2. Ang Kahalagahan ng Diyos na Naging Tao

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Napakahalaga sa sangkatauhan ng katawang-tao na ito sapagkat Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagkat nakakaya Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng karaniwang katawan ng tao, at dahil nakakaya Niyang magligtas ng tiwaling tao, na namumuhay kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kawangis ng tao, ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nakakaya Niya ang gawain na hindi makakayang gawin ng Espiritu ng Diyos, higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na magpatotoo sa Diyos Mismo, at higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang bunga, bagama’t karaniwan at ordinaryo ang katawang-tao na ito, ang ambag Niya sa sangkatauhan at ang kahalagahan Niya sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at hindi masusukat ng sinumang tao ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito. Bagama’t hindi makakayang tuwirang puksain si Satanas ng katawang-tao na ito, makakaya Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at gapiin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na magpasakop sa Kanyang kapamahalaan. Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya’t makakaya Niyang talunin si Satanas at magagawang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya tuwirang pinupuksa si Satanas, bagkus ay nagkakatawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, higit na mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng Kanyang mga nilalang, at higit na mahusay na magagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang paglupig kay Satanas ng Diyos na nagkatawang-tao ay magdudulot ng higit na malaking patotoo, at higit na mapanghikayat, kaysa sa tuwirang pagpuksa ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na magagawang tumulong sa tao para kilalanin ang Lumikha, at higit na magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang Niya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tiyak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at higit na konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa piling ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan na ang Diyos ay namumuhay at kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa mithiin ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Lalo na, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya nang lubusan ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos Niya ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at inaakay Niya ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sila sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan bagkus ay sa mga guni-guni lamang ng tao, Hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, at palagi siyang maniniwala sa isang malabong Diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, o hindi rin kailanman maririnig ng tao ang mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Sadyang wala namang laman ang mga ginuguni-guni ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nagpapabukod-tangi sa Kanya sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa narinig dati. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito—mga lihim na wala pang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring hindi maintindihan para sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng gawaing ginagawa Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya isang simpleng katawang-tao na gaya ng inaakala ng mga tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa kalangitan at lupa, bagaman hindi mo nakikita ang mga mata Niya na tulad ng lumalagablab na apoy, at bagaman hindi mo natatanggap ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na kilalanin, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao ngayon ay isang Diyos na katulad ng tao, isang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang hindi kapansin-pansing Diyos, sa huli, ipakikita sa inyo ng Diyos na kung hindi umiral ang taong ito, sasailalim ang langit at lupa sa napakatinding pagbabago; kung hindi umiral ang taong ito, magdidilim ang kalangitan, masasadlak sa kaguluhan ang lupa, at mamumuhay ang buong sangkatauhan sa gitna ng taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung hindi pumarito ang Diyos na nagkatawang-tao upang iligtas kayo sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, magiging mga pangunahing makasalanan kayo magpakailanman, at magiging mga bangkay kayo habang panahon. Dapat ninyong malaman na kung hindi umiral ang katawang-taong ito, haharap ang buong sangkatauhan sa hindi maiiwasang kapahamakan at makikitang imposibleng makatakas sa mas matinding kaparusahang ipapataw ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat sana kayo’y nasa kalagayan kung saan nagsusumamo kayo para sa buhay nang walang kakayahang mamuhay at manalangin para sa kamatayan nang hindi namamatay; kung hindi umiral ang katawang-taong ito, hindi ninyo makakamit ang katotohanan at makakapunta sa harap ng trono ng Diyos ngayon, kundi sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa mabibigat ninyong kasalanan. Alam ba ninyong kung hindi dahil sa pagbabalik sa katawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; at kung hindi dahil sa pagparito ng katawang-taong ito, matagal na sanang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan? Dahil dito, magagawa pa rin ba ninyong tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang napakaraming pakinabang ang matatamo ninyo sa karaniwang taong ito, bakit hindi ninyo Siya malugod na tatanggapin?

Ang gawain ng Diyos ay isang bagay na hindi mo mauunawaan. Kung hindi mo lubos na maunawaan kung tama ba ang desisyon mo, ni hindi mo mabatid kung magtatagumpay ba ang gawain ng Diyos, bakit hindi mo subukan ang kapalaran mo at tingnan kung maaari bang maging malaking tulong sa iyo ang karaniwang taong ito, at kung tunay ngang gumawa na ang Diyos ng dakilang gawain? Gayunman, dapat Kong sabihin sa iyo na sa panahon ni Noe, nagsisikain at nagsisiinom ang mga tao, nag-aasawa at pinag-aasawa hanggang sa hindi na ito makayang saksihan ng Diyos, kaya nagpadala Siya ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan, na ang iniwang ligtas ay pamilya lamang ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at mga hayop. Gayunman, sa mga huling araw, ang mga iniwang ligtas ng Diyos ay iyong lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa huli. Bagaman ang parehong kapanahunan ay puno ng matinding katiwaliang hindi makayang saksihan ng Diyos, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay naging napakatiwali at itinanggi na ang Diyos ang Panginoon nila, ang mga tao lamang sa panahon ni Noe ang winasak ng Diyos. Nagdulot ng matinding pagkabalisa sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, subalit nanatiling mapagtiis ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang ngayon. Bakit ganito? Hindi ba kayo kailanman nagtaka kung bakit? Kung tunay na hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo. Ang dahilan kaya nagagawang magbigay ng Diyos ng biyaya sa mga tao sa mga huling araw ay hindi dahil sila ay hindi gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe, o dahil nagpakita sila ng pagsisisi sa Diyos, lalong hindi dahil napakaunlad na ng teknolohiya sa mga huling araw na hindi sila maatim wasakin ng Diyos Mismo. Sa halip, ito ay dahil may gawaing kailangang gawin ang Diyos sa isang pangkat ng mga tao sa mga huling araw, at na ang Diyos ang Mismong gagawa ng gawaing ito sa Kanyang pagkakatawang-tao. Higit pa rito, pipili ang Diyos ng isang bahagi ng pangkat na ito na magiging mga pakay ng Kanyang pagliligtas at bunga ng Kanyang plano ng pamamahala, at dadalhin ang mga taong ito sa susunod na kapanahunan. Samakatuwid, kahit na anupaman, ang halagang ito na binayaran ng Diyos ay ganap na para sa paghahanda para sa gawaing gagawin ng Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw. Ang katotohanang nakarating kayo sa kasalukuyan ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo may pagkakataong mabuhay. Nakamit ang lahat ng magandang kapalarang ito dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, ngunit sa huli, sasamba ang bawat bansa sa karaniwang taong ito, magbibigay din ng pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito, dahil ang katotohanan, buhay, at daan na dala Niya ang nagligtas sa buong sangkatauhan, nagpahupa sa hidwaan sa pagitan ng tao at Diyos, nagpaikli sa agwat sa pagitan nila, at nagbukas ng ugnayan sa pagitan ng mga saloobin ng Diyos at tao. Siya rin ang nakakuha ng higit pang kaluwalhatian para sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat sa tiwala at pagsamba mo ang karaniwang taong gaya nito? Hindi ba nararapat na tawaging Cristo ang ganitong karaniwang katawang-tao? Maaari bang ang ganitong karaniwang tao ay hindi maging pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng mga tao? Hindi ba karapat-dapat ang ganitong tao, na nagligtas sa sangkatauhan mula sa sakuna, sa pagmamahal at pagnanais ninyong kumapit sa Kanya? Kung tinatanggihan ninyo ang mga katotohanang ipinahayag mula sa Kanyang bibig at kinamumuhian ang Kanyang pag-iral kasama ninyo, ano ang mangyayari sa inyo sa huli?

Ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay sa iyo, at higit pa rito, magagawa Niyang pagpasyahan ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa iyo. Maaari bang ang ganitong tao ay tulad ng pinaniniwalaan ninyong Siya: isang taong napakapayak na hindi karapat-dapat banggitin? Hindi ba sapat ang katotohanan Niya upang lubos kayong makumbinsi? Hindi ba sapat ang pagsaksi sa Kanyang mga gawa upang lubos kayong makumbinsi? O hindi ba karapat-dapat para sa inyo na tahakin ang landas na Kanyang dinadala? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, ano ang nagdudulot sa inyo na kasuklaman Siya at itaboy Siya at iwasan Siya? Ang taong ito ang nagpapahayag ng katotohanan, ang taong ito ang nagbibigay ng katotohanan, at ang taong ito ang nagbibigay sa inyo ng landas na susundan. Maaari kayang hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawain ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawain ni Jesus, hindi makabababa ang sangkatauhan mula sa krus, ngunit kung wala ang pagkakatawang-tao ng kasalukuyan, hindi kailanman makakamit ng mga bumababa mula sa krus ang pagsang-ayon ng Diyos o makapapasok sa bagong kapanahunan. Kung wala ang pagparito ng karaniwang taong ito, hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataong makita ang tunay na mukha ng Diyos, ni magiging kuwalipikado, dahil lahat kayo ay mga bagay na matagal nang dapat winasak. Dahil sa pagparito ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng awa. Anupaman, ito pa rin ang mga salitang dapat Kong iwan sa inyo sa huli: Ang karaniwang taong ito, na Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na ginawa na ng Diyos sa gitna ng mga tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alam Mo Ba? Gumawa ang Diyos ng Dakilang Bagay sa Gitna ng mga Tao

Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo ang mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga namumuhay sa guni-guni ang mga hindi tumatanggap sa daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na kamumuhian ng Diyos magpakailanman ang mga taong hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Kung hindi sa pamamagitan ni Cristo, walang magagawang perpekto ng Diyos. Naniniwala ka sa Diyos, kaya dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala kung wala ka namang kakayahang tumanggap ng katotohanan at wala kang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon ay nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kung nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tinatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang iba pa ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito ay hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukan mo pang makabawi, hindi mo na mapagmamasdan muli ang mukha ng Diyos kahit kailan. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng walang-ingat na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala nang iba pa kundi katotohanan ang makapagdudulot sa iyo na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Sinundan: 1. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Diwa ng Pagkakatawang-tao?

Sumunod: 3. Ang Kaibhan sa Pagitan ng Gawain ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Gawain ng Espiritu

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito