589 Matagal Nang Inihanda ng Diyos ang Lahat para sa Sangkatauhan

Nagtatakda ng panahon ang Diyos

kung kailan gagawin ang mga bagay-bagay.

At kung hindi pa dumarating ang panahong iyon,

hindi kikilos ang Diyos bago sumapit iyon.

Ang mga kilos ng Diyos ay

may kumpas na sinasabayan,

eksakto at ginagawa ayon sa patakaran.

Ang Diyos ay kalmado’t di nag-aalala.

Di mo ba alam na Siya ang makapangyarihan?

Wag mabalisa, lahat ay nasa mga kamay Niya.

Mapalad ang matatapat sa Diyos, na nakatitiyak na

tinitingnan ng Diyos ang niloloob ng tao.

At dumarami ang mga pagpapala,

matatamasa magpakailanman ang

mabubuting pagpapala sa Kanyang kaharian.

Ito ang pinakaepektibong paraan

para si Satanas ay mapahiya.


Matagal nang naihanda ang lahat ng bagay.

Paglilingkod sa Diyos, di nila mahintay.

Mukhang magulo ang mundo mula sa labas,

nguni’t mukha itong maayos sa Diyos.

Ang naihanda ng Diyos ay para tamasahin n’yo.

Wag kayong makialam sa Kanyang mga plano.

Ipapakita Niya sa mga bansa

ang Kanyang pagka-makapangyarihan.

Pupurihin nila ang Kanyang ngalan

dahil sa Kanyang nakamamanghang mga gawa.

Mapalad ang matatapat sa Diyos, na nakatitiyak na

tinitingnan ng Diyos ang niloloob ng tao.

At dumarami ang mga pagpapala,

matatamasa magpakailanman ang

mabubuting pagpapala sa Kanyang kaharian.

Ito ang pinakaepektibong paraan

para si Satanas ay mapahiya.


Sabi ng Diyos walang nagagawa na walang basehan,

nguni’t puspos ng karununga’t kapangyarihan,

puspos ng kamahalan at katuwiran,

at puspos lalo na ng Kanyang pagkapoot.

Mapalad ang matatapat sa Diyos, na nakatitiyak na

tinitingnan ng Diyos ang niloloob ng tao.

At dumarami ang mga pagpapala,

matatamasa magpakailanman ang

mabubuting pagpapala sa Kanyang kaharian.

Ito ang pinakaepektibong paraan

para si Satanas ay mapahiya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 80

Sinundan: 588 Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos

Sumunod: 590 Kailangan Mong Hangarin ang Kalooban ng Diyos sa Lahat ng Bagay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito