870 Nagdurusa ang Diyos ng Matinding Hirap para sa Kaligtasan ng Tao

I

Sa pagkakataong ito, ang Diyos ay naging tao

upang gampanan ang gawaing

‘di pa Niya natatapos,

upang hatulan ang panahong ‘to at tapusin ito,

upang iligtas ang tao sa dagat ng pagdurusa,

lubusang lupigin ang tao,

at baguhin ang disposisyon ng tao.

Maraming pagpupuyat ang tiniis ng Diyos

upang palayain ang tao sa pagdurusa

at sa madidilim na puwersa

na kasing-itim ng gabi,

at alang-alang sa gawain ng tao.

Siya’y bumaba na sa pinakamataas

patungo sa pinakamababang lugar

upang mabuhay sa impiyernong ‘to ng mga tao’t

palipasin ang mga araw Niya kasama’ng tao.

‘Di kailanman nagreklamo’ng Diyos

sa panlilimahid sa gitna nila,

ni humiling nang labis sa tao;

sa halip, tiniis na ng Diyos

ang pinakamalaking kahihiyan

habang ‘sinasagawang gawain Niya.

Upang lahat ng tao’y matamasa’ng kapahingahan,

ang Diyos ay nagdusa ng kawalan

ng katarungan upang pumunta sa lupa,

at personal na pumasok sa yungib

ng tigre upang iligtas ang tao.


II

Napakaraming beses na Siyang

humarap sa mga bituin,

at umalis nang madaling-araw

at bumalik nang takipsilim;

nagtiis na Siya ng matinding paghihirap

at sumailalim na sa pagbali ng mga tao.

Dumating na’ng Diyos sa maruming lupaing ito,

tahimik na tinitiis ang pang-aapi ng tao,

ngunit ‘di Siya kailanman lumaban

o humingi nang labis sa mga tao!

Ginampanan na Niya’ng lahat ng gawaing

kailangan para sa tao:

pagtuturo, pagbibigay-liwanag, pagsaway at

pagpipino sa tao gamit ang salita Niya,

pati pagpapaalala, pag-aaliw,

paghatol at paglalantad sa kanila.

Ang bawat hakbang ng Diyos

ay alang-alang sa buhay ng mga tao,

upang sila ay malinis, upang malinis sila.

Sa kabila ng pagkuha

sa mga hinaharap at kapalaran nila,

lahat ng ginagawa ng Diyos

ay alang-alang sa tao.

Ang bawat hakbang Niya’y para sa pag-iral nila,

upang tao’y may magandang hantungan sa lupa.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Gawain ng Diyos at Pagkilala sa Diyos. Gawain at Pagpasok

Sinundan: 869 Nagdurusa Nang Matindi ang Diyos para Iligtas ang Tao

Sumunod: 871 Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Labis na Kaibig-ibig

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito