Ang Tatlong Yugto ng Gawain
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 1
Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim na libong taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ang gawaing ito ay ginagawa ayon sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas tumpak, ginagawa ito ayon sa mga panlalansi na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ay upang talunin si Satanas, upang ibunyag ang Aking karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat, upang ilantad ang lahat ng panlalansi ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ito ay upang ibunyag ang Aking karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat, at isiwalat ang di-mabatang kapangitan ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilikha na makilala kung alin ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tampalasan, ang siyang masama, at upang bigyang-kakayahan sila na mapag-iba, nang may lubos na kalinawan, ang mabuti at masama, katotohanan at maling kaisipan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Ito ay upang bigyang-kakayahan ang mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at na Ako lamang—ang Lumikha—ang nagliligtas sa sangkatauhan, at nagkakaloob sa mga tao ng mga bagay na matatamasa nila; ito ay para tulutan sila na malaman na Ako ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay ipinagkanulo Ako. Ang Aking anim na libong taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto, at gumagawa Ako nang gayon para makamit ang epekto ng pagbibigay-kakayahan sa Aking mga nilikha na magpatotoo sa Akin, maunawaan ang Aking mga layunin, at malaman na Ako ang katotohanan. Kaya, sa panahon ng inisyal na gawain ng Aking anim na libong taong plano ng pamamahala, isinagawa Ko ang gawain ng kautusan, na siyang gawain ng pangunguna ni Jehova sa mga tao. Sa panahon ng ikalawang yugto, pinasimulan Ko sa mga nayon ng Judea ang inisyal na gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang-tao, at ipinako sa krus, at Kanya ring pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Pumarito Siya para ipako sa krus at kompletuhin ang gawain ng pagtubos, at pumarito Siya upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at simulan ang Kapanahunan ng Biyaya, kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno,” ang “Handog para sa Kasalanan,” at ang “Manunubos.” Dahil dito, ang nilalaman ng gawain ni Jesus ay naiba sa gawain ni Jehova, kahit magkapareho ang mga iyon sa prinsipyo. Sinimulan ni Jehova ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang pundasyon—ang pinagmulan—ng gawain ng Diyos sa lupa, at nagpalabas ng mga batas at kautusan. Ito ang dalawang bahagi ng gawain na Kanyang isinakatuparan, at kumakatawan ang mga ito sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawaing ginawa ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga batas, kundi upang tuparin ang mga ito, sa gayong paraan ay pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang dalawang libong taon. Siya ang tagapanguna, na pumarito upang simulan ang Kapanahunan ng Biyaya, datapuwat ang pangunahing bahagi ng Kanyang gawain ay nasa pagtubos. Kaya nga ang Kanyang gawain ay may dalawa ring bahagi: pagsisimula ng isang bagong kapanahunan, at pagkompleto sa gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus, na sinundan ng Kanyang paglisan. At mula noon ay nagwakas ang Kapanahunan ng Kautusan at nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Kuwento ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 2
Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay pawang para sa pagliligtas sa sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga iyon ay para sa pagliligtas sa sangkatauhan na labis na natiwali ni Satanas. Gayumpaman, kasabay nito, nakikipaglaban din ang Diyos kay Satanas. Kaya, kung paanong ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, gayundin ang pakikipagdigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspektong ito ng gawain ng Diyos ay sabay na isinasakatuparan. Ang pakikipagdigma kay Satanas ay talagang para sa pagliligtas sa sangkatauhan, at dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi isang bagay na matagumpay na natatapos sa iisang yugto, ang pakikipaglaban kay Satanas ay nahahati rin sa mga yugto at panahon, at isinasagawa ang pakikipagdigma kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa lawak ng pagtiwali ni Satanas sa kanya. Marahil, sa imahinasyon ng tao, siya ay naniniwala na sa digmaang ito ang Diyos ay gagamit ng mga sandata laban kay Satanas, kagaya ng paraan na ang dalawang hukbo ay maglalaban sa isa’t isa. Ito lamang ang kayang guni-gunihin ng talino ng tao; ito ay isang sukdulang malabo at di-makatotohanang ideya, ngunit ito ang pinaniniwalaan ng tao. At dahil sinasabi Ko rito na ang paraan ng pagliligtas sa tao ay sa pamamagitan ng pakikipagdigma kay Satanas, iniisip at pinaniniwalaan ng tao na ganito isinasagawa ang labanan. May tatlong yugto sa gawain ng pagliligtas sa tao, ibig sabihin, ang pakikipagdigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto at ganap nang magagapi si Satanas. Ngunit ang tunay na kuwento ng buong gawain ng pakikipaglaban kay Satanas ay na natatamo ang mga epekto nito sa pamamagitan ng ilang hakbang ng gawain: pagkakaloob ng biyaya sa tao, pagiging handog para sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, at paggawang perpekto sa tao. Sa madaling salita, ang pakikipagdigma kay Satanas ay hindi ang paggamit ng mga armas laban kay Satanas, kundi sa halip ay ang pagpapatotoo para sa Diyos sa pamamagitan ng pagliligtas sa tao, paggawa sa buhay ng tao, at pagbabago sa disposisyon ng tao, at magkagayon ay tinatalo si Satanas. Si Satanas ay natatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, iyan ay, kapag ang tao ay lubos nang naligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. Kaya, ang diwa ng pagliligtas sa tao ay ang pakikipaglaban kay Satanas, at ang labanang ito ay unang-unang nasasalamin sa pagliligtas sa tao. Ang yugto ng mga huling araw, kung saan malulupig ang tao, ay ang huling yugto ng gawain sa pakikipaglaban kay Satanas, at ito rin ang gawain ng ganap na pagliligtas sa tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang ibalik ang pagsasakatawan ni Satanas—ang tao, na nagawang tiwali ni Satanas—sa Lumikha kasunod ng paglupig sa kanya, at sa pamamagitan nito ay maghihimagsik siya laban kay Satanas at lubusang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay ganap nang naligtas. Kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikipaglaban kay Satanas, at ito ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos, na nilalayong talunin si Satanas. Kung wala ang gawaing ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa kahuli-hulihan ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makakapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makakalaya sa impluwensiya ni Satanas. Samakatwid, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi matatapos bago matapos ang pakikipagdigma kay Satanas, sapagkat ang ubod ng gawain ng pamamahala ng Diyos ay para sa pagliligtas sa sangkatauhan. Sa simula pa lang, ang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa panunukso at pagtiwali ni Satanas, ang tao ay naigapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging ang layon na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inangkin ni Satanas, at dahil ang tao ang puhunan sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang mabawi siya mula sa mga kamay ni Satanas, na ang ibig sabihin, ang tao na nabihag ni Satanas ay kailangang mabawi. Sa gayon, kailangang matalo si Satanas sa pamamagitan ng mga pagbabago sa dating disposisyon ng tao at sa pagpapanumbalik ng orihinal na katwiran ng tao. Sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay mababawi mula sa mga kamay ni Satanas. Kung mapapalaya ang tao mula sa impluwensiya at pagkagapos ni Satanas, sa gayon ay mapapahiya si Satanas, ang tao sa kahuli-hulihan ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas, ang tao ang magiging samsam ng kabuuang labanang ito, at si Satanas ay magiging ang layon na parurusahan sa sandaling natapos ang labanan, kung saan pagkatapos nito ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay makokompleto na.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 3
Ang Diyos ay hindi nagkikimkim ng masamang hangarin sa mga nilikha; ang lahat ng ginagawa Niya ay alang-alang sa paggapi kay Satanas. Lahat ng Kanyang gawain—maging ito man ay pagkastigo o paghatol—ay nakatutok kay Satanas; ito ay isinasakatuparan para sa pagliligtas sa sangkatauhan, lahat ito ay upang gapiin si Satanas, at ito ay may isang layunin: ang makipagdigma kay Satanas hanggang sa katapusan! Ang Diyos ay hindi kailanman magpapahinga hangga’t hindi Siya nagwawagi laban kay Satanas! Siya ay magpapahinga lamang sa sandaling lubusan Niyang matalo si Satanas. Sapagkat ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos ay nakatutok kay Satanas, at dahil iyong mga nagawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim lahat ng kontrol ng kapangyarihan ni Satanas at namumuhay lahat sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, kung hindi inakay ng Diyos ang mga taong ito para makipaglaban kay Satanas at makipaghiwalay rito, at hindi magwawagi ang Diyos laban kay Satanas, hindi pakakawalan ni Satanas ang mga taong ito, at hindi sila makakamit ng Diyos. Kung hindi sila makakamit ng Diyos, patutunayan nito na si Satanas ay hindi pa natatalo, na ito ay hindi pa nadadaig. At kaya, sa 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos, noong unang yugto ginawa Niya ang gawain ng kautusan, noong ikalawang yugto ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, iyon ay, ang gawain ng pagpapapako sa krus, at sa panahon ng ikatlong yugto ginagawa Niya ang gawain ng panlulupig sa sangkatauhan. Ang lahat ng gawaing ito ay nakatutok sa lawak ng pagtitiwali ni Satanas sa sangkatauhan, ang lahat ng ito ay upang talunin si Satanas, at bawat isa sa mga yugto ay alang-alang sa paggapi kay Satanas. Ang diwa ng 6,000-taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay ang digmaan laban sa malaking pulang dragon, at ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay ang gawain ng pagtalo kay Satanas, ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Nakipaglaban ang Diyos sa loob ng 6,000 taon, at sa gayon ay gumawa sa loob ng 6,000 taon. Sa huli, dadalhin Niya ang tao tungo sa bagong mundo. Kapag si Satanas ay natalo, ang tao ay magiging ganap nang napalaya. Hindi ba ito ang pinatutunguhan ng gawain ng Diyos ngayon? Ito ang eksaktong kalakaran ng gawain sa kasalukuyan: ginagawa ito upang ang tao ay ganap na napalaya at malaya, hindi nalilimitahan ng anumang regulasyon, at hindi nalilimitahan ng anumang mga gapos o mga pagbabawal. Lahat ng gawaing ito ay ginagawa alinsunod sa inyong tayog at alinsunod sa inyong mga pangangailangan, ibig sabihin na kayo ay pinagkakalooban ng kung anuman ang inyong matutupad. Hindi ito kaso ng “pamimilit sa isang isda na mamuhay sa lupa,” ng paggigiit ng anuman sa inyo; sa halip, ang lahat ng gawaing ito ay isinasakatuparan alinsunod sa inyong aktuwal na mga pangangailangan. Ang bawat yugto ng gawain ay isinasakatuparan alinsunod sa mga aktuwal na pangangailangan at hinihingi ng tao; bawat yugto ng gawain ay alang-alang sa paggapi kay Satanas. Sa katunayan, sa pasimula ay walang mga hadlang sa pagitan ng Lumikha at ng mga nilikha. Lahat ng mga hadlang na ito ay dulot ni Satanas. Ang tao ay nawalan na ng kakayahang makita o mahipo ang anuman dahil sa panggugulo at pagtitiwali ni Satanas sa kanya. Ang biktima ay ang tao, ang siyang nalinlang. Sa sandaling nagapi na si Satanas, mamamasdan ng mga nilikha ang Lumikha, at titingnan ng Lumikha ang mga nilikha at magagawang personal na akayin sila. Ito lamang ang dapat na maging buhay ng tao sa lupa. At kaya, ang pangunahing gawain ng Diyos ay ginagawa upang talunin si Satanas, at sa sandaling natalo na si Satanas, ang lahat ay malulutas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 4
Ang gawain ng buong plano ng pamamahala ng Diyos ay personal na ginagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha ng mundo—ay personal na ginawa ng Diyos Mismo, at kung hindi nangyari ito, walang sinumang may kakayahang likhain ang sangkatauhan. Ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan, at ito ay personal ding ginawa ng Diyos Mismo. Ang ikatlong yugto ay halatang-halata na: Mas malaki ang pangangailangan na ang Diyos Mismo ang gumawa ng pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagkamit, at pagpeperpekto sa buong sangkatauhan ay personal na isinasakatuparang lahat ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na gagawin ang gawaing ito, ang tao ay hindi makakatawan sa Kanyang pagkakakilanlan, o hindi magagawa ng tao ang Kanyang gawain. Upang talunin si Satanas, upang makamit ang sangkatauhan, at upang bigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pinangungunahan ang tao at personal na gumagawa sa gitna ng tao; para sa Kanyang buong plano ng pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawaing ito. Kung naniniwala lamang ang tao na ang Diyos ay dumating upang makita Siya ng tao, para mapasaya ang tao, kung gayon ang ganoong mga paniniwala ay walang halaga, walang kabuluhan. Ang pagkaunawa ng tao ay napakababaw! Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Diyos Mismo sa gawain, saka lang Niya magagawa ang gawaing ito nang lubusan at kompleto. Kung gagawin ng tao ang gawaing ito, hindi niya magagawang humalili sa Diyos. Dahil hindi niya taglay ang pagkakakilanlan ng Diyos o ang Kanyang diwa, wala siyang kakayahang gawin ang gawain ng Diyos, at kahit ginawa pa ito ng tao, hindi ito magkakaroon ng anumang epekto. Ang unang pagkakataon na naging katawang-tao ang Diyos ay para sa pagtubos, upang tubusin ang buong sangkatauhan mula sa kasalanan, upang bigyang-kakayahan ang tao na malinis at mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Ang gawain ng panlulupig ay personal ding ginagawa ng Diyos sa gitna ng tao. Kung, sa panahon ng yugtong ito, magsasalita lamang ang Diyos ng propesiya, kung gayon ang isang propeta—isang taong may kaloob—ay maaaring matagpuan upang halinhinan Siya; kung propesiya lamang ang sinasalita, kung gayon makakahalili ang tao sa Diyos. Pero pagdating sa personal na paggawa sa gawain ng Diyos Mismo at paggawa ng buhay sa tao, hindi kayang gawin ng tao ang gawaing ito. Ito ay kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo: kailangang personal na maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang gawaing ito. Sa Kapanahunan ng Salita, kung propesiya lamang ang sinalita, kung gayon si Isaias o Elias na propeta ay maaaring masumpungan upang gawin ang gawaing ito, at hindi na kakailanganin na personal itong gawin ng Diyos Mismo. Dahil ang gawain na ginagawa sa yugtong ito ay hindi basta pagsasalita ng propesiya, at dahil higit na mahalaga na ang gawain ng mga salita ay ginagamit upang lupigin ang tao at talunin si Satanas, ang gawaing ito ay hindi magagawa ng tao, at kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo. Sa Kapanahunan ng Kautusan ginawa ni Jehova ang bahagi ng Kanyang gawain, pagkatapos nito ay nagsalita Siya ng ilang salita at gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng mga propeta. Iyon ay dahil maaaring humalili ang tao kay Jehova sa Kanyang gawain, at mapopropesiya ng mga propeta ang mga bagay-bagay at makapagbibigay-kahulugan sa ilang panaginip sa Kanyang ngalan. Ang gawain na ginawa noong panahong iyon ay hindi ang gawain ng tuwirang pagbabago sa disposisyon ng tao, at walang kinalaman sa kasalanan ng tao, at ang tao ay kinailangan lamang na sumunod sa kautusan. Kaya si Jehova ay hindi nagkatawang-tao at hindi nagpakita sa tao; sa halip Siya ay nagsalita nang tuwiran kay Moises at sa iba pa, pinagsalita sila at pinagawa sa Kanyang ngalan, at pinagawa sila nang tuwiran sa gitna ng sangkatauhan. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng pakikidigma laban kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsimula. Ang opisyal na pakikipagdigma laban kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang labanan ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ang tumalo kay Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto sa digmaan. Nang magsimula ang Diyos na nagkatawang-tao na tuwirang gawaan ang buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain ng pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain ng pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain ng pakikipagdigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing ginawa ni Jehova noong pasimula ay ang pangunguna lamang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa nakapaloob dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa gawain ng digmaang darating. Kinalaunan, ang ikalawang yugto ng gawain noong Kapanahunan ng Biyaya ay kinapalooban ng pagpapabago sa dating disposisyon ng tao, ibig sabihin ang Diyos Mismo ang pumanday sa buhay ng tao. Ito ay kinailangang personal na gawin ng Diyos: Kinailangan nito na personal na maging katawang-tao ang Diyos. Kung hindi Siya naging katawang-tao, walang sinuman ang makapapalit sa Kanya sa yugtong ito ng gawain, dahil kinatawan nito ang gawain ng tuwirang pakikipagdigma laban kay Satanas. Kung nagawa ng tao ang gawaing ito para sa Diyos, sa presensiya ni Satanas, hindi sana ito sumuko; naging imposible sanang talunin ito. Kinailangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ang pumarito upang talunin ito, sapagkat ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos pa rin, Siya pa rin ang buhay ng tao, at Siya pa rin ang Lumikha; anuman ang mangyari, ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa ay hindi magbabago. Kaya nga, nagkatawang-tao Siya at ginawa Niya ang gawain upang ganap na mapasuko si Satanas. Sa panahon ng yugto ng gawain ng mga huling araw, kung ang tao ang gagawa ng gawaing ito at papapagsalitain nang tuwiran sa mga salita, kung gayon ay hindi niya magagawang salitain ang mga iyon, at kung sasalitain ang propesiya, magiging imposible na malupig ang tao. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, dumarating ang Diyos upang talunin si Satanas at ganap na mapasuko ito. Kapag lubos Niyang tinalo si Satanas, ganap na nilupig ang tao, at ganap na nakamit ang tao, ang yugtong ito ng gawain ay matatapos at makakamit ang tagumpay. Sa pamamahala ng Diyos, hindi makakahalili ang tao sa Diyos. Sa partikular, ang gawain ng pangunguna sa kapanahunan at paglulunsad ng bagong gawain ay higit pang nangangailangan na personal itong gawin ng Diyos Mismo. Ang pagbibigay sa tao ng paghahayag at pagkakaloob sa kanya ng propesiya ay magagawa ng tao, ngunit kung ito ay gawain na kailangang personal na gawin ng Diyos, ang gawain ng digmaan sa pagitan ng Diyos Mismo at ni Satanas, kung gayon ang ganitong gawain ay hindi magagawa ng tao. Noong unang yugto ng gawain, nang wala pang pakikipaglaban kay Satanas, personal na pinangunahan ni Jehova ang mga tao ng Israel gamit ang propesiyang sinalita ng mga propeta. Pagkatapos, ang ikalawang yugto ng gawain ay ang digmaan laban kay Satanas, at personal na nagkatawang-tao ang Diyos Mismo, at pumarito sa katawang-tao upang gawin ang gawaing ito. Anumang kinasasangkutan ng pakikipaglaban kay Satanas ay kinasasangkutan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, nangangahulugan na ang pakikipagdigmang ito ay hindi magagawa ng tao. Kung ang tao ang makikipagdigma, hindi niya makakayang talunin si Satanas. Paano siya magkakaroon ng lakas na makipaglaban dito habang nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan nito? Ang tao ay nasa gitna: Kung ikaw ay hihilig tungo kay Satanas, kung gayon ay pag-aari ka ni Satanas, ngunit kung iyong napapalugod ang Diyos, kung gayon ay nasa panig ka ng Diyos. Kung ang tao ay susubok at hahalili sa Diyos sa gawain ng digmaang ito, makakaya ba niya? Kung ginawa niya, hindi ba matagal na sana siyang namatay? Hindi ba matagal na sana siyang nakapasok sa mundo sa ibaba? Kaya, hindi kayang palitan ng tao ang Diyos sa Kanyang gawain, na ang ibig sabihin ay hindi taglay ng tao ang diwa ng Diyos, at kung ikaw ay makikipagdigma kay Satanas, hindi mo kakayaning talunin ito. Nakakagawa lamang ng ilang gawain ang tao; kaya niyang kunin ang loob ng ilang tao, ngunit hindi siya makakahalili sa Diyos sa gawain ng Diyos Mismo. Paano makikipagdigma ang tao laban kay Satanas? Ikaw ay kukuning bihag ni Satanas bago ka pa man magsimula. Kapag ang Diyos Mismo ang nakikipagdigma kay Satanas at ang tao ay sumusunod at nagpapasakop sa Diyos sa batayang ito, saka lang makakamit ng Diyos ang tao at makakatakas ang tao sa pagkakagapos kay Satanas. Masyadong limitado ang mga bagay na makakamtan ng tao gamit ang kanyang karunungan at mga kakayahan; hindi niya kayang gawing ganap ang tao, hindi kayang pangunahan siya, at lalong hindi kayang talunin si Satanas. Hindi kaya ng talino at karunungan ng tao na hadlangan ang mga pakana ni Satanas, kaya papaano makikipagdigma ang tao rito?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 5
Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto. Hindi kabilang sa tatlong yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi sa halip ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbuo sa buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagkat nang likhain ang mundo, hindi pa nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at sa gayon ay hindi kinailangang isagawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nagsimula lamang pagkatapos gawing tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at sa gayon ay nagsimula lang din ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan pagkatapos gawing tiwali ang sangkatauhan. Sa madaling salita, nagsimula ang pamamahala ng Diyos sa tao sa pagsisimula ng Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, hindi sa Kanyang gawain ng paglikha ng mundo. Matapos magkaroon ng tiwaling disposisyon ang sangkatauhan, saka lamang umiral ang gawain ng pamamahala, at sa gayo’y may tatlong bahagi ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, sa halip na apat na yugto, o apat na kapanahunan. Ito lamang ang wastong paraan ng pagtukoy sa pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan. Kapag natapos ang huling kapanahunan, ganap nang matatapos ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan. Ang pagtatapos ng gawain ng pamamahala ay nangangahulugan na ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan ay ganap nang matatapos, at mula sa panahong iyon ay matatapos na ang yugtong ito para sa sangkatauhan. Kung wala ang gawain ng pagliligtas sa buong sangkatauhan, ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay hindi iiral, ni hindi rin magkakaroon ng tatlong yugto ng gawain. Dahil ito mismo sa kabulukan ng sangkatauhan, at dahil kailangang-kailangan ng sangkatauhan ang kaligtasan, kaya winakasan ni Jehova ang paglikha ng mundo at sinimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Noon lamang nagsimula ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, na nangangahulugan na noon lamang nagsimula ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang “pamamahala sa sangkatauhan” ay hindi nangangahulugan ng paggabay sa pamumuhay ng sangkatauhan, na bagong-likha, sa lupa (ibig sabihin, ang sangkatauhan na hindi pa nagawang tiwali). Sa halip, ito ang pagliligtas sa isang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, ibig sabihin, ito ang pagpapabago sa tiwaling sangkatauhan na ito. Ito ang kahulugan ng “pamamahala sa sangkatauhan.” Hindi kabilang sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ang gawain ng paglikha sa mundo, kaya nga hindi kasama sa gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi sa halip ay kabilang lamang dito ang tatlong yugto ng gawaing hiwalay sa paglikha ng mundo. Para maunawaan ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, kailangang malaman ang kasaysayan ng tatlong yugto ng gawain—ito ang kailangang malaman ng lahat ng maliligtas. Bilang isang nilikha, dapat mong malaman na ang tao ay nilikha ng Diyos, dapat mong malaman ang pinagmulan ng katiwalian ng sangkatauhan, at higit pa rito ay dapat mong malaman ang proseso ng pagliligtas sa tao. Kung ang alam lamang ninyo ay sumunod sa ilang regulasyon para magtangkang maging kalugod-lugod sa Diyos, ngunit wala kayong ideya kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, o kung ano ang pinagmulan ng katiwalian ng sangkatauhan, ito ang kulang sa inyo bilang isang nilikha. Hindi ka dapat makontento sa pag-unawa lamang sa ilang katotohanang maaaring isagawa, samantalang nananatili kang mangmang tungkol sa mas malawak na sakop ng gawaing pamamahala ng Diyos—kung magkagayon, masyado kang dogmatiko. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang totoong kuwento ng pamamahala ng Diyos sa tao, ang pagdating ng ebanghelyo ng buong mundo, ang pinakamalaking misteryo sa gitna ng buong sangkatauhan, at ang mga ito rin ang pundasyon ng malawak na pangangaral ng ebanghelyo. Kung hahangarin mo lang na maunawaan ang ilang simpleng katotohanang may kaugnayan sa buhay mo, at wala kang alam tungkol dito, ang pinakamalaki sa lahat ng misteryo at pangitain, hindi ba’t katulad ng isang produktong may depekto ang buhay mo, walang silbi kundi ang pagmasdan lamang?
Kung pagsasagawa lamang ang pinagtutuunan ng tao, at pumapangalawa lamang sa kanya ang gawain ng Diyos at kung ano ang dapat malaman ng tao, hindi ba’t maingat siya sa maliliit na bagay pero pabaya sa malalaking bagay? Yaong kailangan mong malaman, kailangan mong malaman; yaong kailangan mong isagawa, kailangan mong isagawa. Saka ka lamang magiging isang taong nakakaalam kung paano maghangad ng katotohanan. Ipagpalagay na, kapag dumating ang araw na mangaral ka ng ebanghelyo, ang tanging masasabi mo ay na ang Diyos ay isang dakila at matuwid na Diyos, na Siya ang kataas-taasang Diyos, isang Diyos na hindi kayang pantayan ng sinumang dakilang tao, at na Siya ay isang Diyos na hindi mapapangibabawan ninuman…. Nagagawa mo lang sabihin ang hindi mahahalaga, mabababaw na salitang ito samantalang lubos kang walang kakayahang sumambit ng mga salitang napakahalaga at tumutukoy sa diwa. Wala kang masabi tungkol sa pagkakilala sa Diyos o sa gawain ng Diyos, at, bukod pa riyan, hindi mo maipaliwanag ang katotohanan, o matustusan ang kakulangan ng tao. Ang isang taong tulad nito ay walang kakayahang gampanan nang maayos ang kanyang tungkulin. Ang pagpapatotoo sa Diyos at pangangaral ng ebanghelyo ng kaharian ay hindi simpleng bagay. Kailangan ka munang masangkapan ng katotohanan, at ng mga pangitaing kailangang maunawaan. Kapag malinaw sa iyo ang iba’t ibang pangitain at mga katotohanan ng gawain ng Diyos, at nakikilala mo sa iyong puso ang gawain ng Diyos, at anuman ang gawin ng Diyos—maging ito man ay matuwid na paghatol o pagpipino—taglay mo ang pinakadakilang pangitain bilang iyong pundasyon, at taglay mo ang tamang katotohanang isasagawa, kung gayon, magagawa mong sumunod sa Diyos hanggang sa pinakahuli. Kailangan mong malaman na anuman ang gawaing Kanyang ginagawa, ang layon ng gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, ang sentro ng Kanyang gawain ay hindi nagbabago, at ang Kanyang mga layunin sa tao ay hindi nagbabago. Gaano man kahigpit ang Kanyang mga salita, gaano man kasama ang kapaligiran, ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain ay hindi magbabago, at ang Kanyang layuning iligtas ang tao ay hindi magbabago. Basta’t hindi ito ang pagbubunyag ng kalalabasan o ng hantungan ng tao, at hindi ito ang gawain ng huling yugto, o ang gawain ng pagwawakas sa buong plano ng pamamahala ng Diyos, at basta’t ito ay sa panahong ginagawaan Niya ang tao, ang sentro ng Kanyang gawain ay hindi magbabago. Palaging ito ang pagliligtas sa sangkatauhan. Ito dapat ang pundasyon ng inyong pananampalataya sa Diyos. Ang layon ng tatlong yugto ng gawain ay ang pagliligtas sa buong sangkatauhan—nangangahulugan ito ng ganap na pagliligtas ng tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Bagama’t bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ay may iba’t ibang layunin at kabuluhan, bawat isa ay bahagi ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at bawat isa ay iba’t ibang gawain ng pagliligtas na isinasagawa ayon sa mga kinakailangan ng sangkatauhan. Kapag alam mo na ang layon ng tatlong yugtong ito ng gawain, malalaman mo kung paano arukin ang kabuluhan ng bawat yugto ng gawain, at malalaman mo kung paano magsagawa upang matugunan ang mga layunin ng Diyos. Kung makarating ka sa puntong ito, ito, na siyang pinakadakila sa lahat ng pangitain, ang magiging pundasyon ng iyong pananampalataya sa Diyos. Hindi mo dapat hangarin lamang ang madadaling pagsasagawa o malalalim na katotohanan, kundi dapat mong pag-isahin ang pagsasagawa at ang mga pangitain, kapwa mayroong mga katotohanan tungkol sa pagsasagawa at kaalaman hinggil sa mga pangitain. Saka ka lamang magiging isang taong komprehensibong naghahangad ng katotohanan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 6
Ang tatlong yugto ng gawain ay nasa sentro ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakakaalam sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayahang matanto kung paano ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ni hindi nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos. Nananatili rin silang mangmang tungkol sa maraming paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang mga layunin para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at yaong mga hindi nakaaalam sa tatlong yugto ng gawain ay magiging mangmang sa iba’t ibang mga pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu. Yaong mga kumakapit lamang nang mahigpit sa mga regulasyong natira mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa mga regulasyon, at ang pananampalataya nila sa Diyos ay malabo—ang gayong mga tao ay hindi tatanggap ng biyayang nagliligtas ng Diyos kailanman. Ang tatlong yugto lamang ng gawain ng Diyos ang kayang ganap na magpahayag ng buong disposisyon ng Diyos at ganap na magpahayag ng layunin ng Diyos na iligtas ang buong sangkatauhan, at ng buong proseso ng pagliligtas sa sangkatauhan. Patunay ito na natalo na Niya si Satanas at nakamit ang sangkatauhan; patunay ito ng tagumpay ng Diyos, at ito ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos. Yaong mga nakauunawa sa isang yugto lamang ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay bahagi lamang ang alam tungkol sa disposisyon ng Diyos. Ang mga regulasyon ay malamang na mabuo sa loob ng mga kuru-kuro ng tao batay sa iisang yugtong ito ng gawain, at malamang na lilimitahan ng tao ang Diyos at gagamitin ang iisang bahaging ito ng disposisyon ng Diyos bilang kinatawan ng buong disposisyon ng Diyos. Bukod pa riyan, marami sa mga imahinasyon ng tao ang nakahalo sa loob, sa gayon ay mahigpit na nililimitahan ng tao ang disposisyon, pagiging Diyos, at karunungan ng Diyos, gayundin ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, sa loob ng mga limitadong hangganan, naniniwala na kung minsan nang naging ganito ang Diyos, mananatili Siyang ganito habang panahon at hindi magbabago magpasawalang hanggan. Yaong mga nakaaalam at nakakaarok lamang sa tatlong yugto ng gawain ang magkakaroon ng kompleto at tumpak na pagkakilala sa Diyos. Sa pinakamababa, hindi nila tutukuyin ang Diyos bilang Diyos ng mga Israelita, o ng mga Hudyo, at hindi nila Siya ituturing na isang Diyos na nakapako sa krus magpakailanman alang-alang sa tao. Kung makikilala lamang ng isang tao ang Diyos mula sa isang yugto ng Kanyang gawain, ang kanyang pagkakilala ay napakakaunti, at katumbas lamang ng isang patak sa karagatan. Kung hindi, bakit ipapako nang buhay ang Diyos sa krus ng marami sa matatandang relihiyoso? Hindi ba’t ito ay dahil nililimitahan ng tao ang Diyos sa loob ng mga partikular na hangganan? Hindi ba’t maraming tao ang lumalaban sa Diyos at humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t iba at magkakaibang gawain ng Diyos, at, bukod pa riyan, dahil ginagamit nila ang kaunting kaalaman at doktrina na taglay nila upang sukatin ang gawain ng Banal na Espiritu? Bagama’t ang mga taong ito ay nagkaroon lamang ng mabababaw na karanasan, ang kalikasan nila ay mapagmataas, matigas ang ulo at walang pagpipigil, hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, binabalewala ang disiplinang inilalapat ng Banal na Espiritu at, bukod pa rito, ginagamit ang kanilang hindi mahahalagang lumang doktrina upang "kumpirmahin" ang gawain ng Banal na Espiritu. Sila rin ay mga mapagpanggap, at lubos na kumbinsido sa kanilang sariling kaalaman, naniniwalang malaya silang nakagagala sa buong mundo. Hindi ba’t ang gayong mga tao ay yaong mga itinataboy ng Banal na Espiritu, at yaong mga itinitiwalag ng bagong kapanahunan? Hindi ba’t yaong mga humaharap sa Diyos at hayagang lumalaban sa Kanya ay mga kasuklam-suklam na indibidwal na may mababaw at limitadong kaalaman na ipinagmamalaki ang kanilang sariling "katalinuhan"? Mayroon lamang silang napakakaunting kaalaman sa Bibliya, subalit nais nilang malayang makakilos sa lahat ng "mga sirkulong akademiko" ng mundo; mayroon lamang silang napakakaunting mababaw na doktrina upang ituro sa mga tao, subalit nais nilang baligtarin ang takbo ng gawain ng Banal na Espiritu at tinatangka nilang paikutin ito sa sarili nilang mga proseso ng pag-iisip. Sa kawalan nila ng malayong pagtingin sa hinaharap, nais nilang mamasdan ang karingalan ng 6,000 taon ng gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay walang anumang katwiran na karapat-dapat banggitin! Sa katunayan, habang mas maraming pagkakilala ang mga tao tungkol sa Diyos, mas hindi nila basta-bastang hinuhusgahan ang Kanyang gawain—nagsasalita lamang sila nang kaunti tungkol sa kanilang kaalaman sa kasalukuyang gawain ng Diyos, ngunit hindi nila ito basta-bastang binibigyang-hatol. Habang mas kakaunti ang pagkakilala ng mga tao tungkol sa Diyos, mas nagiging hambog sila, mas nagiging masyadong mataas ang pagtingin nila sa kanilang sarili, at mas walang pakundangan nilang ipinoproklama kung ano ang Diyos, subalit ang ipinoproklama nila ay doktrina lamang at walang batayan sa katunayan. Ang mga ito ang mga taong pinakawalang halaga. Yaong mga nagtuturing sa gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay mga taong walang kaseryosohan! Sa pagtagpo sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi nila ito hinaharap nang may pag-iingat, kundi sa halip ay nagsasalita sila nang walang pakundangan at mabilis humusga, binibigyang-laya ang sarili nilang kalooban upang itanggi ang pagiging tama ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto o nilalapastangan pa nga ito—hindi ba’t ang mga walang-galang na indibidwal na ito ay mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu, at, bukod pa riyan, mga taong may matinding pagmamataas na likas na hambog at walang pagpipigil? Kahit na dumating ang araw na tanggapin ng gayong mga tao ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin nila matatamo ang pagpapatawad ng Diyos. Hindi lamang nila minamaliit yaong mga gumagawa para sa Diyos, kundi nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang gayong mga desperado ay hindi patatawarin, maging sa buhay na ito o sa mundong darating, at sila ay mamamatay magpakailanman sa impiyerno! Ang gayong mga taong walang-galang at nagpapasasa sa sarili ay nagdadala lamang ng tatak ng mga mananampalataya, at habang mas ganito ang mga tao, mas malamang na lumabag sila sa mga atas administratibo ng Diyos. Hindi ba’t ang lahat ng mapagmataas na indibidwal na iyon na likas na walang pigil, at hindi kailanman sumunod kaninuman, ay lumalakad sa landas na ito? Hindi ba’t, araw-araw, sa ganitong paraan ay nilalabanan nila ang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 7
Ang tatlong yugto ng gawain ay isang talang batay sa katunayan ng buong gawain ng Diyos; ang mga ito ay isang talang batay sa katunayan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at hindi kathang-isip ang mga ito. Kung nais talaga ninyong maghangad ng pagkakilala tungkol sa buong disposisyon ng Diyos, kailangan ninyong malaman ang tatlong yugto ng gawaing isinakatuparan ng Diyos, at bukod pa riyan, hindi ninyo dapat laktawan ang anumang yugto. Ito ang pinakamababang kailangang makamit ng mga naghahangad ng pagkakilala sa Diyos. Ang tao mismo ay hindi kayang mag-imbento ng tunay na pagkakilala sa Diyos. Hindi ito isang bagay na kayang isipin ng tao mismo, at lalong hindi ito ang resulta ng espesyal na biyayang ipinagkaloob ng Banal na Espiritu sa iisang tao. Sa halip, ito ay isang pagkakilalang dumarating matapos maranasan ng tao ang gawain ng Diyos, at ito ay isang pagkakilala sa Diyos na dumarating lamang matapos maranasan ang mga katunayan ng gawain ng Diyos. Ang gayong pagkakilala ay hindi makakamtan nang basta-basta, at ni hindi ito isang bagay na maaaring ituro. Lubos itong may kaugnayan sa personal na karanasan. Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ang sentro ng tatlong yugtong ito ng gawain, subalit kasama sa loob ng gawain ng pagliligtas ay ang ilang pamamaraan ng paggawa at ilang kaparaanan kung saan naipapahayag ang disposisyon ng Diyos. Ito ang pinakamahirap na tukuyin para sa tao. Mahirap itong arukin para sa tao. Ang pagkakahati-hati ng mga kapanahunan, mga pagbabago sa gawain ng Diyos, mga pagbabago sa lokasyon ng gawain, mga pagbabago sa mga tatanggap ng gawaing ito, at iba pa—lahat ng ito ay kasama sa tatlong yugto ng gawain. Sa partikular, ang pagkakaiba sa paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu, gayundin ang mga pagbabago sa disposisyon, wangis, pangalan, pagkakakilanlan ng Diyos, o ang iba pang mga pagbabago, ay pawang bahagi ng tatlong yugto ng gawain. Ang isang yugto ng gawain ay maaari lamang kumatawan sa isang bahagi, at limitado sa loob ng isang partikular na saklaw. Hindi kasama rito ang pagkakahati-hati ng mga kapanahunan, o mga pagbabago sa gawain ng Diyos, lalo nang hindi kasama ang iba pang mga aspekto. Maliwanag na isa itong malinaw na katunayan. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang kabuuan ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Kailangang makilala ng tao ang gawain ng Diyos at ang disposisyon ng Diyos sa gawain ng pagliligtas; kung wala ang katunayang ito, ang iyong pagkakilala sa Diyos ay binubuo lamang ng mga salitang walang batayan, walang iba kundi hungkag na salita na walang praktikal na karanasan. Ang gayong kaalaman ay hindi makakakumbinsi ni makakalupig sa tao; taliwas ito sa realidad, at hindi ito ang katotohanan. Maaaring napakarami nito at kaaya-ayang pakinggan, ngunit kung taliwas ito sa likas na disposisyon ng Diyos, hindi ka palalampasin ng Diyos. Hindi lamang Niya hindi sasang-ayunan ang iyong kaalaman, kundi gagantihan ka rin Niya dahil sa iyong kasalanan ng paglapastangan. Ang mga salita ng pagkakilala sa Diyos ay hindi binibigkas nang basta-basta. Bagama’t maaaring mahusay kang magsalita at may gayuma ang dila mo, at bagama’t napakatuso ng iyong mga salita kaya nakakaya mong mangumbinsi na ang itim ay puti at ang puti ay itim, lampas pa rin sa kaalaman mo ang pagsasalita tungkol sa pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos ay hindi isang taong maaari mong basta-bastang husgahan, purihin, o maliitin. Kaya mong purihin ang kahit sino at ang lahat, subalit nahihirapan kang hanapin ang tamang mga salita upang ilarawan ang kataas-taasang biyaya ng Diyos—ito ang natatanto ng bawat talunan. Kahit maraming dalubhasa sa wika na naglalarawan sa Diyos, ang katumpakan ng kanilang paglalarawan ay ikasandaang bahagi lamang ng katotohanang sinasabi ng mga taong hinirang ng Diyos, mga taong kahit limitado lamang ang bokabularyo, ay maraming karanasang mapaghuhugutan. Sa gayon ay makikita na ang pagkakilala sa Diyos ay nakasalalay sa katumpakan at praktikalidad, at hindi sa mautak na paggamit ng mga salita o mayamang bokabularyo, at na ang pagkatuto ng tao at ang pagkakilala sa Diyos ay ganap na walang kaugnayan. Ang aral sa pagkakilala sa Diyos ay mas mataas kaysa alinman sa mga agham pangkalikasan ng sangkatauhan. Ito ay isang aral na matagumpay lamang na matututunan ng lubhang kakaunting bilang ng mga taong naghahangad ng pagkakilala sa Diyos, at hindi ng kung sino lamang na may talento. Kaya, hindi ninyo dapat ituring ang pagkakilala sa Diyos at paghahangad ng katotohanan na para bang mga bagay ang mga ito na maaaring makamtan ng isang bata lamang. Marahil ay ganap kang naging matagumpay sa iyong buhay-pamilya, o sa iyong propesyon, o sa iyong pag-aasawa, ngunit pagdating sa katotohanan at sa aral tungkol sa pagkakilala sa Diyos, wala kang maipakita at wala kang natamo. Masasabi na ang pagsasagawa ng katotohanan ay napakahirap para sa inyo, at ang pagkakilala sa Diyos ay mas malaki pang problema. Ito ang mahirap para sa inyo, at ito rin ang hirap na kinakaharap ng buong sangkatauhan. Sa mga nagkaroon na ng ilang pagtatagumpay sa adhikaing kilalanin ang Diyos, halos walang isa mang pasok sa pamantayan. Hindi alam ng tao ang kahulugan ng pagkakilala sa Diyos, kung bakit kailangang makilala ang Diyos, o kung anong antas ang kailangang marating ng isang tao bago niya makilala ang Diyos. Ito ang lubhang nagpapalito sa sangkatauhan, at ito talaga ang pinakamalaking palaisipang kinakaharap ng sangkatauhan—walang may kakayahang sagutin ang tanong na ito, ni walang sinumang handang sumagot sa tanong na ito, dahil, hanggang ngayon, walang isa man sa sangkatauhan ang nagtagumpay na sa pag-aaral sa gawaing ito. Marahil, kapag naipaalam na sa sangkatauhan ang palaisipan ng tatlong yugto ng gawain, sunod-sunod na lilitaw ang isang grupo ng mga taong may talento na nakakakilala sa Diyos. Siyempre pa, sana ay gayon nga, at, bukod pa riyan, nasa proseso Ako ng pagsasakatuparan ng gawaing ito. Inaasam Kong makita ang paglitaw ng mas maraming gayong tao na may talento sa nalalapit na hinaharap, at umaasa Ako na maging mga saksi sila sa katunayan ng tatlong yugtong ito ng gawain—na siyempre pa ay nangangahulugan na sila ang unang magpapatotoo sa tatlong yugtong ito ng gawain. Ngunit wala nang iba pang mas nakakalungkot at nakakahinayang kaysa kung hindi lumitaw ang gayong mga taong may talento sa araw ng pagtatapos ng gawain ng Diyos, o kung mayroon lamang isa o dalawang ganoong tao, at sila ang mga personal na tumanggap na magawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao. Gayumpaman, ito lamang ang pinakamalalang senaryo. Anuman ang mangyari, inaasam Ko pa rin na matatamo ng mga tunay na naghahangad ang pagpapalang ito. Simula noong unang panahon, hindi pa nagkaroon ng gawaing tulad nito kailanman; ang gayong malaking gawain ay hindi pa nangyari sa kasaysayan ng pag-unlad ng tao kailanman. Kung talagang maaari kang maging isa sa mga unang nakakakilala sa Diyos, hindi ba’t ito ang pinakamataas na karangalan sa lahat ng nilikha? May iba pa bang nilikha sa sangkatauhan na mas sasang-ayunan ng Diyos? Ang gayong gawain ay hindi madaling matamo, ngunit sa huli ay magbubunga pa rin ito. Anuman ang kanilang kasarian o bansang pinagmulan, lahat ng may kakayahang magkamit ng pagkakilala sa Diyos ay magtataglay, sa huli, ng pinakamataas na karangalan ng Diyos, at sila lamang ang magtataglay ng awtoridad ng Diyos. Ito ang gawain ng kasalukuyan, at ito rin ang gawain ng hinaharap; ito ang huli at pinakamataas na gawaing isasakatuparan sa 6,000 taon ng gawain, at ito ay isang paraan ng paggawa na nagbubunyag sa bawat kategorya ng tao. Sa pamamagitan ng gawain ng pagdudulot na makilala ng tao ang Diyos, ibinubunyag ang mga ranggo ng lahat ng uri ng tao: Yaong mga nakakakilala sa Diyos ay kalipikadong tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos at magmana ng Kanyang mga pangako, samantalang yaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay hindi kalipikadong tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos at magmana ng Kanyang mga pangako. Yaong mga nakakakilala sa Diyos ay mga kaniig ng Diyos, at yaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay hindi matatawag na mga kaniig ng Diyos; ang mga kaniig ng Diyos ay maaaring tumanggap ng anuman sa mga pagpapala ng Diyos, ngunit yaong mga hindi Niya kaniig ay walang kakayahan sa anumang gawain. Mga kapighatian, pagpipino, o paghatol man ito, lahat ng bagay na ito ay para tulutan ang tao na makilala ang Diyos sa huli, at magpasakop sa Kanya. Ito ang tanging epektong makakamtan sa huli. Ang ganap na pagbibigay-alam tungkol sa tatlong yugto ng gawain ay nakakabuti sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at tinutulungan nito ang tao na magtamo ng mas ganap at lubos na pagkakilala sa Diyos. Lahat ng gawaing ito ay kapaki-pakinabang sa tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 8
Ang gawain ng Diyos Mismo ay ang pangitaing kailangang malaman ng tao, sapagkat ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring maisakatuparan ng tao, at hindi taglay ng tao. Ang tatlong yugto ng gawain ay ang kabuuan ng pamamahala ng Diyos, at wala nang mas dakilang pangitain na dapat malaman ng tao. Kung hindi alam ng tao ang pinakadakilang pangitaing ito, hindi madaling makilala ang Diyos, hindi madaling maunawaan ang mga layunin ng Diyos, at, bukod pa riyan, ang landas na tinatahak ng tao ay lalong magiging mahirap. Kung walang mga pangitain, hindi sana makakaabot ang tao nang ganito kalayo. Ang mga pangitain ang nagpanatili sa tao hanggang ngayon, at ang naging pinakamalaking proteksyon ng tao. Sa hinaharap, kailangang lumalim ang inyong pagkakilala. Kailangan ninyong makilala ang kabuuan ng Kanyang mga layunin at ang diwa ng Kanyang matalinong gawain sa loob ng tatlong yugto ng gawain. Ito lamang ang inyong tunay na tayog. Ang huling yugto ng gawain ay hindi umiiral nang nakahiwalay, kundi bahagi ng kabuuan na binuo kasama ng naunang dalawang yugto, na ibig sabihin ay imposibleng makompleto ang buong gawain ng pagliligtas sa pamamagitan lang ng paggawa ng isa sa tatlong yugto ng gawain. Kahit kayang lubos na iligtas ang tao ng huling yugto ng gawain, hindi ibig sabihin nito na kailangan lamang isagawa ang iisang yugtong ito, at na hindi kinakailangan ang naunang dalawang yugto ng gawain para iligtas ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas. Walang kahit isa, nang ito lang, sa tatlong yugto ang maaaring ituring bilang tanging pangitaing kailangang malaman ng buong sangkatauhan, sapagkat ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ay ang tatlong yugto ng gawain, hindi ang iisang yugto sa mga ito. Basta’t hindi pa naisasakatuparan ang gawain ng pagliligtas, hindi ganap na matatapos ang pamamahala ng Diyos. Ang pagiging Diyos ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang Kanyang karunungan ay ipinapahayag sa kabuuan ng gawain ng pagliligtas; hindi ipinapaalam ang mga ito sa tao sa pinakasimula, kundi unti-unting ipinahayag sa gawain ng pagliligtas. Bawat yugto ng gawain ng pagliligtas ay nagpapahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng Kanyang pagiging Diyos; walang isang yugto ng gawain ang maaaring tuwiran at ganap na magpahayag ng kabuuan ng pagiging Diyos ng Diyos. Dahil dito, yamang maaari lamang matapos nang lubusan ang gawain ng pagliligtas kapag natapos na ang tatlong yugto ng gawain, ang pagkakilala ng tao tungkol sa kabuuan ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang natatamo ng tao mula sa isang yugto ng gawain ay ang disposisyon lamang ng Diyos na ipinapahayag sa iisang bahagi ng Kanyang gawain. Hindi ito maaaring kumatawan sa disposisyon at pagiging Diyos na ipinapahayag sa mga yugto bago o pagkatapos nito. Iyon ay dahil ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi natatapos kaagad sa isang panahon, o sa isang lugar, kundi unti-unting mas lumalalim ayon sa kalagayan ng pag-unlad ng tao sa magkakaibang panahon at lugar. Ito ay gawaing isinasagawa nang yugto-yugto, at hindi natatapos sa iisang yugto. Kaya, napapamalas ang kristalisasyon ng buong karunungan ng Diyos sa tatlong yugto, sa halip na sa isang indibidwal na yugto. Ang Kanyang buong pagiging Diyos at buong karunungan ay inilalaan sa loob ng tatlong yugtong ito—ang bawat yugto ay naglalaman ng Kanyang pagiging Diyos, at bawat yugto ay isang tala ng karunungan ng Kanyang gawain. Dapat makilala ng tao ang buong disposisyon ng Diyos na ipinapahayag sa tatlong yugtong ito. Ang pagiging Diyos na ito ng Diyos ay napakahalaga sa buong sangkatauhan, at kung ang mga tao ay walang ganitong pagkakilala kapag sumasamba sila sa Diyos, wala silang ipinagkaiba sa mga sumasamba kay Buddha. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat makilala ng lahat ng sumasamba sa Diyos. Yamang naisagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang pagpapahayag ng mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos sa panahon ng tatlong yugtong ito ng gawain. Ito ang kailangang gawin ng tao. Ang itinatago ng Diyos sa tao ay yaong hindi kayang maabot ng tao, at yaong hindi dapat malaman ng tao, samantalang yaong ipinapakita ng Diyos sa tao ay yaong dapat malaman ng tao, at yaong dapat taglayin ng tao. Bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ay isinasagawa batay sa pundasyon ng naunang yugto; hindi ito isinasagawa nang nagsasarili, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Bagama’t may malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at sa gawaing isinasagawa, nasa kaibuturan pa rin nito ang pagliligtas sa sangkatauhan, at bawat yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa sa nauna.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 9
Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat makilala ng lahat ng sumasamba sa Diyos. Yamang naisagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang pagpapahayag ng mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos sa panahon ng tatlong yugtong ito ng gawain. Ito ang kailangang gawin ng tao. Ang itinatago ng Diyos sa tao ay yaong hindi kayang maabot ng tao, at yaong hindi dapat malaman ng tao, samantalang yaong ipinapakita ng Diyos sa tao ay yaong dapat malaman ng tao, at yaong dapat taglayin ng tao. Bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ay isinasagawa batay sa pundasyon ng naunang yugto; hindi ito isinasagawa nang nagsasarili, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Bagama’t may malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at sa gawaing isinasagawa, nasa kaibuturan pa rin nito ang pagliligtas sa sangkatauhan, at bawat yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa sa nauna. Bawat yugto ng gawain ay nagpapatuloy mula sa pundasyon ng nauna, nang hindi kailanman isinasantabi ang naunang yugto. Sa ganitong paraan, sa Kanyang gawain na laging bago at hindi kailanman luma, patuloy na ipinapahayag ng Diyos ang mga aspekto ng Kanyang disposisyon na hindi pa naipahayag sa tao kailanman, at palaging ipinapaalam sa tao ang Kanyang bagong gawain at Kanyang bagong pagiging Diyos. Kahit ginagawa ng matatandang relihiyoso ang lahat para labanan ito, at hayagan itong kinokontra, gumagawa pa rin ang Diyos ng bagong gawain na nararapat Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay laging nagbabago, at dahil dito, lagi itong humaharap sa pagtutol ng tao. Kaya lagi ring nagbabago ang Kanyang disposisyon, gayundin ang kapanahunan at mga tumatanggap ng Kanyang gawain. Bukod pa riyan, lagi Siyang gumagawa ng gawaing hindi pa kailanman nagawa dati, nagsasagawa pa nga ng gawain na sa tingin ng tao ay salungat sa gawaing ginawa dati, na laban dito. Tinatanggap lamang ng tao ang isang uri ng gawain, o isang uri ng pagsasagawa, at mahirap para sa tao na tumanggap ng gawain o mga pagsasagawa na taliwas, o mas mataas, kaysa sa mga ito. Ngunit ang Banal na Espiritu ay laging gumagawa ng bagong gawain, kaya nga may lumilitaw na sunod-sunod na grupo ng mga eksperto sa relihiyon na lumalaban sa bagong gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay naging mga “eksperto” dahil mismo wala silang kaalaman kung paanong ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma, at walang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at, higit pa riyan, walang kaalaman sa maraming paraan kung paano inililigtas ng Diyos ang tao. Dahil dito, ganap na hindi masabi ng tao kung ito ay gawaing nagmumula sa Banal na Espiritu, at kung ito ay gawain ng Diyos Mismo. Maraming tao ang nakakapit sa isang saloobin na, kung ang isang bagay ay umaayon sa mga salitang nauna, tinatanggap nila ito, at kung ang isang bagay ay naiiba mula sa gawain noong araw, kinokontra at tinatanggihan nila ito. Ngayon, hindi ba’t lahat kayo ay sumusunod sa gayong mga prinsipyo? Ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas ay hindi nagkaroon ng malaking epekto sa inyo, at may mga naniniwala na ang naunang dalawang yugto ng gawain ay isang pasanin na talagang hindi nila kailangang malaman. Iniisip nila na ang mga yugtong ito ay hindi dapat ipahayag sa masa at dapat bawiin sa lalong madaling panahon, upang hindi malito ang mga tao sa naunang dalawang yugto ng tatlong yugto ng gawain. Naniniwala ang karamihan na hindi na kailangan pang ipaalam ang naunang dalawang yugto ng gawain, at hindi ito nakakatulong sa pagkakilala sa Diyos—iyan ang iniisip ninyo. Ngayon, naniniwala kayong lahat na tamang kumilos sa ganitong paraan, ngunit darating ang araw na matatanto ninyo ang kahalagahan ng Aking gawain. Dapat ninyong malaman na wala Akong ginagawang anumang gawain na walang kabuluhan. Dahil ipinapahayag Ko ang tatlong yugto ng gawain sa inyo, tiyak na kapaki-pakinabang ang mga ito sa inyo; dahil ang tatlong yugtong ito ng gawain ay nasa sentro ng buong pamamahala ng Diyos, tiyak na tutuon sa mga ito ang lahat sa loob ng sansinukob. Balang araw, matatanto ninyong lahat ang kahalagahan ng gawaing ito. Dapat ninyong malaman na nilalabanan ninyo ang gawain ng Diyos, o ginagamit ninyo ang inyong sariling mga kuru-kuro upang sukatin ang gawain ngayon, dahil hindi ninyo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at dahil sa inyong padalos-dalos na pagtrato sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang inyong paglaban sa Diyos at paghadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ay sanhi ng inyong mga kuru-kuro at likas na kayabangan. Hindi ito dahil mali ang gawain ng Diyos, kundi dahil masyado kayong likas na mapaghimagsik. Matapos masumpungan ang kanilang pananampalataya sa Diyos, hindi man lamang masabi ng ilang tao nang may katiyakan kung saan nanggaling ang tao, subalit nangangahas silang magtalumpati sa publiko, hinuhusgahan ang mga tama at mali sa gawain ng Banal na Espiritu. Sinesermunan pa nila ang mga apostol na mayroong bagong gawain ng Banal na Espiritu, nagkokomento at gumagawa ng mga walang galang na pahayag; napakababa ng kanilang pagkatao, at wala ni katiting na katwiran sa kanila. Hindi ba’t darating ang araw na itataboy ng gawain ng Banal na Espiritu ang gayong mga tao, at susunugin ng mga apoy ng impiyerno? Hindi nila alam ang gawain ng Diyos, kundi sa halip ay hinuhusgahan nila ang Kanyang gawain, at sinusubukan din nilang turuan ang Diyos kung paano gumawa. Paanong makikilala ng gayong mga taong walang katwiran ang Diyos? Nakikilala ng tao ang Diyos habang nasa proseso ng paghahanap at pagdanas; ang pagkakilala sa Diyos ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa panahon ng paghusga ng tao nang pabasta-basta. Kapag mas tumpak ang pagkakilala ng mga tao tungkol sa Diyos, mas nababawasan ang paglaban nila sa Kanya. Sa kabaligtaran, kapag mas kakaunti ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos, mas malamang na labanan nila Siya. Ang iyong mga kuru-kuro, ang dati mong kalikasan, at ang iyong pagkatao, karakter, at moral na pananaw ang puhunan ng paglaban mo sa Diyos, at kapag mas tiwali ang iyong moralidad, lalong ubod ng sama ang iyong karakter, at kapag mas mababa ang iyong pagkatao, mas kaaway ka ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng matitinding kuru-kuro at may disposisyong nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba ay mas lalo pang kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao; ang gayong mga tao ay mga anticristo. Kung hindi naitatama ang iyong mga kuru-kuro, palaging magiging laban sa Diyos ang mga ito; hindi ka magiging kaayon ng Diyos kailanman, at lagi kang mahihiwalay sa Kanya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 10
Ang tatlong yugto ng gawain ay ginagawa ng iisang Diyos; ito ang pinakadakilang pangitain, at ito ang tanging daan upang makilala ang Diyos. Ang tatlong yugto ng gawain ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo. Walang taong makagagawa ng gayong gawain para sa Kanya. Ibig sabihin, ang Diyos lamang Mismo ang maaaring nakagawa ng Kanyang sariling gawain mula sa simula hanggang sa kasalukuyan. Bagama’t ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay naisakatuparan sa magkakaibang kapanahunan at lugar, at bagama’t ang gawain ng bawat isa ay magkaiba, lahat ng iyon ay ginawa ng iisang Diyos. Sa lahat ng pangitaing dapat malaman ng tao, ito ang pinakadakila sa lahat, at kung ganap itong mauunawaan ng tao, magagawa niyang manindigan. Ngayon, ang pinakamalaking problemang kinakaharap ng iba’t ibang relihiyon at denominasyon ay na hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi nila makita ang pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng hindi gawain ng Banal na Espiritu—dahil dito, hindi nila masabi kung ang yugto ng gawaing ito, tulad ng naunang dalawang yugto ng gawain, ay ginawa rin ng Diyos na Jehova. Bagama’t sumusunod ang mga tao sa Diyos, hindi pa rin masabi ng karamihan kung ito ang tamang daan. Nag-aalala ang tao kung ang daang ito ang daan na personal na pinangunahan ng Diyos Mismo, at kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katunayan, at karamihan sa mga tao ay wala pa ring ideya kung paano makikilatis ang gayong mga bagay. Yaong mga sumusunod sa Diyos ay hindi sigurado sa daang ito, kaya nga ang mga sermong ipinapahayag ay isang bahagi lamang ang epekto sa mga taong ito, at hindi kayang maging lubos na epektibo, at kaya nakakaapekto ito sa buhay pagpasok ng gayong mga tao. Kung makikita ng tao sa tatlong yugto ng gawain na isinasagawa ng Diyos Mismo ang mga iyon sa magkakaibang panahon, sa magkakaibang lugar, at sa magkakaibang tao; kung makikita ng tao na bagama’t iba ang gawain, lahat ng iyon ay ginagawa ng iisang Diyos, at na dahil ito ay gawaing ginawa ng iisang Diyos, tiyak na ito ay tama at walang mali, at na bagama’t taliwas ito sa mga kuru-kuro ng tao, hindi maikakaila na gawain ito ng iisang Diyos—kung tiyak na masasabi ng tao na gawain ito ng iisang Diyos, ang mga kuru-kuro ng tao ay magiging maliliit na bagay lamang, na hindi karapat-dapat na banggitin. Hindi malinaw sa tao ang tungkol sa mga pangitain, kilala lamang niya si Jehova bilang Diyos at si Jesus bilang ang Panginoon, at nagdadalawang-isip siya tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao ng kasalukuyan. Dahil dito, maraming tao ang nakakapit pa rin sa gawain nina Jehova at Jesus, at puno sila ng mga kuru-kuro tungkol sa gawain ng kasalukuyan, at karamihan ng tao ay palaging hindi nakatitiyak, at hindi sineseryoso ang gawain ng kasalukuyan. Walang mga kuru-kuro ang tao sa naunang dalawang yugto ng gawain, na hindi nakikita. Iyon ay dahil hindi nauunawaan ng tao ang realidad ng naunang dalawang yugto ng gawain, at hindi niya nasaksihan nang personal ang mga iyon. Ito ay dahil ang mga yugtong ito ng gawain ay hindi maaaring makita kaya iniisip ng tao ang gusto niyang isipin; anuman ang maisip niya, walang mga katunayang magpapatunay sa gayong mga imahinasyon, at walang sinumang magtatama sa mga ito. Binibigyang-laya ng tao ang kanyang lagay ng loob, nang hindi nag-iingat at hindi pinipigilan ang kanyang imahinasyon. Walang mga katunayang magbeberipika sa kanyang mga imahinasyon, kaya ang mga imahinasyon ng tao ay nagiging “katunayan,” may batayan man ang mga ito o wala. Sa gayon ay nananampalataya ang tao sa sarili niyang diyos na nabuo sa kanyang isipan, at hindi niya hinahangad ang Diyos ng realidad. Kung ang isang tao ay may isang uri ng pananampalataya, sa isandaang tao ay may isandaang uri ng pananampalataya. Ang tao ay nagtataglay ng gayong mga pananampalataya dahil hindi pa niya nakita ang praktikal na gawain ng Diyos, dahil narinig lamang ito ng kanyang mga tainga at hindi nakita ng kanyang mga mata. Nakarinig na ang tao ng mga alamat at kuwento—ngunit bihira siyang makarinig ng kaalaman tungkol sa mga katunayan ng gawain ng Diyos. Sa gayon ang mga taong isang taon pa lamang na mga mananampalataya ay nananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kuru-kuro, at totoo rin ito para sa mga nananampalataya sa Diyos sa loob ng buong buhay nila. Yaong mga hindi nakakakita sa mga katunayan ay hindi makakatakas kailanman mula sa isang pananalig kung saan mayroon silang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Naniniwala ang tao na napalaya na niya ang kanyang sarili mula sa pagkabihag ng kanyang mga lumang kuru-kuro, at nakapasok na siya sa bagong teritoryo. Hindi ba alam ng tao na ang kaalaman ng mga hindi makakita sa tunay na mukha ng Diyos ay walang-iba kundi mga kuru-kuro at sabi-sabi? Iniisip ng tao na ang kanyang mga kuru-kuro ay tama at walang mali, at iniisip niya na ang mga kuru-kurong ito ay mula sa Diyos. Ngayon, kapag nasasaksihan ng tao ang gawain ng Diyos, pinapakawalan niya ang mga kuru-kuro na nabuo sa loob ng maraming taong nagdaan. Ang mga imahinasyon at ideya ng nakaraan ay naging hadlang sa gawain ng yugtong ito, at naging mahirap para sa tao na bitiwan ang gayong mga kuru-kuro at pabulaanan ang gayong mga ideya. Ang mga kuru-kuro ng marami na sumunod sa Diyos hanggang kasalukuyan sa bawat hakbang ng gawaing ito ay naging lalong mas malubha, at ang mga taong ito ay unti-unting nakabuo ng matigas na pagkamuhi para sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang pinagmulan ng pagkamuhing ito ay ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Hindi pinahihintulutan ng mga katunayan na bigyang-laya ng tao ang kanyang imahinasyon, lalong hindi nagpaparaya ang mga ito sa anumang basta-bastang pagpapabulaan, at hindi matitiis ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang pag-iral ng mga katunayan; bukod pa riyan, hindi pinag-iisipan ng tao ang pagiging tama at totoo ng mga katunayan, at patuloy lamang na pinakakawalan ang kanyang mga kuru-kuro at bumubuo ng kanyang sariling mga imahinasyon. Dahil mismo rito kaya ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ay naging kaaway ng gawain ngayon, gawain na taliwas sa mga kuru-kuro ng tao. Masasabi lamang na pagkakamali ito ng mga kuru-kuro ng tao, at hindi masasabing pagkakamali ng gawain ng Diyos. Maaaring ilarawan ng tao sa imahinasyon niya ang anumang nais niya, ngunit hindi niya maaaring malayang pabulaanan ang anumang yugto ng gawain ng Diyos o anumang bahagi nito; ang katunayan ng gawain ng Diyos ay hindi kumukunsinti sa anumang pagkakasala mula sa tao. Maaari mong bigyang-laya ang iyong imahinasyon, at tipunin pa nga ang magagandang kuwento tungkol sa gawain nina Jehova at Jesus, ngunit hindi mo maaaring pabulaanan ang katunayan ng bawat yugto ng gawain nina Jehova at Jesus; ito ay isang prinsipyo, at isa rin itong atas administratibo, at dapat ninyong maunawaan ang kahalagahan ng mga isyung ito. Naniniwala ang tao na ang yugtong ito ng gawain ay hindi kaayon ng mga kuru-kuro ng tao, at na hindi ganito ang naunang dalawang yugto ng gawain. Sa kanyang imahinasyon, naniniwala ang tao na ang gawain ng naunang dalawang yugto ay siguradong hindi katulad ng gawain ng ngayon—ngunit naisip mo na ba na lahat ng prinsipyo ng gawain ng Diyos ay pare-pareho, na ang Kanyang gawain ay laging praktikal, at na, anuman ang kapanahunan, laging dadagsa ang mga taong lumalaban at kumokontra sa katunayan ng Kanyang gawain? Lahat ng lumalaban at kumokontra ngayon sa yugtong ito ng gawain ay walang dudang lumaban na rin sa Diyos noong araw, sapagkat ang gayong mga tao ay laging magiging mga kaaway ng Diyos. Ituturing ng mga taong nakakaalam sa katunayan ng gawain ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain bilang gawain ng iisang Diyos, at bibitiwan nila ang kanilang mga kuru-kuro. Ang mga ito ay ang mga taong nakakikilala sa Diyos, at ang gayong mga tao ay yaong mga tunay na sumusunod sa Diyos. Kapag malapit nang magwakas ang buong pamamahala ng Diyos, ibubukod-bukod ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa uri ng mga ito. Ang tao ay ginawa ng mga kamay ng Lumikha, at sa huli ay kailangan Niyang ganap na ibalik ang tao sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan; ito ang katapusan ng tatlong yugto ng gawain. Ang yugto ng gawain sa mga huling araw, at ang naunang dalawang yugto sa Israel at Judea, ay plano ng pamamahala ng Diyos sa buong sansinukob. Walang sinumang makapagkakaila nito, at ito ang katunayan ng gawain ng Diyos. Bagama’t hindi pa naranasan o nasaksihan ng mga tao ang marami sa gawaing ito, ang mga katunayan ay mga katunayan pa rin, at hindi ito maikakaila ng sinumang tao. Tatanggapin ng lahat ng taong nananampalataya sa Diyos sa bawat lugar sa loob ng sansinukob ang tatlong yugto ng gawain. Kung isang partikular na yugto lamang ng gawain ang alam mo, at hindi mo nauunawaan ang dalawa pang yugto ng gawain, hindi mo nauunawaan ang gawain ng Diyos noong nakalipas na mga panahon, hindi mo masasabi ang buong katotohanan ng buong plano ng pamamahala ng Diyos, at isang panig lamang ang iyong pagkakilala sa Diyos, sapagkat sa iyong pananampalataya sa Diyos, hindi mo Siya kilala o nauunawaan, at kaya hindi ka kalipikado na maging tagapagpatotoo ng Diyos. Malalim man o mababaw ang iyong kasalukuyang kaalaman tungkol sa mga bagay na ito, sa huli, kailangan ninyong lahat na magkaroon ng kaalaman, at kailangang lubos kayong makumbinsi, at ang lahat ng tao ay makakikita sa kabuuan ng gawain ng Diyos at magpapasakop sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos. Sa pagtatapos ng gawaing ito, lahat ng relihiyon ay magiging isa, lahat ng nilikha ay babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, lahat ng nilikha ay sasamba sa nag-iisang tunay na Diyos, at lahat ng masamang relihiyon ay mauuwi sa wala, hindi na muling lilitaw kailanman.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 11
Bakit patuloy ang pagtukoy na ito sa tatlong yugto ng gawain? Ang paglipas ng mga kapanahunan, pag-unlad ng lipunan, at pagpapalit ng anyo ng kalikasan ay pawang sumusunod sa mga pagbabago sa tatlong yugto ng gawain. Nagbabago ang sangkatauhan sa paglipas ng panahon kasabay ng gawain ng Diyos, at hindi umuunlad mag-isa. Binabanggit ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos upang dalhin ang lahat ng nilikha, at lahat ng tao ng bawat relihiyon at denominasyon, sa ilalim ng kapamahalaan ng iisang Diyos. Saanmang relihiyon ka nabibilang, sa huli ay magpapasailalim kayong lahat sa kapamahalaan ng Diyos. Ang Diyos Mismo lamang ang maaaring magsagawa ng gawaing ito; hindi ito magagawa ng sinumang pinuno ng relihiyon. May ilang pangunahing relihiyon sa mundo, at bawat isa ay may sariling pinuno, o lider, at ang mga tagasunod ay nagkalat sa iba’t ibang bansa at rehiyon sa buong mundo; halos bawat bansa, malaki man o maliit, ay may iba’t ibang relihiyon sa loob nito. Gayumpaman, gaano man karami ang mga relihiyon sa buong mundo, lahat ng tao sa loob ng sansinukob ay umiiral sa huli sa ilalim ng gabay ng iisang Diyos, hindi sa ilalim ng gabay ng mga pinuno o lider ng mga relihiyon. Ibig sabihin, ang sangkatauhan ay hindi ginagabayan ng isang partikular na pinuno o lider ng relihiyon; sa halip, ang buong sangkatauhan ay pinamumunuan ng Lumikha, na lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay, at lumikha rin sa sangkatauhan—ito ay isang katunayan. Bagama’t ang mundo ay may ilang pangunahing relihiyon, gaano man kalaki ang mga ito, lahat ng ito ay umiiral sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, at walang isa man sa mga ito ang makalalampas sa saklaw ng kapamahalaang ito. Ang pag-unlad ng sangkatauhan, pagpapalit ng lipunan, pag-abante ng mga agham pangkalikasan—bawat isa ay hindi maihihiwalay mula sa mga pagsasaayos ng Lumikha, at ang gawaing ito ay hindi isang bagay na magagawa ng sinumang pinuno ng relihiyon. Ang isang pinuno ng relihiyon ay pinuno lamang ng isang partikular na relihiyon, at hindi maaaring kumatawan sa Diyos, ni hindi niya maaaring katawanin ang Siyang lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay. Ang isang pinuno ng relihiyon ay maaaring mamuno sa lahat ng nasa loob ng buong relihiyon, ngunit hindi niya mauutusan ang lahat ng nilikha sa silong ng kalangitan—kinikilala ng lahat ang katunayang ito. Ang isang pinuno ng relihiyon ay isang lider lamang, at hindi maaaring maging kapantay ng Diyos (ang Lumikha). Lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Lumikha, at sa katapusan ay babalik ang lahat ng ito sa mga kamay ng Lumikha. Ang sangkatauhan ay ginawa ng Diyos, at ang bawat relihiyon ay mapapasailalim sa kapamahalaan ng Diyos—hindi ito maiiwasan. Ang Diyos lamang ang Kataas-taasan sa lahat ng bagay, at ang pinakamataas na pinuno sa lahat ng nilikha ay kailangan ding magpasailalim sa Kanyang kapamahalaan. Gaano man kataas ang katayuan ng isang tao, hindi niya madadala ang sangkatauhan sa isang angkop na hantungan, at walang sinumang may kayang magbukod-bukod sa lahat ng bagay ayon sa uri ng mga ito. Si Jehova Mismo ang lumikha sa sangkatauhan at nagbukod-bukod sa bawat tao ayon sa uri nila, at pagdating ng mga huling araw ay gagawin pa rin Niya Mismo ang Kanyang sariling gawain, ibinubukod-bukod ang lahat ng bagay ayon sa uri ng mga ito—walang tao ang maaaring pumalit sa lugar ng Diyos sa gawaing ito. Ang tatlong yugto ng gawaing isinasagawa mula sa simula hanggang ngayon ay pawang isinasagawa ng Diyos Mismo, at isinasagawa ng iisang Diyos. Ang katunayan ng tatlong yugto ng gawain ay ang katunayan ng pamumuno ng Diyos sa buong sangkatauhan, isang katunayang hindi maikakaila ng sinuman. Sa katapusan ng tatlong yugto ng gawain, lahat ng bagay ay ibubukod-bukod ayon sa uri ng mga ito at babalik sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, sapagkat sa taas ng sansinukob at sa kabuuan nito ay may iisang Diyos lang na umiiral, at wala nang iba pang mga relihiyon. Siya na walang kakayahang lumikha ng mundo ay walang kakayahang wakasan ito, samantalang Siya na lumikha ng mundo ay siguradong kayang wakasan ito. Samakatwid, kung ang isa ay walang kakayahang wakasan ang kapanahunan at nagagawa lamang na tulungan ang tao na linangin ang kanyang sarili at pinuhin ang kanyang karakter, siguradong hindi siya ang Diyos, siguradong hindi siya ang Panginoon ng sangkatauhan, at wala siyang kakayahang gawin ang gayon kadakilang gawain. Iisa lamang ang kayang magsagawa ng gayong gawain, at lahat ng hindi makakagawa ng gawaing ito ay siguradong iba’t ibang masasamang espiritu at hindi ang Diyos, at lahat ng masamang espiritu ay mga kaaway ng Diyos. Hangga’t ang isang bagay ay gawain ng masasamang espiritu na nanlilihis sa mga tao, isa itong masamang relihiyon, at ang masasamang relihiyon ay hindi kaayon ng Diyos, at ang hindi kaayon ng Diyos ay kaaway ng Diyos. Lahat ng gawain ay ginagawa ng iisang tunay na Diyos na ito, at ang buong sansinukob ay pinamumunuan ng iisang Diyos na ito. Gawain man Niya ito sa Israel o sa Tsina, sa Espiritu man o sa katawang-tao isinasagawa ang gawain, lahat ay ginagawa ng Diyos Mismo, at hindi magagawa ng sinupamang iba. Ito ay dahil Siya mismo ang Diyos ng buong sangkatauhan kaya malaya Siyang gumagawa, hindi nalilimitahan ng anumang mga kondisyon. Ito ang pinakadakila sa lahat ng pangitain. Bilang isang nilikha, kung nais mong tuparin nang maayos ang tungkulin ng isang nilikha at maunawaan ang mga layunin ng Diyos, kailangan mong maunawaan ang gawain ng Diyos, kailangan mong maunawaan ang mga layunin ng Diyos para sa mga nilikha, kailangan mong maunawaan ang Kanyang plano ng pamamahala, at kailangan mong maunawaan ang buong kabuluhan ng gawaing Kanyang ginagawa. Yaong mga hindi nakakaunawa rito ay mga hindi pasok sa pamantayan bilang mga nilikha! Bilang isang nilikha, kung hindi mo nauunawaan kung saan ka nanggaling, hindi mo nauunawaan ang kasaysayan ng sangkatauhan at lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at, higit pa riyan, hindi mo nauunawaan kung paano umunlad ang sangkatauhan hanggang sa ngayon, at hindi mo alam kung sino ang namumuno sa buong sangkatauhan, ang paggampan mo ng iyong tungkulin ay imposible. Pinamumunuan na ng Diyos ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyan, at simula nang likhain Niya ang tao sa lupa, hindi na Niya nilisan ang tao. Hindi tumitigil kailanman ang Banal na Espiritu sa paggawa, hindi tumitigil kailanman sa paggabay sa sangkatauhan, at hindi iniwan kailanman ang sangkatauhan. Ngunit hindi natatanto ng sangkatauhan na may Diyos, lalong hindi niya kilala ang Diyos. Mayroon pa bang ibang mas nakakahiya kaysa rito para sa lahat ng nilikha? Personal na ginagabayan ng Diyos ang tao, ngunit hindi nauunawaan ng tao ang gawain ng Diyos. Ikaw ay isang nilikha, subalit hindi mo alam ang iyong sariling kasaysayan, hindi alam kung sino ang gumabay sa iyo sa iyong paglalakbay, at hindi mo alam ang mga gawaing ginawa ng Diyos, kaya hindi mo makilala ang Diyos. Kung hindi mo pa rin alam ang mga bagay na ito, hindi ka magiging kalipikado kailanman na maging tagapagpatotoo ng Diyos. Ngayon, muling personal na ginagabayan ng Lumikha ang lahat ng tao, at idinudulot na mamasdan ng lahat ng tao ang Kanyang karunungan, pagkamakapangyarihan-sa-lahat, pagliligtas, at pagiging kamangha-mangha. Subalit hindi mo pa rin natatanto o nauunawaan—kung gayon, hindi ba’t ikaw ang hindi tatanggap ng biyayang nagliligtas? Yaong mga kay Satanas ay hindi nakauunawa sa mga salita ng Diyos, samantalang yaong mga hinirang ng Diyos ay nakaririnig sa tinig ng Diyos. Lahat ng nakakaalam at nakakaunawa sa mga salitang Aking sinasambit ang siyang maliligtas at makapagpapatotoo sa Diyos; lahat ng hindi nakakaunawa sa mga salitang Aking sinasambit ay hindi makapagpapatotoo sa Diyos, at sila yaong ititiwalag. Yaong mga hindi nakauunawa sa mga layunin ng Diyos at hindi nakatatanto sa gawain ng Diyos ay walang kakayahang magkamit ng pagkakilala sa Diyos, at ang gayong mga tao ay hindi kayang magpatotoo sa Diyos. Kung nais mong maging tagapagpatotoo sa Diyos, kailangan mong makilala ang Diyos; ang pagkakilala sa Diyos ay natutupad sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Sa huli, kung nais mong makilala ang Diyos, kailangan mong makilala ang gawain ng Diyos: Ang pagkakilala sa gawain ng Diyos ang pinakamahalaga. Kapag nagwakas na ang tatlong yugto ng gawain, bubuo ng isang grupo ng mga nagpapatotoo sa Diyos, isang grupo ng mga nakakikilala sa Diyos. Makikilala ng lahat ng taong ito ang Diyos. Maisasagawa nila ang katotohanan, at magtataglay sila ng pagkatao at katwiran. Malalaman nilang lahat ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawaing matutupad sa huli, at ang mga taong ito ang kristalisasyon ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas. Yaong mga makapagpapatotoo sa Diyos ay makatatanggap ng pangako at pagpapala ng Diyos, at magiging ang grupong mananatiling buhay sa pinakahuli, ang grupong nagtataglay ng awtoridad ng Diyos at nagpapatotoo sa Diyos. Marahil, ang lahat ng nasa gitna ninyo ay maaaring maging miyembro ng grupong ito, o marahil ay kalahati lamang, o ilan lamang—depende iyon sa determinasyon ninyo at paghahangad ninyo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa pagkakilala sa Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 12
Ang anim na libong taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang nag-iisang yugto ang kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan kundi kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehova ay hindi maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos. Ang katunayan na nagsagawa Siya ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaari lamang maging ang Diyos sa ilalim ng kautusan. Nagtakda si Jehova ng mga kautusan para sa tao at nagbaba ng mga utos sa kanya, nag-aatas sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay isang Diyos lamang na nag-aatas sa tao na sumunod sa kautusan, na Siya ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Ang sabihin ito ay hindi katotohanan. Ang gawaing ginawa sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatwid, kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan lang ang ginawa ng Diyos, lilimitahan ng tao ang Diyos, sasabihing, “Ang Diyos ay ang Diyos sa templo, at, upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo.” Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naisagawa kahit kailan at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain din at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagawa, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang nagawa, ang malalaman lamang ng tao ay na tinutubos lang ng Diyos ang tao at na pinapatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang ng tao na banal ang Diyos at walang-sala, at na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala nang magiging kaunawaan ang tao sa iba pa. Kaya ang bawat kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Kinakatawan ng Kapanahunan ng Kautusan ang ilang aspekto ng disposisyon ng Diyos, gayundin ang Kapanahunan ng Biyaya at ang kasalukuyang yugtong ito—maibubunyag lamang ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos kapag pinagsama-sama ang lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag nalalaman na ng tao ang buong tatlong yugto saka ito ganap na mauunawaan ng tao. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring hindi isama. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang katunayang natapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya ay Diyos lamang sa ilalim ng kautusan, at ang katunayang natapos Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nangangahulugan na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng ito ay mga limitasyong itinakda ng tao. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi mo masasabi sa gayon na ang Diyos ay ang Diyos lamang ng krus at na ang krus ang natatanging kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ang ganoon, nililimitahan mo ang Diyos. Sa kasalukuyang yugto, ang Diyos ay pangunahing gumagawa ng gawain ng salita, ngunit hindi mo maaaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at na ang tanging dinala Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naghahayag sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao, kaya nabubunyag ang mga hantungan at ang mga kinalabasan ng sangkatauhan at natatapos ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat mahayag upang pahintulutan ang tao na makilatis ang mga ito at magkaroon ng pagkaunawa sa lahat ng ito sa kanyang puso. Saka lamang maaaring mabukod-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri. Pagkatapos lamang na maging ganap ang anim na libong taong plano ng pamamahala saka maiintindihan ng tao ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon darating sa pagtatapos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 13
Ang lahat ng gawain na ginawa sa buong anim na libong taong plano ng pamamahala ay ngayon lamang nagtatapos. Malalaman lamang ng sangkatauhan ang lahat ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos matapos maibunyag ang lahat ng gawaing ito sa tao at maisakatuparan sa gitna ng tao. Kapag ang gawain ng yugtong ito ay ganap nang natapos, ang lahat ng hiwaga na hindi naunawaan ng tao ay mabubunyag, ang lahat ng katotohanan na dati ay hindi naintindihan ng tao ay magiging malinaw, at ang sangkatauhan ay masasabihan tungkol sa kanilang hinaharap na landas at hantungan. Ito ang kabuuan ng gawaing gagawin sa kasalukuyang yugto. Bagama’t ang landas na nilalakaran ng tao sa kasalukuyan ay ang landas din ng krus at ang landas ng pagdurusa, ang isinasagawa, kinakain, iniinom, at tinatamasa ng tao ngayon ay may malaking pagkakaiba sa tao sa ilalim ng kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang hinihingi sa tao ngayong araw ay hindi tulad niyaong sa nakalipas at lalong hindi tulad ng hiningi sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan. At ano ang hiningi sa tao sa ilalim ng kautusan noong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Israel? Walang ibang hiniling sa kanila kundi ang sumunod sa Sabbath at sa mga kautusan ni Jehova. Walang sinuman ang dapat magtrabaho sa Sabbath o lumabag sa mga kautusan ni Jehova. Ngunit hindi na ganito sa ngayon. Sa araw ng Sabbath, ang tao ay gumagawa, nagtitipon at nananalangin gaya ng dati, at walang mga paglilimita ang ipinapataw sa kanya. Yaong mga nasa Kapanahunan ng Biyaya ay dapat mabautismuhan, at hiningi rin sa kanila na mag-ayuno, magpira-piraso ng tinapay, uminom ng alak, takpan ang kanilang mga ulo, at hugasan ang mga paa ng iba para sa kanila. Ngayon, ang mga regulasyong ito ay nabuwag na, ngunit mas malalaki ang hinihingi sa tao, dahil ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalalim at ang pagpasok ng tao ay patuloy na tumataas. Noong nakalipas, ipinatong ni Jesus ang Kanyang mga kamay sa tao at nanalangin, ngunit ngayon na ang lahat ng bagay ay nasabi na, ano ang silbi ng pagpapatong ng mga kamay? Ang mga salita lamang ay maaaring makapagkamit ng mga resulta. Noong nakaraan, kapag Siya’y nagpatong ng Kanyang mga kamay sa tao, ito’y para pagpalain at pagalingin ang tao mula sa kanyang mga karamdaman. Ganito gumawa ang Banal na Espiritu noong panahong iyon, ngunit hindi na ganito sa ngayon. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagamit ng mga salita upang gumawa at magtamo ng mga bunga. Nilinaw na Niya ang Kanyang mga salita sa inyo, at dapat lamang ninyong isagawa ang mga ito gaya ng sinabi sa inyo. Ang Kanyang mga salita ay ang Kanyang mga layunin; ang mga ito ang gawain na Kanyang nais gawin. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, mauunawaan mo ang Kanyang mga layunin at kung ano ang hinihingi Niyang abutin mo, at maisasagawa mo ang Kanyang mga salita nang direkta nang hindi na kailangan ng pagpapatong ng mga kamay. Maaaring sabihin ng ilan, “Ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa akin! Ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa akin upang matanggap ko ang Iyong pagpapala at upang makibahagi sa Iyo.” Isa itong lumang pagsasagawa mula sa nakaraan, na ngayon ay hindi na ginagawa, dahil nagbago na ang kapanahunan. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa alinsunod sa kapanahunan, hindi nang sapalaran o sa pamamagitan ng paglalapat ng mga regulasyon. Nagbago na ang kapanahunan, at ang isang bagong kapanahunan ay tiyak na may dalang bagong gawain. Totoo ito sa bawat yugto ng gawain, at kaya ang Kanyang gawain ay hindi kailanman nauulit. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ni Jesus ang maraming gayong gawain, tulad ng pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapatong ng Kanyang mga kamay sa tao upang ipanalangin ang tao, at pagpapala sa tao. Gayunman, ang gawin uli ang gayon ay walang saysay sa kasalukuyan. Ang Banal na Espiritu ay gumawa sa ganoong paraan noong panahong iyon, dahil iyon ang Kapanahunan ng Biyaya, at may sapat na biyaya para tamasahin ng tao. Walang anumang uri ng kabayaran ang hiningi sa kanya, at hangga’t nananampalataya siya, tatanggap siya ng biyaya. Lahat ay tinrato nang may lubhang kagandahang-loob. Ngayon, ang kapanahunan ay nagbago na, at ang gawain ng Diyos ay nakasulong na nang higit pa; ito ay sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol na ang paghihimagsik ng tao at ang maruruming bagay sa loob ng tao ay mawawaksi. Dahil iyon ang yugto ng pagtubos, kinailangang gumawa ang Diyos sa gayong paraan, na nagpapakita ng sapat na biyaya para matamasa ng tao, para matubos ang tao mula sa kasalanan. Sa pamamagitan ng biyaya Niya, pinatawad Niya ang tao sa kanyang mga kasalanan. Ang kasalukuyang yugto ay upang ilantad ang di-matuwid na mga bagay sa loob ng tao sa pamamagitan ng pagkastigo, paghatol, paghampas gamit ang mga salita, pati na rin ng pagdisiplina at paglalantad gamit ang mga salita, upang pagkatapos ay mailigtas ang sangkatauhan. Ito ay gawaing mas malalim kaysa pagtubos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang tao ay nagtamasa ng sapat na biyaya; ngayong nakaranas na ng biyayang ito ang tao, hindi na ito matatamasa ng tao. Ang gayong gawain ay lipas na ngayon at hindi na gagawin. Ngayon, ang tao ay ililigtas sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Pagkatapos hatulan, kastiguhin, at pinuhin ang tao, ang kanyang disposisyon, sa gayon, ay nababago. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay dahil sa mga salitang Aking sinambit? Ang bawat yugto ng gawain ay ginagawa ayon sa pag-unlad ng buong sangkatauhan at kasabay ng kapanahunan. Lahat ng gawain ay may kabuluhan, at lahat ng ito ay ginagawa para sa pangwakas na pagliligtas, para ang sangkatauhan ay magkaroon ng isang magandang hantungan sa hinaharap, at para ang mga tao ay mabukod-bukod ayon sa kanilang uri sa huli.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 14
Ang bawat yugto ng gawain ng Banal na Espiritu ay nangangailangan din ng patotoo ng tao. Ang bawat yugto ng gawain ay isang paglalaban sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, at ang puntirya ng labanan ay si Satanas, habang ang isa na gagawing perpekto ng gawaing ito ay ang tao. Kung mamumunga man ang gawain ng Diyos o hindi ay nakasalalay sa kung ano ang patotoo ng tao sa Diyos. Ang patotoong ito ay ang tanging hinihingi ng Diyos sa mga tagasunod Niya; ito ang patotoo na ginawa sa harapan ni Satanas, at patunay rin ng mga naibubunga ng gawain Niya. Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na hinihingi ay itinatakda sa tao. Higit pa rito, habang lumilipas at umuusad ang mga kapanahunan, ang mga hinihingi ng Diyos sa buong sangkatauhan ay nagiging lalong mas mataas. Kaya, unti-unting naaabot ng gawain ng pamamahala ng Diyos ang rurok nito, hanggang sa makita ng tao ang katunayan ng “pagpapakita ng Salita sa katawang-tao,” at sa paraang ito ang mga hinihingi sa tao ay mas tumataas pa, gayundin ang patotoong hinihingi sa tao na ibigay. Habang mas nakakaya ng tao na tunay na makipagtulungan sa Diyos, mas nakakapagkamit ng kaluwalhatian ang Diyos. Ang pakikipagtulungan ng tao ay ang patotoo na hinihingi sa kanya na ibigay, at ang patotoong ibinibigay niya ay ang pagsasagawa ng tao. Samakatwid, magkakaroon man ng nararapat na bunga ang gawain ng Diyos o hindi, at kung magkakaroon man ng tunay na patotoo o hindi, ay sukdulang kaugnay ng pakikipagtulungan at patotoo ng tao. Kapag natapos ang gawain, na ang ibig sabihin, kapag narating na ang katapusan ng buong pamamahala ng Diyos, hihingin sa tao na magbigay ng mas mataas na patotoo, at kapag ang gawain ng Diyos ay nakakarating na sa katapusan nito, ang pagsasagawa at pagpasok ng tao ay makakarating sa rurok ng mga ito. Sa nakalipas, hiningi sa tao na sumunod sa batas at mga kautusan, at hiningi na siya ay maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, hinihingi sa tao na magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos at magtaglay ng napakadakilang pagmamahal sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay hinihingi sa kanya na mahalin pa rin ang Diyos sa gitna ng kapighatian. Ang tatlong yugto ay mga hinihingi ng Diyos sa tao, nang hakbang-hakbang, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas malalim kaysa sa nauna, at sa bawat yugto, mas mataas ang mga hinihingi sa tao kaysa sa nauna, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Talagang dahil sa ang mga hinihingi sa tao ay lalo pang mas mataas kung kaya ang disposisyon ng tao ay mas lalong lumalapit sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos, at saka pa lamang unti-unting makaaalis ang buong sangkatauhan sa impluwensiya ni Satanas hanggang sa, kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay mailigtas na mula sa impluwensiya ni Satanas. Kapag dumating ang oras na iyon, ang gawain ng Diyos ay makakarating sa katapusan nito, at ang pakikipagtulungan ng tao sa Diyos nang sa gayon ay magkamit ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay wala na rin, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa liwanag ng Diyos, at mula roon, mawawala na ang paghihimagsik o paglaban sa Diyos. Wala na ring mga hihingin ang Diyos sa tao, at magkakaroon ng mas maayos na pakikipagtulungan sa pagitan ng tao at ng Diyos, isang buhay kung saan magkasama ang tao at ang Diyos, ang buhay pagkaraang ganap nang matapos ang pamamahala ng Diyos, at matapos na lubos na nailigtas na ng Diyos ang tao mula sa mga kamay ni Satanas. Iyong mga hindi makakasunod nang mahigpit sa mga yapak ng Diyos ay walang kakayahang marating ang buhay na iyon. Masasadlak na sila sa kadiliman, kung saan sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin; sila ay mga taong naniniwala sa Diyos ngunit hindi sumusunod sa Kanya, na naniniwala sa Diyos ngunit hindi nagpapasakop sa lahat ng Kanyang gawain.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 15
Sa buong gawain ng pamamahala, ang pinakamahalagang gawain ay ang mailigtas ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas. Ang susing gawain ay ang ganap na lupigin ang mga tiwaling tao para manumbalik ang orihinal na may-takot-sa-Diyos na puso ng mga nalupig at makapagkamit sila ng normal na buhay ng tao, na ang ibig sabihin ay ang normal na buhay ng isang nilikha. Kritikal ang gawaing ito, at ito ang sentro ng gawain ng pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay malayo sa sentro ng gawain ng pamamahala; may bahagyang anyo lamang ito ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Tuwirang ginawa ng Espiritu ang unang yugto ng gawain dahil, sa ilalim ng kautusan, pagsunod sa kautusan ang tanging alam ng tao, at hindi nagkaroon ng higit na maraming katotohanan ang tao, at sapagkat halos hindi nauugnay ang mga pagbabago ng disposisyon ng tao sa gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, lalong hindi ito tungkol sa gawain kung paano maliligtas ang tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Kung kaya nakompleto ng Espiritu ng Diyos itong sukdulang payak na yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. May maliit na kaugnayan lamang ang yugtong ito ng gawain sa sentro ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas sa tao, at sa gayon ay hindi kinailangan ng Diyos na maging tao upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Nakatago at di-maarok ang gawain na ginagawa ng Espiritu, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; hindi naaangkop ang Espiritu sa tuwirang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi naaangkop sa tuwirang pagtutustos ng buhay sa tao. Ang pinakaangkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraang malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinakaangkop para sa tao ay maging isang ordinaryo, normal na tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain. Nangangailangan ito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang Espiritu sa Kanyang gawain, at para sa tao, wala nang higit na angkop na paraan upang gumawa ang Diyos. Sa tatlong yugtong ito ng gawain, dalawang yugto ang isinasagawa sa katawang-tao, at ang dalawang yugtong ito ang mga susing bahagi ng gawain ng pamamahala. Pinupunan ng dalawang pagkakatawang-tao ang isa’t isa at ganap na kinokompleto ang isa’t isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at masasabi na ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumubuo ng isang kabuuan, at hindi nagsasalungatan sa isa’t isa. Isinasagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang katawang-tao ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos dahil napakahalaga ng mga ito sa buong gawain ng pamamahala. Halos masasabi na kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mahihinto ang buong gawain ng pamamahala, at magiging walang anuman kundi walang saysay na salita ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Nakabatay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan kung mahalaga o hindi ang gawain na ito, at sa realidad ng kabulukan ng sangkatauhan, at sa kalubhaan ng pagiging mapaghimagsik ni Satanas at ng panggugulo nito sa gawain. Ang siyang tama na may kakayahan sa gampanin ay nakasalalay sa kalikasan ng gawaing ginagampanan ng gumagawa, at sa kahalagahan ng gawain. Pagdating sa kahalagahan ng gawaing ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—gawaing tuwirang ginawa ng Espiritu ng Diyos, o gawaing ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing ginampanan sa pamamagitan ng tao—ang unang tinatanggal ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at sa kalikasan ng gawain ng Espiritu kumpara sa kalikasan ng gawain ng katawang-tao, napagpasyahan sa huli na higit na kapaki-pakinabang para sa tao ang gawaing ginawa ng katawang-tao kaysa sa gawain na tuwirang ginawa ng Espiritu, at nag-aalok ito ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos noong oras na nagpasya Siya kung ang gawain ay gagawin ng Espiritu o ng katawang-tao. May kabuluhan at batayan sa bawat yugto ng gawain. Wala sa mga yugtong ito ng gawain ang nakabatay sa mga imahinasyon na walang batayan, ni isinasagawa nang walang pakundangan; may tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang tunay na kuwento sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos. Sa partikular, ang gayong kadakilang gawain ay naglalaman ng mas maraming plano ng Diyos kung saan personal na gumagawa sa gitna ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao. Samakatwid, ang karunungan ng Diyos at ang kabuuan ng Kanyang pagiging Diyos ay nasasalamin sa bawat kilos, pag-iisip, at ideya sa Kanyang gawain; ito ang higit na kongkreto at sistematikong pagiging Diyos ng Diyos. Mahirap para sa tao na ilarawan sa isip ang mga banayad na saloobin at ideyang ito, at mahirap para sa tao na paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ang gawaing ginagawa ng tao ay ginagampanan ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Ngunit kung ihahambing sa gawain ng Diyos, sadyang napakalaki ang pagkakaiba. Bagama’t dakila ang mga gawa ng Diyos at nasa isang kagila-gilalas na saklaw ang gawain ng Diyos, maraming napakadetalyado at eksaktong mga plano at mga pagsasaayos sa likod ng mga ito na hindi mailarawan ng isip ng tao. Hindi lamang ginagawa ayon sa prinsipyo ang bawat yugto ng Kanyang gawain, ngunit naglalaman din ng maraming bagay na hindi makakayang masabi nang maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ang mga ito ay ang mga bagay na hindi nakikita ng tao. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, naglalaman ang bawat isa ng mga plano ng Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa nang walang batayan, at hindi Siya gumagawa ng walang saysay na gawain. Kapag tuwirang gumagawa ang Espiritu, gumagawa Siya ng may mga layon Niya, at kapag Siya ay nagiging tao (na ang ibig sabihin, kapag nagbabagong-anyo ang Kanyang panlabas na anyo) upang gumawa, ito ay higit pa na naglalaman ng Kanyang layunin. Bakit pa Niya basta na lamang babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Paanong basta na lamang Siya magiging isang taong hinahamak at inuusig ng mga tao?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 16
Naisulong na ng gawain ngayon ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; ibig sabihin, nakasulong na ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, sumulong at lumalim ang gawain ng Diyos. Bakit Ko ba sinasabi nang paulit-ulit na ang yugtong ito ng gawain ay batay sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kautusan? Sa ibang pananalita, ang gawain ng panahong ito ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya, at isang pag-unlad doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay, na bawat kawing sa kadena ay nakarugtong na mabuti sa kasunod. Bakit Ko ba sinasabi rin na ang yugtong ito ng gawain ay batay sa ginawa ni Jesus? Ipagpalagay nang ang yugtong ito ay hindi batay sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganing maganap ang isa pang pagpapapako sa krus sa yugtong ito, at ang gawain ng pagtubos ng naunang yugto ay kakailanganing uliting muli. Magiging walang saysay ito. Kaya nga hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong na ang kapanahunan at ang gawain ay naiangat na nang mas mataas kaysa dati. Masasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nakabatay sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at nakasalig sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ng Diyos ay itinatatag nang yugto-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong simula. Ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain lamang ang maaaring ituring na anim na libong taong plano ng pamamahala. Ang gawain ng yugtong ito ay ginagawa sa pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Kung hindi magkaugnay ang dalawang yugtong ito ng gawain, bakit hindi inulit ang pagkakapako sa krus sa yugtong ito? Bakit hindi Ko pasan ang mga kasalanan ng tao, kundi sa halip ay pumarito Ako upang hatulan at kastiguhin nang tuwiran ang tao? Kung ang Aking gawaing hatulan at kastiguhin ang tao ay hindi sumunod sa pagkakapako sa krus—kasama na ng katunayan na ang Aking pagparito ngayon ay hindi ipinaglihi ng Banal na Espiritu—hindi sana Ako naging kalipikado na hatulan at kastiguhin ang tao. Dahil ito mismo sa kaisa Ako ni Jesus kaya Ako pumarito upang tuwirang kastiguhin at hatulan ang tao. Ang gawain sa yugtong ito ay lubos na batay sa gawain sa naunang yugto. Iyan ang dahilan kaya ganitong klaseng gawain lamang ang maaaring maghatid sa tao, sa paisa-isang hakbang, tungo sa kaligtasan. Kami ni Jesus ay nagmumula sa iisang Espiritu. Bagama’t wala Kaming kaugnayan sa Aming katawang-tao, iisa ang Aming Espiritu; bagama’t ang nilalaman ng Aming ginagawa at ang gawaing Aming inaako ay hindi magkapareho, ang Aming diwa ay iisa; ang Aming katawang-tao ay magkaiba ang anyo, ngunit dahil ito sa pagbabago sa kapanahunan at sa magkakaibang mga kinakailangan ng Aming gawain; hindi magkapareho ang Aming ministeryo, kaya magkaiba rin ang gawaing hatid Namin at ang disposisyong ibinubunyag Namin sa tao. Kaya nga ang nakikita at nauunawaan ng tao sa araw na ito ay hindi katulad noong araw, na dahil sa pagbabago sa kapanahunan. Kahit na magkaiba Sila sa kasarian at sa anyo ng Kanilang katawang-tao, at hindi Sila isinilang sa iisang pamilya, at lalo nang hindi sa iisang panahon, magkagayunman ay iisa ang Kanilang Espiritu. Kahit na ang Kanilang mga katawang-tao ay hindi magkapareho ang dugo ni ang anumang uri ng pisikal na pagiging magkamag-anak, hindi maikakaila na Sila ay mga nagkatawang-taong laman ng Diyos sa dalawang magkaibang panahon. Hindi mapabubulaanan ang katunayan na Sila ang mga nagkatawang-taong laman ng Diyos. Subalit, hindi Sila magkadugo at magkaiba ang Kanilang wika. (Ang isa ay lalaki na nagsasalita ng wika ng mga Hudyo at ang isa naman ay babae na nagsasalita lamang ng Tsino.) Ito ang mga dahilan kaya Sila namuhay sa magkaibang bansa upang gawin ang gawaing kinakailangang gawin ng bawat isa, at sa magkaibang panahon din. Sa kabila ng katunayan na Sila ay may iisang Espiritu—na ibig sabihin, may magkaparehong diwa—walang ganap na mga pagkakatulad sa pagitan ng mga panlabas na anyo ng Kanilang katawang-tao. Magkatulad lamang Sila sa pagkatao, ngunit pagdating sa panlabas na hitsura ng Kanilang mga katawang-tao at ng sitwasyon ng Kanilang kapanganakan, hindi Sila magkatulad. Walang epekto ang mga bagay na ito sa kanya-kanyang gawain Nila o sa pagkakilala ng tao tungkol sa Kanila, sapagkat, sa huli, may iisa Silang Espiritu at walang makapaghihiwalay sa Kanila. Bagama’t hindi Sila magkadugo, ang Kanilang buong katauhan ay nasa pamamahala ng Kanilang Espiritu, na nagbibigay-kakayahan sa Kanila na magpasan ng magkaibang gawain sa magkaibang panahon, at ang Kanilang mga katawang-tao ay sa magkaibang mga angkan. Halimbawa, ang Espiritu ni Jehova ay hindi ang ama ng Espiritu ni Jesus, at ang Espiritu ni Jesus ay hindi ang anak ng Espiritu ni Jehova: Sila ay iisang Espiritu. Gayundin, ang Diyos na nagkatawang-tao ng ngayon at si Jesus ay hindi magkadugo, pero iisa Sila—ito ay dahil iisa ang Kanilang Espiritu. Magagawa ng Diyos ang gawain ng awa at mapagmahal na kabaitan, gayundin ang matuwid na paghatol at pagkastigo sa tao, at ang gawain ng pagsumpa sa tao; at sa huli, magagawa Niya ang gawain ng pagwasak sa mundo at pagpaparusa sa masama. Hindi ba ginagawa Niya Mismo ang lahat ng ito? Hindi ba’t ito ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos? Nagawa Niyang parehong magpahayag ng mga batas para sa tao at bigyan siya ng mga kautusan, at nagawa rin Niyang akayin ang mga sinaunang Israelita sa kanilang pamumuhay sa lupa, at gabayan sila sa pagtatayo ng templo at mga altar, habang hawak ang lahat ng Israelita sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Dahil sa Kanyang awtoridad, sa loob ng dalawang libong taon na nabuhay Siya sa lupa sa piling ng mga tao sa Israel, hindi nangahas ang mga Israelita na maghimagsik laban sa Kanya, at silang lahat ay natakot kay Jehova at sumunod sa Kanyang mga utos. Gayon ang gawaing ginawa dahil sa Kanyang awtoridad at Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Pagkatapos, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong sangkatauhang bumagsak (hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal na kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal na kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagkat naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Nagawa Niyang patawarin ang mga tao sa kanilang mga kasalanan hanggang sa ganap na tubusin ng pagpapako sa Kanya sa krus ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa panahong ito, nagpakita ang Diyos sa tao na may awa at mapagmahal na kabaitan; ibig sabihin, naging isa Siyang handog para sa kasalanan para sa tao at ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng tao, upang sila ay mapatawad magpakailanman. Siya ay maawain, mahabagin, matiisin, at mapagmahal. At hinangad din ng lahat ng sumunod kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya na maging matiisin at mapagmahal sa lahat ng bagay. Mahaba ang kanilang pagtitiis, at hindi sila lumaban kailanman kahit sila ay binugbog, isinumpa, o binato. Ngunit sa huling yugto hindi na maaaring maging katulad niyon. Halimbawa, ang gawain nina Jesus at Jehova ay hindi lubos na magkapareho kahit Sila ay iisang Espiritu. Ang gawain ni Jehova ay hindi upang wakasan ang kapanahunan, kundi upang gabayan ang kapanahunan, na sinisimulan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa, at ang gawain ng ngayon ay upang lupigin yaong mga nasa bayan ng Hentil na lubhang nagawang tiwali, at upang akayin hindi lamang ang mga taong hinirang ng Diyos sa Tsina, kundi ang buong sansinukob at buong sangkatauhan. Maaaring sa tingin mo ay sa Tsina lamang ginagawa ang gawaing ito, ngunit sa katunayan ay nagsimula na itong lumaganap sa ibang bansa. Bakit hinahanap ng mga tao sa labas ng Tsina ang tunay na daan, nang paulit-ulit? Dahil nagsimula nang gumawa ang Espiritu, at ang mga salitang sinasambit ngayon ay nakatuon sa mga tao sa buong sansinukob. Dahil dito, kalahati ng gawain ay ginagawa na. Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, napakilos na ng Espiritu ng Diyos ang dakilang gawaing ito, at bukod dito ay nagawa na ang iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan at sa iba’t ibang bansa. Nakikita ng mga tao ng bawat kapanahunan ang iba Niyang disposisyon, na likas na nabubunyag sa pamamagitan ng ibang gawaing Kanyang ginagawa. Isa Siyang Diyos na puno ng awa at mapagmahal na kabaitan; Siya ang handog para sa kasalanan para sa tao at ang pastol ng tao; ngunit Siya rin ang paghatol, pagkastigo, at sumpa sa tao. Naakay Niya ang tao na mabuhay sa lupa sa loob ng dalawang libong taon, at natubos din Niya ang tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan. Ngayon, nagagawa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, na hindi nakakakilala sa Kanya, at mapagpapatirapa sila sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan, at gawin silang lubusang magpasakop sa Kanya. Sa huli, susunugin Niya ang lahat ng marumi at di-matuwid sa loob ng mga tao sa sansinukob, upang ipakita sa kanila na hindi lamang Siya isang maawain at mapagmahal na Diyos, hindi lamang isang Diyos ng karunungan at mga himala, hindi lamang isang banal na Diyos, kundi higit pa rito, isang Diyos na humahatol sa tao. Para sa masasama sa gitna ng sangkatauhan, Siya ay pagsunog, paghatol, at kaparusahan; para sa mga gagawing perpekto, Siya ay kapighatian, pagpipino, at mga pagsubok, isa ring kaaliwan, panustos, pagkakaloob ng mga salita, at pagpupungos. At para sa mga itiniwalag, Siya ay kaparusahan at ganti.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kinokompleto ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 17
Isinagawa ng Diyos ang Kanyang anim-na-libong-taon ng gawain hanggang sa kasalukuyang panahon, at ibinunyag ang marami sa Kanyang mga gawa, pangunahin upang talunin si Satanas at iligtas ang buong sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, tinutulutan ng Diyos ang lahat ng bagay sa langit, lahat ng bagay sa lupa, lahat ng bagay sa loob ng karagatan, at maging ang bawat nilalang sa lupa, na makita ang Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at ang lahat ng Kanyang mga gawa. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito ng paggapi Niya kay Satanas, ibinubunyag Niya ang lahat ng Kanyang gawa sa mga tao, nang sa gayon ay purihin Siya ng lahat at dakilain ang Kanyang karunungan sa paggapi kay Satanas. Ang lahat ng bagay sa lupa, sa langit, at sa loob ng mga karagatan ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos, pumupuri sa Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat, pumupuri sa bawat isa sa Kanyang mga gawa, at isinisigaw ang Kanyang banal na pangalan. Ito ay patunay ng Kanyang paggapi kay Satanas; patunay ito ng Kanyang paglupig kay Satanas. Higit pa rito, patunay ito ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay nagbibigay-kaluwalhatian sa Kanya, pinupuri Siya sa paggapi sa Kanyang kaaway at pagbabalik nang matagumpay, at dinadakila Siya bilang ang dakila at matagumpay na Hari. Ang Kanyang layunin ay hindi lamang para talunin si Satanas, kaya ang Kanyang gawain ay nagpatuloy nang anim na libong taon. Ginagamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang iligtas ang sangkatauhan; ginagamit Niya ang pagkatalo ni Satanas upang ibunyag ang lahat ng Kanyang gawa at Kanyang buong kaluwalhatian. Siya ay magtatamo ng kaluwalhatian, at lahat ng pulutong ng mga anghel ay makikita ang lahat ng Kanyang kaluwalhatian. Ang mga sugo sa langit, mga tao sa lupa, at lahat ng Kanyang likha sa lupa ay makakakita sa kaluwalhatian ng Lumikha. Ito ang gawaing Kanyang ginagawa. Ang Kanyang mga likha sa langit at sa lupa ay makakasaksi lahat sa Kanyang kaluwalhatian, at babalik Siya nang matagumpay matapos Niyang lubos na talunin si Satanas, kasama ang buong sangkatauhan na pumupuri sa Kanya—ito ay isang gawain na nagkakamit ng dalawang layon nang sabay. Sa huli, ang buong sangkatauhan ay lulupigin Niya, at Kanyang lilipulin ang sinumang lalaban o maghihimagsik; sa madaling salita, lilipulin Niya ang lahat ng kay Satanas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 18
Sa gitna ng sangkatauhan, itinatag ng gawaing ginawa ni Jehova sa mga Israelita ang lugar sa lupa kung saan nagmula ang Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimita Niya ang Kanyang gawain sa mga tao ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel, kundi sa halip, pumili Siya ng mga taong itinuring Niyang angkop upang malimitahan ang nasasaklawan ng gawain Niya. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at ginawa ni Jehova ang tao mula sa alabok ng lugar na iyon; ang lugar na ito ang naging himpilan ng gawain Niya sa lupa. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at mga inapo rin ni Adan, ang mga taong naging pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.
Sa panahong ito, ang kabuluhan, layunin, at mga hakbang ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang isakatuparan ang gawain Niya sa buong mundo, na Israel ang nasa sentro at unti-unting lumaganap sa mga bayan ng Hentil. Nakaayon sa prinsipyong ito ang paraan ng Kanyang paggawa sa loob ng sansinukob—nagsisimula sa isang tiyak na punto upang mapakilos ang kabuuan, at pagkatapos ay pinalalawak ang Kanyang gawain hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng ebanghelyo Niya. Ang mga unang Israelita ay mga inapo ni Noe. Ang mga taong ito ay pinagkalooban lamang ng hininga ni Jehova, at alam nila kung paano asikasuhin ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay, ngunit hindi nila alam kung anong uri ng Diyos si Jehova, o kung ano ang mga layunin Niya para sa tao, lalo na kung paano sila dapat matakot sa Lumikha. Patungkol naman sa kung mayroon bang mga regulasyon at mga kautusan na dapat sundin,[a] o kung may tungkulin bang dapat gawin ang mga nilikha para sa Lumikha, walang alam ang mga inapo ni Adan sa mga bagay na ito. Ang alam lamang nila ay na dapat magsikap at magtrabaho ang asawang lalaki upang matustusan ang pamilya niya, at na dapat magpasakop ang asawang babae sa kanyang asawang lalaki at ipagpatuloy ang lahi ng mga tao na nilikha ni Jehova. Sa madaling salita, ang gayong mga tao, na nagtaglay lamang ng hininga ni Jehova at buhay Niya, ay hindi alam kung paano sundin ang mga kautusan ng Diyos o kung paano mapalugod ang Lumikha. Lubhang napakakaunti ang naunawaan nila. Kaya bagama’t walang anumang baliko o mapanlinlang sa puso nila, at bihirang umusbong ang pagseselos at pagtatalo sa kanila, wala silang pagkakilala o pagkaunawa kay Jehova, ang Lumikha. Ang alam lamang ng mga ninunong ito ng tao ay ang kumain ng mga bagay ni Jehova, at magtamasa ng mga bagay ni Jehova, ngunit hindi nila alam kung paano matakot kay Jehova; hindi nila alam na si Jehova ang Siyang dapat nilang sambahin nang nakaluhod. Kaya paano sila matatawag na mga nilikha Niya? Kung magkagayon, hindi ba’t ang mga salitang, “Si Jehova ay ang Lumikha” at “Nilikha Niya ang tao upang maipamalas, luwalhatiin, at katawanin Siya ng tao” ay nasabi nang walang kabuluhan? Paanong ang mga taong walang pusong may takot kay Jehova ay maaaring maging patotoo ng kaluwalhatian Niya? Paano sila maaaring maging pagpapamalas ng kaluwalhatian Niya? Hindi ba’t kung magkagayon, ang mga salita ni Jehova na “Nilikha Ko ang tao sa wangis Ko” ay susunggaban ni Satanas, ang masama? Hindi ba’t kung magkagayon ay magiging isang tatak ng kahihiyan sa paglikha ni Jehova sa tao ang mga salitang ito? Upang tapusin ang yugtong iyon ng gawain, pagkaraang likhain ang sangkatauhan, hindi sila tinagubilinan o ginabayan ni Jehova mula kay Adan hanggang kay Noe. Sa halip, pagkaraang wasakin ng baha ang daigdig, saka lang Niya pormal na sinimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at gayundin ni Adan. Ang gawain at mga pagbigkas Niya sa Israel ay nagbigay ng gabay sa lahat ng tao ng Israel habang namumuhay sila sa buong lupain ng Israel, at sa gayon ay ipinapakita sa sangkatauhan na si Jehova ay hindi lamang kayang humihip ng hininga sa tao, upang magkaroon ito ng buhay mula sa Kanya at bumangon mula sa alabok at maging nilikhang tao, kundi kaya rin Niyang sunugin ang sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, at gamitin ang pamalo Niya upang pamahalaan ang sangkatauhan. Gayundin, nakita nila na kayang gabayan ni Jehova ang buhay ng tao sa lupa, at magsalita at gumawa sa gitna ng sangkatauhan ayon sa mga oras ng araw at ng gabi. Ang gawaing ginawa Niya ay para lamang mabatid ng mga nilikha Niya na nagmula ang tao sa alabok na pinulot Niya, at bukod dito, na ginawa Niya ang tao. Hindi lamang iyan, kundi una Niyang ginawa ang gawain Niya sa Israel upang ang ibang mga tao at mga bansa (na sa katunayan ay hindi hiwalay mula sa Israel, bagkus ay nagsanga mula sa mga Israelita, gayumpaman ay nagmula pa rin kina Adan at Eba) ay maaaring tumanggap ng ebanghelyo ni Jehova mula sa Israel, upang ang lahat ng nilikha sa sansinukob ay magawang matakot kay Jehova at dakilain Siya. Kung hindi sinimulan ni Jehova ang gawain Niya sa Israel, kundi sa halip, pagkatapos likhain ang sangkatauhan, ay hinayaan na lamang silang mamuhay sa lupa nang walang inaalala, kung nagkagayon, kung iisipin ang pisikal na kalikasan ng tao (ang ibig sabihin ng kalikasan ay na hindi kailanman malalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya nakikita, na nangangahulugang hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, at lalo na kung bakit Niya ginawa ito), hindi niya kailanman malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan o na Siya ang Panginoon ng lahat ng bagay. Kung nilikha ni Jehova ang tao at inilagay ito sa daigdig, at pinagpag lang ang mga kamay Niya at umalis na, sa halip na manatili sa gitna ng sangkatauhan para bigyan sila ng gabay sa loob ng ilang panahon, kung gayon, ang buong sangkatauhan ay nauwi na sana sa kawalan; maging ang langit at lupa at lahat ng bagay, na nilikha Niya, at ang buong sangkatauhan, ay nauwi na sana sa kawalan at bukod dito ay nayurakan na sana ni Satanas. Kung nagkagayon, ang ninanais ni Jehova na “Sa lupa, na ibig sabihin, sa gitna ng Kanyang nilikha, maaari Siyang magkaroon ng lugar na matitindigan, isang banal na lugar” ay nasira sana. At kaya, pagkatapos likhain ang sangkatauhan, nanatili Siya kasama nila upang gabayan sila sa kanilang buhay, at kinausap Niya sila habang kasama Niya sila—ang lahat ng ito ay upang maisakatuparan ang pagnanais Niya, at maisakatuparan ang plano Niya. Ang gawain na ginawa Niya sa Israel ay nilayon lamang na isakatuparan ang plano na ginawa Niya bago ang paglikha Niya ng lahat ng bagay, at samakatwid ang paggawa Niya muna sa gitna ng mga Israelita at ang paglikha Niya ng lahat ng bagay ay hindi salungat sa isa’t isa, kundi kapwa ginawa para sa kapakanan ng pamamahala Niya, gawain Niya, at kaluwalhatian Niya, at ginawa upang mapalalim ang kahulugan ng paglikha Niya sa sangkatauhan. Ginabayan Niya ang buhay ng sangkatauhan sa lupa nang dalawang libong taon pagkatapos ni Noe, natulungan ang mga tao na maunawaan kung paano matakot kay Jehova, ang Panginoon ng lahat ng bagay, kung paano pangasiwaan ang kanilang pamumuhay, at kung paano mabuhay, at higit sa lahat, kung paano magpatotoo para kay Jehova, magpasakop sa Kanya, at matakot sa Kanya, maging ang purihin Siya sa pamamagitan ng musika gaya ng ginawa ni David at ng mga saserdote niya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan
Talababa:
a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “na dapat sundin.”
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 19
Bago ang dalawang libong taon kung kailan ginawa ni Jehova ang gawain Niya, walang alam ang tao, at nahulog sa kabuktutan ang halos buong sangkatauhan, hanggang, bago ang pagkawasak ng mundo sa pamamagitan ng baha, umabot sila sa isang kasukdulan ng kahalayan at katiwalian, at hinding-hindi tinaglay si Jehova sa kanilang puso, lalo na ang daan Niya. Hindi nila kailanman naunawaan ang gawaing gagawin ni Jehova; wala silang katwiran, lalo nang walang kaalaman, at, katulad ng mga makinang humihinga, lubos silang mangmang sa tao, sa Diyos, sa lahat ng bagay, sa buhay, at iba pa. Sa lupa, gumawa sila ng maraming pang-aakit, katulad ng ahas, at nagsalita ng maraming bagay na mga paglapastangan laban kay Jehova, ngunit sapagkat mangmang sila, hindi sila kinastigo o dinisiplina ni Jehova. Pagkatapos lamang ng baha, noong si Noe ay 601 taong gulang, pormal na nagpakita si Jehova kay Noe at ginabayan siya at ang pamilya niya, inakay ang mga ibon at mga hayop na nakaligtas sa baha kasama si Noe at ang mga inapo niya, hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, na tumagal ng kabuuang 2,500 taon. Gumawa Siya sa Israel, na ibig sabihin, pormal Siyang gumawa, sa loob ng 2,000 taon sa kabuuan, at sabay Siyang gumawa sa Israel at sa labas nito nang 500 taon, na kapag pinagsama ay 2,500 taon. Sa panahong ito, tinagubilinan Niya ang mga Israelita na upang paglingkuran si Jehova, dapat silang magtayo ng isang templo, magsuot ng kasuotan ng mga saserdote, at pumasok nang nakayapak sa templo sa bukang-liwayway, sa takot na madungisan ng mga sapatos nila ang templo ni Jehova at padadalhan sila ng apoy mula sa tuktok ng templo at susunugin sila hanggang sa mamatay sila. Ginampanan nila ang kanilang mga tungkulin at nagpasakop sila sa mga pagsasaayos ni Jehova. Nagdasal sila kay Jehova sa templo, at pagkatapos tumanggap ng paghahayag ni Jehova, na ibig sabihin, pagkatapos magsalita ni Jehova, pinangunahan nila ang maraming tao at tinuruan sila na dapat silang magkaroon ng takot kay Jehova—ang Diyos nila. At sinabihan sila ni Jehova na dapat silang magtayo ng templo at ng dambana, at sa panahon ni Jehova, na ibig sabihin, sa Paskuwa, dapat silang maghanda ng mga panganay na guya at kordero upang ilagay sa dambana bilang mga alay upang paglingkuran si Jehova, upang pigilan sila at magkintal ng takot kay Jehova sa puso nila. Ang pagsunod nila sa kautusang ito ang naging sukatan ng katapatan nila kay Jehova. Inorden din ni Jehova ang araw ng Sabbath para sa kanila, ang ikapitong araw ng paglikha Niya. Ang araw pagkatapos ng Sabbath, ginawa Niyang unang araw, isang araw para purihin nila si Jehova, para mag-alay sa Kanya ng mga handog, at lumikha ng musika para sa Kanya. Sa araw na ito, tinipon ni Jehova ang lahat ng saserdote upang hatiin ang mga handog na nasa dambana para kainin ng mga tao, upang matamasa nila ang mga handog sa dambana ni Jehova. At sinabi ni Jehova na pinagpala sila, na may bahagi sila sa Kanya, at na sila ang hinirang na mga tao Niya (na siyang kasunduan ni Jehova sa mga Israelita). Ito ang dahilan kaya hanggang sa araw na ito, sinasabi pa rin ng mga tao ng Israel na si Jehova ay Diyos lamang nila, at hindi Diyos ng mga Hentil.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 20
Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming utos upang ipasa ni Moises sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Ehipto. Ang mga utos na ito ay ipinagkaloob ni Jehova sa mga Israelita at walang kaugnayan sa mga taga-Ehipto; nilayon ang mga ito upang pigilan ang mga Israelita, at ginamit Niya ang mga utos upang gumawa ng mga kahingian sa kanila. Kung sinunod ba nila ang Sabbath, kung iginalang ba nila ang kanilang mga magulang, kung sumamba ba sila sa mga diyos-diyosan, at iba pa—ito ang mga prinsipyong ginamit para hatulan silang makasalanan o matuwid. Sa kanila, mayroong ilang tinamaan ng apoy ni Jehova, mayroong ilang binato hanggang sa mamatay sila, at mayroong ilang tumanggap ng pagpapala ni Jehova, at tinukoy ito batay sa kung sinunod ba nila o hindi ang mga utos na ito. Binato hanggang sa mamatay iyong mga hindi sumunod sa Sabbath. Ang mga saserdoteng hindi sumunod sa Sabbath ay tinamaan ng apoy ni Jehova. Binato rin hanggang sa mamatay iyong mga hindi gumalang sa mga magulang nila. Sinang-ayunan ni Jehova ang lahat ng ito. Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at kautusan upang, habang pinangungunahan Niya sila sa pamumuhay nila, ang mga tao ay makikinig at magpapasakop sa salita Niya at hindi maghihimagsik laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga kautusang ito upang mapanatili sa ilalim ng kontrol ang bagong silang na lahi ng tao, upang mailatag ang sandigan para sa gawain Niya sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, tinawag ang unang kapanahunan na Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t maraming ginawang pagbigkas at maraming ginawang gawain si Jehova, ginabayan lamang Niya ang mga tao sa positibong paraan, tinuturuan ang mga mangmang na taong ito kung paano umasal, kung paano mamuhay, at kung paano maunawaan ang daan ni Jehova. Sa pangkalahatan, ang gawaing ginawa Niya ay upang ang mga tao ay tumalima sa daan Niya at sumunod sa mga kautusan Niya. Ang gawain ay ginawa sa mga taong mababaw ang katiwalian; hindi ito umabot sa punto ng pagbabago sa kanilang disposisyon o pag-unlad sa buhay. Pinigilan at kinontrol lamang Niya ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapasunod sa kanila sa mga kautusan. Para sa mga Israelita sa panahong iyon, si Jehova ay isang Diyos lamang sa templo, isang Diyos sa langit. Isa Siyang haliging ulap, isang haliging apoy. Ang hinihingi lamang ni Jehova na gawin nila ay ang sumunod sa alam ng mga tao ngayon bilang mga kautusan at utos—maaari pa ngang sabihin na mga regulasyon—sapagkat ang ginawa ni Jehova ay hindi nilayon para baguhin sila, kundi para pagkalooban sila ng mas maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at para personal na ibigay sa kanila ang mga ito, sapagkat pagkaraang malikha, wala sa tao ang anumang dapat niyang taglayin. At kaya, ipinagkaloob ni Jehova sa mga tao ang mga bagay na dapat nilang taglayin para sa pamumuhay nila sa lupa, upang malampasan ng mga taong Kanyang pinangunahan ang kanilang mga ninuno, sina Adan at Eba, sapagkat ang ipinagkaloob ni Jehova sa kanila ay higit sa ipinagkaloob Niya kina Adan at Eba sa simula. Anupaman, ang gawaing ginawa ni Jehova sa Israel ay para lamang gabayan ang sangkatauhan at magdulot sa sangkatauhan na kilalanin ang Lumikha. Hindi Niya sila nilupig o binago, kundi ginabayan lamang. Ito ang kabuuan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ang konteksto, ang tunay na kuwento, ang diwa ng gawain Niya sa buong lupain ng Israel, at ang simula ng anim na libong taong gawain Niya—ang panatilihin ang sangkatauhan sa ilalim ng pagkontrol ng kamay ni Jehova. Mula rito ay nagkaroon pa ng mas maraming gawain sa anim-na-libong-taong plano ng pamamahala Niya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 21
Sa pasimula, ang paggabay sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan ay kagaya ng paggabay sa pamumuhay ng isang bata. Ang pinakaunang sangkatauhan ay bagong silang ni Jehova; sila ang mga Israelita. Hindi nila nauunawaan kung paano matakot sa Diyos o mabuhay sa lupa. Na ang ibig sabihin, nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay, nilikha Niya si Adan at si Eba, ngunit hindi Niya sila binigyan ng pakultad na maunawaan kung paano matakot kay Jehova o kung paano sundin ang mga estatuto ni Jehova sa lupa. Kung wala ang tuwirang paggabay ni Jehova, walang sinuman ang makaaalam nito nang tuwiran, sapagkat sa pasimula ay hindi tinaglay ng tao ang pakultad na ito. Alam lamang ng tao na si Jehova ay Diyos, pero ganap na walang ideya ang tao kung paano matakot sa Kanya, kung anong uri ng pag-asal ang matatawag na pagkatakot sa Kanya, kung sa anong uri ng pag-iisip Siya katatakutan, o kung ano ang ihahandog bilang pagkatakot sa Kanya. Alam lamang ng tao kung paano tamasahin iyong maaaring tamasahin sa gitna ng lahat ng bagay na nilikha ni Jehova, ngunit pagdating sa kung paano dapat mamuhay ang isang tao sa lupa upang sila ay maging tunay na karapat-dapat sa titulo ng isang “nilikha,” ang tao ay ganap na mangmang tungkol dito. Kung walang magtuturo sa kanila, kung walang gagabay sa kanila nang personal, ang sangkatauhang ito ay hindi sana kailanman namuhay ng wastong buhay ng tao, kundi mabibihag lamang nang palihim ni Satanas. Nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, na ibig sabihin, nilikha Niya ang mga ninuno ng sangkatauhan, sina Eba at Adan, ngunit hindi Niya ipinagkaloob sa kanila ang anumang karagdagang talino o karunungan. Bagama’t sila ay naninirahan na sa lupa, halos wala silang anumang nauunawaan. At kaya, ang gawain ni Jehova sa paglikha sa sangkatauhan ay nangalahati pa lamang, hindi ganap na kompleto. Hinubog pa lamang Niya ang isang modelo ng tao mula sa putik at binigyan ito ng Kanyang hininga, pero hindi ipinagkaloob sa tao ang sapat na determinasyon na katakutan Siya. Sa pasimula, hindi taglay ng tao ang pusong may takot o kilabot sa Kanya. Ang alam lamang ng tao ay makinig sa Kanyang mga salita ngunit mangmang ito sa pangunahing kaalaman para sa pamumuhay sa lupa at sa mga normal na patakaran sa pamumuhay ng tao. Kung kaya, bagama’t nilikha ni Jehova ang lalaki at babae at tinapos ang proyektong inabot ng pitong araw, hindi Niya natapos likhain ang tao sa anumang paraan, sapagkat ang tao ay isa lamang panlabas na anyo, at walang realidad ng pagiging tao. Ang alam lamang ng tao ay na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, ngunit walang ideya ang tao kung paano sumunod sa mga salita o sa mga estatuto ni Jehova. At kaya, pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan, ang gawain ni Jehova ay hindi kompleto. Kinailangan pa Niyang lubusang gabayan ang sangkatauhan na lumapit sa harap Niya, upang magawa nilang mamuhay nang magkakasama sa lupa at katakutan Siya, at upang magawa nila, sa tulong ng Kanyang paggabay, na makapasok sa tamang landas ng isang normal na pamumuhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain na pangunahing isinagawa sa pangalan ni Jehova; iyon ay, sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova ng paglikha sa mundo. At kaya, yamang nilikha Niya ang sangkatauhan, kinailangan Niyang gabayan ang pamumuhay ng sangkatauhan sa lupa sa loob ng ilang libong taon, upang magawang sumunod ng sangkatauhan sa Kanyang mga atas at mga estatuto, at makibahagi sa lahat ng normal na mga aktibidad ng tao sa lupa. Saka lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 22
Ang gawaing ginawa ni Jesus ay naaayon sa mga pangangailangan ng tao sa kapanahunang iyon. Ang Kanyang gampanin ay tubusin ang sangkatauhan, patawarin ang kanilang mga kasalanan, kaya’t ang Kanyang disposisyon ay ganap na isang kapakumbabaan, pagpapasensiya, pag-ibig, pagiging deboto, pagtitiis, awa, at mapagmahal na kabaitan. Nagdala Siya ng saganang biyaya at mga pagpapala sa sangkatauhan, at lahat ng bagay na maaaring tamasahin ng mga tao. Ang tinamasa ng mga tao ay pawang kapayapaan at kaligayahan, ang Kanyang pagpaparaya at pagmamahal, at ang Kanyang awa at mapagmahal na kabaitan. Ang saganang mga bagay na natatamasa na naabot ng mga tao noon—ang damdamin ng kapayapaan at seguridad sa kanilang kalooban, ang damdamin ng kapanatagan sa kanilang espiritu, at ang kanilang pagsandal kay Jesus na Tagapagligtas—ang lahat ng ito ay bunga ng kapanahunan kung saan sila nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao, kaya para magampanan ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan, kinailangan ang saganang biyaya, walang-katapusang pagtitiis at pagpapasensiya, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, upang magkaroon ito ng epekto. Ang nakita ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang handog Ko lang ng pagbabayad-sala para sa mga kasalanan ng sangkatauhan: si Jesus. Ang alam lamang nila ay na maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila ay ang awa at mapagmahal na kabaitan ni Jesus. Ito ay lahat dahil sa ipinanganak sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya naman, bago sila matubos, kinailangan nilang matamasa ang masaganang biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila. Sa ganoong paraan lang sila makikinabang, binibigyang-kakayahan silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila ng biyaya, at binibigyan sila ng pagkakataong mabayaran ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagpapasensiya ni Jesus. Sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at pagpapasensiya ni Jesus sila naging kalipikadong tumanggap ng kapatawaran at magtamasa ng saganang biyaya na ipinagkaloob ni Jesus. Gaya ng sabi ni Jesus: Ako ay pumarito hindi upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, upang tulutan ang mga makasalanan na mapatawad sa kanilang mga kasalanan. Kung si Jesus, noong Siya ay naging tao, ay nagdala ng disposisyon ng paghatol, sumpa, at kawalan ng pagpaparaya sa mga pagkakasala ng tao, hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataon ang tao na matubos, at mananatili silang makasalanan magpakailanman. Kung nagkagayon, tumigil na sana ang anim na libong taong plano ng pamamahala noong Kapanahunan ng Kautusan, at tumagal sana nang anim na libong taon ang Kapanahunan ng Kautusan. Lalo pa sanang dumami at bumigat ang mga kasalanan ng tao, at nauwi sana sa wala ang paglikha sa sangkatauhan. Magagawa lamang sana ng mga tao na paglingkuran si Jehova sa ilalim ng kautusan, ngunit mas marami sana ang kanilang mga kasalanan kaysa roon sa mga tao na unang nilikha. Habang lalong minahal ni Jesus ang sangkatauhan, pinatatawad ang kanilang mga kasalanan at pinagkakalooban sila ng sapat na awa at mapagmahal na kabaitan, lalong naging kalipikado ang sangkatauhan na mailigtas ni Jesus, at sa gayon ay tinawag silang mga nawawalang tupa na binili ni Jesus sa napakalaking halaga. Hindi maaaring makialam si Satanas sa gawaing ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na parang pakikitungo ng isang mapagmahal na ina sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hindi Siya nagalit o nasuklam sa kanila, kundi Siya ay puno ng pagpapanatag; hindi Siya kailanman nagpahayag ng malaking poot sa kanila, kundi tiniis Niya ang kanilang mga kasalanan at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, at sinabi pang, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpung beses na pitong ulit.” Sa gayon ay inantig at binago ng Kanyang puso ang puso ng iba, at sa ganoong paraan lamang natanggap ng mga tao ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagtitiis.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Kuwento ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 23
Bagama’t si Jesus sa Kanyang pagkakatawang-tao ay lubos na walang mga damdamin ng laman, lagi Niyang pinanatag ang Kanyang mga disipulo, tinustusan sila, tinulungan sila, at sinuportahan sila. Napakarami Niyang ginawang gawain, nagtiis Siya ng napakaraming pagdurusa, at hindi Siya kailanman humiling nang labis sa mga tao, kundi lagi Siyang mapagpasensiya at matiisin sa kanilang mga pagkakasala, kaya Siya magiliw na tinawag ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na “ang kaibig-ibig na Tagapagligtas na si Jesus.” Sa mga tao noong panahong iyon—sa lahat ng tao—kung ano ang mayroon si Jesus at kung ano Siya noon, ay awa at mapagmahal na kabaitan. Hindi Niya kailanman tinandaan ang mga pagsalangsang ng mga tao, at ang Kanyang pakikitungo sa kanila ay hindi kailanman batay sa kanilang mga pagsalangsang. Dahil ibang kapanahunan iyon, kadalasan ay nagkaloob Siya ng saganang pagkain sa mga tao upang sila ay mangabusog. Pinakitunguhan Niya ang lahat ng taong sumunod sa Kanya nang may biyaya, na nagpapagaling ng mga maysakit, nagpapalayas ng mga demonyo, at bumubuhay ng mga patay. Upang maniwala sa Kanya ang mga tao at makita nila na lahat ng Kanyang ginawa ay ginawa nang taimtim at sinsero, binuhay pa Niya ang isang naaagnas na bangkay, na ipinakikita sa kanila na sa Kanyang mga kamay, kahit ang patay ay muling mabubuhay. Palagi Siyang tahimik na nagtitiis at isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos sa gitna nila sa ganitong paraan. Ibig sabihin, bago pa man Siya ipinako sa krus, pinasan na ni Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Bago Siya ipinako sa krus, nabuksan na Niya ang daan patungo sa krus upang tubusin ang sangkatauhan. At sa huli, ipinako Siya sa krus, na isinasakripisyo ang Kanyang sarili para sa kapakanan ng krus, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng Kanyang awa, mapagmahal na kabaitan, at kabanalan sa sangkatauhan. Palagi Siyang mapagparaya sa sangkatauhan, hindi kailanman mapaghiganti, kundi pinatawad sila sa kanilang mga kasalanan, hinihikayat silang magsisi, at tinuruan silang magpasensiya, magtiis, at magmahal, sumunod sa Kanyang mga yapak at isakripisyo ang kanilang sarili alang-alang sa krus. Ang Kanyang pagmamahal para sa mga kapatid ay humigit pa sa pagmamahal Niya kay Maria. Itinuring Niyang prinsipyo sa gawaing Kanyang ginawa ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, lahat para sa kapakanan ng Kanyang pagtubos. Saanman Siya pumunta, pinakitunguhan Niya nang may biyaya ang lahat ng sumunod sa Kanya. Pinayaman Niya ang mahirap, pinalakad Niya ang paralisado, binigyan Niya ng paningin ang bulag, at ng pandinig ang bingi. Inanyayahan pa Niya ang mga pinakaaba, ang mga pinakasalat, ang mga makasalanan, na saluhan Siyang kumain, at hindi Niya sila kailanman hinamak kundi palagi Siyang nagpapasensiya, na sinasabi pang: “Kung ang isang pastol ay nawawalan ng isa sa isang daan niyang mga tupa, iiwanan niya ang siyamnapu’t siyam upang hanapin ang isang tupang nawawala, at kapag nakita niya ito ay labis siyang magagalak.” Minahal Niya ang Kanyang mga tagasunod gaya ng pagmamahal ng isang inang tupa sa kanyang mga batang tupa. Bagama’t sila ay mga hangal at mangmang, at makasalanan sa Kanyang paningin, at bukod pa riyan ay mga pinakaaba sa lipunan, itinuring Niya ang mga makasalanang ito—mga taong hinamak ng iba—na pinakaitinatangi Niya. Dahil tinrato Niya sila nang may pabor, ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa kanila, gaya ng isang batang tupa na inialay sa altar. Namuhay Siya sa gitna nila na parang alipin nila, at hinayaan silang gamitin Siya at patayin Siya, sumusunod sa kanila nang walang pasubali. Sa Kanyang mga tagasunod Siya ang kaibig-ibig na Tagapagligtas na si Jesus, ngunit sa mga Pariseo, na nagsermon sa mga tao mula sa mataas na pedestal, hindi Siya nagpakita ng awa at mapagmahal na kabaitan, kundi ng pagkasuklam at pagtutol. Hindi Siya gumawa ng maraming gawain sa mga Pariseo, paminsan-minsan lamang Niya silang pinangaralan at sinaway; sa gitna nila ay hindi Niya ginawa ang gawain ng pagtubos, ni hindi Siya nagpakita ng mga tanda at himala. Ipinagkaloob Niya ang lahat ng Kanyang awa at mapagmahal na kabaitan sa Kanyang mga tagasunod, na nagtitiis para sa kapakanan ng mga makasalanang ito hanggang sa kahuli-hulihan, nang Siya ay ipako sa krus, at dumaranas ng bawat kahihiyan hanggang sa lubos Niyang natubos ang buong sangkatauhan. Ito ang kabuuan ng Kanyang gawain.
Kung wala ang pagtubos ni Jesus, nabuhay na sana ang sangkatauhan sa kasalanan magpakailanman at naging mga anak ng kasalanan, mga inapo ng mga demonyo. Kung nagpatuloy ito, naging lupain na sana na pinamamahayan ni Satanas ang buong mundo, ang lupaing tirahan nito. Gayunman, ang gawain ng pagtubos ay nangailangan ng pagpapakita ng awa at mapagmahal na kabaitan sa sangkatauhan; sa pamamagitan lamang nito maaaring tumanggap ng kapatawaran ang sangkatauhan at sa huli ay maging kalipikadong magawang ganap at lubos na makamit ng Diyos. Kung wala ang yugtong ito ng gawain, hindi na sana sumulong ang anim na libong taong plano ng pamamahala. Kung hindi ipinako si Jesus sa krus, kung nagpagaling lamang Siya ng mga maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, hindi sana lubusang napatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Sa tatlo’t kalahating taon na ginugol ni Jesus sa paggawa ng Kanyang gawain sa lupa, natapos lamang Niya ang kalahati ng Kanyang gawain ng pagtubos; pagkatapos, sa pagpapapako sa Kanya sa krus at pagiging kawangis ng makasalanang laman, sa pagpapasa sa Kanya roon sa masama, natapos Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus at napamunuan ang tadhana ng sangkatauhan. Pagkatapos na ibigay Siya sa mga kamay ni Satanas, saka lamang Niya natubos ang sangkatauhan. Sa loob ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na nagdusa Siya sa lupa, tinuya, siniraang-puri, at tinalikuran, maging hanggang sa punto na wala Siyang mahimlayan ng Kanyang ulo, walang lugar na mapagpahingahan, at kalaunan ay ipinako Siya sa krus, kasama ang Kanyang buong pagkatao—isang banal at walang-salang katawan—ay ipinako sa krus. Tiniis Niya ang lahat ng klase ng pagdurusa. Tinuya Siya at nilatigo ng mga nasa kapangyarihan, at dinuraan pa Siya ng mga sundalo sa mukha; datapuwat Siya ay nanatiling tahimik at nagtiis hanggang wakas, na nagpapasakop nang walang pasubali hanggang kamatayan, sa gayon ay tinubos Niya ang buong sangkatauhan. Noon lamang Niya nagawang magtamasa ng pahinga. Ang gawaing ginawa ni Jesus ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, ni hindi ito panghalili sa gawain ng mga huling araw. Ito ang diwa ng gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang ikalawang kapanahunan na napagdaanan ng sangkatauhan—ang Kapanahunan ng Pagtubos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tunay na Kuwento ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 24
Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging tao si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nakahiwalay, kundi nakabatay sa gawain ni Jehova. Iyon ay gawain para sa isang bagong kapanahunan na ginawa ng Diyos nang matapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, nagpatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, dahil ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong. Paglipas ng lumang kapanahunan, papalitan ito ng isang bagong kapanahunan, at kapag natapos na ang lumang gawain, magkakaroon ng bagong gawain para ipagpatuloy ang pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sumusunod sa gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayari nang nakahiwalay; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangan na palagi itong maghatid ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong. Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng gabay ng Diyos. Bagama’t dumating si Jesus sa gitna ng mga tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at magpasan ng mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din nito na gumawa ang Diyos ng mas dakila pang gawain upang ganap na iwaksi sa tao ang mga disposisyon nito na ginawang tiwali ni Satanas. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay nagdala sa sangkatauhan sa isang mas mataas na antas. Lahat ng nagpapasakop sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mamumuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 25
Kung mananatiling nakatali ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi nila maaalis kailanman ang kanilang mga tiwaling disposisyon, lalong hindi nila makikilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung palaging mamumuhay ang mga tao sa gitna ng kasaganaan ng biyaya, ngunit hindi nila taglay ang daan ng buhay na magtutulot sa kanila na makilala ang Diyos o mapalugod Siya, hindi nila Siya tunay na makakamit kailanman sa kanilang pananampalataya sa Kanya. Kaawa-awa talaga ang ganitong uri ng pananampalataya. Kapag natapos mo nang basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo na ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, madarama mo na ang mga pagnanais na maraming taon mo nang tinataglay ay natupad na rin sa wakas. Madarama mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harapan; ngayon mo lamang natitigan ang Kanyang mukha, narinig ang Kanyang personal na mga pagbigkas, naarok ang karunungan ng Kanyang gawain, at tunay na nadama kung gaano Siya kapraktikal at kamakapangyarihan sa lahat. Madarama mo na marami kang nakamtan na bagay na hindi pa nakita ni nataglay ng mga tao noong nakalipas na mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong malalaman kung ano ang manampalataya sa Diyos, at kung ano ang umayon sa mga layunin ng Diyos. Siyempre pa, kung kakapit ka sa mga pananaw ng nakaraan, at tatanggihan mo at hindi tatanggapin ang katunayan ng pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mananatili kang walang napala, walang natamo, at sa huli ay hahatulan kang nagkasala ng paglaban sa Diyos. Yaong mga nakapagpapasakop sa katotohanan at nakapagpapasakop sa gawain ng Diyos ay aangkinin sa ilalim ng pangalan ng pangalawang nagkatawang-taong Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat. Matatanggap nila ang personal na gabay ng Diyos, magkakamit sila ng mas marami at mas matataas na katotohanan, at pati na rin ng tunay na buhay ng tao. Mamamasdan nila ang pangitaing hindi pa nakita kailanman ng mga tao noong araw: “At ako ay lumingon upang makita ang tinig na kumausap sa akin. At nang ako ay lumingon, nakita ko ang pitong kandelerong ginto; at sa gitna ng pitong kandelero ay may isang katulad ng isang Anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang Kanyang ulo at ang Kanyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niyebe; at ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; at ang Kanyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kanyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kanyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang Kanyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat nang matindi” (Pahayag 1:12–16). Ang pangitaing ito ay pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos sa Kanyang kasalukuyang pagkakatawang-tao. Sa mga pagragasa ng mga pagkastigo at paghatol, ipinapahayag ng Anak ng tao ang Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng mga pagbigkas, na nagtutulot sa lahat ng tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng tao, na isang matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng tao na nakita ni Juan. (Siyempre pa, lahat ng ito ay hindi makikita ng mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi ganap na maipapahayag nang malinaw gamit ang pananalita ng tao, kaya ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita sa tao ang Kanyang tunay na mukha. Na ibig sabihin ay lahat ng umarok sa likas na disposisyon ng Anak ng tao ay nakita na ang tunay na mukha ng Anak ng tao, sapagkat napakadakila ng Diyos at hindi Siya ganap na maipapahayag nang malinaw gamit ang pananalita ng tao. Kapag naranasan na ng tao ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang banggitin niya ang Anak ng tao sa gitna ng mga ilawan: “Ang Kanyang ulo at ang Kanyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niyebe; at ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; at ang Kanyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kanyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kanyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang Kanyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat nang matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang anumang pagdududa na ang ordinaryong katawang-tao na ito na napakarami nang nasabi ay hindi maikakailang ang pangalawang nagkatawang-taong Diyos. Bukod pa riyan, madarama mo talaga kung gaano ka pinagpala, at madarama mo na ikaw ang pinakamapalad. Hindi ka ba handang manahin ang pagpapalang ito?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 26
Ang gawain sa mga huling araw ay ang bumigkas ng mga salita. May malalaking pagbabago na maidudulot sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga pagbabagong nangyayari ngayon sa mga taong ito mula sa pagtanggap nila ng mga salitang ito ay lubhang mas malaki kaysa roon sa mga tao mula sa kanilang pagtanggap ng mga tanda at mga himala sa Kapanahunan ng Biyaya. Sapagkat, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay pinalayas mula sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, ngunit ang mga tiwaling disposisyon sa loob ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay pinagaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit tungkol sa kung paano maiwawaksi ng tao ang mga satanikong tiwaling disposisyon sa loob niya, ang gawaing ito ay hindi pa nagagawa sa kanya. Ang tao ay natubos at napatawad lamang sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananalig, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa loob niya. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay wala nang kasalanan sa loob niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala, kung paano ganap na maiwawaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon at makasalanang kalikasan, at kung paano mababago sa isang antas ang kanyang buhay disposisyon. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad na dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namumuhay sa dati niyang mga satanikong tiwaling disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang mga satanikong tiwaling disposisyon, ang kanyang makasalanang kalikasan ay dapat na ganap na maiwaksi, hindi na kailanman muling mabubuo, at ang kanyang disposisyon ay dapat na sumailalim sa pagbabago. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, na maunawaan ang daan ng buhay, at maunawaan ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Dagdag pa, kinakailangan din nito na magsagawa ang tao nang alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging alinsunod sa mga layunin ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang mga satanikong tiwaling disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makaahon mula sa kasalanan. Saka lamang makakatanggap ang tao ng ganap na biyayang nagliligtas. Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniwala na Siya ay ang anak ni David, at nagsabi na Siya ay isang dakilang propeta, ang maawaing Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, dahil sa lakas ng kanilang pananalig, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay nakakita at maging ang patay ay nabuhay muli. Gayunman, hindi nagawang matuklasan ng tao ang mga satanikong tiwaling disposisyon na malalim na nakaugat sa loob niya, hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ang mga ito. Ang tao ay nakatanggap ng masaganang biyaya, tulad ng kapayapaan at kaligayahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at ang kanyang maka-Diyos na pagpapamalas; kung ang isang tao ay kayang mamuhay batay sa mga ito, siya ay itinuturing na isang mananampalatayang pasok sa pamantayan. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Ngunit, sa kanilang buong buhay, hindi nila naunawaan kahit kaunti ang daan ng buhay. Ang ginawa lamang nila ay gumawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay ikumpisal ang kanilang mga kasalanan nang paulit-ulit nang walang anumang landas sa pagbabago ng kanilang disposisyon: Ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatwid, matapos na makompleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayon ay bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang mga tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang isiwalat ang mga tiwaling disposisyon ng tao, at upang makapagsagawa ang tao alinsunod sa angkop na daan. Ang gawain ng yugtong ito ay mas makabuluhan kaysa sa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos para sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas higit na lubusan. Samakatwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nakompleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na natapos ang plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 27
Sa gawain sa mga huling araw, ang kapangyarihan ng salita ay higit kaysa sa kapangyarihan ng pagpapamalas ng mga tanda at mga himala, at nahihigitan ng awtoridad ng salita ang sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon na malalim na nakabaon sa puso ng tao. Hindi mo matutuklasan ang mga ito nang mag-isa. Kapag ang mga ito ay naisiwalat ng salita, natural na matutuklasan mo ang mga ito; kakailanganin mo itong aminin, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba’t ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatwid, ang tao ay hindi ganap na maililigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo, at hindi rin siya magagawang lubos na ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga himala. Ang awtoridad upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, ngunit ang laman ng tao ay kay Satanas pa rin at ang mga satanikong tiwaling disposisyon ay nananatili pa rin sa loob ng tao. Sa madaling salita, ang taong hindi pa nadadalisay ay nabibilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Makakamit ng Diyos at mapapabanal ang tao pagkatapos lamang siyang madalisay sa pamamagitan ng salita. Noong ang mga demonyo ay napalayas sa tao at siya ay natubos, ito ay nangangahulugan lamang na siya ay naagaw mula sa mga kamay ni Satanas at naibalik sa Diyos. Gayumpaman, ang tao ay hindi pa nadalisay o nabago ng Diyos, at nananatili siyang tiwali. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, paglaban, at paghihimagsik; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagtubos, ngunit wala siya ni katiting na pagkakakilala sa Diyos at may kakayahan pa rin siyang lumaban at magkanulo sa Kanya. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libo-libong taon ng paggawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatwid, noong tinubos ang tao, ito ay pagtubos lamang. Ibig sabihin, ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang nakalalason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi naalis. Ang tao na napakarumi ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging dalisay. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Lahat ng kasalukuyang gawaing ginagawa ay para madalisay at mabago ang tao; ito ay upang magawa ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at madalisay sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng salita, at sa pamamagitan ng pagpipino. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang gawain ng pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay ang gawain din ng paglupig, at ang pangalawang yugto rin ng gawain ng pagliligtas. Ang tao ay nakakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, at sa pamamagitan ng pagpipino, paghatol, at pagsisiwalat ng salita ganap na nabubunyag ang lahat ng karungisan, mga kuru-kuro, mga motibo, at mga personal na inaasam sa puso ng tao. Bagama’t ang tao ay natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pagtanda ng Diyos sa mga pagsalangsang ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga pagsalangsang nito. Subalit, ang tao, na namumuhay sa laman, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay makakapagpatuloy lamang sa pagkakasala, ibinubunyag nang walang katapusan ang kanyang mga satanikong tiwaling disposisyon. Ito ang buhay na ipinamumuhay ng tao, isang walang-katapusang siklo ng pagkakasala at pagtanggap ng kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw at nangungumpisal sa gabi. Kaya naman, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakompleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring mga tiwaling disposisyon. Halimbawa, nang malaman ng mga tao na sila ay nagmula sa lahi ni Moab, nagreklamo sila, hindi na nila hinangad ang buhay, at naging lubos na negatibo. Hindi ba’t ipinapakita nito na hindi pa rin nagagawang lubos na magpasakop ng tao sa kapamahalaan ng Diyos? Hindi ba’t ito ang mismong mga satanikong tiwaling disposisyon ng tao? Nang ikaw ay hindi isinailalim sa pagkastigo, itinaas mo ang iyong kamay mas mataas kaysa sa lahat, maging kay Jesus. At ikaw ay sumigaw nang malakas: “Maging isang minamahal na anak ng Diyos! Maging isang kapalagayang-loob ng Diyos! Mas pipiliin namin ang mamatay kaysa yumuko kay Satanas! Maghimagsik laban sa matandang Satanas! Maghimagsik laban sa malaking pulang dragon! Ang malaking pulang dragon nawa ay tuluyan nang bumagsak mula sa kapangyarihan! Nawa ay gawin tayong ganap ng Diyos!” Sumigaw ka nang pinakamalakas sa lahat. Ngunit pagkatapos ay dumating ang panahon ng pagkastigo at, minsan pa ay nabunyag ang iyong mga tiwaling disposisyon. Tumigil ang iyong mga sigaw, at nawala ang iyong determinasyon. Ito ang katiwalian ng tao; ito ay isang bagay na mas malalim kaysa kasalanan, isang bagay na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan, at wala siyang paraan para kilalanin ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Sa pamamagitan lamang ng paghatol ng salita ay makakamit ang ganitong resulta. Sa ganitong paraan lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong ito. Isinigaw ng tao ang ganito dati sapagkat ang tao ay walang pagkaunawa sa kanyang likas na mga tiwaling disposisyon. Ang mga ito ang mga halong umiiral sa kalooban ng tao. Sa buong mahabang panahon ng paghatol at pagkastigo, ang tao ay namuhay sa isang kapaligiran na puno ng tensyon. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay natamo sa pamamagitan ng salita? Hindi ba’t sumigaw ka rin nang napakalakas bago ang pagsubok sa mga tagapagserbisyo? “Nakapasok kami sa kaharian! Lahat ng tumatanggap sa pangalang ito ay nakapasok sa kaharian! Ang lahat ay nakibahagi sa Diyos!” Nang ang pagsubok sa mga tagapagserbisyo ay dumating, hindi ka na sumigaw. Sa pinakasimula, ang lahat ay sumigaw, “O Diyos! Saan Mo man ako ilagay, magpapasakop ako sa Iyong mga pamamatnugot.” Pagkabasa sa mga salita ng Diyos na “Sino ang Aking magiging Pablo?” ang sabi ng mga tao, “Ako ay nakahanda!” Pagkatapos ay nakita nila ang mga salitang “Kumusta ang pananalig ni Job?” at sinabing, “Nakahanda akong taglayin ang pananalig ni Job. O Diyos, pakiusap, subukin Mo ako!” Nang dumating ang pagsubok sa mga tagapagserbisyo, sila ay kaagad na bumagsak at halos hindi na muling makatayo. Pagkatapos noon, unti-unti, ang mga halo sa puso nila ay dahan-dahang nabawasan. Hindi ba ito natamo sa pamamagitan ng salita? Kaya, ang inyong naranasan sa kasalukuyan ay mga resulta na natamo sa pamamagitan ng salita, na mas higit pa nga kaysa sa mga natamo sa pamamagitan ng paggawa ng mga tanda at mga himala ni Jesus. Ang kaluwalhatian ng Diyos at awtoridad ng Diyos Mismo na iyong nakikita ay hindi lamang nakikita sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo, kundi lalong higit sa pamamagitan ng paghatol ng Kanyang salita. Ipinakikita nito sa iyo na hindi lamang ang paggawa ng mga tanda, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo ang bumubuo sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, kundi mas mahusay na kinakatawan ng paghatol ng salita ng Diyos ang awtoridad ng Diyos at mas naibubunyag nito ang Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 28
Sa Kapanahunan ng Kaharian, gumagamit ang Diyos ng mga salita upang pasimulan ang bagong kapanahunan, baguhin ang paraan ng Kanyang paggawa, at gawin ang gawain ng buong kapanahunan. Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos sa paggawa sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay naging tao at nagsasalita mula sa iba’t ibang perspektiba, nagbibigay-kakayahan sa tao na tunay na makita ang Diyos, na Siya ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao, at mamasdan ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan upang mas mainam na makamit ang mga layon ng paglupig sa mga tao, paggawang perpekto sa mga tao, at pagtitiwalag sa mga tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng mga salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng mga salita, nakikilala ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang nararapat pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng mga salita, ang lahat ng gawaing nais gawin ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay naisasakatuparan. Sa pamamagitan ng mga salita, ang mga tao ay ibinubunyag at itinitiwalag, at sinusubukan. Ang mga tao ay nakita na ang mga salitang ito, narinig na ang mga salitang ito, at kinilala na ang pag-iral ng mga salitang ito. Dahil dito, naniwala na sila sa pag-iral ng Diyos, sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Diyos, at sa puso ng Diyos sa pagmamahal at pagliligtas sa tao. Ang terminong “mga salita” ay maaaring ordinaryo at simple, ngunit ang mga salitang sinambit mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang sansinukob; binabago nila ang puso ng mga tao, binabago ang kanilang mga kuru-kuro at dating disposisyon, at binabago ang dating anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganitong paraan, at Siya lamang ang nangungusap nang gayon at nagliligtas sa tao nang gayon. Mula sa oras na ito, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng pagpapastol at pagtutustos ng Kanyang mga salita; namumuhay ang lahat ng tao sa mundo ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng mga salita ng Diyos, at ang karamihan ng tao ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Ang mga salitang ito at ang gawaing ito ay pawang para sa kaligtasan ng tao, para matupad ang kalooban ng Diyos, at para mabago ang orihinal na anyo ng mundo ng dating paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo gamit ang mga salita, inaakay Niya ang lahat ng tao sa sansinukob gamit ang mga salita, nilulupig at inililigtas Niya sila gamit ang mga salita, sa huli, gagamitin Niya ang mga salita upang wakasan ang buong dating mundo, sa gayon ay makumpleto ang kabuuan ng Kanyang plano ng pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, gumagamit ng mga salita ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain, at makamtan ang mga resulta ng Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa ng mga kababalaghan o nagsasagawa ng mga himala, kundi ginagawa lamang ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng mga salita. Dahil sa mga salitang ito, napapalusog at natutustusan ang lahat ng tao, at nagkakamit ng pagkakilala at tunay na karanasan. Sa Kapanahunan ng Salita, ang tao ay lubhang napagpala. Hindi siya nagdaranas ng pisikal na sakit at nagtatamasa lamang ng saganang panustos ng mga salita ng Diyos; nang hindi na kinakailangang pikit-matang maghanap o magtatakbo kung saan-saan, sa gitna ng kanyang kaginhawaan, nakikita niya ang pagpapakita ng Diyos, naririnig niyang mangusap ang Diyos gamit ang sariling bibig, tinatanggap niya yaong ibinibigay ng Diyos, at nakikita niyang personal na ginagawa ng Diyos ang gawain. Ito ang mga bagay na hindi natamasa ng mga tao noong nakaraang mga kapanahunan, at ito ay mga pagpapalang hindi nila kailanman natanggap.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 29
Ang sangkatauhan, na napakalalim na ginawang tiwali ni Satanas, ay hindi nakakaalam na mayroong Diyos, at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa pasimula, nang nilikha sina Adan at Eba, naroon parati ang kaluwalhatian at patotoo ni Jehova. Ngunit matapos magawang tiwali, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo, sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at tuluyang tumigil sa pagkatakot sa Kanya. Ang gawain ng paglupig ngayon ay ang pagbawi ng lahat ng patotoo at lahat ng kaluwalhatian, at ang pagsamba ng lahat ng tao sa Diyos, upang mayroong patotoo sa gitna ng mga nilikha; ito ang gawaing gagawin sa yugtong ito. Paano ba mismo lulupigin ang sangkatauhan? Sa pamamagitan ng paggamit ng gawain ng mga salita ng yugtong ito upang lubos na makumbinsi ang tao; sa pamamagitan ng paggamit ng paglalantad, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang lubusan siyang makumbinsi; sa pamamagitan ng paglalantad sa paghihimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang makilala niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, at sa gayon ay ginagamit ang mga bagay na ito bilang hambingan ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Pangunahing sa pamamagitan ng mga salitang ito na ang tao ay nalulupig at lubos na nakukumbinsi. Ang mga salita ang paraan tungo sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap sa paglupig ng Diyos ay dapat tumanggap sa hampas at paghatol ng Kanyang mga salita. Ang proseso ng pagsasalita ngayon ay mismong ang proseso ng panlulupig. At paano ba dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng pagkaalam kung paano kumain at uminom ng mga salitang ito, at pagkakamit ng pagkaunawa sa mga ito. Pagdating sa kung paano nilulupig ang mga tao, ito ay hindi isang bagay na magagawa nila nang mag-isa. Ang magagawa mo lamang ay, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, makilala ang iyong katiwalian at karumihan, ang iyong paghihimagsik at iyong pagiging di-matuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung nakakapagsagawa ka pagkatapos mong maarok ang mga layunin ng Diyos, at kung mayroon kang mga pangitain at kaya mong lubos na magpasakop sa mga salitang ito, at hindi gumawa ng anumang pagpili nang mag-isa, nalupig ka na—at ito ay siyang magiging resulta ng mga salitang ito. Bakit nawalan ng patotoo ang sangkatauhan? Dahil walang sinuman ang may pananalig sa Diyos, dahil ang Diyos ay walang puwang sa puso ng mga tao. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay ang pagpapanumbalik ng pananalig ng sangkatauhan. Palaging gusto ng mga tao na sumubsob sa sanlibutan, nagdadala sila ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong hinihingi. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa laman, nagpaplano para sa laman, at walang interes sa paghahanap ng daan sa pananampalataya sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay naagaw na ni Satanas, nawala na ang kanilang may-takot-sa-Diyos na puso, at nakatuon na sila kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Sa gayon, nawalan ng patotoo ang tao, ibig sabihin ay nawalan siya ng kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa sangkatauhan ay upang bawiin ang kaluwalhatian ng pagkatakot ng tao sa Diyos. Maaari itong sabihin nang ganito: Maraming tao ang hindi naghahangad ng buhay; kahit mayroon mang ilan na naghahangad talaga ng buhay, kakaunti lamang sila. Pinakanag-aalala ang mga tao tungkol sa kanilang mga kinabukasan, hindi nag-uukol ng anumang pansin sa buhay. Ang ilan ay naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, hinuhusgahan Siya nang palihim, at hindi isinasagawa ang katotohanan. Hindi pinapansin ang mga taong ito sa ngayon; sa sandaling ito, walang ginagawa sa mga anak ng pagkasuwail na ito, ngunit sa hinaharap ikaw ay mabubuhay sa kadiliman, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Hindi mo nadarama ang kahalagahan ng liwanag kapag ikaw ay nabubuhay sa loob nito, ngunit matatanto mo ang kahalagahan nito sa sandaling ikaw ay nabubuhay sa madilim na gabi, at magsisisi ka sa panahong iyon. Maayos ang pakiramdam mo ngayon, ngunit darating ang araw na ikaw ay magsisisi. Kapag dumating ang araw na iyon at sumapit ang kadiliman at wala na kailanman ang liwanag, magiging huli na para magsisi. Dahil hindi mo pa rin nauunawaan ang gawain sa ngayon kaya nabibigo kang pahalagahan ang iyong panahon ngayon. Sa sandaling magsimula ang gawain ng buong sansinukob, ibig sabihin, kapag nagkatotoo na ang lahat ng salitang ito na Aking sinasabi ngayon, maraming tao ang hahawak sa kanilang mga ulo at tatangis sa pagdadalamhati. At sa paggawa niyon, hindi ba’t mahuhulog sila sa kadiliman nang tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin? Ang lahat ng tunay na naghahangad ng buhay at ginagawang ganap ay magagamit, samantalang ang lahat ng anak ng pagkasuwail na hindi angkop para magamit ay mahuhulog sa kadiliman. Ganap silang mawawalan ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi maarok ang anumang bagay. Kaya, masasadlak sila sa kaparusahan at tatangis sila. Kung maayos kang sinangkapan sa yugtong ito ng gawain at lumago ka na sa iyong buhay, ikaw ay angkop na magamit. Kung hindi ka nasasangkapan nang mabuti, kahit pa ikaw ay tawagin para sa susunod na yugto ng gawain, hindi ka magiging angkop na gamitin—sa puntong iyon, hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataon kahit na inaasam mo pang sangkapan ang sarili mo. Kapag umalis na ang Diyos, saan mo mahahanap ang uri ng pagkakataong ipinepresenta ng gawain ng Diyos ngayon? Saan ka makakatanggap ng pagsasanay na personal na ipinagkakaloob ng Diyos? Sa puntong iyon, hindi personal na magsasalita o magbibigkas ng tinig Niya ang Diyos; babasahin mo lang ang mga bagay-bagay na sinasabi ngayon—paano mo ito magagawang maunawaan nang madali? Paano makakapantay ang buhay sa hinaharap sa kung paano ito sa ngayon? Sa puntong iyon, kung saan ikaw ay tumatangis at nagngangalit ang iyong mga ngipin, hindi ba’t pamumuhay iyon sa pagdurusa? Ipinagkakaloob sa iyo ngayon ang mga pagpapala ngunit hindi mo alam na tamasahin ang mga ito; ikaw ay nabubuhay na pinagpapala, ngunit hindi mo ito namamalayan. Pinatutunayan nito na ikaw ay nakatakdang magdusa! Ngayon, ang ilang tao ay lumalaban, ang ilan ay naghihimagsik, ang ilan ay gumagawa ng ganito o ganoon, at hindi Ko lang ito pinapansin—ngunit huwag mong isipin na hindi Ko namamalayan ang inyong pinapakana. Hindi Ko ba nauunawaan ang inyong diwa? Bakit palagi kang tumututol sa Akin? Hindi ka ba nananampalataya sa Diyos para hangarin ang buhay at mga pagpapala para sa iyong sariling kapakanan? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya mayroon kang pananalig? Sa kasalukuyan, ginagampanan Ko lang ang gawain ng paglupig sa pamamagitan ng pagsasalita, at sa sandaling matapos ang gawain ng paglupig na ito, mabubunyag ang iyong kinalabasan. Kailangan Ko pa bang sabihin sa iyo nang deretsahan?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kuwentong Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (1)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 30
Ang gawain ngayon ng paglupig ay naglalayong ibunyag ang magiging kinalabasan ng tao. Bakit sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay paghatol sa harap ng malaking puting trono ng mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawain ng paglupig ang huling yugto? Hindi ba’t ito mismo ay para ibunyag kung anong klase ng kinalabasan ang sasapitin ng bawat uri ng tao? Hindi ba’t ito ay para tulutan ang lahat, sa panahon ng gawain ng paglupig ng pagkastigo at paghatol, na ipakita ang kanilang tunay na sarili at maibukod-bukod ayon sa kanilang uri? Sa halip na sabihing ito ay paglupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na ito ay pagbubunyag sa kung ano ang magiging uri ng kinalabasan para sa bawat klase ng tao. Ito ay tungkol sa paghatol sa mga kasalanan ng mga tao at pagkatapos ay pagbubunyag sa iba’t ibang klase ng tao, sa gayon ay pinagpapasyahan kung sila ay masama o matuwid. Pagkatapos ng gawain ng paglupig, susunod naman ang gawain ng paggagantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama. Ang mga taong ganap na nagpapasakop—ibig sabihin ang mga lubusang nalupig—ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpapalaganap ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob; ang mga hindi nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kapahamakan. Sa gayon, ang mga tao ay ibubukod-bukod ayon sa kanilang uri, ang masama ay igugrupo sa masama, mawawalan ng sikat ng araw magpakailanman, at ang mga matuwid ay igugrupo sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mamuhay sa liwanag magpakailanman. Ang mga kalalabasan ng lahat ng bagay ay malapit na, at ang mga kalalabasan ng mga tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanilang mga mata. Lahat ng bagay ay ibubukod-bukod ayon sa kanilang uri, kaya paano makatatakas ang mga tao sa dalamhati ng pagkakabukod-bukod ng bawat isa ayon sa kanilang uri? Ang kinalabasan ng bawat uri ng tao ay ibinubunyag kapag ang mga kinalabasan ng lahat ng bagay ay nalalapit na, at ito ay ginagawa habang nasa gawain ng paglupig sa buong sansinukob (kabilang ang lahat ng gawain ng paglupig, simula sa kasalukuyang gawain). Ang pagbubunyag ng mga kinalabasan ng lahat ng tao ay ginagawa sa harap ng hukumang-luklukan, sa panahon ng pagkastigo, at sa panahon ng gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang pagbubukud-bukod sa mga tao ayon sa kanilang uri ay hindi pagbabalik sa mga tao sa kanilang orihinal na mga klase, dahil nang likhain ang tao noong panahon ng paglikha, mayroon lamang isang uri ng tao, ang tanging paghahati ay sa pagitan ng lalaki at babae. Walang maraming iba’t ibang uri ng mga tao. Pagkatapos lamang ng ilang libong taon ng katiwalian lumitaw ang iba’t ibang uri ng mga tao, na ang ilan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng maruruming espiritu, ang ilan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng masasamang diyablo, at ang ilan, yaong mga naghahangad sa daan ng buhay, ay nasa ilalim ng kapamahalaan ng Makapangyarihan sa lahat. Sa ganitong paraan lamang unti-unting umuusbong ang mga uri sa gitna ng mga tao, at sa gayon lamang naikaklasipika ang mga tao tungo sa mga uri sa loob ng malaking pamilya ng tao. Nagkakaroon ng iba’t ibang “ama” ang lahat ng tao; hindi ito ang kalagayan na ang bawat isa ay ganap na nasa ilalim ng kapamahalaan ng Makapangyarihan sa lahat, sapagkat labis ang pagiging mapaghimagsik ng tao. Inilalantad ng matuwid na paghatol ang tunay na sarili ng bawat uri ng tao, walang anumang iniiwang nakatago. Ipinakikita ng bawat isa ang kanyang tunay na mukha sa liwanag. Sa puntong ito, ang tao ay hindi na ang dating siya, matagal nang naglaho ang orihinal na wangis ng kanyang mga ninuno, sapagkat ang di-mabilang na mga inapo nina Adan at Eba ay matagal nang nabihag ni Satanas, hindi na kailanman muling makikita ang liwanag, at sapagkat napuno na ang mga tao ng lahat ng uri ng lason ni Satanas. Kung kaya, ang mga tao ay mayroong kanilang angkop na mga hantungan. Bukod pa roon, sa batayan ng kanilang magkakaibang mga lason, sila ay pinagbubukod-bukod ayon sa kanilang uri, na ang ibig sabihin ay pinagbubukod-bukod sila batay sa antas ng pagkalupig sa kanila ngayon. Ang kinalabasan ng tao ay hindi isang bagay na paunang inorden simula nang likhain ang mundo. Ito ay dahil sa pasimula ay mayroon lang iisang klase, ito ay ang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan,” at ang tao ay hindi pa nagawang tiwali ni Satanas noong una, at lahat ng tao ay nabubuhay sa liwanag ng Diyos, nang walang kadilimang sumasapit sa kanila. Ngunit matapos na ang tao ay nagawang tiwali ni Satanas, lahat ng klase at uri ng tao ay lumaganap sa buong lupa—lahat ng klase at uri ng tao na nanggaling sa pamilyang sama-samang pinangalanang “sangkatauhan” na binubuo ng lalaki at babae. Silang lahat ay inakay ng kanilang mga ninuno upang maligaw palayo sa kanilang pinakamatandang mga ninuno—ang sangkatauhang binubuo ng lalaki at babae (iyon ay, sina Adan at Eba noong simula, ang kanilang pinakamatandang mga ninuno). Sa panahong iyon, ang mga Israelita lang ang namumuhay sa ilalim ng gabay ni Jehova. Ang iba’t ibang uri ng mga tao na lumitaw mula sa buong Israel (ibig sabihin ay mula sa orihinal na angkan ng pamilya) ay naiwala pagkatapos ang paggabay ni Jehova. Itong mga sinaunang tao, na lubusang walang-muwang sa mga usaping tungkol sa mundo ng tao, ay sumama kalaunan sa kanilang mga ninuno upang mamuhay sa mga teritoryong inangkin ng mga ito, na nagpapatuloy magpahanggang sa ngayon. Sa gayon, sila ay nananatiling walang-muwang tungkol sa kung paano sila napalayo kay Jehova, at sila ay nagawang tiwali hanggang sa araw na ito ng lahat ng uri ng maruruming espiritu at masasamang espiritu. Silang mga labis na nagawang tiwali at nalason hanggang ngayon—silang mga hindi maililigtas sa kahuli-hulihan—ay wala nang pagpipilian pa kundi sumama sa kanilang mga ninuno, ang maruruming espiritu na nagtiwali sa kanila. Silang mga maililigtas sa kahuli-hulihan ay pupunta sa naaangkop na hantungan ng sangkatauhan, nangangahulugang sa kinalabasang inilaan para sa mga naligtas at nalupig. Ang lahat ay gagawin upang iligtas ang lahat ng kayang mailigtas—ngunit para sa mga taong manhid hanggang sa punto ng pagiging walang-lunas, ang kanilang tanging pagpipilian ay ang sumunod sa kanilang mga ninuno papunta sa walang hanggang hukay ng pagkastigo. Huwag mong isipin na ang iyong kinalabasan ay paunang inorden sa pasimula at ngayon lang nabubunyag. Kung ganyan ka mag-isip, nakalimutan mo na ba na noong unang paglikha sa sangkatauhan, walang hiwalay na satanikong klase ng tao ang nilikha, isang sangkatauhan lamang na binubuo nina Adan at Eba (nangangahulugang tanging lalaki at babae)? Ipagpalagay na ikaw ay inapo ni Satanas sa simula, isasama ba ni Jehova ang isang satanikong klase ng tao sa Kanyang paglikha? Gagawa kaya Siya ng isang bagay na ganoon? Nilikha Niya ang tao para sa kapakanan ng Kanyang patotoo; nilikha Niya ang tao para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian. Sadya ba Niyang lilikhain ang isang klase ng supling ni Satanas upang kusang lumaban sa Kanya? Paano kaya magagawa ni Jehova ang gayong bagay? Kung ginawa Niya iyon, sino ang magsasabing Siya ay isang matuwid na Diyos? Kapag sinasabi Ko ngayon na ang ilan sa inyo ay ibibigay kay Satanas sa katapusan, hindi ito nangangahulugang nabibilang ka kay Satanas mula sa pasimula; sa halip, ito ay nangangahulugang bumagsak ka nang napakababa na kahit pa sinusubukan ng Diyos na iligtas ka, ikaw ay nabibigo pa rin na matanggap ang biyayang nagliligtas na iyon. Walang pagpipilian kundi isama ka sa pangkat ni Satanas. Ito ay dahil lang ikaw ay hindi na maililigtas, hindi dahil ang Diyos ay di-matuwid sa iyo at sinadyang paunang inorden ka na maging isang pagsasakatawan ni Satanas at pagkatapos ay ibinibigay ka kay Satanas at sadyang ginusto kang magdusa. Hindi iyan ang tunay na kuwento ng gawain ng paglupig. Kung iyan ang iyong pinaniniwalaan, ang iyong pagkaunawa ay lubhang makitid! Ang paglupig ng huling yugto ay naglalayong magligtas ng mga tao, at magbunyag din ng kanilang mga kinalabasan. Ito ay para ilantad ang pagkabulok ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol, sa gayon ay nagsasanhi sa kanila na magsisi, bumangon, at maghangad ng buhay at ng tamang landas sa buhay. Ito ay upang gisingin ang puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ibunyag, sa pamamagitan ng paghatol, ang panloob na paghihimagsik ng tao. Subalit, kung ang mga tao ay hindi pa rin magawang magsisi, hindi pa rin magawang maghangad sa tamang landas sa buhay at hindi magawang iwaksi ang mga katiwaliang ito, kung gayon, sila ay magiging mga pakay ng paglamon ni Satanas, na hindi na maililigtas. Ganoon ang kabuluhan ng paglupig: upang iligtas ang mga tao, at upang ibunyag din ang kanilang mga kinalabasan. Magagandang kinalabasan, masasamang kinalabasan—lahat ng ito ay ibinubunyag ng gawain ng paglupig. Maliligtas o isusumpa man ang mga tao ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawain ng paglupig.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kuwentong Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (1)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 31
Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng bagay ay ibubukod-bukod ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng paglupig. Ang paglupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa mga kasalanan ng bawat tao ay ang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, paano maibubukod-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri? Ang gawain ng pagbubukod-bukod ng bawat isa ayon sa kanilang uri na ginagawa sa gitna ninyo ay ang umpisa ng gayong gawain sa loob ng buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang mga tao ng lahat ng lupain at lahat ng bayan ay kakailanganin ding tanggapin ang gawain ng paglupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao sa sangnilikha ay kakailanganing ibukod-bukod ayon sa kanilang uri at magpasailalim sa harap ng hukumang-luklukan upang mahatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa ng pagkastigo at paghatol na ito, at wala ring sinumang tao o bagay ang hindi ibubukod-bukod ayon sa uri nito; ang bawat tao ay kaklasipikahin, dahil ang mga kinalabasan ng lahat ng bagay ay nalalapit na, at ang buong sansinukob ay nakarating na sa pagtatapos nito. Paano makatatakas ang tao sa araw kung kailan ang pag-iral ng tao ay magwawakas na? Kaya, gaano pa tatagal ang inyong mga paghihimagsik? Hindi ba’t nasa mismong harapan na ninyo ngayon ang inyong huling araw? Paanong hindi makikita ng mga natatakot sa Diyos at nasasabik na magpakita Siya ang araw ng pagpapakita ng katuwiran ng Diyos? Paanong hindi nila matatanggap ang huling gantimpala para sa kabutihan? Ikaw ba ay isa na gumagawa ng mabuti, o isa na gumagawa ng masama? Ikaw ba ay isa na tumatanggap ng matuwid na paghatol at pagkatapos ay nagpapasakop, o ikaw ba ay isa na tumatanggap ng matuwid na paghatol at pagkatapos ay sinusumpa? Namumuhay ka ba sa harap ng hukumang-luklukan sa liwanag, o namumuhay ka ba sa Hades sa gitna ng kadiliman? Hindi ba ikaw mismo ang nakakaalam nang pinakamalinaw kung ang iyong kalalabasan ay gantimpala o kaparusahan? Hindi ba ikaw ang isa na nakaaalam nang pinakamalinaw at nakauunawa nang pinakamalalim na ang Diyos ay matuwid? Kaya, ano ba talaga ang kalagayan ng iyong pag-uugali at puso? Habang nilulupig kita ngayon, kailangan mo pa ba talagang idetalye Ko para sa iyo kung ang iyong pag-uugali ay mabuti o masama? Gaano na karami ang iyong naisuko para sa Akin? Gaano kalalim ang pagsamba mo sa Akin? Hindi ba’t alam na alam mo sa sarili mo kung paano ka umaasal tungo sa Akin? Dapat mas alam mo kaysa kaninuman kung ano mismo ang iyong kalalabasan sa huli! Totohanang sinasabi Ko sa iyo: Nilikha Ko lamang ang sangkatauhan, at ikaw ay nilikha Ko, ngunit hindi Ko kayo ipinasa kay Satanas; at hindi Ko rin sinadyang paghimagsikin kayo laban sa Akin o labanan ninyo Ako at sa gayon ay maparusahan Ko. Hindi ba’t ang lahat ng kalamidad na ito ang napapala ninyo dahil sa pagiging masyadong mapagmatigas ng kalooban ninyo at pagiging masyadong kasuklam-suklam ng asal ninyo? Kaya, hindi ba’t magagawa rin ninyong pagpasyahan ang kalalabasan na makukuha ninyo? Hindi ba nalalaman ninyo sa inyong mga puso, higit sa kaninuman, kung ano ang kalalabasan ninyo? Ang dahilan kung bakit nilulupig Ko ang mga tao ay upang ibunyag sila, at upang mas mabigyan ka ng kaligtasan. Hindi ito upang pagawain ka ng masama, ni sadyang palakarin ka papunta sa impiyerno ng pagkawasak. Pagdating ng panahon, ang iyong matinding pagdurusa, ang pagtangis at pagngangalit ng iyong mga ngipin—hindi ba ang lahat ng ito ay dahil sa iyong mga kasalanan? Kaya, hindi ba ang iyong sariling kabutihan o ang iyong sariling kasamaan ang pinakamahusay na paghatol sa iyo? Hindi ba’t ito ang katibayan na pinakamainam na makapagbubunyag sa iyong kalalabasan?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kuwentong Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (1)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 32
Sa mga huling araw, naparito ang Diyos pangunahin upang ipahayag ang Kanyang mga salita. Nagpapahayag Siya mula sa perspektiba ng Espiritu, mula sa perspektiba ng tao, at mula sa perspektiba ng pangatlong tao; nagsasalita Siya sa iba’t ibang paraan, gamit ang isang paraan sa loob ng isang panahon, at ginagamit Niya ang mga paraang ito ng pagsasalita para baguhin ang mga kuru-kuro ng tao at tanggalin ang wangis ng malabong Diyos sa puso ng tao. Ito ang pangunahing gawaing ginagawa ng Diyos. Dahil naniniwala ang tao na kapag pumarito ang Diyos, pagagalingin Niya ang mga maysakit, palalayasin ang mga demonyo, gagawa Siya ng mga himala, at magkakaloob ng materyal na mga pagpapala sa tao, isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito ng gawain—ang gawain ng pagkastigo at paghatol—upang alisin ang gayong mga bagay sa mga kuru-kuro ng tao, idulot na makilala ng tao ang pagiging praktikal at normal ng Diyos, at alisin ang kasalukuyang wangis ni Jesus sa puso ng tao, sa halip ay binibigyang-daan ang panibagong wangis ng Diyos na umokupa sa puso ng tao. Sa sandaling maluma ang wangis ng Diyos sa loob ng tao, nagiging isang diyos-diyosan ito. Nang pumarito si Jesus at isagawa ang yugtong iyon ng gawain, hindi Niya kinatawan ang kabuuan ng Diyos. Nagsagawa Siya ng ilang tanda at kababalaghan, nagpahayag ng ilang salita, at sa huli ay ipinako sa krus. Kinatawan Niya ang isang bahagi ng Diyos. Hindi Niya maaaring katawanin ang lahat ng sa Diyos, kundi sa halip ay kinatawan Niya ang Diyos sa paggawa ng isang bahagi ng gawain ng Diyos. Iyon ay dahil napakadakila ng Diyos, at lubhang kamangha-mangha, at hindi Siya maarok, at dahil isang bahagi lamang ng Kanyang gawain ang ginagawa ng Diyos sa bawat kapanahunan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa kapanahunang ito ay pangunahing ang pagtutustos ng mga salita ng buhay para sa tao; ang paglalantad sa kalikasang diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon; at ang pag-aalis ng kanyang mga kuru-kurong panrelihiyon, piyudal na pag-iisip, lipas na pag-iisip, at kaalaman at kultura. Ang lahat ng bagay na ito ay dapat linisin sa pamamagitan ng paglalantad gamit ang mga salita ng Diyos. Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, hindi ng mga tanda at kababalaghan, para gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ibunyag ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, at upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan, inakay ni Jehova si Moises palabas ng Ehipto gamit ang Kanyang mga salita, at nagpahayag ng ilang salita sa mga Israelita; noon, bahagi ng mga gawa ng Diyos ay nabunyag, ngunit dahil limitado ang kakayahan ng tao at walang maaaring kumumpleto sa kanyang kaalaman, patuloy na nagsalita at gumawa ang Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Nagawang magpakita ni Jesus ng mga tanda at kababalaghan, magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at magpapako sa krus, at pagkaraan ng tatlong araw ay nabuhay Siyang mag-uli at nagpakita sa katawang-tao sa harap ng tao. Tungkol sa Diyos, wala nang ibang alam ang tao na higit pa rito. Ang nalalaman ng tao ay kasindami lamang ng ipinapamalas ng Diyos sa kanya, at kung wala nang anumang ipapamalas ang Diyos sa tao, iyon ang magiging lawak ng paglilimita ng tao sa Diyos. Sa gayon, patuloy na gumagawa ang Diyos, upang mas lumalim ang pagkakilala ng tao sa Kanya, at upang unti-unting makilala ng tao ang diwa ng Diyos. Sa mga huling araw, ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang tao. Ang iyong tiwaling disposisyon ay inilalantad ng mga salita ng Diyos, at ang iyong mga kuru-kurong pangrelihiyon ay pinapalitan ng pagiging praktikal ng Diyos. Sa mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos, pangunahin, para tuparin ang mga salitang “ang Salita ay nagkatawang-tao, ang Salita ay dumating sa loob ng katawang-tao, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao,” at kung wala kang masusing kaalaman tungkol dito, hindi ka magiging matatag. Sa mga huling araw, pangunahing layon ng Diyos na magsakatuparan ng isang yugto ng gawain kung saan nagpapakita ang Salita sa katawang-tao, at ito ay isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala ng Diyos. Sa gayon, kailangang maging lubos ang inyong kaalaman; paano man gumagawa ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos na limitahan Siya ng tao. Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito sa mga huling araw, hindi na lalago pa ang pagkakilala ng tao sa Kanya. Malalaman mo lamang na ang Diyos ay kayang ipako sa krus at kayang wasakin ang Sodoma, at na si Jesus ay kayang bumangon mula sa mga patay at magpakita kay Pedro…. Ngunit hindi mo sasabihin kailanman na ang mga salita ng Diyos ay kayang isakatuparan ang lahat, at kayang lupigin ang tao. Maaari mo lamang ipahayag ang gayong kaalaman sa pamamagitan ng pagdanas ng mga salita ng Diyos. Habang mas maraming gawain ng Diyos ang nararanasan mo, mas magiging lubos ang iyong pagkakilala sa Kanya, at saka mo lamang hindi lilimitahan ang Diyos sa loob ng sarili mong mga kuru-kuro. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang gawain; wala nang ibang tamang paraan para makilala ang Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kaalaman sa Kasalukuyang Gawain ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 33
Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, nauunawaan ng tao ang maraming hiwaga at ang gawaing nagawa ng Diyos sa nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, nauunawaan ng tao ang mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nailantad ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin ang gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at ang mga prinsipyo ng kanilang paggawa; sa pamamagitan ng salita, nauunawaan din ng tao ang disposisyon ng Diyos Mismo, natututunan niya ang tungkol sa pagiging mapaghimagsik at paglaban ng tao, at nalalaman niya ang kanyang sariling diwa. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng salitang binigkas, nalalaman ng tao ang gawain ng Espiritu, ang gawaing ginagawa ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at higit pa rito, ang Kanyang buong disposisyon. Ang iyong kaalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita. Hindi ba’t ang iyong kaalaman tungkol sa iyong dating mga kuru-kuro at tagumpay sa pagsasantabi sa mga ito ay nakamit din sa pamamagitan ng salita? Sa naunang yugto, ginawa ni Jesus ang mga tanda at mga himala, ngunit walang mga tanda at mga himala sa yugtong ito. Hindi ba’t ang iyong pagkaunawa kung bakit hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga himala ay nakamit din sa pamamagitan ng salita? Samakatwid, ang mga salitang binigkas sa yugtong ito ay lampas sa gawaing ginawa ng mga apostol at propeta ng mga nagdaang henerasyon. Kahit na ang mga propesiya na sinabi ng mga propeta ay hindi magagawang magkamit ng resultang ito. Ang mga propeta ay naghayag lamang ng mga propesiya, ng kung ano ang mangyayari sa hinaharap, ngunit hindi ng gawain na nais gawin ng Diyos sa panahong iyon. Hindi rin sila nagsalita upang gabayan ang tao sa kanilang mga buhay, o upang magkaloob ng mga katotohanan sa sangkatauhan o upang magbunyag sa tao ng mga hiwaga, at lalo nang hindi upang magkaloob ng buhay. Sa mga salitang binigkas sa yugtong ito, mayroong propesiya at katotohanan, ngunit ang mga ito ay pangunahing naglilingkod upang magkaloob ng buhay sa tao. Ang mga salita sa kasalukuyan ay hindi tulad ng mga propesiya ng mga propeta. Ito ay isang yugto ng gawain, at ito ay isinasagawa alang-alang sa buhay ng tao, para baguhin ang buhay disposisyon ng tao, at hindi para sa pagpapahayag ng propesiya. Ang unang yugto ay ang gawain ni Jehova: ang Kanyang gawain ay ang ihanda ang isang landas upang sambahin ng tao ang Diyos sa lupa. Ito ang gawain ng pag-uumpisa, at ito ay nilayon upang makahanap ng isang lugar ng pinagmulan sa lupa para sa gawain. Noong panahong iyon, tinuruan ni Jehova ang mga Israelita na sundin ang Sabbath, igalang ang kanilang mga magulang at mamuhay nang mapayapa kasama ang isa’t isa. Ito ay dahil hindi naunawaan ng mga tao nang panahong iyon kung ano ang bumubuo sa tao, at hindi rin nila naunawaan kung paano mabuhay sa lupa. Kinailangan sa unang yugto ng gawain na gabayan Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga pamumuhay. Ang lahat ng sinabi ni Jehova sa kanila ay hindi pa naipaalam sa sangkatauhan sa nakaraan o nataglay man nila. Nang panahong yaon, itinaas ng Diyos ang maraming propeta upang magsalita ng mga propesiya, at nagpropesiya silang lahat sa ilalim ng paggabay ni Jehova. Ito ay isang bagay lamang sa gawain ng Diyos. Sa unang yugto, ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, kaya Siya ay nagtagubilin sa lahat ng tribo at bansa sa pamamagitan ng mga propeta. Nang ginawa ni Jesus ang Kanyang gawain sa panahon Niya, hindi Siya nagsalita ng kasingdami ng sa kasalukuyan. Ang yugtong ito ng gawain ng salita sa mga huling araw ay hindi pa kailanman nagawa sa nakaraang mga kapanahunan at mga henerasyon. Kahit na sina Isaias, Daniel at Juan ay gumawa ng maraming propesiya, ang kanilang mga propesiya ay ganap na naiiba mula sa mga salita na binibigkas ngayon. Ang kanilang mga binigkas ay mga propesiya lamang, ngunit ang mga salita ngayon ay hindi. Kung ginawa Kong mga propesiya ang lahat ng Aking mga sinasabi ngayon, magagawa ba ninyong maunawaan? Ipagpalagay na ang Aking sinasabi ay mga bagay pagkatapos Kong umalis, paano ka kung gayon maaaring makatamo ng pagkaunawa? Ang gawain ng salita ay hindi kailanman ginawa sa panahon ni Jesus o sa Kapanahunan ng Kautusan. Marahil ay sasabihin ng ilan, “Hindi ba nagwika rin si Jehova ng mga salita sa panahon ng Kanyang gawain? Bukod sa pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo at paggawa ng mga tanda at mga himala, hindi ba nagwika rin ng mga salita si Jesus nang panahong gumagawa Siya?” May mga pagkakaiba sa mga sinabi. Ano ang diwa ng mga salita na binigkas ni Jehova? Ginagabayan lamang Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa, na walang kinalaman sa espirituwal na mga bagay sa buhay. Bakit sinasabi na, nang nagsalita si Jehova, ito ay para magtagubilin sa mga tao sa lahat ng lugar? Ang salitang “magtagubilin” ay nangangahulugang pagsasabi nang tahasan at pag-uutos nang tuwiran. Hindi Siya nagtustos ng buhay sa tao; sa halip, hinawakan Niya lamang ang kamay ng tao at tinuruan ang tao kung paano Siya katakutan, nang wala masyadong mga parabula. Ang gawain ni Jehova sa Israel ay hindi ang pungusan o disiplinahin ang tao o ang magdala ng paghatol at pagkastigo, ito ay ang gabayan siya. Inutusan ni Jehova si Moises na sabihin sa Kanyang bayan na magtipon ng mana sa kaparangan. Tuwing umaga bago ang pagsikat ng araw, sila ay dapat mag-ipon ng mana, na sapat lamang upang kainin nila sa araw na iyon. Ang mana ay hindi maaaring itabi hanggang sa susunod na araw, sapagkat ito ay aamagin. Hindi Niya pinagalitan ang tao o inilantad ang kanilang mga kalikasan, at hindi Niya rin inilantad ang kanilang mga ideya at mga iniisip. Hindi Niya binago ang mga tao kundi ginabayan sila sa kanilang mga buhay. Sa panahong iyon, ang mga tao ay tulad ng mga bata, walang nauunawaan na kahit ano at nakakagawa lamang ng ilang payak na mekanikal na pagkilos, at kaya nagtalaga lamang si Jehova ng mga kautusan upang gabayan ang mga tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 34
Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t ibang kapanahunan, at sa iba’t ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t ibang salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga regulasyon, o nag-uulit ng katulad na gawain, o nakararamdam ng pangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na laging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bumibigkas Siya bawat araw ng mga bagong salita. Dapat kang sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakahalaga na ang pagsasagawa ay nakatuon sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga regulasyon, at nagagawa Niyang magsalita mula sa maraming magkakaibang perspektiba upang ipamalas ang Kanyang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Hindi mahalaga kung Siya man ay nangungusap mula sa perspektiba ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong panig—ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi mo masasabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektiba ng tao mula kung saan Siya nangungusap. May ilang taong nagkaroon ng mga kuru-kuro bilang bunga ng magkakaibang perspektiba mula kung saan nangungusap ang Diyos. Ang ganoong mga tao ay walang pagkakilala sa Diyos, at walang pagkakilala sa Kanyang gawain. Kung ang Diyos ay laging nangungusap mula sa isang perspektiba, hindi ba’t lilimitahan ng tao ang Diyos? Mapahihintulutan kaya ng Diyos na kumilos ang tao sa ganoong paraan? Mula sa alinmang perspektiba nangungusap ang Diyos, may mga layunin Siya sa paggawa ng ganoon. Kung ang Diyos ay laging mangungusap mula sa perspektiba ng Espiritu, magagawa mo kayang makipag-ugnayan sa Kanya? Kaya, kung minsan ay nangungusap Siya mula sa perspektiba ng ikatlong panig upang tustusan ka at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay naaangkop. Sa maikling salita, ginagawa itong lahat ng Diyos, at hindi mo ito dapat pagdudahan. Siya ay Diyos, at kaya kung saang perspektiba man Siya nagsasalita, lalagi Siyang Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang diwa Niya ay hindi magbabago! Mahal na mahal ni Pedro ang Diyos at isa siyang taong naaayon sa mga layunin ng Diyos, pero hindi nagpatotoo sa kanya ang Diyos bilang ang Panginoon o si Cristo, sapagkat ang diwa ng isang nilalang ay kung ano iyon, at hindi kailanman magbabago. Sa Kanyang gawain, hindi sumusunod ang Diyos sa mga regulasyon, kundi gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan upang gawing mabisa ang Kanyang gawain at mapalalim ang pagkakilala ng tao sa Kanya. Ang layunin sa likod ng bawat paraan Niya ng paggawa ay para makatulong sa tao na makilala Siya, at upang gawing perpekto ang tao. Anumang paraan ng paggawa ang ginagamit Niya, ang bawat isa ay upang mapatibay ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagama’t ang isa sa Kanyang mga paraan ng paggawa ay tumagal na nang napakahabang panahon, ito ay upang mapanday ang pananalig ng tao sa Kanya. Kaya’t dapat ay walang alinlangan sa inyong mga puso. Ang lahat ng ito ang mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat kayong magpasakop sa mga ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Naisasakatuparan ng Salita ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 35
Pangunahing pumarito ang Diyos sa lupa para bigkasin ang Kanyang mga salita; ang salita ng Diyos ang iyong nakakaugnayan, ang salita ng Diyos ang iyong nababasa, ang salita ng Diyos ang iyong naririnig, ang salita ng Diyos ang iyong sinusunod, ang salita ng Diyos ang iyong nararanasan, at sa pagkakatawang-tao sa pagkakataong ito, pangunahing ginagamit ng Diyos ang salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, at lalong hindi Niya ginagawa ang gawaing ginawa ni Jesus sa nakaraan. Bagama’t Sila ay Diyos, at parehong nasa katawang-tao, hindi magkatulad ang Kanilang mga ministeryo. Nang dumating si Jesus, ginawa rin Niya ang bahagi ng gawain ng Diyos, at nangusap ng ilang salita—subalit ano ang pangunahing gawain na isinakatuparan Niya? Ang pangunahing isinakatuparan Niya ay ang gawain ng pagpapapako sa krus. Naging wangis Siya ng makasalanang laman upang kumpletuhin ang gawain ng pagpapapako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan, at nagsilbi Siyang handog para sa kasalanan alang-alang sa mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Ito ang pangunahing gawain na isinakatuparan Niya. Sa huli, ipinakita Niya ang landas ng krus sa yaong mga sumunod kalaunan. Nang dumating si Jesus, ito ay pangunahing para kumpletuhin ang gawain ng pagtubos. Tinubos Niya ang buong sangkatauhan, at dinala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa tao, at, dagdag pa, dinala Niya ang landas tungo sa kaharian ng langit. Bilang bunga, lahat ng yaong mga sumunod ay nagsabing, “Dapat tayong lumakad sa landas ng krus, at ialay ang ating mga sarili para sa krus.” Mangyari pa, sa pasimula, gumawa rin si Jesus ng ilang iba pang gawain at nangusap ng ilang salita upang papagsisihin ang tao at papagkumpisalin ng kanyang mga kasalanan. Subalit ang Kanyang ministeryo ay ang pagpapapako pa rin sa krus, at ang tatlo’t kalahating taon na ginugol Niya sa pangangaral ng daan ay bilang paghahanda para sa pagpapapako sa krus na sumunod. Ang ilang beses na nanalangin si Jesus ay alang-alang din sa pagpapapako sa krus. Ang normal na buhay ng tao na ipinamuhay Niya at ang tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na nabuhay Siya sa lupa ay pangunahing alang-alang sa pagkukumpleto ng gawain ng pagpapapako sa krus; ang mga iyon ay upang magbigay sa Kanya ng lakas na pasanin ang gawaing ito. Iyon ang dahilan kung bakit sinasabing ipinagkatiwala ng Diyos sa Kanya ang gawain ng pagpapapako sa krus. Anong gawain ang isasakatuparan ngayon ng Diyos na nagkatawang-tao? Ngayon, ang Diyos ay nagkatawang-tao pangunahin upang tapusin ang gawain ng “ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao.” Ginagamit Niya ang salita para gawing perpekto ang tao, at ipinapatanggap sa tao ang pagpupungos ng salita at ang pagpipino ng salita. Sa Kanyang mga salita, ginagawa Niyang magkamit ka ng panustos at buhay, at makita mo ang Kanyang gawain at mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang salita upang kastiguhin at pinuhin ka, at sa gayon, kahit dumanas ka ng pasakit, ito ay dahil din sa salita ng Diyos. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa gamit ang mga katunayan, kundi mga salita. Pagkatapos dumating sa iyo ang salita Niya, saka lamang makagagawa sa loob mo ang Banal na Espiritu at makapagdudulot sa iyo na magdusa ng pasakit o makatikim ng katamisan. Tanging ang salita ng Diyos ang makapagdadala sa iyo tungo sa realidad, at tanging ang salita ng Diyos ang may kakayahang gawin kang perpekto. Kaya naman, dapat mo man lamang maunawaan ito: Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa mga huling araw ay pangunahing ang paggamit ng Kanyang salita upang gawing perpekto ang bawat tao at gabayan ang tao. Ang lahat ng gawain na ginagawa Niya ay sa pamamagitan ng salita; hindi Siya gumagamit ng mga katunayan upang kastiguhin ka. May mga panahon na ang ilang tao ay lumalaban sa Diyos. Hindi nagsasanhi ang Diyos ng matinding kawalang-ginhawa sa iyo, ang iyong laman ay hindi kinakastigo, ni nagdurusa ng anumang pasakit—subalit sa sandaling dumating sa iyo ang Kanyang salita, at pinuhin ka nito, hindi mo ito mababata. Hindi ba’t gayon nga? Sa panahon ng mga tagapagserbisyo, sinabi ng Diyos na itapon ang tao sa walang hanggang hukay. Tunay nga bang nauwi ang tao sa walang hanggang hukay? Sa pamamagitan lamang ng paggamit ng mga salita upang pinuhin ang tao, pumasok ang tao sa walang hanggang hukay. Samakatwid, sa mga huling araw, kapag nagkakatawang-tao ang Diyos, pangunahin Niyang ginagamit ang salita upang isakatuparan ang lahat at ipamalas ang lahat. Sa Kanyang mga salita mo lamang makikita kung ano Siya; sa Kanyang mga salita mo lamang makikita na Siya ang Diyos Mismo. Kapag ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginagawang gawain kundi ang mangusap ng mga salita—kaya hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita lamang. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, upang hayaan ang tao na mamasdan ang Kanyang dakilang kapangyarihan at ang Kanyang pagiging kataas-taasan sa Kanyang mga salita, upang hayaan ang tao na makita ang Kanyang kababaang-loob at pagiging tago sa Kanyang mga salita, at hayaan ang tao na makilala ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. Ang lahat ng mayroon Siya at ang lahat ng kung ano Siya ay nasa Kanyang mga salita. Ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha ay nasa Kanyang mga salita. Sa ganito mo makikita ang maraming pamamaraan kung paano binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita. Napakatagal na panahon nang gumagawa ang Diyos, at kadalasan na Niyang tinutustusan ang tao, inilalantad ito o pinupungusan ito. Hindi basta-basta sinusumpa ng Diyos ang isang tao, at kahit na ginagawa pa ito ng Diyos, sa pamamagitan ng salita isinusumpa ng Diyos ang tao. Samakatwid, sa kapanahunang ito ng Diyos na naging tao, huwag mong asahang makita ang Diyos na muling nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo, at itigil mo ang palagiang paghahanap ng mga tanda—walang silbi ang mga ito! Hindi magagawang perpekto ang tao ng mga tandang iyon! Sa malinaw na pananalita: Ngayon, ang praktikal na Diyos Mismo na nagkatawang-tao ay hindi kumikilos; nangungusap lamang Siya. Ito ang katotohanan! Gumagamit Siya ng mga salita upang gawin kang perpekto, at gumagamit ng mga salita upang pakainin at diligan ka. Gumagamit din Siya ng mga salita upang gumawa, at gumagamit Siya ng mga salita upang palitan ang mga katunayan at upang makilala mo ang pagiging praktikal Niya. Kung nakikita mo ang paraang ito ng gawain ng Diyos nang malinaw, malamang na hindi ka na magiging negatibo. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na negatibo, dapat ninyong pagtuunan ng pansin yaong mga positibo lamang—na ibig sabihin, natutupad man o hindi ang mga salita ng Diyos, o mayroon man o walang pagdating ng mga katunayan, nagsasanhi ang Diyos na matamo ng tao ang buhay mula sa Kanyang mga salita, at ito ang pinakadakila sa lahat ng tanda; at lalong higit pa, ito ay isang di-mapapasubaliang katunayan. Ito ang pinakamainam na katibayan na magagamit sa pagkilala sa Diyos, at mas dakila pang tanda kaysa sa mga tanda. Tanging ang mga salitang ito ang makakagawang perpekto sa tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Naisasakatuparan ng Salita ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 36
Sa sandaling nagsimula ang Kapanahunan ng Kaharian, sinimulan ng Diyos na magpahayag ng Kanyang mga salita. Sa hinaharap, unti-unting matutupad ang mga salitang ito, at sa panahong iyan, ang buhay ng tao ay magiging hinog na. Gumagamit ang Diyos ng salita upang ilantad ang mga tiwaling disposisyon ng tao; mas praktikal ito, at higit na kailangan. Wala Siyang ginagamit kundi ang salita upang gawin ang Kanyang gawain para magawang perpekto ang pananalig ng tao, sapagkat Kapanahunan ng Salita ngayon, at nangangailangan ito ng pananalig, determinasyon, at pakikipagtulungan ng tao. Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ang paggamit ng Kanyang salita upang maglingkod at maglaan para sa tao. Magsisimulang matupad ang mga salita ng Diyos pagkaraang matapos lamang nakapangusap ng Kanyang mga salita ang Diyos na nagkatawang-tao. Sa panahon na Siya ay nangungusap, hindi natutupad ang Kanyang mga salita, sapagkat kapag nasa yugto Siya ng katawang-tao, hindi maaaring matupad ang Kanyang mga salita. Ito ay upang makita ng tao na katawang-tao at hindi Espiritu ang Diyos; upang sa gayon ay makita ng tao sa sarili niyang mga mata ang pagiging praktikal ng Diyos. Sa araw na tapos na ang Kanyang gawain, kapag nasabi na ang lahat ng salita na dapat maipahayag Niya sa lupa, magsisimulang matupad ang Kanyang mga salita. Hindi ngayon ang kapanahunan ng katuparan ng mga salita ng Diyos, sapagkat hindi pa Siya natatapos magwika ng Kanyang mga salita. Kaya’t kapag nakita mo na nagwiwika pa rin ang Diyos ng Kanyang mga salita sa lupa, huwag mong hintayin ang katuparan ng Kanyang mga salita; kapag huminto na ang Diyos sa pagsasabi ng Kanyang mga salita, at kapag natapos na ang Kanyang gawain sa lupa, iyon ang panahon kung kailan magsisimulang matupad ang Kanyang mga salita. Sa mga salitang winiwika Niya sa lupa, sa isang banda, mayroong pagtutustos ng buhay, at sa kabilang banda, may propesiya—ang propesiya ng mga bagay na darating, ng mga bagay na gagawin, at ng mga bagay na isasakatuparan pa lamang. May propesiya rin sa mga salita ni Jesus. Sa isang banda, nagtustos Siya ng buhay, at sa kabilang banda, nangusap Siya ng propesiya. Ngayon, walang usapan tungkol sa sabay na kaganapan ng mga salita at mga katunayan sapagkat may napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang kayang makita ng sariling mga mata ng tao at ng mga katunayang isinasakatuparan ng Diyos. Masasabi lamang na sa sandaling natapos na ang gawain ng Diyos, matutupad ang Kanyang mga salita, at mangyayari ang mga katunayan pagkaraan ng mga salita. Sa mga huling araw, pumaparito sa lupa ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang ministeryo ng salita, at sa paggampan ng ministeryo ng salita, nangungusap lamang Siya ng mga salita, at hindi alintana ang ibang mga bagay. Sa sandaling magbago ang gawain ng Diyos, magsisimulang matupad ang Kanyang mga salita. Ngayon, unang ginagamit ang mga salita upang gawin kang perpekto; kapag nagkamit Siya ng kaluwalhatian sa buong sansinukob, matatapos na ang Kanyang gawain—masasabi na ang lahat ng salitang dapat masabi, at magiging mga katunayan na ang lahat ng salita. Naparito sa lupa ang Diyos sa mga huling araw upang gampanan ang ministeryo ng salita upang makilala Siya ng sangkatauhan, at upang makita ng sangkatauhan kung ano Siya, pati na ang Kanyang karunungan at lahat ng Kanyang kamangha-manghang mga gawa, mula sa Kanyang salita. Sa Kapanahunan ng Kaharian, pangunahing ginagamit ng Diyos ang salita upang lupigin ang lahat ng sangkatauhan. Sa hinaharap, sasapit din ang Kanyang salita sa bawat relihiyon, sektor, bansa at denominasyon. Ginagamit ng Diyos ang salita upang manlupig, upang makita ng lahat ng tao na nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan ang Kanyang salita—at kaya ngayon, tanging salita ng Diyos ang kinakaharap ninyo.
Iba ang mga salita na winika ng Diyos sa kapanahunang ito sa mga winika noong Kapanahunan ng Kautusan, at kaya, gayon din, naiiba ang mga iyon mula sa mga salita na winika noong Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng salita ay hindi ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya; nabanggit lamang ang pagpapapako ng Diyos sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Tinutukoy lamang ng Bibliya kung bakit kailangang ipako sa krus si Jesus, ang mga pagdurusang dinanas Niya sa pagpapapako sa krus, at kung paanong dapat maipako sa krus ang tao para sa Diyos. Sa kapanahunang iyon, nakatuon sa pagpapapako sa krus ang lahat ng gawain na ginawa ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kaharian, nagwiwika ang Diyos na nagkatawang-tao ng mga salita upang lupigin ang lahat ng nananampalataya sa Kanya. Ito ay “ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao”; dumating ang Diyos sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang gawaing ito, at upang isakatuparan ang aktuwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Nagwiwika lamang Siya ng mga salita, at bihirang may pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakadiwa ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at kapag nagwiwika ng Kanyang mga salita ang Diyos na nagkatawang-tao, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na pumaparito sa katawang-tao. “Nang pasimula Siya ang Daan, at ang Daan ay sumasa Diyos, at ang Daan ay Diyos, at nagkatawang-tao ang Salita.” Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw, at ang huling kabanata ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at kaya kailangan ngang pumarito ang Diyos sa lupa at ipamalas ang Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong ginagawa ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong isasakatuparan ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, kung sino ang maliligtas, kung sino ang mamamatay, at iba pa—maliwanag nang nakasaad ang lahat ng gawaing ito na dapat maisakatuparan sa katapusan, at ang lahat ng ito ay upang isakatuparan ang aktuwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Ang mga atas administratibo at saligang-batas na dati nang nailabas, kung sino ang mamamatay, kung sino ang papasok sa kapahingahan—dapat na matupad ang lahat ng salitang ito. Ito ang gawaing pangunahing isinasakatuparan ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, upang maunawaan ng mga tao kung saan nabibilang yaong mga paunang itinadhana ng Diyos at kung saan nabibilang yaong mga hindi paunang itinadhana ng Diyos, kung paano makaklasipika ang Kanyang mga tao at mga anak, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Ehipto—sa hinaharap, matutupad ang bawat isa sa mga salitang ito. Bumibilis ang mga hakbang ng gawain ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang paraan upang sabihin sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, at ang ministeryo na Kanyang gagampanan, at lahat ng salitang ito ay upang isakatuparan ang aktuwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Naisasakatuparan ng Salita ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 37
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa buong sansinukob. Dapat tanggapin ng lahat ng nananampalataya sa Kanya ang Kanyang salita, at kainin at inumin ang Kanyang salita; walang sinuman ang makakamit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakita sa mga tanda at mga kababalaghan na ipinakita ng Diyos. Sa lahat ng mga kapanahunan at mga henerasyon, laging ginagamit ng Diyos ang salita upang gawing perpekto ang tao. Kaya’t hindi ninyo dapat iniuukol ang lahat ng inyong atensiyon sa mga tanda at mga kababalaghan, bagkus ay hangarin ninyo na magawang perpekto ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, nagwika ang Diyos ng ilang salita, at sa Kapanahunan ng Biyaya, nagwika rin si Jesus ng maraming salita. Pagkatapos magsabi ng maraming salita si Jesus, pinamunuan ng mga sumunod na apostol at disipulo ang mga tao sa pagsasagawa ayon sa mga kautusang ipinalabas ni Jesus, at nakaranas sila ng mga bagay-bagay ayon sa mga salitang winika ni Jesus at mga prinsipyong ipinahayag Niya. Sa mga huling araw, pangunahing gumagamit ang Diyos ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang pilitin ang tao na mapaniwala; hindi nito maipapamalas ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, hindi nito maipapamalas ang pagiging praktikal ng Diyos, at hindi nito magagawang perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, bagkus ay gumagamit ng salita upang diligan at pastulin ang tao, pagkatapos nito ay ganap nang makapagpapasakop ang tao sa Diyos at makakamit ang pagkakilala sa Diyos. Ito ang layunin ng gawaing ginagawa Niya at ng mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit ng maraming pamamaraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang pagpipino, pagpupungos, o pagtutustos ng mga salita, nagsasalita ang Diyos mula sa maraming iba’t ibang perspektiba upang gawing perpekto ang tao, at upang mabigyang-daan ang tao na makapagkamit ng mas maraming pagkakilala sa gawain, karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay nagawang ganap sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kalipikado siya na tumingin sa mga tanda at kababalaghan. Kapag nakilala mo ang Diyos at nagawa mong magpasakop sa Diyos anuman ang gawin Niya, hindi ka na magkakaroon ng anumang mga kuru-kuro tungkol sa Kanya kapag nakakita ka ng mga tanda at kababalaghan. Sa sandaling ito, ikaw ay tiwali at walang kakayahang ganap na magpasakop sa Diyos—sa palagay mo ba na kalipikado kang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Kapag nagpapakita ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, iyon ang panahon na pinaparusahan ng Diyos ang tao, at kung kailan din nagbabago ang kapanahunan, at, higit lalo, kung kailan nagwawakas ang kapanahunan. Kapag normal na isinasakatuparan ang gawain ng Diyos, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Labis na madali para sa Kanya na magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ngunit hindi iyon ang prinsipyo ng gawain ng Diyos, ni ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa tao. Kung makakita ang tao ng mga tanda at mga kababalaghan, at magpapakita rin sa tao ang espirituwal na katawan ng Diyos, hindi ba’t “mananampalataya” sa Diyos ang lahat ng tao? Dati Ko nang sinabi na matatamo mula sa Silangan ang isang grupo ng mga mananagumpay, mga mananagumpay na magmumula sa malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang ibig sabihin ng mga ito ay na ang mga taong ito na nakamit na ay tunay lamang na mapagpasakop matapos dumaan sa paghatol, pagkastigo, pagpupungos, at sa lahat ng uri ng pagpipino. Hindi malabo, bagkus ay praktikal ang pananampalataya ng mga taong ito. Hindi pa sila nakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nakakapagsalita ng matatayog na salita at doktrina, o nakakapagsabi ng malalalim na kabatiran; sa halip, mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang praktikal at tunay na pagkakilala sa Diyos. Hindi ba’t mas naipapamalas ng ganoong grupo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos? Praktikal na gawain ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Noong kapanahunan ni Jesus, hindi Siya naparito upang gawing perpekto ang tao, kundi upang tubusin ang tao, at sa gayon ay nagpakita Siya ng ilang himala upang mapasunod Niya ang mga tao sa Kanya. Sapagkat pangunahing naparito Siya upang kumpletuhin ang gawain ng pagpapapako sa krus, at hindi bahagi ng gawain ng Kanyang ministeryo ang pagpapakita ng mga tanda. Ang ganoong mga tanda at mga kababalaghan ay mga gawain na ginawa upang gawing mabisa ang Kanyang gawain; ang mga iyon ay dagdag na gawain, at hindi kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Noong Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, nagpakita rin ang Diyos ng ilang tanda at mga kababalaghan—subalit praktikal na gawain ang gawain ng Diyos ngayon, at tiyakang hindi Siya magpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ngayon. Kung nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, magugulo ang praktikal Niyang gawain, at hindi na Siya makakagawa pa ng anumang karagdagang gawain. Kung sinabi ng Diyos na gamitin ang salita upang gawing perpekto ang tao, ngunit nagpakita rin ng mga tanda at mga kababalaghan, maibubunyag ba niyon kung tunay bang nananampalataya o hindi ang tao sa Kanya? Kaya, hindi gumagawa ang Diyos ng ganoong mga bagay. Sadyang napakarami ng relihiyon sa loob ng tao; naparito ang Diyos sa mga huling araw upang alisin ang lahat ng relihiyosong mga kuru-kuro at mga bagay na higit-sa-karaniwan sa loob ng tao, para makilala ng tao ang pagiging praktikal ng Diyos, at upang alisin ang isang wangis ng diyos na malabo at hindi makatotohanan, at masasabing hindi talaga umiiral. At sa gayon, ang tanging bagay na mahalaga ngayon ay ang magkaroon ka ng pagkakilala sa pagiging praktikal! Ang katotohanan ang nangingibabaw sa lahat ng bagay. Gaanong katotohanan ang taglay mo ngayon? Ang lahat ba ng nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ay Diyos? Makapagpapakita rin ng mga tanda at mga kababalaghan ang masasamang espiritu; ang lahat ba ng mga iyon ay Diyos? Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, ang hinahanap ng tao ay ang katotohanan, at ang hinahangad niya ay buhay, sa halip na mga tanda at mga kababalaghan. Ito ang dapat maging layon ng lahat niyaong nananampalataya sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Naisasakatuparan ng Salita ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 38
Sa panahong iyon, ang gawain ni Jesus ay ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng nanampalataya sa Kanya ay pinatawad; basta’t ikaw ay nanampalataya sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay nanampalataya sa Kanya, hindi ka na sa kasalanan, inalis sa iyo ang iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng matubos, at mapawalang-sala ng pananalig. Ngunit sa mga nanampalataya, mayroon pa ring nanatiling mga bagay na mapaghimagsik at kontra sa Diyos, at kailangan pa ring dahan-dahang alisin. Ang pagtubos ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusan nang nakamit ni Jesus, kundi na ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan. Basta’t nanampalataya ka sa Kanya, hindi ka na nasa kasalanan pa. Sa panahong iyon, si Jesus ay gumawa ng maraming gawain na hindi maintindihan ng Kanyang mga disipulo, at nagsabi ng maraming bagay na hindi naunawaan ng mga tao. Ito ay dahil, sa panahong iyon, hindi Siya nagbigay ng anumang paliwanag. Kaya, ilang taon pagkatapos Niyang umalis, nilikha ni Mateo ang talaangkanan ni Jesus, at gumawa rin ang iba ng maraming gawain na naaayon sa kalooban ng tao. Hindi pumarito si Jesus upang gawing perpekto at kamitin ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: ang dalhin ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus. At kaya, nang naipako na sa krus si Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos nang natapos. Ngunit sa kasalukuyang yugto—ang gawain ng paglupig—mas maraming salita ang dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at kailangang magkaroon ng maraming proseso. Kaya dapat ding mabunyag ang mga misteryo ng gawain nina Jesus at Jehova, nang sa gayon ay magkakaroon ang lahat ng tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang pananampalataya, dahil ito ang gawain sa mga huling araw, at ang mga huling araw ang kongklusyon ng gawain ng Diyos, ang panahon ng pagtatapos ng gawain. Gagawing ganap na malinaw para sa iyo ng yugtong ito ng gawain ang kautusan ni Jehova at ang pagtubos ni Jesus, at pangunahin na ito’y upang maunawaan mo ang buong gawain ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, at maunawaan mo ang lahat ng kabuluhan at diwa ng anim na libong taong planong ito ng pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ng mga salitang Kanyang sinabi, at maging ang iyong pikit-matang paniniwala at pagsamba sa Bibliya. Tutulutan ka nito na lubos na maunawaan ang lahat ng ito. Magagawa mong maunawaan kapwa ang gawain na ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan at mapagmamasdan mo ang lahat ng katotohanan, buhay, at daan. Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus, bakit umalis si Jesus nang hindi ginagawa ang pagtatapos na gawain? Dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay hindi ang gawain ng pagtatapos. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang Kanyang mga salita ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya sa krus, ang Kanyang gawain ay ganap nang nagwakas. Hindi ito kagaya ng kasalukuyang yugto, kung saan matatapos lamang ang gawain ng Diyos pagkatapos sambitin ang mga salita hanggang sa katapusan at magwakas ang Kanyang buong gawain. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maraming salita ang nanatiling hindi naipahayag, o hindi naipahayag nang buong linaw. Ngunit hindi mahalaga kay Jesus kung ganap bang naipahayag ang Kanyang mga salita, dahil ang Kanyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay pangunahing para sa pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng kasalukuyang yugto. Ang kasalukuyang yugtong ito ng gawain ay pangunahing para sa pagtatapos, paglilinis, at paghahatid ng lahat ng gawain sa isang katapusan. Kung hindi binibigkas ang mga salita hanggang sa katapusan, magiging imposibleng matapos ang gawaing ito, dahil sa yugtong ito ng gawain, ang lahat ng gawain ay tinatapos at isinasakatuparan sa pamamagitan ng mga salita. Noong panahong iyon, nagsagawa si Jesus ng maraming gawain na hindi maunawaan ng tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin na hindi nakauunawa sa Kanyang mga salita. Mali ang pagkaunawa nila ngunit naniniwala pa rin sila na ito ay tama, at hindi alam na mali sila. Ang huling yugto ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas at magbibigay ng kongklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano ng pamamahala ng Diyos. Ang mga kuru-kuro sa loob ng tao, ang kanyang mga intensiyon, ang kanyang walang-katotohanang pagkaunawa, ang kanyang mga kuru-kuro sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang mga pananaw tungkol sa mga walang pananampalataya, at ang lahat ng kanyang iba pang mga kabaluktutan ay itatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas sa buhay, at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugtong ito ng gawain ay matatapos na. Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, iyon ang simula; ang yugtong ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang kongklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga taong hinirang sa Israel, at ito ay gawaing nagbukas ng bagong yugto sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at wakasan ang kapanahunan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, ang liwanag ay dadalhin, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa ganitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at kinilala ng buong populasyon na mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katunayang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay representatibo. Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay ganap nang magwawakas. Sa oras na ang mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Kung gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng representatibong kabuluhan. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng sa laman, kay Satanas, at sa karnalidad. Ang mga Tsino ang pinakaginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamababa at pinakamarumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na walang anumang problema sa ibang mga bansa; ang mga kuru-kuro ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay maaaring mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila kilala ang Diyos, tiyak na sinasalungat nila Siya. Bakit kumontra at naghimagsik din ang mga Hudyo laban sa Diyos? Bakit kinontra rin Siya ng mga Pariseo? Bakit ipinagkanulo ni Hudas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling mabuhay, ay hindi pa rin nananampalataya sa Kanya ang mga tao? Hindi ba’t pare-pareho lamang ang paghihimagsik ng tao? Ginagawa lamang halimbawa ang mga tao ng Tsina, at kapag sila ay nalupig, sila ay magiging mga huwaran at uliran, at magsisilbing reperensiya para sa iba. Bakit palagi Kong sinasabi na kayo ay dugtong sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina pinakalubos na naipapamalas ang katiwalian, karumihan, pagiging di-matuwid, pagsalungat, at paghihimagsik sa lahat ng iba’t ibang anyo ng mga ito. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay salat at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay representatibo, at pagkatapos ganap na gawin itong gawain ng pagsubok, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na madali. Kapag natapos na ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay hindi na magiging mahirap kahit kaunti. Sa oras na maisakatuparan na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang makakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob ay ganap nang magwawakas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 39
Ang Kapanahunan ng Biyaya ay nagsimula sa pangalan ni Jesus. Noong magsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehova ay hindi na binanggit; sa halip, pangunahing ginawa ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga nanampalataya sa Kanya ay inilahad para kay Jesucristo, at ang gawain na kanilang ginawa ay para rin kay Jesucristo. Ang kongklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangahulugan na ang gawain na pangunahing isinagawa sa pangalan ni Jehova ay natapos na. Simula nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at magmula noon ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain nang pangunahin sa pangalan ni Jesus. Kaya, ngayon ay kumakain at umiinom ka pa rin ng mga salita ni Jehova, at ginagamit pa rin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan sa mga bagay-bagay—hindi ba’t naglalapat ka ng mga regulasyon? Hindi ka ba nananatili sa nakaraan? Batid na ninyo ngayon na ang mga huling araw ay dumating na. Maaari kaya na sa pagdating ni Jesus, Siya ay tatawagin pa ring Jesus? Sinabi ni Jehova sa mga mamamayan ng Israel na darating ang Mesiyas, ngunit nang Siya ay dumating, hindi Siya tinawag na Mesiyas kundi Jesus. Sinabi ni Jesus na Siya ay muling darating, at ang Kanyang pagdating ay tulad ng Kanyang pag-alis. Ito ang mga salita ni Jesus, ngunit nakita mo ba kung paano umalis si Jesus? Si Jesus ay umalis sakay ng isang puting ulap, ngunit maaari kayang personal Siyang bumalik sa gitna ng tao nang nasa ibabaw ng isang puting ulap? Kung magkagayon, hindi ba Siya tatawagin pa ring Jesus? Sa muling pagdating ni Jesus, nagbago na ang kapanahunan, dahil dito, maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Maaari lang bang makilala ang Diyos sa pangalan na Jesus? Hindi ba Siya maaaring tawagin sa bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang wangis ng isang tao at ang isang partikular na pangalan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paanong magagawa Niya ang parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paanong kakapit Siya sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit alang-alang sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lamang si Jehova at si Jesus, subalit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, dapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at dapat Niyang gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan. Dahil walang iisang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay nagagawa lamang na kumatawan sa disposisyon ng Diyos na likas sa isang partikular na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Ito man ay kapanahunan ni Jehova, o kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Nagwakas na ang Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na, at pumarito na si Jesus. Paano pa Siya matatawag na Jesus? Paano pa Siya paparito sa gitna ng mga tao sa wangis ni Jesus? Nakalimutan mo na ba na si Jesus ay isa lamang wangis ng isang Nazareno? Nakalimutan mo na ba na si Jesus ay ang Manunubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya mapapasan ang gawain ng paglupig at pagperpekto sa tao sa mga huling araw? Si Jesus ay umalis sakay ng isang puting ulap—ito ay katunayan—ngunit paano Siya makababalik sakay ng isang puting ulap sa gitna ng mga tao at tatawagin pa ring Jesus? Kung Siya ay talagang dumating sakay ng isang ulap, paano Siya hindi makikilala ng tao? Hindi ba’t makikilala Siya ng mga tao sa buong mundo? Kung magkagayon, hindi ba't tanging si Jesus ang magiging Diyos? Kung magkagayon, ang magiging wangis ng Diyos ay nasa kaanyuan ng isang Hudyo at bukod pa rito ay mananatiling gayon magpakailanman. Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paano Siya umalis, ngunit nalalaman mo ba ang tunay na kahulugan ng Kanyang mga salita? Maaari kayang sinabi Niya sa pangkat ninyong ito? Nalalaman mo lamang na Siya ay darating kung paano Siya umalis, nakasakay sa isang ulap, ngunit nalalaman mo ba kung paano talaga ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain? Kung talaga ngang nakikita mo, paano maipaliliwanag ang mga salitang binigkas ni Jesus? Sinabi Niya: Kapag dumating ang Anak ng tao sa mga huling araw, Siya Mismo ay hindi makakaalam, hindi malalaman ng mga anghel, hindi malalaman ng mga sugo sa langit, at hindi malalaman ng buong sangkatauhan. Tanging ang Ama ang makakaalam, ibig sabihin, ang Espiritu lamang ang makakaalam. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi nakaaalam, ngunit ikaw ay nakakikita at nakaaalam? Kung may kakayahan kang makaalam at makakita gamit ang iyong sariling mga mata, hindi ba’t ang pagbigkas ng mga salitang ito ay mawawalan ng kabuluhan? At ano ang sinabi ni Jesus nang panahong iyon? “Tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang. At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. … Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” Kapag dumating na ang araw na iyon, ang Anak ng tao Mismo ay hindi ito malalaman. Ang Anak ng tao ay tumutukoy sa nagkatawang-taong laman ng Diyos, na isang normal at karaniwang tao. Maging ang Anak ng tao Mismo ay hindi alam, kaya paano mo malalaman? Sinabi ni Jesus na Siya ay darating kung paano Siya umalis. Kapag pumarito Siya, maging Siya Mismo ay hindi nakaaalam, kaya maaari ba Niyang ipaalam sa iyo nang mas maaga? Nagagawa mo bang makita ang Kanyang pagdating? Hindi ba iyon isang biro?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 40
Sa tuwing dumarating ang Diyos sa lupa, binabago Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang Kanyang wangis, at ang Kanyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain. Siya ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma. Nang dumating Siya noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Jesus sa oras na ito ng Kanyang pagbalik? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari ba Siyang maging lalaki muli ngayon? Ang Kanyang gawain nang Siya ay pumarito noong Kapanahunan ng Biyaya ay ang maipako sa krus; pagdating Niyang muli, maaari ba Niyang tubusin pa rin ang sangkatauhan mula sa kasalanan? Maaari ba Siyang ipakong muli sa krus? Hindi ba’t iyon ay pag-uulit ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay hindi nagbabago magpakailanman. Ito ay tama, ngunit nangangahulugan ito na hindi nagbabago ang disposisyon at diwa ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling salita, ang Diyos ay palaging magiging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, posible bang matapos ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi nagbabago ang Diyos magpakailanman, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, nagawa kaya Niyang akayin ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon? Kung hindi nagbabago ang Diyos magpakailanman, bakit ginawa na Niya ang gawain ng dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay hindi tumitigil sa pagsulong, na ang ibig sabihin ay unti-unti Niyang ibinubunyag sa tao ang Kanyang disposisyon, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa tao, hindi Niya kailanman hayagang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at sadyang walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya. Dahil dito, ginagamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit ang paggawa sa ganitong pamamaraan ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito ang kaso kung saan ang disposisyon ng Diyos ay patuloy na nagbabago dahil ang Kanyang mga layunin ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil sa ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkakaiba, ang likas na disposisyon ng Diyos, sa kabuuan nito, ay unti-unti Niyang ibinubunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at na unti-unting nagbago ang Kanyang disposisyon sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay walang-katotohanan. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas at partikular na disposisyon—kung ano Siya—at ginagawa Niya ito ayon sa paglipas ng mga kapanahunan; ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos. At dahil dito, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi nagbabago magpakailanman” ay tumutukoy sa likas na mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos. Anupaman, hindi mo maaaring ikulong sa iisang punto ang anim na libong taong gawain, o limitahan ito gamit ang mga patay na salita. Ganoon ang kamangmangan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasingpayak ng ipinapalagay ng tao sa isip, at ang Kanyang gawain ay hindi mananatili sa isang kapanahunan lamang. Ang pangalang Jehova, halimbawa, ay hindi maaaring laging kumatawan sa pangalan ng Diyos; maaari ding gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa pangalan na Jesus. Isa itong tanda na ang gawain ng Diyos ay laging kumikilos nang pasulong.
Ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi Siya kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay palaging si Satanas, at hindi ito kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran, at ang Kanyang pagiging maharlika ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang diwa at mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos ay hindi kailanman magbabago. Subalit ang Kanyang gawain ay palaging kumikilos nang pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan ay nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan ay gumagawa Siya ng bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng Kanyang mga nilikha ang bago Niyang mga layunin at bagong disposisyon. Kung hindi makita ng mga tao ang pagpapahayag ng bagong disposisyon ng Diyos sa isang bagong kapanahunan, hindi ba nila Siya ipapako magpakailanman sa krus? At sa paggawa nito, hindi ba nila nililimitahan ang Diyos? Kung ang Diyos ay pumarito sa katawang-tao bilang isang lalaki lamang, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga kalalakihan, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga kababaihan. Kung gayon, paniniwalaan ng mga kalalakihan na ang kasarian ng Diyos ay katulad ng kanilang kasarian, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga kalalakihan—subalit paano naman ang mga kababaihan? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtratong may pagtatangi? Kung gayon, lahat silang ililigtas ng Diyos ay mga lalaki na kagaya Niya, at wala ni isang babae ang maliligtas. Noong nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, kundi kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang wangis. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga kalalakihan—Siya ay Diyos din ng mga kababaihan. Ang Diyos ay pumapasok sa isang bagong yugto ng gawain sa mga huling araw. Ibubunyag Niya ang mas marami pa sa Kanyang disposisyon, at hindi ito ang awa at mapagmahal na kabaitan noong panahon ni Jesus. Dahil mayroon Siyang bagong gawain na gagawin, ang bagong gawaing ito ay sasabayan ng isang bagong disposisyon. Kaya kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu—kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, at sa halip ang Espiritu ay tuwirang nagsalita sa pamamagitan ng kulog kaya walang paraan ang tao na makipag-ugnayan sa Kanya, magagawa ba ng tao na malaman ang Kanyang disposisyon? Kung ang Espiritu lamang ang gumawa ng gawain, ang tao ay hindi magkakaroon ng paraan na makilala ang disposisyon ng Diyos. Maaari lamang makita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang sariling mga mata kapag Siya ay nagkatawang-tao, kapag ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at nagpapahayag ang Diyos ng Kanyang buong disposisyon sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Diyos ay tunay na nabubuhay kasama ng tao. Siya ay may hugis at wangis; tunay na maaaring makipag-ugnayan ang tao sa Kanyang disposisyon at sa mga tinataglay ng Diyos at sa Kanyang pagiging Diyos; sa ganitong paraan lamang Siya tunay na makikilala ng tao. Kasabay nito, nakompleto na rin ng Diyos ang gawain kung saan “ang Diyos ay Diyos ng mga kalalakihan at Diyos ng mga kababaihan,” at naisakatuparan na ang kabuuan ng Kanyang gawain sa katawang-tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 41
Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong malilinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagwasak para wakasan ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba’t tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol kasama Niya. Tanging sa ganitong paraan Niya mawawakasan ang kapanahunan. Hinangad ni Jesus na magpatuloy ang tao sa pag-iral at pamumuhay, at upang umiral ito sa mas maayos na paraan. Hinangad Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan, upang pigilan ito sa patuloy na paglusong sa kabulukan at sa paninirahan sa Hades at impiyerno, at sa pagliligtas sa tao mula sa Hades at impiyerno, para tulutan ang tao na magpatuloy na mabuhay. Ngayon, ang mga huling araw ay dumating na. Lilipulin ng Diyos ang tao at wawasakin nang lubusan ang lahi ng tao, ibig sabihin, babaguhin Niya ang paghihimagsik ng sangkatauhan. Dahil dito, magiging imposible, sa maawain at mapagmahal na disposisyon sa nakaraan, na wakasan ng Diyos ang kapanahunan o maisakatuparan ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala. Ang bawat kapanahunan ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang bawat kapanahunan ay naglalaman ng gawain na dapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang gawaing ginagawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan—ang lahat ng ito ay bago. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay sinimulan sa lupa. Ang gawain sa yugtong ito ay ang magtatag ng templo at dambana, gumamit ng kautusan upang gabayan ang bayan ng Israel, at gumawa sa gitna ng bayan ng Israel. Sa pamamagitan ng paggabay sa bayan ng Israel, Siya ay nagtatag ng base para sa Kanyang gawain sa lupa. Mula sa baseng ito, ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain hanggang sa labas ng Israel, na ibig sabihin, mula sa Israel, ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain palabas, kaya ang mga sumunod na salinlahi ay unti-unting nalaman na si Jehova ang Diyos, at si Jehova ang lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay, at na si Jehova ang lumikha ng lahat ng nilikha. Ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng bayan ng Israel, palabas sa kanila. Ang lupain ng Israel ang unang banal na lugar ng gawain ni Jehova sa lupa, at sa lupain ng Israel unang nagsagawa ang Diyos ng gawain sa lupa. Iyon ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Noong Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos ay biyaya, mapagmahal na kabaitan, habag, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pagmamahal, at kaluwagan, at napakarami sa gawaing Kanyang isinagawa ay para sa kapakanan ng pagtubos sa tao. Ang Kanyang disposisyon ay disposisyon ng habag at mapagmahal na kabaitan, at dahil Siya ay mahabagin at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita na minahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, hanggang sa puntong inialay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang kabuuan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay isang mahabagin at mapagmahal na Diyos. Nakasama ng tao ang Diyos. Ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at ang Kanyang pagliligtas ay kapiling ng bawat tao. Ang tao ay nagawa lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kanyang pagpapala, makatanggap ng Kanyang marami at malawak na biyaya, at makatanggap ng Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng pagtanggap sa pangalan ni Jesus at ng Kanyang presensya. Sa pamamagitan ng pagkakapako ni Jesus sa krus, ang lahat ng sumunod sa Kanya ay nakatanggap ng kaligtasan at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Sa madaling salita, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isinagawa pangunahin sa pangalan ni Jesus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay tinawag na Jesus. Gumawa Siya ng yugto ng bagong gawain na lampas pa sa Lumang Tipan, at ang Kanyang gawain ay nagtapos sa pagpapapako sa krus. Ito ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ang kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit ng Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, winawakasan ang kapanahunan sa huli. Sa bawat kapanahunan, sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang disposisyon ng Diyos ay malinaw na makikita.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 42
Ang pangalang Jesus ba—“Diyos na kasama natin”—ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Ganap ba nitong maipapaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay talagang kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, Diyos na kasama natin, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring tawagin sa maraming pangalan ang Diyos, ngunit sa maraming pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa kabuuan ng Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya, maraming pangalan ang Diyos, ngunit ang maraming pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maipahayag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang disposisyon ng Diyos ay napakasagana at talagang lumalampas sa kakayahan ng tao na kilalanin ito. Walang paraan ang tao, gamit ang wika ng tao, na ganap na mabuod ang Diyos. Ang tao ay mayroon lamang limitadong talasalitaan na magagamit upang ibuod ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos: dakila, marangal, kahanga-hanga, di-maarok, pinakamataas, banal, matuwid, marunong, at iba pa. Ang limitadong talasalitaang ito ay hindi makakapaglarawan kahit sa maliit na nasaksihan ng tao sa disposisyon ng Diyos. Kinalaunan, maraming tao ang nagdagdag ng mga salita na sa tingin nila ay mas mahusay na makapaglalarawan ng alab sa kanilang mga puso: Ang Diyos ay napakadakila! Ang Diyos ay napakabanal! Ang Diyos ay napakakaibig-ibig! Sa kasalukuyan, ang mga kasabihan ng tao kagaya nito ay umabot na sa kanilang sukdulan, ngunit ang tao ay wala pa ring kakayahan na malinaw na maipahayag ang sarili nito. At kaya, ang Diyos ay mayroong maraming pangalan sa mga mata ng tao, ngunit wala Siyang isang pangalan, at iyon ay sapagkat ang Kanyang pagiging Diyos ay masyadong masagana, pero ang wika ng tao ay masyadong salat. Ang isang partikular na salita o pangalan ay hinding-hindi kayang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ay maaaring hindi magbago ang Kanyang pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal—hindi mo ba Siya pahihintulutang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat kapanahunan? Samakatwid, sa bawat kapanahunan na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng isang pangalan na naaangkop sa kapanahunan upang lagumin ang gawain na Kanyang balak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isang pangalan na taglay ang kabuluhan ng kapanahunang iyon, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyon. Ito ang paggamit ng Diyos ng wika ng tao upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Gayumpaman, maraming tao na nagkaroon na ng mga karanasang espirituwal at personal nang nakita ang Diyos ang nakakaramdam pa rin na ang partikular na pangalan na ito ay walang kakayahang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—sa kasamaang palad, hindi ito maiiwasan—kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, kundi tinatawag lamang Siya na “Diyos.” Ang puso ng tao ay parang puno ng pag-ibig, ngunit mukhang naliligiran din ito ng mga pagkakasalungatan, dahil hindi alam ng tao kung paano ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay napakasagana, na talagang walang paraan para ilarawan ito. Walang nag-iisang pangalan na kayang ibuod ang disposisyon ng Diyos, at walang nag-iisang pangalan na kayang maglarawan ng lahat ng kung ano ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos. Kung may magtatanong sa Akin, “Ano ba talaga ang pangalang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “Ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba iyan ang pinakamainam na pangalan para sa Diyos? Hindi ba iyan ang pinakamainam na paglagom sa disposisyon ng Diyos? Kaya bakit kayo gumugugol ng napakatinding pagsisikap sa pag-uusisa sa pangalan ng Diyos? Bakit palagi kayong mag-iisip nang napakatindi, tinatalikuran ang pagkain at pagtulog, alang-alang sa isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tatawaging Jehova, Jesus, o ang Mesiyas—Siya ay simpleng magiging ang Lumikha. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga pangalan na Kanyang ginamit sa lupa ay magtatapos, dahil ang Kanyang gawain sa lupa ay nagtapos na, pagkatapos nito, hindi na iiral ang Kanyang mga pangalan. Kapag ang lahat ng bagay ay napasailalim na sa kapamahalaan ng Lumikha, bakit Niya kakailanganing magkaroon ng labis na naaangkop ngunit hindi kompletong pangalan? Binubusisi mo pa rin ba ang pangalan ng Diyos ngayon? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jehova? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na ang Diyos ay matatawag lang na Jesus? Maaako mo ba ang kasalanan ng paglapastangan sa Diyos? Dapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at kailangan Niyang pamahalaan ang sangkatauhan. Anumang pangalan ang itinatawag sa Kanya, hindi ba’t ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kakailanganin ka ba Niya—na isang nilikha—na itakda ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay umaayon sa kung ano ang kayang maunawaan ng tao, sa wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay hindi isang bagay na kayang maisipan ng tao. Maaari mo lang sabihin na mayroong Diyos sa langit, na Siya ay tinatawag na Diyos, na Siya ang Diyos Mismo na may dakilang kapangyarihan, na napakarunong, napakatayog, napakakamangha-mangha, napakamahiwaga, at napakamakapangyarihan sa lahat, at pagkatapos ay wala ka nang masasabi pang iba; iyon lang katiting na iyon ang kaya mong malaman. Dahil dito, maaari bang kumatawan ang pangalan lang na Jesus sa Diyos Mismo? Kapag dumating na ang mga huling araw, kahit na ang Diyos pa rin ang nagsasagawa ng Kanyang gawain, kailangang magbago ang Kanyang pangalan, dahil ito ay ibang kapanahunan na.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 43
Nang dumating si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, ito ay sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu; ginawa Niya ang kagustuhan ng Banal na Espiritu, at ito ay hindi ayon sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan o ayon sa gawain ni Jehova. Bagama’t ang gawaing ipinarito ni Jesus para gawin ay hindi para sumunod sa mga batas ni Jehova o sa mga kautusan ni Jehova, ang Kanilang pinagmulan ay iisa at pareho lang. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at kumatawan ito sa Kapanahunan ng Biyaya; para naman sa gawain na isinagawa ni Jehova, ito ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang gawain ay gawain ng iisang Espiritu sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay magagawa lang kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain na isinagawa ni Jehova ay magagawa lang kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Ginabayan lang ni Jehova ang bayan ng Israel at ng Ehipto, at ng lahat ng bayan sa labas ng Israel. Nang gumawa si Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya sa Bagong Tipan, ginamit ng Diyos ang pangalang Jesus para gumawa ng gawain at gabayan ang kapanahunan. Kung sinasabi mo na ang gawain ni Jesus ay batay sa gawain ni Jehova, na hindi Siya nagsimula ng anumang bagong gawain, at na ang lahat ng Kanyang ginawa ay ayon sa mga salita ni Jehova, ayon sa gawain ni Jehova at mga propesiya ni Isaias, si Jesus ay hindi magiging ang Diyos na naging tao. Kung isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa paraang ito, isa sana Siyang apostol o isang manggagawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Kung katulad ito ng iyong sinasabi, hindi sana nakapaglunsad ng isang kapanahunan si Jesus, ni nakapagsagawa ng kahit na anong iba pang gawain. Sa parehong paraan, ang Banal na Espiritu ay kailangang pangunahing isagawa ang Kanyang gawain sa pamamagitan ni Jehova, at maliban sa pamamagitan ni Jehova ang Banal na Espiritu ay hindi sana nakapagsagawa ng anumang bagong gawain. Mali para sa tao na maunawaan ang gawain ni Jesus sa ganitong paraan. Kung naniniwala ang tao na ang gawaing isinagawa ni Jesus ay ayon sa mga salita ni Jehova at mga propesiya ni Isaias, si Jesus ba ay ang Diyos na nagkatawang-tao, o isa ba Siya sa mga propeta? Ayon sa pananaw na ito, hindi magkakaroon ng Kapanahunan ng Biyaya, at si Jesus ay hindi magiging nagkatawang-taong Diyos, dahil ang gawain na Kanyang isinagawa ay hindi magagawang kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya at magagawa lang kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Magkakaroon lamang ng bagong kapanahunan kapag pumarito si Jesus upang gumawa ng bagong gawain, upang maglunsad ng isang bagong kapanahunan, upang higitan ang gawain na isinagawa noon sa Israel, at upang isagawa ang Kanyang gawain hindi ayon sa gawaing isinagawa ni Jehova sa Israel, o sa dati Niyang mga regulasyon, o sa paglapat ng anumang mga regulasyon, kundi upang isagawa ang bagong gawain na dapat Niyang gawin. Ang Diyos Mismo ay pumaparito upang ilunsad ang kapanahunan, at pumaparito ang Diyos Mismo upang wakasan ang kapanahunan. Walang kakayahan ang tao na isagawa ang gawain ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isang kapanahunan. Kung hindi dinala ni Jesus sa pagtatapos ang gawain ni Jehova pagkatapos Niyang dumating, ito ay magpapatunay na Siya ay tao lamang, at walang kapabilidad na kumatawan sa Diyos. Mismong dahil pumarito si Jesus at winakasan ang gawain ni Jehova, ipinagpatuloy ang gawain ni Jehova at, bukod pa riyan, isinagawa ang Kanyang sariling gawain, na isang bagong gawain, ito ay nagpapatunay na isa itong bagong kapanahunan, at na si Jesus ang Diyos Mismo. Sila ay nagsagawa ng dalawang malinaw na magkaibang yugto ng gawain. Ang isang yugto ay isinagawa sa templo, at ang isa pa ay isinagawa sa labas ng templo. Ang isang yugto ay upang gabayan ang pamumuhay ng tao ayon sa kautusan, at ang isa pa ay upang mag-alay ng handog para sa kasalanan. Ang dalawang yugtong ito ng gawain ay malinaw na magkaiba; ito ang humahati sa bagong kapanahunan mula sa luma, at ganap na tamang sabihin na ang mga ito ay dalawang magkaibang kapanahunan. Ang lokasyon ng Kanilang gawain ay magkaiba, at ang nilalaman ng Kanilang gawain ay magkaiba, at ang layunin ng Kanilang gawain ay magkaiba. Sa gayon, maaaring hatiin ang mga ito sa dalawang kapanahunan; ang Bago at Lumang Tipan ay tumutukoy sa bago at lumang mga kapanahunan. Nang si Jesus ay dumating hindi Siya pumasok sa templo, na nagpapatunay na ang kapanahunan ni Jehova ay nagwakas na. Hindi Siya pumasok sa templo sapagkat ang gawain ni Jehova sa templo ay tapos na, at hindi na kailangang gawing muli, at ang gawin itong muli ay pag-uulit nito. Sa pag-alis lamang sa templo, sa pagsisimula ng isang bagong gawain at sa pagbubukas ng isang bagong landas sa labas ng templo, na Kanyang nagawang dalhin ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito. Kung hindi Siya lumabas ng templo upang gawin ang Kanyang gawain, ang gawain ng Diyos ay natigil sana sa mga pundasyon ng templo, at walang magiging anumang mga bagong pagbabago kailanman. At kaya, nang dumating si Jesus, Siya ay hindi pumasok sa templo, at hindi Niya ginawa ang Kanyang gawain sa loob ng templo. Ginawa Niya ang Kanyang gawain sa labas ng templo, at malayang nagpatuloy sa Kanyang paggawa nang pinangungunahan ang mga disipulo. Ang pag-alis ng Diyos mula sa templo para gawin ang Kanyang gawain ay nangahulugan na ang Diyos ay mayroong bagong plano. Ang Kanyang gawain ay isasagawa sa labas ng templo, at ito ay magiging bagong gawain na hindi limitado sa paraan ng pagsasagawa nito. Pagdating na pagdating ni Jesus, winakasan Niya ang gawain ni Jehova noong kapanahunan ng Lumang Tipan. Kahit na Sila ay tinawag sa dalawang magkaibang pangalan, ang dalawang yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain na isinagawa ay tuluy-tuloy. Dahil iba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay iba, ang kapanahunan ay iba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang kapanahunan ni Jehova, at nang dumating si Jesus, iyon ang kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagdating, ang Diyos ay tinatawag sa isang pangalan, na kumakatawan sa isang kapanahunan, at nagbubukas Siya ng isang bagong landas; at sa bawat bagong landas, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan. Ipinapakita ng lahat ng ito na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma, at na ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang marating ng Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala ang katapusan nito, kailangan nitong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong landas, magbukas ng mga bagong kapanahunan, at magsimula ng mas bago at mas malaking gawain. Kasabay ng lahat ng ito, nagdadala Siya ng mga bagong pangalan at bagong gawain.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 44
“Jehova” ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na kayang magpakita ng habag sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si “Jesus” ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog para sa kasalanan na puspos ng mapagmahal na kabaitan, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. Ibig sabihin, si Jehova lamang ang Diyos ng mga taong hinirang sa Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao sa Israel. Kaya nga, lahat ng Israelita noong panahong iyon, kasama na ang mga Hudyo, ay sumamba kay Jehova. Nag-alay sila sa Kanya ng mga hain sa altar at naglingkod sa Kanya sa templo na suot ang balabal ng mga saserdote. Ang inasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Si Jesus lamang ang Manunubos ng sangkatauhan, at Siya ang handog para sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at matubos, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at ito ang titulo ng paggalang na ipinantawag ng mga tao ng Israel sa Diyos na kanilang sinamba. Ang “Jesus” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa wangis na Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si “Jesus na Tagapagligtas” ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, pero hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan. Bagama’t ang Jehova, Jesus, at Mesiyas ay kumakatawang lahat sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay kumakatawan lamang sa iba’t ibang kapanahunan ng Aking plano ng pamamahala, at hindi Ako kinakatawan ng mga ito sa Aking kabuuan. Ang mga pangalang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi kayang saklawin ang Aking buong disposisyon at lahat ng kung ano Ako. Iba’t ibang pangalan lamang ang mga iyon na itinatawag sa Akin sa iba’t ibang kapanahunan. Kaya nga, kapag ang pangwakas na kapanahunan—ang huling kapanahunan—ay sumapit, magbabagong muli ang Aking pangalan. Hindi Ako tatawaging Jehova, o Jesus, lalo nang hindi Mesiyas—tatawagin Akong ang puno ng kapangyarihang Diyos Mismo na makapangyarihan sa lahat, at sa ilalim ng pangalang ito ay wawakasan Ko ang buong kapanahunan. Minsan na Akong tinawag na Jehova, minsan din Akong nakilala ng mga tao bilang ang Mesiyas, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw. Sa halip, Ako ang Diyos na nagbalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magwawakas sa kapanahunan; Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa dulo ng daigdig, puspos ng Aking buong disposisyon, at puno ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang tao kailanman, hindi Ako nakilala nito kailanman, at noon pa man ay palagi itong walang alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa mga tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa gitna nito. Nananahan Siya sa piling ng tao, buhay at nabubuhay, tulad ng nagliliyab na araw at naglalagablab na apoy, puno ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi gagawing dalisay sa pamamagitan ng pagsunog ng apoy. Sa huli, pagpapalain ang di-mabilang na mga bayan dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos, na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na Ako ay minsang naging handog para sa kasalanan ng tao, ngunit sa mga huling araw ay Ako ang naging mga apoy ng naglalagablab na araw na sumusunog sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginagamit Ko ang pangalang ito at tinataglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang naglalagablab na apoy, at upang lahat ay sumamba sa Akin, ang nag-iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos, sa halip, Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 45
Kung dumating ang Tagapagligtas sa mga huling araw at Jesus pa rin ang tawag sa Kanya, at muli Siyang isinilang sa Judea at ginawa Niya ang Kanyang gawain doon, magpapatunay ito na nilikha Ko lamang ang mga tao ng Israel at tinubos lamang ang mga tao ng Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Hentil. Hindi kaya ito salungat sa Aking mga salita na “Ako ang Panginoon na lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay”? Nilisan Ko ang Judea at ginagawa Ko ang Aking gawain sa mga Hentil dahil hindi lamang Ako Diyos ng mga tao ng Israel, kundi Diyos ng lahat ng nilikha. Nagpapakita Ako sa mga Hentil sa mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng mga tao ng Israel, kundi, higit pa roon, Ako ang Lumikha ng lahat ng Aking hinirang na mga tao sa mga Hentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Ehipto, at Lebanon, kundi lahat ng bayan ng Hentil na lampas pa sa Israel. Dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto para sa Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matitibay na tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at ngayon ay ginagamit Ko ang isang bayan ng Hentil bilang himpilan na kung saan ay wawakasan Ko ang buong kapanahunan. Ginawa Ko ang dalawang yugto ng gawain sa Israel (ang dalawang yugtong ito ng gawain ay ang Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya), at isinasakatuparan Ko na ang dalawa pang yugto ng gawain (ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian) sa buong lupain na lampas pa sa Israel. Sa mga bayan ng Hentil, gagawin Ko ang gawain ng panlulupig, at sa gayo’y matatapos ang kapanahunan. Kung palagi Akong tinatawag ng tao na Jesucristo, ngunit hindi alam na nasimulan Ko na ang isang bagong kapanahunan sa mga huling araw at nagsimula na Ako sa bagong gawain, at kung patuloy na maghihintay nang nahuhumaling ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas, tatawagin Ko ang mga taong tulad nito na mga taong hindi nananampalataya sa Akin; sila ay mga taong hindi Ako kilala, na nagpapanggap na mga mananampalataya. Masasaksihan kaya ng gayong mga tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas mula sa langit? Ang kanilang hinihintay ay hindi ang Aking pagdating, kundi ang pagdating ng Hari ng mga Hudyo. Hindi nila pinananabikan ang Aking paglipol sa maruming lumang mundong ito, kundi sa halip ay nananabik sila sa ikalawang pagparito ni Jesus, kung kailan sila ay matutubos—inaasam nila na minsan pang tutubusin ni Jesus ang buong sangkatauhan mula sa marungis at hindi matuwid na lupaing ito. Paano maaaring maging mga taong kumokompleto ng Aking gawain sa mga huling araw ang gayong mga tao? Ang mga hangarin ng tao ay walang kakayahang tuparin ang Aking mga naisin o gawing ganap ang Aking gawain, sapagkat hinahangaan o pinahahalagahan lamang ng tao ang gawaing nagawa Ko dati, walang ideya na Ako ang Diyos Mismo na palaging bago at hindi naluluma kailanman, at alam lamang na Ako si Jehova, at Jesus, walang anumang ideya na Ako ang Siyang nasa mga huling araw na magdadala sa sangkatauhan sa kanilang wakas. Ang lahat ng pinananabikan at alam ng tao ay nagmumula sa kanyang sariling mga kuru-kuro, at iyon lamang ang nakikita ng kanyang sariling mga mata. Hindi iyon naaayon sa gawaing ginagawa Ko, kundi taliwas iyon dito. Kung ang Aking gawain ay isinakatuparan ayon sa mga ideya ng tao, kailan kaya ito magwawakas? Kailan kaya makakapasok ang sangkatauhan sa kapahingahan? At paano kaya Ako makakapasok sa ikapitong araw, ang Araw ng Pahinga? Gumagawa Ako ayon sa Aking plano at ayon sa Aking layunin—hindi ayon sa mga layon ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”