2. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Gawain ng Banal na Espiritu sa Gawain ng Masasamang Espiritu

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya gumagawa ng gawaing hindi makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa katwiran ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob sa saklaw ng normal na katwiran ng tao, at hindi lumalampas sa katwiran ng normal na pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon sa mga normal na pangangailangan ng tao. Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ang mga tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanilang pagkatao ay nagiging lalong higit na normal. Nagkakaroon ng ibayong kaalaman ang mga tao tungkol sa kanilang tiwaling satanikong disposisyon, at ng diwa ng tao, at nagkakaroon din sila ng higit na pag-asam sa katotohanan. Ang ibig lang sabihin, lumalago nang lumalago ang buhay ng tao, at nakakayanan ng tiwaling disposisyon ng tao ang padagdag nang padagdag na pagbabago—na lahat ay siyang kahulugan ng pagiging buhay ng tao ng Diyos. Kung ang isang daan ay walang kakayahang ilantad ang gayong mga bagay na siyang diwa ng tao, walang kakayahang baguhin ang disposisyon ng tao, at higit pa rito, walang kakayahang dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos o bigyan sila ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at nagiging sanhi pa upang ang kanilang pagkatao ay higit pang maging mababa at ang kanilang katwiran ay higit pang maging hindi normal, ang daang ito, kung gayon, ay hindi ang tunay na daan, at maaaring ito ay gawain ng masamang espiritu, o ang lumang daan. Sa madaling salita, hindi ito ang pinakabagong gawain ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos

Kailangan mong maunawaan kung ano ang nagmumula sa Diyos at kung ano ang nagmumula kay Satanas. Ang nagmumula sa Diyos ay nagbibigay sa iyo ng mas malinaw pang mga pangitain at mas naglalapit pa sa iyo sa Diyos; nagbabahagi ka ng taimtim na pagmamahal sa iyong mga kapatid, kaya mong isaalang-alang ang pasanin ng Diyos, at mayroon kang pusong nagmamahal sa Diyos na hindi naglalaho kailanman. Mayroong daan sa bandang unahan na iyong lalakaran. Ang nagmumula kay Satanas ay nagsasanhi ng pagkawala ng mga pangitain kasama mo, at nagsasanhi ng pagkawala ng lahat ng mayroon ka dati; napapawalay ka sa Diyos, wala kang pagmamahal sa iyong mga kapatid, at mayroon kang pusong nakakamuhi. Nagiging desperado ka, ayaw mo nang ipamuhay ang buhay-iglesia, at naglaho na ang puso mong nagmamahal sa Diyos. Kagagawan ito ni Satanas, at bunga rin ng pag-akay ng masasamang espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 22

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isang uri ng maagap na paggabay at positibong kaliwanagan. Hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na maging negatibo. Naghahatid ito sa kanila ng ginhawa, nagbibigay sa kanila ng pananalig at determinasyon, at binibigyang-kakayahan sila na hangaring gawing perpekto ng Diyos. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong makapasok; hindi sila pasibo o napipilitan, kundi kumikilos nang may sariling pagkukusa. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, nakahandang magpasakop at masaya sa pagpapakumbaba. Bagama’t nasasaktan at mahina sa loob, determinado silang makipagtulungan, nagdurusa sila nang may kagalakan, nagagawa nilang magpasakop, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanais at mga motibasyon ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo nang banal sa loob. Isinasabuhay ng mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pagmamahal para sa Diyos at sa kanilang mga kapatid; natutuwa sila sa mga bagay na nagpapalugod sa Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga taong inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay iyong mayroong normal na pagkatao, patuloy na naghahangad sa katotohanan at nagtataglay ng pagkatao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang kalagayan ay pabuti nang pabuti, at ang kanilang pagkatao ay lalong nagiging normal, at bagama’t ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaaring hangal, ang kanilang mga motibasyon ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang intensiyon sa loob nila. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay normal at praktikal, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa tao alinsunod sa mga tuntunin ng normal na buhay ng tao, at nagsasakatuparan Siya ng kaliwanagan at paggabay sa loob ng mga tao alinsunod sa aktuwal na paghahangad ng normal na mga tao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga tao, ginagabayan at nililiwanagan Niya sila alinsunod sa mga pangangailangan ng normal na mga tao. Nagkakaloob Siya para sa kanila ayon sa kanilang mga pangangailangan, at positibo Niyang ginagabayan at nililiwanagan sila ayon sa kung ano ang kulang sa kanila, at ayon sa kanilang mga kakulangan. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang liwanagan at gabayan ang mga tao sa tunay na buhay; kapag naranasan nila ang mga salita ng Diyos sa kanilang aktuwal na buhay, saka lang nila makikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao ay nasa isang positibong kalagayan at mayroong normal na espirituwal na buhay, tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos, mayroon silang pananalig; kapag sila ay nananalangin, sila ay inspirado; kapag mayroong nangyayari sa kanila, sila ay hindi negatibo; at habang nangyayari ang mga bagay-bagay, nagagawa nilang makita ang mga aral sa mga bagay na iyon na hinihingi sa kanila ng Diyos na matutuhan. Sila ay hindi negatibo o mahina, at bagama’t mayroon silang mga tunay na paghihirap, nakahanda silang magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos.

Anong mga epekto ang nakakamit ng gawain ng Banal na Espiritu? Maaaring ikaw ay hangal, at maaaring hindi ka nakakahiwatig, ngunit kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ka ng pananampalataya, at palagi mong madarama na hindi mo maiibig nang sapat ang Diyos. Magiging handa kang makipagtulungan, gaano man katindi ang mga paghihirap na darating. Ang mga bagay-bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, ngunit magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging negatibo o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob mo, nakakaranas ka pa rin ng mga tunay na paghihirap: May mga pagkakataon na mapapaluha ka, at may mga pagkakataon na magkakaroon ng mga bagay na hindi mo kayang mapagtagumpayan, ngunit lahat ng ito ay isang yugto lamang ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t hindi mo napagtagumpayan ang mga paghihirap na iyon, at bagama’t, sa panahong iyon, ikaw ay mahina at puno ng reklamo, nagawa mo pa rin pagkatapos na ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi ka mapipigilan ng iyong pagiging negatibo na magkaroon ng mga normal na karanasan, at anuman ang sinasabi ng ibang tao, at kung paano ka nila inaatake, nagagawa mo pa ring ibigin ang Diyos. Sa panahon ng pananalangin, palagi mong nadarama na sa nakalipas ay masyadong malaki ang pagkakautang mo sa Diyos, at ikaw ay nagpapasya na palugurin ang Diyos at maghimagsik laban sa laman tuwing nahaharap kang muli sa gayong mga bagay. Ipinakikita ng kalakasang ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob mo. Ito ang normal na kalagayan ng gawain ng Banal na Espiritu.

Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pangitain sa loob ng mga tao ay malabo; ang mga tao ay walang normal na pagkatao, ang mga motibasyon sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagama’t nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga akusasyon sa loob nila, at ang mga akusasyon at mga kaisipang ito ay nagsasanhi ng patuloy na panggugulo sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay at pinahihinto sila sa pagharap sa Diyos sa normal na kalagayan. Na ang ibig sabihin, sa sandaling ang gawain ni Satanas ay nasa loob ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi kayang maging panatag sa harap ng Diyos. Hindi alam ng gayong mga tao kung ano ang gagawin sa kanilang mga sarili—kapag nakakakita sila ng mga taong sama-samang nagtitipon, nais nilang tumakbo palayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang normal na ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at ginugulo ang dating mga pangitain ng mga tao o ang kanilang dating landas ng buhay pagpasok; sa kanilang mga puso hindi nila kailanman kayang mapalapit sa Diyos, at palaging nangyayari ang mga bagay-bagay na nagdudulot ng kaguluhan sa kanila at naglilimita sa kanila. Ang kanilang mga puso ay hindi kayang makasumpong ng kapayapaan at sila ay iniiwan na walang lakas na ibigin ang Diyos at ang kanilang mga espiritu ay lumulubog. Ganoon ang mga pagpapamalas ng gawain ni Satanas. Ang mga pagpapamalas ng gawain ni Satanas ay ang mga sumusunod: hindi kayang manindigan at tumayong saksi, na nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na may mali sa harap ng Diyos at yaong walang katapatan sa Diyos. Kapag ginugulo ka ni Satanas, naiwawala mo ang pag-ibig at katapatan sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinatanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahangad ang katotohanan o ang pag-unlad ng sarili mo; ikaw ay umuurong at nagiging negatibo, nagpapasasa ka, hinahayaan mo ang malayang paglaganap ng kasalanan at hindi namumuhi sa kasalanan; higit pa roon, ginagawa kang bulagsak ng panghihimasok ni Satanas; nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo at itinutulak ka nitong magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, na umaakay sa iyong mag-alinlangan sa Diyos; mayroon pang panganib na tatalikuran mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Ang Diyos ay gumagawa sa isang banayad, maingat, mapagmahal, at maalagang paraan, isang paraang lubos na maingat at naaangkop, at na hindi magpupukaw sa iyo ng matitinding damdamin tulad ng, “Pinagagawa sa akin ito ng Diyos” o “Pinagagawa sa akin iyon ng Diyos.” Ang Diyos ay hindi kailanman magbibigay sa iyo ng ganoong uri ng matinding kamalayan o damdamin na hindi kakayanin ng iyong puso. Hindi ba’t ganoon iyon? Tanggapin mo man ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ano ang iyong nararamdaman pagkatapos? Kapag nararamdaman mo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, ano ang nararamdaman mo pagkatapos? Nararamdaman mo ba na ang Diyos ay banal at hindi maaaring labagin? Nararamdaman mo ba ang distansiya sa pagitan mo at ng Diyos sa ganitong mga pagkakataon? Nararamdaman mo ba kung gaano kakila-kilabot ang Diyos? Hind—sa halip ay natatakot ka sa Diyos. Hindi ba nararamdaman ng mga tao ang lahat ng ito dahil sa gawain ng Diyos? Magkakaroon ba sila ng ganitong mga damdamin kung si Satanas ang kumikilos? Hinding-hindi. …

… Ang Diyos ay gumagawa sa tao at pinapahalagahan ang tao kapwa sa Kanyang saloobin at sa Kanyang puso. Sa kabilang banda, si Satanas ay hindi talaga pinapahalagahan ang mga tao, at ginugugol nito ang lahat ng oras nito sa pag-iisip kung paano pipinsalain ang tao. Hindi ba tama ito? Kapag pinag-iisipan nito ang pamiminsala sa tao, ang nasa isipan ba nito ay pag-aapura? (Oo.) Kaya pagdating sa gawain ni Satanas sa tao, may dalawa Akong parirala na sapat na makakapaglarawan sa kabuktutan at pagiging mapaminsala ni Satanas, na tunay na magtutulot sa inyong makilala ang pagiging kamuhi-muhi ni Satanas: Sa pagharap ni Satanas sa tao, palagi nitong nais na sapilitang masakop at sapian ang tao, ang bawat isa, hanggang sa punto na maaari nitong ganap na makontrol ang tao at mapinsala ang tao nang lubha, upang maaari nitong makamit ang intensyon nito at maisakatuparan ang mabangis na ambisyon nito. Ano ang ibig sabihin ng “sapilitang sakupin”? Nangyayari ba ito nang may pahintulot mo, o nang wala kang pahintulot? Nangyayari ba ito nang nalalaman mo, o nang hindi mo nalalaman? Ang sagot ay lubos na nangyayari ito nang hindi mo nalalaman! Nagaganap ito sa mga sitwasyon na wala kang kamalayan, marahil kahit wala itong anumang sinasabi o ginagawa sa iyo, nang walang batayan, walang konteksto—naroroon si Satanas na pumapalibot sa iyo, umaaligid sa iyo. Naghahanap ito ng pagkakataon na makapagsamantala at pagkatapos ay sasakupin ka nito nang sapilitan, sasapian ka, makakamit ang intensyon nito na ganap kang kontrolin at pinsalain ka. Isa ito sa mga pinakakaraniwang intensyon at pag-uugali ni Satanas sa pakikipaglaban nito na agawin ang sangkatauhan sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV

Sinasabi ng ilang tao na gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu sa lahat ng oras. Imposible ito. Kung sasabihin nila na palaging sumasakanila ang Banal na Espiritu, makatotohanan iyon. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at katinuan ay normal sa lahat ng oras, makatotohanan din iyon, at ipakikita na sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kung sinasabi nila na palaging gumagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila, na nililiwanagan sila ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagtatamo ng bagong kaalaman sa lahat ng oras, talagang hindi ito normal! Lubos itong higit sa karaniwan! Walang kaduda-duda, masasamang espiritu ang gayong mga tao! Kahit kapag nagkakatawang-tao ang Espiritu ng Diyos, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—lalo na ang mga tao. Yaong mga nasaniban ng masasamang espiritu ay parang walang kahinaan ng katawan. Nagagawa nilang talikdan at isuko ang lahat, wala silang mga damdamin, kaya nilang tiisin ang pagdurusa at hindi nakadarama ni katiting na pagod, na parang napangibabawan na nila ang katawan. Hindi ba ito lubos na higit sa karaniwan? Ang gawain ng masasamang espiritu ay sobrenatural—walang taong makakagawa ng gayong mga bagay! Yaong mga walang pagkilatis ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao: Sinasabi nila na mayroon silang ganoong sigla sa kanilang pananampalataya sa Diyos, may malaking pananalig, at hindi nagpapakita ni katiting na tanda ng kahinaan! Sa katunayan, lahat ng ito ay pagpapamalas ng gawain ng isang masamang espiritu. Sapagkat, ang mga normal na tao ay walang pagsalang may mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng yaong mga may presensya ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (4)

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang pangunahing gawain ng Banal na Espiritu ay pagliliwanag at pagpapalinaw, ipinauunawa sa isang tao ang mga salita ng Diyos, at pumasok sa mga salita ng Diyos; iyon ay, ito’y para gabayan ang mga tao sa kaunawaan ng katotohanan at pagpasok sa katotohanan, nagliliwanag at nagpapalinaw sa mga tao sa kalagitnaan ng lahat ng uri ng mga pagsubok, hinahayaan silang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Siyempre, sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga tao, bagay at layon ang Banal na Espiritu rin ay naglalantad ng mga tao, pinupungos sila, dinidisiplina sila, at pinaparusahan sila, na ang lahat ay may layunin ng pagdadala sa kanila sa kaligtasan. Nangingibabaw sa lahat ang Banal na Espiritu, inaayos ang lahat ng uri ng sitwasyon para mabago ang mga tao, ginagawang silang perpekto. Sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, kahit na ang gawain ng Banal na Espiritu ay iba-iba, walang eksepsiyon itong patungkol paanuman sa kaligtasan. Kahit na nakatago ang gawain ng Banal na Espiritu, at mukhang hindi naman talaga hindi makalupa sa panlabas, iyong mga may karanasan ay nauunawaan nang malinaw sa kanilang mga puso. Sa kabaligtaran, ang gawain ng masasamang espiritu ay pantastikong hindi sa daigdig, ito’y nakikita, maaaring madama, at talagang hindi normal. Mula sa mga gawain ng masasamang espiritu, makikita na ang masasamang espiritu ay partikular na gustong ibunyag ang kanilang mga sarili, sila’y hindi kapani-paniwalang masama, nang walang katiting na bahid ng katotohanan. Kahit gaano pa karaming taon kumilos ang masasamang espiritu sa isang tao, ang kanilang masamang disposisyon ay hindi nagbabago kahit kaunti. Sa halip sila’y lalo pang hindi nagiging normal, nawawala pa ang normal na katuwiran ng tao. Ito ang resulta ng gawain ng masasamang espiritu. Ganito kung paano si Satanas at masasamang espiritu ng lahat ng uri ay pinasasama ang mga tao, binibitag ang mga tao, at nililinlang ang mga tao. Sa huli, nagiging mga multo ang mga tao, at iyong mga tao na nalinlang ng masasamang espiritu ay ibinigay kay Satanas at nilamon. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay tungkol sa pagliligtas ng sangkatauhan, at mas maraming gawain ng Banal na Espiritu mayroon ang isang tao, mas lalo nilang nauunawaan ang katotohanan; mas lalong nagiging normal ang kanilang pagkatao, at lalo silang nagiging tao. Sa huli makakamtan nila ang pagliligtas ng Diyos, nagiging tao na lubos na taglay ang katotohanan at lubos na pagkatao. Ang pangunahing mga kaibahan sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng masasamang espiritu ay: Kaya lang ng masasamang espiritu na pasamain ang mga tao, bumitag ng mga tao, at sa huli ay gawin silang mga multo; ang gawain ng Banal na Espiritu ay nililinis ang masama sa kaligtasan, binibigyan sila ng katotohanan at lubos na pagkatao. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay maaaring gawing tunay na banal ang mga tao mula sa yong napasama ni Satanas at ibinilang sa gitna ng mga demonyo, at maaaring masabi ng isang tao, kinukuha yong mga napasamang naging mga demonyo ni Satanas at pinanunumbalik sila sa pagiging mga tao. Ito ang kaibahan sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng sa masasamang espiritu.

—Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Ang mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang gawain ng masasamang espiritu at ang gawain ng Banal na Espiritu ay partikular na ipinahahayag sa mga sumusunod na aspeto: Pinipili ng Banal na Espiritu ang mga tapat na tao na naghahanap sa katotohanan, na nagtataglay ng konsensiya at katuturan. Ito ang mga uri ng mga tao kung saan Siya gumagawa. Pinipili ng masasamang espiritu ang mga tao na tuso at kakatwa, na walang pag-ibig para sa katotohanan, at na walang konsensiya o katuturan. Ang gayon ay ang mga tao kung kanino gumagawa ang masasamang espiritu. Kapag inihahambing natin yaong mga pinili para sa gawain ng Banal na Espiritu at yaong mga pinili para sa masasamang espiritu, makikita natin na ang Diyos ay banal, at matuwid, na hinahangad niyaong mga pinili ng Diyos ang katotohanan, at nagtataglay ng konsensiya at katuturan, na sila ay matapat kung ikukumpara, at iniibig yaong makatarungan. Yaong mga pinili ng masasamang espiritu ay tuso, sila ay makasarili at kasuklam-suklam, wala silang pag-ibig para sa katotohanan, sila ay walang konsensiya at katuturan at hindi nila hinahangad ang katotohanan, at hindi sila tunay na sangkatauhan. Pinipili lamang ng masasamang espiritu ang negatibong mga bagay, mula dito nakikita natin na iniibig ng masasamang espiritu ang kasamaan at kadiliman, na nagpapakalayo sila mula sa yaong mga naghahangad ng katotohanan, at mabilis na nasasaniban yaong mga liko at tuso, na umiibig sa di-pagkamakatuwiran, at madaling nagagayuma. Yaong mga kung kanino piniling gumawa ng masasamang espiritu ay hindi maaaring maligtas, at mga inaalis ng Diyos. Kailan, at sa kung anong pinagmulan, gumagawa ang masasamang espiritu? Sila ay gumagawa kapag ang mga tao ay napawalay nang napakalayo mula sa Diyos at naghimagsik laban sa Diyos. Ginagayuma ng gawain ng masasamang espiritu ang mga tao. Kapag ang mga tao ay nagkakasala, kapag sila ay nasa kanilang pinakamahina, lalo na kapag sila ay nasa matinding kapighatian sa kanilang mga puso, kapag sila ay naguguluhan at nalilito, sinasamantala ito ng masasamang espiritu upang sumingit upang sila ay gayumahin at gawing tiwali, upang maghasik ng sigalot sa pagitan nila at ng Diyos. Kapag ang mga tao ay tumatawag sa Diyos, kapag ang kanilang mga puso ay ibinabaling sa Diyos, kapag kailangan nila ang Diyos, kapag nagsisisi sila sa Diyos, o kapag hinahanap nila ang katotohanan, kung gayon ang Banal na Espiritu ay nagsisimulang gumawa sa kanila. Ang lahat ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao, at naghahanap Siya ng mga pagkakataon upang iligtas ang tao, samantalang naghahanap ang masasamang espiritu ng mga pagkakataon upang gawing tiwali at linlangin ang mga tao. Ang Diyos ay pag-ibig, at ang masasamang espiritu ay namumuhi sa mga tao. Ang masasamang espiritu ay kasuklam-suklam at masama, sila ay tuso at saliwa. Ang lahat ng nilalayon ng ginagawa ng masasamang espiritu ay upang lamunin, gawing tiwali, at saktan ang tao, at ang ginagawa lamang ng Banal na Espiritu ay para sa pagmamahal at pagliligtas sa tao. Ang mga epekto ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang dalisayin ang mga tao, upang iligtas sila mula sa kanilang katiwalian, upang tulutan silang makilala ang kanilang mga sarili at makilala si Satanas, upang magawang maghimagsik laban kay Satanas, upang magawang hangarin ang katotohanan, at upang sa bandang huli ay maisabuhay ang kawangis ng tao. Ang masasamang espiritu ay ginagawang tiwali, dinudungisan, at iginagapos ang mga tao, isinasadlak nito sila nang husto sa kasalanan, at nagdadala ng ibayong kapighatian sa kanilang mga buhay, at kaya kapag gumawa ang masasamang espiritu sa mga tao, sila ay tapos na; sa bandang huli, sila ay lalamunin ni Satanas, na siyang kalalabasan ng gawain ng masasamang espiritu. Ang epekto ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang sa bandang huli ay iligtas ang mga tao, upang magawang maisabuhay nila ang isang totoong buhay, upang maging ganap na malaya at pinalaya, at tanggapin ang mga pagpapala ng Diyos. Dinadala ng masasamang espiritu ang tao sa kadiliman, dinadala siya ng mga ito sa kailaliman; kinukuha ng Banal na Espiritu ang tao mula sa kadiliman, papunta sa liwanag, at patungo sa kalayaan. Nililiwanagan at ginagabayan ng gawain ng Banal na Espiritu ang mga tao, binibigyan Niya sila ng mga pagkakataon, at kapag sila ay mahina at mayroong mga paglabag dinadalhan Niya sila ng kaaliwan. Tinutulutan Niya ang mga tao na makilala nila ang kanilang mga sarili, tinutulutan sila na hangarin ang katotohanan, at hindi Niya pinipilit ang mga tao na gumawa ng mga bagay, nguni’t hinahayaan na sila mismo ang pumili sa kanilang landas, at sa bandang huli ay dinadala sila sa liwanag. Pinipilit ng masasamang espiritu ang mga tao na gumawa ng mga bagay at inuutusan sila tungkol dito. Ang lahat ng kanilang sinasabi ay hindi totoo at ginagayuma ang mga tao, nililinlang sila, at ginagapos sila; hindi nagbibigay ng kalayaan ang masasamang espiritu sa mga tao, hindi nito sila tinutulutan na pumili, pinipilit nito sila sa daan ng pagkawasak, at sa bandang huli ay ilulublob sila nang husto sa kasalanan, aakayin sila patungo sa kamatayan.

—Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Ang pinakalitaw na katangian ng gawain ng masasamang espiritu ay ang pagiging higit nito sa karaniwan, na ang mga salitang binibigkas ng masasamang espiritu o mga bagay na ipinapagagawa nila sa mga tao ay hindi normal, hindi lohikal, at ipinagkakanulo pa ang mga pangunahing kabutihang-asal ng normal na pagkatao at mga ugnayang pantao, at sadyang walang ibang nilalayong gawin ang mga ito kundi linlangin, guluhin, at gawing tiwali ang mga tao. Kapag sumasanib ang masasamang espiritu sa mga tao, ang ilan ay nakakaramdam ng labis na takot, ang ilan ay nagiging hindi normal, habang ang iba pa ay nawawalan ng ulirat, at may iba pa na natatagpuan ang kanilang sarili na labis na nababalisa at hindi kayang kumalma. Anuman ang kalagayan, kapag sinasapian ng masasamang espiritu ang mga tao, sila ay nagbabago, nagiging para bang hindi tao ni demonyo, at nawawala ang kanilang normal na pagkatao. Ito ay sapat na para patunayan na ang diwa ng masasamang espiritu ay masama at pangit, na siyang tiyak na diwa ni Satanas. Ginagawa ng masasamang espiritu na kamuhian at kasuklaman sila ng mga tao, at lubos na walang benepisyo o tulong para sa mga tao. Ang tanging mga bagay na kayang gawin ni Satanas at ng lahat ng uri ng masasamang espiritu ay pagtitiwali, pananakit, at pananakmal ng mga tao.

Ang mga pangunahing pagpapamalas ng may gawain ng masasamang espiritu (ang mga sinapian ng mga demonyo) ay:

Ang unang uri ay ang madalas na pagsasabi ng masasamang espiritu sa mga tao na gawin ito at iyon, o pagsasabi sa isang tao ng isang bagay, o pag-uutos sa mga tao na magsabi ng mga maling propesiya.

Ang ikalawang uri ay ang madalas na pagsasalita ng mga tao ng tinatawag na “wika” sa dasal na walang nakakaunawa, at kahit sila mismong mga nagsasalita ay hindi nauunawaan. Ang ilan pa sa mga nagsasalita ay sila mismo ang “nagbibigay pakahulugan sa mga wika.”

Ang ikatlong uri ay ang malimit na pagtanggap ng isang tao ng mga pahayag, na may labis na kadalasan, sa sandaling ito ay minamanduhan sa ganitong paraan ng masasamang espiritu, sa susunod na sandali ay inuutusan sa ganoong paraan, sa isang tuluy-tuloy na kalagayan ng pagkabalisa.

Ang ikaapat na uri ay ang pagmamadali ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu sa pagnanais na gawin ito o iyon, masyadong mainipin para maghintay, hindi nila isinasaalang-alang kung pahihintulutan ba ng mga kondisyon, lumalabas pa nga sila sa kalaliman ng gabi at ang kanilang pag-uugali ay natatanging hindi normal.

Ang ikalimang uri ay ang pagiging labis na mapagmataas ng mga taong may gawain ng masasamang espiritu, wala silang katuwiran, at lahat ng kanilang sinasabi ay mapagmaliit at nagmumula sa isang mapang-utos na katayuan. Inilalagay nila ang mga tao sa isang kalituhan, at tulad ng mga demonyo, pinipilit nila ang mga tao na gumawa ng mga bagay-bagay.

Ang ikaanim na uri ay ang kawalan ng kakayanan ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu na magbahagi tungkol sa katotohanan, lalo na ang magbigay ng pansin sa gawain ng Diyos, at suwail sila sa Diyos at paiba-iba ng kilos, nagsasagawa ng lahat ng uri ng karahasan para sirain ang normal na kaayusan ng iglesia.

Ang ikapitong uri ay ang walang dahilang pagturing ng isang tao na may gawain ng masasamang espiritu sa kanyang sarili bilang ibang tao, o nagsasabing ipinadala siya ng isang tao at dapat makinig sa kanya ang mga tao. Walang sinuman ang nakakaalam kung saan siya nagmula.

Ang ikawalong uri ay ang kawalan ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu ng normal na katinuan, ni hindi nila nauunawaan ang anumang katotohanan; hindi sila nagtataglay ng anumang kakayahan na makatanggap at hindi rin nililiwanagan ng Banal na Espiritu, at ang nakikita ng mga tao ay sa pagtanggap ng mga bagay-bagay, labis na walang katotohanan ang mga taong ito at walang kahit kaunting tama.

Ang ikasiyam na uri ay ang partikular na pagtutuon ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu sa pagsesermon sa iba habang nagtatrabaho, palagi silang marahas kumilos at palagi silang nagdudulot ng pagkagambala at kaguluhan; lahat ng kanilang ginagawa at sinasabi ay umaatake, gumagapos at nagtitiwali ng ibang tao, at nagagawa din nilang baliin ang paninindigan ng mga tao at idulot sa kanila na maging negatibo para hindi na nila muling maibangon ang kanilang mga sarili. Sila ay mga demonyo, ganoon kasimple, na nananakit ng iba, pinaglalaruan ang iba at sinasakmal ang iba, at palihim silang nagsasaya kapag nasusunod ang kanilang gusto. Ito ang pangunahing layunin ng gawain ng masasamang espiritu.

Ang ikasampung uri ay ang ganap na hindi normal na pamumuhay ng mga tao na may gawain ng masasamang espiritu. Ang kanilang mga mata ay nagpapahiwatig ng nakamamatay na kislap, at ang mga salitang kanilang sinasabi ay labis na nakakapangilabot, na parang bumaba ang isang demonyo sa mundo. Walang kaayusan sa buhay ng ganitong uri ng tao, sila ay pabago-bago, at hindi mahuhulaan tulad ng isang mabangis na hayop na hindi pa nasanay. Sila ay labis na nasusuklam at namumuhi sa iba. Ito ang eksaktong hitsura ng isang taong iginapos ng mga demonyo.

Ang sampung uri sa itaas ang mga pangunahing pagpapahayag ng gawain ng masasamang espiritu. Sinumang tao na nagpapakita ng isa sa mga pagpapahayag na ito ay tiyak na may gawain ng masasamang espiritu. Para maging tiyak, lahat ng nagpapakita ng mga pagpapahayag ng gawain ng masasamang espiritu, anuman ang uring tinataglay nila, ay mga taong may gawain ng masasamang espiritu. Ang tao na inalihan ng masasamang espiritu ay madalas na napopoot at lumalayo sa mga tao kung kanino gumagawa ang Banal na Espiritu at sa mga magagawang ibahagi ang katotohanan. Sa kadalasan, habang mas mahusay ang isang tao, lalong nagnanais na sugurin at kondenahin nila. Kapag mas hangal ang isang tao, lalo nilang sinusubukang akitin at bolahin, at talagang nakahanda na makibahagi sa kanila. Kapag gumawa ang masasamang espiritu, palagi nilang pinagkakamalan ang katotohanan sa kasinungalingan, na sinasabing ang positibo ay negatibo at ang negatibo ay positibo. Ang gayon ay ang mga gawa ng masasamang espiritu.

—Mga Plano ng Gawain

Ang sinumang espiritu na ang gawain ay hayag na di-pangkaraniwan ay isang masamang espiritu, at ang hindi-pangkaraniwang gawain at mga pagbigkas ng sinumang espiritu na isinasakatuparan sa mga tao ay ang gawain ng isang masamang espiritu; ang lahat ng pamamaraan kung saan gumagawa ang mga masasamang espiritu ay abnormal at di-pangkaraniwan, at pangunahin ng ipinahahayag sa anim na sumusunod na mga pamamaraan:

1. Tuwirang kontrol sa pagsasalita ng mga tao, na malinaw na nagpapakita na ang masamang espiritu ay nagsasalita, hindi ang mga tao mismo ang nagsasalita nang normal;

2. Ang pakiramdam na tinuturuan ng masamang espiritu ang mga tao at inuutusan silang gawin ang ganito at ang ganoon;

3. Ang mga tao na, kapag sila ay nasa isang silid, maaaring makapagsabi kung ang isang tao ay akmang papasok;

4. Ang mga tao na madalas nakaririnig ng mga tinig na nakikipag-usap sa kanila na hindi maririnig ng iba;

5. Ang mga tao na nakakikita at nakaririnig ng mga bagay na hindi magagawa ng iba;

6. Mga tao na palaging balisa, at nakikipag-usap sa kanilang mga sarili, at mga walang kakayahan sa normal na pakikipag-usap o pakikisalamuha sa mga tao.

Hindi maiiwasang taglayin ng lahat niyaong kung kanino gumagawa ang isang masamang espiritu ang anim na mga pagpapahayag na ito. Sila ay di-makatuwiran, kinakabahan, hindi kayang normal na makisalamuha sa mga tao, para bang sila ay hindi kaagad napaiilalim sa katuwiran, at mayroong isang bagay na hiwalay at hindi sa mundong ito tungkol sa kanila. Ang gayong mga tao ay inaalihan ng isang masamang espiritu o mayroong isang masamang espiritu na gumagawa sa kanila, at ang lahat ng gawain ng mga masasamang espiritu ay ipinahahayag at di-pangkaraniwan. Ito ang pinakamadaling nakikitang gawain ng masasamang espiritu. Kapag inaalihan ng isang masamang espiritu ang isang tao, nilalaro nito sila upang sila ay lubos na maguluhan. Sila ay nagiging di-makatuwiran, kagaya ng isang bangkay na buhay, na nagpapatunay na sa sangkap, ang masasamang espiritu ay napakasasamang espiritu na ginagawang tiwali at nilalamon ang mga tao. Ang mga pagbigkas ng masasamang espiritu ay madaling makilala: Ganap na inilalarawan ang masasamang sangkap nito ang mga pagbigkas nito, hindi sumusulong ang mga ito, marumi at nangangamoy, inilalabas nito ang baho ng kamatayan. Sa mga tao na mayroong mahusay na kakayahan, ang mga salita ng masasamang espiritu ay madaramang walang laman at hindi kawili-wili, hindi nakapagpapatibay, kagaya ng walang anuman kundi mga kasinungalingan at walang lamang pananalita, ang mga ito ay nakalilito at pasikut-sikot, kagaya ng sangkatutak na walang katuturang bagay. Ito ang ilan sa pinakamadaling makilalang kawalang-halaga ng masasamang espiritu. Upang gayumahin ang mga tao, ang ilan sa mas mataas na uri ng masasamang espiritu ay nagpapanggap na Diyos o si Cristo kapag nagsasalita ang mga ito, samantalang ang iba ay nagpapanggap na mga anghel o tanyag na mga personalidad. Kapag nagsasalita ang mga ito, ang masasamang espiritung ito ay bihasa sa paggaya sa partikular na mga salita o mga sawikain ng Diyos, o sa tono ng Diyos, at ang mga tao na hindi nakauunawa sa katotohanan ay kaagad napapaniwala ng gayong mataas na uri na masasamang espiritu. Dapat maging malinaw sa mga hinirang ng Diyos na, sa sangkap, ang masasamang espiritu ay napakasama at walang kahihiyan, at kahit na ang mga ito ay masasamang espiritu na mataas ang uri, ang mga ito ay lubos na pinagkaitan ng katotohanan. Ang masasamang espiritu, kung tutuusin, ay masasamang espiritu, ang sangkap ng masasamang espiritu ay napakasama, at kauri ni Satanas.

—Mga Plano ng Gawain

Sinundan: 1. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Gawain ng Diyos sa Gawain ng Tao

Sumunod: 3. Pagkilala sa Pagkakaiba ng Totoong Cristo sa mga Huwad na Cristo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito