Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

984 Ang Diwang Dapat Taglayin ng Tao Matapos Malupig

1 Matapos malupig ng Diyos ang mga tao, ang pangunahing katangian ng pangangatwiran na dapat nilang taglayin ay ang tiyakin na hindi sila magsalita nang may kayabangan. Dapat silang lumugar sa abang katayuan, na “parang dumi sa lupa,” at sumambit ng kaunting katotohanan; ito ang pinakamainam. Lalo na kapag nagpapatotoo para sa Diyos, kung masasabi mo ang isang bagay na may kabuluhan mula sa puso, na walang hungkag o mayabang na pananalita at walang gawa-gawang kasinungalingan, nagbago na nga ang iyong disposisyon, at ito ang pagbabagong dapat mangyari kapag nalupig ka na ng Diyos. Kung hindi mo kayang taglayin kahit ang ganitong pangangatwiran, talagang hindi ka mukhang tao. Mula ngayon, kailangan mong kumilos nang maayos, na kinikilala ang iyong katayuan at posisyon, at hindi bumabalik sa dati mong pag-uugali.

2 Ang imahe ni Satanas ay dati nang nakikita sa kayabangan at kahambugan ng tao. Kung hindi mo babaguhin ang aspetong ito sa iyong sarili, hinding-hindi mo makakawangis ang tao, at lagi mong tataglayin ang wangis ni Satanas. Hindi sapat ang magkaroon lamang ng kaalaman sa bagay na ito para magbago nang lubusan; kakailanganin mo pa ring magtiis ng napakaraming pagpipino. Kung hindi ka mapapakitunguhan at mapupungos, sa katagalan, manganganib ka pa rin. Para hindi ka na bumalik sa mga dati mong pag-uugali, kailangan mo munang kilalanin na hindi pa nagbabago ang iyong disposisyon at na malalim pa ring nakaugat ang iyong likas na pagtataksil sa Diyos. Malaki pa rin ang panganib na pagtaksilan mo ang Diyos, at palagi kang nahaharap sa posibilidad na mapahamak.

3 Ang isa pang bagay ay huwag na huwag kayong lulugar sa posisyon ng isang taong saksi sa Diyos; maaari lamang ninyong banggitin ang personal na karanasan. Maaari ninyong banggitin kung paano kayo iniligtas ng Diyos, ibahagi kung paano kayo nalupig ng Diyos, at ikuwento ang biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo. Huwag kalimutan na kayo ang pinakatiwaling mga tao, at sa pamamagitan lamang ng Diyos kayo naiangat. Dahil kayo ang pinakatiwali at pinakamarumi, naligtas kayo ng Diyos na nagkatawang-tao, at nagawaran Niya kayo ng napakalaking biyaya. Samakatwid, wala kayong maipagyayabang, at maaari lamang ninyong purihin at pasalamatan ang Diyos. Ang inyong kaligtasan ay lubos na dahil sa biyaya ng Diyos.

Hango sa “Mababago Mo Lamang ang Iyong Disposisyon sa Pamamagitan ng Pagsisikap na Matamo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinundan:Gusto ng Diyos Yaong May Pagpapasiya

Sumunod:Magkaroon ng Paniniwala sa Pagbabago sa Disposisyon

Kaugnay na Content