32. Ang Pagpili ng Isang Paring Katoliko

Ni Wei Mo, Tsina

Pinalaki ako ng mga magulang ko sa Simbahang Katolika at naging pari ako nang lumaki na ako. Kalaunan, pumanglaw nang pumanglaw ang simbahan. Patuloy na nag-aaway-away at nag-aagawan ng kapangyarihan ang mga obispo at pari, at palaging naiinggit at nakikipagtalo sa isa’t isa ang mga prayle at madre. Sumama ang loob ng isa sa mga pangalawang obispo namin dahil hindi naisagawa ng obispo ng diyosesis ang pagtatalaga sa kanya, kaya pinagsama-sama niya ang ibang mga pari at sinabi sa kanila na dahil nilustay ng obispo ng diyosesis ang pera ng simbahan sa mga kotse at real estate, at sumali sa Three-Self Church, dapat itong alisin sa puwesto nito. Nagkaroon pa nga sila ng pisikal na away sa mga taga-parokya na sumusuporta sa obispo ng diyosesis. Ang mga insidente ng pagkainggit at pagkapoot ay lumala nang lumala pagkatapos niyon, at ang simbahan ay nagsimulang maghati-hati sa mga paksyon. Talagang nainis akong makita silang nag-aaway nang ganoon para sa katayuan. Hindi talaga iyon parang isang simbahan—kasing-dilim lang iyon ng sekular na mundo. Sinimulan akong ibukod ng obispo ng diyosesis dahil ayokong sumali sa Three-Self. Nagtalaga siya ng isang pari para maging alalay ko, at upang makipagpaligsahan para sa posisyon ko. Pagdating ng paring iyon, sinulsulan niya ang mga taga-parokya na itakwil ako, at hindi nagtagal, nahati ang simbahan ko sa dalawang paksyon, at nagsimulang magkaroon ng mga awayan at alitan. Ayokong maging bahagi ng mga bagay na iyon, kaya isinumite ko sa obispo ang aking pagbibitiw. Iniwan ko ang simbahang iyon na puno ng poot at sigalot at sumali sa isa pang simbahan na nasa liblib na bundok, kasama ang ilang prayle at madre.

Akala ko ang mga miyembro niyon ay simple at walang pagpapanggap, na hindi magkakaroon ng napakaraming agawan ng kapangyarihan, at na marahil ay magiging mas maganda ang sitwasyon doon. Pero ang nakakagulat, mapanglaw rin ang mga bagay-bagay roon. Walang sigla ang pananampalataya ng mga taga-parokya—ni hindi nila sinusunod ang mga kautusan, at walang habas silang nagkakasala. Nagsisinungaling sila at nandadaya, at walang humpay na nag-aaway-away. Palaging nagpupunta ang mga hindi mananampalataya, nagrereklamo sa akin tungkol sa kanila. Mga problema ito na hindi ko malutas. Bagama’t regular akong nananalangin sa Diyos, hindi ko maramdaman ang presensya ng Banal na Espiritu, at wala akong nararamdamang kaliwanagan sa mga salita ng Bibliya. Sa mga sermon, wala akong nasasabing bago. Nakaramdam ako ng espirituwal na pagkauhaw—para bang pinabayaan na ako ng Banal na Espiritu.

Kung kailan pakiramdam ko ay naliligaw ako at walang magawa, lugmok sa pagdurusa, nagpatotoo sa akin sina Father Liu at Deacon Zhang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sinasabi sa akin na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Nabigla ako at lubos na napukaw nang marinig ko iyon. Gustong-gusto kong may malaman pa tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, at hiniling ko sa dalawang kapatid na iyon na magsalita pa. Binahaginan nila ako nang napakarami at nagbasa ng ilang salita ng Makapangyarihang Diyos, kabilang na ang isang sipi na nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging tao si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nakahiwalay, kundi nakabatay sa gawain ni Jehova. Iyon ay gawain para sa isang bagong kapanahunan na ginawa ng Diyos nang matapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, nagpatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, dahil ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong. Kapag lumipas ang lumang kapanahunan, papalitan ito ng isang bagong kapanahunan, at kapag natapos na ang lumang gawain, magkakaroon ng bagong gawain para ipagpatuloy ang pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sinusundan ang gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayaring mag-isa; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangang maghatid ito ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong. Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagbahagi pa sila nang marami sa akin. Nalaman ko na ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong—na ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos at ang pananampalataya sa Kanya ay nagtatamo lamang ng kapatawaran sa kasalanan. Hindi nalulutas sa ganoong paraan ang ating makasalanang kalikasan, kaya namumuhay tayo sa isang siklo ng pagkakasala sa araw at pangungumpisal sa gabi, nakagapos pa rin sa kasalanan. Para ganap na mailigtas ang mga tao mula sa kasalanan at sa sakop ni Satanas, kailangang gumawa ang Diyos ng isa pang yugto ng gawain, nagpapahayag ng mga katotohanan para hatulan at linisin tayo. Iyon talaga ang paraan upang malutas ang ating tiwaling disposisyon at makasalanang kalikasan para makatakas tayo sa kasalanan, malinis, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Matagal na panahon nang naiwala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu. Para makamit ang patnubay ng Banal na Espiritu at ang panustos ng katotohanan, kailangan nating tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at sumabay sa Kanyang mga yapak. Iyon lang ang paraan para lumago sa buhay. Pagkatapos niyon, maraming beses kong binasa ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao—naakit ang puso ko sa mga salita ng Diyos. Gustong-gusto ko talaga iyon, nananatili akong gising hanggang alas-dos nang madaling-araw gabi-gabi sa pagbabasa niyon. Matapos ang ilang panahon, nakatiyak akong ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masaya kong tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kaya dinala ko ang mga kapatid na nagbahagi ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa aking simbahan para patotohanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa mga taga-parokya na tunay na mga mananampalataya, at sa huli ay tinanggap nilang lahat ito. Nagtipon kami at sama-samang nagbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa simbahan at nakakita kami ng bagong pagtanglaw at kaliwanagan sa bawat araw. Nakakatustos at kasiya-siya ito sa pakiramdam. Dumadalo kami sa piging ng kasal ng Kordero!

Hindi nagtagal, sinimulan akong guluhin at hadlangan ng mga obispo at pari. Una ay si Bishop Zhao, na nagsabing, “Balita ko sumali ka sa Kidlat ng Silanganan. Hindi mo tinalakay sa akin ang isang napakahalagang bagay, at nagsama ka ng maraming taga-parokya. Pagkakanulo iyan sa Panginoon! Sa pagbabalik Niya, siguradong sa aming mga obispo Niya muna iyon ihahayag. Paanong hindi ko malalaman kung talagang nagbalik na Siya? Tigilan mo na iyan at bumalik ka na! Alam kong nasa liblib na lugar ka at mahirap ang buhay. Kapag bumalik ka, tutulungan kita sa kahit anong kailangan mo.” Marami rin siyang sinabing bagay na lumalapastangan at kumokondena sa Makapangyarihang Diyos. Hindi kapani-paniwala para sa akin ang sinabi niya. Maraming beses na niyang sinabi sa akin na malapit nang magbalik ang Panginoon, kaya kailangan naming gabayan ang mga taga-parokya na magdasal at maging mapagbantay upang masalubong ang Panginoon, pero ngayong nagbalik na ang Panginoon, wala siyang intensiyon na maghanap, at lumalapastangan pa at kumokondena. Hindi siya tunay na mananampalataya. Patuloy kong ipinalaganap ang ebanghelyo, hindi niya naapektuhan.

Pagkatapos, dumating si Bishop Wang na may ibang kasama at sinabi sa akin nang ngiting-ngiti, “Hiniling sa akin ni Bishop Zhao na kumbinsihin ka na makipagkita sa kanya sa Bahay ng Obispo. Labis siyang nag-aalala para sa kapakanan mo, natatakot na maling landas ang tinatahak mo.” Inis na inis ako nang marinig kong sabihin niya iyon. Hindi nila pinansin ang mga taga-parokyang negatibo at nanghihina ang pakiramdam, pero ngayon hindi sila tumitigil sa pangungulit sa akin tungkol sa aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Isa itong pagtatangka na pigilan akong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sinabi ko sa kanya, “Determinado kayong lahat na pigilin ako sa aking pananampalataya. Mapanglaw na ang mga simbahan, maraming taon nang wala ang gawain ng Banal na Espiritu. Nanlalamig na ang pananalig ng mga kapatid at nasa siklo sila ng pagkakasala at pangungumpisal. Nangungumpisal sila, pero hindi nila magawang iwaksi ang mga gapos ng kasalanan. Talagang nahirapan ako. Natutuhan ko mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na kapatawaran lang sa mga kasalanan ang nadudulot ng pananalig natin sa Panginoon, pero hindi ang pagpapadalisay. Kung hindi malulutas ang ating makasalanang kalikasan, hinding-hindi natin matatakasan ang mga gapos ng kasalanan. Nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol para lutasin ang ugat ng pagiging makasalanan ng sangkatauhan, para makalaya tayo sa kasalanan. Ipinakita sa akin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang daan para madalisay at ganap na mailigtas. Matapos itong siyasatin, wala akong mga pagdududa na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon. Hindi ko isusuko ang aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos anuman ang sabihin ninyo.” Sabi ni Bishop Wang, “Totoong wala sa simbahan ang gawain ng Banal na Espiritu at ang presensya ng Panginoon, pero pansamantala lang iyon—sinusubok tayo ng Panginoon. Basta’t nananatili tayong matatag hanggang sa huli, makakakita tayo ng isang malaking muling pagbangon ng simbahan. Kung dadalhin mo ang lahat sa Kidlat ng Silanganan, mawawalan ng tao ang simbahan, at paano tayo magkakaroon ng muling pagbangon? Malapit nang bumalik ang Panginoon, pero hindi pa Siya bumabalik. Sa tingin mo ba talaga hindi Niya iyon ihahayag sa Papa pagbalik Niya? Dahil hindi pa naririnig ng Papa at ng mga obispo ang tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, walang dudang mali ang balitang ito. Kung mananampalataya ka sa Makapangyarihang Diyos nang walang pagsang-ayon ng Papa o mga obispo, hindi ba iyon lubusang pagtalikod sa relihiyon?” Sa katunayan, noong sinisiyasat ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, tinanong ko rin iyon, pero pagkatapos maghanap at makipagbahaginan ay naunawaan ko na. Nang sabihin ni Bishop Wang na unang ihahayag ng Panginoon ang Kanyang pagbabalik sa Papa at mga obispo, wala itong batayan. Hindi iyon sinabi ng Panginoong Jesus kahit kailan, at hindi ito nakatala sa Bibliya. Para salubungin ang Kanyang pagbabalik, kailangan nating sumunod sa sariling mga salita ng Panginoon. Sinabi ng Panginoon: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Malinaw na malinaw ang mga salita ng Panginoon. Magsasalita pa Siya ng mas maraming salita at sasabihin sa atin ang katotohanan pagdating Niya, at kung maririnig lang natin ang Kanyang tinig at tatanggapin ang mga katotohanang ipinapahayag Niya, saka natin masasalubong ang Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Ang mga apostol gaya nina Pedro at Mateo na sumunod sa Panginoon ay nakinig sa ipinangaral Niya sa simula pa lang, at noon lang napagtanto na Siya ang Mesiyas na hinihintay nila. Ang Panginoon ang nagpapasya kung bahagi tayo ng Kanyang kawan batay sa kung naririnig natin ang Kanyang tinig. Kaya ang susi sa pagsisiyasat sa tunay na daan ay ang pakikinig sa tinig ng Panginoon at paggamit niyon para kilalanin at tanggapin Siya. Ito ang pinakamaaasahan. Maraming beses na sinasabi sa Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag mga Kapitulo 2, 3). Hindi iyon unang ihahayag ng Panginoon sa mga lider ng relihiyon at obispo pagdating Niya sa mga huling araw—direkta Siyang mangungusap sa mga simbahan, hinahayaan na marinig ang Kanyang tinig. Napakaraming katotohanan ang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, inilalantad ang napakaraming misteryo ng Bibliya, sinasabi sa atin ang Kanyang plano ng pamamahala para sa ating kaligtasan, at ibinibigay sa atin ang landas upang maligtas at makapasok sa kaharian. Tinutupad nito ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus: “Ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:13). Ang mga nakakikilala sa tinig ng Diyos mula sa Kanyang mga salita at sumusunod sa Kanya ay ang Kanyang mga tupa, at sila lang ang maaaring sumalubong sa Panginoon. Kaya sinagot ko si Bishop Wang, sinasabing, “Ipinapahayag ninyo na ang Papa at mga obispo dapat ang unang makaalam tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, pero batay ba ito sa salita ng Panginoon? Walang sinabing anumang gaya noon ang Panginoong Jesus kailanman, at ganoon din ang Diyos Ama o ang Banal na Espiritu. Walang nakatala sa Bibliya na gaya noon. Kaya hindi ba’t ang sinasabi ninyo ay kuru-kuro at imahinasyon lang ng tao? Para masalubong ang Panginoon, kailangan nating sundin ang sariling mga salita ng Panginoon, hindi ang ating mga kuru-kuro at imahinasyon. Nakatala sa Lumang Tipan na pinaglingkuran si Yahweh ng batang si Samuel sa presensya ni Eli. Sa imahinasyon ng tao, dapat kay Eli unang ibinigay ang pahayag ni Yahweh, pero hindi iyon ang ginawa ni Yahweh. Tinawag Niya ang batang si Samuel nang apat na beses para sabihin dito ang Kanyang kalooban. At nang pumarito ang Panginoong Jesus, sa halip na ihayag iyon sa mga Hudyong saserdote at eskriba, nagpakita ang isang anghel sa mga pastol at sinabi sa kanila ang tungkol sa pagsilang ng Panginoong Jesus. Malinaw na hindi gumagawa ang Panginoon ayon sa mga kuru-kuro ng tao. Gaano man katagal naging isang mananampalataya ang isang tao o anuman ang kanyang katayuan, hangga’t handa siyang pakawalan ang kanyang mga kuru-kuro, mapagpakumbabang maghanap, at tumuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, masasaksihan niya ang pagpapakita ng Diyos. Pumarito ang Panginoon sa mga huling araw, nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol. Hindi Niya kailangang humingi ng opinyon ninuman o magbigay ng pahayag sa sinumang partikular na tao. Ito ay sariling gawain ng Diyos na walang tao ang maaaring manghimasok. Ang sinumang sumusuway o naghihimagsik ay malalabag lang ang disposisyon ng Diyos, kagaya ng mga eskriba at Pariseo, na kumapit sa mga kuru-kuro at kinondena ang Panginoong Jesus, ipinapako Siya sa krus. Gumawa sila ng isang kasuklam-suklam na kasalanan at isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Hindi ba’t maaari nating pagnilayan ang mapait na leksyong iyon?” Galit na galit siyang sumagot, “Ang lakas din ng loob mo, nangangahas na lumaban sa Papa! Alam mo ba na pinatalsik si Father Liu sa simbahan matapos sumali sa Kidlat ng Silanganan? Itinakwil siya ng mga miyembro ng simbahan at kahit ang pamilya niya ay tutol doon. Isinuko niya ang kanyang pagkapari, at tinanggihan ang isang kotse at salapi. Hindi mo ba naiisip na hindi iyon normal?” Naisip ko sa sandaling iyon na talagang wala ang gawain ng Banal na Espiritu sa Simbahang Katolika, at ang pawang nasasabi na lang ng mga obispo ay pera, katayuan at kasiyahan, gaya ng isang hindi mananampalataya. Paano iyon naging paglilingkod sa Diyos? Gaano man nila ako subukang guluhin at hadlangan, determinado akong sumunod sa Makapangyarihang Diyos. Sabi ko, “Sinasabi sa Bibliya: ‘Dapat muna kaming magsitalima sa Diyos bago sa mga tao’ (Mga Gawa 5:29). Ang mga salita lang ng Diyos ang sinusunod ko, hindi ang sa mga tao. Puwede mo nang alisin ang ideyang iyan at tigilan ang pagpapayo sa akin.” Galit siyang umalis nang makita niyang hindi ako makikinig sa kanya.

Matapos iyon, patuloy na pumupunta sina Bishop Zhao at Bishop Wang para subukan akong guluhin at hadlangan. Sabi nila, “Father Wei, hindi ka puwedeng mawalan ng konsiyensiya! Noon, para matulungan kang maging isang pari, kami at ang ibang mga pari ay sinuong ang panganib na makulong para protektahan ka, nagbayad ng malaking halaga para tulungan ka sa sampung taon mong pagsasanay na makapagbigay ng mga sermon. Binibigyan ka namin ng makakain at maiinom. Labis na nagsikap ang mga magulang mo para mas maaga mong makamit ang iyong pagkapari, pero ngayon ay sinalungat mo sila sa pananalig mo sa Kidlat ng Silanganan. Mahaharap mo pa rin ba kami? Mahaharap mo pa rin ba ang iyong mga magulang? Isuko mo na ang pananampalatayang ito at bumalik sa amin. Hinihintay ka namin.” Magulo ang isip ko nang sinasabi nila ang mga bagay na iyon. Iniisip ko ang lahat ng mga taong iyon na inalagaan ako ng mga obispo—marami talaga silang ginawa. Tinutugis ako ng mga pulis sa mga taong iyon at talagang maingat na isinaayos ng mga obispo ang mga bagay-bagay para sa akin, para siguruhin ang aking kaligtasan. Mahirap ang aking pamilya at inalagaan ako ng mga obispo. Takot akong lumabas na walang konsiyensiya kung hindi ako makikinig sa kanila. Pero alam kong ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at hindi ko Siya magagawang talikuran. Kaya nagdasal ako: “Diyos ko, nanghihina ako. Pakiusap, bigyan Mo po ako ng pananalig at lakas para hindi ako madala ng panlabas na mga impluwensya.” Binuksan ko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao matapos iyon at nakita ko ang siping ito: “Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gampanan ang iyong tungkulin. Para sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon. Mula nang umiral ang tao, iyon na ang ginagawa ng Diyos, pinamamahalaan ang sansinukob, pinangangasiwaan ang mga panuntunan ng pagbabago para sa lahat ng bagay at kung paano gagalaw ang mga ito. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pangangasiwa ng kamay ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Naalala ko rin na sinabi ng Panginoong Jesus: “Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid: sapagkat ang mga ito’y hindi naghahasik, ni umaani, ni nagtitipon man sa mga kamalig; ngunit ang mga ito’y pinakakain ng inyong Ama sa langit. Hindi ba lalong higit ang halaga ninyo kaysa sa mga ito?(Mateo 6:26). Inaalagaan ng Diyos ang mga ibon sa himpapawid—paano pa ang mga tao! Nilikha ako ng Diyos, at ibinigay Niya sa akin ang buhay ko. Ang pagkain ko, damit ko ay ibinigay lahat sa akin ng Diyos. Ang pag-aalaga sa akin ng mga obispo ay pagsasaayos ng Diyos, at ang pagkakataon kong maglingkod sa Diyos bilang isang pari ay isinaayos at pinagpasyahan din Niya—pagmamahal Niya ito. Ang Diyos dapat ang pinasasalamatan ko. Kung ipagkakanulo ko ang Diyos para masuklian ang tinatawag na kabutihan ng isang tao, talagang kawalan iyon ng konsiyensiya! Naisip ko ulit ang lahat ng obispo at paring iyon na naiinggit at gutom sa kapangyarihan, at sakim sa mga pakinabang ng katayuan. Nagbalik na ang Panginoon, at hindi lang nila tinanggihan na hanapin o siyasatin iyon, kundi pinigilan pa nila ang iba na salubungin ang Panginoon, nagpapalaganap pa nga ng mga kasinungalingan at kalapastanganan. Hindi ba’t nagsasagawa sila ng kasamaan sa lahat ng ginagawa nila? Kahit gaano pa sila magmukhang mabuti, hindi nila sinusubukang dalhin ang mga tao sa harap ng Panginoon, na tulungan ang mga itong makilala ang Panginoon at makamit ang katotohanan at buhay mula sa Kanya. Ito ay para dalhin ang mga tao sa harap nila, para mahimok ang mga ito na idolohin sila at sundin sila, na nagpalayo nang nagpalayo sa mga tao sa Panginoon. Ipinaalala sa akin nito ang paglalantad ng Panginoon sa mga Pariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. Sa aba ninyo, mga eskriba’t mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaeng balo, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya’t magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa(Mateo 23:13–14). Matatag na inilagay ng mga obispo at pari ang lahat sa ilalim ng kanilang kapangyarihan, at pinigil ang mga tao na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Ano ang ipinagkaiba niyon sa mga eskriba at Pariseo? Hindi ba sila ang masasamang lingkod na inilalantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ang pagkakaroon ng konsiyensiya para sa kanila ay isang tunay na pagkakanulo sa Panginoon.

Kalaunan, nalaman din ng kaparian na mula sa ibang mga probinsya na tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Dinumog ako ng mga obispo at pari ng ilang parokya. Puro sila paninisi, mga pang-aatake, at pagkondena, sinasabing ang paniniwala ko sa Kidlat ng Silanganan ay isang pagkakanulo sa Panginoon, na isa akong traydor at dapat isumpa. Ang pinakamalalang bahagi ay nag-imbento sila ng mga bagay-bagay at binaluktot ang mga katunayan para siraan at dungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at para lapastanganin ang Makapangyarihang Diyos. Halos walang sinuman ang kalmado lang na nakikinig sa akin. Nagalit ako—paanong ang mga taong ito, na pakunwaring gumagawa para sa Diyos, ay naging ganito? Lahat ng lumalabas sa kanilang mga bibig ay pagkondena at paglapastangan, labis na napopoot sa Diyos! Sa loob ng ilang panahon, pakiramdam ko ay may kung anong mahigpit na pumipisil sa puso ko, at hindi ako makahanap ng kapayapaan. Alam ko na sa pagkondena at pagtakwil nila sa akin sa ganoong paraan, siguradong tatratuhin din ako nang ganoon ng mga taga-parokya nila. Saanman ako magpunta, malamang na puputaktihin ako ng kanilang mga paninira at tsismis. Talagang masakit at nakakadismaya ito para sa akin. Pagkatapos ay naalala ko ang sinabi ng Panginoon: “Mapapalad kayo, kapag kayo’y inaalimura ng mga tao, at kayo’y inuusig, at kayo’y pagwiwikaan ng lahat ng paraang masasama na pawang kasinungalingan, dahil sa Akin(Mateo 5:11). Ang Diyos ay nagkatawang-tao at pumarito sa lupa upang iligtas ang sangkatauhan, dumaranas ng pagkondena at pagtalikod ng mundo ng relihiyon, ngunit nagpahayag pa rin Siya ng mga katotohanan upang iligtas tayo. Ano itong paghihirap ko, kumpara doon? Sulit lang ang kaunting paghihirap para makasunod sa Diyos at makatanggap sa katotohanan at buhay. Nang maisip ko ito sa ganoong paraan, hindi na ako nag-alala tungkol sa paghusga o pagkondena ng ibang tao. Maaari nila akong tanggihan at kondenahin, pero sinalubong ko na ang Panginoon, binasa ang Kanyang mga salita, at tinanggap ang Kanyang pagdidilig at panustos. Ito ang pinakadakilang pagpapala. Talagang nakakaginhawa ito at nagdulot ito sa akin ng mapayapang pakiramdam. Sa dati kong simbahan, hindi ako espirituwal na natutustusan, at namumuhay ako sa kadiliman. Pero sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos, nakukuha ko ang panustos ng katotohanan at abot-tanaw ko ang kaligtasan. Para iyong muling pagbabalik mula sa kamatayan. Natagpuan ko ang daan ng buhay na walang hanggan, at gaano man ako kondenahin at hadlangan ng Katolikong kaparian, susundan ko ang Makapangyarihang Diyos. Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos pagkatapos niyon: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos naunawaan ko na sa panlabas ay inaatake ako at sinusupil ng mga obispo at pari. Gayunpaman, sa likod niyan, si Satanas ang gumugulo at sumusubok sa akin. Sa pamamagitan ng mga obispo at pari, ginagamit ni Satanas ang pera, kapangyarihan, at kasikatan para tuksuhin akong ipagkanulo ang Diyos. Nang hindi nila nakuha ang gusto nila, binatikos nila ako—gusto nila akong pilitin na isuko ang aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos at maiwala ang Kanyang kaligtasan. Hindi ako maaaring mahulog sa mga panlilinlang ni Satanas. Habang lalo akong hinahatulan at inaatake ng kaparian, lalo kong nakikita ang katotohanan ng kung paano nila nilalabanan ang Diyos at kinamumuhian ang katotohanan. Walang ni isa sa kanila ang naghanap o umasam sa pagpapakita ng Diyos. Mapagmataas sila at hindi magawang tanggapin ang katotohanan. Lahat sila ay mga makabagong-panahong Pariseo na gumagawa laban sa Diyos.

Isang umagang-umaga, makalipas ang dalawampung araw, pamadaling-araw pa lang, nasa simbahan ako nagdarasal kasama ang ilang prayle, madre, at taga-parokya na katatanggap pa lang sa Makapangyarihang Diyos. Sa sandaling iyon, dumating sina Father Wang at Father Li kasama ang mga diyakono, at ilang taga-parokya na karaniwan ay hindi naman relihiyoso—mga nasa pitumpu o higit pang mga tao ang biglang sumugod lahat sa patyo ng simbahan. Mayroon silang talagang nananakot na ekspresyon sa kanilang mukha, at naisip kong gagamit sila ng karahasan para pigilin ang mga kapatid sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Medyo natakot ako at dali-daling nagdasal sa Diyos, “Diyos ko! Maliit ang aking tayog, bigyan Mo po sana ako ng pananalig at lakas para hindi ako yumukod sa mga anticristong puwersa ng relihiyong ito.” Kumalma ang pakiramdam ko matapos ang panalangin ko, hindi na gaanong takot. Napakahinahon ko silang nilapitan at sinabing, “Father Wang, Father Li, bakit ninyo dinala ang lahat ng taong ito rito?” Itinuro ako ni Father Wang at sinabing, “Tinanggap mo ang Kidlat ng Silanganan, at ang malala pa, idinamay mo ang mga taga-parokya! Isang malaking bagay ang pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, pero palihim kang pumunta sa Kidlat ng Silanganan nang hindi iyon tinatalakay kasama namin. Naghihimagsik ka! Nakalimutan mo na ba ang sariling mga salita ng Panginoon? Sinasabi sa Bibliya: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Anumang balita ng pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi totoo. Nalinlang ka at ipinagkanulo mo ang Panginoon, at makakakuha ka ng isang huling pagkakataon. Isuko mo ang Kidlat ng Silanganan at ibalik ang iba sa ating simbahan, at mananatili kang isang pari.” Napakatatag kong sinabing, “Father Wang, maaari mong gawin sa akin ang anumang nais mo, pero ang pagpigil sa amin sa pagsisiyasat sa tunay na daan, sa pagdinig sa tinig ng Diyos at pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon ay ganap na hindi katanggap-tanggap. Totoong may mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta na nanlilinlang ng mga tao sa mga huling araw, pero sinabi ng Panginoon na talagang babalik Siya. Hindi tayo maaaring mabigo na salubungin ang sariling pagbabalik ng Panginoon dahil sa takot na malinlang ng mga huwad na Cristo. Hindi ba’t parang pag-ayaw iyong kumain dahil sa takot na mabulunan? Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na maging mapagbantay laban sa mga huwad na Cristo dahil hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan, kundi lilinlangin lang ang mga tao gamit ang mga tanda at kababalaghan. Tanging si Cristo sa katawang-tao ang kayang magpahayag ng katotohanan, magbigay ng buhay sa sangkatauhan, at magturo sa atin sa landas ng kaligtasan, sa kaharian ng Diyos. Si Cristo ang Espiritu ng Diyos sa anyong laman at nagtataglay Siya ng banal na diwa, kaya Siya lang ang makakapagpahayag ng katotohanan para matustusan at maakay ang mga tao, Siya lang ang makakapagpahayag ng disposisyon ng Diyos at makakakumpleto ng gawain para tubusin at iligtas ang tao. Walang tao ang makakagawa niyon, at walang tao ang kayang gumaya niyon. Nagpakita na ang Makapangyarihang Diyos at gumagawa sa mga huling araw, inilalantad ang mga misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos at ang mga pagkakatawang-tao, ipinapahayag ang lahat ng katotohanan na kinakailangan para madalisay at mailigtas ang sangkatauhan. Tanging ang Diyos Mismo ang kayang gumawa ng lahat ng gawaing ito. Sino pa, bukod sa Diyos, ang makakapagpahayag ng katotohanan? Sino pa ang makakagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Sino pa ang makakapagdalisay at lubos na makakapagligtas sa sangkatauhan? Wala kahit na isang tao. Ang pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan ay ganap na nagpapatunay na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus, na Siya si Cristo ng mga huling araw.” Nanlalaki ang mga matang itinuro ako ni Father Wang at sinabing, “Wala kaming pakialam kung gaano ka man katama! Dahil ayaw mong bumalik, at determinado ka sa Kidlat ng Silanganan, sinabi sa amin ng mga obispo na balaan ka—dapat mong itigil kaagad ang pagpapalaganap ng Kidlat ng Silanganan, at ibigay mo ang mga aklat nila.” Pagkatapos ay sinabi ni Father Li, “Ibigay mo ang mga susi ng simbahan, at pati na ang mangangaral na iyon ng Kidlat ng Silanganan!” Sa sandaling iyon, inutusan ni Father Wang ang mga taga-parokya, “Halughugin ninyo ang lugar, at hanapin ang lahat ng libro nila ng Kidlat ng Silanganan! Hindi nila maisasagawa ang pananampalataya nila kung wala ang mga librong iyon.” Pagkatapos ay inutusan niya ang ilan sa kanila na pigilin ako. Isa sa mga diyakono ang biglang lumuhod sa harap ko at sumigaw, “Hindi ka maaaring manalig sa Makapangyarihang Diyos! Ano ang gagawin namin kung hindi na ikaw ang pari namin? Kailangan mo kaming akayin patungo sa langit….” Hindi ako makawala sa kanila. Ang kaya ko lang gawin ay walang magawang manood habang sumusugod ang iba sa patyo ng simbahan dala ang kanilang mga pala at asarol, pagkatapos ay narinig ko ang mga tunog ng mga nasisirang bintana at pinto. Talagang nagalit ako at nag-alala—nasa loob si Brother Chen Guang na siyang nagbahagi ng ebanghelyo. Magiging problema iyon kung makukuha nila siya. Ang mga taga-parokya roon ay bago pa lang sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at wala pang magandang pundasyon. Natatakot akong baka wala silang lakas na maging matatag sa ganoong uri ng pagkagambala. Hindi nagtagal, halos lahat ng silid sa simbahan ay ginulo na nila. Binaligtad pa nga nila ang tabernakulo. Wala silang nakitang mga aklat ng mga salita ng Diyos, at hindi pa sila handang sumuko. Pumunta sila sa mga bahay ng mga miyembro ng simbahan, tinatakot at binabantaan sila at nagkakalat ng mga tsismis, kinukuha ang mga aklat ng mga salita ng Diyos mula sa karamihan sa kanila. Binugbog nang husto si Chen Guang na hindi na siya makabangon sa sahig; sinabi pa ng mga pari na dadalhin nila siya sa mga pulis. Galit na galit ako, at sinabi ko sa kanila, “Isang tunay na mananampalataya si Chen Guang. Ang pagbugbog sa kanya nang husto at pagbabanta pa na dadalhin siya sa mga pulis—may konsiyensiya pa ba kayo? Mga mananampalataya ba kayo ng Diyos? Matuwid ang Diyos, at ang mga gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Kanya ay tiyak na mahaharap sa kaparusahan.” Hindi na siya ipinahuli sa mga pulis ng mga pari at diyakono matapos kong sabihin iyon. Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Father Wang, “Mabuti ang intensyon ng mga obispo at pari, sana nauunawaan mo iyan. Bumalik ka na sa Bahay ng Obispo kasama namin.” Sabi ko sa kanya, “Hindi ako sasama sa inyo. Narinig ko na ang tinig ng Diyos at sinusundan ko ang mga yapak ng Kordero. Determinado ako sa landas na ito!” Galit silang umalis matapos iyon.

Nang gabing iyon, nahiga lang ako sa kama, hindi makatulog. Dumaan sa utak ko na parang pelikula ang mga kaganapan ng araw na iyon. Gulong-gulo ang isip ko. Inisip ko kung paanong ang mga obispo at mga pari, na habambuhay na mga lingkod ng Panginoon, ay kaya kaming labis na kamuhian dahil sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Ang simbahan ay isang lugar ng pagsamba, pero talagang nagkaroon sila ng lakas ng loob para sirain ito, bugbugin ang isang brother na nagbabahagi ng ebanghelyo, at kunin ang mga libro ng mga salita ng Diyos mula sa mga mananampalataya. Kaya nila ang anumang uri ng kasamaan! May mga koneksyon sa gobyerno ang mga pari, kaya hindi masasabi kung kailan nila ako maaaring iulat sa mga pulis. Palagi akong tumatangging sumali sa opisyal na simbahan, at palagi akong itinuturing na tinik sa lalamunan ng hepe ng Political Security Section. Pinagbantaan niya ako dati, sinasabing ang hindi ko pagsali sa Three-Self Church ang dahilan kaya pinuna siya ng Provincial Public Security Department at ng Municipal Public Security Bureau, at na ipapakita niya sa akin ang nararapat sa akin kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. Ngayon, bilang isang mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, kapag napasakamay ako ng mga pulis, puwedeng pahirapan pa nila ako hanggang sa mamatay. Napakasakit para sa akin na matalikuran at makondena ng mundo ng relihiyon at matugis ng Partido. Sinusundan ko lang ang mga yapak ng Panginoon, sinusunod si Cristo ng mga huling araw. Bakit napakahirap niyon? Hindi talaga ako nakatulog nang gabing iyon. Nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, tulungan Mo po sana ako at bigyan Mo po ako ng pananalig at lakas para mapagtagumpayan ko ang kahinaan ng aking laman at makapanindigan sa sitwasyong ito.” Pagkatapos ay naisip ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos na natutuhan ko:

1 Ang Makapangyarihang Diyos, ang Pinuno ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang luklukan. Namumuno Siya sa sansinukob at sa lahat ng bagay, at ginagabayan Niya tayo sa buong daigdig. Maging malapit tayo sa Kanya sa bawat sandali, at humarap sa Kanya nang tahimik, na hindi nagsasayang kailanman ni isang sandali, at may mga aral tayong dapat matutuhan sa lahat ng oras. Lahat, mula sa kapaligirang nakapalibot sa atin hanggang sa mga tao, pangyayari, at bagay, ay umiiral sa pahintulot ng Kanyang luklukan. Huwag hayaang magkaroon ng hinaing sa inyong puso sa anumang dahilan, kung hindi ay hindi ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang Kanyang biyaya.

…………

4 Ang pananampalataya ay parang isang trosong tulay: Yaong mga nakakapit nang mahigpit sa buhay ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang kanilang sarili ay makakatawid, nang hindi nahuhulog at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga mahiyain at matatakuting saloobin, iyon ay dahil naloko siya ni Satanas, natatakot na tatawirin natin ang tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos. …

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6

Ang paulit-ulit na paghuni ng himnong ito ay nagbigay sa akin ng kaunting lakas ng loob. Totoo ito—ang lahat sa sansinukob ay nasa mga kamay ng Diyos, pati na ang kapalaran ko, kaya nasa sa Diyos din kung maaaresto ako o hindi. Alam ni Satanas ang mga kahinaan ko, ginagamit ang kasikatan, katayuan, at ang banta ng pag-aresto para atakihin ako at magawa akong ipagkanulo ang Makapangyarihang Diyos. Ginagamit ng Diyos ang sitwasyon para gawing perpekto ang pananalig ko, at para makita kung mayroon akong determinasyong isuko ang lahat para patuloy na sumunod sa Kanya. Nagdusa ako mula sa kanilang pamumuwersa, pero nararamdaman ko ang patnubay ng Diyos, at lumago ang pananampalataya ko sa Kanya. Naalala kong sinabi ng Panginoon: “Sapagka’t ang sinumang mag-ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay makakasumpong niyaon(Mateo 16:25). Para matubos ang sangkatauhan, ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus ng mundo ng relihiyon at ng gobyerno. Inusig ang lahat ng disipulong sumunod sa Kanya. Binato sila hanggang mamatay, kinaladkad ng mga kabayo hanggang mamatay, o binitay. Naging martir sila dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, nagbibigay ng magandang patotoo, at natamo ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pagsunod sa Diyos ay pagtahak sa landas ng krus. Nagsilbi nang isang huwaran ang Panginoong Jesus para sa atin—dapat tayong uminom mula sa mapait na saro na ininuman Niya, at tahakin ang landas na Kanyang nilakaran. Ngayong sinusundan ko ang Makapangyarihang Diyos, kahit mangahulugan pa ito na maaaresto at mapapahirapan ako ng Partido Komunista, magiging pagdanas ito ng pag-uusig alang-alang sa pagiging matuwid. Matatamo nito ang pagsang-ayon ng Diyos at magiging maluwalhati. Anuman ang maaari kong harapin matapos iyon, nakahanda akong ibigay ang buhay ko para doon, para sumunod sa Diyos hanggang sa pinakahuli.

Kalaunan, inisip ko kung bakit hindi hinanap o siniyasat ng mga obispo at pari ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw kahit paano man, at sobrang lumalaban dito. Nabasa ko ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Pariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Pariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang buhay katotohanan. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Pariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natutunan ko na nilabanan ng mga Pariseo ang Panginoong Jesus dahil sutil sila, mapagmataas, at napopoot sa katotohanan. Narinig nila ang mga salita ng Panginoong Jesus, pero ayaw nilang kilalanin na nangusap Siya ng katotohanan. Nakita nila na tinulutan ng Panginoong Jesus na makakita ang bulag, pinagaling ang mga ketongin, at muling binuhay ang patay, nagpapakita ng napakaraming tanda at kababalaghan, pero ayaw nilang kilalanin na Siya ang ipinropesiya na Mesiyas, ang Diyos Mismo. Kumbinsido sila na isa lang tao ang Panginoong Jesus, at nilapastangan pa Siya, sinasabing nagpalayas Siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonyo. Hindi nila nakilala ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi tinanggap ang katotohanan, o sinunod ang mga salita ng Diyos. Kumapit sila sa pangalang “Mesiyas” at iginiit ang sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at sa huli ay ipinapako sa krus ang Panginoong Jesus. Ngayon, nagbalik na ang Panginoon bilang Makapangyarihang Diyos, nagpapahayag ng mga katotohanan para hatulan at linisin ang sangkatauhan, at hayagang ipinapakita ang matuwid at maharlikang disposisyon ng Diyos na walang pinalalampas na paglabag. Makapangyarihan at may awtoridad ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at niyanig ang mga puso ng mga tunay na mananampalataya sa Diyos mula sa bawat denominasyon. Kinikilala nilang lahat na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at na ang mga ito ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga simbahan. Pero kumapit ang mga obispo at pari sa literal na kasulatan at sa sarili nilang mga kuru-kuro at imahinasyon, mapagmataas na naghihintay na bumalik ang Panginoon at bigyan muna sila ng isang pahayag. Hindi nila hinahanap ang katotohanan o sinusubukan man lang na pakinggan ang tinig ng Diyos, kundi hibang lang na pinipigil ang mga tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang lahat ng bagay na ito na ginagawa nila ay nagbubunyag ng tunay nilang mga mukha ng pagkapoot sa katotohanan at pagkapoot sa Diyos. Mga Pariseo sila ng makabagong-panahon sa bawat aspeto.

Matapos nilang pinsalain ang simbahan, umalis ako kasama ang ilang prayle at madre na gustong magbahagi ng ebanghelyo. Makalipas ang ilang araw, isang brother ang nagpadala sa akin ng mensaheng nagsasabing huwag akong bumalik anuman ang mangyari—isang araw pagkaalis ko, nagpunta sa simbahan ang mga pulis para arestuhin ako. Nang hindi nila ako nakita, nagkampo sila sa simbahan, hinihintay ako. Inaresto nila ang ilang taong katatanggap pa lang ng ebanghelyo, at tinanong kung nasaan ako. Sabi ng brother na iyon, may joint report daw sa akin ang kapitan ng National Security Brigade mula sa mga diyakono ng ilang parokya, na nagsasabing hindi ako sumali sa Three-Self Church at na sinabihan ko raw ang ibang mga diyakono at pari na huwag ding sumali, kaya direkta kong nilalabanan ang gobyerno. Sinabi ng kapitan na iyon na ang pangangaral ng Kidlat ng Silanganan ay isang krimen na mapaparusahan ng kamatayan, at puwede silang bumaril hanggang sa mamatay. Pinagbantaan ng mga pulis ang mga kapatid, sinasabing puwede silang mahatulan sa isang krimen kung hindi nila isisiwalat ang kinaroroonan ko. Galit na galit ako nang marinig ko ang balita. Maraming taon na akong walang tigil na ginugulo ng Partido, pinipilit ako na sumali sa Three-Self. Ngayong sumusunod na ako sa Makapangyarihang Diyos at nagbabahagi ng ebanghelyo ng mga huling araw, talagang naging tinik ako sa lalamunan nito. Gusto nila akong arestuhin at makita akong mamatay agad. Napakasama ng mga demonyong Partido Komunista na iyon! Alam ko sa puso kong kung wala ang permiso ng mga obispo at pari, hinding-hindi ako iuulat ng mga diyakono nang sila lang. Ang paggawa nila niyon ay mas malinaw na nagpakita sa kanilang masama at malupit na kalikasan. Naisip ko ang mga Pariseo—para mapigil ang mga Hudyong mananampalataya sa pagtanggap sa pagliligtas ng Panginoong Jesus, nakipagtulungan sila sa gobyernong Romano para malupit na ipapako sa krus ang Panginoon, at tinugis at inusig ang Kanyang mga disipulo. Ngayon ay nakikipagtulungan ang kaparian sa satanikong rehimen ng Partido Komunista para tugisin ako at pilitin akong magtraydor sa Makapangyarihang Diyos. Wala silang ipinagkaiba sa mga Pariseo noon.

Hindi nagtagal pagkatapos ng ulat ng mga diyakono, namatyagan ng mga pulis ang bahay ng host ko, kaya itinakas ako kaagad ng aking mga kapatid. Kinabukasan, nalaman kong inaresto ang mag-asawang host. Nagpakita sa kanila ang mga pulis ng litrato ko at iginiit na malaman kung nasaan ako. Matapos iyon, kinailangan kong manatiling tumatakas para makaiwas sa pag-aresto. Palagi akong nagtatago, sinusubukang takasan ang Partido Komunista, at iniisip kung kailan matatapos sa wakas ang mga araw na iyon. Noong Cultural Revolution, binugbog ang tiyuhin ko hanggang sa mamatay dahil sa pagiging isang Katoliko, at may naiwang mga marka sa katawan niya mula sa mga kadena at mga peklat mula sa pagtatatak. Nakaukit pa rin iyon sa isip ko. Natatakot ako—kung mapapasakamay ako ng Partido, paano nila ako pahihirapan?

Pagkatapos ay narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos:

Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan

1 Dapat kang magdusa ng paghihirap alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay-pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan.

2 Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. …

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Habang kumakanta ako, iniisip ko ang tungkol sa kahulugan ng himno. Ang paggawa nito ay nagbigay sa akin ng higit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, at lumago ang pananampalataya ko. Sa Tsina, ang bansang ito na lumalaban sa Diyos, ang pagsunod sa Diyos at pagkamit ng katotohanan ay nangangailangan ng kaunting pagdurusa. Sa pamamagitan lang ng paghihirap at mga pagsubok magagawang perpekto ang ating pananalig, at ating makakamit ang pagkakilala sa maraming bagay. Tinanggihan ako at tinraydor ng mundo ng relihiyon dahil sinusundan ko si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, at ngayon hinahabol ako ng malaking pulang dragon, palaging tumatakas. Araw-araw akong kinakabahan, at talagang nagdurusa. Pero ang mga karanasang iyon ang tumulong sa aking makita nang mas malinaw ang realidad na napopoot ang kaparian sa katotohanan, at napopoot sila sa Diyos. Tunay ko ring naranasan ang patnubay ng Diyos. Sa tuwing miserable ako at mahina, ginagabayan ako ng Diyos para maunawaan ang kalooban Niya, pinapalakas ako at binibigyan ako ng pananalig, nang sa gayon ay hindi na ako mahina at takot. Nararamdaman ko na ginagabayan at binabantayan ako ng Diyos. Bagama’t nagkaroon ng marami-raming pagdurusa, may kahulugan at halaga iyon. Kahit humantong nga ako sa pagkakaaresto, alam kong may permiso iyon ng Diyos, at handa akong magpasakop sa Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos. Handa akong sumunod sa Diyos maging gaano man kahirap ang mga bagay-bagay!

Kahit na nilisan ko ang simbahan, patuloy na sinubukan ng kaparian ang lahat para pigilin ako sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Isang araw, nakipagkita ako sa isang tao sa istasyon ng bus, at pagdating ko pa lang sa exit, ilang tao ang biglang pumalibot sa akin at humawak sa akin. Talagang nabigla ako at hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pagkatapos, ilan sa pamilya at mga kamag-anak ko ang lumabas sa isang kotse at isinakay ako roon nang walang anumang paliwanag. Nalaman ko kalaunan na hiniling ng mga obispo sa isang diyakono na tawagan ang pamilya ko at ilang taga-parokya at sabihin sa kanilang sumali ako sa Kidlat ng Silanganan, na nawala na ako sa sarili dahil sa pagtuturok at pagkonsumo ng mga drogang psychoactive, na ayaw ko nang maging isang pari at ni wala nang pakialam sa pera. Sinabi niya na kinokontrol ako at na sinalungat ko ang mga panata ko sa Panginoon—na nagpakasal ako sa isang biyuda, at ang mga anak ko ay ganito at ganoong edad. Hiniling niya sa pamilya at mga kamag-anak ko na makipagtulungan sa mga obispo para mapabalik ako, para mapatigil ako sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos at sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Talagang gustung-gusto ng pamilya ko ang kaparian at lubos nilang pinaniwalaan ang mga bagay na sinasabi ng mga ito, kaya nakinig sila sa mga obispo at pinuntahan ako. Nagalit ako nang husto nang mapakinggan ang mga tsismis na iyon, at mas malinaw kong nakita na ang kaparian ay mga demonyo sa katawang-tao. Sinasabi sa Bibliya: “Kayo’y sa inyong amang diyablo, at ang mga nasa ng inyong ama ay inyong gagawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kanya. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa sarili niya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito(Juan 8:44). Mga demonyo lang ang walang patumanggang magsisinungaling at magpapakalat ng mga tsismis, nagbibigay ng maling patotoo para manlinlang ng mga tao.

Pagkatapos, sapilitan akong dinala ng pamilya ko sa Bahay ng Obispo. Ngiting-ngiti si Bishop Zhao, pakitang-tao akong niyakap: “Bumalik ka na—umuwi na ang naligaw na tupa.” Pagkatapos ay sinabihan niya ang lahat na umalis para makausap niya akong mag-isa. Sabi niya, “Dati, gusto mong pumasok sa unibersidad para sa karagdagang pag-aaral, pero hindi kami pumayag. Sa pagkakataong ito, papayag kami sa lahat ng kahilingan mo at puwede kang pumasok kahit sa alinmang unibersidad na gusto mo. Maraming paaralan ng teolohiya ang kulang sa mga guro at maraming parokya ang kulang sa mga pari. Kung ayaw mong pumasok sa unibersidad, puwede kang maging isang guro sa isang paaralan ng teolohiya o pumili kung aling parokya ang gusto mong paglingkuran bilang isang pari. Hindi ka na bumabata, at labis kang nahirapan nitong mga nakaraang taon. Mayroon kaming inihandang pera, isang kotse at isang bahay para sa iyo. Ni hindi mo na kailangang problemahin ang pensiyon mo. Isuko mo lang ang Kidlat ng Silanganan para maging isang pari, at wala ka nang aalalahanin.” Talagang namuhi ako nang marinig kong sabihin niya ito. Ang iniisip lang ng mga obispong iyon ay katayuan, pera, at kasikatan. Nananalig sila sa Panginoon pero hindi sinusunod ang Kanyang mga salita. Hindi man lang nila hinahanap o sinisiyasat ang balita na nagbalik na ang Panginoon—upang protektahan ang sarili nilang katayuan at kasikatan, matindi nilang pinipigil ang iba na tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Talaga bang maililigtas sila sa kasalanan ng kanilang katayuan at kasikatan? Kaya sinabi ko kay Bishop Zhao, “Bishop, ayoko ng anuman sa mga iyon. Nang tinukso ni Satanas ang Panginoong Jesus, ginamit nito ang pera at kasikatan para subukan Siyang payukuin sa harap nito. Kaya kanino talaga nagmumula ang sinasabi mong mga bagay na ito? Nang italaga mo ako bilang isang pari, sumumpa tayo sa Panginoon na magpapasan ng krus at susunod sa Kanya habambuhay. Ngayon nagbalik na ang Panginoon at determinado akong sumunod sa Kanya. Kahit na ipasalungat pa ako ng Papa sa lahat, at ipatakwil ako sa kanila, hindi iyon makakapigil sa akin!” Nang makita ni Bishop Zhao na hindi niya ako maaakit palayo, binalaan niya ako, “Mas mabuting itigil mo na ang pagkukuwento sa mga miyembro ng simbahan ng tungkol sa Kidlat ng Silanganan!” Hindi ko siya sinagot. Pagkatapos ay isinama niya ako para kumain sa labas, at naroon ang ilan sa mga kamag-anak ko. Sinabi sa akin ng isa sa kanila, “Ikaw lang ang pari sa pamilya natin sa loob ng ilang henerasyon, at ipinagmamalaki ka ng ating pamilya. Hindi namin inakala kailanman na sasali ka sa Kidlat ng Silanganan. Mahigit walumpu na ang edad ng tatay mo ngayon at nangangaral ka ng Kidlat ng Silanganan sa halip na inaalagaan mo ang mga magulang mo. Isinuko mo pa ang pagiging pari mo. Isa itong pagkakanulo sa Panginoon at mapupunta ka sa impiyerno dahil dito!” Pagkatapos ay sumabat ang kapatid ko, “Ang dami kong naging hirap para lang maging pari ka! Noong nasa paaralan ka ng teolohiya, halos wala na kaming makain, at nakipag-agawan ako para maikuha ka ng pagkain at pera. Hindi naging madali para matupad ang pagiging pari mo. Pero ngayon nasa Kidlat ng Silanganan ka na—ipinagkanulo mo ang Panginoon. Hindi ka isang pari at walang pakialam sa pera. Nasiraan ka na ba ng bait?” Sumagot ako, “Totoong kinailangan ko ang suporta ninyo para maging isang pari, pero paano naman iyong sinabi mong hindi ako umuuwi para alagaan ang mga magulang natin? Nang maging pari ako, sumumpa ako sa Panginoon na isusuko ko ang aking tahanan, pamilya, at ang pagkakataon na makasal para mapaglingkuran Siya habambuhay. Sinasabi sa Bibliya: ‘Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; at ang umiibig sa anak na lalaki o anak na babae nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin(Mateo 10:37–38). Sinasabi mong dapat kong isuko ang pagpapalaganap ng ebanghelyo at umuwi para maging mabuting anak, pero naaayon ba iyon sa mga salita ng Panginoon? Ang pananalig natin ay nangangahulugan ng pagpasan ng krus at pagbabahagi ng ebanghelyo, pagdadala niyon sa bawat pamilya at tahanan. Ngayon ay nagbalik na ang Panginoon at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, kaya isang napakamatuwid na bagay ang pagbabahagi ng ebanghelyong ito. Hindi ko ipinagkakanulo ang Panginoon, bagkus ay sinusundan ko ang Kanyang mga yapak….” Bago pa ako matapos, umamba ang kapatid ko na para bang susuntukin niya ako, sinasabing hiniya ko ang maraming henerasyon ng pamilya namin at na babaliin niya ang mga binti ko kapag ipinagpatuloy ko ang pagbabahagi ng ebanghelyo. Nagsabi rin siya ng ilang kalapastanganang bagay. Pagkatapos niyon, pinanatili ako roon ni Bishop Zhao at ayaw akong hayaang umalis, sinasabing kailangan ko ng atensyong medikal. Kapag umalis ako, susundan ako—pakiramdam ko para akong kriminal, walang anumang kalayaan. Sa kabutihang-palad, sa ika-apat na araw, umasa ako sa Diyos at tumakas nang hindi nila napapansin, bumalik sa mga kapatid upang patuloy na ibahagi ang ebanghelyo.

Nakita kong ang kaparian ay hindi lang pinipigil ang mga tao na marinig ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon, kundi gumagamit din ng lahat ng uri ng taktika para linlangin ang mga mananampalataya at akayin sila sa isang landas na laban sa Diyos, ginagawa silang mga bagay na pangsakripisyo nila. Ang paglaban ng pamilya ko sa Diyos at paglapastangan nila sa Kanya ay ganap na mga resulta ng mga kasinungalingan, pagkondena, at pag-atake sa Diyos ng mga obispo. Naalala ko nang sumpain ng Panginoon ang mga Pariseo, sinabi Niya: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. … Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:13–15). Nagawa rin ng mga obispo at pari na pasalihin sa relihiyon ang mga tao, pagkatapos ay nahikayat ang lahat na makinig sa kanila, lumaban sa Diyos, at gawin ang mga ito na mga anak ng impiyerno. Mga demonyo silang lumalamon sa mga kaluluwa ng mga tao! Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘magagandang konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos kung anong uri ng mga tao ang mga lider ng relihiyon na iyon. Palagi nilang ipinagyayabang ang kanilang awtoridad na magpatawad ng mga kasalanan. Kapag nagkasala ang mga mananampalataya, kailangan nilang lumuhod sa harap ng pari at mangumpisal para makatanggap ng kapatawaran. Ang kaparian ay kinukuha ang posisyon ng Diyos at gumagawa upang linlangin ang mga tao, hinihimok ang mga tao na sumamba sa kanila, sumunod sa kanila, at tratuhin silang parang Diyos. Dahil nalinlang sa ganitong antas, ang mga tao ay ayaw na marinig ang tinig ng Diyos at sumunod sa Kanya. Ang kaparian ay naging parang Diyos sa mga mata ng mga taga-parokya. Ngayong nagbalik na ang Panginoon at nagpapahayag ng mga katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, ayaw nilang maghanap o magsiyasat, ni ayaw nilang pahintulutan ang mga mananampalataya na tanggapin iyon. Sa halip, nagkakalat sila ng mga kasinungalingan, hinuhusgahan, kinokondena, at sinisiraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi nila mahal ang Diyos o ang katotohanan, katayuan lang at salapi, at ninanasa nila ang mga pakinabang ng katayuan. Upang protektahan ang kanilang posisyon at pamumuhay, pinanatili nilang nasa kontrol nila ang mga mananampalataya, nilalamon ang mga kaluluwa ng mga tao habang ipinapahayag na naglilingkod sila sa Diyos. Mga tunay silang demonyo, mga anticristong nagtatago sa simbahan na napopoot sa katotohanan at mga kaaway ng Diyos. Dahil sa paulit-ulit na pagdanas sa panunukso at panggugulo ng mga lider ng relihiyon, malinaw kong nakita na mayroon silang isang laban sa Diyos at anticristong diwa. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang bumuo sa aking pagkakilala, at nagbigay sa akin ng pananalig at lakas para mapagtagumpayan ko ang kanilang mga panunukso at pang-aatake, makita ang diwa ng mga anticristong ito na nasa mundo ng relihiyon, makalaya mula sa kanilang mga paghihigpit, at sumunod sa Diyos. Personal kong naranasan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at buhay. Sobra akong nagpapasalamat sa pagliligtas ng Diyos!

Sinundan: 31. Ang Kawalan ng Kahihiyan ng Pagpapakitang-gilas

Sumunod: 33. Isang Kwento ng Pag-uulat ng Isang Huwad na Lider

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito