289 Dinaranas ng Diyos ang mga Paghihirap ng Sangkatauhan

1 Kapag nilalamon nang buung-buo ng mga tubig ang mga tao, inililigtas Ko sila mula sa mga tubig na iyon na hindi dumadaloy at binibigyan sila ng pagkakataong mabuhay na muli. Kapag nawawala ang tapang ng mga tao na mabuhay, inaahon Ko sila mula sa bingit ng kamatayan, pinagkakalooban sila ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay upang magamit nila Ako bilang pundasyon ng kanilang pag-iral. Kapag sinusuway Ako ng mga tao, nagpapakilala Ako sa kanila mula sa kanilang pagsuway. Dahil sa dating likas na pagkatao ng sangkatauhan, at dahil sa Aking awa, sa halip na patayin ang mga tao, tinutulutan Ko silang magsisi at magsimulang muli. Kapag nagdaranas sila ng taggutom, bagama’t isang hininga na lamang ang natitira sa kanilang katawan, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan, pinipigilan silang mahulog sa bitag ng panlilinlang ni Satanas.

2 Napakaraming beses nang nakita ng mga tao ang Aking kamay, napakaraming beses na nilang nasaksihan ang Aking mabait na mukha at nakangiting mukha, at napakaraming beses na nilang nakita ang Aking kamahalan at poot. Bagama’t hindi Ako nakilala ng sangkatauhan kailanman, hindi Ko sinasamantala ang kanilang kahinaan bilang mga pagkakataon na sadyang galitin sila. Sa pagdanas ng mga paghihirap ng sangkatauhan, nagawa Kong makiramay sa kahinaan ng tao. Tumutugon lamang Ako sa pagsuway at kawalan ng utang-na-loob ng mga tao kaya Ako nagpapatupad ng iba-ibang antas ng mga pagkastigo.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 14

Sinundan: 288 Itatama ng Diyos ang mga Kaapihan ng Mundo ng Tao

Sumunod: 290 Hindi Kailanman Nagbago ang Plano ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito