89 Ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos ay Palaging Nasa Loob ng Puso Ko

Nakapalibot ang mga ulap sa mga bundok, atubiling lumisan.

Niyayanig kami ng mga salitang binibigkas ng Diyos,

sampu-sampung libong taimtim na mga puso,

naglalapit sa amin sa Kanya.

Lubusan kaming nalupig ng Diyos

sa pagpapahayag ng katotohanan,

napainit kami sa Kanyang pagmamahal.

Nililinis ng mga salita ng Diyos ang aming katiwalian,

nagiging aming buhay.

Ang mga salita ng Diyos ay katotohanan at buhay,

inaakay kami sa kabila ng hangin at ulan.

Pinalalakas ng kahirapan at mga pagsubok

ang aming mga puso ng pagmamahal para sa Kanya.

Laging nasa puso ko ang pagkakaibig-ibig ng Diyos.


Tinataas ng mga barko puting layag

at lumalayo sa hanging banayad,

lumalago bayan ng Diyos sa maunos na dagat.

Inaakay tayo ng Diyos sa mga kahirapan at masaklap na karanasan,

nananatili sa ating mga puso ang magagandang kapanahunan.

Nalinis na ng paghatol at pag-aalab ng mga salita

ng Diyos ang ating katiwalian.

Nagsimula na ang magandang buhay sa kaharian,

at ginawa tayong bago, makulay at masigla.

Tinatamasa natin ang yaman ng magandang Canaan,

nabubuhay tayo sa lupa na parang nasa langit.

Ang mga tao ng Diyos ay kasama ng Diyos;

ito’y kaligayahan at katamisan,

at ang ating galak ay walang-hanggan.

Sinundan: 88 Ang Pag-ibig ng Diyos ay Tunay at Totoo

Sumunod: 90 Ang Pagmamahal ng Diyos ang Pinakatunay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito