Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

292 Sino ang Maaaring Magmalasakit sa Kalooban ng Diyos?

1 Ang mga tao ay nakaranas ng Aking pagkagiliw, matapat silang nagsilbi sa Akin, at taos-pusong sumunod sa Akin, ginagawa nila ang lahat para sa Akin sa Aking presensya. Nguni’t hindi magagawang maabot ng mga tao ngayon ang ganitong kalagayan, at maaaring magdalamhati na lamang sila sa kanilang mga espiritu na parang inagaw ng isang matakaw na lobo. Makakatingin lamang sila sa Akin na walang magawa, walang-tigil silang sumisigaw para sa Aking tulong, nguni’t sa katapusan, hindi nila natatakasan ang kanilang kinasasadlakan.

2 Naaalala Ko kung paano nangako ang mga tao noon sa Aking presensya, nanunumpa sa langit at lupa sa Aking presensya upang bayaran ang Aking kagandahang-loob ng kanilang pagmamahal. Umiiyak silang may kalungkutan sa Aking harapan, at ang tunog ng mga iyak nila ay nakakasakit ng damdamin at mahirap na tiisin. Madalas Kong tulungan ang sangkatauhan dahil sa tibay ng kanilang kapasyahan. Sa hindi-mabilang na mga pagkakataon, nakakarating ang mga tao sa Aking harapan upang magpasakop sa Akin, sa isang kaibig-ibig na paraang mahirap kalimutan. Sa hindi-mabilang na mga pagkakataon ay minamahal nila Ako nang may matibay na katapatan, at kahanga-hanga ang kanilang taos-pusong damdamin.

3 Sa hindi-mabilang na mga pagkakataon, minamahal nila Ako hanggang sa punto na inilalagay nila sa panganib ang kanilang mismong mga buhay, iniibig nila Ako nang higit pa sa kanilang mga sarili, at tinatanggap Ko ang kanilang pag-ibig dahil nakikita Ko ang kanilang katapatan. Sa hindi-mabilang na mga pagkakataon, iniaalay nila ang kanilang mga sarili sa Aking presensya, hindi sila nababahala sa harap ng kamatayan para sa Akin, at inaalis Ko ang pag-aalala sa kanilang mga mukha, at maingat Kong iniintindi ang kanilang mga kalagayan. May mga hindi-mabilang na pagkakataon na iniibig Ko sila na tulad ng sarili Kong kayamanan, at mayroon ding hindi-mabilang na mga pagkakataon na kinamumuhian Ko sila bilang sarili Kong kalaban. Gayunpaman, hindi pa rin maaarok ng tao kung ano ang nasa Aking isipan.

4 Kapag nalulungkot ang mga tao, dumarating Ako upang aliwin sila, at kapag mahina sila, dumarating Ako upang tulungan sila. Binibigyan Ko sila ng direksyon kapag nawawala sila. Kapag sila’y umiiyak, pinupunasan Ko ang kanilang mga luha. Gayunman, kapag nalulungkot Ako, sino ang makaaaliw sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga puso? Kapag nag-aalala Ako nang labis, sino ang nagsasaalang-alang sa Aking mga damdamin? Kapag nalulungkot Ako, sino ang makakapawi sa sakit na nararamdaman Ko? Kapag kailangan Ko ang isang tao, sino ang kusang mag-aalok upang makipagtulungan sa Akin? Maaari bang ang nakaraan nilang saloobin sa Akin ay nawala na ngayon at hindi na magbabalik kailanman? Bakit wala nang natira kahit kaunti sa kanilang mga alaala? Paanong nakalimutan na ng mga tao ang lahat ng bagay na ito? Hindi kaya lahat ng ito’y dahil ang sangkatauhan ay nagawang tiwali na ng kanilang kaaway?

Hango sa “Kabanata 27” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Pagtataas ng Diyos sa mga Inapo ni Moab

Sumunod:Yaong mga Nasa Kadiliman ay Dapat Magbangon

Baka Gusto Mo Rin