Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

992 Tanging sa Pagkakaroon ng Isang Nabagong Disposisyon na Tunay Kang Makakasunod sa Diyos

1 Pagdating sa pag-alam sa likas na pagkatao ng mga tao, ang pinakamahalaga ay malaman ito mula sa pananaw ng kanilang pananaw sa mundo, mga pananaw sa buhay, at mga pinahahalagahan. Ang mga pilosopiya nila sa buhay, ang kanilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng mga ito ay galing kay Satanas. Kaya, ang lahat ng dumadaloy sa mga buto at dugo ng mga tao ay mga bagay na kay Satanas. Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang tao, at ang kanyang kalikasan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at makikita na ang likas na pagkatao ng tao ay tiwali, masama, at radikal, puno ng mga pilosopiya ni Satanas at nakalubog dito—ito’y isang likas na pagkatao na lubos na nagtataksil sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nilalabanan at kinokontra ng mga tao ang Diyos. Kung nais mong hangarin ang isang pagbabago sa iyong disposisyon, dapat mo munang alamin ang iyong kalikasan.

2 Ano ba ang tinutukoy na pagbabago sa disposisyon? Nangyayari ito kapag ang isang mangingibig ng katotohanan, habang dinaranas ang gawa ng Diyos, ay tumatanggap ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos at sumasailalim sa lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino. Ang gayong tao ay nililinis mula sa mala-satanas na mga lason sa loob at lubusang nakakawala sa kanyang tiwaling disposisyon, kaya nasusunod niya ang mga salita ng Diyos at ang lahat ng Kanyang mga plano at pagsasaayos, upang hindi na kailanman muling maghimagsik laban sa Kanya o labanan Siya. Ito ay isang pagbabago sa disposisyon. Ang isang pagbabago sa disposisyon ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagka’t iniibig niya at matatanggap ang katotohanan, sa wakas ay nakakarating sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin na lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang katiwalian ng tao ay napakalalim at nakikilala ang kabalintunaan at pagiging-mapanlinlang ng tao. Nakikilala niya ang kasalatan at pagiging kahabag-habag ng tao, at nauunawaan sa wakas ang kalikasan at diwa ng tao. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, matatanggihan niya at matatalikuran ang kanyang sarili nang lubos, nakakapamuhay ayon sa salita ng Diyos, at naisasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Ito ay isa na nakakakilala sa Diyos; ito ay isa na nabago na ang disposisyon.

Hango sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinundan:Tanging Yaong Mga May Katotohanan ang Makakapagsabuhay ng Isang Tunay na Buhay

Sumunod:Nakakamit ng Diyos sa Huli Yaong Mga Nagtataglay ng Katotohanan

Baka Gusto Mo Rin