Tanong 2: Bakit kailangang maging tao ang Diyos para magawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Sa Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos si Moises para gawin ang Kanyang gawain, kaya bakit hindi maaaring gamitin ng Diyos ang tao upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?

Sagot: Kung bakit kailangang maging tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw ay tanong na ikinababahala ng maraming nauuhaw sa katotohanan at naghahanap sa pagpapakita ng Diyos. Ito rin ay tanong na may kaugnayan sa kung tayo ba ay dadalhin sa kaharian ng langit. Kaya, napakahalaga na maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan. Bakit kaya dapat magkatawang-tao Mismo ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na gamitin ang tao para gawin ang Kanyang gawain? Ito ay pinagpapasiyahan ayon sa katangian ng gawain ng paghatol. Dahil ang gawain ng paghatol ay ang pagpapahayag ng Diyos sa katotohanan at pagpapahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon upang lupigin, madalisay, at mailigtas ang sangkatauhan. Basahin natin ang isang talata mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, walang pag-aalinlangan na magpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, gagamitin ng Cristo ng mga huling araw ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kinabibilangan ng pagpapahayag ng maraming aspeto ng katotohanan, pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, pagbubunyag ng lahat ng hiwaga, paghatol sa mala-satanas na katangian ng tao na pagkalaban sa Diyos at pagtataksil sa Diyos, paglalantad at pagsusuri sa pananalita at kilos ng tao, at pagbubunyag ng banal at matuwid na diwa at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos sa buong sangkatauhan. Kapag ang pinili ng Diyos ay dumaranas ng paghatol sa mga salita ng Diyos, ito ay parang kaharap nila ang Diyos, nalalantad at hinahatulan Niya. Kapag hinahatulan ng Diyos ang tao, dapat Niyang itulot na makita nila ang pagpapatunay ng Kanyang matuwid na disposisyon, na para bang nakikita ang banal na diwa ng Diyos, na parang nakikita ang malaking liwanag na nakatutok mula sa kalangitan, at ang makita ang salita ng Diyos ay tulad ng isang espadang magkabila ang talim na nakatarak sa puso at espiritu ng tao, na sanhi ng pagdanas ng tao ng di maipaliwanag na pagpapahirap. Sa paraang ito lamang makikilala ng tao ang kanyang sariling tiwaling diwa at ang katotohanan ng kanyang katiwalian, makadarama ng matinding pagkapahiya, itatago ang kanyang mukha sa kahihiyan, at magpapatirapa sa harap ng Diyos sa tunay na pagsisisi, at sa gayon magagawa niyang tanggapin ang katotohanan at mamumuhay ayon sa salita ng Diyos, lubusang aalisin sa kanyang sarili ang impluwensya ni Satanas, at maliligtas at gagawing perpekto ng Diyos. Ang gawaing tulad ng paghatol, pagdadalisay, at pagliligtas ng tao ay magagawa lamang ng Diyos na nagkatawang-tao mismo.

Sa pagdanas ng paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama nating lahat kung paanong ang kabanalan at matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nasasaktan ng mga tao. Bawat titik ng salita ng Diyos ay nagtataglay ng karingalan at poot, bawat salita ay tumatama sa kaibuturan ng ating puso, lubusang inilalantad ang ating mala-satanas na kalikasan na pagkalaban at pagtataksil sa Diyos, gayundin ang mga elemento ng tiwaling disposisyon na nakabaon sa kaibuturan ng ating mga puso kaya’t tayo mismo ay hindi makita ang mga ito, tinutulutan tayong makilala kung paanong ang ating kalikasan at diwa ay puno ng pagmamataas, pagmamalinis, kasakiman, at panlilinlang, paano tayo namumuhay ayon sa mga bagay na ito, gaya ng mga buhay na diyablong gumagala sa mundo, hindi nagtataglay ng kahit kaunting bahid ng pagkatao. Ang Diyos ay namumuhi at nasusuklam dito. Napapahiya tayo at puno ng panghihinayang. Nakikita natin ang sarili nating kababaan at kasamaan at nalalaman na hindi tayo marapat na mabuhay sa harap ng Diyos, kaya’t nagpapatirapa tayo sa lupa, handang tanggapin ang kaligtasan ng Diyos. Sa pagdanas ng paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, tunay na nasasaksihan natin ang pagpapakita ng Diyos. Nakikita natin na ang kabanalan ng Diyos ay hindi nadudumihan at ang Kanyang pagkamatuwid ay hindi nasasaktan. Kinikilala natin ang pinakamarubdob na mga hangarin at tunay na pag-ibig kung saan sinisikap ng Diyos na iligtas ang tao at nakikita ang katotohanan at diwa ng ating katiwalian sa mga kamay ni Satanas. Kaya’t sa ating mga puso, nagsisimula tayong makadama ng paggalang sa Diyos at maligayang tinatanggap ang katotohanan at sinusunod ang mga plano ng Diyos para sa atin. Sa ganitong paraan, ang ating tiwaling disposisyon ay dahan-dahang dinadalisay. Ang mga pagbabagong nakamit natin ngayon ay bunga ng pagkakatawang-tao ng Diyos para magawa ang gawain ng paghatol. Kaya’t makikita mo, na tanging kapag ipinapahayag ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang katotohanan, ipinapahayag ang matuwid na disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano Siya upang magawa ang gawain ng paghatol, noon lamang nakikita ng tao ang pagpapakita ng tunay na liwanag, ang pagpapakita ng Diyos, at nagsisimulang magkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Tanging sa ganitong paraan madadalisay at maliligtas ang tao. Bukod kay Cristo, walang tao ang makagagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Basahin natin ang isa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang sinumang higit na angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. … Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang di pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang karapat-dapat, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at pagiging matuwid, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi nababagay na hatulan ang iba(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Dahil mismo sa paghatol na ito kaya ninyo nagawang makita na ang Diyos ay ang matuwid na Diyos, at na ang Diyos ay ang banal na Diyos; dahil mismo sa Kanyang kabanalan at Kanyang katuwiran kaya Niya kayo hinahatulan at pinapakawalan Niya ang Kanyang poot sa inyo. Dahil naibubunyag Niya ang Kanyang matuwid na disposisyon kapag nakikita Niya ang pagkasuwail ng tao, at dahil naibubunyag Niya ang Kanyang kabanalan kapag nakikita Niya ang karumihan ng tao, sapat na ito upang ipakita na Siya ang Diyos Mismo, na banal at malinis, ngunit nabubuhay sa lupain ng karumihan. Kung nagtatampisaw ang isang tao sa putikan na kasama ng iba, at walang anumang banal tungkol sa kanya, at wala siyang matuwid na disposisyon, wala siyang karapatang hatulan ang kasamaan ng tao, ni hindi siya akmang magsagawa ng paghatol sa tao. Kung hahatulan ng isang tao ang iba, hindi ba parang sinasampal nila ang sarili nilang mukha? Paano magiging karapat-dapat ang mga taong pare-parehong marumi na hatulan yaong mga kagaya nila? Tanging ang banal na Diyos Mismo ang nagagawang hatulan ang buong sangkatauhang marumi. Paano mahahatulan ng tao ang mga kasalanan ng tao? Paano makikita ng tao ang mga kasalanan ng tao, at paano magiging karapat-dapat ang tao na isumpa ang mga kasalanang ito? Kung hindi karapat-dapat ang Diyos na hatulan ang mga kasalanan ng tao, paano Siya magiging matuwid na Diyos Mismo? Kapag ibinubunyag ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, nangungusap ang Diyos upang hatulan ang mga tao, at saka lamang nakikita ng mga tao na Siya ay banal(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig).

Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos malinaw nating nakikita na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang isagawa sa pagpapahayag ng katotohanan, ng disposisyon ng Diyos, at pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos upang lupigin, madalisay, at magawang perpekto ang tao. Nagpapakita ang Diyos Mismo upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang gawaing ito ay tanda ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isa pa. Ang gawaing ito ay dapat isagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, walang taong makagagawa ng gawaing ito sa Kanyang ngalan. Bakit kaya marami ang naniniwala na dapat gamitin ng Diyos ang mga tao upang gawin ang lahat ng Kanyang gawain, sa halip na magkatawang-tao upang gawin Niya Mismo ang gawain? Hindi ito kapani-paniwala! Talaga bang tanggap ng sangkatauhan ang pagdating ng Diyos? Bakit kaya palaging maraming tao ang nagnanais na gamitin ng Diyos ang mga tao para gawin ang Kanyang gawain? Ito ay dahil sa ang mga tao ay gumagawa ayon sa kanilang mga pagkaintindi, ginagawa nila ang bagay ayon sa naiisip ng mga tao na dapat na pagsasagawa nito, kaya madali para sa mga taong sambahin ang ibang tao, iangat sila sa pedestal at sundin sila, ngunit ang paraan ng paggawa ng Diyos ay hindi kailanman ayon sa pagkaintindi ng tao, hindi Niya ginagawa ang mga bagay ayon sa iniisip ng tao na paraan ng paggawa nito. Kaya’t ang tao ay nahihirapang tumugma sa Diyos. Ang diwa ng Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid at hindi nasasaktan. Gayunman ang taong tiwali ay lubusang ginawang tiwali ni Satanas, at puno ng disposisyong mala-satanas, at nahihirapan silang maging tugma sa Diyos. Kaya’t nahihirapan ang tao na tanggapin ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos at hindi handang pag-aralan at imbestigahan, sa halip ay sinasamba ang tao at bulag sa pananampalataya sa kanyang gawain, tinatanggap at sinusunod ito na para bang ito ay gawain ng Diyos. Ano ang problema dito? Masasabi mong, walang kaalam-alam ang sangkatauhan kung ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Diyos at danasin ang Kanyang gawain, kaya’t, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay dapat nakapaloob sa pagpapahayag ng katotohanan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao upang malutas ang lahat ng mga problema ng tiwaling sangkatauhan. Tungkol naman sa tanong ninyo kung bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan pa ba itong sagutin? Ang diwa ng tao ay tao, ang tao ay hindi nagtataglay ng banal na diwa, kaya’t hindi kaya ng tao na ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at hindi magagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Kahit hindi na banggitin, ang mga tao ay ginawang tiwali lahat ni Satanas, at likas na makasalanan, kaya’t ano ang kwalipikasyon nila para hatulan ang iba pang tao? Yamang ang marumi at tiwaling tao ay walang kakayahang dalisayin at iligtas ang kanyang sarili, paano niya aasahan na madadalisay at maililigtas niya ang iba? Ang gayong mga tao ay mapapahiya lamang kapag hindi handa ang iba na tanggapin ang kanilang paghatol. Ang Diyos lamang ang matuwid at banal, at ang Diyos lamang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Kaya’t ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang maisagawa sa pamamagitan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Walang taong makagagawa ng gayong gawain, iyan ang katotohanan. Hindi pa rin ba natin ito maunawaan?

Ngayon, bakit ginamit ng Diyos ang tao upang gawin ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan? Ito ay dahil sa ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ang paghatol ng mga huling araw ay sadyang magkaiba. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao ang bagong silang na lahi ng tao, sila ay hindi pa masyadong nagawang tiwali ni Satanas. Ang gawain ng Diyos na Jehova ay kinapalooban noon ng pagpapanukala ng mga batas at kautusan upang magsilbing gabay sa sinaunang tao kung paano mamuhay sa lupa. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi para baguhin ang disposisyon ng tao, hindi nito kinailangan ang pagpapahayag ng mas maraming katotohanan. Kinailangan lamang gamitin ng Diyos ang tao para ipahatid ang itinakda Niyang mga batas sa mga Israelita, para malaman ng mga Israelita kung paano susunod sa mga batas, sambahin si Jehova, at mamuhay nang normal sa lupa. Sa paggawa nito, ang yugtong iyon ng gawain ay nakumpleto. Kaya’t, maaaring gamitin ng Diyos si Moises upang makumpleto ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi Siya kinailangang magkatawang-tao upang personal na isagawa ang gawain. Kung ihahambing, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay para iligtas ang sangkatauhan, na lubhang ginawang tiwali ni Satanas. Ang pagpapalabas ng ilang talata ng salita ng Diyos at pagpoproklama ng ilang batas ay hindi sapat sa kasong ito. Napakaraming katotohanan ang kailangang maipahayag. Ang likas na disposisyon ng Diyos, lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay kailangang maipahayag nang lubusan, ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay kailangang mabuksan para sa lahat ng tao, na para bang ibubunyag ng Diyos ang Kanyang Sarili nang harapan sa sangkatauhan, tinutulutan ang tao na maunawaan ang katotohanan at makilala ang Diyos, at sa paggawa nito, lubusan Niyang dinadalisay, inililigtas at ginagawang perpekto ang sangkatauhan. Kailangan itong gawin ng Diyos Mismo sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, walang taong makakagawa nito sa Kanyang ngalan. Maaaring gamitin ng Diyos ang mga propeta upang ilabas ang ilang talata ng Kanyang salita, ngunit hindi pinapayagan ng Diyos ang mga propeta na ipahayag ang likas na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, o ipahayag ang buong katotohanan, dahil ang tao ay hindi karapat-dapat na gawin ito. Kung ginamit ng Diyos ang tao upang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang disposisyon at katotohanan, malamang na ipahiya nila ang Diyos, dahil ang tao ay may tiwaling disposisyon, nanganganib na pagtaksilan niya ang kanyang sariling mga pagkaintindi at guni-guni, mayroong mga karumihan sa kanyang gawa, na madaling magpapahiya sa Diyos at iimpluwensya sa kabuuan ng pagkaepektibo ng gawain ng Diyos. Gayundin, malamang na kunin ng tao ang lahat ng mayroon siya at hangarin ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, taglay ang mga karumihan sa kanyang gawain para sa katotohanan. Ito ay humahantong sa maling pagkaunawa at pagkapahiya ng Diyos. At, kung gagamitin ng Diyos ang tao upang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang disposisyon at katotohanan, dahil sa mga karumihan ng tao, ang mga tao ay hindi magiging handang tumanggap at baka kalabanin pa ito. Sa gayon si Satanas ay maghahanap ng kamalian at gagawa ng mga pagpaparatang, pag-aalabin ang apoy ng kawalan ng kasiyahan ng tao sa Diyos, susulsulan ang mga pag-aalsa, at susulsulan silang bumuo ng sarili nilang malayang kaharian. Ito ang kahihinatnan ng paggawa ng tao sa gawain ng Diyos. Lalo na sa kaso ng pagliligtas ng Diyos sa labis na tiwaling tao sa mga huling araw, ang mga tao ay hindi madaling tumanggap at sumunod sa gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya’t kung ginamit ng Diyos ang mga tao para gawin ang gawaing ito, ang mga tao ay malamang na hindi tumanggap at sumunod. Hindi ba’t katotohanan ang mga ito? Tingnan ang mga elder at mga pastor ng relihiyosong daigdig, ang pagkalaban at pagkondena ba nila sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay kaiba sa paraan ng pagkalaban noon ng mga punong saserdoteng Judio at ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus? Ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan ay hindi madali. Kailangan nating maunawaan kung paano nag-iisip ang Diyos!

Sa isang banda, ang gawain ng paghatol ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ang hatulan, dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, sa kabilang banda, at higit na mahalaga, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan at pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at ng lahat ng mayroon at kung ano Siya upang matulutan ang sangkatauhan na tunay na malaman at maunawaan ang Diyos, at makita ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Basahin natin ang ilang talata mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos.

Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng mga itataguyod na layunin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa tunay na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Matatamo lamang ang dalawang ito ng katawang-tao ng Diyos, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at tunay na katawan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao, at kung bakit ito kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil hinihinging makilala ng mga tao ang Diyos, kailangang maiwaksi sa kanilang mga puso ang mga larawan ng malabo at higit-sa-karaniwang mga Diyos, at dahil hinihinging alisin nila ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung gagawin lamang ng tao ang gawain para maiwaksi mula sa puso ng mga tao ang mga larawan ng malalabong Diyos, mabibigo siyang makamit ang wastong bisa. Hindi mailalantad, maitatakwil, o ganap na mapapaalis ng mga salita lamang ang mga larawan ng malalabong Diyos sa puso ng mga tao. Sa huli, hindi pa rin posibleng iwaksi sa paggawa nito ang mga bagay na malalim na nakaugat sa mga tao. Makakamit lamang ang angkop na bisa kapag napalitan ng praktikal na Diyos at ng tunay na larawan ng Diyos ang malalabo at di-pangkaraniwang mga bagay na ito, at mahikayat ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito. … Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang ibang makakagawa ng gawaing ito sa ngalan Niya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang realidad at pagiging normal ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos nang higit na praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang higit na malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa tao at ganap na ipakikita ang Kanyang larawan at pagiging Diyos. Hindi makakamtan ang bisang ito ng sinumang tao na nilikha sa laman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Sadyang wala namang laman ang mga ginuguni-guni ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Ang pagdating ng Diyos sa katawang-tao ay pangunahin upang bigyang-daan ang mga tao na makita ang tunay na mga gawa ng Diyos, upang magbigay ng hugis ng katawang-tao sa walang hugis na Espiritu, at upang tulutan ang mga tao na makita at mahipo Siya. Sa ganitong paraan, yaong mga ginagawa Niyang ganap ay isasabuhay Siya, makakamit Niya, at magiging kaayon ng Kanyang puso. Kung sa langit lamang nagsalita ang Diyos at hindi aktwal na pumarito sa lupa, hindi pa rin makakaya ng mga tao na makilala ang Diyos; maipangangaral lamang nila ang mga gawa ng Diyos gamit ang hungkag na teorya at hindi tataglayin ang mga salita ng Diyos bilang realidad. Pumarito ang Diyos sa lupa pangunahin upang magsilbing isang halimbawa at huwaran para sa yaong mga kakamtin Niya; sa ganito lamang talagang makikilala ng mga tao ang Diyos, mahihipo ang Diyos, at makikita Siya, at saka lamang sila tunay na makakamit ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo).

Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Lalo na, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawaing pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya nang lubusan ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos Niya ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at inaakay Niya ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Ang gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ay talagang makahulugan. Ang Diyos ay nagkatawang-tao sa lupa sa mga huling araw, namumuhay na kasama ng mga tao at nagpapahayag ng Kanyang salita sa sangkatauhan, ipinapahayag ang sariling disposisyon ng Diyos at ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos sa madla. Kung sino ang mahal ng Diyos at sino ang kinapopootan ng Diyos, kanino nakatuon ang galit ng Diyos, sino ang pinaparusahan Niya, ang Kanyang tunay na damdamin, Kanyang mga kahilingan sa mga tao, Kanyang layon para sa mga tao, ang ulirang pananaw ng tao sa buhay, mga pinahahalagahan, atbp. Ipinapaalam Niya ang lahat ng ito sa sangkatauhan, Tinutulutan ang tao na magkaroon ng malinaw na mga mithiin sa buhay upang hindi sila kailangang magbakasakali sa malabong paghahangad ng relihiyon. Ang pagpapakita ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay lubusang nagwakas sa kapanahunan kung kailan “tanging ang likod ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan,” at nagbigay wakas sa kapanahunan ng paniniwala ng tao sa malabong Diyos. Lahat ng nakaranas sa salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay may iisang pagkaunawa: Kahit na dumaan tayo sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, tiniis ang lahat ng uri ng pagsubok at pagpipino, at lubhang pinahirapan ng brutal, mabagsik na paghahanap at pang-uusig ng Komunistang Gobyerno ng Tsina, nakita natin ang matuwid ng disposisyon ng Diyos na dumating sa atin, nakita natin ang kamaharlikahan at poot ng Diyos at ang Kanyang pagkamakapangyarihan at karunungan, nakita natin ang pagpapatunay ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, na para bang nakita natin ang Diyos Mismo. Kahit na hindi natin nakita ang espirituwal na katawan ng Diyos, ang likas na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang pagkamakapangyarihan at karunungan, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya, ay ibinunyag sa atin sa kabuuan, na para bang dumating sa atin ang Diyos, nang harapan, tinutulutan tayong tunay na makilala ang Diyos at magkaroon ng pusong may takot sa Diyos para masunod natin anuman ang mga plano ng Diyos para sa atin hanggang kamatayan. Nadarama nating lahat na sa salita at gawain ng Diyos ay nakikita at nakikilala natin ang Diyos sa praktikal at tunay na paraan, at lubusang inalis ang lahat ng mga pagkakaintindi at ilusyon at naging mga tunay na nakakakilala sa Diyos. Noon, inisip natin ang disposisyon ng Diyos bilang mapagmahal at maawain, naniniwalang patuloy na patatawarin ng Diyos ang mga kasalanan ng tao. Ngunit matapos dumaan sa paghatol ng salita ng Makapangyarihang Diyos, talagang naunawaan natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lamang maawain at mapagmahal, ito rin ay, matuwid, maharlika, at puno ng poot. Ang sinumang magkakasala sa Kanyang disposisyon ay parurusahan. Sa gayon, maaari nating igalang ang Diyos, tanggapin ang katotohanan at mamuhay ayon sa salita ng Diyos. Sa pagdanas ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tunay at praktikal na naunawaan nating lahat na ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid, at hindi nasasaktan, naranasan ang habag at pag-ibig ng Diyos, tunay na napahahalagahan ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos, nakilala kung paano ibinaba ng Diyos ang Kanyang Sarili nang lihim, nalaman ang Kanyang marubdob na mga balakin, maraming kaibig-ibig na mga katangian, ang Kanyang tunay na damdamin, Kanyang katapatan, Kanyang kariktan at kabutihan, ang Kanyang awtoridad, soberanya, at ang Kanyang pagsusuri sa lahat, atbp. Lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay lumitaw sa ating harapan, na para bang nakikita natin ang Diyos Mismo, tinutulutan tayong makilala ang Diyos nang harapan. Hindi na tayo naniniwala at sumusunod sa Diyos batay sa ating mga pagkaintindi at ilusyon, kundi nakadarama ng tunay na paggalang at pagsamba sa Diyos, at tunay na sumusunod at umaasa sa Diyos. Talagang natanto natin na kung hindi personal na nagkatawang-tao ang Diyos upang ipahayag ang katotohanan at hatulan ang tao, hindi natin kailanman makikilala ang Diyos, at hindi makakayang alisin sa ating sarili ang kasalanan at magkamit ng pagdadalisay. Kaya kahit paano pa itong tingnan, Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay kailangang gawin Mismo ng Diyos na nagkatawang-tao, walang makagagawa nito sa Kanyang ngalan. Ayon sa mga pagkaintindi at ilusyon ng tao, kung gagamitin ng Diyos ang tao para gawin ang gawain ang paghatol sa mga huling araw, hindi Niya magagawang kamtin ang minimithing epekto.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan

Sinundan: Tanong 1: Sa mga taon ng pananampalataya ko, kahit alam kong ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, Hindi ko naintindihan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao. Kung ang pagpapakita ng Panginoon sa ikalawang pagdating ay katulad ng kung paano nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus bilang ang Anak ng tao para gawin ang Kanyang gawain, hindi natin makikilala ang Panginoong Jesus, hindi tayo makakasalubong sa pagdating ng Panginoon. Naniniwala ako na ang pagkakatawang-tao ay malaking hiwaga. Iilan lamang ang tunay na nakauunawa sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Pag-usapan natin ang bagay na ito, kung ano nga ba ang pagkakatawang-tao.

Sumunod: Tanong 3: Sinasabi ninyong si Cristo ang katotohanan, ang landas, at ang buhay. Ito ang patotoo ng Banal na Espiritu at hindi ito mapag-aalinlanganan. Ngunit nakatala rin sa Biblia ang mga salita ng ilang dakilang espirituwal na mga eksperto at mga apostol ng Panginoong Jesus. Ang mga pagpapahayag ba nila ay maituturing na salita ng Diyos? Kung ang sinasabi nila ay tunay na maituturing na salita ng Diyos, kung gayon hindi ba sila rin ang katotohanan, ang landas, at ang buhay? Ang masasabi ko lang, walang pagkakaiba sa pagitan ng kanilang mga salita at sa mga salita ng Panginoong Jesus, lahat ay itinuturing na salita ng Diyos. Bakit hindi itinuturing ang mga ito bilang katotohanan, ang daan, at ang buhay?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito