Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

787 Hinihikayat ng Diyos ang Tao para Lamang Tumayong Saksi

1 Kaya patuloy Akong nag-aalala sa inyo: Mag-isang namumuhay, talaga kayang mas mabuti ang tao kaysa o kumpara sa kalagayan niya ngayon? Hindi ba kayo nababahala sa kababaan ninyo? Talaga bang puwede kayong makatulad ng mga taong hinirang sa Israel, tapat sa Akin at sa Akin lamang sa lahat ng sitwasyon? Ang ipinapakita ninyo ay hindi ang kapilyuhan ng mga batang naglayas mula sa kanilang mga magulang, kundi ang kabangisang lumalabas mula sa mga hayop na hindi abot ng latigo ng kanilang mga amo. Dapat ninyong malaman ang inyong likas na pagkatao, Kaya ang payo Ko lang sa inyo ngayon ay magpatotoo para sa Akin. Anuman ang mangyari, huwag ninyong hayaang bumalik ang dati ninyong sakit. Ang pinakamahalaga ay magpatotoo. Iyan ang buod ng Aking gawain. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanyang panaginip, na nanalig at pagkatapos ay sumunod. Ito lamang ang nararapat na maging malinis.

2 Dahil kayo ang madalas makarinig sa Aking mga salita, ang mga pinaka-pinagpala Ko. Ibinibigay Ko sa inyo ang lahat ng mahalagang pag-aari Ko, lubos Kong ipinagkakaloob ang lahat sa inyo. Gayunman, ang katayuan ninyo at ng mga tao ng Israel ay magkaibang-magkaiba, malayung-malayo. Ngunit kumpara sa kanila, mas marami kayong natatanggap. Samantalang desperado silang naghihintay sa Aking pagpapakita, maganda ang mga araw ninyo sa piling Ko, nakikibahagi sa Aking mga yaman. Kung ikukumpara, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatan na hiyawan at awayin Ako at humingi ng bahagi ng Aking mga pag-aari? Hindi ba sapat ang natatanggap ninyo? Napakarami Kong ibinibigay sa inyo, ngunit ang iginaganti ninyo sa Akin ay makabagbag-pusong kalungkutan at pagkabalisa at di-mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Masyado kayong kasuklam-suklam, ngunit nakakaawa rin kayo. Kaya wala Akong ibang magagawa kundi lunukin ang lahat ng sama ng loob Ko at paulit-ulit na magprotesta sa inyo.

Hango sa “Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkaunawa?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Huling Gawaing Ginagawa ng Diyos sa Tao

Sumunod:Ang Iyong Tungkulin Bilang Mananampalataya ay Magpatotoo para sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin