243 Wala Nang Iba Pang Kinakailangan ang Aking Puso

1 Naging tao ang Diyos at ipinahayag ang katotohanan at nagkaloob ng buhay sa sangkatauhan. Natiis Niya ang lahat ng uri ng kahihiyan at pagdurusa upang iligtas ang sangkatauhan, ngunit tinanggihan Siya ng kapanahunang ito. Napakadakila at napakatotoo ng Kanyang pag-ibig; tumatag na ito sa aking puso. Bilang isang taong may puso at espiritu, paanong muli akong magiging negatibo at mapaghimagsik at saktan ang puso ng Diyos? Dati akong isip-bata, hangal, at mangmang, hindi kailanman isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Kahit na tinupad ko ang aking tungkulin, kung wala ang katotohanan, hindi ako makapagpapatotoo sa Diyos ni kaunti man. Ngayong nakita ko na ang malaking sakripisyong ginawa Niya upang iligtas ang sangkatauhan, nais kong ibigay ang lahat ng aking kalakasan upang hangarin ang katotohanan at tuparin ang aking tungkulin para sa Kanyang kasiyahan.

2 Mga pagpapala ng Diyos ang paghatol at pagkastigo; nagiging sanhi ang mga ito upang magtamo ako nang napakarami. Maraming pagkakataon na ako’y nanghina at naging negatibo, at ang Kanyang mga salita ang gumabay at umaliw sa akin. Maraming beses akong nadapa at natumba, at ang Kanyang mga salita ang tumulong sa aking makatayong muli. Sa paglipas ng mga taon ng pagpipino, binigyan ako ng Diyos ng pag-ibig na lubhang dakila para makalimutan ko. Sa pagtanggap ng Kanyang paghatol, nakilala ko ang aking sariling tiwaling disposisyon; sa gitna ng mga paghihirap, natuto akong magpasakop, at nagbago ang aking disposisyon. Natikman ko kung gaano kamangha-mangha ang lahat ng mga piging na inihahain ng Diyos para sa akin. Ang kakayahan ko ngayong isabuhay ang kaunting kawangis ng tao ay salamat lahat sa pagliligtas sa akin ng Diyos.

3 Nalinis ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, at determinado akong matumbasan ang Kanyang pag-ibig. Napakapalad ko na makilala ang Diyos; tunay na ito ang pinakamalaking biyaya sa buhay na ito. Ginabayan Niya ang bawat hakbang ko patungo sa tama at maningning na landas ng buhay. Ang pagkakaroon ng kapalarang hatulan at kastiguhin Niya ay ang pinakamahalagang bagay. Karapat-dapat na purihin ang Kanyang pagiging matuwid at kabanalan, at hindi pa sapat ang pag-ibig ko sa mga ito. Hiling ko na makatanggap ng higit pang paghatol ng Diyos; nawa’y makasama ko ito sa paglilingkod ko sa Kanya sa natitirang panahon ng aking buhay. Pinahintulatan ako ng Kanyang paghatol na magtamo ng kaligtasan at maging isang taong may pagkatao. Isinasabuhay ko na ngayon ang isang tunay na buhay ng tao, at palagi akong magpapasalamat sa pag-ibig ng Diyos.

Sinundan: 242 Nagtamasa Ako ng Labis na Pag-ibig ng Diyos

Sumunod: 244 Ang Pagliligtas ng Diyos sa Tao ay Napakatotoo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito