81. Isang Pagpiling Ginawa Nang Walang Panghihinayang

Ni Martha, Espanya

Nagkakilala kami ng kasintahan ko habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Pareho kaming naniniwala sa Panginoong Jesus at madalas na pumupunta sa simbahan nang magkasama. Tatlong taon na kami, at may mga plano nang magpakasal. Noong Oktubre ng taong 2000, nang bumalik ako sa Tsina para bisitahin ang nanay ko, pinatotohanan sa akin ng kapitbahay ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sinasabing ang Panginoong Jesus ay nagbalik nang nagkatawang-tao, at nagpahayag ng maraming katotohanan para hatulan at dalisayin ang sangkatauhan at iligtas ang mga tao mula sa gapos ng kasalanan para makapasok sila sa kaharian ng langit. Kalaunan, nakabasa ako ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita na ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, ang kwento sa loob ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ibinunyag din kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang tao, paano gumagawa ang Diyos nang paisa-isang hakbang para iligtas ang mga tao, paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw para tapusin ang kapanahunan, at iba pa. Ang mga katotohanan at misteryong ito ay mga bagay na hindi ko pa narinig sa maraming taon ng aking paniniwalang pangrelihiyon. Walang sikat o dakilang tao ang makakapagpahayag ng mga bagay na ito. Ganap nitong tinutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Sigurado ako na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos, at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Sabik na sabik ako, at gusto kong sabihin sa kasintahan ko ang mabuting balita sa lalong madaling panahon. Mas maganda kung pareho naming tatanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at sa huli’y makapasok sa kaharian nang magkasama. Pero naalala ko na noong nasa ibang bansa ako, madalas na binabanggit ni Pastor Sean na iwasan ang “Kidlat ng Silanganan.” Sinabi niyang dapat kaming mag-ingat oras na bumalik kami sa Tsina, at huwag na huwag makikipag-ugnayan sa mga taong mula sa Kidlat ng Silanganan. Madalas din siyang pumupunta sa ilang lungsod sa Tsina para bisitahin ang mga miyembro ng simbahan, sinasabing may mga maling paniniwala sa Tsina, at na kailangan nilang mag-ingat. Lubos na hinahangaan ng kasintahan ko si Sean at nakikinig sa sinasabi nito. Kapag diretsahan kong sinabi sa kanya na tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sasabihin kaya niya ito kay Sean? Pero alam ko ring pinananabikan ng kasintahan ko ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya gusto ko talagang sabihin ito sa kanya sa lalong madaling panahon. Naisip ko na kapag malinaw akong nagbahagi sa kanya, matatanggap niya ito.

Isang gabi, tinawagan ko siya at sinabing, “Pareho nating pinananabikan ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sa tingin mo, papaano babalik ang Panginoong Jesus?” Hindi inaasahang, pagkatapos na pagkatapos kong magsalita, galit na sinabi ng kasintahan ko, “Bakit bigla mo akong tinatanong nito? Malinaw na sinasabi ng Bibliya na ang Panginoon ay paparito sakay ng isang ulap, kaya paano magkakaroon ng anumang pagdududa roon? May nakakausap ka ba mula sa Kidlat ng Silanganan sa atin?” Gulat na gulat ako na napakabagsik ng naging sagot niya sa isang simpleng tanong. Sabi ko, “Maraming taon na tayong naniniwala sa Panginoon, hindi ba’t pareho nating inaasam na matanggap ang Panginoon at madala sa kaharian ng langit? Kaya paano paparito ang Panginoon? Hindi ba’t dapat lang na pag-isipan ang tanong na ito?” Mas lalong nagalit ang kasintahan ko at sinabing, “Ilang beses na bang sinabi sa atin ni Sean na iyong mga ipinapangaral ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay nagsasabi ng mga huwad na salita at nililinlang ang mga tao? Paulit-ulit niyang idiniin na hindi tayo dapat makipag-ugnayan sa mga tao na mula sa Kidlat ng Silanganan. Bakit ayaw mong makinig? Dati-rati, malakas ang paniniwala mo sa Panginoon, pero nagkahiwalay lang tayo nang halos lagpas isang buwan, tapos nakikipag-ugnayan ka na sa Kidlat ng Silanganan! Tandaan mo, pareho nating hinahangad ang pagparito ng Panginoong Jesus, pero kahit na Siya’y bumalik, hindi ito magiging tulad ng sinasabi ng Kidlat ng Silanganan, na Siya’y magbabalik sa katawang-tao.” Kahit anong sabihin ko pagkatapos no’n ay ayaw na niyang pakinggan. Sa huli, mabigat ang loob naming ibinaba ang tawag.

Hindi ko maunawaan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng kasintahan ko, at sobrang nalungkot ako rito. Hindi ba’t pinananabikan niya ang pagparito ng Panginoon? Bakit sobra niyang nilalabanan ang pagtalakay sa kung paano paparito ang Panginoon? Nang gabing iyon, nakahiga ako sa kama at hindi makatulog, kaya bumangon ako para basahin ang salita ng Diyos, kung saan nakakita ako ng dalawang sipi: “Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipinapahayag ang katotohanan, at magiging naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan). “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga salita, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Paulit-ulit kong pinagnilayan ang mga salita ng Diyos, at naramdaman na napakabuti at napakapraktikal ng mga salitang ito! Sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay nagbabalik para ipahayag ang katotohanan upang iligtas ang mga tao. Tanging iyong mga umaasam sa katotohanan at nakikinig sa tinig ng Diyos ang makakasaksi ng pagpapakita ng Diyos at makakasalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Iyong mga mangmang na naghihintay na pumarito ang Panginoon sakay ng mga ulap pero hindi hinahanap ang katotohanan o nakikinig sa tinig ng Diyos ay mawawalan ng pagkakataong maitaas na iniaalok ng pagparito ng Panginoon, at hindi kailanman masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Noong panahong ito, naalala ko na sinabi ng Panginoong Jesus: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27), at ipinropesiya sa Pahayag: “Pagmasdan, Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Talaga ngang ang pinakaimportanteng bagay sa pagsalubong sa pagparito ng Panginoon ay pakikinig sa tinig ng Diyos. Ang mga tupa ng Diyos ay kayang makinig sa tinig ng Diyos at sundan ang Kanyang mga yapak. Napagtanto kong tumanggi ang kasintahan ko na hanapin at siyasatin ang tunay na daan dahil hindi niya pa nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung siya’y tupa ng Diyos at isang taong taos-pusong hinahanap ang katotohanan, dapat akong magpakita sa kanya ng ilang salita ng Makapangyarihang Diyos. Kung makikilala niya na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos, matatanggap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at magagawa naming sundan ang mga yapak ng Diyos nang magkasama. Kaya gumugol ako ng ilang gabi sa pagkopya ng ilang salita ng Makapangyarihang Diyos at ipinadala ang mga ito sa kanya. Tapos, araw-araw kong pinananabikan na tawagan niya ako para siyasatin namin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang ilang araw, tumunog ang telepono sa bahay, at tuwang-tuwa ako. Akala ko, kasintahan ko iyon, pero si Sean pala. Sabi niya, “Sinabi sa akin ng kasintahan mo na matapos mong bumalik sa iyong bayan, nakipagkita ka sa mga taong mula sa Kidlat ng Silanganan. Totoo ba ito?” Sabi ko, “Naghahanap ako at nagsisiyasat. Sa tingin ko ang pagparito ng Panginoong Jesus ay isang napakaimportanteng bagay at dapat tayong maghanap at magsiyasat nang mabuti.” Sabi ni Sean, “Bibisitahin ko ang iyong bayan sa lalong madaling panahon para makita kung talagang nakikipag-ugnayan ka sa isang taga-Kidlat ng Silanganan. Ako ang iyong pastor, kaya kailangan kong akuin ang responsibilidad para sa iyong buhay.”

Akala ko hindi seryoso si Sean, dahil labis na magkalayo ang aming mga lokasyon. Hindi inaasahang, hindi nagtagal ay talagang dumating siya. Gusto naming samantalahin ng ilang kapatid ang pagkakataong ito para magpatotoo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pero nang makipagkita kami kay Sean, tinanong niya ako kung tinanggap ko ang Kidlat ng Silanganan, at mayabang na sinabing, “Maraming beses na akong nakipag-ugnayan sa Kidlat ng Silanganan. Sa totoo lang, bago ako nakipagkita sa inyo, pumunta ako sa bahay ng isang kapatid sa hilagang-silangan. Naniniwala ang kapatid niyang lalaki sa Kidlat ng Silanganan at gustong patotohanan ang kanilang ebanghelyo sa akin. Nakapag-aral ako ng teolohiya, pamilyar ako sa Bibliya, at nagkaroon ako ng ugnayan sa maraming kagalang-galang na pastor sa ibang bansa, pero naisip pa rin niyang malilinlang niya ako at makukuha ang loob ko? Katawa-tawa.” Sinubukan ng mga kapatid na hikayatin siya, “Napakaraming kapatid ang nakapangaral ng ebanghelyo sa iyo at nakapagpatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik. Kung lalaban at kokondena ka nang hindi naghahanap at nagsisiyasat, talaga bang sinusubukan mong salubungin ang Panginoon? Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Mapapalad ang mga mapagpakumbaba ang espiritu: sapagkat kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3). Nasa mga huling araw na tayo, ang Panginoon ay nagbalik na. Kapag naririnig nating pinatototohanan ng mga tao na ang Panginoon ay nagbalik na at nagpahayag ng maraming katotohanan, dapat tayong maghanap nang maluwag sa puso, para marinig natin ang tinig ng Panginoon at makita ang Kanyang pagpapakita! Kung hindi tayo maghahanap o magsisiyasat, sa halip ay pikit-matang tatanggi o lalaban, napakadaling sundan ang mga yapak ng mga Pariseo. Ang Diyos ay isang marunong na Diyos, ang Kanyang mga pag-iisip ay lagpas sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay isang misteryo na hindi maaarok nating mga tao. Gusto naming talakayin sa iyo kung paano salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.” Pero hindi man lang nakinig si Sean. Sabi niya, “Kung gusto n’yo akong kausapin tungkol sa Kidlat ng Silanganan, huwag na kayong mag-abala, dahil hindi ko ito tatalakayin sa inyo.” Nakita ng mga kapatid na lubos siyang lumalaban at walang intensyon na maghanap, kaya tumigil sila sa pagsusumikap na kausapin siya. Sa sandaling ito, nakatanggap ng tawag si Sean at sinabing ang ilang mananampalataya sa isang simbahan sa hilagang-silangan ay tinanggap ang Kidlat ng Silanganan, at gusto niyang pumunta roon para pigilan sila. Sinabihan niya akong bilhan siya agad ng tiket. Sabi ko, “Pastor Sean, pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan na ang Panginoong Jesus ay nagbalik para ipahayag ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Tumatanggi kang maghanap, magsiyasat, at sumalubong sa Panginoon, at bukod pa roon, gusto mong hadlangan at pigilan ang mga tao sa paghahanap sa tunay na daan at pakikinig sa tinig ng Diyos. Naaayon ba ito sa kalooban ng Panginoon?” Tiningnan niya ako nang masama at sinabing, “Hindi ko hahayaang pumunta sa simbahan ang mga taong mula sa Kidlat ng Silanganan para magnakaw ng tupa. Hangarin kong ipagtanggol ang daan ng Panginoon.” Habang tinitingnan ang mapagmataas na anyo ni Sean, hindi ako makapaniwala na ito ang pastor na kilala ko. Nakilala ko siya apat na taon na ang nakararaan, at para sa akin, noon pa ma’y isa siyang sobrang mapagpakumbabang tao na lubos na nagmamalasakit sa mga mananampalataya. Akala ko talaga ay napakabuti niya at relihiyosong pastor, pero ang makita ang kanyang pag-uugali at kung anong inilantad niya ngayon ay nagpaalala sa akin ng mga salita ng Panginoong Jesus: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Araw-araw na nakatayo sa entablado si Sean, nangangaral sa mga tao, sinasabi sa amin na maging mapagmatyag at alerto sa pagparito ng Panginoon, pero nang talagang bumalik ang Panginoong Jesus, hindi lang siya hindi naghanap, nagsiyasat, o sumalubong sa Panginoon, kumondena rin siya, lumaban, at sinubukan ang lahat ng paraan para hadlangan at gambalain ang mga mananampalataya habang sila’y naghahanap at nagsisiyat. Sa pagkukunwaring ipinagtatanggol ang daan ng Panginoon at pinoprotektahan ang kawan, pinanatili niya ang mahigpit na pagkontrol sa mga tao. Katulad na katulad siya ng mga Pariseo no’ng panahon nila, isang alagad ng kasamaan na gustong pigilan ang mga taong makapasok sa kaharian ng langit!

Iniisip na marami pa ring kapatid sa simbahan na walang pagkakakilala kay Sean, na naigapos at nalinlang niya, at nabigong siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nakipag-ugnayan ako sa mga kapatid na kakilala ko at nagpatotoo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa kanila. Nang malaman ito ni Sean, tinawagan at binantaan niya ako, “Kung ipagpipilitan mong maniwala sa Kidlat ng Silanganan at pumarito ka sa simbahan para magnakaw ng tupa, tatanggihan ka naming lahat, at hindi ka na tatanggapin ng lahat ng kapatid na nakakakilala sa’yo.” Pagkatapos, pinadalhan niya rin ako ng ilang babasahin na nagsusulong na layuan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na nagtataglay lahat ng mga salitang lumalaban at lumalapastangan sa Diyos. Pagkatapos nito, mas lalo kong nakita nang malinaw ang tunay na pagkatao ni Sean. Isa siyang sagabal at hadlang na pumipigil sa mga tao na siyasatin ang tunay na daan. Ayoko nang makipag-usap sa kanya, kaya hindi ko na sinasagot ang mga tawag niya. Nang makita niyang ipinagpipilitan ko ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos at ipinangangaral ang ebanghelyo sa mga taong kanyang inakay, pinuntahan niya ang mga bahay ng mga kapatid na nakakakilala sa akin sa Zhejiang, Shanghai, at iba pang lugar at sinabihan silang huwag makipag-ugnayan sa akin o makinig sa ipinapangaral ko. Pagkabalik sa ibang bansa, sinarhan niya ang simbahan sa akin. Pinagbawalan niya ang kahit na sino na sagutin ang mga tawag ko o makipag-ugnayan sa akin, at sinabing ang sinumang makikipag-ugnayan sa akin ay mapapatalsik.

Isang araw, nakatanggap ako ng isang sulat mula sa aking kasintahan, sinasabing, “Sinabi ni Sean sa simbahan na naniniwala ka sa Kidlat ng Silanganan, at ikaw ay ganap na nalinlang. Mula ngayon, hindi na tayo magkapatid, at wala na tayong relasyon. Hindi ko na sasagutin ang mga tawag mo o susulatan ka. Kung gusto mong bumalik, sasalubungin ka ng lahat, at maaari nating ituloy ang relasyon natin, pero kung ipagpipilitan mo ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, maghihiwalay tayo.” Matapos basahin ang sulat, sobra akong nalungkot, kaya tinawagan ko siya, pero malamig niyang sinabing, “Abala ako. Wala akong panahong pag-usapan ito ngayon.” Tinanong ko siya, “Ganito ba talaga tayo maghihiwalay?” Sabi niya, “Kung titigil ka sa paniniwala sa Kidlat ng Silanganan, pwede nating ipagpatuloy ang kasalukuyan nating relasyon. Sasabihin ko sa tiyahin ko na tulungan kang makapunta sa ibang bansa. May negosyo siya rito, kaya pwede kang tumira dito. Pwede tayong magkaroon ng isang napakasayang kinabukasan. Pero kung ipagpipilitan mong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, kailangan nating maghiwalay. Huwag kang magmadali at pag-isipan mo ito.” Napakasakit na makitang napakawalang puso ng kasintahan ko. Dati, sobrang masaya kaming magkasama, at inalagaan niya ako nang mabuti. Hindi ko inaasahan na lubos siyang tapat sa pastor. Dahil lang naniniwala ako sa Makapangyarihang Diyos, kinailangan niyang makipaghiwalay sa akin, hindi alintana ang naging relasyon namin sa nakaraang ilang taon. Alam ng pamilya ko na may hindi kami pagkakaunawaan ng kasintahan ko, at hinikayat nila akong lahat na pag-isipan ito, sinasabing, “May magandang trabaho at mabuting pamilya ang kasintahan mo. Kapag naghiwalay kayo, mahirap masabi kung makakakilala ka pa ng gayong kagandang kapareha sa hinaharap. Tumatanda ka na, at hindi madaling makahanap ng isang kapareha. Kung hindi ka bubuo ng isang pamilya, anong gagawin mo sa buhay mo balang araw?” Tinawagan at hinikayat din ako ng pamilya ng kasintahan ko na huwag maniwala sa Makapangyarihang Diyos, sinasabing, “Hindi na kayo bumabatang dalawa. Panahon na para pag-isipan ninyong magpakasal. Hindi ba maganda iyon na pareho kayong naniniwala sa Panginoong Jesus? Lubos kayong magiging masaya oras na ikasal kayo. Bakit mo pa ipipilit na maniwala sa Makapangyarihang Diyos?” Nahaharap sa panggigipit ng parehong pamilya, hindi ko alam kung papaano magdedesisyon. Kung pipiliin kong bumalik sa dati kong simbahan at pakasalan ang kasintahan ko, mabibigyan niya akong ng isang magandang materyal na buhay, at pwede rin kaming lumagay sa tahimik sa ibang bansa. Pangarap ito ng marami, pero mawawala sa akin ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw dahil dito, na buong buhay kong pagsisisihan! Sa mga huling araw, pumaparito ang Diyos nang nagkatawang-tao sa ikalawang pagkakataon para ipahayag ang katotohanan, lubos na dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Minsan lang sa buong buhay ang pagkakataong ito, at hindi ko ito maaaring palagpasin! Pero kapag pinili kong sundan ang Makapangyarihang Diyos, anong mangyayari sa pag-aasawa ko? Umabot na ako sa edad para mag-asawa, at ang pag-aasawa ay isang malaking kaganapan sa buhay. Sa panahong iyon, hindi ako makakain o makatulog nang maayos, at sobra akong nahihirapan. Nang makita ko na maraming taong kaedad ko ang kasal na at may mga pamilya pero nag-iisa pa rin ako, talagang nagtalo ang kalooban ko, at hindi ko alam kung paano pipili. Paulit-ulit akong nagdasal sa Diyos tungkol sa bagay na ito, hinihiling sa Diyos na gabayan ako at ipaalam sa akin kung paano pipiliin ang landas pasulong. Nang malaman ng mga kapatid ko ang tungkol sa aking sitwasyon, tinulungan nila akong lahat at nagbahagi sa akin, pero hindi ko pa rin mabitiwan ang kasintahan ko. Galit ako na nakipaghiwalay siya sa akin. Ni hindi niya ako kinausap. Naging malupit siya at malamig. Noong sinabi ng pastor na nalinlang ako, lubos itong pinaniwalaan ng kasintahan ko. Noong sinabi sa kanya ng pastor na tanggihan ako, nakipaghiwalay siya sa akin, ganap na binabalewala ang aming relasyon sa nakaraang ilang taon. Kapag lalo ko itong iniisip, mas nagiging miserable ang pakiramdam ko.

Isang gabi, pabiling-biling ako sa kama. Hindi ako makatulog, kaya bumangon ako at nakinig sa himno ng salita ng Diyos “Dapat Hangarin ng mga Tao na Mabuhay Nang Makabuluhan”:

1 Dapat sikapin ng tao na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at hindi dapat masiyahan na lamang sa kanyang kasalukuyang mga kalagayan. Upang maisabuhay ang imahe ni Pedro, dapat niyang taglayin ang kaalaman at mga karanasan ni Pedro. Dapat pagsikapan ng tao ang mga bagay na mas matatayog at mas malalalim. Dapat niyang pagsikapan ang isang mas malalim, mas dalisay na pagmamahal sa Diyos, at isang buhay na may kabuluhan at kahulugan. Ito lamang ang buhay, sa ganito lamang magiging katulad ng tao si Pedro. …

2 Para sa bawat isa na naghahangad na ibigin ang Diyos, walang katotohanang hindi matatamo at walang katarungan na hindi nila mapaninindigan. Paano ka ba dapat mamuhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para bigyang-kasiyahan ang Kanyang kagustuhan? Walang bagay na hihigit pa sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng ganitong mga hangarin at pagtitiyaga, at hindi dapat maging tulad ng mga walang gulugod, mga mahihinang nilalang. Dapat mong matutunan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at maranasan ang makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili na walang sigla sa ganitong paraan. Ang iyong buhay ay lilipas nang hindi mo namamalayan. At pagkatapos, magkakaroon ka pa ba ng isa pang pagkakataon para ibigin ang Diyos? Maaari bang ibigin ng tao ang Diyos pagkatapos niyang bawian ng buhay? Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng konsensya na katulad ng kay Pedro. Ang buhay mo ay dapat na maging makahulugan, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili. Bilang isang tao, at bilang isang tao na naghahangad sa Diyos, dapat mong magawang maingat na isaalang-alang kung paano mo itinuturing ang iyong buhay, kung paano mo dapat ihandog ang iyong sarili sa Diyos, kung paano ka magkakaroon ng isang mas makabuluhang pananampalataya sa Diyos, at paano, dahil sa iniibig mo ang Diyos, dapat mo Siyang ibigin sa paraang mas dalisay, mas mainam, at mas mabuti.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Paulit-ulit akong nakinig sa awit na ito. Sa pamamagitan nito, nakita kong sinundan ni Pedro ang paghahangad niyang mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos buong buhay niya, at namuhay ng isang makahulugan at may halagang buhay, at lubos akong naantig. Mula sa mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, nakilala ni Pedro na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay. Nangaral at gumawa siya para sa Panginoong Jesus at inusig ng Hudaismo, pero walang pag-aalinlangan niyang sinundan Siya. Ngayon, personal na nagkatawang-tao ang Diyos sa piling natin para magpahayag ng mga salita upang gumawa at iligtas ang mga tao. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos, narinig ang tinig ng Diyos, at natukoy na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Pero noong oras na para pumili sa pagitan ng Makapangyarihang Diyos at ng aking pag-aasawa, nag-alangan ako. Ayokong mawala sa akin ang kasal na ito at ang pagkakataong magkaroon ng magandang buhay sa ibang bansa kasama ang kasintahan ko. Nakita kong kahit na maraming taon na akong naniniwala sa Panginoon, ang hinahangad ko ay hindi ang katotohanan at buhay mula sa Diyos, ni hindi ko hinahangad na mahalin ang Diyos, bigyang-kasiyahan ang Diyos, at mamuhay ng isang makahulugan at may halagang buhay. Ang hinangad ko ay isang buhay ng materyal na kasiyahan at pisikal na kaginhawahan. Pinagnilayan ko ang mga salita ng Diyos na, “Maaari bang ibigin ng tao ang Diyos pagkatapos niyang bawian ng buhay?” Tinanong ko ang sarili ko, “Kung hindi ko gugugulin ang oras ko sa lupa na hinahangad na mahalin ang Diyos, bigyang-kasiyahan ang Diyos, at mamuhay ng isang makahulugan at may halagang buhay, kahit na makuha ko pa ang gusto kong kasal at kaginhawahan ng laman, ano pang saysay nito? Ang pagparito ng Diyos sa mga huling araw para ganap na iligtas ang sangkatauhan ay isang pagkakataon na minsan lang sa buhay. Kapag pinalampas ko ito, habambuhay akong makakaramdam ng panghihinayang! Kapag napalampas ko ang pagkakataong maligtas na inaalok ng gawain ng Diyos sa mga huling araw para tamasahin ang isang madaling buhay, hindi ba’t magiging kahangalan ito? Kapag isinuko ko ang tunay na daan at pinili ang pag-aasawa, makukuha ko ba talaga ang masayang buhay na gusto ko?” Naalala ko ang isang kapatid na nakausap ko kamakailan. Siya at ang kanyang asawa ay naikasal sa tulong ni Sean. Matapos maikasal, pumunta sila sa isang malaking siyudad para magtrabaho at bumili ng isang bahay. Napakaganda ng kanilang materyal na kalagayan, at nainggit ako sa kanila. Pero no’ng binisita ko siya, sinabi niyang kahit na naniniwala silang mag-asawa sa Panginoong Jesus at may magandang materyal na buhay, hindi masaya ang pagsasama nila. Madalas silang nag-aaway tungkol sa maliliit na isyu sa bahay, minsan, sobrang lala na ayaw nilang kausapin ang isa’t isa. Kalaunan, pinili ng asawa niyang magtrabaho sa ibang siyudad, iniwan siyang mag-isa sa bahay kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak, at napakamiserable at napakalungkot ng kanyang buhay. Inalala ko ang kanyang karanasan, at pagkatapos ay inisip ang ilang mag-asawang nakapaligid sa akin, na madalas nag-aaway at nagbabanta sa isa’t isa ng hiwalayan. Sa pagtingin sa mga katunayang ito, mas malinaw kong nakita na kapag naniniwala at sumusunod tayo sa Panginoon, tayo ay tinubos lamang ng Panginoong Jesus. Ang ating mga kasalanan ay napatawad na, pero ang ugat ng ating kasalanan ay hindi pa nalulutas at hindi pa tayo malaya sa gapos at kontrol ng kasalanan. Ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa isa’t isa ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon, at walang tunay na pagmamahal, kaya gaano man karaming kasiyahan ng laman ang maranasan natin, walang kabuluhan at masakit pa rin ang mga buhay natin. Sa pagsasaisip nito, natanto ko na dapat akong maging maingat sa mga pagpipilian na kinakaharap ko ngayon. Paulit-ulit akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Diyos na gabayan at bigyan ako ng kaliwanagan para makapili ako nang tama ayon sa Kanyang kalooban.

Kalaunan, may nabasa akong isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at naunawaan ang kalooban ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa panahong ito, yaong mga naghahangad at yaong mga hindi naghahangad ay dalawang ganap na magkaibang uri ng mga tao, na may labis na magkaiba ring mga hantungan. Yaong mga nagtataguyod sa kaalaman ng katotohanan at nagsasagawa ng katotohanan ang mga siyang pagdadalhan ng Diyos ng kaligtasan. Yaong mga hindi nababatid ang tunay na daan ay mga demonyo at kaaway; mga inapo sila ng arkanghel at magiging mga pakay ng pagwasak. Kahit yaong mga maka-Diyos na tagapaniwala ng isang malabong Diyos—hindi ba’t mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng mabubuting budhi ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga demonyo; paglaban sa Diyos ang kanilang diwa. Yaong mga hindi tinatanggap ang tunay na daan ay yaong mga lumalaban sa Diyos, at kahit nagtitiis ng maraming hirap ang gayong mga tao, wawasakin pa rin sila. … Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay malademonyo at, higit pa rito, wawasakin sila. Yaong mga may pananampalataya ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao, at yaong mga hinding-hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos ay magiging mga pakay din ng pagwasak. Lahat yaong mga pahihintulutang manatili ay mga taong nagdaan na sa pagdurusa ng pagpipino at matatag na nanindigan; mga tao itong tunay na tiniis ang mga pagsubok. Sinumang hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; ibig sabihin, sinumang hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao—nasa loob man sila o nasa labas ng daloy na ito—ay isang anticristo! Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong masuwayin sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang ginagawa ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng paghihiwa-hiwalay sa bawat isa ayon sa kanilang uri. Nagpapahayag Siya ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng katawang-tao, inihihiwalay ang mga mapanirang damo mula sa trigo at ang mga tunay na mananampalataya mula sa mga huwad na mananampalataya, na ibig sabihin, iyong mga naghahanap sa katotohanan at iyong mga hindi. Iyong mga nagsasabing naniniwala sila sa Diyos pero hindi hinahanap ang katotohanan o inaasam ang pagpapakita ng Diyos, mga di-mananampalataya na tanging biyaya ang hinahanap at humihingi ng tinapay para makain nila, at iyong mga anticristong kinamumuhian ang katotohanan at nilalabanan ang Diyos—ang lahat ng gayong tao ay mabubunyag, at sa huli ay mapapalayas at mapaparusahan. Kahit na sa panlabas ay mukhang may mabuting pagkatao ang kasintahan ko, matapat at maaasahan, at inaalagaan ako nang mabuti, pagkasabing pagkasabi ko sa kanya na bumalik na ang Diyos sa pangalawang pagkakatawang-tao, hindi lang siya tumangging hanapin ang katotohanan, pikit-mata rin niyang sinundan ang pastor sa paghadlang at pagpigil sa akin na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, na umabot pa sa pagbabanta sa aming kasal para pilitin akong isuko ang tunay na daan. Kahit na naniniwala siya sa Panginoong Jesus, pangalan lang ng Panginoong Jesus ang kinakapitan niya. Hindi niya tinanggap ang katotohanang ipinahayag ng nagbalik na Panginoon, at nilabanan at kinondena niya ang Makapangyarihang Diyos. Nakita kong ang kanyang diwa ay kamuhian ang katotohanan at labanan ang Diyos, na isa siyang di-mananampalataya na ibinunyag ng salita ng Diyos, at na hindi siya isang taong tunay na naniniwala sa Diyos, minamahal ang katotohanan, at tinatanggap ang katotohanan. Sa harap ng katotohanan, ganap na nabunyag ang kanyang satanikong kalikasan ng paglaban sa Diyos. Hindi niya maunawaan ang tinig ng Diyos at hindi siya isang tupa ng Diyos. Kung pipiliin kong pakasalan ang gayong uri ng tao, hindi ako pagpapalain ng Diyos, at hindi magiging masaya ang aming pagsasama. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Lumuwag ang pakiramdam ko, at alam ko na kung anong pipiliin. Pagkatapos no’n, tinawagan ko ang kasintahan ko at sinabing, “Nakapagdesisyon na ako. Pinipili kong ipagpatuloy na sundan ang Makapangyarihang Diyos. Kung gusto mong makipaghiwalay, inirerespeto ko ang kagustuhan mo. Magkakanya-kanya na tayo.” Dismayado niyang sinabing, “Hindi mo ba pwedeng pag-isipan ulit? Hindi na tayo gano’n kabata, at ang pag-aasawa ang pinakaimportanteng bagay sa buhay. Kapag isinuko mo ang ating kasal, pagsisisihan mo ito kalaunan.” Malinaw ko nang nakikita ang kanyang diwa ng pagkamuhi sa katotohanan at paglaban sa Diyos, kaya kahit ano pang sabihin niya, hindi na nagbago ang isip ko. Sabi ko, “Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagturo ng isang landas sa buhay para sa akin, at determinado akong tahakin ito. Hindi na magbabago ang desisyon ko kahit kailan.” Pagkatapos kong magsalita, ibinaba ko ang telepono, at lubos na gumaan at lumuwag ang pakiramdam ko.

Ang patnubay ng mga salita ng Diyos ang nagpahintulot sa akin na malaman kung anong landas ang pipiliin sa buhay, at hinayaan din akong makita ang tunay na mga mapagpaimbabaw na pagkatao ng mga pastor at elder. Ipinagsisigawan nila na dapat nating abangan ang pagparito ng Panginoon, pero nang nagpapakita na ang Diyos sa katawang-tao para gumawa sa mga huling araw, hindi sila naghahanap at nagsisiyasat. Sa halip, galit na galit silang kumokondena at lumalaban, at sinusubukan ang lahat ng paraan para pigilan ang mga mananampalataya na siyasatin ang tunay na daan at panatilihin ang mga itong nasa ilalim ng kanilang kontrol, at pilitin ang mga mananampalataya na sundan sila sa paglaban at pagkondena sa pagparito ng Diyos. Sila ay mga alagad ng kasamaan at mga anticristong ibinunyag ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, at sila ay mga demonyong lumalamon sa mga kaluluwa ng mga tao! Dahil masyadong sinasamba ng kasintahan ko ang pastor, hindi talaga niya hinanap ang katotohanan, sinundan niya ang pastor sa pagkondena at paglaban sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at siya’y naging isang taong naniniwala sa Diyos pero nilalabanan ang Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas Niya sa akin, hinahayaan akong makilala ang mga pastor at elder, tanggihan sila, at hindi na nila malinlang. Malaking awa at kabaitan ng Diyos para sa akin na nagagawa kong marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Pinasalamatan ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso, at nagpasyang sundan ang Makapangyarihang Diyos hanggang sa huli. Kalaunan, isinagawa ko ang tungkulin ko sa iglesia, nangangaral ng ebanghelyo at gumugugol para sa Diyos sa abot ng aking makakaya. Pinasasalamatan ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa paggabay sa akin na gawin ang tamang pagpili at sa pag-akay sa akin sa kung nasaan ako ngayon. Ang lahat ng kaluwalhatian ay sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 80. Pagtakas sa mga Usap-usapan

Sumunod: 82. Sa Walang Humpay na Pagpapahirap

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito