Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Alam ng Diyos ang Aking Puso

Bilis

Alam ng Diyos ang Aking Puso

I

Ako'y masama,

di karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos.

Ang Kanyang mga salita'y ipinapakitang

wala ako sa reyalidad ng katotohanan.

Nakikita kong nagkukulang ako

at 'di nakakatugon sa mga kinakailangan ng Diyos.

Walang pagtataguyod sa katotohanan,

at ang aking puso'y nagdadalamhati.

Ako'y nababalisa, lihim na umiiyak ng maraming luha.

Bakit 'di Kita napapasaya, Diyos?

Ang Iyong pagmamahal ay dinudurog ang puso ko,

ginagawang tulad ng ulan ang aking mga luha.

Dahil Ikaw ay nasa tabi ko,

di na 'ko nasiraan ng loob.

Alam Mo ang aking puso,

'di na Kita maiiwan ngayon.

Maaaring mahalin Ka ng puso ko kaya masaya ako,

at ang pangagailangang purihin Ka'y pinagtatagumpayan ako.

Ang Iyong pagmamahal ay totoong tunay,

napakadakila at napakaganda,

ang kagalakan na 'di matularan.

Ang puso ko'y ganap na sa'Yo.

Itataas Kita, sumasaksi sa'Yo magpakailanman.

II

Sa pamamagitan ng paghatol,

pagkastigo, alam ko ang aking sarili.

Kailangan ko ang kaligtasan ng Diyos,

ipinapasiya kong hanapin ang katotohanan.

Napasama ni Satanas, kasama ng disposisyon nito.

Ako'y matuwid sa sarili at mapagmataas,

makasarili, at mapanlinlang,

ngunit sa tingin pa rin ako'y mabuti.

Sa pamamagitan ng Iyong paghatol,

nakikita ko na Ika'y banal at kaibig-ibig.

Sa taos na pagsisisi, ako'y lumuhod,

malalim na nag-iisip sa Iyo.

Sa wakas maaari Kitang mahalin

pagkatapos ng mga taon ng paniniwala.

Ang puso ko'y napakaligaya at puno ng kapayapaan.

Anuman ang pagsubok,

hindi Kita iiwan kailanman.

III

Kahit nasa pagsubok,

nakakaranas ako ng ‘Yong pagmamahal.

May kasiyahan sa kadalisayan,

ito'y tunay na biyaya Mo.

Ikaw ang naglinis at nagligtas,

'tinatakwil ko ang katiwalian ni Satanas.

Nakikita ko ang Iyong pagmamahal

ipinahayag sa'Yong paghatol at pagkastigo.

Itataas Kita, sumasaksi sa'Yo magpakailanman.

Handa akong mahalin Ka sa buong buhay ko.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Sinundan:Wala Nang Ibang Nanaisin pa ang Aking Puso

Sumunod:Ang Pag-ibig ng Diyos ay Mananatili sa mga Tao Magpakailanman

Baka Gusto Mo Rin