Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

862 Ang Poot ng Diyos ay Pagpapakita ng Kanyang Matuwid na Disposisyon

1 Bagaman ang pagbuhos ng poot ng Diyos ay isang aspeto ng pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon, ang galit ng Diyos ay siguradong walang kinikilingan kung sino ang layon nito o hindi ito walang prinsipyo. Sa kabaligtaran, hindi naman kahit kailan madaling magalit ang Diyos, ni padalus-dalos na ibinubunyag ang Kanyang poot at Kanyang kamahalan. Dagdag pa rito, ang poot ng Diyos ay lubhang kontrolado at sukat; hindi ito maikukumpara kahit kailan sa kung paanong ang tao ay magsisiklab sa isang matinding poot o magbubulalas ng kanyang galit. Samakatuwid, ang pagpapakawala ng poot ng Diyos ay hindi isang pagpapahayag o paglalabas ng Kanyang nararamdaman. Ang poot ng Diyos ay hindi isang ganap na pagsabog ng galit gaya nang pagkaunawa ng tao rito. Hindi pinakakawalan ng Diyos ang Kanyang poot dahil sa hindi Niya kayang kontrolin ang Kanyang sariling damdamin o dahil ang Kanyang galit ay nakaabot na sa punto ng pagkulo at dapat nang ilabas. Sa kabaligtaran, ang Kanyang poot ay pagpapakita ng Kanyang matuwid na disposisyon at isang tunay na pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon; ito ay isang sumasagisag na pahayag ng Kanyang banal na diwa.

2 Ang Diyos ay poot, hindi kinukunsinti ang pagkakasala– hindi nito sinasabi na ang galit ng Diyos ay hindi kumikilala sa gitna ng mga dahilan o walang prinsipyo; ang tiwaling sangkatauhan ang tanging nag-aangkin sa walang prinsipyo, walang-katiyakang pagbulalas ng matinding galit na hindi kumikilala sa gitna ng mga dahilan. Ang tao ay sisiklab sa galit at ilalabas ang kanyang mga damdamin upang maipagtanggol ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan ng tao upang maipahayag ang kanyang kawalang-kasiyahan. Ang mga aksyong ito ay puno ng karumihan; puno ang mga ito ng mga balak at mga intriga; puno ang mga ito ng katiwalian at kasamaan ng tao; higit pa rito, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao. Kapag nilabanan ng katarungan ang kasamaan, hindi sisiklab sa galit ang tao upang ipagtanggol ang pag-iral ng katarungan; kasalungat nito, kapag ang mga puwersa ng katarungan ay nanganib, inusig at nilusob, ang gawi ng tao ay isa ng di-pagpansin, pag-iwas o pag-urong. Subali’t, kapag nakaharap naman sa mga puwersa ng kasamaan, ang gawi ng tao ay isa ng pagtustos, at pagyuko at pagkudkod. Samakatuwid, ang paglalabas ng tao ay isang pagtakas para sa mga puwersa ng kasamaan, isang pagpapahayag ng talamak at hindi-mapigil na masamang ugali ng taong makalaman.

Hango sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Patuloy na Pinaiiral ng Diyos ang Tao Gamit ang Kanyang Matuwid na Disposisyon

Sumunod:Hindi pa Nakikita ng mga Tao sa mga Huling Araw ang Poot ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin