aming katawang-tao ay magkaiba ang anyo, ngunit dahil ito sa pagbabago sa kapanahunan at sa magkakaibang mga kinakailangan ng Aming gawain; hindi magkapareho ang Aming ministeryo, kaya magkaiba rin ang gawaing hatid Namin at ang disposisyong ibinubunyag Namin sa tao. Kaya nga ang nakikita at nauunawaan ng tao sa araw na ito ay hindi katulad noong araw, na dahil sa pagbabago sa kapanahunan. Kahit na magkaiba Sila sa kasarian at sa anyo ng Kanilang katawang-tao, at hindi Sila isinilang sa iisang pamilya, at lalo nang hindi sa iisang panahon, magkagayunman ay iisa ang Kanilang Espiritu. Kahit na ang Kanilang mga katawang-tao ay hindi magkapareho ang dugo ni ang anumang uri ng pisikal na pagiging magkamag-anak, hindi maikakaila na Sila ay mga nagkatawang-taong laman ng Diyos sa dalawang magkaibang panahon. Hindi mapabubulaanan ang katunayan na Sila ang mga nagkatawang-taong laman ng Diyos. Subalit, hindi Sila magkadugo at magkaiba ang Kanilang wika. (Ang isa ay lalaki na nagsasalita ng wika ng mga Hudyo at ang isa naman ay babae na nagsasalita lamang ng Tsino.) Ito ang mga dahilan kaya Sila namuhay sa magkaibang bansa upang gawin ang gawaing kinakailangang gawin ng bawat isa, at sa magkaibang panahon din. Sa kabila ng katunayan na Sila ay may iisang Espiritu—na ibig sabihin, may magkaparehong diwa—walang ganap na mga pagkakatulad sa pagitan ng mga panlabas na anyo ng Kanilang katawang-tao. Magkatulad lamang Sila sa pagkatao, ngunit pagdating sa panlabas na hitsura ng Kanilang mga katawang-tao at ng sitwasyon ng Kanilang kapanganakan, hindi Sila magkatulad. Walang epekto ang mga bagay na ito sa kanya-kanyang gawain Nila o sa pagkakilala ng tao tungkol sa Kanila, sapagkat, sa huli, may iisa Silang Espiritu at walang makapaghihiwalay sa Kanila. Bagama’t hindi Sila magkadugo, ang Kanilang buong katauhan ay nasa pamamahala ng Kanilang Espiritu, na nagbibigay-kakayahan sa Kanila na magpasan ng magkaibang gawain sa magkaibang panahon, at ang Kanilang mga katawang-tao ay sa magkaibang mga angkan. Halimbawa, ang Espiritu ni Jehova ay hindi ang ama ng Espiritu ni Jesus, at ang Espiritu ni Jesus ay hindi ang anak ng Espiritu ni Jehova: Sila ay iisang Espiritu. Gayundin, ang Diyos na nagkatawang-tao ng ngayon at si Jesus ay hindi magkadugo, pero iisa Sila—ito ay dahil iisa ang Kanilang Espiritu. Magagawa ng Diyos ang gawain ng awa at mapagmahal na kabaitan, gayundin ang matuwid na paghatol at pagkastigo sa tao, at ang gawain ng pagsumpa sa tao; at sa huli, magagawa Niya ang gawain ng pagwasak sa mundo at pagpaparusa sa masama. Hindi ba ginagawa Niya Mismo ang lahat ng ito? Hindi ba’t ito ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kinokompleto ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 131
Yamang ang Diyos ang pinakadakila sa buong sansinukob at sa ibabaw nito, lubos ba Niyang maipaliliwanag ang Kanyang Sarili gamit ang anyo ng isang katawang-tao? Ibinihis ng Diyos sa Kanyang Sarili ang katawang-taong ito para gawin ang isang yugto ng Kanyang gawain. Walang partikular na kahulugan sa anyong ito ng katawang-tao, wala itong kaugnayan sa paglipas ng mga kapanahunan, ni wala ring anumang kinalaman sa disposisyon ng Diyos. Bakit hindi hinayaan ni Jesus na manatili ang Kanyang larawan? Bakit hindi Niya hinayaan ang tao na iguhit ang Kanyang larawan para ito ay maipasa sa susunod na mga salinlahi? Bakit hindi Niya pinahintulutan ang mga tao na kilalanin na ang Kanyang wangis ay ang wangis ng Diyos? Bagama’t ang larawan ng tao ay nilikha sa wangis ng Diyos, magiging posible bang katawanin ng anyo ng tao ang matayog na wangis ng Diyos? Kapag ang Diyos ay nagkakatawang-tao, bumababa lamang Siya mula sa langit patungo sa isang partikular na katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ang bumababa sa isang katawang-tao, sa pamamagitan nito Niya ginagawa ang gawain ng Espiritu. Ang Espiritu ang ipinapahayag sa katawang-tao, at ang Espiritu ang gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Lubos na kinakatawan ng gawaing ginawa sa katawang-tao ang Espiritu, at ang katawang-tao ay para sa kapakanan ng gawain, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ang larawan ng katawang-tao ay maaaring ipalit sa tunay na wangis ng Diyos Mismo; hindi ito ang layon o kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Siya ay nagiging tao para lamang magkaroon ang Espiritu ng isang lugar na matitirhan na angkop sa Kanyang paggawa, nang sa gayon ay matamo Niya ang Kanyang gawain sa katawang-tao, at upang makita ng mga tao ang Kanyang mga gawa, maunawaan ang Kanyang disposisyon, mapakinggan ang Kanyang mga salita, at malaman ang pagiging kahanga-kahanga ng Kanyang gawain. Kinakatawan ng Kanyang pangalan ang Kanyang disposisyon, kinakatawan ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit hindi Niya kailanman sinabi na kinakatawan ng Kanyang anyo sa katawang-tao ang Kanyang wangis; iyon ay isa lamang kuru-kuro ng tao. Kung kaya, ang pinakamahahalagang aspekto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang Kanyang pangalan, ang Kanyang gawain, ang Kanyang disposisyon, at ang Kanyang kasarian. Ginagamit ang mga ito upang kumatawan sa Kanyang pamamahala sa kapanahunang ito. Ang Kanyang anyo sa katawang-tao ay walang kinalaman sa Kanyang pamamahala, at para lamang sa kapakanan ng Kanyang gawain sa panahong iyon. Ngunit imposible para sa Diyos na nagkatawang-tao na hindi magkaroon ng partikular na anyo, at kaya pinipili Niya ang angkop na pamilya upang pagpasyahan ang Kanyang anyo. Kung ang anyo ng Diyos ay mayroong kinatawang kabuluhan, ang lahat ng nagtataglay ng mga balanseng katangian ng mukha na kapareho ng sa Kanya ay kakatawan din sa Diyos. Hindi ba iyon isang napakalaking pagkakamali? Ang larawan ni Jesus ay iginuhit ng tao upang ang tao ay maaaring sumamba sa Kanya. Sa panahong iyon, walang natatanging mga tagubilin na ibinigay ang Banal na Espiritu, at kaya ipinasa ng tao ang naguni-guning larawang iyon hanggang sa kasalukuyan. Sa katunayan, alinsunod sa orihinal na layunin ng Diyos, hindi ito dapat ginawa ng tao. Tanging ang sigasig ng tao ang naging sanhi na manatili ang larawan ni Jesus hanggang sa kasalukuyan. Ang Diyos ay Espiritu, at hindi kailanman magagawa ng tao na ibuod ang Kanyang eksaktong wangis. Ang Kanyang wangis ay maaari lamang katawanin ng Kanyang disposisyon. Hindi mo magagawang ibuod ang anyo ng Kanyang ilong, ng Kanyang bibig, ng Kanyang mga mata, at ng Kanyang buhok. Nang dumating ang paghahayag kay Juan, nakita niya ang wangis ng Anak ng tao: Mula sa Kanyang bibig ay may isang matalas na espada na mayroong magkabilang talim, ang Kanyang mga mata ay kagaya ng ningas ng apoy, ang Kanyang ulo at buhok ay puting kagaya ng lana, ang Kanyang mga paa ay parang pinakintab na tanso, at mayroong isang ginintuang pamabat na nakapalibot sa Kanyang dibdib. Bagama’t ang kanyang mga salita ay napakatingkad, ang wangis ng Diyos na kanyang inilarawan ay hindi ang larawan ng isang nilikha. Ang kanyang nakita ay isang pangitain lamang, at hindi ang larawan ng isang tao mula sa materyal na mundo. Si Juan ay nakakita ng isang pangitain, ngunit hindi niya nakita ang tunay na hitsura ng Diyos. Ang wangis ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, yamang larawan ng isang nilikha, ay walang kakayahan na kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito. Nang nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, Kanyang sinabi na Kanyang ginawa ito sa Kanyang wangis at nilikha ang lalaki at babae. Sa panahong iyon, Kanyang sinabi na Kanyang ginawa ang lalaki at babae sa wangis ng Diyos. Bagama’t ang larawan ng tao ay nakakahawig ng wangis ng Diyos, hindi ito maaaring ipakahulugan na ang anyo ng tao ay ang wangis ng Diyos. Hindi mo rin maaaring gamitin ang wika ng sangkatauhan upang ganap na ibuod ang wangis ng Diyos, sapagkat ang Diyos ay napakatayog, napakadakila, napakakamangha-mangha at hindi maarok!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 132
Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napaka-ordinaryong katawan. Bukod dito, ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napaka-ordinaryong katawang-tao. Kung titingnan Siya, wala kang makikitang anumang nagpapabukod-tangi sa Kanya sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa narinig dati. Itong hamak na katawang-taong ito lang ang pagsasakatawan ng lahat ng salita ng katotohanan ng Diyos, ang tagapagdala ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang pagpapahayag kung saan nauunawaan ng tao ang buong disposisyon ng Diyos. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng lihim na ito—mga lihim na wala pang taong nakapagsabi sa iyo—at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pasukan mo patungo sa kaharian, at ang gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Ang ordinaryong katawang-tao na ito ay nagtataglay ng maraming hiwagang di-maarok ng tao. Hindi mo maarok ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layon ng gawaing ginagawa Niya ay sapat upang bigyan ka ng kakayahan na makitang hindi Siya isang simpleng katawang-tao na gaya ng inaakala ng mga tao, sapagkat kinakatawan Niya ang mga layunin ng Diyos sa mga huling araw, at ang pagmamalasakit ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagama’t hindi mo naririnig ang Kanyang mga salitang tila yumayanig sa langit at lupa, bagama’t hindi mo nakikita ang Kanyang mga matang tulad ng lumalagablab na apoy, at bagama’t hindi mo natatanggap ang pagdidisiplina ng Kanyang bakal na pamalo, gayumpaman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na nagagalit ang Diyos at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng awa sa sangkatauhan, at makikita ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at higit pa rito, mapapahalagahan ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita sa lupa ang Diyos na nasa langit na namumuhay sa gitna ng tao, at bigyang-kakayahan ang tao na makilala ang Diyos, magpasakop, matakot, at magmahal sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang labis na hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, sasailalim ang langit at ang lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang langit, masasadlak sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi pumarito ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw upang iligtas kayo, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging mga pangunahing makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging imposible para sa buong sangkatauhan na matakasan ang isang malaking kalamidad, at magiging imposible para dito na makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo ay nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mabuhay at nagmamakaawa para sa kamatayan nang walang kakayahang mamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at hindi kayo makakalapit sa trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, tatanggihan pa rin ba ninyo ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakalalaking pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng Tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 133
Ang gawain ng Diyos ay isang bagay na hindi mo maarok. Kung hindi mo lubos na maarok kung tama ba ang desisyon mo, ni hindi mo mabatid kung magtatagumpay ba ang gawain ng Diyos, bakit hindi mo subukan ang suwerte mo at tingnan kung maaari bang maging malaking tulong sa iyo ang ordinaryong taong ito, at kung tunay ngang gumawa na ang Diyos ng dakilang gawain? Gayunman, dapat Kong sabihin sa iyo na sa panahon ni Noe, nagsisikain at nagsisiinom ang tao, nag-aasawa at pinag-aasawa hanggang sa hindi na ito makayang saksihan ng Diyos, kaya nagpadala Siya ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan, na ang iniwang ligtas ay pamilya lamang ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at mga hayop. Gayunman, sa mga huling araw, ang mga iniwang ligtas ng Diyos ay iyong lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa huli. Bagaman ang parehong kapanahunan ay puno ng matinding katiwaliang hindi nakakayang saksihan ng Diyos, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay napakatiwali at itinatanggi na ang Diyos ang Panginoon nila, ang mga tao lamang sa panahon ni Noe ang winasak ng Diyos. Nagdudulot ng matinding pighati sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, subalit nanatiling mapagpasensya ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang ngayon. Bakit ganito? Hindi ba kayo kailanman nagtaka kung bakit? Kung tunay na hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo. Ang dahilan kaya nagagawang magbigay ng Diyos ng biyaya sa mga tao sa mga huling araw ay hindi dahil sila ay hindi gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe, o na mayroon silang intensyong magsisi sa Diyos, lalong hindi dahil napakaunlad na ng teknolohiya sa mga huling araw na hindi sila maatim na wasakin ng Diyos. Sa halip, ito ay dahil may gawaing kailangang gawin ang Diyos sa isang pangkat ng mga tao sa mga huling araw, at na nilalayon ng Diyos na Siya Mismo ang gagawa ng gawaing ito sa Kanyang pagkakatawang-tao. Higit pa rito, nilalayon ng Diyos na pumili ng isang bahagi ng pangkat na ito na magiging mga pakay ng Kanyang pagliligtas at bunga ng Kanyang plano ng pamamahala, at dinadala ang mga taong ito sa susunod na kapanahunan. Samakatwid, kahit na anupaman, ang halagang ito na binayaran ng Diyos ay ganap na para sa paghahanda para sa gawaing gagawin ng Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw. Ang katunayang nakarating kayo sa kasalukuyan ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo may pagkakataong mabuhay. Nakamit ang lahat ng pagpapalang ito dahil sa ordinaryong taong ito. Hindi lamang ito, ngunit sa huli, sasamba ang di-mabilang na mga bayan sa ordinaryong taong ito, magbibigay rin ng pasasalamat at magpapasakop sa hamak na taong ito, dahil ang katotohanan, ang buhay, at ang daan na dala Niya ang nagligtas sa buong sangkatauhan, nagpahupa sa hidwaan sa pagitan ng tao at Diyos, nagpaikli sa agwat sa pagitan nila, at nagbukas ng ugnayan sa pagitan ng mga saloobin ng Diyos at tao. Siya rin ang nakakuha ng higit pang kaluwalhatian para sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat sa tiwala at pagsamba mo ang ordinaryong taong gaya nito? Hindi ba nararapat na tawaging Cristo ang ganitong ordinaryong katawang-tao? Maaari bang ang ganitong ordinaryong tao ay hindi maging pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng tao? Hindi ba karapat-dapat ang ganitong tao, na nagligtas sa sangkatauhan mula sa sakuna, sa pagmamahal at pagnanais ninyong kumapit sa Kanya? Kung tinatanggihan ninyo ang mga katotohanang ipinahayag mula sa Kanyang bibig at kinamumuhian ang Kanyang pag-iral sa gitna ninyo, ano ang mangyayari sa inyo sa huli?
Ginagawa sa pamamagitan ng ordinaryong taong ito ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay sa iyo, at higit pa rito, nagagawa Niyang pagpasyahan ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo. Maaari bang ang ganitong tao ay tulad ng pinaniniwalaan ninyong Siya: isang taong napakapayak na hindi karapat-dapat banggitin? Hindi ba sapat ang katotohanan Niya upang lubos kayong makumbinsi? Hindi ba kayo magawang kumbinsihin ng pagkakita sa Kanyang mga gawa gamit ang sarili ninyong mga mata? O hindi ba karapat-dapat na tahakin ninyo ang landas kung saan inaakay Niya ang mga tao? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, ano ang nagdudulot sa inyo na makaramdam ng pagkasuklam sa Kanya at itakwil Siya at iwasan Siya? Ang taong ito ang nagpapahayag ng katotohanan, ang taong ito ang nagbibigay ng katotohanan, at ang taong ito ang nagbibigay sa inyo ng landas na susundan. Maaari kayang hindi pa rin ninyo mahanap ang mga bakas ng gawain ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makabababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang nagkatawang-taong Diyos ng kasalukuyan, hindi kailanman makakamit ng mga bumaba mula sa krus ang pagsang-ayon ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung wala ang pagparito ng ordinaryong taong ito, hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon na makita ang tunay na mukha ng Diyos, ni hindi kayo magiging kalipikado, dahil lahat kayo ay mga pakay na matagal nang dapat winasak. Dahil sa pagparito ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng awa. Anupaman, ito pa rin ang mga salitang dapat Kong iwan sa inyo sa huli: Ang ordinaryong taong ito, na Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na ginawa na ng Diyos sa gitna ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng Tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 134
Ano ang dapat mong malaman tungkol sa praktikal na Diyos? Ang Espiritu, ang Persona, at ang Salita ang bumubuo sa praktikal na Diyos Mismo, at ito ang tunay na kahulugan ng praktikal na Diyos Mismo. Kung kilala mo lamang ang Persona—kung alam mo ang Kanyang pang-araw-araw na mga gawi at personalidad—ngunit hindi alam ang gawain ng Espiritu, o kung ano ang ginagawa ng Espiritu sa katawang-tao, at kung binibigyang-pansin mo lamang ang Espiritu, at ang Salita, at nananalangin lamang sa harap ng Espiritu, ngunit hindi alam ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa praktikal na Diyos, nagpapatunay pa rin ito na hindi mo kilala ang praktikal na Diyos. Kabilang sa kaalaman sa praktikal na Diyos ang pagkaalam at pagdanas ng Kanyang mga salita, at pag-unawa sa mga patakaran at mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu at kung paano gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kabilang din dito ang pagkaalam na pinapatnubayan ng Espiritu ang bawat pagkilos ng Diyos sa katawang-tao, at na direktang pagpapahayag ng Espiritu ang mga salitang sinasabi Niya. Sa gayon, upang makilala ang praktikal na Diyos, pinakamahalagang malaman kung paanong gumagawa ang Diyos sa pagkatao at sa pagka-Diyos; pumapatungkol naman ito sa mga pagpapahayag ng Espiritu, na nakasasalamuha ng lahat ng tao.
Ano ang mga aspeto ng mga pagpapahayag ng Espiritu? Kung minsan, gumagawa ang Diyos sa pagkatao, at kung minsan sa pagka-Diyos—ngunit sa parehong pagkakataon ang Espiritu ang namumuno. Ang panlabas na pagpapahayag ng Persona ay nakadepende sa Espiritu sa loob Niya. Gumagawa nang normal ang Espiritu, ngunit mayroong dalawang bahagi sa Kanyang pamamatnubay sa pamamagitan ng Espiritu: ang gawain Niya sa pagkatao ang isang bahagi, at ang gawain Niya sa pamamagitan ng pagka-Diyos ang isa. Dapat mong malaman ito nang malinaw. Nag-iiba ang gawain ng Espiritu ayon sa mga pangyayari: Kapag kinakailangan ng Kanyang pagkatao na gumawa, pinapatnubayan ng Espiritu ang pagkataong ito para gawin ang gawaing ito, at kapag kinakailangang gumawa ng Kanyang pagka-Diyos, direktang lumalapit ang pagka-Diyos upang isakatuparan ito. Dahil gumagawa sa katawang-tao at nagpapakita sa katawang-tao ang Diyos, parehong gumagawa Siya sa pagkatao at sa pagka-Diyos. Ang Kanyang gawain sa pagkatao ay pinapatnubayan ng Espiritu at ginagawa upang matugunan ang mga pangangailangang panlaman ng mga tao, upang mapadali ang pakikipag-ugnayan nila sa Kanya, upang tulutan silang mapagmasdan ang pagiging praktikal at pagiging normal ng Diyos, at upang tulutan silang makita na dumating sa katawang-tao ang Espiritu ng Diyos at kasama ng tao, nabubuhay kasama ng tao, at nakikipag-ugnayan sa tao. Ginagawa ang gawain Niya sa pagka-Diyos upang makapaglaan para sa buhay ng mga tao at upang gabayan ang mga tao sa lahat ng bagay mula sa positibong panig, na binabago ang mga disposisyon ng mga tao at tinutulutan silang tunay na mapagmasdan ang pagpapakita ng Espiritu sa katawang-tao. Sa pangunahin, direktang nakakamit ang paglago sa buhay ng tao sa pamamagitan ng gawain at mga salita ng Diyos sa pagka-Diyos. Kung tatanggapin ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos, saka lamang nila makakamit ang mga pagbabago sa disposisyon nila, at saka lamang sila mabubusog sa espiritu nila; dagdag pa rito, kung mayroong gawain sa pagkatao—ang pagpapastol, pag-alalay, at paglalaan ng Diyos sa pagkatao—saka lamang lubos na matatamo ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Gumagawa ang praktikal na Diyos Mismo na yaong pinag-uusapan ngayon sa parehong pagkatao at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, natatamo ang Kanyang normal na gawaing pantao at buhay at ang Kanyang gawain ng ganap na pagka-Diyos. Pinagsama bilang isa ang Kanyang pagkatao at pagka-Diyos, at nagagawa ang parehong gawain sa pamamagitan ng mga salita; maging sa pagkatao o pagka-Diyos man, nagbibigkas Siya ng mga salita. Kapag gumagawa sa pagkatao ang Diyos, nagsasalita Siya sa wika ng sangkatauhan, upang magawang makipag-ugnayan at makaunawa nang mas madali ang mga tao. Malinaw na binibigkas at madaling maunawaan ang Kanyang mga salita, upang maipagkaloob ang mga ito sa lahat ng tao; may taglay mang kaalaman ang mga tao o mabababa ang pinag-aralan, makatatanggap silang lahat ng mga salita ng Diyos. Naisasakatuparan din ang gawain ng Diyos sa pagka-Diyos sa pamamagitan ng mga salita, ngunit puno ito ng pantustos, puno ito ng buhay, wala itong dungis ng mga ideyang pantao, hindi rito kasangkot ang mga kagustuhan ng tao, at hindi ito napapailalim sa mga limitasyon ng pagkatao, malaya ito sa anumang paglilimita ng normal na pagkatao; isinasakatuparan din ito sa katawang-tao, ngunit direkta itong pagpapahayag ng Espiritu. Kung tatanggapin lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos sa pagkatao, maikukulong nila ang mga sarili nila sa isang tiyak na saklaw, at sa gayon mangangailangan ng palagiang pagpupungos, at disiplina upang magkaroon ng kahit bahagyang pagbabago sa kanila. Subalit, kung wala ang gawain o presensiya ng Banal na Espiritu, palagi silang babalik sa mga dati nilang gawi. Sa pamamagitan ng gawain ng pagka-Diyos napupunan ang desbentaha at kakulangang ito, at nagagawang ganap ang mga tao. Sa halip na patuloy na pagpupungos, ang kinakailangan ay ang positibong paglalaan, paggamit ng mga salita upang makabawi sa lahat ng kakulangan, paggamit ng mga salita upang ilantad ang bawat kalagayan ng mga tao, paggamit ng mga salita upang patnubayan ang mga buhay nila, ang bawat pagbigkas nila, ang bawat pagkilos nila, upang ilantad ang mga intensiyon at mga pangganyak nila. Ito ang praktikal na gawain ng praktikal na Diyos. Sa gayon, sa saloobin mo sa praktikal na Diyos, dapat kang magpasakop sa pagkatao Niya, kilalanin at tanggapin Siya, at higit pa rito dapat kang tumanggap at magpasakop sa Kanyang gawain at mga salita sa pagka-Diyos. Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay ginagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao at sa pamamagitan ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Sa madaling salita, kapwa pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang pagkatao para gumampan ng gawain, at isinasakatuparan ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa Diyos na nagkatawang-tao ay pareho mong makikita ang gawain ng Diyos sa pagkatao at ang Kanyang gawain sa ganap na pagka-Diyos. Ito ang aktwal na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, magagawa mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t ibang bahagi ng Diyos; titigil ka sa pagbibigay ng hindi karapat-dapat na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at titigil ka sa pagtingin sa Kanyang gawain sa pagkatao nang may hindi karapat-dapat na pagwawalang-bahala, at hindi ka na tutungo sa mga kalabisan, ni liliko kung saan-saan. Sa kabuuan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay na ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, sa pamamatnubay ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, upang makita ng mga tao na Siya ay napakasigla at buhay, at tunay at totoo.
Mayroong isang yugto ng pagbabago ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa pagkatao. Sa pagpeperpekto sa pagkatao, binibigyang-kakayahan Niya ang Kanyang pagkatao na makatanggap ng pamamatnubay ng Espiritu, at pagkatapos nito ay nakapaglalaan at nakapagpapastol ang Kanyang pagkatao sa mga iglesia. Isa itong pagpapamalas ng normal na gawain ng Diyos. Sa gayon, kung malinaw mong nakikita ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao, malamang na hindi ka magkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa gawain ng Diyos sa pagkatao. Anupaman, hindi maaaring magkamali ang Espiritu ng Diyos. Tama Siya at walang kamalian; hindi Siya gumagawa ng anumang bagay nang hindi tama. Direktang pagpapahayag ng mga layunin ng Diyos ang gawain sa pagka-Diyos, na walang panggugulo ng pagkatao. Hindi ito sumasailalim sa pagpeperpekto, kundi direktang nagmumula sa Espiritu. Gayumpaman, kahit gumagawa Siya sa pagka-Diyos, ito ay dahil din sa Kanyang normal na pagkatao; hindi ito higit sa karaniwan ni paano man, at tila isinasakatuparan ito ng isang normal na tao. Bumaba ang Diyos sa lupa mula sa langit pangunahin upang ipahayag ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao—upang gawing ganap ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng katawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 135
Ngayon, nananatiling lubhang limitado ang kaalaman ng mga tao sa praktikal na Diyos, at kakatiting pa rin ang pagkaunawa nila sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao. Tungkol sa katawang-tao ng Diyos, nakikita ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain at mga salita na malaki ang saklaw ng Espiritu ng Diyos, na napakayaman Niya. Subalit anupaman, sa huli nagmumula sa Espiritu ng Diyos ang patotoo ng Diyos: kung ano ang ginagawa ng Diyos sa katawang-tao, sa kung aling mga prinsipyo Siya gumagawa, kung ano ang ginagawa Niya sa pagkatao, at kung ano ang ginagawa Niya sa pagka-Diyos. Kailangang may kaalaman ang mga tao tungkol dito. Ngayon, nagagawa mong sambahin ang Personang ito, habang sa pinakadiwa sinasamba mo ang Espiritu, at iyan ang pinakamababang dapat matamo ng mga tao sa kanilang pagkakilala sa Diyos na nagkatawang-tao. Sa pamamagitan ng katawang-tao, malalaman ng mga tao ang diwa ng Espiritu, malalaman ang gawain sa pagka-Diyos ng Espiritu sa katawang-tao at gawain ng pagkatao sa katawang-tao, matanggap ang lahat ng salita at mga pagbigkas ng Espiritu sa katawang-tao, at makita kung paano pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ang katawang-tao at ibinubunyag ang Kanyang kapangyarihan sa katawang-tao. Ibig sabihin, makikilala ng tao ang Espiritu sa langit sa pamamagitan ng katawang-tao; ang pagpapakita ng praktikal na Diyos Mismo sa gitna ng tao ay nagwaksi sa malabong diyos sa mga kuru-kuro ng mga tao. Nadagdagan ng pagsamba ng mga tao sa praktikal na Diyos Mismo ang kanilang pagpapasakop sa Diyos; at, sa pamamagitan ng gawain sa pagka-Diyos ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao at ng Kanyang gawain ng pagkatao sa katawang-tao, tumatanggap ang tao ng pahayag at pinapastol siya, at natatamo ang mga pagbabago sa buhay disposisyon ng tao. Ito ang aktwal na kahulugan ng pagdating ng Espiritu sa katawang-tao, na ang pangunahing layunin ay upang makipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos, umasa sa Diyos, at magkaroon ng pagkakilala sa Diyos.
Sa pangunahin, anong saloobin mayroon ang mga tao hinggil sa praktikal na Diyos? Ano ang alam mo sa pagkakatawang-tao, sa pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, sa pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao, sa mga gawa ng praktikal na Diyos? Ano ang mga pangunahing paksang pinag-uusapan ngayon? Ang pagkakatawang-tao, ang pagdating ng Salita sa katawang-tao, at ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay lahat mga usaping dapat maunawaan. Dapat ninyong unti-unting maunawaan ang mga usaping ito at magkaroon ng malinaw na kaalaman sa mga ito sa karanasan ninyo sa buhay, batay sa tayog ninyo at batay sa kapanahunan. Ang proseso ng pagdanas ng mga tao sa mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkakilala nila sa pagpapakita ng mga salita ng Diyos sa katawang-tao. Habang mas nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos, mas lalo nilang nakikilala ang Espiritu ng Diyos; sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ng mga tao ang mga prinsipyo ng gawain ng Espiritu at nakikilala ang praktikal na Diyos Mismo. Sa katunayan, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao at nakakamit sila, ipinapakilala Niya sa kanila ang mga gawa ng praktikal na Diyos; ginagamit Niya ang gawain ng praktikal na Diyos upang ipakita sa mga tao ang aktwal na kabuluhan ng pagkakatawang-tao, upang ipakita sa kanila na talagang nagpakita na sa harap ng tao ang Espiritu ng Diyos. Kapag ang mga tao ay nakamit at nagawang perpekto ng Diyos, nangangahulugan ito na nalupig na sila ng mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos, at na—sa pamamagitan ng mga salita ng praktikal na Diyos—sila ay nabago at ginawa sa loob nila ang Kanyang buhay, pinupuno sila ng kung ano Siya (maging ito man ay kung ano Siya sa Kanyang pagkatao o kung ano Siya sa Kanyang pagka-Diyos), pinupuno sila ng diwa ng Kanyang mga salita, at ipinasasabuhay sa mga tao ang Kanyang mga salita. Kapag kinakamit ng Diyos ang mga tao, pangunahing ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita at mga pagbigkas ng praktikal na Diyos bilang isang paraan upang pungusan ang mga kakulangan ng mga tao at upang hatulan at ilantad ang kanilang mapaghimagsik na disposisyon, na nagdudulot na makamit nila ang kanilang kinakailangan at ipinakikita sa kanila na ang Diyos ay dumating na sa gitna ng tao. Pinakamahalaga sa lahat, ang gawaing ginagawa ng praktikal na Diyos ay ang pagliligtas sa bawat tao mula sa impluwensiya ni Satanas, pag-aalis sa kanila mula sa lupain ng karumihan, at pagbunot sa kanilang tiwaling disposisyon. Ang pinakamalalim na kabuluhan ng pagiging nakamit ng praktikal na Diyos ay ang kakayahang isabuhay ang normal na pagkatao, gamit ang praktikal na Diyos bilang halimbawa at huwaran, at kakayahang magsagawa ayon sa mga salita at mga hinihingi ng praktikal na Diyos nang walang kahit katiting na paglihis o paglayo, pagsasagawa ayon sa anumang sinasabi Niya, at kakayahang matamo ang anumang hinihingi Niya. Sa ganitong paraan, makakamit ka na ng Diyos. Kapag nakamit ka na ng Diyos, hindi mo lamang taglay ang gawain ng Banal na Espiritu; sa pangunahin, naisasabuhay mo ang mga hinihingi ng praktikal na Diyos. Ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nangangahulugang mayroon ka nang buhay. Ang pinakamahalaga ay kung kaya mo bang kumilos ayon sa mga hinihingi ng praktikal na Diyos sa iyo, na kaugnay sa kung makakamit ka ba ng Diyos. Ito ang pinakadakilang kabuluhan ng gawain ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Ibig sabihin, tunay at aktuwal na nagpapakita sa katawang-tao ang Diyos—masigla at buhay—hinahayaan ang mga tao na makita Siya, at ginagampanan Niya sa praktikal na paraan ang gawain ng Espiritu sa katawang-tao, at kumikilos bilang isang huwaran para sa mga tao sa katawang-tao, sa pamamagitan nito ay nagkakamit Siya ng isang grupo ng mga tao. Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay pangunahin upang bigyang-daan ang mga tao na makita ang mga praktikal na gawa ng Diyos, at upang magmateryalisa sa katawang-tao ang Espiritu na walang hugis nang sa gayon ay makita at mahawakan Siya ng mga tao. Sa ganitong paraan lamang yaong mga ginawa Niyang ganap ay magsasabuhay ng Kanyang isinasabuhay, makakamit Niya, at magiging alinsunod sa Kanyang mga layunin. Kung sa langit lamang nagsalita ang Diyos at hindi aktwal na pumarito sa lupa, hindi pa rin makakaya ng mga tao na makilala ang Diyos; maipangangaral lamang nila ang mga gawa ng Diyos gamit ang hungkag na teorya at hindi tataglayin ang mga salita ng Diyos bilang realidad. Ang layon ng Diyos sa pagparito sa lupa ay pangunahing upang itatag ang Sarili Niya bilang isang halimbawa at huwaran para sa yaong mga kakamtin Niya; sa ganito lamang aktuwal na makikilala ng mga tao ang Diyos, mahihipo ang Diyos, at makikita Siya, at saka lamang sila tunay na makakamit ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 136
May dalawang bahagi ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Noong una Siyang nagkatawang-tao, hindi Siya pinaniwalaan o kinilala ng mga tao, at ipinako nila sa krus si Jesus. Pagkatapos, noong magkatawang-tao Siya sa ikalawang pagkakataon, hindi pa rin Siya pinaniwalaan ng mga tao, at lalo nang hindi Siya kinilala, at muli nilang ipinako sa krus si Cristo. Hindi ba’t ang tao ang kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng tao, paano magiging katapatang-loob ng Diyos ang tao? Paano siya magiging kalipikado na maging saksi ng Diyos? Hindi ba’t pawang mga mapanlinlang na kasinungalingan ang mga pagsasabi ng tao na minamahal niya ang Diyos, pinaglilingkuran niya ang Diyos, at niluluwalhati niya ang Diyos? Kung ibinibigay mo ang iyong buhay sa paghahangad ng mga di-makatotohanan at di-praktikal na bagay na ito, hindi ba’t gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging katapatang-loob ng Diyos kung hindi mo man lamang nakikilala kung sino ang Diyos? Hindi ba’t ang gayong paghahangad ay malabo at abstrakto? Hindi ba’t ito ay mapanlinlang? Paano ba dapat isagawa ng isang tao ang pagiging katapatang-loob ng Diyos? Ano ang praktikal na kabuluhan ng pagiging katapatang-loob ng Diyos? Maaari ka bang maging katapatang-loob ng Espiritu ng Diyos? Makikita mo ba kung gaano kalaki at kataas ang Espiritu? Ang maging katapatang-loob ng isang di-nakikita at di-nahahawakang Diyos—hindi ba’t iyan ay malabo at abstrakto? Ano ang praktikal na kabuluhan ng gayong paghahangad? Hindi ba’t ang lahat ng ito ay mapanlinlang na kasinungalingan? Ang hinahangad mo ay ang maging katapatang-loob ng Diyos, gayong sa katunayan, ikaw ay alipores ni Satanas, dahil hindi mo kilala ang Diyos, at hinahangad mo ang di-umiiral na “Diyos sa gitna ng lahat ng bagay,” na di-nakikita, di-nahahawakan, at napapaloob sa iyong sariling mga kuru-kuro. Sa abstraktong pananalita, ang gayong “Diyos” ay si Satanas, at sa praktikal na pananalita, ito ay ikaw mismo. Hinahangad mo na maging ang iyong sariling katapatang-loob, ngunit sinasabi mo pa rin na hinahangad mong maging katapatang-loob ng Diyos—hindi ba’t iyan ay isang kalapastanganan? Ano ang halaga ng gayong paghahangad? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi magkakatawang-tao, ang diwa ng Diyos ay isa lamang di-nakikita at di-nahahawakang Espiritu ng buhay, na walang anyo at walang wangis, mula sa uring di-materyal, di-malapitan at di-maunawaan ng tao. Paano magiging katapatang-loob ang tao ng isang walang-katawan, kamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba’t isa itong biro? Isa iyong katawa-tawang pangangatwiran na walang bisa at higit pa roon ay hindi makatotohanan. Ang nilikhang tao ay mula sa isang uri na likas na naiiba mula sa Espiritu ng Diyos, kaya paano magiging magkatapatang-loob ang dalawa? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naisakatuparan sa katawang-tao—na ibig sabihin, kung ang Diyos ay hindi naging tao, hindi nagpakumbaba at naging isang nilikha, kung gayon, ang taong nilikha ay kapwa magiging hindi kalipikado at walang abilidad na maging katapatang-loob Niya, at maliban sa mga tapat na mananampalatayang maaaring magkaroon ng pagkakataong maging mga katapatang-loob ng Diyos matapos na makapasok sa langit ang kanilang mga kaluluwa, hindi magagawa ng karamihan sa mga tao na maging mga katapatang-loob ng Espiritu ng Diyos. At kung nais ng mga tao na maging mga katapatang-loob ng Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba’t sila ay mga labis na hangal na di-tao? Hinahangad lamang ng mga tao na “maging deboto” sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi sila nagtutuon ng kahit na katiting na pansin sa Diyos na nakikita, sapagkat napakadaling hangarin ang isang di-nakikitang Diyos. Maaari itong gawin ng mga tao ayon sa kanilang kagustuhan, ngunit ang paghahangad sa nakikitang Diyos ay hindi ganoon kadali. Ang tao na naghahangad ng isang malabong Diyos ay walang pasubaling hindi kayang makamit ang Diyos, sapagkat ang mga bagay na malabo at abstrakto ay naguguni-guni lamang ng tao, at hindi kayang makamit ng tao. Kung ang Diyos na pumarito sa gitna ninyo ay isang dakila at matayog na Diyos na hindi ninyo maabot, paano ninyo maaarok ang Kanyang mga layunin? At paano ninyo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at hindi Siya nagkaroon ng normal na pakikipag-ugnayan sa tao, o wala Siyang taglay na normal na pagkatao at hindi Siya malapitan ng mga mortal, kung gayon, kahit pa marami Siyang ginawa sa inyo ngunit wala kayong pakikipag-ugnayan sa Kanya, at hindi ninyo Siya nagawang makita, paano ninyo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa katawang-taong ito na taglay ang normal na pagkatao, walang magiging paraan ang tao para makilala ang Diyos; dahil lamang sa pagkakatawang-tao ng Diyos kung kaya’t ang tao ay kalipikado na maging katapatang-loob ng Diyos na nagkatawang-tao. Nagiging katapatang-loob ng Diyos ang mga tao dahil nakikipag-ugnayan sila sa Kanya, at dahil unti-unti nila Siyang nakikilala sa pamamagitan ng pamumuhay kasama Niya at pakikisalamuha sa Kanya. Kung hindi ganoon, hindi ba’t ang paghahangad ng tao ay mawawalan ng kabuluhan? Ibig sabihin, hindi ito ganap na dahil sa gawain ng Diyos kung kaya’t nagagawa ng tao na maging katapatang-loob ng Diyos, kundi dahil sa pagiging praktikal at normal ng Diyos na nagkatawang-tao. Dahil lamang sa ang Diyos ay naging tao kung kaya’t ang mga tao ay mayroong pagkakataon upang gampanan ang kanilang tungkulin, at pagkakataon upang sambahin ang tunay na Diyos. Hindi ba’t ito ang pinakamakatotohanan at pinakapraktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa rin bang maging ang katapatang-loob ng Diyos sa langit? Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang partikular na punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao, saka lang Niya magiging katapatang-loob at mapagsasabihan ng niloloob ang tao. Ang Diyos ang Espiritu, Siya ay napakadakila at napakatayog, at labis na hindi naaarok—paano magiging kalipikado ang mga tao na maging mga katapatang-loob Niya? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at naging isang nilikha na may parehong panlabas na anyo ng tao, maaaring maunawaan ng tao ang Kanyang mga layunin at makamit Niya siya nang praktikal. Nagsasalita at gumagawa Siya sa katawang-tao, nakikibahagi sa mga kagalakan, kalumbayan, at kapighatian ng sangkatauhan, namumuhay sa kaparehong daigdig ng sangkatauhan, pinoprotektahan ang sangkatauhan, ginagabayan sila, at binibigyang-kakayahan sila na malinis at makamit ang Kanyang pagliligtas at Kanyang pagpapala. Kapag nakamit na ng mga tao ang mga bagay na ito at tunay na nilang nauunawaan ang mga layunin ng Diyos ay saka lamang sila maaaring maging mga katapatang-loob ng Diyos. Ito lamang ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nahahawakan ng mga tao, paano sila magiging mga katapatang-loob Niya? Hindi ba’t ito ay isang hungkag na doktrina?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakakaunawa sa Kanyang Gawain ang mga Nagpapalugod sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 137
Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain sa loob ng pagka-Diyos, na siyang ipinagkatiwala ng makalangit na Espiritu sa Diyos na nagkatawang-tao. Kapag pumaparito Siya, nagsasalita lamang Siya sa buong lupain, upang isatinig ang Kanyang mga pagbigkas gamit ang iba’t ibang paraan at mula sa iba’t ibang perspektiba. Ang Kanyang mga layon at prinsipyo ng paggawa, sa pangunahin, ay tustusan ang tao at turuan ang tao, at hindi Niya binibigyang-pansin ang mga bagay na tulad ng mga ugnayan sa pagitan ng mga tao o ang mga detalye ng buhay ng mga tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay ang magsalita sa ngalan ng Espiritu. Ibig sabihin, kapag ang Espiritu ng Diyos ay kongkretong nagpapakita sa katawang-tao, tinutustusan lamang Niya ang buhay ng tao at inilalabas ang katotohanan. Hindi Siya nakikibahagi sa gawain ng tao, ibig sabihin, hindi Siya nakikilahok sa gawain ng pagkatao. Hindi maaaring gumawa ng pagka-Diyos na gawain ang mga tao, at hindi nakikilahok ang Diyos sa gawain ng tao. Sa lahat ng taon mula nang pumarito ang Diyos sa mundong ito upang isagawa ang Kanyang gawain, lagi Niya itong ginagawa sa pamamagitan ng mga tao. Gayunman, ang mga taong ito ay hindi maaaring ituring na Diyos na nagkatawang-tao—yaon lamang ay mga kinakasangkapan ng Diyos. Ang Diyos ng kasalukuyan, samantala, ay kayang magsalita nang tuwiran mula sa pananaw ng pagka-Diyos, ipinapahayag ang tinig ng Espiritu at gumagawa sa ngalan ng Espiritu. Gayundin, lahat ng taong ginamit ng Diyos sa paglipas ng mga kapanahunan at henerasyon ay mga pagkakataon na gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa loob ng katawang-tao—kaya bakit hindi sila maaaring tawaging Diyos? Ngunit ang Diyos ng kasalukuyan ay Espiritu rin ng Diyos na tuwirang gumagawa sa katawang-tao, at si Jesus ay Espiritu rin ng Diyos na gumagawa sa katawang-tao; kapwa Sila tinatawag na Diyos. Kaya ano ang pagkakaiba? Ang mga taong ginamit ng Diyos sa paglipas ng mga kapanahunan ay pawang may kakayahan sa normal na pag-iisip at katwiran. Naunawaan nilang lahat ang mga prinsipyo ng pag-asal at pagharap sa mga usapin. Nagtataglay sila ng normal na mga kuru-kuro ng tao, at nagtataglay sila ng lahat ng bagay na dapat taglayin ng normal na mga tao. Karamihan sa kanila ay may pambihirang talento at likas na katalinuhan. Sa paggawa sa mga taong ito, ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, na mga kaloob nila. Ginagamit ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, ginagamit ang kanilang mga kalakasan sa pagseserbisyo sa Diyos. Subalit ang diwa ng Diyos ay walang mga kuru-kuro o mga kaisipan, walang halong mga ideya ng tao, at wala pa nga rito ang tinataglay ng normal na mga tao. Ibig sabihin, ni hindi Siya pamilyar sa mga prinsipyo ng pag-asal at pagharap sa mga usapin. Ganito ang sitwasyon kapag pumaparito sa lupa ang Diyos ng kasalukuyan. Ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay walang halong mga ideya ng tao o mga kaisipan ng tao, kundi ang mga ito ay tuwirang pagpapamalas ng mga ideya ng Espiritu, at gumagawa Siya nang tuwiran sa ngalan ng Diyos. Nangangahulugan ito na ang Espiritu ay tuwirang nagsasalita, ibig sabihin, ang pagka-Diyos ang tuwirang gumagawa ng gawain, nang hindi ito hinahaluan ng kahit katiting na mga ideya ng tao. Sa madaling salita, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay nang tuwiran ng pagka-Diyos, walang mga kaisipan o mga kuru-kuro ng tao, at walang pagkaunawa tungkol sa mga prinsipyo ng mga tao para sa pakikitungo sa mundo. Kung gumagawa lamang ang pagka-Diyos (ibig sabihin ay kung ang Diyos Mismo lamang ang gumagawa), walang paraan para maisagawa ang gawain ng Diyos sa lupa. Kaya kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, kailangan ay mayroon Siyang maliit na bilang ng mga tao na ginagamit Niya upang gumawa sa loob ng pagkatao sa pakikipagtulungan sa gawaing ginagawa ng Diyos sa pagka-Diyos. Sa madaling salita, ginagamit Niya ang gawain ng pagkatao upang itaguyod ang Kanyang gawain na pagka-Diyos. Kung hindi, walang paraan para tuwirang makipag-ugnayan ang tao sa gawaing pagka-Diyos. Ganito noon kay Jesus at sa Kanyang mga disipulo. Noong panahon Niya sa mundo, binuwag ni Jesus ang mga lumang kautusan at itinatag ang mga bagong utos. Nangusap din Siya ng maraming salita. Lahat ng gawaing ito ay ginawa sa pagka-Diyos. Ang iba pa, tulad nina Pedro, Pablo, at Juan, ay isinalalay lahat ang sumunod nilang gawain sa pundasyon ng mga salita ni Jesus. Ibig sabihin, ginawa ng Diyos ang Kanyang inisyal na gawain sa kapanahunang iyon, ginabayan ang simula ng Kapanahunan ng Biyaya; ibig sabihin, ginabayan Niya ang isang bagong kapanahunan, binuwag ang luma, at tinupad din ang mga salitang “Ang Diyos ang Simula at ang Katapusan.” Sa madaling salita, kailangang isagawa ng tao ang gawain ng tao batay sa pundasyon ng gawaing pagka-Diyos. Nang masabi ni Jesus ang lahat ng kailangan Niyang sabihin at matapos ang Kanyang gawain sa lupa, iniwan Niya ang tao. Pagkatapos nito, lahat ng tao, sa paggawa, ay gumawa ayon sa mga prinsipyong ipinahayag sa Kanyang mga salita, at nagsagawa ayon sa mga katotohanang Kanyang sinabi. Lahat ng taong ito ay gumawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang mag-isang gumawa ng gawain, gaano man karaming salita ang Kanyang sinabi, walang anumang paraan ang mga tao para makaugnayan ang Kanyang mga salita, dahil gumawa Siya sa pagka-Diyos at nagawa lamang Niyang mangusap ng mga salita ng pagka-Diyos, at hindi Niya nagawang ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa mga normal na tao at ipaunawa sa mga normal na tao ang Kanyang mga salita. Kaya kinailangan Niya ang mga apostol at propetang sumunod sa Kanya na magkompleto sa Kanyang gawain. Ito ang prinsipyo ng paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kanyang gawain—gamit ang nagkatawang-taong laman upang magsalita at gumawa nang sa gayon ay matapos ang gawain ng pagka-Diyos, at pagkatapos ay gamit ang ilan, o marahil ay higit pa, na mga taong nakaaayon sa mga layunin ng Diyos upang magkompleto sa Kanyang gawain. Ibig sabihin, ginagamit ng Diyos ang mga taong alinsunod sa Kanyang mga layunin upang gawin ang gawain ng pagpapastol at pagdidilig sa pamamagitan ng pagkatao upang ang mga taong hinirang ng Diyos ay makapasok sa katotohanang realidad.
Kung, nang Siya ay pumarito sa katawang-tao, ginawa lamang ng Diyos ang gawain ng pagka-Diyos, at walang mga taong nakaaayon sa Kanyang mga layunin para makipagtulungan sa Kanya, hindi makakaya ng tao na maunawaan ang mga layunin ng Diyos o makipag-ugnayan sa Diyos. Kailangang gamitin ng Diyos ang normal na mga tao na ayon sa Kanyang mga layunin upang kompletuhin ang gawaing ito, upang bantayan at ipastol ang mga iglesia, nang sa gayon, ang antas na kayang mailarawan sa isipan ng mga kognitibong pagpoproseso ng tao, ang kanyang utak, ay maabot. Sa madaling salita, kinakasangkapan ng Diyos ang maliit na bilang ng mga tao na nakaaayon sa Kanyang mga layunin upang “isalin” ang gawaing Kanyang ginagawa sa loob ng Kanyang pagka-Diyos, nang sa gayon ay mabuksan ito—magawang wika ng pagkatao ang wika ng pagka-Diyos, nang sa gayon ay maarok at maunawaan ito ng mga tao. Kung hindi ito ginawa ng Diyos, walang sinumang makauunawa sa wika ng pagka-Diyos ng Diyos, dahil ang mga taong alinsunod sa mga layunin ng Diyos, kung tutuusin, ay maliit na minorya, at ang abilidad ng tao na makaarok ay mahina. Iyan ang dahilan kaya pinipili ng Diyos ang paraang ito kapag gumagawa Siya sa nagkatawang-taong laman. Kung mayroon lamang gawain ng pagka-Diyos, walang paraan para makilala o makaugnayan ng tao ang Diyos, dahil hindi nauunawaan ng tao ang wika ng Diyos. Nauunawaan ng tao ang wikang ito sa pamamagitan lamang ng mga taong nakaaayon sa mga layunin ng Diyos, na nagpapalinaw sa Kanyang mga salita. Gayumpaman, kung mayroon lamang gayong mga tao na gumagawa sa loob ng pagkatao, maaari lamang mapanatili niyon ang normal na buhay ng tao; hindi nito mababago ang disposisyon ng tao. Ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkaroon ng panibagong panimula; magkakaroon lamang ng dati nang mga lumang awit, dati nang mga lumang bukambibig. Sa pamamagitan lamang ng Diyos na nagkatawang-tao, na nagsasabi ng lahat ng kailangang sabihin at gumagawa ng lahat ng kailangang gawin sa panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, pagkatapos ay gumagawa at nakararanas ang mga tao ayon sa Kanyang mga salita, sa gayon lamang magagawang magbago ang kanilang buhay disposisyon, at sa gayon lamang nila magagawang sumunod sa agos ng kapanahunan. Siya na gumagawa sa loob ng pagka-Diyos ay kumakatawan sa Diyos, samantalang yaong mga gumagawa sa loob ng pagkatao ay mga taong ginagamit ng Diyos. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao, sa diwa, ay iba sa mga taong ginagamit ng Diyos. Nagagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain ng pagka-Diyos, samantalang hindi ito nagagawa ng mga taong ginagamit ng Diyos. Sa simula ng bawat isang kapanahunan, personal na nangungusap ang Espiritu ng Diyos at naglulunsad ng bagong kapanahunan upang dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag tapos na Siyang magsalita, nagpapahiwatig ito na tapos na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagka-Diyos. Pagkatapos niyon, lahat ng tao ay sumusunod sa pangunguna ng mga ginagamit ng Diyos upang pumasok sa buhay karanasan nila. Sa ganito ring paraan, ito rin ang yugto kung kailan dinadala ng Diyos ang tao sa bagong kapanahunan at binibigyan ang mga tao ng isang bagong panimula—kung kailan nagtatapos ang gawain ng Diyos sa katawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kaibahan sa Diwa sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Ginagamit ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 138
Hindi pumaparito ang Diyos sa lupa para gawing perpekto ang Kanyang normal na pagkatao. Hindi Siya pumaparito para isagawa ang gawain ng normal na pagkatao. Pumaparito Siya para lamang gawin ang gawain ng pagka-Diyos sa normal na pagkatao. Ang binabanggit ng Diyos na normal na pagkatao ay hindi katulad ng iniisip ng mga tao. Binibigyang-kahulugan ng tao ang “normal na pagkatao” bilang pagkakaroon ng asawa at mga anak, na mga patunay na ang isang tao ay isang normal na tao; gayumpaman, hindi ganito ang tingin ng Diyos dito. Ang tingin Niya sa normal na pagkatao ay pagkakaroon ng normal na kaisipan ng mga tao, normal na buhay ng mga tao, at pagiging naisilang sa normal na mga tao. Ngunit hindi kabilang sa Kanyang normalidad ang pagkakaroon ng asawa at mga anak sa paraan ng pagsasalita ng tao tungkol sa normalidad. Ibig sabihin, para sa tao, ang normal na pagkataong binabanggit ng Diyos ay ang ituturing ng tao na kawalan ng pagkatao, na halos walang mga damdamin at tila walang mga pangangailangan ng laman, katulad lamang ni Jesus, na mayroon lamang panlabas na anyo ng isang normal na tao at nagbihis ng anyo ng isang normal na tao, ngunit sa diwa ay hindi ganap na tinaglay ang lahat ng dapat taglayin ng isang normal na tao. Mula rito ay makikita na ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi sumasaklaw sa kabuuan ng normal na pagkatao, kundi sa isang bahagi lamang ng mga bagay na dapat taglayin ng mga tao, upang suportahan ang mga karaniwang gawain sa buhay ng normal na tao at panatilihin ang katwiran ng normal na tao. Ngunit walang kinalaman ang mga bagay na ito sa itinuturing ng tao na normal na pagkatao. Ang mga ito ang dapat taglayin ng Diyos na nagkatawang-tao. Gayumpaman, may mga naninindigan na ang Diyos na nagkatawang-tao ay masasabing nagtataglay lamang ng normal na pagkatao kung mayroon Siyang asawa, mga anak, isang pamilya; kung wala ang mga bagay na ito, sabi nila, hindi Siya isang normal na tao. Kung gayon ay tatanungin kita, “Mayroon bang asawang babae ang Diyos? Posible bang magkaroon ng asawang lalaki ang Diyos? Maaari bang magkaroon ng mga anak ang Diyos?” Hindi ba’t mga maling kaisipan ito? Subalit ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi maaaring sumibol mula sa isang bitak sa pagitan ng mga bato o mahulog mula sa langit. Maaari lamang Siyang isilang sa isang normal na pamilya ng tao. Kaya mayroon Siyang mga magulang at mga kapatid na babae. Ang mga ito ang mga bagay na dapat magkaroon ang normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao. Ganito ang sitwasyon ni Jesus; si Jesus ay mayroong ama at ina, mga kapatid na babae at lalaki, at lahat ng ito ay normal. Ngunit kung nagkaroon Siya ng asawa at mga anak, ang Kanyang pagkatao ay hindi sana naging ang normal na pagkatao na nilayon ng Diyos na taglayin ng Diyos na nagkatawang-tao. Kung ganito ang sitwasyon, hindi sana Niya nakayang gumawa sa ngalan ng pagka-Diyos. Ito ay dahil mismo sa hindi Siya nagkaroon ng asawa o mga anak, subalit isinilang Siya sa normal na mga tao sa isang normal na pamilya, kaya Niya nagawa ang gawain ng pagka-Diyos. Para mas linawin ito, ang itinuturing ng Diyos na normal na tao ay isang tao na isinilang sa isang normal na pamilya. Gayong tao lamang ang kalipikadong gumawa ng gawain ng pagka-Diyos. Kung, sa kabilang banda, ang tao ay nagkaroon ng isang asawang babae, mga anak, o isang asawang lalaki, hindi magagawa ng taong iyon ang gawain ng pagka-Diyos, dahil magtataglay lamang siya ng normal na pagkatao na hinihingi ng mga tao ngunit hindi ang normal na pagkataong hinihingi ng Diyos. Yaong isinasaalang-alang ng Diyos, at ang nauunawaan ng mga tao, ay madalas na malaki ang pagkakaiba, malayong-malayo sa isa’t isa. Sa yugtong ito ng gawain ng Diyos, marami ang salungat at malaki ang pagkakaiba sa mga kuru-kuro ng mga tao. Masasabi na ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay ganap na binubuo ng pagka-Diyos na aktuwal na gumagawa, na ang pagkatao ay gumaganap ng papel na sumusuporta. Dahil pumaparito ang Diyos sa lupa upang isagawa ang Kanyang gawain nang Siya Mismo, sa halip na tulutan ang tao na gawin ito, nagkakatawang-tao Siya Mismo (sa isang di-ganap, normal na tao) upang gawin ang Kanyang gawain. Ginagamit Niya ang pagkakataong iprinesenta ng pagkakatawang-taong ito upang iharap sa sangkatauhan ang isang bagong kapanahunan, upang sabihin sa sangkatauhan ang susunod na hakbang sa Kanyang gawain, at upang sabihan ang mga tao na magsagawa alinsunod sa landas na inilarawan sa Kanyang mga salita. Sa ganito nagtapos ang gawain ng Diyos sa katawang-tao; malapit na Niyang lisanin ang tao at malapit na Siyang humiwalay sa tao, hindi na mananahan sa katawang-tao ng normal na pagkatao, kundi sa halip ay lalayo mula sa tao upang tumuloy sa isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Pagkatapos, habang ginagamit ang mga taong naaayon sa Kanyang mga layunin, ipinagpapatuloy Niya ang Kanyang gawain sa lupa sa gitna ng grupong ito ng mga tao, ngunit sa kanilang pagkatao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kaibahan sa Diwa sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Ginagamit ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 139
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi maaaring manatili sa piling ng tao magpakailanman dahil marami pang ibang gawaing gagawin ang Diyos. Hindi Siya maaaring matali sa katawang-tao; kailangan Niyang hubarin ang katawang-tao upang gawin ang gawaing kailangan Niyang gawin, kahit ginagawa Niya ang gawaing iyon sa wangis ng katawang-tao. Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, hindi Niya hinihintay na maabot Niya ang anyong dapat maabot ng isang normal na tao bago mamatay at lisanin ang sangkatauhan. Gaano man katanda ang Kanyang katawang-tao, kapag natapos na ang Kanyang gawain, umaalis Siya at iniiwan Niya ang tao. Hindi mahalaga sa Kanya ang edad, hindi Niya binibilang ang Kanyang mga araw ayon sa haba ng buhay ng tao; sa halip, tinatapos Niya ang Kanyang buhay sa katawang-tao alinsunod sa mga hakbang ng Kanyang gawain. Maaaring may mga taong nakadarama na ang Diyos, sa pagpasok sa katawang-tao, ay kailangang magkaedad hanggang sa isang antas, kailangang umabot sa hustong gulang, tumanda, at lumisan lamang kapag bumigay na ang katawan. Ito ay imahinasyon ng tao; hindi gumagawa ang Diyos sa ganoong paraan. Siya ay pumaparito sa katawang-tao upang gawin lamang ang gawaing dapat Niyang gawin, at hindi upang mamuhay ng isang normal na buhay ng tao na ipinanganak sa mga magulang, lumalaki, bumubuo ng pamilya at nagtatatag ng propesyon, nagkakaroon at nagpapalaki ng mga anak, o nakikipagbaka sa mga pagsubok ng buhay—lahat ng aktibidad ng mga normal na tao. Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, ito ay ang Espiritu ng Diyos na nagbibihis ng katawang-tao, pumaparito sa katawang-tao, ngunit ang Diyos ay hindi namumuhay ng buhay ng isang normal na tao. Pumaparito lamang Siya upang tuparin ang isang bahagi ng Kanyang plano ng pamamahala. Pagkatapos niyon ay lilisanin Niya ang sangkatauhan. Kapag Siya ay pumaparito sa katawang-tao, hindi ginagawang perpekto ng Espiritu ng Diyos ang normal na pagkatao ng katawan. Sa halip, sa panahong paunang itinadhana ng Diyos, ang pagka-Diyos ay tuwirang gumagawa. Pagkatapos, matapos gawin ang lahat ng kailangan Niyang gawin at lubos nang matapos ang Kanyang ministeryo, tapos na ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa yugtong ito, kung kailan nagtatapos din ang buhay ng Diyos na nagkatawang-tao, naipamuhay man ng Kanyang katawang-tao ng laman ang haba ng buhay nito. Ibig sabihin, kung anong yugto ng buhay ang abutin ng katawang-tao ng laman, at kung gaano katagal itong nabubuhay sa lupa, ay kapwa pinagpapasyahan ng gawain ng Espiritu, at walang kinalaman sa itinuturing ng tao na normal na pagkatao. Gawing halimbawa si Jesus. Nabuhay Siya sa katawang-tao sa loob ng tatlumpu’t tatlo’t kalahating taon. Sa usapin ng haba ng buhay ng katawan ng tao, hindi Siya dapat namatay sa edad na iyon, at hindi Siya dapat lumisan. Ngunit walang pakialam dito ang Espiritu ng Diyos. Tapos na ang Kanyang gawain, sa puntong iyon ay inalis na ang katawan, na nawala kasama ng Espiritu. Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos sa paggawa sa katawang-tao. At kaya, sa tumpak na pananalita, hindi ang pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pangunahing mahalaga. Bumabalik pa rin ito sa parehong puntong iyon: pumaparito Siya sa lupa hindi upang ipamuhay ang buhay ng isang normal na tao. Hindi muna Siya nagtatatag ng isang normal na buhay ng tao at pagkatapos ay nagsisimulang gumawa. Sa halip, basta’t isinilang Siya sa isang normal na pamilya ng tao, nagagawa Niya ang gawain ng pagka-Diyos, gawaing walang bahid ng mga ideya ng tao, na hindi makalaman, na tiyak na hindi tumatanggap sa mga paraan ng lipunan o nagsasangkot ng mga kaisipan o kuru-kuro ng tao, at bukod pa riyan, hindi nasasangkot doon ang mga pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo. Ito ang gawaing layong gawin ng Diyos na nagkatawang-tao, at ito rin ang praktikal na kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao pangunahing upang gawin ang isang yugto ng gawain na kailangang gawin sa katawang-tao, nang hindi nagdaraan sa iba pang mga prosesong hindi mahalaga, at, tungkol naman sa mga karanasan ng isang normal na tao, wala Siyang mga ganoon. Hindi kabilang sa gawaing kailangang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga karanasan ng normal na tao. Kaya ang Diyos ay pumaparito sa katawang-tao para isakatuparan ang gawaing kailangan Niyang isakatuparan sa katawang-tao. Ang nalalabi ay walang kinalaman sa Kanya; hindi Siya dumaraan sa napakaraming prosesong hindi mahalaga. Kapag natapos na ang Kanyang gawain, natatapos na rin ang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Ang pagtatapos sa yugtong ito ay nangangahulugan na nagtapos na ang gawaing kailangan Niyang gawin sa katawang-tao, at naisakatuparan ang ministeryo ng Kanyang katawang-tao. Ngunit hindi Siya maaaring patuloy na gumawa sa katawang-tao nang walang katapusan. Kailangan Niyang magpatuloy sa isa pang lugar upang gumawa, at iwan ang katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang lubos na maisasagawa ang Kanyang gawain, at susulong nang mas epektibo. Gumagawa ang Diyos ayon sa Kanyang orihinal na plano. Kung anong gawain ang kailangan Niyang gawin at anong gawain ang natapos na Niya, malinaw na malinaw sa Kanya ang mga ito. Inaakay ng Diyos ang bawat indibidwal na lumakad sa landas na pauna na Niyang itinadhana. Walang sinumang makakatakas dito. Yaon lamang mga sumusunod sa gabay ng Espiritu ng Diyos ang makakapasok sa kapahingahan. Maaaring sa gawain sa hinaharap, hindi ang Diyos ang mangungusap sa katawang-tao upang gabayan ang tao, kundi isang Espiritung may nahahawakang anyo na gumagabay sa buhay ng tao. Sa ganitong paraan lamang makakaya ng tao na kongkretong mahawakan ang Diyos, mamasdan ang Diyos, at mas lubos na makapasok sa realidad na hinihingi ng Diyos, upang magawang perpekto ng praktikal na Diyos. Ito ang gawaing layon ng Diyos na tuparin, at matagal na Niyang ipinlano. Mula rito, dapat makita ninyong lahat ang landas na dapat ninyong tahakin!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kaibahan sa Diwa sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Ginagamit ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 140
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang pagtawag na Diyos sa Cristo na kayang magkaloob ng katotohanan sa mga tao ay hindi kalabisan kahit kaunti. Ito ay dahil taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at ang karunungan ng gawain ng Diyos, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na mga cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga impostor. Hindi lamang pagpapamalas ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi ang partikular din na katawang-taong tinataglay ng Diyos habang ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa lupa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa gitna ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isa itong katawang-tao na kayang pasanin nang husto ang gawain ng Diyos sa lupa, at na kayang maipahayag ang disposisyon ng Diyos, na kayang sapat na katawanin ang Diyos, at na kayang magbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak ang lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t sinasabi nilang sila si cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging tunay ni Cristo, kundi sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo. Sa ganitong paraan, kung tunay mong ninanais na hanapin ang daan ng buhay, dapat mo munang kilalanin na sa gitna ng mga tao pumaparito ang Diyos para gawin ang gawain ng pagkakaloob ng daan ng buhay sa tao, at dapat mong kilalanin na sa mga huling araw Siya pumaparito sa gitna ng tao upang ipagkaloob ang daan ng buhay sa tao—hindi sa nakalipas, kundi ngayon.
Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng pangmatagalan at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan nakakamit ng tao ang buhay, at ito ang tanging landas para makilala ng tao ang Diyos at masang-ayunan siya ng Diyos. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka magiging kalipikado kailanman na pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka isang papet at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kinokontrol ng mga regulasyon, ng mga salita, at ng mga gapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakapagkamit ng buhay o ng walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay dahil ang tanging nakakamit nila ay maruming tubig na kanilang kinapitan sa loob ng libo-libong taon sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Ang mga hindi natutustusan ng tubig ng buhay ay mananatiling mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno magpakailanman. Kung gayon, paano nila masisilayan ang Diyos? Naghahangad ka lang na kumapit sa nakaraan, na manatili sa iyong kinalalagyan at panatilihin ang kalagayan ng mga bagay-bagay, at hindi ka naghahangad na baguhin ang kasalukuyang kalagayan at iwaksi ang kasaysayan, kaya hindi ba’t palagi kang magiging kaaway ng Diyos? Hindi mapipigilan at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit pasibo kang nakaupo na naghihintay ng pagkawasak, kumakapit sa luma at naghihintay na dumating na lang sa iyo ang mga bagay-bagay. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano nito maipapakita na ang Diyos na kinakapitan mo ay ang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mo nang libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka maaakay ng mga ito na hanapin ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka madadala ng mga ito paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay mga salita lamang na makapagbibigay ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay sa iyo. Ang mga salita ng mga Kasulatang binabasa mo ay nakapagpapayaman lamang ng dila mo; ang mga ito ay hindi mga salita ng karunungan na makatutulong sa iyo na maunawaan ang buhay ng tao, ang mga ito ay lalong hindi ang landas na kayang maghatid sa iyo sa pagiging perpekto. Hindi ba’t binibigyan ka ng pagkakaibang ito ng dahilan para magnilay? Hindi ba’t binibigyan ka nito ng kabatiran sa mga misteryong nakapaloob dito? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagtagpo sa Diyos nang ikaw lang? Kung wala ang pagparito ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa mo ang kaligayahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Hinihikayat kita, kung gayon, na tumigil na sa pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan kung sino ang gumagawa ngayon ng gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo ito gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay.
Ang mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinambit ni Cristo ang pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo, at ang mga hindi tumatanggap sa daan ng buhay na dinala ni Cristo ay namumuhay sa pantasya. Kaya naman sinasabi Ko na kamumuhian ng Diyos magpakailanman ang mga taong hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pintuan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makararaan kung hindi sa pamamagitan Niya. Walang mapeperpekto ng Diyos kung hindi sa pamamagitan ni Cristo. Nananampalataya ka sa Diyos, kaya dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at dapat kang magpasakop sa Kanyang Daan. Huwag kang mag-isip lang na magkamit ng mga pagpapala habang hindi mo naman magawang tanggapin ang katotohanan at ang pagtustos ng buhay. Pumaparito si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan Niya ng buhay ang lahat ng sinserong nananampalataya sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago kaya umiiral ang gawaing ito, at ang gawaing ito ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung hindi mo kinikilala si Cristo, at higit pa rito, ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig mo Siya, kung gayon ay tiyak kang masusunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Ito ay dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa, at kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo magawang tanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang nararapat na ganting-parusa sa mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo ito: Kung nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tinatanggihan mo si Cristo ng mga huling araw, wala nang iba pa ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan nito para sa iyo. Higit pa rito, mula sa puntong iyon ay hindi ka na kailanman magkakaroon ng pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit pa gusto mong makabawi, hindi mo mapagmamasdang muli ang mukha ng Diyos. Ito ay dahil hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang di-mahalagang tao ang tinatanggihan mo, kundi si Cristo. Alam mo ba kung ano ang mga kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang ginagawa mo, kundi isang karumal-dumal na kasalanan. Kaya naman pinapayuhan Ko ang bawat tao na huwag mong ilabas ang iyong mga pangil at iwasiwas ang iyong mga kuko at huwag kang magsabi ng mga walang batayang komento sa harap ng katotohanan, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala nang iba pa kundi ang katotohanan ang magbibigay-kakayahan sa iyo na muling isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan